Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 6


wyrdaest>>

KABANATA 6

Jealous

KINABUKASAN AY NAGISING si Alleyah ng makaramdam na mayroong nakamasid sakaniya. Iminulat niya ang mga pangin at sinasanay sa maliwanag na paligid. Nanlaki ang mga mata ng mapagtantong hindi niya iyon silid.

"Shit!"

Agad siyang napabagon sa pagkakahiga ng makarinig ng singhal sa may bandang pinto. Nagawi ang tingin niya roon at nakita si Dale na bagong paligo habang nakahalukipkip na nakasandal roon. Nakasuot ito ng black jersey short at puting v-neck shirt. Napakaaliwalas at napakabango nito kung pagmamasdan.

Ang gwapo.

Teka! Namula si Alleyah at umiwas ng tingin dito. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito gayo'ng nakita siya nitong natulog sa sarili nitong silid. Baka nga asarin siya nito na gagawa gawa siya ng batas tungkol sa privacy tapos siya pala ang unang lalabag no'n.

"Good morning." May bahid na pang-aasar at mangha. Huh?

Nagawi muli ang tingin niya dito. Nakaupo lamang siya sa kama nito at namumula ang pisngi. Hindi niya nga alam kung ano ang itsura niya ngayon. Siguradong napakapangit niya. Hinawakan niya ang kumot na siyang tumatakip sa kalahati ng katawan.

"G-Good morning."

"You speak three executive english words, honey. I better give you the punishment." Saad nito at naglakad sa pwesto niya.

Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso dahil sa sinabi nito. Hindi niya pa nakakalimutan ang nangyaring halikan kahapon. Namumulang napaatras siya sa kama ng makalapit ito sakaniya. Dale is just to much for her. Mayroon itong aura na talagang napakalakas at hindi niya makaya.

"B-Bakit ikaw pwedeng mag-english. S-Samantalang ako-" hindi niya maituloy ang nais sabihin dahil talagang naiilang siya kapag sinasabi iyon. Mas lalong tumaas ang temperatura sa kaniyang pisngi maging sa tainga at leeg.

Naupo si Dale sa gilid ng kama. Mayroon pa ring malaking espasyo sa pagitan nila.

"Then do the punishment to me too. I'll gladly accept it." Mapaglaro nitong saad at nakapaskil ang pilyong ngiti sa mukha ito. Mukhang nag-eenjoy itong makita siyang naiilang at namumula.

Napakapit si Alleyah sa kumot ng muling umabante si Dale sa pwesto niya. Gustuhin niya mang umatras pang muli ay hindi na niya magawa dahil talagang sumiksik na siya halos sa headboard ng kama. Kulang na lang ay maging parte na din siya no'n. Napasinghap si Allleyah ng muling umabante si Dale.

"U-Umatras ka nga." pagsusungit niya sana ngunit mukhang pagkatakot ang kinalabasan noon.

"No-oh." mapaglarong saad ni Dale at umiling pa. Maya maya ay kumilos ang kamay nito at inabot siya sa may beywang. Hindi pa rin maawat ang bilis ng tibok ng puso niya, sa katunayan mas dumudoble pa nga kapag ganoon sila kalapit ng binata.

Lumikot ang mga itim na mata ni Dale sa mukha ni Alleyah. There's a glimpse of amusement in his eyes while he let his eyes explore her pretty heart shape face. Alam ni Alleyah na hindi maawat ang pamumula ng pisngi at kilig na nadarama niya dahil sa klase ng titig na iginagawad ni Dale sa mukha niya. Nagawi ang tingin ni Dale sa namumula niyang mga labi.

Hindi mapigilang kagatin ni Alleyah ang ibabang labi dahil roon ay inilapit lalo ni Dale ang katawan ng dalaga rito. Mas lalong umitim ang mga mata nito at waring nagpipigil. His jaw clenched as he is looking to her bited lips.

"You know how to tease a man are you?" Mababang tonong tanong ni Dale at nag-angat ng tingin. Mayroong bahid ng pagnanasa at paghanga sa mga kislap ng itim nitong mga mata. Bakit ba napakagwapo ng nilalang na ito. Kahit minsa'y malamig ang pakikitungo nito sakaniya ay hindi talaga maitago no'n ang angking kagwapuhan ng kaharap.

Biglang nag-init ang buong katawan ni Alleyah dahil sa tono ng boses ng binata. Damn, that's hot.

Inilapat ni Alleyah ang mga palad sa dibdib ni Dale ng gumalaw ang kamay ng binata sakaniyang beywang. Pigil ang hininga. Unti unting bumaba ang mukha ni Dale sakaniyang mukha. Parehong tumatama ang kanilang hininga sa isa't-isa. Anticipate was eating her. Bakit ganoon, dapat ay hindi niya hinahayaan ang binata na gawin nito ang mga iyon sakaniya dahil hindi nito sakop ang mga ganoong gawain upang bantayan siya but why does her other side disagree. Sa katunayan, mas gusto niya nga ang mga ginagawa nito. At iba ang pintig ng kaniyang puso.

Waring halos lahat ng gawin ng lalaki ay napupuna niya at lihim niyang hinahangaan talaga. Naappreciate niya ang mga munti nitong ginagawa lalo na ang aking gandang lalaki nito.

Kusang naipikit ni Alleyah ang mata at muling hinayaan si Dale sa nais. Konting panahon lamang ang kanilang pagsasama. Kaya't habang naroroon gusto niyang gawin ang mga bagay ng walang iniisip na mga bakit. Kahit sa ganoon kaikling oras lamang na magkasama sila, pagbibigyan niya ang sarili sa kung anong nais na walang dumidikta at pumupuna sakaniya.

Akmang magdidikit na ang kanilang mga labi ng makarinig ng matinis na sigaw sa labas ng bahay.

"Tao po!" sigaw ng nasa may labas.

Nagmulat ng tingin si Alleyah at agad nakasalubong ang mga malalim na mga mata ni Dale. Mababakas ang pagkairita sa mga mata nito dahil sa may umeksena. Napakasakto. Namumulang lumayo si Alleyah rito.

"M-May tao." ani ni Alleyah at kemeng inayos ang buhok at suot.

Dale took a deep breath then stand up. He cleared his throat. "I'll check who is it." mababang saad nito saka lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Dale ay rumehistro ang pagkahiya sa mukha ni Alleyah sa muntik nanaman sanang maganap. Sinabunutan niya ang buhok at pasimpleng sininghalan ang sarili.

"What are you doing, Lea?!" mahina niyang puna sa sarili.

Mahabang diskusyon ang ginawa sa sarili bago nagpasya si Alleyah na ayusin ang pinaghigaan at lumabas ng kwarto. Nakarinig siya ng tawa ng isang babae sa may kusina. Kumunot ang kaniyang noo. Sino nga ba ang bisita nila?

Naglakad siya papuntang kusina naroon ang babae nakasuot ng maikling jean shorts at maroon sleeveless top. May mga kolorete nanaman ito sa mukha at nakapony tail ang buhok. Agad nairita si Alleyah ng makilala ito.

Alleyah cleared her throat to get their attention. She didn't failed because the two face her. Napaayos ng tayo si Honey. Ang bruha mukhang gustong ipakita ang cleavage sa asawa. Mas lalong nairita si Alleyah dito.

"Lea ikaw pala." napakaarte nitong saad at ngumiti na mayroong pinagpapahiwatig.

Hindi gusto ni Lea ang klase ng ngiting iyon. May kung ano itong binabalak.

"Oo ako nga. Bakit ka nga pala nandirito ng sobrang aga?" Pagsusungit niya. Sa katunayan, alas diyes na ng umaga kaya't hindi na rin ganoon kaaga.

Naglakad siya sa may lababo at kumuha ng baso saka nagsalin ng maiinom sa may ref. Nasa gilid naman si Dale across him was Honey. Napansin niya ang bilao sa may lamesa.

Agaran namang napansin ni Dale na tinitignan ni Alleyah iyon kaya't ito na ang nagsalita.

"Nagdala si Honey ng bibingka." anito.

Ngumiting muli si Honey. "Ah oo, nadaan kasi ako kay Aling Nena diyaan sa kabilang kalsada e nagpasobra ako ng gawa ng bibingka kaya't idinaan ko na rito. Bilang pagwelcome na rin sainyo dito sa'min." Paliwanag nito at muling tumingin kay Dale na ngumiti rito. Ngumiti rin ang bruha.

Naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa ngiting iyon ng binata. She didn't know that he smile like that. Mas sanay siyang nakikita itong may pekeng nakapaskil na ngiti sa mga labi nito kapag mayroong ibang kausap. You flirt!

"Salamat sa bibingka." pagpapasalamat niya upang maputol ang tinginan at palitang ng ngiti ng dalawa. Ang loko mukhang enjoy na enjoy sa babae.

Tumingin muli sa gawi niya si Honey. "Walang anuman, Lea." anito.

Muli nanaman itong humarap kay Dale at nakipagkwentuhan. Aba wala atang balak umalis. Mas lalong nawala sa mood si Alleyah dahil talagang kinausap pa ng loko ang babae. Nice. Alam niyang hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa dalawa na patuloy na nag-uusap at mukhang hindi siya balak pansinin. Nakita niya rin kung paano pasimpleng humahawak sa braso ni Dale si Honey kapag tumatawa ito.

Napakalandi!

Padabog siyang humarap sa lababo at sinimulang hugasan ang basong ginamit saka humarap sa mga ito. Ganoon pa rin ang ayos ng dalawa. Alleyah crossed her arms while looking at Honey. One of her eyebrow raised and plastered a bitch face.

Wala namang maganda rito. We'll some parts but not at all! Mayroon itong hinaharap but Alleyah had twice her boobs. Maputi rin ito pero mas maputi siya. May bahid na makeup ang babae na talagang nag-emphasize ng mga features nito but Alleyah is better. Mas magaling ang epekto ng makeup sakaniya. Everyone won't recognize her if she wears makeups. Ibang iba kasi ang itsura niya bareface.

Nang hindi makatiis ay tumayo siya ng tuwid at muling tumikhim. Natigil ang pagtawa ni Honey at Dale saka napatingin sakaniya.

"Dale, di'ba may gagawin ka pa?" nakangiti niyang saad kay Dale saka naglakad sa may gilid nito.

His brows furrowed and his eyes was fixed on her. Mukhang pati ito ay naguguluhan. Ikinalwit ni Alleyah ang mga braso sa leeg ng asawa. Nagulat roon si Dale kaya't napahawak ito sa magkabila niyang beywang upang suportahan ang bigat ng dalaga, baka ma-out of balance siya. Nakangiti siya ngunit bakas sa mga mata ang pagkairita. Waring pinapahiwatig na oras na upang paalisin ang bisita.

"Hindi ba?" ulit niya at mas inilapit ang mukha sa binata. Narating niya ang kaliwang tainga nito saka bumulong. "I don't like that Honey here, so you better throw her out." may panggigigil niyang bulong.

Hinapit naman siya ni Dale bago manghang tumingin sa dalaga. Ang namumula lamang niyang pisngi ang nakikita ni Dale. A beautiful bareface of Alleyah upclose. Inilapit ni Dale si Alleyah sa sarili ngayon ay nakayakap na siya sa binata. Nanlaki ang mga mata ni Alleyah sa kinilos ng asawa. Ramdam niya ang muling pagbangon ng kung anong init sakaniyang katawan at ang mga paru parong naggalawan sakaniyang tiyan. Her heart is beating so darn fast. Langhap niya ang parehong amoy sa binata. Nakakaadik. She let her head rested to his chest and close her eyes.

Why does it feels so comfortable in his arms?

Humarap si Dale kay Honey na nakasimangot na nakamasid sakanila ngunit agaran ring ngumiti ng magawi ang tingin ni Dale rito.

"Pasensya ka na, Honey pero may kailangan pa pala akong gawin. Gaya ng sinabi ng asawa ko." nakangiti nitong saad.

Napangiti naman si Alleyah sa tinuturan nito. Sa huling dalawang salitang sinabi nito to be exact.

"Ganoon ba? S-Sige mauna na ako."

"Salamat ulit sa bibingka." Akmang bibitaw na si Dale upang maihatid si Honey sa labas ay siya ring paghigpit ng kaniyang yakap sa binata. Nagtaas ng tingin si Alleyah ng makitang nakayuko rin si Dale sakaniya. Nagtama ang kanilang tingin.

"D-Dito ka lang. Alam naman na ni Honey ang daan palabas ng bahay." Alleyah looked at Honey, may nabakas na pagkairita sa mga mata nito pero pilit na ngumiti.

"Hindi ba?" sarkastiko niyang tanong.

Napipilitang ngumiti si Honey. "Oo naman. Sige mauna na ako, Lea, Dale." dali dali itong umalis ng kusina. Napalis ang pekeng ngiti sa mga labi ni Alleyah at bumitaw sa asawa ng makitang wala na talaga ang bruha.

Inumpisahan niyang isaayos ang mga gagamitin sa pagluluto. Padabog ang kaniyang mga kilos. Mas lalong mainis ng makita ang bilao. Kinuha niya iyon at inilagay sa refrigerator. Bahalang tumigas iyon roon dahil hindi niya kailan man titikman iyon.

Dale was just looking at Alleyah. There are still a glimpse of amusement in his eyes while looking at Alleyah's irritated face.

Napansin naman ni Alleyah ang pagmasid ng binata sakaniya.

"What?!" naiirita niyang saad at sinamaan ito ng tingin.

Dale just chuckled. Bakit imbes na mainis din ito sa kinikilos ng dalaga ay mas nacucute-an ito sakaniya. Isa lamang ang naiisip ni Dale sa kinikilos ng dalaga.

"Are you jealous?" may bahid na mangha sa tono nito.

Alleyah froze on her track. Ano raw? Nanlaki ang mga matang tumingin siya rito. Mukhang nag-eenjoy itong makita siyang naiirita.

"Ako? Magseselos? Why would I?" Tanong niya rin pabalik saka naghiwa ng sibuyas. May pwersa ang kaniyang galaw ng hindi niya namamalayang nahiwa niya ang hintuturong daliri.

"Ouch!"

Dali daling lumakad sa gawi niya si Dale at nag-aalalang hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Nagdurugo ng malala ang kaniyang hintuturo. Ramdam ni Alleyah ang hapdi roon kaya't hindi niya maiwasang maiyak.

Dinala siya ni Dale sa may lababo at hinugasan ang kaniyang sugat. Mas lalo siyang naiyak.

"Masakit." pahikbi niyang saad.

"Shit." Kumuha si Dale ng bottled water sa may ref at binuksan saka ibinuhos sakaniyang hintuturo. She flinched when she felt the cold water on her index finger. Maingat at nakafocus si Dale sa ginagawa. Nang mahugasan ay hindi pa rin naawat ang pagdurugo roon. First time magkasugat ni Alleyah dahil sa paghihiwa.

Hindi pa rin maawat ang kaniyang pag-iyak dahil pinipisil ito ni Dale upang lumabas ang dugo roon. Pero ng bigla nito iyong isubo ay natigil ang kaniyang pagluha habang nakamasid ritong subo subo ang kaniyang hintuturo. Her heart beats abnormally. Her mind went blank and didn't malfunction normally. Biglang may kung anong bumangon sa loob loob niya. Something new to her yet why does she feel like she's already used to it.

Napasinghap siya ng sipsipin ni Dale ang kaniyang daliri. He was really focus on her bleeding index finger. Hindi na lamang umalma si Alleyah at yumuko upang itago ang namumulang mukha. She can feel her face reddened more. Waring sasabog na siya.

"Let me clean your wounds." Anito at maingat siyang idinala sa kwarto nito. Naupo siya sa dulo ng kama, kinuha naman ni Dale ang first aid kit sa cabinet nito. Muli itong umupo sa tabi niya. He was really serious and focus that he didn't even dare to look at least a second on her.

They really got intimate to each other. Lampas na sa boundary kung hanggang saan lamang ang dapat nilang gawin sa pagpapanggap. But even though the thoughts of crossing the line, Alleyah feels like she didn't give a damn.

Nalagyan na ni Dale ng band aid ang kaniyang hiwa sa hintuturo ng mag-angat ito ng tingin. The glimpse of worried is still written all over his face. He's really got worried to death.

"Sa susunod 'wag mo nang uulitin iyon. Wala kang dapat ikaselos kay Honey." malumanay nitong saad. Hindi pa rin nito binibitawan ang kaniyang kamay.

Nagawi ang tingin ni Alleyah roon. They were like holding hands but not really. Dale noticed where she was looking at so he let go of her hand. Nagbalik sa wisyo si Alleyah at inalala ang sinabi nito.

She avoided his gaze. "Hindi nga sabi ako nagseselos." mahina niyang saad.

Dale took a deep breath then stand up. He offered his hand to Alleyah. Alleyah look at his face, a serious one before accepting his offer. They're holding hands while looking to each other eyes.

"You're always making me worried. Can you please be careful next time?" There was a pleading and worry in his voice.

Alleyah absentmindedly nodded still eyes lock on him. Mukhang may sariling isip ang mga katawan ni Alleyah ng bigla siyang tumayo at yumakap sa binata. She rested her head again to his broad chest. Dale snakes his hand to her small waist. She gave up. Malala na.

"Thank you." Sinsero niyang saad.

Dale kissed her top not uttering any words. The silence stretched but they didn't feel any awkward atmosphere. Sa katunayan she like it that way.

***

BAGONG PALIGO NA si Alleyah. And somehow she felt fresh. Sobra ang nadarama niyang saya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Wearing a beige strap dress down to her knee and let her hair fall lazily. She cook food for them. Hapon na rin nang umalis si Dale papuntang sakahan ni Mang Antonio. Tinitipon lamang sila roon upang mag-usap nang makasimula na bukas ng umaga. Simula bukas ay lagi nang magagawi roon si Dale, maiiwan siyang mag-isa sa bahay.

Sanay naman siyang mag-isa pero iba na ngayon. Nasanay siya sa presensya ni Dale. Mukhang hindi na siya makaahon pang muli at bumalik sa dating nakasanayan. Her life depend on Dale now. She somehow felt safe whenever Dale is around.

It's already five no'on. She was busy preparing the ingredients to cook kaldereta. Kaninang umaga ay si Dale na ang nagluto. Hindi na siya nito hinayaang magkikikilos.

Alleyah thinks that Dale was overreacting. Hindi naman ganoon kalalim ang hiwa niya sa hintuturo pero kung ituring siya ni Dale ay daig pa ang naembaledo. Buti na lamang at maayos naman ang luto ni Dale kahit papaano. Medyo maalat nga lang ang sunny side up egg na niluto nito pero hindi na niya pinuna pa. Nag-effort na nga yung tao.

One of the thing she likes about Dale is that he got a very caring side. Napakaalaga nito kahit na sobrang lamig nito katulad ng yelo. Sa ilang linggo niyang pananatili roon, napagtanto niya ang ganitong uri ng ugali ni Dale ng minsan na siyang masugatan. She is really a clumsy person. Pero hindi naman lumalabas ang pagclumsy niya kapag nasa catwalk na siya.

Speaking of catwalk. Ano na nga ba ang balita sa modeling industry? O sa pamilya niya? Nahuli na ba kung sino ang nagbabanta ng kaniyang buhay? She miss doing her daily life before. Pero bakit mas feeling niya mas masaya siya ngayon dito, sa liblib at hindi alam kung saan na lugar? Magkaibang magkaiba ang saya niya sa magkabilang panig. Sa dati niyang buhay mga nasa 60% lamang ang saya niya, pero sa lugar kung nasaan siya ngayon kasama si Dale bakit lumampas pa sa 100% ang saya na nadarama niya.

Dale

His name. Banggitin niya pa lamang ay waring nakikipagkarera ang kaniyang puso palagi. Nabubuhay ang buong ugat sa kalamnan niya, at parang may kung mga paru parong nagliliparan sa kaniyang tiyan. May guhit na ngiti sa kaniyang mga labi. At umaaliwalas ang buong paligid. Normal pa ba ito?

She shrugged her shoulder before turning off the stove. Tapos na siyang magluto ng hindi niya namamalayan.

Papadilim na rin ang paligid kaya't binuksan na ni Alleyah ang ilaw sa buong kabahayan. Mukhang matatagalan sa pag-uwi si Dale.

Napagpasyahan ni Alleyah na tumambay sa may bakuran. Naupo siya sa swing na naruon at idinuyan ang sarili. Napakatahimik at tanging lagaslas ng mga damo at dahon, maging ang mga kulisap lamang ang maririnig. Ipinikit ni Alleyah ang mga mata habang dinadama ang hangin at patuloy na idinuduyan ang sarili sa swing.

She feel so relax and peaceful in that place. No speedy time to makes her action twice to its speed. She had time to breath slowly.

She felt someone was looking at her so she open her eyes and look around her. Dapat ay kabahan siya pero wala siyang makapa ni konti. Then again, she look around once more. Muntik na siyang mapatili ng magawi ang tingin niya sa kanan niya, mayroong anino ng lalaki roon at hindi makita dahil hindi naaabot ng sinag ng ilaw sa may labas.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib ng lumabas na ito roon. Wearing a cold and blank face, Dale walk towards her. Natigil sa pagsuswing si Alleyah at inantay na makalapit ang binata. Eto nanaman ang puso niya, tumitibok ng kay bilis. At waring nasasabik na makita ulit ang binata na parang taon ang kanilang pagkakawalay.

She smiled to him. Dale still remained serious and cold.

"Nagluto na ako ng hapunan natin. Tara na, kain na tayo alam kong gutom ka na." Tumayo siya sa swing at akmang maglalakad na papasok ng bahay ng magsalita si Dale.

"Stop doing all of this." malamig na saad ni Dale.

Natigil sa paglalakad si Alleyah at tumingin muli dito. Ganoon pa rin ang itsura nito. Walang kahit anong emosyon.

Her brows furrowed. "Anong sinasabi mo?" maging siya ay naguguluhan. Bakit mukhang bumalik sa dati ang Dale na kaharap niya ngayon. Ang Dale na nakilala niya from the very first time, they've met.

"Ang sabi ko, tigilan mo na itong mga ginagawa mo. Wala kang maaasahan sa'kin pabalik." malamig pa rin nitong saad at diretsong nakatingin ang mga malalamig nitong titig sakaniyang mga mata.

Anong ititigil? Ano bang ginagawa ko ang dapat kong itigil? Naguguluhan na ako.

"What's with you?" unti unti na siyang nakadarama ng pagkirot sa bandang puso. Any moment maiiyak na siya.

"Let's just be civil to each other. We act as a married couple when people were around after all, I am just protecting you. You're still stranger to my eyes." malamig nitong saad bago siya tinalikuran at pumasok sa loob.

Naiwang nakatulala at basag ang puso ni Alleyah sa sinabi nito. Mas lalong nasaktan si Alleyah sa huli nitong tinuturan.

You're still stranger to my eyes.

Mariing pumikit si Alleyah upang pigilin ang nagbabadyang bumagsak na luha. Bakit mukhang bumalik sa una ang lahat. Ang Dale na nakilala niya noong umpisa. Wala na ang Dale na maalaga at maasikaso. Wala na nga ba talaga?

---
070821

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro