KABANATA 36
wyrdaest>>
KABANATA 36
Reveal
SINCE ALLEYAH CAN'T travel pa dahil maselan ang first trimester niya ay ang mga magulang na lamang niya ang lumuwas patungong Pangasinan.
Uuwi na rin si Dale before her parents will come there. Binalot ng kaba si Alleyah ng sabihin ni Dale na kasama na nito ang pamilya nito.
Kinakabahan siya kasi paano kung hindi siya matanggap ng mga ito? Knowing the history happened from the both family. What if sabihin ng mga magulang ni Dale na layuan niya ang binata?
Gosh, kakanood niya ito ng kdrama.
"Alleyah, Dale and his family are here." Pagkatok ng Kuya Nicholas niya sakanilang kwarto.
Muling sinuklay ni Alleyah ang buhok. Pinasadahan niya ang sariling ayos. She's wearing a yellow floral off shoulder maternity dress. Naglagay siya ng white clip sa magkabilang gilid ng tuktok ng teinga.
She applied a liptint and powder. Hindi siya nag-spray ng pabango kasi ayaw niya ng amoy ng kahit na anong klaseng pabango. Mas lalo naman ang pabango ni Dale.
She wore her white slippers. Dinig na niya ang ingay sa may sala. This is it, Alleyah.
Hinimas niya ang umbok ng tiyan bago binuksan ang pinto.
Noise filled her ears but suddenly nangasim ang mukha niya. Fragrance are filling her nose too. Bigla siyang nahilo at mukhang maduduwal pa siya.
Dali dali siyang nagtungo ng kusina at tumapat sa lababo bago dumuwal.
"Alleyah, baby." Agad na sigaw ni Dale at dumalo sakaniyang likuran.
Marahan nitong pinapasadahan ng haplos ang kaniyang likod habang patuloy siyang dumuduwal.
"What is it this time, baby?" he gently asked.
Nang matapos ay inabutan siya nito ng isang basong tubig. Pinagmumog niya iyon at sinabuyan ang mukha. Medyo kumalma naman na siya hindi naglaon.
"Fragrance. I don't like the smell of it." mahina niyang usal.
Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala. Then she just realized that Dale is really true right in front of her.
"Dale, mahal ko!" Maligalig niyang sigaw at napayakap sa bisig ng fiancée.
Dale gently hug her. Maya maya ay naiyak siya sa may leeg nito.
"Na-miss kita." she said I between her sobs.
"I miss you more than you ever know, baby." he said as he kissed her forehead.
Nag-angat siya ng tingin dito maya maya ay sumimangot na bumitiw ng hawak dito. Nagulat naman roon si Dale. But amusement is all written on his face.
"Ang pangit mo na." she said.
Instead na ma-offend si Dale ay tumawa lang ito sa mababang tono.
"I am?"
"Oo, bakit ganyan na itsura mo? You're not handsome like before! Gosh, why are you so ugly na?" maarte nitang wika at lumayo rito.
Manghang mangha naman si Dale sakaniyang sinabi.
"Dale, anak." Biglang sabi ng isang babae.
Pareho silang tumingin ni Alleyah sa may pinto sa kusina. Biglang namula si Alleyah. She totally forgot Dale's family are here.
Ngumiti ang ginang sakaniya pero maya maya ay rumehistro ang pag-aalala sa mukha.
"Are you okay, hija?" she asked.
Ngumiti siya rito at nahihiyang tumango.
"I'm fine po, Ma'am." she shyly asked.
"Mom, don't use any fragrance when you're all here. My baby don't like the smell of it." Dale said.
Nanlaki ang mga mata ng ginang. Namumula pa rin si Alleyah dahil sa kahihiyan.
Baka na-offend ang mga ito.
"Oh really? Wait I'll tell your sister and your father. Uh, can we use the shower? Mag-sho-shower na lang ako para matanggal iyong amoy ng pabango sa'kin." she said.
Dale smiled. "Yes, Mom. You can use it. Sa labas lang kami ni Alleyah. Call me when you're all done. I'll clean the house." he said then walk towards her.
"I'm sorry, hija. We don't know." Paghingi ng paumanhin ng ginang.
Nanlaki ang mata niya at agarang umiling.
"No, I should be the one to say sorry po. I hope I don't offend you po."
"No, I understand." she said.
"Let's go." Dale said then hold her arm.
Naglakad na sila palabas ng bahay. Sa likod ng pinto na lamang sila dumaan.
Nagtungo sila ng likod bahay at umupo sa may bangko roon.
Agad siyang sumandal sa balikat ni Dale. Dale place his arm on her shoulder and pull her closer to him.
"Kamusta ka dito? Are you having a hard time?" he asked as he caressing her arm.
She sighed. "Hindi naman. Medyo hindi lang ako sanay na wala ka sa tabi ko."
He sighed. "I'm sorry, I didn't mean to leave you here all by yourself. Tinapos ko lang ang trabaho ko sa Manila." he explained.
Pumikit siya. "I understand, Dale."
"Pasensya ka na at biglaan ang pagdating nila Mommy." he also saying sorry about that.
Nag-angat siya ng tingin dito. She have to say that her pregnant before anything else.
"Dale." she look directly in his eyes.
Napakagwapo ng mapapang-asawa niya. Hindi pa rin ito kumukupas pero hindi niya ma-appreciate ngayon dala na rin siguro ng pag-bubuntis niya.
This guy is really her endgame. How does she tame this cold guy right in front of her? Hindi niya rin alam.
Her breathing became uneasy and her heartbeat went erratic.
This guy really melt her heart. She can't help but to admire Dale. He open himself to her. He let him in and know him better. They used to be strangers but now look at them, they're going to built their own family.
Nanubig ang mga mata ni Alleyah. Lumambot naman ang ekspresyon ni Dale at masuyo siyang hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Before I only see one emotion on your face. Blank." she said.
Nakamasid lamang si Dale sakaniya at marahang pinapasadahan ang kaniyang pisngi. Napapikit siya at dinama ang mga haplos nito.
"You keep yourself lock by your own world. You're not that open to other people." she continued then she open her eyes.
Punong puno ng emosyon ang mga mata nito. And it is all because of her. She did that.
"But you've changed."
"It's all because of you." he said.
They say that what looks good grows beautiful with time if you get close.
Dale is a good example of that saying. He caged himself that no one wants to get closer to him. But he's beautiful in all aspects. If you look closely you can totally see that beautiful side of him.
Sumugal siya. Sumubok siya. Ngayon, he'to nasa harapan niya ang resulta ng kaniyang pagsugal. Isang taong iingatan at aalagaan siya ng higit pa sa sarili nito.
"I love you." she said whole heartily.
Dale smiled as he kissed her lips lightly. It's just a second pero ramdam niya ang buong pagmamahal nito sa pagitan ng halik na iyon.
"I love you more than anything."
Dumilat siya at pinagmasdan kung gaano ito kaperpekto.
"You're going to be a father." she said and hold his hand then place it on her tummy.
Nagbaba ng tingin si Dale sakaniyang umbok na tiyan. Manghang mangha ito sa nahawakan.
"Surprise." she said.
Saglit na hindi promoseso sa isip ni Dale ang nagyari pero agad itong nag-angat ng tingin.
His smiled grew big.
"Finally, you've said it." he said.
Patuloy pa rin nitong hinahaplos ang kaniyang tiyan.
Naguluhan siya sa sinabi nito. Anong finally?
He lick his lower lip before bitting it.
"I already know that you're pregnant, baby." he explained.
Mukhang siya pa ang nasurpresa sa sinabi nito.
Nang nasa hapag na sila ay hindi pa rin maabsorb ni Alleyah ang sinabi ng fiancée. So he knew from the very first start?
She pouted as she look at him. Even his family already know na nagdadalang tao siya.
Mukhang napansin ni Dale na may nakatingin dito kaya nag-angat o ng tingin at sinalubong ang kaniyang mga titig. He smiled as he kissed her forehead.
"You mad at me?" he asked.
Nakangusong umiling siya. Akala niya pa naman masusurpresa niya ito katulad ng pagkabigla ng kaniyang mga Kuya noong sinabi niyang buntis siya.
"Alleyah, sweetheart, what do you want to eat?" tanong ng ina ni Dale.
Speaking of his family. Nasa may hapag na sila at halata sa pamilya nito na bagong ligo. She felt relieved nang hindi na naamoy ang kahit anong pabango mula sa mga ito.
Mamaya pa daw darating ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang Kuya George ay bumalik ng Manila upang sunduin ang mag-ina nito. Si Ate Pia naman ay kasama na ang kaniyang mga magulang.
Ngumiti siya rito. "Iyong spaghetti po, Ma'am." aniya.
"Ano ka ba naman hija, just call me Mom na from now on. You're carrying my grandchild so hindi ka na bago sa'min." she said.
"Kaya nga po, Ate Alleyah. Oh my gosh! I'm so excited to see my niece na." komento din ni Aya at ang lawak lawak ng ngiti sa mga labi.
"Hindi pa nga alam kung lalaki o babae ang anak ng Kuya mo, Aya." ani naman ng Daddy ni Dale.
"I'm sure it's a girl, Daddy."
"Ikaw ba anak, ano sa tingin mo ang gender ng anak ninyo ni Alleyah?" tanong ng ina ni Dale.
Dale look at her and smile big. "Kahit ano pa ang gender ng anak namin ay ayos lang sa akin, Dad."
"Pustahan na lang tayo, Tito." Biglang singit ng kaniyang Kuya Leo.
Oh my gosh! Nakakahiya talaga etong Kuya niya kahit kailan. And wait, is it not awkward for the both parties ang nangyari sa pagitan nila?
Ngumiti ang Daddy ni Dale. Wait, does she missing something? Bakit hindi naman galit ang pamilya ni Dale sa Kuya Leo niya?
Not that she wants to let his family be mad at her brother pero di'ba normal lang na magtampo o hindi kaya magalit ang pamilya ni Dale dahil kaano ano nila si Diana.
Hindi na lamang niya pinansin iyon at mas nagfocus sa kung ano sila ngayon. Okay na rin ang ganito atleast hindi sila mahihirap ni Dale na mag-adjust para sa parehong pamilya.
"Tao po!" Sigaw ng may tao sa labas.
Napatayo naman silang lahat na nasa mesa at nagtungong sala. There she saw her parents.
"Mommy! Daddy!" sigaw niya at agad nagtungo sa mga ito.
Napaluha naman ang kaniyang ina.
"My daughter!" sigaw nito at agad siyang niyakap.
With her Mom's hug she once again craved for a motherly touch that she wasn't able to feel for months of being away from her.
"Anak ko, how are you?" Abigail asked then roamed her eyes on her face.
Kinakabisado ang kaniyang mukha.
Mas lalong napahagulgol si Alleyah at muling yumakap sa ina.
"I'm sorry, Mommy. I'm sorry that I left." paghingi niya ng patawad sa ina.
"No baby, hush it's okay. Mommy understand you. Tahan na anak ko. Oh my God, I miss you so much mahal ko."
"Anak." Pagtawag ng kaniyang ama skaaniyang atensyon.
Namumula ang mga mata nito kaya lumipat siya ng yakap sa bisig ng ama.
"Daddy!" pag-iyak niya na parang bata sa bisig nito.
Alfred repeatedly kissed her crown. Nanginginig ito sakaniyang yakap.
"I miss you my daughter. I'm sorry, Daddy is not mad at you." anito.
"I'm sorry, Daddy."
"It's okay. I understand, anak. I'm sorry. I love you, sweetheart. I always do." pagpapatahan nito.
She miss them. Really miss them. Her heart started to beat calmly and peacefully. Nawala ang mabigat na bagay na nakadagan noong nawalay sa mga magulang.
After ng ilang minuto hindi niya namalayang tumahan na siya sa pag-iyak. Ngumiti siyang nag-angat ng tingin kay Dale. Dale is worriedly but with full of love looking at her. He let her have a moment with her parents and she appreciate it the most.
"Thank you." she muttered.
He just smiled at her.
Nagtungo silang sala at marahan siyang pinaupo ng kaniyang mga magulang. Binuksan ni Dale ang bentilador sa sala at kumuha ng isang basong tubig para sakaniya.
She drank it then gave it to Dale again. Nasa may sulok ang iba nilang kasama sa bahay.
Napansin niya rin na naroon si Ate Pia habang nakaakbay si Kuya Nicholas dito.
Ngumiti siya rito.
"Ate Pia." she called her.
Ngumiti ito sakaniya at kumaway.
"Asaan po sila Kuya George?" Tanong niya sa ina.
Ngumiti ito at marahang hinaplos ang kaniyang buhok.
"Nasa isang kwarto pinapatulog si Geoff." anito.
Ngumiti siya sa mga ito.
"Ma'am, Sir, kain na po tayo." ani Dale.
Nalipat ang tingin ng kaniyang magulang kay Dale. Lihim siyang napasinghap ng tumayo ang kaniyang Ama.
The last time na nagkita ang mga ito ay sinuntok ng kaniyang ama si Dale.
"Daddy." Awat niya rito.
Ngumiti lang ito saakin assuring her na wala itong ibang gagawing masama kay Dale.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon.
Napatuwid ng tayo si Dale.
"Dale." ani ng Daddy niya.
Ang buong tao sa sala ay halos magpigil ng hininga. Lalong lalo na si Alleyah. Ayaw niyang mawalan ng ama ang anak nila ano.
"Sir."
"Take care of my daughter." malumanay nitong saad at tinapik pa ito sa balikat.
Hindi nakaligtas sakaniyang paningin ang tuwa sa mga mata ni Dale. Maliit lang itong ngumiti pero dama niya ang katuwaan nito. Nanubig muli ang kaniyang mga mata.
Ang pinapangarap niyang matanggap sila ng Daddy niya ay sa wakas ay nangyari na.
Napahawak siya sa umbok ng tiyan.
Sunod sunod na tumango si Dale. "I will, Sir."
Tumawa ang ama niya. "Drop the formality, Dale. Just call me Dad."
Nanlaki naman ang mga mata nito.
"Yes, D-Dad." usal nito.
Tumayo rin ang kaniyang ina at yumakap kay Dale. Yumakap din pabalik si Dale. Napansin niya ang pamumula ng mga teinga nito.
"Welcome to the family, Dale, hijo." ani ng kaniyang ina.
"Salamat po." ani Dale.
Nilahad ng kaniyang ina ang kamay nito sa binata. Agad na hinawakan ni Dale iyon at hinalikan ang likod ng kamay ng ina bago nagmano.
"Call me Mom too." Her Mom eagerly said.
"Mom." Dale called her.
Ngumiti si Abigail at muling niyakap ang ina.
Nagmano naman si Dale sakaniyang ama. Maya maya ay nagpuno ng tawanan ang buong sala.
She is sure that her baby will have a great bond with their parents. Ang ganda tignan ng kanilang pamilya kapag nagsama sama.
A healthy environment.
"Halina't pumunta sa may kusina at kumain na." Ani ng ama ni Dale.
Masaya namang naglakad ang kaniyang pamilya sa may kusina. Ginuyod na ng kaniyang ama si Dale kaya naman wala na itong nagawa kundi sumama sa kaniyang Daddy.
"Alleyah, anak." napatingin siya sakaniyang gilid. Naroon nakangiti ang ina ni Dale sakaniya.
"Mom." pagtawag niya rito.
Lumapit ito sakaniya at hinawakan siya sa kamay. Hindi niya pa nakakausap ng maayos ang mga magulang ni Dale magmula kanina. Agad siyang humawak sa kamay nito at nagmano rin.
"Pasensya na po at ngayon lang po ako nakapagmano sainyo." paghingi niya ng paumanhin.
Ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang mga kamay.
"Promise me, Alleyah." she seriously said. Nagulat naman siya roon. Parang si Aya ito kapag hindi ngumingiti.
"Promise me na kapag may tampuhan o kaya'y hindi kayo pagkakaunawaan ni Dale ay ayusin niyo iyon at pag-usapan. A relationship should always need to communicate each other." she said.
Tumango siya and take note of it.
"Dale is so fragile. He's my son and I know him for years. Malamig siya sa mga taong nakakasalamuha niya but deep inside he's a great guy. I'm so happy that you melt his cold heart. Thank you for doing that to my son." she said.
Ramdam niya ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak dahil dito. After all it's Dale's mother.
"Take care of my son." Huli nitong habilin.
"I will po, Mom." aniya.
She kissed Alleyah's cheeks. Then her gaze went down to her tummy. Marahan nito iyong hinaplos.
"Hi there kiddo, Momita can't wait to see you." pagkausap nito sakaniyang tiyan.
"I will, Momita." Pinaliit niya ang boses bilang pagsagot rito.
Nagtawanan naman sila. Maya maya ay bumalik si Dale at sinundo siya.
"May sinabi ba sa'yong masama si Mom tungkol sa'kin?" he asked.
Tumawa sa may gilid ang ina nito.
"Secret na lang namin iyon, anak."
"Mom naman." Naiinis na wika ni Dale.
Tumawa lang ito at lumisan na.
Dale kissed her forehead. "Gutom ka na?" he asked.
"Yeah." she pouted.
Hinaplos nito ang kaniyang tiyan. "Gutom ka na, anak?" Pagkakausap nito sakaniyang tiyan.
"Super hungry na po, Daddy." pinaliit niyang muli ang boses.
"Let's go. Gutom na ang mag-ina ko. Ayaw ko pa namang nagugutom kayo. Halika na, Mommy." Marahan siya nitong ginuyod patungong kusina.
Nandoon na rin si Ate Sierra. Agad siyang dumalo rito at niyakap.
"Ate Sierra!" pag-aagaw niya sa atensyon nito.
"Alleyah!" anito at yumakap pabalik.
"Kamusta, blooming na blooming ka." pangangamusta nito.
"Syempre buntis." ani ni Kuya Leo.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na tumingin sa mga magulang. Walang mababakas na gulat sa mga ito. Wait don't tell her.
Napansin naman ng kaniyang ina ang paninitig niya sa mga ito kaya ngumiti ito ng pagkalawak lawak.
"Dale told us that you're pregnant yesterday." ani ng kaniyang ina.
Nagawi ang kaniyang tingin kay Dale. Nagkibit balikat ito.
"I can't wait to tell them, baby. I'm sorry." Nagpacute pa ito.
Syempre dahil marupok siya ay ngumiti na lamang siya rito at pabirong umirap. Nagsalo salo na sila sa pagkain na nakahain sa hapag. Wala si Kuya George dahil binabantayan nito si Geoff. Pinauna lang nitong pakainin si Sierra.
Mabuti na lamang at hindi naman nag-inarte ang sikmura niya sa mga pagkaing nakahain sa hapag.
She only eat the spaghetti na nilagyan ng kanin.
"Dale, gusto ko ng green apple tapos soy sauce." Aniya.
Ngumiti si Dale bago kinuha ang kaniyang gustong kainin.
Malawak ang ngiting nagpatuloy siyang kumain habang nakikipagchikahan sakanila Ate Sierra, Ate Pia at kay Aya.
May sariling mundo naman ang kanilang mga magulang. Ang mga lalaki naman ay nagkukwentuhan rin. After ilapag ni Dale ang kaniyang nais kainin ay nagpaalam itong mag-iinuman sila ng mga lalaki. Tapos na ring kumain ang mga ito. Ang mga kababaihan naman ay naiwan upang iligpit ang mga pinagkainan nila.
Hindi niya napansing pasilip na pala ang gabi. Nasa labas ang mga lalaki sa may bakuran at nag-iinuman habang silang mga babae ay naiwan sa sala at nag-inuman rin except sakaniya dahil buntis siya. Nakalapag lamang ang pagkaing pinakuha niya kay Dale sa centre table kasama ang mga pulutan at inumin ng mga kababaihan.
Maya maya ay umiyak si Geoff. Kinuha ni Sierra si Geoff kay Kuya George at sinabihan itong makipag-inuman na sa mga lalaki.
"Eat first, okay?" Ate Sierra said.
Humalik sa pisngi ni Ate Sierra si Kuya George bago tumango.
"Yes, Ma'am."
Her eyes twinkled when she saw her nephew.
"Oh my God, Geoff." aniya.
"You want to carry him?" her Ate Sierra asked.
She gasped as she look at her. "Can I?"
Tumawa ito at inabot sakaniya. Marahan niya naman iyong kinarga. Manghang mangha siya nang mabuhat ang pamangkin.
"He looks so tiny." komento niya.
Nagmulat ng mga mata si Geoff at nakipagtitigan sakaniya. Muli siyang namangha, ang gwapo ng pamangkin niya. At kamukhang kamukha nga ni Kuya George.
"Hello, baby Geoff, it's me your pretty Tita." she baby talk him.
Natuwa siya lalo nang mahina ito tumawa at ngumiti.
"He likes you, Ate Alleyah." Ani Aya.
Lumapit din si Aya sakaniya at marahang tinusok ang pisngi ni Geoff.
"Hi baby Geoff, I'm also your Tita... Tita Aya." pagpapakilala din ni Aya sa bata.
Muling tumawa ang bata. Naiimagine niya rin ang anak nila ni Dale seven months from now. Maganda ang lahi nila so as Dale so she's confident na maganda rin ang kalalabasan ng kanilang anak.
She can't wait to hold her little version or Dale's version too.
At kagaya ng sinabi ni Dale, kahit ano pa ang gender nito tatangapin nila ito ng buong buo. It's their own blood and flesh.
And she promise na pupunuin nila ng pagmamahal ang kanilang anak. Bubuo sila ng pamilya na sama-sama at matatag.
Love can be complicated sometimes but it gives you lesson at the end of the day. Natututo tayong maging matatag and will help us make the better version of ourselves out of it. We can't be who we are today if we don't learn lesson from the past experience.
Sumilip si Alleyah sa may bintana napansin niyang nakamasid pala sakaniya si Dale habang hawak niya si Geoff. Punong puno iyon ng pagmamahal.
"I love you, inaro." She mouthed.
"Inatnaro taka met, inaro." he mouthed back. (Mahal na mahal din kita, mahal.)
She smiled sweetly.
Dale is the best surrender she have ever tried. The greatest and sweetest surrender.
---
022322
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro