KABANATA 35
wyrdaest>>
KABANATA 35
Bless
WHEN GOT HOME to do iwas si Alleyah sa Kuya Leo niya. Nagsabi siyang nahihilo siya at gustong magpahinga though hindi naman talaga siya nahihilo o kung ano man.
Makaiwas lang siya sa Kuya Leo niya. Of course he'll be mad and surprise to what he just heard.
"Alleyah, we'll talk after you take a nap." seryoso nitong wika.
She pouted before nodding her head. They need to know. Sasabihin niya naman talaga sa kaniyang pamilya, uunahin niya lang banggitin kay Dale because he's the one who's with her when they make the baby inside her tummy.
Main source ito kaya dapat ito muna ang unang makaalam but everything turned into chaos.
She sighed then get herself a new pair of dress. Maliligo siya. Kinuha niya ang sinampay na twalya sa likod ng pinto ng kanilang kwarto at lumabas ng kwarto.
After that lumabas siya at naligo. Naabutan niya pa sa kusina si Princess habang ang Kuya Leo niya ay hindi niya alam kung nasaan na.
Hindi na siya gano'ng nagbabad sa tubig at mabilis na nagbanlaw ng sarili. Pagkatapos ay agad niyang tinungo ang silid. Truth to tell nakatulog naman agad siya siguro dahil sa pagod sa kamustahan sa may ilog kanina.
When she woke up ay magdidilim na. Agaran siyang bumangon. Hinimas niya ang umbok ng tiyan at napangiting pinagmasdan ito.
"Hi there baby, you hungry? Sorry, napatagal ang tulog ni Mommy." Malambing niyang pagkausap dito.
Mas lalo siyang natuwa ng may maramdamang gumalaw sakaniyang tiyan. Her baby understood her.
Malawak ang ngiting naglakad siya palabas ng silid. Naabutan niya ang Kuya Leo niya sa sala habang may kinakalingkot sa cellphone. His brow are furrowed. Napansin niya rin ang maliit na black bag sa gilid ng kahoy na upuan sa tabi nito.
"Kuya." she called his attention.
Nakahawak pa rin siya sa kaniyang tiyan ng mag-angat ng tingin ang kaniyang kuya Leo sakaniya.
Ngumiti siya rito. Tumayo ito at hinalikan siya sa noo.
"Ang haba ng tulog mo." komento nito.
Ngumiti siya rito at nagbaba ng tingin sakaniyang tiyan. "Yeah, my baby is hungry na nga." she said.
Nagbaba ng tingin rin ang Kuya Leo niya sakaniyang maliit na umbok sa tiyan maya maya ay marahan nito iyong hinawakan.
Amusement is all written on his face. Alleyah's smile grew big because of his reaction.
"How months old is he now?" he gently asked.
"Turning two months na." she said.
May dumaang kislap ng lungkot sa mga mata nito habang patuloy na hinahawakan ng marahan ang kaniyang tiyan.
"Matanda ng isang buwan na rin sana siya sa'yo." Mahina nitong usal sakaniyang tiyan.
Alleyah felt a pang of pain on her heart hearing what he just said. Of course she knew who he was talking. It's him and Diana's angel.
Marahan niyang hinawakan sa braso ang kaniyang Kuya.
"Kuya." she called him.
She saw a glimpse of tears on the corner of his eyes but he look away and smile. A sad smile. Mas lalong nasaktan si Alleyah sa nakita.
"I know it's already late to tell you this but, I'm sorry for your lost Kuya. It's my fault." aniya.
Nagbalik agad ang tingin ng kaniyang Kuya Leo sakaniya at hinawakan ang kaniyang magkabilang balikat. Nanubig na rin ang kaniyang mga mata dahil sa luha.
"It's not your fault, pumpkin. It's on me. Don't blame yourself, okay?" anito.
Tuluyan na siyang napaluha dahil sa sinabi nito. "Pero Kuya, it's my fault talaga. Hindi na dapat ako nakipagkita sakaniya. Edi sana buhay pa 'yong baby ninyo." parang bata kong usal.
Niyakap na siya agad ng kaniyang Kuya Leo. He's gently caressing her back.
"No, pumpkin. Don't think that way. Ako, ako talaga ang may kasalanan. Hey, stop crying na. It's bad for your health and for the baby. Hush now, pumpkin." pagpapatahan nito.
Pinilit ni Alleyah na patahanin ang sarili. Agad siyang humawak sa tiyan niya.
Humiwalay ng konti ang kaniyang Kuya Leo sakaniya. Namumula ang teinga nito at halata ang pagpipigil ng iyak.
He smile. "Hush now, okay?"
Tumango siya at suminghot pa. Natawa naman ang kaniyang Kuya Leo then he mess her crown.
"Come on, let's eat. I'm sure you're hungry."
Agad nagbago ang kaniyang mood sa narinig. Food.
"My spaghetti?" She excitedly asked.
Ngumiti ito at tumango. "Of course your favorite."
"Yehey!" akma pa siyang tatalon ng pigilan siya agad ng Kuya Leo niya.
"Damn, Alleyah. Don't jump, you're pregnant." agad nitong suway.
Napabungisngis naman siya.
Tinungo nila ang kusina. Wala roon si Princess.
"Where's Princess?" she asked.
"I let her take a leave. Ako na ang bahala sa'yo." anito.
"Wait, you know how to cook naman di'ba?" she suspiciously asked. Naningkit pa ang kaniyang mga mata.
"Of course I know! Diana taught me how!" he said.
Maya maya ay pareho silang natigilan. He just drop Diana's name accidentally.
Tahimik na naglapag ng pinggan ang Kuya Leo niya sakaniyang tapat. He even get the bowl of spaghetti. Mainit init pa iyon at halatang i-n-oven.
Hindi mapakali si Alleyah sa upuan at biglang umusog ang pagkagutom niya. He just drop Diana's name out of nowhere.
Speaking of, kamusta na kaya ito? Is she fine? Where is she? Did Diana and her Kuya Leo talk about the baby's lost? What's their reaction? Do they're in good terms?
Maraming tanong ang gusto niyang masagot. But something's pulling her not to talk about it for now.
Nakayukong tinignan niya lamang ang spaghetti.
"She's fine." her Kuya Leo said.
She look up to meet his gaze. He's not looking at her.
"And we talk about the baby." he added.
"Kuya..."
Ngumiti ito ng mapait sa kawalan. "Hindi kami okay, Alleyah. She's mad at me. And I deserve her anger." he gulped.
Nakaramdam siya ng awa sakaniyang Kuya. Agad siyang tumayo at niyakap ito. Her Kuya Leo hug her not so tight pero ramdam niya ang kagustuhang yakapin siyang mabuti.
Mas lalong nadagdagan ang kaniyang sakit sa puso ng unti unti itong umiyak na parang bata sakaniyang bisig. Umaalog ang mga balikat nito at hindi nag-angat ng tingin sakaniya. Nakabaon ang mga mukha nito sakaniyang gilid na beywang.
"I deserve her loath towards me. Kung sana. Kung sana nakinig na lang ako sakaniya and accepted her hindi na sana nagkaganito ang lahat. Buhay pa sana ang anak namin. Nasubukan ko rin sanang maging ama ng sarili kong anak pero hindi. Dahil sa'kin kaya hindi niya man lang nasilayan ang mundo. Dahil sa'kin hindi niya man lang mararanasan ang mga bagay na sana ay mararanasan niya kapag nabuhay siya." mapait nitong saad.
Muling napaluha si Alleyah. Ramdam niya ang hinagpis nito habang binabanggit ang mga salitang iyon.
"Sana ako na lang. Sana ako na lang 'yong namatay. My dear son, he don't deserve to die so early. It's all my fault. Because of my selfishness, he died."
"Kuya..." pagtawag niya rito at patuloy na inaalo. Marahan niyang pinapadaan ang kaniyang mga kamay sa buhok nito.
Umiyak ito ng umiyak sakaniyang bisig at hinayaan niya lamang ito. Mas kailangan ng kaniyang Kuya ang kasama kaysa sa magkulong ito at sarilihin ang problema. Mas kailangan nitong ilabas ang hinanakit kaysa sa kimkimin ang mga sakit sa sarili.
Nang kumalma ay humiwalay ito ng yakap sakaniya. Pilit na tinatago ang mukha.
He sighed. "Si D-Diana. When Dad told me na malaya na ako, naisip ko kaagad si Diana na puntahan at tanungin kung bakit nakalaya ako sa kasalanan ko sakaniya. He told me that I should talk to her. Galit na galit si Dad sa'kin alam mo ba? He punch me on my face that I feel like my vision doubled. It caught me off guard. I asked him why but he just told me to talk to Diana as soon as possible. Pinuntahan ko si Diana sakanila. Nagulat pa ako ng makita itong nakaputi at may balak puntahan. I stalk her of course. Nagtungo ito sa isang cemetery for the babies. Natigil ito sa isang kulay blue na lapida. I feel like my heart is breaking into tiny pieces when she burst into tears. She even kissed the gravestone." napayuko ulit ito.
"Mas lalong nagiba ang mundo ko ng marinig ko ang salitang anak mula sakaniyang bibig." Tinakpan nito ang mukha gamit ang kanang kamay.
Napatakip naman ng bibig si Alleyah. Her Kuya is so fragile. Ngayon na lamang nakita ang kaniyang kuya na ganito kahina.
"Nagpakita ako sakaniya sa harap mismo ng lapidang kinauupuan nito. I look at her before my sight look at the gravestone. Mas lalo akong nagulat ng mabasa ang pangalan na nakaukit sa lapida." Muli nanaman itong umiyak.
"Denver Leonard Loren." Puno ng sakit nitong pagbigkas.
"He got a very beautiful name. Malapit sa pangalan ko." may bumakas na ngiti sa mga labi nito.
"Pero hindi ko man lang siya masisilayan. Makakalong sa mga bisig ko." dumaan ang kislap ng lungkot sa mukha nito.
He shook his head repeatedly as he cried harder.
"Hindi na."
"Kuya..." no words can't express how much she's hurting like him too.
Pero alam niya na triple pa sa sakit na nararamdaman niya ngayon ang sakit na nararamdaman nito. It's his own child.
Maya maya ay humugot ito ng malalim na hininga. Ngumiti itong pinalis ang luha sa mukha at marahang ginulo ang kaniyang buhok.
"Take care of your child." paalala nito.
Puno ng luhang tumango siya rito. "I will, Kuya. For you. You can treat my child as yours too, Kuya. Hati tayo." aniya.
Then he chuckled. "Baka magselos si Dale niyan." pabiro nito.
"He won't. At kapag oo, bahala siya hindi niya makikita ang anak namin." pagbibiro niya.
Ngumiti lang ang kaniyang Kuya maya maya ay hinalikan nito ang kaniyang noo.
"I'm sure you'll be a good mother." sinsero nitong wika.
She pouted. "Kuya, you're making me blush."
"Para kang ewan, Alleyah. And may I remind you Ms. Loren, you haven't inform our family about your pregnancy." paalala nito.
Speaking of. Iyon pa ang problema niya. Lumayas siya sakanila tapos buntis pa siya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng buong pamilya niya.
"Pwedeng sabihin ko muna kay Dale?" aniya.
Her Kuya Leo stilled. "He still don't know?" nanlaki ang mga mata nito ng tumango siya.
"Jesus, Alleyah. Magkasama kayo ng ilang araw na tapos hindi niya pa din pala alam na may laman na 'yan?" Sabay turo nito sakaniyang umbok na tiyan.
She pouted. "Humahanap pa kasi ako ng tyempo."
"At kailan pa ang tyempo na 'yan? Kapag manganganak ka na?" he sarcastically asked.
"Kuya naman e." she tantrum like a toddler.
"Ayos ayusin mo ang desisyon mo sa buhay, pumpkin." anito.
"You'll help me tell to our family naman di'ba?" nagpacute siya rito.
"Luh, asa ka. Kayong dalawa ni Dale gumawa niyan kaya kayong dalawa ang magsabi sa pamilya natin. Paalala lang, iba magalit si Dad. Lalo naman si Mommy." pagbabanta pa nito.
She pouted even more.
"Kumain ka na, ginugutom mo ang pamangkin ko." Kinuha nito ang plato sa harapan nito kanina at nilagay sakaniyang tapat.
Hindi na siya nakipag-argumento dito at kumain na lang. Nang matikman ang luto ni Johann ay agad niyang naramdaman ang gutom.
Halos maubos niya ang isang bowl ng spaghetti. Inalok niya nga ang Kuya Leo niya pero he refused.
After she eat, niligpit ng kaniyang Kuya Leo ang kaniyang pinagkainan. When he's done, marami itong tinanong sakaniya na mga bagay bagay tungkol sakaniyang pagbubuntis.
Like how she feel. What's her craving. Kailan niya nalamang buntis siya. Nahihirapan ba siya. Do she vomits every morning. Bakas ang kuryosidad sa mga mata nito.
Meron din siyang nakikitang lungkot pero pilit nito iyong tinatago sakaniya. She'll just pretend everytime she caught a glimpse of sadness in his eyes.
Maya maya ay inantok na rin siya. Nag-good night na siya sakaniyang Kuya at hinalikan ito sa pisngi saka pumasok na ng kwarto nila ni Dale. Another busy day for her.
Nagising siya kinabukasan sa ingay na nanggagaling sa may sala. Dalawang pamilyar na baritonong boses ang kaniyang naririnig.
Tumayo siya at agad na binati ang kaniyang anak. Hindi siya ngayon nagsuka, mukhang bumabait na ang kaniyang anak sakaniya.
"Good morning, anak ko." masaya niyang pagbati sakaniyang umbok na tiyan.
Napangiti siya ng may maramdaman siyang gumalaw sakaniyang tiyan. Tumayo na siya at nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin.
Ngumiti siya sa sariling repleksyon. Hindi siya ganoon katabain gaya ng mga napapansin niya sa isang normal na buntis. But she feel like she weighted. Hindi lang halata.
Nagsusuklay siya ng sariling buhok ng muli niyang marinig ang mga pamilyar na boses na naghahalakhakan na ngayon.
Her brows furrowed.
Mabilis niyang tinapos ang pag-aayos ng sarili saka lumabas ng kwarto. And to her surprise she saw her other two other brothers sitting on the wooden couch.
"Kuya George! Kuya Nicholas!" pag-aagaw pansin niya sa mga ito.
Nagtigil ang mga ito sa pag-uusap at humarap sakaniya. Her eyes watered. She missed them.
Agad siyang tumakbo papunta sa mga ito at yumakap.
"Jesus, pumpkin! Can you please be careful?!" sigaw ng Kuya Leo niya sa may kusina.
Tumawa ang Kuya George niya at ginulo ang kaniyang buhok.
"I miss you, little brat." he teased.
Nakanguso siya habang patuloy na umiiyak sa bisig ng mga Kuya niya.
"Kuya naman e."
Her Kuya Nicholas caress her cheeks and kissed her forehead.
"How are you, pumpkin?" he gently asked.
Pinakalma niya ang sarili bago sumagot.
"Pretty as always." pabiro niya dito.
Her two older brothers laughed.
"Kailan pa kayo dito?" she asked.
"This morning lang." her Kuya George answered.
"Sinong kasama niyo?"
Pinaupo muna siya ng maayos ng kaniyang Kuya Nicholas sa may gitna ng dalawang Kuya niya.
"Kaming dalawa lang. Kuya Leo called us to come here A.S.A.P. daw." ani Nicholas.
Her brows furrowed. May iniabot na isang baso ng tubig ang Kuya Leo niya sakaniya.
"Drink it, pumpkin."
Uminom nga siya roon bago muling hinarap ang kaniyang mga Kuya.
"Why would Kuya Leo wants you to come over? Anong meron?" she asked.
Kumunot ang noo ng kaniyang Kuya George.
"Hindi ba dapat kami ang magtanong sa'yo niyan? Sabi ni Leo ikaw ang may sasabihin sa'min. That's why we're here." seryoso nitong wika.
Nagulat siya roon. Agad bumaling ang kaniyang tingin sa Kuya Leo niya. Nagpatay malisya pa itong tumingin sa kisame at sumisipol pa.
"Wow! may butiki." ani pa nito at kunwari nagulat pa kunwari. Mukhang tanga.
"Kuya naman!" she started to stomped her feet.
"Ano bang tea, Kumareng Alleyah?" Tanong ng Kuya Nicholas niya.
"Karen." she said to him.
"Cardo mare, boylet akesh." pagbibiro ng kaniyang Kuya Nicholas.
"Ano nga kasi iyon, pumpkin?" ani ng Kuya George niya.
She sighed. Hindi siya handa pero kailangan na niyang sabihin sa pamilya niya. Minus na wala dito ang mga magulang nila. They need to know.
"I'm pregnant." she said.
"What?"
Sabay na wika ng kaniyang Kuya sa magkabila niya gilid. Mariin siyang napapikit at napatakip ng teinga dahil sa sigaw ng mga ito.
"Buntis daw, ayan tagalog na." ani Kuya Leo niya sa may gilid.
"Kailan pa?" Kuya George.
"Ilang buwan na?" Kuya Nicholas.
"Sinong ama?" Kuya George.
Natawa naman ang Kuya Leo niya. "Sino pa bang jowa niyan? Edi si Dale." tumawa pa ito sa gilid sabay subong chitchirya na hawak nito. Hindi niya nakita iyon, ha.
"Kailan nangyari?" Kuya George niya.
"Wow, gusto mo talaga ng detailed Kuya, grabe ka na." komento pa ni Kuya Leo.
"Is it a boy or a girl?" Kuya Nicholas niya.
"Ang bobo ng tanong mo, Kulas." Sabad ulit ni Kuya Leo.
"Shut up, Kuya." Ani Kuya Nicholas.
"Alam na ni Dale?" Tanong ulot ng kaniyang Kuya George.
Napaiwas siya ng tingin dito at umiling.
Sunod sunod na mura ang kaniyang narinig sa magkabilang gilid niya.
"Bakit hindi niya pa alam?" hesiteryang tanong ni Kuya Nicholas.
"Humahanap pa ako ng tyempo." sabi niya.
"Huwag niyo ngang sigaw sigawan 'yong buntis!" awat ni Kuya Leo sa dalawa.
Sumubo muna ito ng chitchiryang hawak bago lumapit sa pwesto nila at binatukan si Kuya Nicholas. Gagawin din sana nito iyon sa Kuya George niya pero pinukol nito ng masamang tingin ang Kuya Leo kaya muling lumanding ang batok nito kay Kuya Nicholas.
"Aray, Kuya masakit." sigaw ni Kuya Nicholas.
Napatampal na lang ng noo si Alleyah sa kakulitan ng kaniyang mga Kuya. Wala pang siyam na buwan etong anak niya pero dinaig niya ang mag-le-labor sa gulo ng mga ito.
"Gusto mo isa pa?" suggestion pa ni Kuya Leo.
"Huwag ikakasal pa'ko." anito.
"Edi wow." muling sumubo ng chitchirya ang Kuya Leo niya bago um-exit.
Tumawa naman ang Kuya Nicholas niya bago sinundan ang Kuya Leo.
Naiwan silang dalawa ng kaniyang nakatatandang kapatid.
"I'm sorry for shouting, pumpkin. Nagulat lang kami." malumanay nasabi ng Kuya George niya.
Ngumiti siya rito at pinaglaruan ang mga daliri.
"A part of me is happy and disappointed." pagbasag muli nito sa katahimikan.
Nag-angat ng tingin si Alleyah sa Kuya niya. Ngumiti ito ng tipid at umusod sakaniya ng konti. He mess her crown and kissed her forehead.
"Masaya kasi you'll become a mother now. Disappointed kasi hindi mo man lang sinabi kaagad saamin. But I should understand you. May tampo ka sa pamilya natin dahil sa nangyari noon. Believe me, pumpkin Dad didn't mean to hurt your feelings. Hindi niya lang alam kung sino ang pipiliin niya sainyo dalawa. Anak niya kayo pareho." Paliwanag nito.
Nanubig ang kaniyang mga mata. Sunod sunod siyang tumango.
"I understand him, Kuya. He just want what's the best for us."
"You really have a good heart, huh?" he said.
"Hindi ko naman kasi kayo matiis. You're my family, my treasure."
"I love you, bunso. Welcome to parenthood." He kissed her forehead again.
Bakas sa mukha nito na masaya ito para sakaniya.
"Wala pa nga e, pero thank you po Kuya." aniya.
"Wait, I haven't see my nephew." she pouted.
Nagningning ang mga mata nito ng banggitin niya ang pamangkin niya.
"He's handsome like me." pagyayabang nito.
Humiwalay ito ng yakap sakaniya. Nilabas nito ang sariling cellphone at nagpunta sa gallery.
He played a video on it. Namangha siya roon ng makita ang anak pala nito ang ipapakita nito.
"Ang cute, Kuya." Buong paghanga niyang iyong pinanuod.
"It's on our genes." anito.
May piniplay pa itong ibang video ng anak at halos iyon lang ang laman ng gallery nito. Of course kasama roon si Ate Sierra maging ang Kuya George niya.
"What's his name?"
"Geoffrey Serge Loren."
"Ang ganda ng name. Who named him?"
"I let Sierra named him."
"You're so inlove." puna niya rito.
He smiled wide. "So are you."
Nakangiting hinimas niya ang kaniyang tiyan.
"Hoy buntis, kumain ka na." Sigaw ng Kuya Leo niya sa may kusina.
Pabiro siyang napairap dito.
"Andiyan na katulong."
"Pogi naman ng katulong mo kung gano'n." rebat nito.
"Ang hangin amputa." side comment ni Kuya Nicholas.
Binatukan ng Kuya Leo niya ang Kuya Nicholas niya.
"Akin na 'yang kinakain mo!" inagaw pa nito ang kinakain ng Kuya Nicholas niya.
"Joke only Kuya, eto naman masyado kang serious sa life. Kaloka ka." Umirap pa ito at muling inagaw ang plato nitong may laman na pagkain.
Mas lalong umingay ang munti nilang bahay ng naroroon ang kaniyang tatlong Kuya and she's happy to eat with them together again.
Bakas pa rin sa kislap ng mga mata ng kaniyang Kuya Leo ang sakit pero pilit nito iyong pinagtatakpan. She knows that he's prentending to be happy in front of them but deep inside he's broken. She's hoping that he'll fixed everything between him and Diana. They both deserve to be happy and be free from the pain.
She's so bless to have a family like them. Beyond bless. Napangiti siya habang tinitignan ang kaniyang mga kapatid na patuloy pa ring nagbabangayan pero maya maya ay nagtatawanan na ang mga ito.
---
022222
wyrd (weird) saying: Hi wyrdos, sorry for the long update po. Sorry kasi masyadong chaos ang life ko lately so I need to prioritize my personal life muna before anything else. Enjoy~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro