Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 11


wyrdaest>>

KABANATA 11

Danger

WEDNESDAY, ARAW NA napagpasyahan ni Alleyah na maglaba. Kaya maaga pa lamang ay nagluto at nag-workout na siya. Alam na rin ni Dale na nagbabalik workout siya, nagtaka nga ito ng minsang nasaktohan siya nitong nag-e-exercise. She was doing plank that time when he saw her. Nagulat nga siya ng bigla itong sumulpot pagkatayo niya. Kaya ayun, naging habit na niya ang pagwo-workout. Para ngang bumalik siya sa dati, minus the deadly diet.

Nagsuot lamang siya ng short shorts at puting t-shirt. Kinuha niya ang mga kakailanganin saka naglakad papuntang ilog. Narinig niya ang malakas na tawanan at sigawan ng mga tao roon.

Wash day talaga. Napangiti siya ng makita ang mga ginang na nakasama nila noon ni Dale sa unang beses na naglaba sila sa may gilid. Nagkukumpulan at nagkukwentuhan habang naglalaba.

Naglakad siya papunta roon, nakilala agad siya ng isang ginang roon kaya ay magiliw siyang binati na binati niya rin pabalik.

"Mukhang mag-isa ka ngayon? Nasaan ang asawa mo?" napapangiwi pa rin siya kapag naririnig ang salitang asawa. Hindi talaga siya nasasanay.

Ngumiti siya sa mga ito. "Pumasok sa trabaho." aniya at inumpisahang maggusot.

Nagdala ulit siya ng malinis na damit dahil duon niya gustong maligo. Pero mukhang alanganin, dahil mayroong mga grupo ng binata sa may kubo o 'di kaya'y naliligo sa ilog at laging sumusulyap sa banda nila. Kay Alleyah mismo. Marahil ngayon lamang nila nakita ang dalaga sa ilog na iyon.

"Ano ang trabaho ng asawa mo?" Tanong ng isa.

"Ah, magsasaka po sa bandang may kanluran."

"Doon kay Don Pedro ba kamo? Nako, ang swerte ng iyong asawa at nakapasok roon. Ang mister ko nga ay nag-apply rin doon kaso ay napakahigpit ng lugar at pili lamang ang pwedeng magtrabaho."

Huh? Hindi niya inaasahan iyon. Siguro ay mayaman ang Don Pedro na iyon. Sabagay sa nakita niyang taniman nito ay masasabing mayaman nga ang may-ari ng lugar.

Nagkwentuhan lamang sila ng mga bagay bagay hanggang sa matapos ang mga ginang maging siya. Pasado alas onse sila natapos. Maaga siyang natapos dahil kokonti lamang ang kaniyang nilaba.

"Halika, hija tikman mo ang luto kong bilo bilo." pag-anyaya ng isang ginang roon sakaniya sa may kubo.

Naroon na ang ibang ginang sa may kubo at nagsilapit sa mga asawa't anak. Napakasimpleng tignan ngunit nakapaskil sa mukha ng mga taong naroroon ang pagkakontento at saya. She missed her family just by looking at them.

Ngumiti siyang tumango saka sila naglakad sa may kubo natigil naman ang mga naroroon at nagawi ang tingin sakaniya. She smiled to them as they smiled back to her.

"Mga kababayan, Siya si Lea ang bagong salta saatin." Pakilala ng ginang na nag-anyaya sakaniyang tikman ang luto nitong bilo bilo.

Magalang siyang bumati. "Magandang araw po." umusod ang isang ginang upang makaupo siya. Ngumiti siya rito bago umupo.

"Napakagandang dalaga." puri ng isang binata roon na nagpatawa sa mga tao.

"Nako! Diyaan ka nagkakamali Jayson. May asawa na ang binibining ito." saad ng isang ginang.

Nagulat namang ang mga naroroon kasama na si Jayson.

Nahihiya siyang ngumiti.

"Sayang naman at plano ko pa sanang ligawan." muling banat ng binatang nagngangalang Jayson. May bahid na malisya nitong saad.

"Nako, kapag iyong nakita ang asawa ng dalaga ay baka manliit ka, Jayson. Kay gwapo ng binatang iyon."

"Sinabi mo pa."

Nagtawanan naman ang lahat sa narinig. Maya maya pa ay nagkaniya kaniyang kuha na ang mga ito ng bilo-bilo. Pansin niya ang hindi paglubay ng tingin ni Jayson sakaniya ngunit isinawalang bahala na lamang niya iyon. Bigyan siya ng ginang ng bilo-bilo. She uttered a thanks before tasting it. Masarap.

"Anong lasa? Masarap ba?"

Nakangiti siyang tumango. "Napakasarap po. Maaari niyo po ba akong turuang magluto ng ganito para kay Dale?"

"Aba syempre. Salamat at nagustuhan mo."

Ngumiti lamang siya dito. Tiyak na magugustuhan din ni Dale ang bilo-bilo na ito. Nakipag-usap siya sa mga ito at kung minsan ay nakikipagtawanan. Ang Jayson ay lagi siyang tinatanong tungkol sa mga bagay bagay na sinasagot niya naman kahit naiilang ang isusunod nitong komento. Hanggang sa matapos ay nagpasya siyang maligo na lamang roon. Mukha namang mababait ang mga tao roon.

Nasa may ilog na siya ng lumapit sakaniya si Jayson. Nakangiti ito sakaniya. Ngumiti rin siya pabalik. Naiinis na siya dito, lagi na lamang itong sumusunod o 'di kaya'y nakikipagkwentuhan sakaniya na animo close sila.

"Kailan ka pa rito?" tanong nito at nakisabay sakaniyang paliligo. Medyo naiilang siya dahil sa halos lahat ng binata na naroroon ay ilag sakaniya ng malamang may asawa na siya pero si Jayson ay iba.

"Magtatatlong buwan na kami rito ng asawa ko." may diin sa salitang asawa ko upang iparating dito na may asawa na siya. Ramdam na niya na mayroong gusto ang binata sakaniya.

Alam niya ang mga ganoong klase ng lalaki dahil naranasan na niya iyon sa New York pa lamang. They'll approached you because they're interested to you.

Ngumiti lamang ito at muling lumapit sakaniya. Bakit ba ang kulit ng isang ito?

"Bago pa lamang kayo bilang mag-asawa?"

Iba na ang kutob niya sa binata. Oo may itsura ito pero masyado itong feeling close. Kanina pa ito.

"Oo, kakakasal lamang namin noong lumipat kami rito." lumubog siya para sana umiwas sa lalaki ng bigla siya nitong hawakan sa may beywang at iniahon. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito.

Masyadong malapit ang binata. Kinakabahan na siya dahil may mapaglarong ngisi sa mga labi nito at inilapit ang sarili sakaniya. Isa lang ang masasabi niya sa binata. Manyak. Sabi na e, iba ang motibo nito.

Gumalaw ang kamay ng binata sakaniyang mga beywang kaya't nagpupumilit siyang lumayo rito. Nakamasid ang ibang mga tao roon sakaniya pero ang iba ay busy sa kaniya kaniyang gawain. Hindi naman kita ang paggalaw ng kamay ng binata sakaniyang beywang.

Nagtaasan ang kaniyang mga balahibo ng subukan nitong ilapit pa ang sarili.

"Jayson, ano ba?" sa ilang buwan na pananatili sa lugar. Ngayon lamang siya ulit kinabahang muli ng ganoon. Natatakot siya sa klase ng titig ng binata. May malisya roon.

"Bagong bago pa. Pwede pang mabuwag." mapaglaro nitong saad at hinapit siya lalo sa sarili.

Ilang beses siyang nagpupumiglas sa lalaki ngunit hindi siya nito pakawalan.

"Jayson, may asawa akong tao. Kaya pwede ba? Pakawalan mo na ako." matigas niyang saad pero sa loob loob ay natatakot siya dito.

Mali nga siguro na naligo siya sa lugar na iyon. Dapat ay umalis na siya kaagad. Wala si Dale sa lugar. Lagi pa naman siyang pinapaalalahan ng binata na mag-ingat sa mga taong nakakasalamuha niya sa lugar dahil hindi niya alam kung anong klase ng mga tao ang mga naroroon. Mas lalong dumoble ang kaniyang kaba ng makitang medyo kumonti na rin ang mga tao roon.

Biglang may tumawag sakaniyang pangalan. Ang isang ginang. Nagawi roon ang tingin nilang dalawa kaya kinuha ni Alleyah ang pagkakataong iyon upang makaalis sa hawak ng binata at naglakad paalis sa ilog at lumapit sa ginang.

"Lea, mauna na kami."

"Sasama na rin po ako." agap niya ng makitang umahon na si Jayson at naglakad sa may kubo. May mapaglarong ngisi sa mga labi nito habang nakamasid sakaniya.

Nakakatakot. Natatakot siya kung maiwang muli kasama ang binata. Hindi niya ito lubos na kakilala kaya hangga't maaari ay umiwas siya dito.

"Ganoon ba? Sige, magbihis ka na ng makaalis na tayo."

Ngumiti siya ng pilit bago naglakad sa may puno malayo sa ilog. Mayroong ginawang banyo roon na gawa lamang sa kahoy at tela. Bihisan ng mga babae upang hindi masilipan.

Mabilisan siyang nagbihis ng bestidang sleeveless na kulay itim. Pagkalabas ay nagulat siya ng naroroong muli si Jayson nakasandal sa may puno. Napatayo ito ng maayos ng makita siya at pinasadahan ng tingin ang kabubuan niya. May kislap na malisya ang tingin nito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at bigla siyang pinawisan ng malamig. Delikado. She's in danger. Jayson is so dangerous.

Akmang maglalakad na siya palayo rito ng bigla nitong hilahin ang mga braso niya at isinandal sa may puno. Tinuko nito ang magkabilang braso sakaniyang magkabilang gilid.

"Jayson, anong ginagawa mo?" nauutal niyang saad. Patuloy ang pagkabog ng dibdib dahil sa takot at kaba sa binata. Mali ang iniisip niyang mabuti itong tao.

"Napakaswerte naman ng asawa mo sa iyo." may malisya nitong saad at hinawakan ang kaniyang pisngi.

Nagtaasan ang kaniyang balahibo dahil sa ginawa nito at pilit na sinisiksik ang sarili sa may puno at umiiwas dito.

Gusto na niyang maiyak. Sa tanang buhay niya ngayon niya lamang naramdaman ang takot sa isang lalaki. Wala siyang takas dito.

"Sisigaw ako. Pakawalan mo ako, Jayson ano ba?" matapang niyang saad ngunit bakas sa mukha ang takot.

He smirk playfully then plays with her hair. Pilit siyang umiiwas dito pero hindi siya mapagbigyan dahil sa harang ng binata.

"Edi sumigaw ka. Wala ng makakarinig sa'yo dito. Umalis na rin si Aling Helen. Sinabi ko na ako na ang maghahatid sa'yo."

Pilit siyang kumakawala rito pero hindi siya makawala. Tuluyan na siyang naiyak ng lumapat ang labi nito sakaniyang leeg.

"Dale." Mahina niyang saad habang nakalapat ang mga kamay sa dibdib nito at pilit na lumalayo.

Akmang hahawakan siya nito sa may dibdib ng makarinig ng pamilyar na sigaw.

"Lea!"

"Dale." Mahina niyang saad.

Natigil si Jayson sa ginagawa kaya kahit nanghihina si Alleyah ay kumawala siya dito. At naiiyak na tumakbo upang salubungin si Dale.

"Dale!" hindi niya alam kung saan nakakuha ng lakas upang sumigaw. Buong katawan niya ay nanghihina at nandidiri dahil sa paglapat ng labi ni Jayson sakaniyang leeg. Diring diri siya sa sarili.

Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak ng makita ito sa may bandang kubo. Napalingon ito sakaniya. Pawisan ito at halatang galing sa trabaho. Tumakbo siya palapit dito at yumakap.

"Dale." Paulit ulit niyang sambit. Nanginginig ang buong kalamnan niya at paulit ulit na nagre-replay sakaniyang utak ang ginawa ni Jayson.

"Shh. Anong nangyari?" alo ni Dale habang masuyo nitong hinahagod ang kaniyang buhok.

"Umuwi na tayo. Please. Ayoko na dito." mababakas ang takot sakaniyang boses.

Samantalang si Dale ay naguguluhan sa kilos niya. Maya maya pa ay natanaw nito ang isang lalaki na cool na naglalakad paalis ng lugar habang may nakakalokong ngisi sa mga labi. Hindi tumingin ang lalaki sa pwesto nila.

Naguluhan si Dale dahil doon nanggaling si Alleyah ng makita nito siyang tumatakbo at umiiyak.

Marahan nitong inilayo ang dalaga dito. Masyado namang mahigpit ang kapit ni Alleyah kay Dale na waring natatakot na pakawalan siya nito. Natatakot siya. Sariwa pa rin sa isipan ang nangyari.

"Anong nangyari?" Malumanay na saad ni Dale. Nilibot nito ang tingin sa dalaga hanggang sa magawi sa may leeg niya ang titig nito. May marka.

His jaw clenched as he look to her mark on her neck. Mayroon nang nabuong konklusyon sa utak ni Dale.

"Shit." malutong nitong mura.

Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga at muling ibinaon ang mukha sa dibdib ng binata.

"Shh. Don't cry. I'm here." malumanay nitong saad pero sa loob loob ay kumukulo ang dugo nito. Galit. Iyon ang nararamdaman nito ngayon.

Kaya pala may nakakalokong ngiti sa labi ng lalaking nakita nito. Kaya pala lumuluha si Alleyah na lumapit dito. Alam nitong hindi nagustuhan ni Alleyah ang nangyari.

Damn that man! You'll pay for this.

***

NAKATINGIN LAMANG SA kawalan si Alleyah habang nasa loob ng banyo. Dalawang oras na siya roon at patuloy na binabanlawan ang sarili. Diring diri siya. Patuloy siyang umiiyak sa nangyari at mas lalong napahagulgol ng makita sa salamin ang leeg na may marka.

Buong kalamnan niya ay nanginginig. Hindi maawat ang iyak. Trauma. She felt violated. Muli siyang napahagulgol at nililinis ang marka sa leeg. Namumula na ang kaniyang balat roon at humapdi na pero hindi siya tumigil hanggang sa tuluyang mawala pero posibleng mangyari iyon. Aabutin ng ilang linggo bago tuluyang mawala ang marka.

Never in her wildest dream ang magkaroon ng marka sa hindi kakilala. Patuloy niyang pinapatay sa isip ang Jayson na iyon. Anong karapatan nito?

Napitlag siya ng makarinig ng katok. Sa pag-aakalang si Jayson ay sumiksik siya sa sulok at mas lumakas ang iyak.
"No! Don't come near me. No! Stop!" hesiterya niyang saad at napatakip sa sariling hubad na katawan.

"Alleyah, it's me Dale. I won't do anything." malumanay na saad ni Dale. Pero napupuyos ang kalooban nito. Damn that guy who did this to her.

Its already 5 o'clock in the afternoon. Kanina ng umuwi sila ay tulala si Alleyah at hindi maawat sa pag-iyak. Nagugulat at natatakot siya sa tuwing hahawakan o kakausapin ni Dale si Alleyah. Kanina pa siya sa loob ng banyo kaya nag-aalala na si Dale sa dalaga kaya kinatok ni Dale si Alleyah sa loob.

"Dale. Please, don't go away. I'm afraid he's still around. Don't go." hagulgol niyang muli.

He took a deep breath then turn his hands into fist. Sisiguraduhin nitong magbabayad ang lalaking gumawa nito kay Alleyah.

"Dalian mo na diyaan." malamig nitong saad.

"Wag kang aalis. Magbibihis lang ako." Pagsusumano ni Alleyah at nagtapis ng twalya saka lumabas. Bakas sa mukha ang pamumula ng ilong at mga mata dahil sa kakaiyak. Muli siyang yumakap sa binata.

Lihim na tinignan ni Dale ang leeg ni Alleyah kung saan may bakas na marka. Namumula ang bandang leeg niyang iyon marahil sa pilit na inaalis ang marka. Umigtig ang panga ni Dale dahil sa nakita at humigpit ang yakap sa dalaga.

"Who did this to you?" maingat nitong tanong.

Mas lalong humigpit ang yakap ni Alleyah dito at pinilit na 'wag maiyak but she failed.

"Tell me his name." seryoso saad ng binata.

"Jayson." natatakot niyang saad sa pangalan ng binata. Kapag naalala niya iyon ay talagang natatakot siya.

"Fuck him." mahina nitong saad.

Sumubsob lamang si Alleyah sa dibdib ni Dale not minding that she is still naked underneath the towel.

"Magbihis ka na. Ako na muna ang bahalang magluto." ani ni Dale.

Umiling siya. Ayaw niya kahit ilang segundo na mawalay kay Dale, baka biglang sumulpot si Jayson. Natatakot siya.

He took a deep breath. "Please, Alleyah. Baka magkasakit ka. I won't go anywhere, I promise." masuyong saad nito.

Napatingala siya rito na maluha luha. Dale cursed in his mind. Nasasaktan ito sa tuwing nakikitang luhaan ang dalaga.

"Promise?" Parang bata niyang tanong.

Dale kissed her forehead. "I promise." he smile a little.

She felt safe because of that so she distance herself to him. Medyo nalungkot at natakot muli siya ng mahiwalay sa binata but he assured her. That's enough to make her feel relieved.

Pumasok siya sa kwarto at nagbihis sana ng bestida but she stop. Ayaw niyang magsuot ng bestida kaya naghanap siya t-shirt at short ngunit halos lahat ata ay nagamit niya sa pagwo-workout kaya nakatapis siyang muling lumabas. Hinanap niya si Dale sa kusina tulala itong nakatingin sa niluluto. Panay rin ang buntong hininga at pagkuyom ng kamao.

"Dale." She called him.

Nagawi ang tingin ni Dale sakaniya. He stilled for a while before he spoke.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" malumanay nitong tanong at umiwas ng tingin.

"Can I borrow your clothes?" mahina niyang tanong.

Dale look at her for a while. She felt conscious once again. Sa tingin lagi ni Dale ay nagiging conscious siya lagi at biglang bumibilis ang tibok ng puso.

He took a deep breath then walks towards his room. Kumuha ito ng grey shirt at boxer short. Bumalik ito sa kusina at iniabot sakaniya.

She smiled to him. He look away with a red ears.

"Thank you."

Tumango lamang si Dale saka naglakad muli sa harapan ng kalan. Saglit muling tumingin si Alleyah dito bago muling pumasok sa silid. Sinuot ang binigay ni Dale sakaniya. Ah, so comfy.

Muli siyang lumabas ng silid at dumulog sa mesa. Hinayaan niyang pagmasdan si Dale. Nakakapagtaka na medyo umayos na ang pagluluto nito ilang linggo na ang lumipas. Ito na rin ang nagbobolontaryong magluto kada gabi. And the dishes he always cook keeps on improving.

After he finished, inayos naman nito ang mesa at saka sila kumain. He cooked adobong manok. And it taste better than her cook ha.

After they eat he also volunteered to wash the dishes. He doesn't talk the whole situation. Which is so rare. Oo hindi palasalita si Dale pero dati naman ay hindi ito ganoon. Medyo lang pero not totally hindi nagsasalita.
She just let him do the dishes. Pumasok siya ng kwarto at nagmuni muni bago napagpasyahang matulog.

She's at the middle of her sleep when that scenario came into picture. Pawisang napabangon siya sa kama at nag-umpisa nanamang manginig at umiyak.

"No. No. No."

The lights are dim. The night was so calm. Its like a nightmare. Mukhang palagi na niya iyong mapapanag-ginipan. 

Tumayo siya sa kama ng kumalma at lumabas ng kwarto. Nagsalin ng tubig at inisang inom iyon. Pagkatapos ay nanatili siya sa sala. Siguradong hindi siya madadalaw ng antok kaagad agad at kung dalawin man ay baka mabangungot naman siya ng dahil sa nangyari. What she have done to experience it. Napahilamos siya ng mukha at muling naiyak. Napakahina niya.

Patuloy siyang kakainin ng takot kung magtuloy tuloy itong kahinaan niya. Tumayo siya sa pagkakaupo ilang minuto bago nagpasyang kumatok sa kwarto ni Dale. Hindi niya kayang matulog ng mag-isa. She needs a company.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto. Mukhang nagising niya ang binata dahil sa magulo ang buhok nito at namumugay na mga mata. Nanlaki ang mga matang nag-iwas siya ng tingin dito. He's just wearing a boxer short and nothing on top. Damn he looks good.

Namumula siya sa iniisip at pasimpleng kinurot ang mga daliri.

"Bakit?" he huskily asked.

She gulped hard. Bakit ba ang init bigla?

"I can't sleep." iwas pa rin niyang saad.

"What do you what me to do?" medyo may bahid na inis sa boses nito. Siguro nga naistorbo ni Alleyah. Ika nga magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising.

"Can I sleep with you tonight?" kakapalan na niya. Isang gabi lang naman. Bukas na bukas din ay haharapin na niya ang bangungot niya kapag hindi siya makatulog muli. Kahit ngayon lang.

He stilled then look away. He gulped hard.

Ilang minuto pang katahimikan ang nanatili sa pagitan nila. She sighed. Mukhang hindi ito sang-ayon.

She smiled weakly. Mukhang kailangan niyang harapin ang takot niya. "It's okay if you don't want." Nanlulumo niyang saad bago muling humakbang paalis. Nagulat siya ng hilahin siya ni Dale papasok ng kwarto nito.

"Fine." He said. Sinarado nito ang kwarto at muling tumingin sakaniya ng seryoso.

Nagtaas siya ng tingin dito meeting his heavy gazed. Wala siyang mabasang kahit ano sa mga mata nito. Hindi ba ito natutuwa na naroon siya sa silid nito. Baka iniisip nito ang rule na ginawa niya dati. Privacy.

He roam his gaze to her face then stop to her neck where the mark was. Nagulat siya ng marahan nito iyong hinawakan. Ginalaw nito ang hinlalaki sa may marka niya. His jaw clenched, his gazed turned dark as he look at her mark.

Hinapit siya nito palapit sa katawan nito at ginaya papalapit sa kama.

"Dito ka na matulog. Sa sala na ako." Nang mahiga siya nito sa kama.

Akmang bibitaw ito sakaniya ng maagap niyang hawakan ang braso nito. He stop then look at her again.

"No. Don't leave me. Dito ka na din matulog." Namumula niyang saad.

He sighed. Ngunit tumabi rin ito ng higa sakaniya. He distance himself to her. Nagtataka si Alleyah dahil doon. Wala naman siyang sakit para lumayo ito ng ganoon sakaniya. So she crawled near him. Yumakap din siya dito. Para namang tuod roon si Dale as he keeps on sighing deeply.

What's his problem?

Tumingala siya dito. He remained unmoved. Ang mata ay nasa may kisame.

"May problema ba, Dale?" naguguluhan siya sa kilos nito.

Mariing pumikit si Dale at muling napalunok saka umiling. His breathing becomes heavy. Nakapulupot ang mga braso ni Alleyah sa may beywang ng binata habang ang mukha ay nasa dibdib ng binata.

"Tell me." giit niya. Nang walang makalap na sagot sa binata ay umayos siya ng higa at hinarap ito face to face. Akala niya ay tulog na ito ngunit nagmulat ito ng mga mata at sinalubong ang kaniyang tingin. Medyo lumantad ang balikat niya dahil na rin sa maluwang ang damit nito. Nagawi roon ang tingin ni Dale but again he look away.

"Dale."

Tinulak nito ng konti si Alleyah at umupo ng maayos. Nanatili namang nagtataka si Alleyah sa kilos ng binata.

"Nothing. Matulog ka na." Nahihirapan nitong saad.

Nakamasid lamang siya dito. He tsked then look at her. Kapansin pansin ang marka niya sa leeg. Napansin niya na doon nakatitig ang binata kaya tinakpan niya iyon. Muling tumingin sakaniyang mga mata si Dale. Seryoso at madilim ang mukha nito.

"Let's sleep." naiilang niyang saad bago muling humiga at tumalikod dito. Muntik na siya mapatili ng hinapit ni Dale ang kaniyang beywang at hinarap dito. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Masyadong malapit ang mga mukha. She gulped hard as Dale was looking intently at her then to her neck.

"Damn." he uttered a cursed before he dip his head to her neck where the mark is. Nagtaasan ang balahibo niya sa katawan hindi dahil sa takot kundi dahil sa labi ng binata roon. Her heart beats so fast. The overwhelming emotions made her close her eyes as he sucked her skin. Sigurado siyang mag-iiwan iyon ng marka.

Nanatili ang mga labi ni Dale roon. Minsan ay dinadampi at minsan ay sinisipsip. May sakit at sarap siyang nadarama galing doon. Mahigpit ang kapit niya sa bedsheet at mabibigat ang paghinga.

Maya maya ay nag-angat ito ng tingin. Mayroong kislap ng pagnanasa at kung ano sa mata nito. Gumawi ang tingin nito sakaniyang leeg at mayroong ngiti sa mga labi. He is satisfied of what he seen. Bago umayos ng higa sakaniyang tabi iniwan siyang tulala. Niyakap siya nito ng mahigpit bago nagsalita.

"Matulog na tayo." malalim na saad ng binata saka sumiksik sakaniyang leeg.

What was that? And why does her heart feels so happy about it?

Mukhang wrong choice na doon niya naisipang matulog.

--
072121

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro