KABANATA 10
wyrdaest>>
KABANATA 10
Fine
NANG MAGKAMALAY, IMINULAT ni Alleyah ang mga mata na agad ding napapikit dahil sa liwanag ng kaniyang silid.
"Thank God, you're awake."
Alleyah open her eyes then look at her right side, nagpakurap kurap siya upang sanayin ang mata sa liwanag. Bakit ba ang liwanag?
Natigilan siya ng maramdaman ang likod ng palad ni Dale sa bandang leeg niya. Makapigil hininga ang ginawa niya sa saglit na paglapat ng balat nito sakaniya.
"May lagnat ka pa rin." problemado nitong saad.
Oo nga. Dama niya pa rin ang pag-iinit ng katawan dahil sa dinaramdam na sakit. Pero medyo nabawasan iyon. Ang pagkahilo ay tolerable na.
"Anong oras na?" tanong niya at umiwas ng tingin dito. Napansin niya na wala siya sakaniyang silid. Silid ng binata. Pero bakit? Ang huli niyang natatandaan ay nawalan siya ng malay sa kaniyang silid paanong nilipat siya nito sa silid nito.
"3 o'clock. Ang tagal mong nawalan ng malay. I'm sorry." guilt was evident in his handsome face.
Nalipat ang tingin niya rito. She weakly smile. Masyadong mabigat ang nadarama niya.
"It's fine. Atleast you came home."
He heavenly sighed as if its not okay. "I should came home early. Hindi ka sana nawalan ng malay." he insist.
"Okay nga lang." Mahina niyang saad.
He didn't say a word. Kinuha nito ang bowl na naglalaman ng lugaw.
"Ipapainit ko muna ito. Sige na, magpahinga ka muna."
Umalis ito at iniwan siyang mag-isa sa kwarto nito. Mariing pumikit si Alleyah. Ganoon talaga siya kapag nakaligtaang uminom ng gamot o nagkahiga sa kama ng ilang oras. Mawawalan siya ng malay pero kinabukasan rin ay naroon si Sierra upang alagaan siya.
Natatawa na lamang siya kapag biglang bumalusok sa sermon si Sierra, na kung hindi daw ito dumating baka tuluyan na siyang matigok dahil lamang sa simpleng lagnat.
What do you expect? Sinanay siya ng ina na laging naroon o kaya'y ipapatawag ang personal doctor para asikasuhin hanggang sa gumaling siya. Nabago lamang noong pinili niyang maging independent sa New York.
Minutes later, Dale came back holding a tray. Bowl ng lugaw, pitsel at baso saka mga gamot. Umayos ng upo si Alleyah. Umupo sakaniyang kanan si Dale at nilapag ang dala sa night stand. Kinuha nito ang lugaw at hinipan saka itinutok sakaniyang bibig.
Saglit na natigilan si Alleyah sa kinilos nito. Sierra didn't do that thing. She finds it cringe daw kapag nagpapakain ng may sakit. Only her Mom. But Dale was different. He is different.
"A-Ako na." Naiilang niyang saad at akmang aagawin ang lugaw dito ng ilayo nito iyon at malamig siyang tinitigan.
"No, don't be so stubborn. Let me feed you." matigas nitong saad at muling iniuma ang kutsarang may laman na lugaw sa bibig niya.
She's too weak to start a fight so he let him do what he wants to do. Until she finish.
"Drink this." abot nito ng tatlong gamot.
Uminom muna siya ng tubig saka isinunot ang mga gamot. Napangiwi siya ng matapos. It's bitter.
Kinuha na ulit ni Dale ang mga pinagkainan niya.
"Magpahinga ka na muna. I'll check you again later." he said.
Malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Alleyah saka humiga at muling nagpatangay sa antok.
--
She woke up when she heard a loud noise from the kitchen. Mukhang kaldero iyong nahulog.
"Fuck." malagom na mura ni Dale.
Her brows furrowed. Medyo maayos na ang pakiramdam niya at nakakatayo na rin siya ng maayos. Ano bang nangyayari sa kusina at patuloy ang mga nagbabagsakang kasangkapan roon?
Napansin ni Alleyah na gabi na. Anong oras na ba at ginabi siya ng gising?
She glance at the closed door again when she heard Dale keeps on cursing and everything keeps on falling. Napangiwi siya. Ano bang nangyayari dito?
Tumayo siya sa kama at saglit na natigilan dahil sa suot. What the fuck, she was wearing Dale's clothes?! His white shirt that looks bigger on her. Hanggang hita at siko na niya ang manggas at laylayan ng damit nito na nagmukha niyang bestida. She was also wearing his boxer short.
Nanlaki ang mga mata ni Alleyah. Hindi naman ganoon ang suot niya noong nawalan siya ng malay ha? Ibig sabihin lamang no'n ay...
"Fuck."
"Shit."
Sabay nilang mura ni Dale. Siya ay mahina lamang na napamura dahil mapagtanto na pinalitan siya ni Dale at siguradong nakita nito ang katawan niya. Samantalang si Dale ay dahil napaso ito dahil natatarantang tinignan ang nilulutong noodles dahil nag-uumapaw na ang sabaw ng niluluto dahil nakalimutang kumuha ng pot holder at basta basta na lamang binuksan.
Nakatulala lamang sa katawan si Alleyah.
Shit. Shit. Shit. What the hell is happening?
Napuyos siya sa galit dahil sa ginawa ng binata. But he just did what he think is right. The hell with that right, he invaded her privacy. He crossed the line.
Padabog na lumabas ng kwarto si Alleyah. Not minding that she's still felt a little dizzy. Basta ang gusto niya ngayon ay singhalan ang binata. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Dale na nagpapanic hindi alam kung anong uunahin sa harap ng kalan.
Nakalimutan niya saglit ang balak habang nakatingin dito. He didn't know that Alleyah was looking at him.
Maya maya ay tumikhim si Alleyah. Dale stilled then look at the entrance where she was leaning. Alleyah was crossing her arms to her chest and having a bitch face while looking at Dale.
Saglit na tinignan ni Dale ang kabuuan ni Alleyah. Even though Alleyah is a model, having a fine height she still look small wearing his clothes.
He was amazed and something in him was so proud looking at Alleyah with his shirt on. He finds it, perfectly fit.
"Care to explain to me what is happening here?" Masungit niyang saad upang iwasan ang pagkaconscious sa sarili dahil sa paninitig ni Dale sa kabuuan niya.
The whole kitchen was a mess. Everywhere she look there's an equipment that was misplaced or even on the ground. Napakakalat. Parang dinaanan ng bagyo. Same as Dale. Magulo na ang ayos ng buhok. Mayroon din dumi sa mukha na sa palagay niya ay sauce ng kung ano. Pati damit nito ay lukot o di kaya'y may mga mantsa. But even though Dale looks like a mess, he's still handsome.
Wait, the hell?
"Anong ginawa mo dito Dale? Naglaro?" Ang ayaw niya sa lahat ay makalat. Kumakati ang mga mata niya at naiinis siya kapag nakakakita ng kalat.
"It's a total mess in here?!" naiinis niyang sigaw.
"I'm--I was just cooking." bakit parang nahiya si Dale at umiwas ng tingin sakaniya.
Hindi naman ito ganoon dati. Wala itong kinatatakutan. Sa katunayan ito pa nga ang mas kinakatakutan. But its the other way around now.
"Cooking? Ano trip trip lang yung mga nakakalat?" napaayos siya ng tayo at inumpisahang mag-ayos ang mga nakakalat na mga kagamitang panluto sa tamang kinalalagyan.
Dale insist that he'll do it but Alleyah glared at him. Nagulat naman si Dale sa tingin nito kaya tumayo ito at nagtungo na lamang sa may kalan. Pahiya ito doon.
Nang matapos si Alleyah sa pagliligpit ay hindi pa rin tumingin si Dale sakaniya. She took a deep breath. Umupo siya sa upuang naroroon habang nakamasid kay Dale na busy sa pagluluto. Naririnig niya ang minsan nitong mahihinang pagmumura sa tuwing napapaso o 'di kaya'y nasusugatan. Hindi talaga ito sanay magluto.
She shook her head then stand up.
"Ako na."
Tumingin si Dale sakaniya at umiling.
"No. Maupo ka na lang ulit doon. Ako na ang bahala rito." anito at inilagay ang hiniwang onion leaves sa niluluto nitong noodles. Napangiwi si Alleyah sa nakitang luto nito. Hindi talaga marunong, halata.
"Kaya ko na. Ako na, Dale."
Maayos na ang pakiramdam niya. Nakakaya na naman niya. Mukhang nahihirapan si Dale sa pagluluto.
She's so stubborn.
Napagtanto ni Dale ang ugali ni Alleyah. Ang pagiging matigasin ng ulo nito. Kung gusto niyang gawin ang isang bagay talagang gagawin niya, with or without the others approval. She's a hard headed woman.
"Fine." Wala itong nagawa kundi ang sumuko. Alam nito na hindi ito mamakakahindi sakaniya. She have her ways.
She smiled sweetly to him. Dale rolled his eyes then walks away from her. Her smiled becomes wide because of Dale's attitude. Iyong totoo, ito ba ang babae sakanilang dalawa o siya?
She open the lid of the pot. It's an instant noodles. Mukhang lima ata ang niluto nitong instant noodles. Pero bakit ang dami ng sabaw? Edi walang lasa? She shook her head. She started to do what is needed to do. Inayos ang dapat ayusin. She was expertly did all the needed to fix. Dale was just looking intently at her back as she move. Alleyah felt conscious because she knows that Dale was watching her every move. She looks good in the kitchen. Gamay na gamay niya ang bawat parte ng kusina.
Later on, she's done. Nilapag niya ang mga niluto sa mesa. Tumayo si Dale upang kumuha ng mga plato't kutsarita. Umupo na rin si Alleyah at inantay na matapos sa pagpe-prepared si Dale. She smile to him then started to eat. Napangiti siya ng malasahan na ng maayos ang kinakain. Bumalik na ang panlasa niya. Konting kembot na lang at magiging magaling na siya ng tuluyan.
Dale was so silent as he devour the food. Alleyah was indeed a good cook. Hindi na bago kay Alleyah iyong ganitong ugali ni Dale. Sa araw araw ba namang kasama niya ito. After she finish she volunteered to wash the dishes but Dale did not allowed her to.
She pouted then walks towards her room. Gusto na niyang maligo pero alam niyang hindi pa pupwede. Baka mabinat siya, kaya lumabas siya ng kwarto at nagtungo ng banyo. Kumuha siya ng isang tabo ng tubig at malinis na face towel. Suot niya pa rin ang damit ni Dale. She felt comfortable wearing his shirt. And she doesn't know why.
Lumabas siya ng banyo at muntik ng matapon ang hawak na isang tabo ng tubig ng biglang lumitaw si Dale pagkabukas niya ng pinto.
"You scared me."
Tinignan lamang siya ng binata ng seryoso bago nilapat ang likod ng kamay sakaniyang noo. Lihim siyang napasinghap.
"Bumaba na ang lagnat mo. Here, drink this medicine para tuluyan ng mawala ang lagnat mo." Inabot nito ang tatlong tableta at isang baso ng tubig.
Hindi naman niya alam kung paano bibitbitin iyon dahil dalawang kamay niya ay may hawak. Napansin naman iyon ni Dale kaya inuma nito ang tatlong tableta sakaniyang bibig.
Nanlaki ang matang nagtaas siya ng tingin dito. Seryoso ang anyo ng mukha nito.
"Mamaya na." Aniya. Ang awkward naman kung pati pag-inom ng tableta ay isusubo pa nito.
Dale shook his head for disapproval. "You'll might forget it. Say ah." Pilit nito.
She pouted feeling defeated. Bakit parehas sila ng ugali. Pilit kung pilit.
Later on, she open her mouth. Isinubo naman ni Dale ang gamot sa nakaawang niyang bibig at pinainom ng tubig. Para siyang bata na pinainom nito ng gamot dahil may nakatakas na tubig na tumulo sakaniyang bibig. Ang hindi niya inaasahan sa sunod nitong ginawa ay itinaas nito ang laylayan ng suot na t-shirt hanggang maabot sa kaniyang bibig para punasan ang kumawalang tubig.
Nakamaang lamang siya rito. Naroon pa rin ang kaseryosohan sa mukha nito. Is he not aware that his broad chest, his eight pack abs and a happy line was displayed in front of her? Namula si Alleyah habang nakatingin roon. Kapantay niya lamang halos ang nakadisplay sakaniyang harapan. Hanggang balikat lamang siya nito.
"Enjoying the view?" mapang-asar ni Dale ng mapansing nakatingin si Alleyah sa pang-itaas nito.
Nag-angat ng tingin si Alleyah dito. Naroon ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito at paghanga sa kislap ng mata.
"Tsk. As if." Namumula niyang saad at naglakad palayo rito. Dali dali siyang naglakad papasok ng kwarto at nilock iyon. Mariing pumikit si Alleyah habang nakasandal sa may pinto. How does it feels kaya? Is it hard?
"What the fuck, Alleyah? You've seen so many body like that, bakit para kang uhaw na hindi nakakita ng ganoon?" singhal niya sa sarili.
In her career. Hindi na bago sakaniya ang makakita ng mga ganoong katawan. Pero si Dale, the cold as ice Dale. She shook her head at pinaypayan ang sarili. Bakit uminit bigla?
***
NAPUNASAN NA NI Alleyah ang katawan at nakapagbihis na ng night gown. Pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Pabaling baling siya sa kama at humahanap ng pwesto pero hindi talaga siya dalawin ng antok. Naninibago siya.
Naiinis na naupo siya. Ano bang problema niya?
She took a deep breath then look to her window. The night was so silent and calming. Hindi na umulan pang muli simula ng magising siya. Siguro ay umalis na ang bagyo sa probinsya kung nasaan siya.
Naglakad si Alleyah patungong bintana at tumingin sa kalangitan. Nakalimutan na niya ang problemang tinatakasan niya. Ang dahilan kung bakit naroon siya.
Life is so cruel and playful. Akala niya puro lamang positive at saya ang mararanasan niya since she comes from a wealthy and happy family. Na walang ibang gaanong iniisip na problema. Nakukuha ang mga bagay na gusto. Hindi katulad ng iba na kailangan pang paghirapan upang makuha. In one snap, she gets what she want.
Pero dahil sa nangyaring pagbabanta sakaniyang buhay ay nawala sa isang iglap ang lahat. Ang nakasanayan ay unti unting nawala. Hanggang sa mapagtanto na kailangan niyang gawin ang mga bagay na hindi niya halos mapagtanto na kaya niya palang gawin. In her life before, they treated her as a Queen. Konting utos dito, konting paghindi dito naibibigay sakaniya pero ngayon, hindi na niya iyon magagawa pa. Kailangan niyang kumilos sa sariling paa at makisama. Alam niyang panandalian lamang iyon, but she learn a lesson. Don't take anything for granted. Matuto tayong makontento at magpasalamat dahil mayroon tayo ng mga bagay na pinaghihirapang makuha ng iba.
Buntong hiningang inangat niya ang kamay. Mayroon siyang nakikitang mga bituin sa kalangitan pero hindi iyon gaanong karami tulad ng mga nagdaang gabi. She started to draw something what her hands tracing is.
It formed a camera. She sadly smiled. Ang camera na siyang naging katuwang niya sa nagdaang limang taon sa industriya ng pagmomodelo. Naging kakambal niya sa loob ng limang taon. She missed her career so much. But everytime she miss it, Dale came to the picture. Ang malamig na titig nito at ang seryosong mukha nito.
Dale. Lagi na lamang bang si Dale ang iniisip niya? Ilang buwan pa lamang silang magkasama, posibleng magkagusto siya sa binatang iyon.
Umiling siyang naglakad pabalik ng kama. Umupo siya sa pinakadulo ng kama habang nakatingin sa harapan.
"Sana matapos na ng mabilis ang lahat."
Huminga siya ng malalim bago humiga sa kama at pinilit na matulog.
--
Kinabukasan, ay tuluyan na siyang gumaling sa sakit. She can move back to normal. Maaga siyang nagising upang magluto ng agahan. Dahil hindi na tuluyang umulan at nagpapakita na ulit ang sikat ng araw ay sigurado siyang balik sa trabaho si Dale.
She prepared a garlic rice, sunny side up egg, and longganisa for their breakfast. Nagprepara din siya ng ibang putahe sakaling magutom si Dale ay may mababaon ito. Nagtimpla siya ng gatas para sa sarili.
Bumukas naman ang pinto sa kabilang kwarto. Bagong paligo at handang handa na si Dale sa pagsasaka. Wearing a green thin jacket, black slacks, and a plastic boots. Gwapong magsasaka.
Nanlaki ang mga mata ni Alleyah sa iniisip. Gwapo ka diyan?
Napatingin naman si Dale sakaniya at nagtataka. He tilted his head. She awkwardly smile at him.
"Kain na."
Sabay silang dumulog sa hapag at sinimulang kumain. Panay ang sulyap naman ni Dale sakaniya. Nagpatay malisya na lamang si Alleyah pero sa loob loob ay naconscious siya sa sarili. Mayroon bang rumi sakaniyang mukha?
"May masakit pa ba sa'yo?" tanong ni Dale.
Natigil si Alleyah sa pagkain at tinignan ito ng nakangiti saka umiling. "Magaling na ako." aniya.
Tumango tango ang binata at tahimik na muling kumain.
Napasimangot naman si Alleyah. Iyon lang pala.
Teka bakit nga ba siya sumisimangot?
Can you please go back to your senses Alleyah? Ano bang paki mo kung ganoon lamang ang tanong nito? Don't feel so disappointed for nothing?
It's really not her. Bakit nga ba?
She shook her head then keeps on eating. Mamaya baka umpisahan na niya ulit mag-workout. Not because she's getting fat, well actually she feels like that but because she wants to stay healthy habang naroroon. Dati naman ay hindi niya napapabayaan ang sarili noong nagmomodelo. Dahil kailangan niyang imaintain ang healthy'ng pangangatawan. Kaya kailangan na niyang mag-workout muli.
After they eat, she volunteered to wash the dishes but then again, Dale did not allowed her. She pouted then walks towards her room. She's lack of equipment kaya gagawa na lamang siya ng paraan para makapag-workout.
"Alleyah, aalis na ako." sigaw ni Dale.
"Okay! Take care." Sigaw niya rin pabalik. Busy siya sa paghahanap ng mga gagamiting kagamitan para makapag-exercise.
Napangiti siya ng makakita ng exercise mat. Okay na rin iyon atleast magkaroon siya ng pagkaka-busy-han. Nagbihis siya ng damit pang-workout na hindi namang totally pang-workout dahil wala siyang dalang mga ganoon. Isang cycling short, and a black sports bra. Hindi na lamang siya nagsapatos dahil wala siyang dala kahit isa, tanging isang pink na doll shoes at puting tsinelas.
Itinali niya ang buhok pataas saka lumabas ng kwarto. Itinabi niya ang mga upuan sa sala at nilatag ang exercise mat. She did stretching first. Bago nag-umpisa. Mga simpleng exercise lamang ang ginawa niya to maintain her shape. Marami nga ang nagsasabi na hindi na niya kailangan pang mag-workout because she have a fast metabolism but she always said that she still needed to exercise to maintain a health body.
After of one hour of doing different exercise, nagpahinga muna siya at uminom ng tubig saka naligo. Isinaayos sa dati ang sofa na kaniyang itinabi sa dati. She just wear a simple above the knee floral dress, it's an off shoulder dress. Medyo mahaba haba na rin ang buhok niya. What if, she cut her hair up to her shoulder?
Sabagay, habang hindi pa siya nakakabalik ng trabaho niya pwede siyang magpagupit hanggang balikat. Tatanongin niya mamaya si Dale kung pwede siyang magpagupit ng buhok.
Hell? Bakit kailangan pang komunsulta kay Dale? Gagawa na lamang siya ng paraan para magpagupit. Bahala na.
---
072021
wyrd (weird) saying: Boring chapter itech haha~ -.-'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro