EPILOGUE
wyrdaest>>
EPILOGUE
Matthew Dale "Boss Dale" Lee
"WHAT'S YOUR PLAN?" Callus seriously asked.
"Ay gago!" Sigaw nito habang hawak ang cellphone.
"Gago, Draven nasa kanan! Ang bobo mo namang kakampi." komento pa nito. Nakaopen mic sila, naglalaro ng online games.
"Lag kaya!" sigaw ni Draven sa kabilang linya.
Nasa opisina siya nito at ang gago inuna pa talaga ang paglalaro.
Muling tumingin si Dale sa hawak na résumé.
Alleyah Noelle Loren
That's the name written on the resume. She's not applying or what but she's a mission he had to accomplish.
Blanko lamang niyang pinagmasdan ang 2x2 picture na nakalakip sa resume na hawak niya. She's beautiful alright. She got a heart shape face. Mula sa hazel brown nitong mga mata na sobrang nakakabulag sa pagkainosente, maiitim na pilik at kilay, matangos at katamtamang taas ng ilong, ang natural na mapupulang mga pisngi, ang nunal nito sa bandang kaliwang pisngi na mas nakadagdag ng naturang ganda.
Something na sobrang lakas ng hatak na pumukaw sa buo niyang pagkatao. No wonder she was named as the sexiest and hottest model in and out of the country.
"She's a mission." he coldly said.
Bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng ipagawa ni Mr. Lee ay ang pagbabantay pa sa anak nito? He got a lots of money that could guard his daughter bakit siya pa ang napili ng mga ito?
"Ang weird din pala ni Mr. Lee ano? Kita mong car business ang negosyo mo tapos gagawin ka lang taga-bantay ng unica hija nito? Lakas ng amats ni Sir." komentong muli ni Callus.
He sighed then stood up.
"Saan ka pupunta, Boss Dale?" Callus asked.
Hindi niya ito pinansin at dire-deretsong naglakad papalabas ng sariling opisina.
"Sir, you have a meeting at exactly 1 pm at-"
"Cancel it." pagputol niya sa sekretaryo niya.
"But, Sir-"
"Melvin, I don't want to repeat myself." he said in cold tone.
"N-Noted, Sir." Iyon na lamang ang nasabi nito.
Dirediretso siya patungong sedan car niya. Balita niya ay nasa mall ang dalaga kasama ang ina nito. A part of him wants to see her in person. Para magkaroon naman siya ng idea kung sino ang babantayan niya sa probinsya ng ilang buwan.
He drove fast hanggang sa marating ang mall. Inayos niya ang suot na dark blue three piece suit at niluwagan ng konti ang necktie. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok bago lumabas ng kotse.
Kumalat sa buong bansa ang pagbabalik ng dalaga.
A model, huh.
He's shocked to know na modelo pala ang babantayan niya sa isang tagong lugar.
And yes, he's accepting the offer. Para sa kompanya niya naman ang gagawin niyang pagbabantay sa dalaga.
Naglakad siya patungo sa isang boutique. May pinapabili din pala sakaniya si Aya na dress pero hindi nito maharap na bilhin dahil daw sa masyado itong natambakan ng schoolworks sa school.
As he entered the boutique nakita niya ang asawa ni Mr. Lee. He know her, lagi nitong kasama ang asawa o hindi kaya'y ang tatlo nitong mga anak na lalaki sa isang business events. He never saw Alleyah with them. So nagulat siya ng sabihin nito na bantayan ang anak nitong babae.
Naging kaklase niya rin si Leo noong college sila kaya talagang hindi na siya bago sa mga ito.
Nagring ang telepono niya kaya humanap siya ng silid kung saan medyo malayo sa ingay.
"Hello, Aya? What color is it?" he coldly asked.
"My God, Kuya. I dm-ed it to you na kaya?" Maarte nitong wika.
"I'll check it." Pinatay niya ang tawag at tinignan ang mensahe nito.
Akma na siyang aalis upang mabili na ang nais nito ng makarinig ng isang mala anghel na boses sa isang kwarto. Asking for help.
Hindi na sana niya iyon papansinin pero patuloy pa rin itong nagtatawag. Nairita si Dale kaya naman lumapit siya kung nasaan ito. Nakalabas ang ulo at nakatingin sa kabilang direksyon at hindi napansin ang kaniyang presensya.
"Can you please stop shouting like you owned this place? You're too noisy." Naiirit ngunit malamig niyang wika.
Nang unti unti itong tumitig sakaniya ay nanlaki ang mga mata nito. Maging si Dale ay nagulat ng makikila kung sino ito.
Alleyah Noelle Loren
Agad niya itong nakilala. And wow, she's pretty in the picture alright but she's more gorgeous this up close. Agad niyang tinago ang pagkamangha sa ganda ng dalaga.
Pareho silang sinisimpatya ang bawat isa.
His first ever encounter with her was kinda chaos. He left the place with a small smile on his lips.
This could be a challenging mission. Alright I'm in.
Noong nagsama na sila sa iisang bubong ay halos walang araw na hindi sila nagkasundo. Sometimes iniinis niya lang ito dahil he find her cute when she's irritated and pissed.
A part of him is saying na dapat huwag siyang masyadong maglalalapit sa dalaga pero his heart didn't listen.
He still had that distance between them but as time pass by he wants to destroy that gap and be with her closely as he want.
Hindi na halos makilala ni Dale ang sarili kapag kasama niya ang dalaga. Lahat ng mga bagay na hindi niya halos ginagawa ay nagagawa na niya dahil sa dalaga. Not until he realized he's changing for her.
"Kamusta ang buhay may asawa, Dale?" Tanong ni Mang Antonio sakaniya habang nasa silong ng mangga upang magpahinga.
Ngumiti siya sa mga ito at nagpunas ng pawis.
"Mahirap pero kinakaya naman po." aniya.
"Alam mo anak, ang pag-aasawa ay napakahirap na misyon 'yan. Diyan na iikot ang mga responsibilidad na hindi mo naman ginagawa noon na ginagawa mo na ngayon."
"Ingatan mo ang asawa mo, anak. Iparamdam mo ang pagmamahal mo sakaniya lagi. Bihira ka na lamang makahanap ng babaeng tatanggapin ka kung ano ka at kung anong meron ka." he added.
Ngumiti siya sa kawalan habang nakikinita ang mukha ni Alleyah sa isipan. Her laughter and smile. It's all precious that he don't want to see that fade.
He might hurt himself if that really happen.
"Alagaan niyo ang isa't-isa."
"Aalagaan ko po siyang mabuti dahil mahal na mahal ko po siya." mahina niyang saad.
Nanahan ang buong kaba sakaniyang puso ng biglang magkasakit si Alleyah. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Nagtungo siya ng bayan at tinungo ang ospital.
"Doc, my wife is sick what can I do to lower her temperature?" natataranta niyang tanong.
Gulong gulo ang utak niya. Kausap niya man ang doktor pero ang kaniyang isip ay lumilipad kay Alleyah. Iniwan niya ito saglit upang magtungo ng ospital. Wala silang stock ng gamot.
It's his first time to took care a sick person. Dati naman sanay siya kapag nagkakasakit mag-isa. He'll just lay all day on his bed. Hindi siya gagawa ng pagkain dahil ang bigat bigat ng pakiramdam niya. Magigising na lang siya nasa condo na niya ang kaniyang ina at inaasikaso siya.
"You should know how to take care of yourself kapag ganitong nagkakasakit ka, anak. Paano kung hindi ako nagpunta rito? You'll just lay on your bed all day?" panenermon ng kaniyang ina.
Mariin siyang pumikit at umayos ng higa.
"I will be better later on." aniya.
"Still."
But gladly natandaan niya naman ang ginagawa ng ina niya kapag nagkakasakit siya.
Niresetahan siya ng doktor ng gamot para mapababa ang lagnat ng dalaga. He's guilty alright. He didn't know that Alleyah is afraid of thunderstorms.
Nahirapan si Dale sa paghahanap ng gamot dahil halos maubos ang mga iyon sa mga botikang kaniyang pinuntahan. Uso pa naman ang trangkaso ngayon.
"Shit!" he cursed then called Draven.
"What?"
"I need medicines." aniya.
"May sakit ka Boss Dale? Kailan pa? Anong nararam-"
"Bilhan mo na lang ako ng gamot diyan at ipadala mo dito. Damihan mo, I'll pay you double."
"Triple, Boss egul malayo kaya ang Pangasinan sa Manila tapos maulan pa. Masyadong risky sa life ko." pagrereklamo nito.
"Fine, now give me my medicines as soon as possible." pinatay niya ang tawag at nag-antay sa may loob ng isang karinderya sa may tapat ng ospital.
Nang dumating ang gamot na dala ni Draven ay sinabihan niya itong kunin na lang ang bayad sa sekretaryo niya. Agad siyang umalis at umuwi.
And mind you. Dale didn't try at least once to cook food for himself before. Biniro pa nga siya ng nanay niya na dapat na siyang I-ban sa kusina dahil wala na siyang pag-asa. And here he is now, trying all his best to cooked food for them.
Alleyah is still sick that's why he need to cook for her. Ilang beses siyang napapaso at napapamura sa tuwing mabibitawan niya ang mga kasangkapan sa sahig. Sigurado siyang magigising si Alleyah sa ginagawa niya.
But he didn't mind, gusto niyang magluto ng pagkain para sa dalaga dahil ayaw niya itong nakikitang nanghihina. Todo ang pag-aalala niya para dito.
Todo singhal siya sa sarili ng maabutan ni Alleyah ang kusina na sobrang kalat. Pasalamat na lang siya at hindi niya nasunog ang kusina pero hindi rin dahil halata ang galit ng dalaga.
Nakakatakot.
Tiklop siya kay Alleyah. Hindi naman siya gano'n. Wala siyang kinakatakutan, siya pa nga ang kinakatakutan.
Napansin niya rin ang pagkahilig ni Alleyah ang tumingin sa kalangitan tuwing gabi at gumagawa ng mga linya gamit ang mga bituin. Humahanga siya sa ginagawa nito na hindi niya namamalayang ginagawa niya na rin. It became part of his hobbit to look up in the night sky and connecting stars to form something.
He smiled when he formed a dress. Agad pumasok sakaniyang isipan si Alleyah. Alleyah is a model, indeed a model dahil kahit simpleng damit ay nabibigyan nito ng hustisya at talagang napakaganda.
Sobra ang tuwa ni Dale sa tuwing nakikita niya ang masayang mukha ng dalaga. Never did he know he's falling in love with her as time pass by.
He wants to protect that smile at all cost but he failed. The moment Jayson give her traumatic experience that cause her bright smile on her face fade away.
Nang malaman niya ang tangkang paghalay ni Jayson sa dalaga ay gusto niya itong patayin. Ilang buwan niyang iningatan ang dalaga pero magiging gano'n gano'n na lang iyon mawawala dahil sa gagong binatang iyon.
"I want to kill that bastard." umiigting ang mga panga ni Dale at nakakuyom ng sobrang higpit ang kaniyang mga kamay na halos mamuti na dahil sa panginginig dahil sa galit.
"Bro, calm down." ani Draven.
"How the fuck will I calm down when my girl just got harassed by that fucking asshole." galit niyang sigaw.
Draven raised both of his hand tanda na sumusuko.
When he received a news about Alleyah almost got raped by that bastard agad niyang tinawagan si Callus at Draven.
"I want him dead." malamig niyang saad.
"Bro, wala sa kamay natin ang batas." angal ni Callus.
His piercing glare look at him. Agad itong nag-iwas ng tingin. "If Aika is in Alleyah's position what will you do?" he asked that caught Callus' off guard.
Agad dumilim ang paningin ni Callus. His jaw clenched.
"Of course, I will kill whoever touch my wife." puno ng galit nitong saad.
"Pero sigurado akong hindi matutuwa si Aika kapag nalaman niyang pumatay ako. Why? Do you want Alleyah to be mad at you forever because you killed someone?"
No, of course not. He don't want Alleyah to be mad at him. Kaya kahit labag sa loob ay wala siyang nagawa kundi sang-ayunan ang balak ng mga ito na ipakulong si Jayson.
He felt relieved when he saw her smile again. Akala niya matagal niya pa ulit makikita ang mga matatamis nitong ngiti. But that's all he thought.
Akala niya nagagampanan niyang mabuti ang tungkulin niyang bantayan ito. Pero hindi, of course she will still miss her life before. Iyong malaya pa ito.
Nagbabakasakali siya na kapag umalis siya ay mababago ang nararamdaman niya sa dalaga pero nagkamali siya. He really love her. Like really. Sa una palang pala may nararamdaman na talaga siya sa dalaga. Hindi lang iyon simpleng paghanga. He love her already.
Gameover.
Pero hindi siya sigurado sa nararamdam ng dalaga. And fuck, he promise Mr. Lee that he will just look for her as her bodyguard.
Ilang araw niya pa lang pagdating sa kaniyang trabaho ay lutang siya at hindi makapagfocus. Si Alleyah ang inaalala niya.
Kasalukuyan siyang nasa meeting ng biglang magring ang kaniyang cellphone. Napatuwid siya ng upo ng makita ang pangalan ni Diana.
He cancel the meeting and rescheduled it when he heard a news about Alleyah got hospitalized. Dali dali siyang nagtungo ng probinsya. Muli, sinisisi niya ang sarili dahil sa pagkukulang sa pagbabantay sa dalaga.
He promise to take care of her double pa sa ginawa niya noon.
Nasasakal na niya pala ang dalaga ng hindi niya namamalayan. Kaya kahit masakit ay lumayo muna siya panandalian sa dalaga.
He hired some investigator for her case dahil alam niya kung gaano na kamiss ng dalaga ang buhay nito noon. He wanted to help, gustuhin niya mang manatili sila sa probinsya ay ayaw niya namang itali ang dalaga. Kalayaan nito ang bumalik sa dating buhay.
But he thinks Alleyah misunderstood him. He mean no harm to her.
Sobra ang saya ni Dale noong may nangyari sakanila. Of course the time na inangkin niya ito nakaplano na ang pagpapakasal niya rito. Planado na niya. Because he can see Alleyah as his wife. Wife material.
Mas dumoble ang pag-iingat niya rito. Pero agad sumagi sa isip niya si Mr. Loren. Ang buong pagtitiwala nito sakaniya na babantayan niya ang dalaga. Pero sinira niya. Naguguluhan siya. At first akala niya matibay na ang pundasyon ng pag-ibig niya rito. Hindi niya pa pala kayang harapin ang pag-ibig nito.
Oo, busog siya sa pagmamahal ng mga tao sa paligid niya but he don't why he became like that. Cold and serious.
They need time. He needs time. He kept his distance from Alleyah but everytime he'll do that nasasaktan siya. Nagseselos siya dahil nakita niya itong nakayakap sa bisig ng ibang lalaki. He wanted to comfort her but he needs time. Duwag nga siguro siya dahil hindi niya ito kayang harapin at ipaglaban sa pamilya nito.
But that's his wrong move. Nakidnap ang dalaga. Pinagkakaingatan niya itong bantayan pero dahil sa maling aksyon nawala ang ilang buwang pagbabantay niya rito.
Doon niya na realized that she loves her fully. Wala ng pero pero, mahal niya ito tapos. Nasaktan siya ng sobra ng magkaroon ito ng trauma dahil sa nangyari. Tinggap niya ng buong puso ang galit ng mag-asawa dahil sa kapabayaan niya.
He wanted to disobey Mr. Loren when he said na tanggal na siya sa pagiging bantay ng dalaga. Isang pagkakamali lang pero grabe ang epekto nun sa nangyari. Masakit, oo, pero kailangan niyang umalis. He wanted to clear to Alleyah na mahal niya ito pero ayaw niyang mabigla ulit ang dalaga. Baka hindi na nito kayanin.
Mawawalan na sana siya ng pag-asa dahil baka iyon na ang huli nilang pagkikita pero nagkamali siya. Alleyah stay in the Philippines for good. Sobra ang tuwa niya ng mabalitaan iyon.
Palihim siyang nakikibalita sa dalaga. Kahit masulyapan lamang ito sa may veranda nila ay tuwang tuwa na siya.
"Ang ganda mo pa rin, inaro."
He looks like stalker but he don't mind. He's really crazy inlove to his girl. Muli siyang kumuha ng litrato noong nasa may veranda ito at sinave sa kaniyang album na tanging litrato lang ni Alleyah lang ang laman.
That's his routine since bumalik ng Manila si Alleyah. Ngumingiti din siya sa kawalan kapag napagmamasdan itong nakangiti sa kawalan.
"Guess who I'll be seeing tomorrow?" pagpaparinig ng kaniyang kapatid na si Aya sakaniya sakanilang library.
Bumalik siya ng bahay nila at doon na ulit nanirahan. Gusto niya ang ingay ng paligid roon lalong lalo na si Aya. Namiss niya kasi ito dahil na rin sa tagal niyang nanatili sa probinsya.
Nag-angat ng tingin si Dale dito. She's smiling so wide, she even wiggled her eyebrows repeatedly.
"Who?" he coldly asked.
"The one you're stalking, you weirdo." she said.
Nanigas sa kinauupuan na swivel chair si Dale dahil sa sinabi ng dalaga.
"Yes, Kuya. Tama ang iniisip mo. The one and only, Ms. Alleyah Noelle Loren." saka ito nagtititili.
Crap
Nagboluntaryo siyang ihatid ang kapatid sa tagpuan nila ng dalaga. Hindi naman siya ang kikitain ni Alleyah pero daig niya pa ang sasalang sa contest sa sobrang kaba.
"Chill, Kuya." Aya teased when she saw her brother so tense.
He sighed.
"I'll ask her to come to my birthday party Kuya for you." she said.
Dale smiled at her then mess her crown. Napatili itong umiwas sakaniya. Natawa naman si Dale dahil doon.
Nanatili siya sa isang malayo ngunit tanaw na parte ng restaurant na pag-uusapan ng kaniyang kapatid at ni Alleyah upang makita ang pagdating ng dalaga.
His heart rapidly beat like it's also on the racing when he saw a glimpse of Alleyah.
"God, she's so pretty." mahina niyang usal at muling inilabas ang cellphone upang kuhanan mulit ito ng litrato. He looks like a paparazzi.
Hindi siya mapakali sa loob ng kotse at kating kati na pumasok sa loob upang alamin kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.
When they both got out he cleared his throat. Inantay niya ang pagdating ng sundo nito. Maya maya ay sumakay na ito sa sasakyan nanginginig na pinaandar niya ang kotse saka nagpark sa harapan ni Aya. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ng pinto ang kapatid.
"I did it, Kuya." she cheerfully said.
Ngumiti ng tipid si Dale dito bago nagtaas ng tingin particular sa kotseng kinasasakyan ng dalaga. Tumingin siya sa kung saang ito nakapwesto. Hindi niya man makita ang loob pero masaya siya dahil nakita niya nanaman ito.
Nang makaalis na ang kotseng kinasasakyan nito ay pumasok siya sa loob ng kotse at pinaandar na. Nang makarating silang bahay ay agad niyang tinanong ang kapatid.
"You got her number?" he asked.
"Of course naman, Kuya."
"Can you make a call? Ask her if she got home safe." he command.
Aya tease him but later on she dialed Alleyah's number.
Nakatingin lang siya dito ng biglang bumandara ang pagkagulat at pag-aalala sa mukha nito.
"Oh my god! what happened, Ate Alleyah?" nataranta nitong tanong.
Dale can't help but to curse so loud. Bigla din siyang sinakop ng kaba sa klase ng tanong ni Aya dito. Anong nangyari kay Alleyah? Is she okay?
"Please be careful. Okay, I'll hang up now. I just check you if you came home safe. Someone was so worried sick for you he even asked me to phone you." Aya said then drop the call.
"What happened?" agad niyang tanong.
Aya rolled her eyes. "Nadapa lang pero okay naman daw siya." anito.
Thank God.
Surprisingly, akala niya sa kaarawan pa ni Aya niya makikita ang dalaga. Inaya lamang siya ni Diana na kumain sa isang resto na gustong gusto nito matapos ang kaniyang trabaho. Gusto niya na sanang magpahinga pero he owe Diana for protecting Alleyah before kaya pinagbigyan niya ito.
Nang makarating sila sa gusto nitong resto ay nahagip ng kanilang paningin si Nicholas ang kapatid ni Alleyah.
"I'll order na ng foods. Wait for me." ani Diana. He just nodded his head and approach Nicholas.
"Bro." Nicholas call him and bro hug him.
"Who's with you?" he coldly asked.
"Mga kapatid ko." he said maya maya ay tinawag ito to get his order.
After that sumama siya kay Nicholas. Agad dumako ang kaniyang tingin sa babaeng nakasandal sa balikat ni Leo. Surprisingly his heart beat so loud. Tindig pa lang kilalang kilala na niya. And fuck, her new hairstyle suits her. Hindi niya in-expect iyon.
Nag-alala agad siya ng makitang hindi ito komportable sa posisyon. Pagod ba ito?
"She must be tired." nag-aalalang saad niya.
She really is. Ngayon ba ito nagpaayos? God she's so pretty up close. Ngayon niya lang ulit nakita ng ganito kalapit ang dalaga. Hindi niya maikalma ang pagwawala ng tibok ng puso habang patuloy na nakamasid sa dalaga.
"Kuya, matagal pa ba?" mahina nitong tanong, bakas ang kaantokan sa tono.
Ngayon niya lang ulit narinig ang boses ng dalaga.
I'm really inlove to this pretty girl right in front of me.
Nang marinig niya ang sinabi ni Diana ay agad niya itong sininghalan. It's not a good joke.
Akala niya nga ay gusto ni Alleyah ang biro nito dahil bigla itong natawa. Nang mag-angat ito ng tingin ay parang gusto niya itong yakapin at halikan sa harap ng mga ito pero pinigilan niya. Mas lalong gumanda at nakadepina ang hulma ng perpekto nitong mukha ang kulay at ayos ng buhok nito. He's speechless. Like totally speechless.
Suddenly his heart stopped beating for a second when he met her gaze. Eyes lock together. The feeling was all coming back and eating his whole system.
Nang ilahad nito ang kamay sakaniyang harapan agad niyang sinalubong ang titig nito.
Dale smirk. Inabot niya ang kaniyang kamay. Lihim na napasinghap si Dale ng muli nanamang mahawakan ang dalaga. It send so many voltage to his body by the sudden touch. Parang kahapon lamang nangyari ang lahat dahil biglang pumasok sa isipan ang araw na magkasama pa sila noon sa probinsya. He lost it completely when he squeezed her hand gently, to feel that he is not dreaming. Him holding her hand again.
"Nice to meet you again... inaro." malalim niyang saad.
Nang maihatid nila ni Diana ang magkakapatid ay pasimple ulit niyang kinuhanan ng litrato ang dalaga.
Pretty as always, inaro.
Nang dumating ang araw ng kaarawan ng kaniyang kapatid ay todo ang paghahanda niya.
"Ang feeling mo naman, Kuya. Parang ikaw pa ang may birthday sa'ting dalawa." pang-aasar ni Aya.
He grin. "My love is here kaya kailangang magpapogi points." aniya.
He opened his phone at napangiti sa bunggad ng wallpaper niya. Iyon ay ang picture ni Alleyah noong nakaraan, ang pagkikita nito at ng kapatid niya.
"Pretty." he compliment.
Noong bumaba siya kasama si Aya ay agad siyang humanga sa aking ganda ng dalaga. She got her new look and fuck, he really loves it. Mas lalo itong naging maganda at kaakit akit. Naiinis siya sa ideyang mas lalo itong nakahatak ng atensyon partikular ang mga kalalakihan dahil sa ayos nito.
Siya lang dapat ang pwedeng humanga at magkagusto rito.
He's jealous alright. He wants her for himself only. Dala ng selos agad niyang ginuyod si Alleyah papasok ng kanilang bahay. Kahit saan man siya tumingin hindi nakakaligtas sakaniya ang mga matang nakatutok sa dalaga and he fucking hate that.
Gusto niyang tanggalan ng mga mata ang mga kalalakihang dumadapo ang mga tingin sakaniyang minamahal.
She's pretty alright but he don't like the way guys stare at her. Gusto niya kaniya lang.
He remove his coat then gave it to her. Her clothes are too thin and short. Oo, alam niyang sanay itong magsuot ng gano'n dahil sa trabaho nito pero hindi siguro siya masasanay. Masyado itong perpekto at natatakot siya na baka makahanap ito nang mas higit sakaniya.
Iniwan niya ito saglit at nagbalik sa party kung saan naroroon ang pamilya ni Alleyah.
"Leo." He called him.
Tumingin sa gawi niya si Leo.
"Ako na ang maghahatid kay Alleyah pag-uwi." paalam niya.
Nagtaas ng dalawang kilay ang binata.
"Yow, bro are you making a move to my sister?" he seriously asked.
Buong tapang niya itong hinarap at tumango.
"Seryoso ako sakaniya."
Ilang segundo siyang tinitigan ni Leo bago nito tinapik ang kaniyang balikat.
"Don't you fucking dare hurt my lil sis. Apat kaming tatambangan ka." biro nito na may halong pagkaseryoso.
Ngumiti siya ng tipid dito bago tumango.
"I won't. I promise." pangako niya.
Dale pulled her closer to him. She was caught off guard because of that. Nanlalaki ang matang napatingin ito sakaniya. Gusto niya itong mahalikan katulad ng dati pero he's controlling himself.
Not now, not until she's already mine.
But Alleyah is really testing his patience. She's teasing him.
"I promise to myself that if I'll kiss you again, I will be sure that you're already my girlfriend. Now do you still want me to kiss you?" he asked.
That's his official cue to court him. Walang sinayang na panahon si Dale. It's now or never.
Baliw na baliw na siguro siya kaya hindi na niya nakontrol ang sarili at mabilis na hinalikan ito. He wanted it to last for a minute but he distance himself. Baka hindi lang iyon ang mangyari kaya kailangan niyang putulin agad.
Habang nagmamaneho pabalik ng bahay ay pasimple siyang humawak sa sariling labi. May ngiti na rin palang nakapaskil roon.
He chuckled. "Damn, I'm crazily inlove to you, inaro." he muttered.
He get Alleyah's number to his sister. Nagtataka pa ang kaniyang kapatid ng kunin niya ang cellphone number ni Alleyah gayong kasama niya naman ito kagabi. He forgot to ask dahil na rin sa kapag kaharap ang dalaga ay natatameme siya at hindi alam ang gagawin.
He's nervous now that he is officially courting Alleyah. Nagresearch pa siya sakaniyang laptop kung paanong acts ang ginagawa ng mga manliligaw sa mga nililigawan ng mga ito.
He don't want to fail. First time niyang manligaw kaya dapat ayusin niya. He gulped when he send a message to Alleyah.
Type siya ng type ng isesend na unang mensahe kay Alleyah.
Hi, it's me Dale.
Too plain.
Hey, how are you pretty?
Corny.
Manliligaw mo ito.
Napangiwi si Dale as he erase it once more. He's really not a type of person na mahilig magtipa ng mensahe. Kaya naninibago siya ngayon.
But at the end he just type his name then send it to Alleyah.
Fuck, what a lame suitor I am.
Tutok na tutok siya sa sariling laptop ng biglang may kumatok.
"Come in." he said.
"Sir, you'll have a meeting to the new hired model to endourse our new innovation car." his secretary informed him.
"Uh-huh, what's the name?"
"Miss Alleyah Noelle Loren and Miss Lovely Mauve." he said then place the paper on his table.
Napaayos ng upo si Dale at agad na hinarap ang sekretaryo.
"When?" bakit hindi niya alam na isa pala sa magiging modelo ng kanilang bagong gawang kotse si Alleyah?
"This coming next Saturday, Sir."
"Reschedule all my appointment this Saturday except from this one." aniya.
May idenail siya sa telepono.
"Moron, have you gave my flowers for Alleyah?" bunggad niya.
Exsaheradang bumuntong hininga ang kaniyang kausap.
"Hello din sa'yo, Boss Dale." sarkastiko nitong bati. It's Draven.
"What?" he coldly asked.
"Nabigay na Boss, happy?" saad ng kaniyang kausap.
Napangiti naman sa kawalan si Dale at pinaikot ang swivel chair.
"Okay, nalagay ko na sa bangko mo 'yong pera." aniya.
"Nako, salamat Boss Dale. Ano bukas gano'n ulit?" biglang sumigla ang boses ng kaniyang kausap.
He chuckled then press the end botton. He type a message for Alleyah.
Dale:
Do you like the flowers?
Nakatutok lamang ang kaniyang atensyon sa cellphone at inaantay ang reply ng dalaga. Nang magreply ang dalaga ay napangiti siya dahil may kalakip iyong litrato. Si Alleyah habang hawak ang puting rosas sa bisig at nakanguso.
Alleyah:
Yes, thanks for the flowers. I love them.
He saved the picture then change his wallpaper again. Halos minuminuto siyang nagpapalit ng wallpaper at laging mukha ng dalaga ang lahat ng iyon.
Dale:
Thank God you like them.
Ganadong ganadong nagtrabahong muli si Dale. Inspirado dahil sigurado siyang may pag-asa siya sa dalaga.
"Sir, nagkaroon po ng problema sa isang modelo natin." Ani Melvin.
His brows furrowed. Bukas na ang nakalaang schedule para sa shooting nila Alleyah. And in a last minute nagkaproblema pa?
"Naaksidente po si Miss Mauve when she's on her way sa place na paggaganapan ng shoot. Tumawag ang manager niya malabo na na makahabol ito sa shoot." he said.
Napahilot ng sentido si Dale. They need someone to replace her. Kailangan nila ng dalawa ang magmomodelo dahil na rin sa pasya ng buong team.
"Find someone na available tomorrow. We can't cancel the shoot, may deadline tayong hinahabol." aniya.
Kinabukasan hindi na siya nakausap ng maayos ni Melvin kung sino ang nakuha nitong modelo dahil tambak siya ng sunod sunod na meeting. Pero gladly at may nahanap sila kahit sa maikling oras.
Natapos ang panghuli niyang meeting at sa wakas makakapunta na rin siya sa shootingng dalaga. Dumaan muna sila sa isang flower shop. As usual he ordered a white rose. Nang makarating sila ng place ay on-break na ang mga ito. Hindi na siya kumain sa daan dahil balak niyang yayain si Alleyah na kumain pero mukhang nahuli siya.
"Let me see the shoot." he coldly command.
Nang makita ang nashoot ay agad niya iyong pinatigil.
"Who the fuck is that guy? At bakit lalaki ang kasama ni Alleyah sa shooting?" galit niyang sigaw.
Bigla siyang kinain ng selos at galit. Hindi niya alam na lalaki pala ang nakuhang modelo ng mga ito na kapalit ni Miss Mauve.
"S-Sir, I thought you are okay with whoever replace Miss Mauve." natatakot na wika ni Melvin.
"I'm fine with whoever pero dapat ay babae rin."
"Delete it. All of it and fucking stop the shoot now. Aantayin na lang nating gumaling si Miss Mauve." galit na galit niyang wika.
Gusto niyang gilitan ang lalaking kasama ni Alleyah sa shoot na iyon. Damn, jealousy is slowly eating him.
"Pero S-Sir. Kulang na tayo ng panahon para makahabol sa date kung-"
Natahimik ang mga ito ng bigla niya nalang punitin ang kontra. He won't let that shoot be air. Never. Not gonna happen.
"I don't want to fucking repeat myself. Now, delete it or all of you will be fired?" he said in finality then walks away from that place.
Pumasok siya sa sariling cottage. Pagod siya galing sa meeting tapos gano'n ang madadatnan niya? The hell. He's possessive if Alleyah is involved.
Kailangan niyang kumalma. He took a fast bath then change his office attire. Nagsuot na lamang siya ng white polo shirt and a board short. Kinuha niya ang black na aviator sa may cabinet saka lumabas muna.
Nilibot niya ang gilid ng dalampasigan upang makalanghap ng sariwang hangin. Nasira ang mood niya dahil sa nakita ngayong araw. Kung alam niya lang na gano'n ang nangyari dapat pala ay inalam niya muna kung sino ang makakapartner nito. Nilunod niya nanaman ang sarili sa pagtatrabaho.
Buntong hiningang bumalik siya ng cottage. He need to talk to Alleyah. Balak na sana niyang lumabas ng cottage ng kumatok si Alleyah. Saglit niyang nakalimutan ang pagkairita sa nakita ng masulyapan ang dalaga.
Pero muli nanamang bumangon ang pagkaseloso niya kaya napagsarahan niya ito ng pinto. Naguilty naman siya at kaya muli niyang binuksan ang pinto pero natigilan siya ng marinig ang boses ng isang lalaki.
Agad niyang binuksan ang pinto ng marinig ang pag-anyaya ng lalaki sa dalaga.
Fuck him.
"Okay, let's talk." He said only to Alleyah.
His stare grew darker because of what she said. Tinanggap nito ang paanyaya ng binata.
His piercing stare glance at the jerk before her. It's the guy she's with during the shoot. "We'll talk. Tonight." he said in finality.
Nang makapasok ang dalaga ay pinasadahan niya ng tingin ang binata. Wala pa sa kalingkingan ni Dale ang lalaki.
"Don't you ever dare make a move to my girl. She's mine, go find yours." he coldly said then close the door.
That same day, Alleyah became his official girlfriend. Ang saya saya niya ngayon na girlfriend na niya ang dalaga ng tuluyan. Sunod niyan ay magiging asawa na niya rin ito. He didn't court Alleyah just to be his temporary girlfriend. She's for lifetime. Hindi na niya ito hahayaang mapunta sa iba.
Never, boy.
Dumoble ang kaniyang pag-aalaga dito. Iyong tipong hindi na nito iisipin pang mahiwalay sakaniya. Iyon naman ang balak niya. Bubusugin niya ito ng pagmamahal niya. Ibubuhos niya ang nag-uumapaw na pagmamahal niya rito ng sa gayon ay hindi na ito makabangon at pipiliin na lang magpalunod.
But fuck happened. His Dad called him.
"Diana got raped." nakakagimbal nitong balita.
"Who the fuck raped her?" Galit na galit niyang wika.
Itunuturing na niya ring kapatid si Diana kahit hindi nila ito tunay na kadugo. Ampon lamang ng kaniyang Tito kapatid ng kaniyang ama si Diana dahil hindi nabiyayaan ng supling ang mag-asawa kaya nag-ampon na lamang ang mga ito.
"It's Leonard Loren." mas lalong nagimbal si Dale sa pangalang binitawan ng ama.
Hindi niya kailan man akalain na magagawa ni Leo iyon kay Diana. Hindi niya alam kung magagalit siya o maaawa. Gulong gulo na ang isipan niya.
Gusto niyang pagbayarin ang gumahasa sa pinsan niya pero sa nalamang kapatid pa ito ng taong mahal niya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Nahahati ang kaniyang desisyon.
Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sarili nilang pamilya ay pilit silang pinaglalayo.
The whole time he's with Alleyah naiisip niya if nagiging unfair ba siya sa pinsan dahil kapatid ni Alleyah si Leo. Mahirap pumili. Dalawa silang importante sa buhay niya.
But he still made his decision. Ilalaban niya si Alleyah kahit sariling pamilya niya pa ang mababangga niya.
"I'm sorry, Dad. Hindi ko po maipagtatanggol si Diana." nahihirapan niyang wika.
Galit na galit na tumayo sa kinauupuan si Tito Duke at agad siyang sinuntok. Napatili naman ang kaniyang ina maging ang Tita Belinda niya.
"You fucking asshole? Naririnig mo ba ang sarili mo? Talagang kakampihan mo pa ang mga Loren na iyon kaysa sa sarili mong kadugo?" namumula sa galit na wika ni Tito Duke.
Umiiyak lang sa may gilid si Diana.
"Pa, let him choose his loveone." pagmamakaawa ni Diana.
"Nahihibang ka na ba, Diana? You should be mad and disappointed to your cousin! He's choosing someone over his bloodline!"
Nag-angat ng tingin si Dale kay Tito Duke.
"She's not just someone, Tito. She's my life, my everything." saad niya.
Nakakuyom ang kamao at umiigting ang mga panga. Hindi lang kung sino sino si Alleyah sa kaniya. Buhay niya ito. Kung wala ito ay hindi niya alam kung anong patutunguhan ng kaniyang buhay. Kung hindi ito dumating sa buhay niya ay patuloy pa rin siyang nananatili sa isang madilim at walang kulay na mundong kaniyang ginawa.
She makes his world from dull to colorful and jolly place to live in. She's everything to him. At kapag nawala pa ito tiyak na guguhong muli ang kaniyang mundo.
Umalis siya ng bahay ng sabihin ni Alleyah na gusto nitong makipagkita sakaniya. He's at mess but he knows that Alleyah already knew what happened to their family. Kailangan siya ni Alleyah. Kailangan siya ng girlfriend niya.
"Let's break up." ang katagang iyon ang siyang napagtigil sa pag-ikot ng mundo ni Dale.
Hindi niya matanggap iyon. Sigurado siyang nagkamali lang siya ng dinig. Pero inulit muli nito iyon ay alam niyang hanggang doon na lang sila.
Sumuko na ito. Gusto niya itong sumbatan dahil tinalikuran niya ang sariling pamilya para dito pero hindi pala siya nito ipinaglabam sa pamilya nito kagaya ng ginawa niya.
He's not as cold as before. Hindi na siya bato para hindi makaramdam ng kahit anong sakit. This time, he's hurting. He's crying. He's at his weak right now.
"I get it." he said.
"I want to atleast hug you but if I did baka hindi na kita pakawalan. You've made your decision. Mag-ingat ka palagi, Alleyah. And yes, I am letting you go. Let's break up. If it'll makes you happy... I'm sorry for not being enough to let you stay. Thank you for allowing me to live such a short but sweet dream. I wanted to say goodbye with a smiling face but this hurt so much that I can't give you a smile... atleast a fake one. I just can't." mapait niyang wika.
Dala niya ang singsing para sana pakasalan na si Alleyah at yayain itong tumakas kasama niya pero hindi pala. Masaya siya at pinili nito ang pamilya nito pero ang kapalit naman niyon ay triple tripleng sakit. Doon niya naisip na mababaw lang siguro ang pagmamahal ni Alleyah sakaniya dahil mas pinili nitong lumisan at saktan siya.
Pero kailangan niyang intindihin. Pipilitin niyang iintindihin. Nagmahal lang sila. Hindi nila ginusto ang nangyari. Walang may gusto ng nangyari.
Days without her are like a boring life he had ever experience. Wala na iyong dating sigla niya ng mawala si Alleyah sakaniya.
Nakatanaw na lamang siya ulit sa nalayo. Nakatanaw na lamang siya sa mga magaganda nitong litrato. Pinipilit niyang ayusin ang sarili dahil gusto niyang patunayan na kakayanin niya ngayong wala na ang dalaga pero hindi. Bawat araw na lumilipas ay mas lalo siyang nagungulila sa presensya ni Alleyah.
He can't do it.
"Anak." tawag ng kaniyang ina sakaniya.
Nag-angat siya ng tingin dito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"You okay?" she worriedly asked.
Kahit pilit na ngiti ay hindi niya magawa kaya nag-iwas siya ng tingin dito at nilunod na lamang ang sarili sa pagtatrabaho.
"I'm sorry." she said.
Natigilan siya sa ginagawa at napatingin sa ina.
Gusto niyang sisihin ang mga ito dahil sa pilit na pagpapalayo ng mga ito sakanila ni Alleyah pero hindi niya magawa. May rason sila at magmumukha lamang siyang kontrabida that's why he just gave them a cold shoulder.
"Hindi naman natin ginusto ang nangyari. I want you to be happy too, anak pero hindi iyon pwede dahil dalawa kayo ni Diana ang hindi parehas ang kaganapan."
He just listen to her.
"Kapag tapos na ang lahat, go chase your happiness too. Hindi ako tutol kung pipiliin mong maging maligaya. I'm sorry, anak." Then she hug him.
Ilang araw na kinimkim niya sa sarili ay bumuhos ng tuluyan ng mayakap ang ina. Doon siya umiyak ng umiyak sa bisig nito. Mas lalong naawa ang ginang sa sariling anak. Ito ang kauna unahang nakita ng ginang na ganoon kamiserable ang anak at nasasaktan ito dahil wala itong magawa upang punan ang sakit sa puso ng anak.
"Dale." Diana called him. One time that he's working.
"What is it?" he coldly asked.
"I'm going to meet Alleyah today." she said.
Nanigas sa kinatatayuan si Dale sa sinabi ng dalaga.
"Don't bother her anymore, Diana. She's already fine." malamig niyang saad ng mahimasmasan.
"But I'm just going to talk to her. Sinasabi ko lang sa'yo ito para alam mo. Sasabihin ko sakaniya ang totoo, lahat lahat." she said then storm off his office.
Natulala ng ilang minuto si Dale sa kawalan bago sinundan si Diana.
"Fuck." He curse then get his key car.
Is she out of her mind? Why would she wants to talk to Alleyah? Anong gagawin nito?
Nalaman niya mula rito na hindi naman ito totoong ginahasa ni Leo. Nasa ilalim ito ng droga ng may nangyari sa dalawa. And he also know that Diana is deeply inlove to Leo but Leo is not. Ginusto nito ang nangyari pero hindi iyon tanggap ni Leo at mas piniling ipakulong ang sarili.
Umupo siya medyo malayo sa dalawa. Nakamasid lamang sa kilos ng mga ito. Maya maya ay namimilipit sa sakit si Diana. Nataranta siya at balak na sanang puntahan ito ng tumingin sa gawi niya saglit si Diana at sinasabing huwag na.
Nagulat siya ng malamang nagbunga ang ginawa nito at ni Leo but it's too late. Nakunan si Diana. Kung alam niya lang sana na buntis ito ay pinigilan na sana niya itong kausapin ang dalaga.
Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang makasama muli ang dalaga ay agad niya itong pinunan muli ng pagmamahal niya. Inalagaan at iniingatan niya ito.
"She's four weeks pregnant." saad ng doktor ng makita niya si Alleyah na nawalan ng malay sa isang sulok.
Rumagasa ang excitement at takot sa puso ni Dale sa narinig. Magiging ama na siya.
Naalala niya pa noon nung nasa probinsya pa sila at nagpapanggap na mag-asawa ay sobrang tuwa niya sa anak ng isa niyang katrabaho.
"Sigurado akong magiging mabuti kang asawa't anak, hijo." papuri ng isang kasamahan niya.
Napangiti siya rito. Agad niyang naimagine si Alleyah habang kalong nito ang anak nila at nag-aantay sakaniyang pagdating galing trabaho. Kinikilig naman siya sa iniisip.
Ngayon magkakatotoo na. Magiging magulang na sila. Hindi siya nagpakita sa dalaga dahil baka ayaw siya nitong makita kaya patago niya na lamang itong pinagmamasdan noong chinecheckup ito ng doktor.
Gusto niyang maiyak ng palihim niyang pagmasdan ang screen ng monitor ng checkup-in ng doktor ang bata sa sinapupunan ni Alleyah. Dugo pa lang ito pero minahal na niya ito agad.
"Anak ko." Mahina niyang usal.
Nagawi ang tingin ng doktor sakaniya ngumiti siyang sinenyasan ito huwag nang ipaalam ang presensya niya sa dalaga. Naintindihan naman ng doktor iyon at nagfocus sa pag-checkup sa mag-ina niya.
Humingi rin siya ng sariling kopya ng litrato ng kanilang anak nang makaalis si Alleyah.
"You're the father of Miss Loren's child?" the doctor asked.
Ngumiti siya rito at tumango.
"Yes."
"Congratulations too, Mr. Lee."
Sinsero siyang ngumiti rito.
"Thank you." he muttered his thanks.
He felt bad for Diana since she lost her child but at the same time he's happy, knowing that he's going to be a father. Nakamasid lamang sa malayo si Dale at binabantayan ang bawat kilos ng dalaga.
He's more careful to watch every Alleyah's move now that he knew she's pregnant with their child.
Biglang nataranta si Dale ng makita ang galit na mukha ni Mr. Loren ang ama nito nang pumasok ito sa silid na inuukopa ni Diana. Alam niyang hindi maayos ang relasyon ni Alleyah at ang ama nito base sakaniyang nakikita noong binabantayan niya sa malayo ang dalaga.
He's hurting and more guilty than her kahit wala namang may gusto ng nangyari. Pareho silang nasasaktan at gustong akuin lahat ni Dale ang sakit. Alam niya kung ga'no kalambot at kaemosyonal ang dalaga kaya gano'n na lamang ang pag-aalala niya para dito.
Lumabas ng luhaan si Alleyah kaya agad niya itong sinundan. God, sobrang sakit ng puso niya at biglang tumigil ang pagtibok ng puso ng masilayan ang luhaang mukha ng dalaga.
Mas lalong umapaw ang kaniyang kaba ng pumara ito ng taxi.
"Shit, baby, where are you going?" natataranta niyang wika at patakbong tinungo ang parke ng ospital. Wala sa oras na napadasal siya.
He step at the speed to it's limit maabutan lamang ang sinasakyang taxi ng dalaga. Nakahinga siya ng maluwag ng pumara ito sa tapat ng bahay ng mga ito. Akala niya pa naman kung saan na ito pupunta.
Akala niya niya mananatili na roon si Alleyah at akma na siyang aalis na biglang bumukas ang gate ng bahay ng mga ito. Isang itim na kotse ang lumabas. Nagtaka siya, nakita niya lahat ng buong pamilya ni Alleyah na nasa hospital paanong may kotseng lumabas ng kabahayan ng mga ito.
Iba ang kutob niya kaya sinundan niya ito kung saan man ito pupunta. Marahas na napasinghap si Dale ng mapagtanto ang pamilyar na daang tinatahak ng kotse.
Biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tinignan niya kung sino iyon. It's Johann.
What does she need this time? Naging ka-close niya rin ang dalaga simula nang ipakilala ni Kyle, his bestfriend ang dalaga sakaniya. It's Kyle's lover. Pinakilala lang ni Kyle sakaniya ang dalaga noong isang araw na binisita niya ito sa sarili nitong pamamahay. Walang label ang dalawa pero alam niya na may damdamin para sa isa't isa ang mga ito.
"What?" he coldly asked still looking at the car in front of him.
"Pasundo ako."
He tsked. "Am I your driver? Where's Kyle?"
"Gago 'yon, huwag na nating pag-usapan. Sige na, sa condo mo muna ako matutulog."
He let her lived on his place for a while since he don't lived in there now simula ng magbreak sila ng dalaga. Balak na rin niyang ibenta ang condo niyang iyon at bilhin ang property na kanilang pinanirahan nila ni Alleyah sa Pangasinan. That place was so memorable place for him and he wants to buy it kahit private property at hindi pinabebenta ng may-ari iyon.
He'll pursue the owner in every way just to have that place.
Gusto niya pa sanang sundan ang itim na kotse pero sigurado siyang nag-away ngayon ang dalawa kaya lumiko siya.
"Where are you?"
"Sa bar ni mokong." anito.
Pinatay niya ang tawag at agad na pinaharurot ang sasakyan. Nang makarating ay nasa labas na ang dalaga at nakabusangot.
"Where's Kyle?" tanong niya agad.
Mas lalo itong bumusangot. "Tanong ka ng tanong kung nasaan ang hayop na 'yon, daig mo pa ang nanay niya." reklamo nito at pumasok na ng kaniyang sasakyan.
"War?"
"Obvious ba?" at nagsimula na itong maglabas ng hinanakit sa binata. Tiniis na lamang ni Dale iyon at muling naglakabay ang utak sa itim na kotseng tinatahak ang daan patungong condominium niya.
Tama nga ang hinala niya dahil nakaparada sa entrance ng condominium ang itim na kotse. Bumusina siya.
"Sinetch?" Tanong ni Johann.
Hindi siya sumagot. Muli siyang bumusina nang hindi umandar ang itim na kotse sakaniyang harapan. Kumilos naman ito at pinaandar hindi naglaon sinundan niya ang itim na kotse hanggang sa underground parking lot.
Nang magpark ito ay nagtataka siya dahil hindi man lang nito pinatay ang engine. He park at the right side of the black car. Nang makapagpark ay saka lang pinatay ng driver ang engine nito.
"The driver looks weird." komento ni Johann.
Bumaba siya ng kotse at kinatok ang bintana nito. Hindi niya makita kung sino ang driver pero malakas ang kutob niyang si Alleyah iyon. And he's guess is right. Bigla siyang nainis nang makitang ito ang nagmaneho. Paano kung nadisgrasya ito? God, she's pregnant.
Hindi niya hinayaang umalis nang basta basta ang dalaga. Iniisip niya ang kalagayan nito, lalo na't buntis ito. Kusang kumilos ang kaniyang katawan at agad itong niyakap. Pinadama dito kung gaano niya ito na-miss at ang magandang balitang kaniyang narinig kani-kanina lamang.
"Damn, I fucking miss you." and thank you for the blessing.
Hindi niya namalayang umiiyak na siya dahil sa sobrang tuwa na makitang muli ang dalaga. This time, he's determine not to let her go away from him. Ilalaban niya ito.
"Come back to me, okay? I wanted to feel my home again." Masuyo niyang wika.
For the past days without her felt like he's lost. Wala siyang matinong tulog. Naging kulang siya nang mawala ang kaniyang kahati. Or even his whole self.
Natuwa siya noong makitang nagselos ito kay Johann. Pinaalam niya namang wala lang si Johann sakaniya. Mas lalo siyang natuwa nang makitang suot ng dalaga ang singsing na kaniyang ibinigay dito.
"It suits you." papuri niya.
Nakita niya kung paano magkaroon ng weird cravings si Alleyah. Nasabihan na siya ng doktor tungkol doon kaya wala siyang reklamong sinunod ang mga gusto nitong kainin. It's for their baby anyway. Napangiti siya sa sariling iniisip. He's really whipped.
Nakamasid lamang siya sa mala anghel na mukha ng dalaga habang kinakain ang mga pagkaing gusto nitong kainin. Kinaumagahan pa ay nataranta siya ng bigla itong dumuwal sa may banyo. Alam niyang normal lang sa buntis ang magsuka first trimester ng mga ito pero hindi siya mapakali at kumonsulta pa rin sa doktor.
"It's normal, Mister for your wife to have a morning sickness don't worry too much. Just stay beside her and let her drink lots of water after she vomit."
He decided to surprise Alleyah this day. Gusto niyang official na mag-propose sa dalaga. He wants to feel her special. Ginugol niya ang libreng oras sa pagpeprepara ng surprise proposal niya sa dalaga.
"Ready na ba ang lahat?" he asked Callus on the phone call.
"Okas na oks na Boss, ready na lahat." ani Callus.
Sa Pangasinan kung saan nag-umpisa ang lahat niya balak mag-propose. And he's happy to know that he already owned the whole place. Kakatanggap niya lamang ng tawag kagabi. Pinangalan niya iyon kay Alleyah. He remember her to that place that's why he brought it named it under her name.
"Ms. Alleyah Noelle Loren the sexiest and the hottest model in and out of the country." nakuha pang matawa ni Alleyah habang umiiyak ng sinambit nya ang pagkakakilanlan ng dalaga.
So lovely.
"Here I am, kneeling in front of you. Asking you once again. Will you marry this coldman guy named Matthew Dale Lee and be your husband?" he asked with full of love and affection.
She got two rings now. Napangiti si Dale sa nakikita. Pretty.
Labag man sa kalooban na iwan ang dalaga pero kailangan. Gusto niyang makausap ang pamilya niya at ang pamilya nito. Ipapaalam na niya sa mga ito ang balak na pagpapakasal nila ng dalaga.
Una niyang pinuntahan ang pamilya. Inurong ni Diana ang kaso laban kay Leo. Tutol man ang buong pamilya nito ay wala silang magawa dahil ang dalaga na ang nagdesisyon. Pagkatapos ay umalis na ito ng Pilipinas. Napag-alaman ng buong angkan niya ang pagkawala ng bata sa sinapupunan ni Diana. Of course her father was mad and sad for Diana's lost.
But Diana insist na walang may kasalanan. She suffered a lot.
"Mom." Dale called his Mom when he got home.
Ngumiti ang ina niya sakaniya.
"I need to talk to you and to Dad also." seryoso niyang wika.
"I'll tell him to go home early today. How's work?"
Nagkwentuhan pa sila ng kaniyang ina nang hindi niya namamalayang nakauwi na ang kaniyang ama. When he choose Alleyah over Diana before alam niyang nagkaroon ng gap sa relasyon nilang mag-ama. Pero hindi siya nagsisising pinili niya ang kaniyang minamahal. Ngayon ay kasama niya ito.
"Why do you want to talk to us?" his father coldly asked nang nasa hapag na silang magpapamilya.
He sighed.
"I'm getting married." he said.
Natigilan naman ang kaniyang pamilya sakanilang kaniya kaniyang ginagawa. Lahat ng atensyon ay nasa kaniya na.
"Si Alleyah ang pakakasalan ko."
"What the he'll is wrong with you?" biglang sigaw ng kaniyang ama.
Buong tapang niyang tinignan ito. "I love her, Dad. Handa akong gawin ang lahat makasama lamang siya panghabang buhay. Siya ang nakikita kong babaeng magiging katuwang ko hanggang sa pagtanda." sinsero niyang saad.
Napahilot ng ulo ang kaniyang ama samantalang gulat na gulat ang ekspresyon ng kaniyang kapatid na si Aya. Ang kaniyang ina naman ay maluha luhang nakamasid sakaniya.
"Are you sure about her?" biglang tanong ng kaniyang ina.
Nagawi ang tingin niya sa ina at ngumiti rito.
"I've never been this sure in my entire life, Mom." Aniya.
"Oh, Dale." Tumayo ang kaniyang ina at agad siyang niyakap. Niyakap niya rin ang ina pabalik maya maya ay napaluha siya.
Dinig niya ang malakas na pagsinghap ng kaniyang kapatid.
"Mahal na mahal ko siya, Mom. I can't risk to let her go again." madamdamin niyang saad.
Kakaiba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao. Nagiging isang bagong katauhan ang sumasanib sa'tin kapag tinamaan ka talaga ng pag-ibig. Dale is a great example of how love change him. From the cold type of guy from a loving and loyal one. He change in a good way. Love change him and he's not ashamed of it.
"Fine, be with your love one. Hindi ako kontrabida sa sarili mong kaligayahan." ani ng kaniyang ama.
"Thank you, Dad."
Ilang beses nagpakawala ng buntong hininga si Dale habang nakamasid sa gate ng pamilya Loren. Ilang beses niyang tinapik tapik ang manibela ng kaniyang kotse.
"Ngayon ka pa kinakabahan." biglang singhal niya sa sarili.
Napatalon sa gulat si Dale hindi naglaon ng biglang tumunog ang kaniyang telepono.
It's Leo.
He sighed then get his phone.
"Tangina." Napamura siya ng malutong ng makita ang panginginig nang kamay habang inaabot ang telepono sakaniyang bulsa.
"Hello-"
"Ano bro? Ready today? Akala ko ba pupuntahan mo pamilya ko ngayon? Ano asaan ka na?" bunggad nito.
He sighed. There's no time to be a kitten. Kailangan niya ang basbas ng pamilya ni Alleyah kung hindi niya man makuha iyon ngayon ay patuloy niya pa ring susuyuin ang mga ito hanggang sa makuha ang pag-sang-ayon ng mga ito.
"Lakas mong buntisin kapatid ko tapos takot ka din palang harapin mga pamilya ko." pang-aasar pa nito.
"Gago."
"Aba minumura mo pa ako ha? Minus point ka sa'kin, ayokong maging brother in law ang kagaya mo kung ganyan ka."
"Fine, I'll go ahead. Look for my girls in there." aniya.
"Ako bahala. Good luck bro, kaya mo 'yan. Magkakapasa ka lang naman ng konti pero ayos lang 'yan." pananakot ni Leo sakaniya.
"Tatanggapin ko lahat ng pasa kung ang kapalit naman nun ay ang makuha ko ang basbas ng pamilya mo." seryoso niyang wika.
"That's the spirit, bro."
This is it.
Dala ang mga regalo para sa pamilya ni Alleyah ay pumasok siya ng gate ng mga ito at pinaalam ang kaniyang pagdating. Kinakabahan siya alright.
He sighed once more before entering the house when the guard told him that he can enter now.
"Sir, andito na po si Sir Dale." Imporma ng kasambahay sa amo nito.
Napatayo ng tuwid si Dale nang bumaba ng hagdan ang makisig na si Mr. Wilfred Loren nakaalalay ito sa asawang si Mrs. Abigail Loren.
Magalang siyang ngumiti sa mga ito nang nasa huling baitang na sila ng hagdan.
"Magandang umaga po, Sir, Ma'am." he politely greeted.
The lady smile at him. "Good morning too, hijo."
"Please take a seat." Turo ng ginang sa sofa sa may sala. Nagtungo silang tatlo roon at umupo. Nasa mahabang sofa katapat niya naupo ang mag-asawa samantalang nasa single sofa naman siya naupo.
Ngumiti siya sa mga ito at nilahad ang regalo.
"Para sainyo po." saad niya.
Nagulat naman ang ginang maging ang asawa nito.
"What's your agenda?" lantarang tanong ni Wilfred.
He cleared his throat. Pinakuha naman ng ginang ang kaniyang bibit sa isang kasambahay.
"Thank you." he said.
Umayos siya nang upo. "I'm here to ask for your blessing, Ma'am, Sir." he bravely said.
Naging seryoso naman ang anyo ng mukha ng dalawang mag-asawang kaniyang kaharap.
"Balak ko pong pakasalan ang anak ninyo." there he said it.
Binalot ng katahimikan ang paligid nila. Todo dasal si Dale na sana tanggapin o hayaan siya ng mga ito na makasama ang anak nila. Gustong gusto niyang makasama panghabang buhay ang dalaga. Hindi na niya kakayanin pa ang makasama ito sa iisang bubong bilang tunay at ganap na niyang asawa.
"Lalaki sa lalaki, Dale. Seryoso ka ba sa anak namin?" muling tanong nito.
Buong kompyansa niyang tinignan ang mga ito.
"Seryoso pa po sa seryoso, Sir." aniya.
Nanubig naman ang mga mata ng ginang at malambot ang ekspresyong tinitigan siya. Wilfred sighed.
"If that's the case, then so be it. Ayokong pumagitan sainyo ng anak ko. But please take care of her. We saw how vulnerable she was, she's like a glass, she's easily to broke if you don't take care of her." anito.
Parang nabunutan ng tinik si Dale sa sinabi nito.
"I will, Sir. Hindi ko po siya hahayaang masaktan o makitang umiyak. Kung gaano niyo po siya alagaan ay mas titriplehan ko pa po iyon. Pangako po." Sinsero niyang saad.
Picturing Alleyah crying is like he's kill himself. Hindi niya kayang makita itong nasasaktan kaya't hangga't maaari iiwasan niya ang mga bagay na makakapanakit sa damdamin ng dalaga. Siya pa ang mag-so-sorry kung mangyari man, na sana ay hindi.
Masaya na silang nagkukwentuhan ng dumating ang anak ng mga ito na lalaki maging ang mga girlfriend at anak ng mga ito. Binati niya ang mga ito.
Masaya siyang pinaanyanyahan ng mga itong kumain na lamang roon. Madaming nakakatuwa at nakakatawang kwento ang mga ito tungkol kay Alleyah. He's more than happy now that both party are letting them to love each other.
"I have some news to tell pa po." he called their attention.
Nagawi ang tingin ng mga ito sakaniya.
"Buntis na po si Alleyah." pagtatapat niya.
Napalis ang mga ngiti sa mga labi ng mga kalalakihan habang gulat na gulat naman ang mga kababaihan.
"Matthew Dale Lee." biglang sigaw sa buong pangalan niya ni Mr. Wilfred Loren na namumula na ang mukha.
Uh-oh, please let me live. I still want to see my unborn child.
Ngayon nga ay nakakasiyahan na ang mga tao sakanilang paligid.
It's their child's christening today. And guess what? It's a boy. A healthy baby boy.
They named him, Aillard Leon Lee. Alleyah name their son after Leo's unborn child's name. Gusto nitong iparamdam sa Kuya nito na anak din nito ang anak nila. Mas lalong napamahal si Dale dito dahil sa sobrang lambot ng puso nito sa mga taong nakakasalamuha nito. No wonder she's so famous before up until now.
Noong mga buwan na magkasama sila was all blissful. Nahihirapan siya minsan dahil sa mood swing nang dalaga pero iniintindi niya lahat iyon. Sa katunayan hangang hanga nga siya kay Alleyah. Hindi biro ang maging isang babae, he understand them the most that's why he gave all his love and care for her.
"Oh, ako next!" sigaw ni Draven at kinarga ang anak nila na kalong ni Andrew. The whole squad are all present to his son's christening dahil ninong ang mga ito.
"Babe, Xia anak come here, picture tayo sa inaanak ko." sigaw nito.
Napailing na lang ang barkada dahil sa kaingayan nito. Nakakahiya nasa loob sila ng simbahan tapos kung makasigaw akala mo nasa gitna ng bukid.
"Ang ingay mo, Draven." sita ni Marcus nasa tabi nito ang asawa nitong si Nicole.
Hindi nga nila alam na may asawa na pala ang gago, kay tagal nitong tinago sakanila. It's just an arrange marriage. But look at them now, pati asin ay lalanggamin sa sobrang sweetness ng mga ito.
Dinumog ng kaniyang mga kaibigan maging ang mga asawa ng mga ito ang kanilang anak na naging instant celebrity. Tuwang tuwa naman si Leon sa mga ito.
"Mommy, I want to carry Leon." ani James, he's Callus and Aika's first born. Apat na taon na ito, may kapatid na din itong babae na dalawang taong gulang na, si Aira.
"Hindi pa pwede anak, mabalian siya ng buto wala tayong pamalit." ani Callus kaya nahampas ito ni Aika.
Natawa naman sa gilid si Alleyah. Napatingin siya sa kasintahan. Hindi pa sila nagkasal dahil gusto ni Alleyah na manganak muna bago magpakasal. Hindi niya naman ito pinepressure. Ang nakakagulat lang ay she want an intimate wedding ceremony only. Mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang ang gusto nitong bisita sa kasal. She even pick a simple yet elegant wedding dress, sabi ni Aya sakaniya.
Biruin mo, the hottest and sexiest model in and out of the country only wants a simple wedding ceremony on her wedding. Alleyah is so down to earth, and he's lucky to say that she's mine.
Yumakap siya sa likuran nito. Nagulat naman si Alleyah but later on she let him.
"You okay, baby?" he gently asked.
Nakatagilid itong ngumiti sakaniya.
"I'm more than okay. Tignan mo ang anak natin, tuwang tuwa sa atensyon ng mga tao sa paligid niya." tuwang tuwa na saad nito.
He kissed her forehead. "Yeah, he's just like you. He also like attentions." aniya.
Alleyah chuckled. Nakamasid lamang siya sa perpektong mukha na kaniyang nakita sa buong mundo.
"I love you." Madamdamin niyang bulong dito.
Namula naman si Alleyah at nakangiting binalingan siya ng tingin.
"Inatnaro taka met, inarok." she said.
(I love you too, mahal ko.)
"Stop using that language." angal niya.
Alleyah's brows furrowed. "Why?" she asked in a low tone.
"Kinikilig ako." pag-amin niya.
Maya maya ay tumawa si Alleyah dahilan para mapatingin ang mga tao sakanila.
"Hoy, anong tinatawa tawa niyo diyan lovers? Pashare para lahat tayo masaya." sigaw naman ni Prince.
Sinuway naman ito ng jowa nito na si Almira. Buntis ang girlfriend nito ngayon.
"Oo nga." Pag-sang-ayon ni Andrew.
"Ang iingay niyo talagang magbabarkada basta't magkakasama na kayo." sita ni Aika sa mga ito. Natahimik naman ang kalalakihan na tila natakot sa dalaga. Of course, they're afraid of that woman. Iba kasi magalit ang isang Aika, takot lang nila.
"Kayo naman daw Dale magpicture kasama si Baby Leon." ani George.
Inalalayan niya ang dalaga patungo sa may harap ng altar. Marahan niyang kinuha si Leon kay Callus. Nagmulat ng mga mata ang kanilang anak lumambot ang kaniyang ekspresyon ng ngumiti ito sakaniya. He look just like him, ang mga mata lamang nito ang nagmana kay Alleyah. But all in all, Leon is a baby version of Dale.
"Okay, eyes on the camera!" sigaw ng photographer.
Hinapit niya sa beywang si Alleyah. Humawak din si Alleyah sa braso niya kung saan hawak niya si Leon.
"1... 2... 3!" kasabay ng pagclick ay siya ring pangiti nila.
Bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga taong kanilang minamahal habang nakamasid sakanila. Ang iba ay nakahawak pa ng kaniya kaniyang telepono at kinuhanan din sila ng litrato.
"Oh, ang mga gwapong ninong naman!" sigaw ni Marcus.
Natawa naman ang mga tao bago nagsipuntahan sa kanilang magkabilang gilid ni Alleyah.
Sumunod naman ang mga girlfriends at asawa ng mga ito. Pati ang pamilya nila pareho ni Alleyah.
Ah, this is life.
I'm glad I surrender myself to this kind of living. The sweetest surrender I've ever made.
---
033022
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro