
[25] Silvercrest
Silvercrest
TODAY is my first day in Silvercrest, my dream company. For my first day, I wore black slacks and a white button-down shirt that I tucked inside my pants. My shirt was a little fitted on me, causing my curves to be emphasized. Binuksan ko ang dalawang butones at nagsuot ng black crop top blazer. Then, I paired my outfit by wearing a black stiletto.
I put minimal makeup on my face and sprayed my favorite perfume. Nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto ni Dwight at dumiretso sa kitchen. Naabutan ko ang kambal na umiinom ng gatas habang naghahain si Jel.
"You look so pretty, Mama!" Zhara exclaimed when she saw me.
"Are you going to work, Mama? You look beautiful, Mama." Zacki uttered in a small voice.
Pareho silang nakasuot pa ng pajamas nila dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas nang magising sila. Ngumiti ako at nilapitan sila. I kissed them on the forehead before I sit in the middle, inaalalayan sila.
"Good morning, my babies..." I uttered. "After eating breakfast, Mama will go to work na. Be a good kid to your Tito Jel, okay? May pasalubong kapag hindi nagpasaway," pang-uuto ko sa kanila.
"Okay, Mama." Zacki uttered before he continued drinking his milk.
Zhara embraced me. "I'll be a good girl, Mama." she uttered, using her cute voice.
Ngumiti ako hinalikan sila sa tuktok ng ulo. "I love you, my babies," I uttered, full of happiness.
NANG makarating ako sa Silvercrest ay hindi ko na naman napigilan ang hindi mamangha sa lawak at ganda ng pagkakadisenyo ng building. Ang ganda ng interior ng buong building! Sino kaya ang Architect nila dito?
"Good morning, Ma'am!" Bati sa'kin ng guard nang makapasok ako sa entrance door.
Napangiti ako ng malaki at binati siya pabalik. "Good morning! Have a great day!"
My eyes widened when I noticed Ms. Sunny in front of the elevator. She's wearing white slacks and a yellow blazer coat. Nagpaalam ako sa guard at nagmamadaling naglakad papalapit sa babae.
"Good morning po," I greeted politely.
She turned to me and nodded. "Good morning, Ms. Mendoza. Mabuti naman at nandito kana, I have a lot to tell you about your job as a secretary,"
I bit my lip and nodded. "O-Okay po, Ma'am."
"Follow me, and I'll show you your working station," ani niya.
Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha nang tumigil kami sa top floor ng building. Paglabas palang namin sa elevator ay bumungad na sa akin ang napakalawak na working station na nasa harapan ng isang transparent glass door na nakasarado. The walls are made of thick glass, the chandelier on the ceiling looks mesmerizing, and the whole floor is chilly. I am sure that the aircon is centralized. May dalawang hallway na hindi ko alam kung saan patungo.
"This floor is specially made for the new CEO," Napatango ako habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. "As you can see, Silvercrest has two types of elevator, this one is for the normal employees, and this one," She pointed to the other elevator that has a logo of Silvercrest. "This elevator is only for the CEO and for the VIP visitors, "
I mentally take note of that. "Noted po, Ma'am," I answered politely.
"This is your table. Malinis iyan dahil pinalinis ko na kahapon kay Rudy. This is your desk, you have two computers, a photocopier printer, etc. You will use the intercom whenever you wanted to ask for the permission of the ceo and if he needs something," Napatango naman ako at nagtake down notes sa phone ko. Sinundan ko ulit siya hanggang sa lagpasan niya ang magiging table ko. "This is the pantry area. You and the ceo has the same pantry. You're lucky indeed Ms. Mendoza dahil hindi mo na kailangan bumaba pa para makakain. In that hallway, you will see the comfort room and the door heading towards the helipad. So, do you have anything you want to ask? Perhaps, to know?"
"Noted po," sabi ko. "Ma'am, Kailan ko po pala mamimeet ang CEO? Hindi ko pa kasi siya nakikita," Tanong ko.
"Two days from now, Ms. Mendoza, you'll meet him. The CEO is in Switzerland for a business meeting with Swiss investors. We will have a party on Friday, and by the way, you'll be the in-charge of the event,"
Napasinghap naman ako. "Ako?!"
She nodded and raised an eyebrow at me as if challenging me. "You'll be the one who will create an electronic invitation and send it to all the investors that are invited to the party. Don't worry, I'll send their names to your email later. That's your first task as a secretary Ms. Mendoza,"
I let out a deep breath. "Noted, po. Thank you, Ma'am."
"And by the way, the CEO wants to tell you that you will live in Silvermoon Tower until you're his secretary. Anyway, Ms. Mendoza, here's the key to your unit in Silvermoon Tower,"
Napasinghap ako sa narinig. I blinked and pinched my arm to see if I'm dreaming, but I wasn't!
"T-Titira po ako sa Silvermoon Tower?! Bakit po? Sino nagsabi?" sunod-sunod na tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. Silvermoon Tower is one of the most luxurious condominium buildings in the Philippines!
"M-Ma'am, libre po ba? Hindi ko po kasi kakayanin kung hindi—" I pursed my lips when she cut me off.
"Libre 'to, Ms. Mendoza. Since you're his secretary, you'll be living under the silvermoon tower. Hanggang nagtatrabaho ka sa Silvercrest ay pwede mong tirhan ang unit na iyan. All expenses paid," She smiled at me.
Ang sarap naman pala maging secretary ng CEO! Ang daming benefits! Hinding-hindi ako magreresign dito!
Napatakip ako sa bibig at parang tangang napatulala. Tumikhim siya kaya nahimasmasan ako. "T-Thank you, Ma'am! Thank you po!"
"You should thank him, not me. You may send your regards to his email address. It was already save on your computer. The lunch break is from 11:30-12:30 noon. The lunch and snacks are free from the cafeteria." Huminga siya ng malalim at tinignan ang suot na relong pambisig. "He loves coffee but he have a specific type of coffee na kahit ang dati niyang secretary ay hindi iyon matimpla-timpla kaya palagi na lang itong nagoorder ng kape sa paborito niyang coffee shop. He likes eating burger steak for lunch, and one time, I caught him eating menudo,"
Menudo?
May kilala akong mahilig kumain ng Menudo... Iyong tatay ng mga anak ko. Kumusta na kaya siya? Is he okay? Natupad na ba niya ang pangarap niyang magtayo ng sariling firm? Sikat na ba siyang Architect?
Five years had passed, but the same odd feeling I feel whenever I think about him never really changed.
"WOW! Mama, look! There's a huge bathtub!" Zhara squealed in happiness when she saw the bathtub in the bathroom.
It's been a day since I started working as the secretary of the CEO in Silvercrest. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang itsura ng CEO namin. I already searched it up on the internet pero palaging establishments na under Silvercrest ang lumalabas sa search engine. I already lose hope. Siguro mag-aassume na lang ako na isang matanda na malaki ang tyan at balbas sarado ang CEO namin.
Maaga akong pinaalis ni Ms. Sunny kahapon para makalipat na raw kaagad ako sa Silvermoon Tower. Ang problema nga lang ay nasa Pampanga pa ang mga gamit namin at tanging bitbit namin ngayon ay mga damit namin na pang-isang linggo lang. Kailangan tuloy namin bumalik sa Pampanga, ang kaso paano ang trabaho ko? Kung si Jel ang babalik sa Pampanga para makuha ang mga gamit namin, paano ang kambal? Alangan naman dalhin ko sila sa trabaho?
Teka, baka naman pwede?! Dalhin ko kaya sila sa Silvercrest?
"Mama, I saw a playground and a massive pool earlier. Can we go there? I want to play, Mama." Zackie uttered while pulling the hem of my dress.
I squatted in front of him. "You can play there but not now, baby. Mama and Tito Jel still need to organize our stuff. Tomorrow baby you and Zhara can play on the playground," I said, assuring him.
"Playgown, Mama?! I want to play, Mama!" Zhara exclaimed, jumping. Napahagikgik ako nang nabulol na naman siya sa letrang 'R'.
I smiled and caressed her hair. "Bukas, baby. For now, help Mama and Tito Jel to fix our stuff, okay? Then, later, pupunta tayo sa mall para bumili ng mga foods. Do you like that? We can buy donuts," I wiggled my eyebrows, inuuto sila.
Napanguso si Zhara, but she nodded. "Okay, Mama!"
"Let's go Zhara, let's help Mama and Tito Jel on the living room," sabi ni Zacki.
"Okay, captain!" Zhara answered in her adorable baby voice.
Napangiti ako nang hawak-kamay silang naglakad at pumunta sa living room.
Literal na mas malaki ang unit na 'to kumpara sa unit ni Dwight at sa unit ng tatay nila noon. There are two bedrooms, two bathrooms with a bathtub, a balcony, an ample kitchen, and a living room with a massive television. Kompleto na ang mga gamit sa unit, mga damit at pagkain na lang talaga ang kulang. Syempre, hindi mawawala ang chandelier sa kisame.
Ibenta ko kaya 'to? Charot!
Pagkatapos namin mag-ayos ng mga damit namin sa kanya-kanyang kwarto ay nagpasya kaming bumili na ng mga stocks ng pagkain. Sumakay lang kami sa jeep, and knowing Zhara, ayaw niya talaga nang pinagpapawisan kaya todo reklamo siya kahit maraming tao.
"Bili na ikaw ng car, Mama! Init at sikip po dito sa jeep!" pagrereklamo niya na may kasama pang pagtadyak sa paa.
I saw Zacki scrunched her nose, which reminded me so much of his father. Kamukhang-kamukha niya talaga ang tatay niya! He inherited everything from his father: from his hazel brown eyes with gold flecks, pointed nose, black-brown hair, freckles, his eyebrows, and even the tiny details about him, including his mannerism, were inherited from his father. Wala man lang nakuha sa'kin! Unfair!
"You're so arte, Zhara." ani naman ni Zacki. He's sitting on Jel's lap. May binulong si Jel sa kanya kaya tumango ito at tumingin sa'akin. "Mama, let's buy a car and let Daddy pay it for us," he uttered, causing my eyes to widen and my lips to part.
"Jel, ano ba naman tinuturo mo sa anak ko," reklamo ko na ikinatawa niya. "Kapag marami ng ipon si Mama, doon tayo bibili ng car, okay?" sabi ko kay Zacki.
"Just tell it to daddy, Mama, please." pakiusap ni Zacki.
Hilaw akong ngumiti. "Sige, baby. I'll tell him, okay? For now, tiis muna kayo sa jeep." I said calmly.
"Tagal pa, Mama." reklamo ni Zhara. She pulled her hair, causing her hairclip to unclasp.
I sighed and fixed her clip. "Malapit na, baby. One hundred na tulog na lang," pang-uuto ko.
Halos umiyak na siya at mas naglumikot pa sa hita ko. "Tagal, Mama!"
I shut my eyes and took a deep breathe, pinapahaba pa ang pasensya. "Zharaiah Maeve..." I called her full name, using my serious warning tone.
Natigil siya ginagawang paglilikot at tinago ang mukha sa dibdib ko. Pati si Zacki ay biglang yumakap sa Tito Jel niya. The twins really gets scared whenever I called them by their full name.
"Sowwy, Mama." her voice cracked at niyakap na lang ako ng mahigpit.
PINATAY ko na ang voice recording nang makitang mahimbing na ang tulog ng kambal. Every night, Zhara listened to her father's voice. Ang boses niyang kumakanta ang nagsilbing pampakalma ni Zhara noong sanggol pa lang siya. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak kahit anong gawin ko, ngunit nang marinig ang boses ng ama ay bigla siyang tumigil. Simula noon, hindi na siya nakakatulog ng mahimbing kapag hindi naririnig ang boses ni Zachariah.
Si Zacki naman, basta kayakap ako at nakasuksok sa loob ng damit ko ang maliit niyang kamay ay nakakatulog na siya ng mahimbing. Manang-mana sa tatay, ang hilig gawing stressball ang dibdib ko!
Kaya rin siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa ama nila dahil konektado pa rin kami sa maraming bagay. Siya kaya nakapagmove-on na? Napailing ako at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga. Naglagay ako ng harang sa gilid ng kambal bago dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.
Naabutan kong nasa living room si Jel, nakahiga sa sofa habang kausap si Jansen. Lihim akong napangiti at pinakinggan ang pag-uusap nila.
"Miss na kita, hon." malambing na sambit ni Jansen sa kabilang linya.
"Manahimik ka nga jan, bruha ka. Kailan ka ba magpapakita sa'kin? Sa Manila na kami nakatira ngayon. Bahala ka maghanap sa beauty ko," seryoso ang boses ni Jel ngunit sa dulo ay naging matinis.
Dalawang taon ang nakakalipas nang magkita kami ni Jansen sa Clark airport nang may sunduin akong foreigner. I was a part-time tour guide when we bumped into each other. Nalaman niya ang tungkol sa kambal at unang kita palang niya kay Zacki ay halata nang alam niya na kung sino ang tatay nila ngunit hindi niya ako inusisa. Saktong dumating si Jel noon para sunduin kami dahil nakatira kami sa iisang bubong, from that moment na love at first sight si Jansen.
Ilang beses ko na sinabing pusong babae at may boyfriend si Jel that time, but she's too persistent na halos araw-araw na siyang bumibisita sa bahay at may dalang pagkain. Nang maghiwalay si Jel at ang boyfriend niya ay talagang nagpainom si Jansen! Si gaga napakasaya!
Bumalik na rin naman ako kaagad sa kwarto nang makapagtimpla na ako ng kape. Kinuha ko ang laptop ko at nilapag sa convertable table at nagdesign ulit ng invitations. While designing,
Nilakasan ko ang loob kong iactivate ulit ang mga social media accounts ko. I installed Instagram, logged in to my account, and typed in his name.
Napakunot noo ako at bagsak ang mga balikat nang walang makita. Walang lumabas na pangalan. Did he block me? Or maybe, just like me, he also deactivated his account?
Wala na akong nagawa kung hindi ang i-search na lang ang pangalan ng mga Altamirano. I miss Duke. I miss Hazel. I miss Dustin. I miss them. I miss my squad.
Soon, I'll have the courage to meet them again.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang Instagram ni Dustin. May anak na siya?! Then, he now owned a cruise ship! Ito ba ang nanay ng anak niya? Ang swerte ni Dustin!
Nang tignan ko ang Instagram ni Hazel ay napangiti ako dahil naabot niya na pala ang pangarap niya maging Fashion designer. She also has a blue check on IG. Then, I searched Duke, he's now an intern at Areno Medical Center, and soon he will be a Neurosurgeon, just like he wanted. I'm so proud of them.
I also searched for Dwight at gano'n pa rin naman. He's not the type of guy na nagpopost palagi. 4 years ago pa ang last post niya. Si Khrizanta ay last year pa ang huling post niya at may blue check na rin siya. Bakit kaya ang tagal na ng last post niya? Ano na kaya ang nangyari sa babaitang iyon?
Napaupo ako nang maayos ng biglang may nagpop-up na email sa screen ng laptop ko.
Napakurap-kurap ako at nagmamadaling binuksan ang email. Iyon ang email address ng CEO namin. Mahilig siguro sa science iyong boss namin dahil ang weird ng email address niya! Last night, I sent him an email thanking him for hiring me at para sa pagpapatuloy sa'kin sa Silver Tower.
My eyebrows knitted in confusion when I read the email.
From: ProtonsMass61@gmail.com
Subject: 5782368
Email:
Ready yourself on Friday, Ms. Mendoza.
Napahawak ako sa dibdib nang biglang tumambol ang puso ko. Why is my heart beating so fast? Dahil ba sa kape 'to o dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng email ni Sir? Saka, bakit ba ganyan ang subject niya? Pwede ko ba itaya sa lotto itong mga numero?!
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro