[1] Taxi
Taxi
MAGANDA at maaliwalas ang araw ngayon sa Coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Wala akong pasok ngayon sa University kaya walong oras ang duty ko bilang barista sa coffee shop na pagmamay-ari ni Ma'am Eurice. She was the only person who hired me despite having no work experience and valid IDs. She didn't discriminate me even once even though I'm from the Province.
Buong buhay ko'y nakatira ako sa probinsya ng Baler Aurora kasama ang Nanay at ang bunso kong kapatid na si Pao-Pao. Wala akong tatay na maaasahan dahil hindi ko man lang siya nakilala simula noong bata ako. Ang sabi ni Nanay ay bigla na lang nawala ng parang bula ang ama ko nang malamang nabuntis niya ito.
Ang galing gumawa ng bata pero takot naman sa responsibilidad.
I immediately plastered a smile when a lot of customer came. Nang lumapit sa akin ang isang babaeng lagpas balikat ang buhok, may matangos na ilong, at mestiza, nakasuot ng itim na Tennis skirt, white tank top, at white cardigan ay lumaki ang ngiti ko.
"Lovely Morning, Ma'am! Welcome to Coffee Express! May I take your order, please?" Nakangiting tanong ko.
"I'll order one strawberry shortcake and a cappuccino, please." She answered before taking out a two hundred peso bill from her Prada wallet.
"Is it dine in or take out, Ma'am?"
"Dine in,"
"All right, Ma'am. I'll just prepare your order and bring it to your table,"
"Thanks," My lips parted when she winked at me.
I immediately prepared the order for the customer, and after preparing the order, I signaled Pearl, one of my coworkers, to replace my place at the counter. Tumango naman siya kaya nakangiting dumiretso na ako sa table ng costumer.
"Finally! My order is here!" The customer smiled when she saw me.
I lifted my eyebrows. "Alam kong may kailangan ka kaya ka sumadya dito sa coffee shop na pinagtatrabauhan ko," diretsong sabi ko.
Her lips curved into a smirk. Sinasabi ko na nga ba!
Oo, ang babaeng kinuhanan ko ng order ay walang iba kung hindi ang kaibigan slash roommate ko na si Khrizanta Altamirano. Isang third year, Tourism student. Habang ako naman ay BS in Hospitality Management, third year student. She was the first person I became friends with when I first set foot in Manila. She even helped me create a resume for work and helped me find a part-time job while studying here in Manila.
"Well, later sa BGC-"
"Ayoko," I immediately cut her off.
"Why not? You don't have class today naman and you'll finish your work at exactly six pm, right?" She crossed her arms in front of me.
"Oo, pero ayoko pa rin,"
Bigla ko tuloy naalala noong sinama niya ako sa BGC at hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa Bar. Well, we have plenty of bars in Baler Aurora pero malayo 'yon sa bahay namin. Saka, hindi naman kasi ako umiinom dahil may acid reflux ako. Hanggang dalawang shot lang ay taob na ako.
"Please? It's been a year since I invited you to come with me to BGC! And today is Duke's 18th birthday, and he's inviting you to his small celebration."
Duke... 'yon yung pinsan ni Khriz na naging kaibigan ko rin although hindi kami palagi nagkikita dahil senior high school pa lang siya.
"Babatiin ko na lang siya mamaya," sabi ko.
"Ariella naman," She stared at me with pleading eyes. "Please?"
"Khriz-"
"I swear to all saint, Hindi kita papabayaan mamaya! Kasama rin natin yung iba kong pinsan, please? Please?" She even pouted her lips.
I took in a deep breathe. For sure, hindi niya talaga ako titigilan at paniguradong habang buhay niya akong hindi kakausapin. Ayoko naman na magtampo sa akin ang babaeng ito lalo na at siya lang ang nag-iisang kaibigan ko dito sa Manila. Fine, I'll surrender!
"O-Oo na. Sasama na ako mamaya,"
Mabilis siyang tumayo at niyakap ako. "Thank you, babe! Don't worry, Susunduin kita dito mamaya para sabay tayo pumunta sa BGC."
I shook my head. "Huwag na. Didiretso pa ako sa apartment at balak ko maligo. Ayokong pumunta doon na ngarag,"
"Okay! Just text me para susunduin kita, okay? Dadaanan ko pa kasi yung costumized cake na pinagawa namin magpipinsan for Duke,"
Tumango ako. "S-Sige. Basta huwag mo akong pilitin uminom mamaya, ha? Hanggang juice lang ako."
She salutes at me. "Yes, Babe!"
NANG MATAPOS ang shift ko sa coffee express ay dumiretso na ako pauwi sa apartment namin ni Khriz. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at naghanap na kaagad ako ng damit na susuotin ko sa BGC. Nag-shower na rin ako at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng off-shoulder longsleeves black fitted dress na abot hanggang tuhod. Iilan lang naman ang mga dress ko dahil palaging pantalon o di kaya'y shorts ang suot ko.
I'm thankful that Khriz taught me how to apply makeup kaya hindi na ako nahirapan nang maglagay ako ng pulang lipstick, blush on at mascara. Mas lalo tuloy nagmukhang mahaba at makapal ang pilikmata ko dahil doon. Habang hinayaan ko naman na nakalugay sa likuran ko ang tuwid at kulay itim na mahaba kong buhok.
Napalingon ako sa pintuan nang bumukas 'yon. Pumasok si Khriz na malaki ang ngiti sa labi. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Are you ready? I'll just take a quick shower at aalis na tayo,"
Tumango ako. "Yup,"
"Great! Just give me ten minutes, and I'm done!"
"Sige,"
Pumasok na nga sa banyo si Khriz para maligo. Ilang minuto lang ay natapos na siyang maligo at tanging panty at bra lang ang suot niya nang lumabas sa banyo. Napailing na lang ako nang magbihis siya sa mismong harapan ko. Binato ko siya ng unan at nasapul kaagad siya sa mismong dibdib niya.
"May banyo po tayo, madam!" I exclaimed.
She smirked at me. "Ayokong mabasa ang mga damit ko, no! Saka, pareho naman tayong straight, diba? Naiilang ka ba?"
She eyed me from head to toe kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"As far as I remember, Mas straight pa ako sa ruler! And, I still prefer eggplant than cherry," sagot ko na naging dahilan para matawa siya ng malakas.
"Hahahaha! I know, babe! Favorite kaya natin both ang dick-avolity!"
Napangiwi ako sa huling salitang lumabas sa bibig niya. Dick-avolity? Ano 'yon?
WHEN WE arrived at BGC, sinalubong kaagad kami Duke, the birthday boy. Nakasuot siya ng blue button down short-sleeve polo, khaki pants, at cross necklace. Ang gwapo at tangkad talaga ng batang ito! Kung may babae lang akong kapatid, baka nireto ko na sa kanya.
"Ate Ariella, I'm glad you came!" He immediately embraced me.
"Aba, syempre! Happy birthday, Duke!"
He flashed a smile. "Salamat, Ate. You look good, by the way!"
"Uy, gagi! Salamat pogi,"
He chuckled. "You're welcome, sexy," he even winked at me.
"Dami niyong ebas! Dwight already reserved a table inside kaya let's go na." Khriz clung to Duke's arms while Duke guided me from the back before we headed inside the bar.
THE loud music is banging all over the place. People are dancing wildly in the middle of the dance floor while the DJ is beating the stereo with trendy yet sensual music. Some people are kissing and making out everywhere. Hindi pa ako nakakainom pero pakiramdam ko nahihilo na ako dahil sa malilikot na ilaw at dahil sa sobrang daming tao!
Tumigil kami sa table na pinareserved ng kuya ni Duke. Kinabahan naman ako nang makita kung gaano karami ang mga inorder na alak nina Duke at Khriz sa table namin. Balak ba nila magpakamatay?!
"Khrizanta Altamirano!"
She glanced at me. "Oh? Why?"
Tinuro ko ang mga alak na nasa itaas ng lamesa. "Balak niyo ba magpakamatay? Uulitin ko lang na hindi ako iinom!" sabi ko.
"I know! Don't worry, I already ordered a non-alcoholic drink for you. I got you, okay?"
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Saka malakas uminom ang mga pinsan ko. Baka nga kulang pa sa kanila 'yan. Oh, ayan na pala sina Hazel!" Kumaway siya sa dalawang babaeng papalapit sa table namin.
Dalawang babae ang tumigil sa tapat ng table namin. They immediately introduced themselves to me since ako lang naman ang hindi nakakakilala sa kanila.
The girl with brown waist-length hair, fox eyes, and fair skin greeted me. "Hi! I'm Hazel Altamirano Jung! Pinsan nila,"
"Hello! I'm Dahlia. I'm Hazel's best friend and a friend of Duke."
Tipid akong ngumiti sa kanila. "Hi! I'm Ariella. Nice to meet you both!" Nakipagkamay ako sa kanila.
"Hazel is four months older than Duke. Her mom, which is my aunt is married to a Korean businessman," Khriz whispered at me.
Chika minute lang ang peg
Tumango naman ako at sumimsim sa blue lemonade juice na inorder ni Khriz para sa akin.
"Kuya!" Sabay-sabay kaming napalingon sa tinawag ni Duke.
My lips parted when I saw two gentlemen walking towards our table. Parehong matangkad na gwapo at hindi nalalayo ang itsura kay Duke. Wala atang pangit sa pamilya nina Khriz! Sene ell!
"That's Dwight Altamirano. He's an Architecture student. Older brother ni Duke," She whispered while pointing at the guy who has black hair, muscular body, and honey brown eyes. Mukhang masungit! "And that guy is Dustin, the middle child. Marine Engineer. Tatlo silang magkakapatid at si Duke ang bunso. Their dad is my dad's older brother."
"Yung dad mo yung middle child?" Tanong ko.
"Yup! Hazel's mom is the youngest." She answered before taking a shot.
"May kapatid ka diba?"
"Oo. My older sister is in Sweden right now at doon siya nagwowork. Siya talaga 'yong pinaka matanda sa aming magpipinsan. My younger brother is Eleven years old. Ewan ko ba sa parents ko, palaging ang laki ng age gap namin magkakapatid."
"Family planning tawag dyan, girl!" sabi ko at napasimangot naman siya.
"Hey, Hindi ka familiar..." sabay kaming napalingon nang magsalita yung isa sa mga pinsan ni Khriz, si Dustin.
"Uh... I'm Ariella Mendoza," I introduced myself to him.
"Dustin Altamirano, Marine Engineer. Single ka?"
Fuck boy!
I was stunned when Khriz punched him in the leg. "Gago ka? She's my best friend!" Sabi ni Khriz kaya nagtawanan sila. "Maraming babae 'yan, babe. Huwag kang dumikit dyan," she whispered to me.
"Halata nga," sagot ko kaya nagpanggap na parang nasaktan si Dustin sa sinabi ko.
"Ouch! Basted kaagad ako!"
"Hindi gumana charms mo, kuya!" Si Hazel ang nagsalita.
"Hindi uto-uto best friend ko, no!" segunda naman ni Khriz.
"Hanap ka na lang ng ibang babae, kuya," dagdag naman ni Duke.
Mas lumakas ang tawanan at asaran sa table namin dahil palaging puntirya ng magpipinsan ang kawawang si Dustin. Napaayos ako nang upo nang magtama ang paningin namin ng isa pang kapatid ni Duke. His honey brown eyes met mine.
"I'm Dwight," he simply introduced himself.
"I'm A-Ariella," I even stuttered because he was too intimidating!
Bumaba ang tingin niya sa juice na iniinom ko. "Hindi ka umiinom?"
I shook my head. "Hindi," maikling sagot ko.
He merely shrugged. "I see,"
Masungit nga!
Ilang sandali pa at pumunta na sa dance floor sina Duke, kasama sina Hazel at Dahlia. Si Dustin ay may kasayaw na rin na babae sa dance floor. Bale, si Khriz at Dwight na busy mag-usap at ako na lang ang naiwan sa table nang maramdaman kong I need to empty my bladder.
"Comfort room lang ako," bulong ko kay Khriz.
Khriz nodded. "S-Sure. Just go back quickly at huwag ka sasama basta-basta sa mga fuck boys. Okay?"
"Opo, mama,"
She just chuckled, and gently pushed me away.
Dumiretso na nga ako sa cr para gawin ang kailangan kong gawin. I washed my hands before going out of the comfort room. My eyes dilated when the bar area caught my attention. May isang bartender na pinagkukumpulan doon. Dahil may lahi akong marites, lumapit ako doon. Char!
Hindi ko namalayan na masyado na pala akong nawiwili sa panonood sa bartender na gumawa ng drinks. Since I'm a Hospitality Student, I'm sure we'll have bartending training next semester. Bigla tuloy akong naexcite dahil sa naisip ko!
Napakurap-kurap ako nang ilapag ng bartender ang ginawa niyang inumin sa harapan ko.
''Blue Shoe for you, beautiful.''
Nahihiya akong tumaggi kaya tinanggap ko 'yon. "T-Thank you,"
Hindi nalalayo ang itsura ng blue shoe sa juice na inorder ni Khriz para sa akin kanina. Dahan-dahan kong tinikman 'yon. I breathed in relief as I didn't feel any nausea or sore throat.
Hindi ko na naitago ang pagkamangha nang magsimula ulit gumawa ng drinks yung bartender. Sinundan ng mga mata ko ang lahat ng mga galaw niya. Ilang sandali pa at sinalin niya na ang mixture drink sa cocktail glass. Ang galing!
"This is sex on the beach," inalok niya na naman sa akin ang ginawa niya kaya tinanggap ko 'yon.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong inalukan ng drinks at ilang beses ko rin 'yon tinanggap dahil nahihiya akong tumanggi! Ilang sandali pa at naramdaman ko na ang pagbabago sa katawan ko.
I quickly went straight to the bathroom when I felt myself wanting to puke. My vision suddenly became blurry and the surroundings starts spinning. Inaasahan kong mababawasan ang nararamdaman kong pagkahilo matapos magsuka, ngunit nagkamali ako dahil mas dumoble ang pagkahilo ko. Pasuray-suray akong lumabas ng comfort room at ilang beses akong kumurap-kurap nang maging doble sa paningin ko ang mga tao.
Nababaliw na ba ako?
Hindi ko na binalikan sina Khriz sa table namin dahil hilong-hilo na ako at gusto ko na lang umuwi sa apartment. Lumabas ako sa bar at mas nahilo pa ata ako nang maamoy ko ang pinaghalong amoy ng sigarilyo, usok ng sasakyan at vape.
I tried my best not to lose my balance, but I failed. Napaupo ako sa sahig at maraming tao ang napalingon sa akin. Dahan-dahan akong tumayo at pinanood ang isang babae na pumasok sa loob ng bagong paradang sasakyan. Taxi! When a new white car parked in the same place where the woman got in earlier, ay hindi na ako nagdalawang isip na lumapit doon at mabilis na sumakay sa loob.
The mixture of vanilla and a man's perfume quickly nuzzles my nose. Ang bango naman dito! I instantly fell at the back when the car suddenly moved.
"Shit! Who the fuck are you?!"
My eyebrows creased when I heard a girl's voice inside the car. Halos hindi ko na mamulat ang mga mata ko dahil sa pagkahilo kaya halos nakapikit ako. Kanina pa nagliliyab ang lalamunan ko dahil sa acid reflux ko! I tried opening my eyes, pero mabilis rin akong napapikit dahil may tumamang flashlight sa mismong mukha ko!
I groaned in annoyance and pain.
"Zach! Do you know who the fuck is this bitch?"
"No," A baritone yet seductive voice spoke.
Punyemas! Nag-aaway pa ata yung taxi driver at yung jowa niya.
"How can we fuck if she's here?!"
"Didn't I tell you that I'm not interested to fuck you? I came here to see someone and not to have sex with you, Miss."
Hala, englishero si kuyang taxi driver!
Napatakip ako sa bibig dahil para na naman akong masusuka. I took in a deep breath to calm myself. Hinampas ko pa ang likuran ng drivers seat dahil kanina pa gumagawa ng ingay 'yon at naiirita ako.
"Kuya, sa may ajsdjf," hindi ko na maintindihan yung lumalabas sa bibig ko dahil sa pagkalasing pero sigurado naman akong nasabi ko kung saan ako ihahatid.
"Shut up, bitch! Ano na Zach? Are we going to fuck or no?!"
"A-Ang ingay mo, gaga!" I fired back before I scratched my cheeks.
The driver coughed when I spoke. "No," he replied.
"Zach, naman! I came here because I know you'll be here!"
Ang arte! Boses ipis naman!
"I don't care. Get out," malumanay na sagot nung taxi driver.
"Fuck you, Zach!" ang huli kong narinig bago pabagsak na nagsara ang pinto.
Nang maramdaman kong lumabas na ng sasakyan yung babaeng boses ipis, I quickly pulled the hem of the taxi driver's clothes.
"M-Manong... Hatid mo na a-ako sa amin. U-Uwi na tayo," I murmured before everything went black.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro