Sweet Sixteen
First time ko magsulat ng short story, kaya wag niyo pong taasan yung expectation niyo sa story na 'to. Thank you!
-----------------
SIMULA
HIGH SCHOOL, the most memorable phase our life kasi ito daw ang pinakamasayang bahagi ng pag-aaral. Dito mo makikilala ang mga taong magiging malaking parte ng buhay mo o mga taong magtuturo lang naman ng lesson sa'tin na pwede nating madala sa pagtanda natin. Dito rin daw mararanasan yung mga heartbreaks ng young hearts natin. Yuck.
Napa-iling na lang ako habang binabasa ang essay ng kaklase ko tungkol sa karanasan niya as a high school student. Ang cringe ha. Akala mo naman mga hindi sila nagpla-plastikan ng mga kaybigan niya. Napatawa na lang ako sa isip ko. Pinagsunod-sunod ko alphabetically ang mga papel bago tumayo sa upuan ko at naglakad palabas ng classroom.
Sa faculty room ako dumeretso kasi andon si Ma'am Bondoc na pagpapasahan ko. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at tinulak pabukas ang pinto. Walang teacher, kagaya ng inaasahan dahil nagkla-klase pa. Lumapit ako sa table ni Ma'am at inilapag do'n ang mga papel. Lalakad na sana ako palabas pero bumukas ang pinto, pumasok si Ma'am Padawan sa loob.
"Anak, taga-Nine Noah ka, 'di ba?" Tumango ako. "Oh, siya, pakibili mo nga muna ako ng biko sa canteen tapos bottled water, ha. Yung malamig sabihin mo, ayaw ko kamo ng hindi malamig. Sige paki dalian ha, anak. Salamat!" Wala na kong nagawa kundi ang sumunod dahil inabot na niya sa'kin ang fifity pesos.
Busangot tuloy akong lumabas ng faculty room at naglakad papuntang canteen. Napanguso ako. Mabilis kong sinabi sa tindera ang bibilhin ko at nang sinabi kong kay Ma'am Padawan iyon ay mga nagkumahog kasi teacher ang bumibili pero kapag ka estudyante grabe ang pagmamaldita.
Pabalik na ako nang mapansin ang mga classmates kong pababa ng hagdan. Natigilan sila sa harapan ko.
"Uy, hinahanap ka ni Sir Nathaniel kanina may itatanong daw sa'yo," ani Kim.
Napakamot ako sa ulo ko. "Sinabi ba kung ano?"
"Hindi, eh. Puntahan mo na lang daw siya sa Math Office."
"Okey. Thank you." Pagkasabi ko no'n ay nilagpasan ko na sila. Mas binilisan ko ang paglalakad para makapunta na sa dapat kong puntahan. Inabot ko kay Ma'am Padawan yung binili ko saka'y sukli saka ako lumabas at nagpunta sa Math Office.
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako." Pagpasok ko sa loob ng office ay nagulat pa kong nasa loob na din si Kevin. Naningkit ang mata kong nakatingin sa kanya.
Sinenyas ni Sir na umupo ako sa katapat na upuan ng lalaki.
"Ms. Ablaza, alam mo ba ang pinaggagawa nitong si Mr. Salazar?" strict na tanong ni Sir.
Umiling ako.
"Tsk!"
Ikinuyom ko ang kamao ko. Yari ka talagang lalaki ka sa'kin mamaya!
Pinakalma ko ang sarili ko bago bumaling kay Sir. Madilim ang mukha nito at mukhang galit na galit. Napalunok ako.
"Ikaw ang President, Sweet! Tapos hindi mo alam ang ginagawa niyang kaklase mo?! Alam mo bang nang-vandalize lang naman siya ng bagong pinturang pader! Nakakahiya dahil huling-huli siya ng Principal pati tuloy buong klase damay!" pagalit niyang sabi.
"S-sir--"
"Hindi pa ko tapos! Tapos nang magpunta si Ma'am sa classroom niyo, andumi-dumi! Tama ba 'yon, ha?! Anong klaseng pamamalakad 'yan, Sweet Merea Ablaza!"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Masama kong tiningnan si Kevin. Sabong-sabon kami ni Sir sa office hanggang sa mawala yata lahat ng inis sa katawan. Mangiyak-ngiyak akong lumabas ng office, masama pa din ang tingin sa lalaki.
Palagi na lang! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos palagi na lang niyang binibigyan ng chance si Kevin para gawing miserable ang buhay ko.
Nang malayo na kami sa mga tao ay hinampas ko siya ng malakas kaya siya muntik madapa. Nanlalaki ang matang nilingon niya ako.
"Tangina?! Para saan 'yon?!" gulat nitong tanong.
"GAGO ka talaga! Bakit ka naman kasi nam-vandalize?! Hindi ba pinagsabihan na kita?! Napaka-kulit mo!" inis kong sabi. Kung nakakamatay lang ang mga tingin baka kanina pa siya nakabulagta.
"Hindi naman talaga vandalized 'yon. Tinutulungan ko lang si Manong na mag-pintura sa drinowing niya kaya lang nauna na 'ko," nakangising sabi niya.
Mas lalong uminit ang ulo ko. "Sira-ulo ka talaga! Bakit ba hindi ka na lang manahimik sa tabi?! Grade 9 ka na pero kung umasta ka para kang Grade 6!"
Tinawanan niya lang ako saka nginisihan ng nakakainis.
"Eh, ano ngayon? Igagaya mo pa ko sa'yo. Boring. Merea, manong mag-enjoy ka. Malapit ka ng umalis sa Sta. Monica hindi ka pa rin nagbabago. Masyadong ka pa ring mataray at masungit. Kaya walang gustong makipagkaybigan sa'yo."
Umusok ang ilong ko.
"Sino ba naman kasing may sabi na kaylangan ko ng kaybigan?! Kaya kong mag-isa! Palibhasa lahat ng luho mo sunod kaya ganyan ka mag-aasta! Itong tatandaan mo Kevin Antonio Salazar, kapag ka ako nagka-record sa faculty o sa principal dahil sa'yo, kakalimutan kong magkaybigan ang mga magulang nating bwisit ka! Childish!" Padabog akong tumalikod sa lalaki at nagtuloy sa classroom. Nagpatuloy ang inis ko hanggang sa matapos ang isang linggo. Talagang hindi ko sila tinantanan. Palagi kong sinisigurong malinis ang classroom at naka-ayos silang lahat. Hindi ko rin inaalis sa tingin ko si Kevin dahil baka mamaya ay may gawin na naman 'tong kalokohan.
ARAW ng lunes at hindi ko nakitang pumasok si Kevin. Hindi dahil sa nag-aalala ako pero nagtataka lang. Umabot ng isang linggo ang 'di niya pagpasok kaya nang umagang maabutan ko si Mama sa sala ay nagtanong na ko.
"Ma," tawag ko.
"Hmm...bakit, Sweet?" malambing na tanong ni Mama.
Tinabihan ko siya ng upo saka niyakap sa bewang. Rinig kong tumawa si Mama.
"Naglalambing ang panganay ko. Bakit, mahal?"
"Mama, bakit hindi pumapasok si Kevin? Isang linggo na po siyang absent," ani ko.
Simula kasi ng maging classmate kami nung Grade 7 bilang sa daliri ang mga panahong um-absent ito. Mas kumpleto pa nga niya ang attendance kesa sa'kin, eh.
Nagbuntonghininga si Mama. Tiningnan ko siya. Nakita ko na lang na nakatingin din pala siya sa'kin.
"Tuluyan na kasing naghiwalay ang parents niya kaya dinala muna siya sa mang-Lola niya sa San Juan. Ang sabi nga ayaw daw nitong lumabas ng kwarto."
Umawang ang labi ko. Hala. May pinagdadaanan na pala siya. Nakaramdam ako ng awa. Kahit naman na palagi kaming nag-aaway ay nakikisimpatasiya ako sa kaniya. Hindi ko ma-imagine yung sakit na maghiwalay ang parents mo. Kung sa'kin mangyayari 'yon baka hindi ko rin kayanin.
It's saturday. Nagpasya akong dalawin si Kevin kasi hindi pa din siya pumapasok.
Kumatok ako sa pintuan ng bahay. Nag-wait lang siguro ako ng wala pang one minute at may nagbukas na agad. Bumungad sa'kin ang nakasimangot na mukha ni Kevin. Pareho pa kaming nagkagulatan.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit niyang tanong.
Inirapan ko siya.
"Dinala ko ang ibang lectures at activities natin kasi nahuhuli ka na." Pinapasok ko na ang sarili ko kahit hindi niya ko iniimbitahan. Huminto ako sa gitna ng sala. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar. Maayos naman para sa kanya.
"Hindi ko kaylangan niyan! Hindi na ko mag-aaral!" pagalit na sabi nito.
Bumaba ang tingin ko sa lalaki. Tiningnan ko siya ng masama.
"Anong hindi mag-aaral. Sira ka ba?! Hindi pwede! Mag-aaral ka!" pagalit kong sabi bago siya hinila papunta sa set na kahoy. Pina-upo ko siya. Mabigat kong binitawan ang bag bago binuksan. Inilabas ko lahat ng gagawin.
"Ayoko nga sabi! Kulit mo!"
"Mas makulit ka! Anong mapapala mo kapag ka hindi ka nag-aral?! Mahuhuli ka lang!"
Masama pa rin ang tingin sa'kin ng lalaki ng humalukipkip ito.
"Wala ka ng pake," mahina niyang sabi.
Pinagmasdan kong mabuti si Kevin. Medyo namayat ito at saka lumalim ang mata. Hindi na niya naaalagaan ang sarili niya. Anlayo niya sa masiglang Kevin na kilala ko.
Tumabi ako ng upo sa kanya. Wala akong payong maibibigay kaya ginawa ko ang alam kong bagay na hindi niya inaasahan. Hinila ko siya payakap. Naramdaman ko ang pagtigas ng katawan nito. Hinaplos ko ang likuran niya.
"Okay lang umiyak, Kevin. Valid ang nararamdaman mo. Alam kong mahirap na naghiwalay sina Tito at Tita pero alam ko ring malalagpasan mo 'yan kasi makalas ka. Kaya okay lang umiyak, iyak ka lang," marahan kong sabi sa kanya.
Ilang minuto kaming gano'n hanggang sa naramdaman ko ang pagka-basa ng balikat ko. Umalog din ang mga balikat ni Kevin at napuno ng hagulgul ang buong sala. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan akong umiiyak si Kevin. Para bang may pumipiga sa puso ko.
Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Umabot ng isang oras ang pag-iyak niya na parang bata. Nagra-rant din ito sa nararamdaman nito at sa naging desisyon ng mga magulang niya. Lahat ng iyon pinakinggan ko at inintindi dahil 'yon ang mas kaylangan niya ngayon.
Kausap at kasama.
Nang matapos siyang umiyak ay lumayo na ito sa'kin. Magang-maga ang mata niya nang magtama ang mga mata namin. Nginitian ko siya at pinahid ang iilang luha sa pisnge niya.
"Aral na tayo?" mahina kong tanong.
Dahan-dahan siyang tumango na mas ikinangiti ko. Nag-umpisa kaming mag-aral na dalawa. Iniwan ko ang mga notes ko sa kanya para makapagbasa-basa pa siya sinundo na kasi ako ni Papa pauwi.
SIMULA nang magpunta ako sa kanila ay pumasok na ulit si Kevin. Masigla na ulit ito tulad ng dati na ikinasaya ko. Palagi na kaming magkasama madalas, siya ang kasama ko minsan kapag ka inuutusan ako ng mga teacher sa Main. Tapos kasabay ko na din siya sa pagbre-break.
"Hoy, malapit ka na mag-birthday. Anong gusto mong regalo?" tanong nito bigla habang kumakain.
Nilingon ko siya at tiningnan ng hindi makapaniwala.
"Ba't naman ganiyan ka makatingin?! Ilang taon na tayong magkaybigan alam ko ang birthday at edad mo, Sweet!" aniya.
Natawa ako. "Wow. Paka-defensive ha." Sumubo ako ng kanin bago siya binalingan. "Wala akong gusto maging gift. Okay naman na sa'kin lahat, eh." Totoo 'yon. Okay lang sa'kin walang regalo kasi makita ko lang siyang masaya ulit okay na ko. Ilang buwan na din ang lumipas simula nung maghiwalay ang parents niya at sa tingin ko naman ay naka-move on na siya.
Sinimangutan niya ko.
"Kayo talagang mga babae. Puro ganyan tapos kapag ka walang regalo magagalit," bulong nito pero dinig ko naman din. Tinawanan ko na lang siya.
Matuling lumipas ang araw at November na. Nagre-ready na kami para sa November five kasi may pa-halloween party para sa mga students. Para siyang Intrams pero ang siste naka-costume kami pang-halloween.
"Ganyan talaga ang design ng classroom?" tanong ni Sir Nathaniel nang bumisita ito.
Proud akong tumango. Pinagtulong-tulungan 'to ng buong section kaya maganda.
"Yes, Sir. Ang booth din po natin ay drinks like bloody red, love potion, black karma," saad ko.
Tumango ito. "Okay. Keep it up."
"Yes po, Sir." Binalingan ko ang classmates kong inilalagay sa gilid ang mga upuan. Kumunot ang noo ko ng makita si Kevin na patakbong lumabas ng classroom. Nagmamadali akong sumunod sa kanya.
"KEVIN!!" tawag ko sa pangalan nito pero hindi siya lumingon. Naabutan ko na lang na nasa abandonadong classroom na ito.
"GAGO KA! P-pinag...habol mo ko," hinihingal kong sabi.
Naglakad ako sa harapan niya. Nag-alala ako. Umiiyak kasi ito.
"Ano...ng nangyari?"
"A-alis na daw ako dito, Sweet. Isasama ako ni Mama sa Canada."
Parang bombang sumabog sa tenga ko ang sinabi nito. Biglang huminto ang lahat sa paligid namin. Para akong sinikmuraan sa tiyan.
"T-talaga?"
Tumango siya.
"K-kelan daw?"
Nagpunas ito ng pisnge at tiningnan ako. "Sa November five daw susunduin na ko. Naayos na niya lahat. Ako na lang ang kulang..."
Napalunok ako. "Edi goods naman pala--"
"Anong goods?! Ayokong umalis! Ayoko! Dito lang ako!" Bigla niya akong hinila payakap. "Ayokong sumama, Sweet Merea. Ayoko. Ayaw," parang batang iyak niya.
Napaluha ako dahil dito. Para kaming mga tangang nagiiyak sa loob ng classroom.
"Sumama ka na," pamimilit ko nang tapos na kami mag-drama.
"Ayaw."
"Oo. Di ba gusto mong makasama si Tita? Ayan na yung chance oh. Papalagpasin mo pa ba?"
Walang naging sagot si Kevin kaya nilingon ko ito. Nakatingin din pala siya sa'kin.
"W-wala ako dito sa b-birthday mo," mahina niyang sabi.
Pinilit kong ngumiti. "Okay lang. Pwede naman tayong mag-video call sa birthday ko."
"Pero yung--"
"Hindi ba tinanong mo kung anong gift yung gusto ko?" pagpapapaalala ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango. Kinuha ko ang kamay niya. "Gusto kong gift is sumama ka kay Tita sa Canada. Mas maganda ang magiging buhay mo do'n, ano ka ba. Tapos hindi mo na mami-miss si Tita," sabi ko.
Lumuha na naman ito. "Ayaw mo ba ko dito?"
Umiling ako habang pinupunasan ang luha niya. "Syempre hindi. Kung pwede lang na dito ka na lang para magkasama tayo palagi, eh. Kaya lang hindi pwede kasi hindi pa tayo pwedeng mag-decide sa mga sarili natin. Minor pa kaya tayo. Gusto ni Tita na makasama ka kaya ka niya kinukuha," pagbibigay ko pang linaw sa gustong mangyari ni Tita.
"Ayaw mo ba siyang makasama?" tanong ko.
"G-gusto..."
"Yun naman pala. Don't waste this opportunity, Kevin. Iilan lang ang mga batang nabibigyan ng chance para makasama ang magulang nilang OFW. Makikipag-patayan sila para makuha ang pwesto mo. Kaya sumama ka ha."
ARAW na ng pag-alis ni Kevin. Sumama ako sa paghahatid sa kanya sa NAIA.
"Ingat kayo do'n, Kathy."
"Oo, kayo din dito, Liza. Thank you sa lahat."
Ngumiti ako kay Kevin na namamaga ang mga mata. Inabot ko sa kanya yung bracelet na ginawa ko.
"Para saan 'to?"
"Duh! Kainin mo," pagmamaldita ko.
Nginisihan niya ako at saka may kinuha sa bulsa niya. Inabot niya sa'kin ang key chain na palagi niyang gamit.
"B-bakit?"
"Para may iba pa kong gift sa birthday mo," aniya.
Nag-init ang mga mata ko. "Mami-miss kita."
"Ako rin. Wag mo kong kakalimutan ha."
Sunod-sunod akong tumango at niyakap siya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Ako ang wag mong kakalimutan. Sure akong madaming mga babae do'ng magiging best friend mo din. Baka ipagpalit mo ko sa kanila."
"Hindi mangyayari 'yon. Ikaw ang pinaka-best of best friend ko sa lahat. Hinatayin mo ko ha? Uuwi ako."
"Aantayin kita, Kevin."
Pinanood ko kung paano lumakad papasok sa loob sina Tita at Kevin.
At that age, I experienced my first heartbreak. What they say is true. Sa High school mo mae-experience lahat ng saya pati na din ang sakit. I wish I believe it early para naiwasan ko sana ang heartbreak ko.
Years passed and I am already twenty-five years old. I missed my high school life. There was a time na hiniling ko na sana sinulit at nagpaka-enjoy na ko noon dahil adulting sucks, pero wala na eh, I cannot change it anymore.
Dumating sa point na nawala ang connection namin kina Kevin. Masakit kasi nangako siya pero, gano'n naman talaga. People will come and go, you just have to make it memorable for the both of you. And I think I did that.
Tumayo ako at lumabas ng coffee shop. Pasakay na ko ng kotse nang makita ang isang figure na nakatayo sa tabi ng kotse ko. Natigilan ako. Umawang ang labi ko.
He is smiling sweetly at me. Itinaas pa niya ang kamay niya.
"Hi, miss me?"
WAKAS.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro