Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Tanghali na nang magising ako. Marahil siguro sa pagod kaya naninibago yung katawan ko.

Oo, absent ako. Wala pa akong 1 week sa kumpanya pero may record na agad ako. Aba, pasalamat nga sila kasi wala silang alagain, mahirap na at baka ano pang mangyari sa'kin kapag pumasok pa akong masama ang pakiramdam no.

"Ate hindi ka pumasok? Paano na ang pasalubong ko?"

Napalingon naman ako sa batang sumulpot sa harap ko habang may hawak na pitcher ng juice. "Ang aga mo naman mag juice?" Kunot noo kong saad habang sinusundan s'ya ng tingin.

Umakyat naman ito sa upuan at pilit na may inaabot sa cabinet. "Ako na,"

Inabot ko naman sa kanya yung tinapay na nakatago. Sa pag kakalaam ko ay eto pa yung tinapay na binigay ko sa kanya noong umuwi ako galing SM three months ago.

"Anong gagawin mo?"

Tinignan naman ako nito. "Pag mimiryendahin ko yung kaibigan ko."

Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Kaibigan? Sinong kaibigan? Wala ka ngang kaibigan. Minumulto na ba tayo? At na saan pala sila mama?" Takang saad ko at kumuha ng isang basong juice sa pitcher.

Mag a-alas dose na kasi pero hanggang ngayon ay wala pa rin nakahain na pagkain. Kahit sinaing, wala.

"Nasa labas, kausap yung kaibigan ko!"

Napa irap naman ako sa sinabi nito at sumunod na sa kanya pero hindi bubwit ang naabutan ko sa labas kung hindi isang asungot habang nakikipag tawanan sa nanay kong pabebe naman na bumubungisngis.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nahanap 'tong bahay namin?" Iritado kong saad habang nakatitig kay Dudoy na ngayon ay sitting pretty habang ngumunguya ng tinapay na dala ng kapatid ko.

Tinitigan naman ako nito mula ulo hanggang paa. "Good noon rin, Elma" saad nito at umiwas rin nang tingin bigla.

Napakamot naman ako ng ulo dahil sa inasta nito at inilibot ko ang mata ko sa buong paligid para hanapin ang ama ko. "Ma, si papa?"

"Umalis, inutusan kong mamalengke." Saad ng ina ko na ngayon ay nag bubuklat ng mga gamit sa isang paper bag.

Huh? Ano 'yan?

Hindi ko na napigil ang sarili kong lapitan ang ina kong busy sa ginagawa at marahas na inagaw sa kanya ang hawak nito. Nagulat naman ako nang makita kong pagkain, damit at mga laruan ang laman nito.

Nilingon ko naman ang asungot na kaharap ko na ngayon ay nakikipag laro na sa kapatid ko sa kandungan n'ya.

"Sayo ba galing 'to?" Saad ko at inangat ang hawak.

Tinitigan naman ako nito bago ang pagkain. "Oo, kumain ka na." Saad n'ya at tinuloy pa ang ginagawang pakikipaglaro sa kapatid ko.

Binaba ko naman sa harap n'ya ang bag ng malakas na ikinagulat ng mga ito.

"Umuwi ka na, hindi ko kailangan 'yan." Malamig kong saad.

"Ano ba elma! Parang hindi mo naman kilala si Dudoy, ay nako, Doy, huwag mong intindihin si Elma, masama lang ang pakiramdam." Saad ng ina ko na ngayon ay nakalapit na kay Dudoy.

Hiniklat ko naman ang kamay ng kapatid ko at naglakad na papalayo sa kanila pero hindi pa man nakakapasok sa loob ay naramdaman ko ang pinong kurot ng nanay ko sa tagliran ko na ikinagulat ko. "Aray naman ma! Ang sakit!" Saad ko habang hinihimas ang bewang ko.

"Ikaw na bata ka! Hindi kita tinuruan na ganyan ang isuot mo sa harap ng bisita! Isa pa, mag sorry ka!" Sigaw nito.

Napatingin naman ako sa suot ko at naalala ko nga palang wala akong suot na bra at tanging malaking t-shirt lang ang tumatakip sa katawan ko. Nakasuot naman ako ng underwear pero makikita na rin ito kapag tumuwad ka.

"It's okay lang po, ma'am. Uuwi na rin po ako kasi may pupuntahan pa po ako." Magalang nito saad na ngayon ay naghahanda na para umalis.

"Dalhin mo 'yang dala mo, hindi namin kailangan n'ya." Iritado ko pang saad. "Brock, pasok sa loob!" Sigaw ko pero hindi ako pinakinggan ng kapatid ko at nagsumiksik pa lalo sa hita ni Dudoy.

Napalingon naman ako kay Dudoy na ngayon ay kinakausap ang ina ko at dahil sa inis ko ay pumasok na ako ulit sa loob hindi para magpalit, kung hindi para matulog ulit pero wala pang trentang minutong nagtagagal ay may kumakatok na naman sa pinto ng kwarto ko.

"Wala, umalis, tulog, nag zumba!" Sigaw ko at siniksik ang mukha ko sa unan ko.

Narinig ko naman ang pagtawa nito. "Miss Cuevas, if you're not planning to answer my calls dapat nag paalam ka na a-absent ka." Saad nito.

Bumangon naman ako at inayos ang magulo kong buhok ko nang marinig ko ang boses ng boss ko.

Teka, boss ko?

Bumangon naman ako agad at binuksan na ang pinto. Naabutan ko pa 'tong nag lalakad na pababa sa hagdan kaya hindi na ako nagdalawa habulin ito at hiklatin ang braso n'ya. Nahuli ko pang pinasadahan pa nito nang tingin ang katawan ko bago bumalik ang mata sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nag cross-armed sa harap n'ya para takpan ang dapat takpan. Ewan, pero bigla akong nakaramdam ng hiya sa harap n'ya.

Ilang minuto rin itong tahimik bago ako sinagot. "Nag aalala lang ako since hindi ka nag re-reply, isa pa, as my secretary. You also had a huge responsibility to assist me especially when it comes to business. I'm expecting to see you at my office tomorrow if you feel better na." Saad nito at nag tuloy na sa paglalakad.

Huminga muna ako nang malalim bago ito sinagot. "E bakit nag aksaya ka pa ng oras pumunta dito? Bakit hindi ka na lang mag trabaho sa kumpanya mo, ikakamatay mo ba kapag wala ako?!" Sigaw ko na ikinatigil n'yang muli.

Sinusundan ko lang ang galaw ng katawan n'ya mula sa braso hanggang sa mag tama muli ang mga mata namin. "Hindi,"

Naghihintay pa ako sa sasabihin nito pero nagtuloy na ulit 'to sa paglalakad hanggang sa mawala na s'ya nang tuluyan sa paningin ko.

"Ay tokwa, paano pala n'ya nahanap yung bahay namin?" Bulong ko. Nakalimutan ko kasing tanungin.

Bababa na sana ako para pumunta sa kusinan nang nakita ko naman ang kapatid ko na nakatitig sa'kin pero tumakbo rin papalayo.

Napabuntong hininga na lang akong muli at bumalik na lang sa kwarto para maligo. Balak kong puntahan ang kaibigan ko para malamigan ang ulo ko kahit papaano. Ang daming nangyayari sa mundo ko.

Nag text muna ako sa kaibigan ko na pupunta ako sa condo n'ya ngayon para mag libot. Isa pa, mag da-dalawang taon na rin ng huli naming pagkikita kaya gusto ko rin s'yang kamustahin.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon naman ako sa ama ko na ngayon ay kumakain ng tanghalian. Katabi nito ang bonak kong kapatid habang ang ina ko naman ay nagsasandok ng pagkain.

"Sa kaibigan ko po, uuwi rin ako mamaya." Saad ko at kumuha pa ng isang hita ng manok.

"Na ganyan ang suot?"

Napatingin naman ako sa suot ko bago sa kanila. "Pa, wala namang problema sa damit ko? Ang ganda kaya." Natatawa kong saad. Naka suot lang kasi ako ng black tube na pinatungan ng blazzer at high waist ripped-jeans na tinernuhan ng itim na boots.

Hindi na nila ako kinibo marahil alam nilang wala silang mapapala pa.

Nang makalabas sa gate ay pumara na agad ako ng taxi. Hindi naman ako luluwas ng manila kaya nag taxi na ako buong byahe hanggang sa makarating nga ako sa apartment ng kaibigan ko.

Ilang beses ko pang pinipindot ang door bell nito pero wala pa rin nag bubukas ng pinto hanggang sa tumambad na lang bigla sa harap ko ang tyan nitong malapit na maging kasing laki ng suha kaya pati ang mga mata ko ay namilog rin.

"I-ikaw pala 'yan, Elma." Naiilang na saad nito habang tinatago ang t'yan n'yang litaw na litaw. Kahit takpan n'ya pa ng kamay n'ya 'yan ay hindi pa rin nakakawala sa'king paningin ang pagka umbok nito.

"Anak ng tokwa, ninang na ako?" bulong ko na lang na nakapagpa kamot sa kanya ng ulo.

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro