Chapter 4
Taas kilay akong lumingon sa poncio pilatong nagsalita sa likod ko at aaminin kong muntikan na akong matulala sa kakisigan nito.
Suot ang itim na amerikano habang bukas ang dalawang butones ng polo, pakiramdam ko ay sinusubukan ako ng isang demonyong adonis dahil sa taong kaharap ko.
"Ikaw ba ang boss?" Matapang kong saad at tinitigan s'ya mula ulo pababa hanggang sa bumalik ang tingin ko sa braso nitong naglalakihan.
"Eyes up, Woman. Oo, ako nga, at anong problema mo sa empleyado ko?" Pamewang nitong saad.
Aaminin ko na humahanga ako sa kagwapuhan nito. Sino ba ang hindi. Mula sa kayumanggi nitong mga mata, mahahabang pilik-mata, makapal na kilay at matangos na ilong, bumagay rin sa kanya ang kulot nitong buhok at ang pagka-morenong balat at higit sa lahat, ang labi nito na mas pink pa sa labi ko.
Tinitigan ko naman s'ya ng daretso at hinawi ang buhok ko. "Kaya pala hinahabol ka ng mga buntis, gwapo ka nga naman." Saad ko na nakapag pakunot sa noo nito.
"Look, if you're just here to have a good time, leave and don't disturb us." Seryoso niyong saad at naglakad na habang hinihilot ang sentido nito.
Hindi naman ako nag dalawang isip na habulin s'ya at hiklatin s'ya nang malakas sa braso.
"What?!"
"Buntis ako."
Narinig ko naman ang mga tawanan sa likod ko marahil sa sinabi ko pero mas nangingibabaw sa lahat ng boses na 'yon ay ang boses ng lalaking kaharap ko na ngayon ay nag mumura na.
"What the, are you serious? Stop being a turd. Since the beginning, Miss, I've known the truth."
Hiniklat nito nang malakas ang kamay n'ya dahilan para ma-out of balance ako. Hindi pa man nakakalapag sa sahig ang pwet ko nang maramdaman kong may umalalay na sa'kin.
"Is that true, Jacob?"
Marahas naman akong napalingon sa gilid ko at nakita ko ang isang babaeng kasing edaran ko lang ata.
Kung ang lalaking kaharap ko ay isang adonis, p'wes etong babae naman na nakayakap sa'kin ay isang na dyosa.
"No, Julie. Huwag mong hawakan ang babaeng 'yan kung ayaw mo na mahawa ka ng kabaliwan." Mariing saad nito sa babaeng katabi ko.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya kahit na gusto ko pang lumambitin sa leeg n'ya.
Marahas ko namang hiniklat ang croptop kong malapit nang mahulog sa'king mga pakwan. Tinignan ko naman uli ng masama ang lalaking kaharap ko na ngayon ay hinihila na papalayo ang savior ko.
"Gagawa ako ng eksena dito!" Sigaw ko.
Oo, alam kong nakakahiya na pero hindi ako p'wedeng umuwi na walang napapala.
Halos habulin ko na sila dahil nakasakay na sila sa Elevator sa bilis nilang maglakad pero hinarang rin ako ng mga guwardya. Marahil nalaman na siguro nila ang nangyayari.
Marahas kong hinihiklat ang kamay ko dahil bukod sa nahihirapan akong maglakad papalabas ng kumpanya ay hindi ako komportable na sumasagi ang braso nila sa dibdib ko. "Ano ba?! Sabing bitawan n'yo ako, e!"
Hindi rin naman nagtagal ay tuluyan na nga akong natanggay ng mga guwardya ngunit hindi sa labas ng building kung hindi sa isang silid na hindi pamilyar sa'kin. Iniwanan na nila ako habang nakatali sa upuan.
"Hoy anong pakana ba 'to? Masyado kayong cheap mag-isip kung mag h-hostage kayo! Pinaranas n'yo man lang sana sa'kin yung isakay ako sa kotse. Pwe!" Sigaw ko habang kinakalas ang tali sa kamay ko.
"Tanghaling tapat tapos nang ho-hostage kayo, in public pa talaga. Ang kakapal ng mukha." Bulong ko pero natigil rin ako sa kalikutan nang marahas na bumukas ang pintuan sa harapan ko.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung sino ang may kagagawan nito.
"It's good to see you again, Elma."
Napa irap naman ako ng todo nang marinig ko ang boses nito.
"Hindi good na makita kita, mas lalong nasira ang araw ko pati ang universe ko."
Napapikit naman ako nang hiklatin nito ang buhok ko kasabay nang pag himas ng daliri n'ya sa pisnge ko.
"Ang tapang mo talaga. No wonder kung bakit madaming nababaliw sayo, daig mo pa ang baliw nakikipag-away sa kalye para lang sa atensyon."
Ngumiti naman ako nang matamis dahil sa sinabi nito. "At least madaming humahabol sa'kin, hindi kagaya mo na daig pa ang aso kung makabuntot at mag pa-amo para lang bigyan ng isang pirasong buto." Natatawa kong saad. Napasinghap naman ako nang makaramdam ako ng sampal na nag pamanhid sa pisnge ko.
Iritadong hinawakan ako nito sa pisnge. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko n'ya makinig kong balat. "Hinding hindi ako papayag na matanggap ka sa kumpanyang 'to. Hindi bagay ang kagaya mong basura sa teritoryo ko."
"Really? Sa pagkaka-alam ko ay isa ka lang naman na sikretarya dito. Kaya nga nandito ako para palitan ka sa pwesto mo. Baka kasi sobra na silang nasasangsangan sa amoy mo e, hindi ka pa naman naliligo palagi."
Isang sampal pa ang natanggap ko nang bitawan nito ang mukha ko.
"Nakaka dalawa ka nang impakta ka." Mariin kong saad.
Hindi pa man nakakaganti ay nakarinig ako nang katok. "Ma'am, nasa conference room na po si Sir."
Pag angat ko naman ng ulo ko ay nakita ko namang naglalakad na ito paalis, kasabay yung babaeng nasa entrance counter kanina. Hindi na ako nakaganti ng suntok kaya sinigawan ko na lang ito.
"Pikon ka pala e, haha!"
"Fuck you, Eloiza, may araw ka rin sa'kin!" Saad nito habang nililinis ang mga kukong mag bahid ng dugo.
"Its Elma, Julie. Elma not Eloiza, bitch!" Sigaw ko pa. Malakas naman nitong binalibag ang pinto. Sa lakas ng tunog ay tuluyan nang nahulog ang lubid na kanina ko pa hawak-hawak sa kamay ko.
Oo, bago pa ako masampal ng impaktang hitong Julie na 'yon ay natanggal ko na ang lubid. Bukod sa cheap na ang paandar nila, ang tanga pa magbuhol ng lubid ng mga guwardya.
Hinilot ko naman ang pulso ko at taas noong naglakad na palalabas. Habang tumatagal ay napag tanto kong nasa loob rin pala kami ng kumpanya. "The heck? Ano 'to, dogshow?" Iritado kong saad habang pinanonood sa malaking screen ang nangyayari kanina sa kwarto.
"Wow ma'am, ang tapang n'yo po pala talaga."
Napalingon naman ako sa nagsalita na 'yon at nakita ko ulit yung kasama ng malditang receptionist kanina.
"So, bakit may ganito? Ano 'to penikula?" Tanong ko at tinignan ulit yung screen. "Inferness lang, ang ganda ko kahit namumula na ang mukha ko sa sampal ng babaeng 'yon." Saad ko.
Halos humiyaw naman ako nang makaramdam ako ng hapdi sa pisnge ko. "Ano ba?!"
"Ay sorry ma'am, ginagamot ko lang po yung sugat n'yo." Ngiting saad nito at inabot sa'kin ang mga gamit kong naiwanan ko kanina.
Mabilis ko naman itong kinuha at hinawi ang buhok ko na tumatabing sa dibdib ko bago sinakbit ang bag ko pero natigilan ako nang makita ang id card na nakasabit dito.
Kunot noo ko namang nilingon ang babaeng katabi ko kanina na ngayon ay abot langit ang ngiti. "Ano 'to?"
"Id n'yo po, ma'am"
"Alam kong id 'to pero bakit may mukha ko 'to at bakit secretary?" Takang tanong ko.
Kamot ulo naman ako nitong tinitigan. "Ah, hired na po kasi kayo."
"Ha?!"
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro