Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Ilang oras rin ang aming byinahe bago makarating sa lugar ng Iloilo.

Alam kong nag re-reklamo na ang mga kasama ko dahil wala naman ako sinabi sa kanila kung saan kami pupunta, isa pa, mag g-gabi na din nang makarating kami dito.

"Ate, malayo pa ba? Inaantok na ako, atsaka ang sakit na kasi sa paa," kalabit ng bunso kong kapatid.

Sinulyapan ko naman ang magulang ko na kanina pa lukot ang mukha habang kinakaladkad ang mga gamit namin.

"Malapit na tayo, Pa! Buhatin mo nga etong bata na 'to at ako na ang mag dadala n'yan" Saad ko at hiniklat sa kanya ang hawak nitong bayong at banig at muling nag lakad.

Nakabusangot na sumunod sa'kin ang pamilya ko hanggang sa makapasok kami sa masukal na daan.

"Malapit na ba tayo, Elma?" Saad ni mama.

"Malapit na po, tiisin niyo na lang." Naiirita kong saad.

Kung sila ay inip na inip na, p'wes mas inip na inip na ako, sumabay pa ang pantog ko. Hindi ko naman kasi alam na lumipat na ng bahay ang impokritang iyon.

"Elma, pang ilang beses mo na bang sinasabi 'yan? Napapagod na ako, gusto ko nang mahiga." Inaantok na saad ng ina ko.

Nakabusangot ko silang hinarap at tinignan ang kanilang mga itsura. Parehas na nakasuot ng couple red shirt ang magulang ko samantalang ang bunso ko naman ay naka pang spiderman na sweater.

Sakit sa mata

"Tignan niyo nga ang mga itsura ninyo! Paanong hindi mag re-reklamo, bakit kasi ganyan ang mga suot niyo? Saan ba kayo pupunta? Sa date? Isa pa, sinabihan ko na kayong aalis tayo kanina pero nag murmol pa kayo! Mag tiis kayo!" Sigaw ko sa kanila na ikinakamot naman ng kanilang ulo.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Sa tantya ko ay pasado ala-siete na at sa wakas, nakita na rin namin ang bahay na kanina pa namin hinahanap.

Malakas kong binagsak ang hawak ko sabay pamewang na tinitigan ang bahay na nagpa ikli sa buhay namin.

"Wow, Elma, kaninong bahay 'to? Ang laki-laki at ang ganda" bulong nang nanay ko.

Hindi ko napansin na nakalapit na sila sa'kin habang sinusuri ang dalawang palapag na bahay na nasa harapan namin.

Binigyan ko ng matamis na ngiti ang ina ko at bago ko sila sinagot. "Simula sa araw na 'to, dito na tayo titira, kaya kuhain niyo na ang gamit niyo para makapag pahinga na tayo."

Hindi pa man sila nakakapag salita ay tinalikuran ko na sila at naglakad na sa tapat ng pintuan. Marahas ko itong kinatok na tila ba ginigiba ko ito gamit ang makalyo at maliliit kong kamay.

Hindi pa man nagtatagal ay nakarinig ako nang malakas na kalabog bago bumukas ang pinto. Tumambad lang naman sa harap ko ang isang matandang babae na gulo-gulo pa ang kasuotan habang ang mukha ay puno ng kolorete.

"Magandang gabi, tiya Belen." Nakangiti kong saad.

Biglang umasim ang itsura nito nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya. Sigirado akong naamoy niya na ang putok niya.

"At anong ginagawa ng isang kagaya niyo dito?" Iritado nitong saad.

Nilingon ko ang magulang ko sa likod, muntik na akong matawa nang makita ko na tila ba sila asong handa na makipag rambulan sa sama ng awra nila.

Sumandal ako sa pader at tinitigan mula pababa, pataas ang tiya ko na naka spaghetti strap at short.

"Makikitira sana kami kung maari lang sana. Alam mo na, pinalayas kami ng pinsan mong balyena."

Halos malukot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. "At ano naman ang pakielam ko? Mabuti nga 'yon para mabawasan ang malas na nakadikit sa'min" saad nito habang nginunguya ang bubble gum na sobrang putla.

Ngumiwi pa ako dahil nag mu-mukha itong baboy kung ngumuya. "Alam mo kasi aling Belen, hindi naman siguro ako pupunta dito kung wala akong alam sayo. Gusto mo ba na ichismis kita?" Malambing ko saad at hinawi ang buhok ko sa pawis kong leeg.

Nakita ko naman ang pagtayo nito nang mabuti na ikinatawa ko.

"Anong chismis? Tigilan mo ako Elma, huwag na huwag mo akong sinusubukan. Lumayas kayo! Wala akong pakielam kung ano ang mangyayari sa inyo. Mga salot!"

Malakas nitong sinara ang pinto sa pagmumukha ko. At dahil sa kanina pa ako wala sa mood, hindi na ako nag dalawang isip na ilabas ang Nokia ko at tinawagan ang baklang taga bugaw sa lugar namin dati. "Hello, bakla!"

Batid ko naman na narinig ito ng elepante na kaharap ko kanina dahil lumabas muli ito nang namumula na ang mukha sa galit.

Nginitian ko naman siya at binaba ang selpon na hawak-hawak ko.

"Ano? Payag ka na?" Saad ko. Hindi na ako nito sinagot dahil hinagis na nito sa pag mumukha ko ang susi ng bahay at lumayas na dala-dala ang bag nitong ukay at jacket.

Nakita ko pa ang pagpatid ng kapatid ko dito upang ito'y matisod. Natawa na lang ako dahil alam ko na alam niyang darating ako ngayon.

Ilang minuto nang makaalis ang elepante ay lumapit na ang pamilya ko na ngayon ay malaki ang ngiti sa mukha.

Itinaas ko ang susi na hawak-hawak ko at tumalon at nag s-sigaw sa saya. "Party Party, yeah!!"

Hindi din kami nagtagal sa labas ay pumasok na kami.

Sa bungad pa lang ay sumalubong na agad samin ang napaka linis na daan patungo sa sala.

Napangisi na lang ako dahil sa nakikita ko. "Akalain mo nga 'yon, malinis rin pala ang elepanteng 'yon, bakit kaya hindi namana ng balyena niyang pinsan 'yon." Saad ko at pinaikot-ikot sa daliri ko ang susi na hawak ko.

Nakita ko pang nagtatakbo ang pamilya ko sa ikalawang palapag para tignan ang mga kwarto.

"Ako ang matutulog sa master bedroom!" Sigaw ko na ikiungot nila. Hindi na ako umakyat pa at dumaretso na sa kusina para tignan kung may pagkain ba.

Saktong sakto ay may bagong luto na ulam at kanin sa lamesa. Siguradong kakain palang ang elepante na 'yon nang dumating kami.

Hindi na ako nag dalawang isip na kumain, hindi kona sila hinintay dahil gutom na ako at pagod na pagod pa.

Habang kumakain ay nilapag ko sa lamesa ang papel na dala-dala ko. Pinag hiwa-hiwalay ko ito at isa-isang sinulatan.
Inabot siguro ako ng kalhating oras para matapos ang lahat ng mga papel na 'to.

Ngumiti akong muli at tinitigan ang bag na dala ko kanina pa. "Sa wakas, makakabalik na din ako." bulong ko.

Saktong pagtapos kong kumain ay siya namang pagpasok ng magulang at kapatid ko na bagong ligo na. "Kumain na kayo, matutulog na ako, huwag niyo na ako hanapin bukas at may lakad ako. May pagkain naman, kayo na ang bahala." saad ko at nilagpasan na sila.

Wala na akong oras para paliwanagan pa sila dahil maaga pa akong aalis bukas.

Pag kapasok ko sa kwarto ay hinagis kona sa sahig ang mga bitbit ko at dumaretso na sa banyo para maligo.

Hinubad ko na ang damit ko at tinitigan ang katawan ko sa harapan ng malaking salamin. "Walang pinag bago." ngisi kong saad at pinasadahan ang tattoo na nakatago sa v-line ko. Hindi rin nag tagal ay naligo na ako at natulog na.

-----

To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro