Chapter 12
Siguro ay kulang na lang mamuti ang mata ko kakahintay sa text ng amo ko.
Simula nang maka uwi ako kanina ay aminado naman ako na hindi na maganda ang pakiramdam ko, pero anong magagawa ko, pinangakuan n'ya ako ng dinner date kuno, aba, tatanggihan ko ba 'yon?
"Ate,"
Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay nangangalabit na. Siguro ay gutom na rin ito.
"Oh, bakit?" Binuhat ko s'ya at kinalong. Hindi naman s'ya mabigat para sa edad na limang taon. Sa katunayan ay malnourish nga s'ya at under weight. Hindi sakto sa edad n'ya.
Pinony ko ang mahaba n'yang buhok at marahang pinag pag ang madumi nitong sando.
"Kailan po uuwi si papa?"
Natigilan naman ako sa sinabi nito pero tinawanan ko na lang rin s'ya. "Ano ka ba, David, nasa sugalan lang sila ni mama huwag mo na hanapin. Natatakot ka ba?"
Umuulan kasi ngayon at malakas rin ang kulog at kidlat. Takot si Chollo doon. Manang mana nga kay papa talaga.
Ngumuso naman ito sa sinagot ko. "Ate naman e, at saka ano oras tayo kakain? Nagugutom na ako."
Marahan kong hinimas ang kamay n'ya at hinalikan s'ya sa pisnge bago ko s'ya inupo sa tabing silya.
"Anong ulam ang gusto mo?" Naka ngiti kong saad.
Kahit hindi ko hintayin ang text ng amo ko, may makakain pa rin naman kami. Mabuti na lang at nanalo rin sa sugal sila mama nang nakaraang araw. Ewan ko kung saan sila nakakahanap ng tong-its dito, tago na nga 'tong bahay at wala pang kapitbahay. Grabe rin talaga ang radar ng mga 'yon.
"Uh, curry ate, pero ayoko po sa carrots."
Tumango naman ako sa sinabi n'ya. "Okay. Curry. Sige, maupo ka muna d'yan at manood. Ipag-luluto kita."
Aaminin ko naman na kahit pipitsugin lang ang ugali't buhay namin, may pinag aralan naman kami. Sadyang kinapitan lang kami ng malas ng kahirapan nung mga nakaraang taon matapos malugi ang paupahan namin sa Dingalan.
"Ate, Chollo po, not David nor Brock."
Napalingon naman ako ngayon sa kapatid ko na tumatakbo na papapunta sa lamesa. Napahalakhak na lang ako dahil sa dami nang pangalan na tinatawag ko sa kanya, alam na alam talaga n'ya kung paano ko s'ya inisin.
Nasa kalagitnaan na ako nang pag lu-luto nang tumunog ang phone ko. Kahit na ayaw kong sagutin ay wala rin akong magawa dahil sa nakaka irita na ang ringtone ko.
"Hello?"
Hindi ko na hinintay na sumagot ito at binabaan ko rin ito dahil busy ako sa pag hi-hiwa. Ayokong ayoko sa lahat ay yung may gumagambala kapag ako ang nag lu-luto. Makakapag hintay naman siguro kung sino ang hudas na tumawag na 'yon. Ilang beses din itong tumutunong pero tumigil din naman pagkatapos ng mga ilang minuto.
"Smells good. P'wede nang mag-asawa."
Malakas akong napasigaw nang maramdaman kong may bumulong sa kaliwang tenga ko. Nakaka kiliti.
Nanlisik naman ang mga mata kong hinarap ito at tinutok sa kanya ang sandok na stainless na hawak ko. "Layuan mo ako at baka ipukpok ko sayo 'to."
Natatawa naman itong lumayo at marahang sumandal sa kabinet na nasa gilid n'ya. Shet, ang hot. Kahit sino siguro ay titili ang panty kapag nakita nila 'tong lalaking 'to. Kahit plain white shirt at slacks lang ay ang lakas na agad ng dating. Paano pa kaya kapag naka hubad na diba?
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Seryosong saad n'ya at nag crossed-arm pa.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito.
"Anong hindi sinagot? Sinagot ko ah, sadyang mabagal ka lang mag salita. At bakit? Sino ka para mag reklamo, jowa ba kita? " irap ko at hinarap ko muli ang ginagawa ko.
Nakarinig naman ako nang pag hinga ng malalim dahilan para tignan ko muli s'ya. "Kung andito ka para mag tampo, pwes umalis ka na at baka ikaw ang igisa ko dito." Saad ko.
Hindi naman ito nakinig at dumukit pa sa'kin para makita ang ginagawa ko. Nagulat na lang ako dahil sa ginawa n'ya ngunit bigla rin itong umalis. Feel na feel pa nito ang pag lakad sa kahoy naming sahig. Kung makaasta ay kala mo na taga rito s'ya na nakatira.
"Chollo, bakit pinapasok mo 'yan?"
'Yan agad ang tinanong ko sa kapatid ko nang maka upo ito sa harapan ko. Tinignan lang ako ng mga mapupungay n'yang mata at nginuso ang mga paper bag sa lamesa.
Kunot noo ko namang binuklat ang mga ito at anak nga naman talaga ng tupa, isang bag ng pagkain galing sa isang mamahaling resto at isang bag ng laruan. Kaya pala.
"Ang galing mo talagang bata ka. Siguro kung may manloloob satin at sinuhulan ka ng ganyan ay malamang pa sa alamang, nababalita na tayo sa soco kinabukasan."
Napanguso na lang ito at marahan nang sumubo.
"Where's mine?"
Nabaling naman ang tingin ko sa malaking tao na ngayon ay naka-upo na rin sa tabi ko. Tinitigan ko pa ito at inirapan sabay abot sa kanya ng plato at kutsara.
"Oh ayan, mag sandok ka ng sarili mo."
"Why so sungit today? May dalaw ka ba?" Tanong nito na nakapag pa-init sa pisngi ko. Aba ang loko, walang tabas ang dila.
"Oo, ikaw bwisita. Bakit ba ngayon ka lang?" Saad ko at sunod-sunod na sumubo. Ang sarap talaga ng luto ko.
Ilang minuto pa ang inabot bago ako sinagot ng amo ko na ngayon ay busy sa pag hi-hiwalay ng carrots sa ulam n'ya. "Oh, I picked someone sa airport. Sorry hindi kita nasabihan about sa date natin. Bawi ako bukas, babe." Saad nito at kinindatan pa ako bago sumubo.
Halos lumabas sa ilong ang kinakain ko dahil sa sinabi nito.
"Mag hulos dili ka, lalake. May batang nakakarinig. Hindi ko alam na may tinataglay ka palang kalandian kapag nasa labas ka na ng kumpanya- teka, akin na nga 'yan! Sinasayang mo lang."
Kinuha ko ang mga carrots sa plato nito dahil kulang na lang ay ihulog na n'ya pati sa lamesa 'to. Hindi naman ito umatungal nang mawala ang halos kalhati ng ulam sa plato n'ya.
"May kahihiyan pa rin naman ako kahit papaano. Anyway, do you have plans for tomorrow?"
Tinignan ko naman s'ya nang daretso dahil sa tanong nito. "Malamang mag trabaho. Lunes bukas. May pasok, huwag kang tamad. Hindi purket boss ka e lalayasan mo na 'yang mga trabaho mo."
Natawa naman ito. Hindi na ako nito sinagot hanggang sa matapos kaming kumain. Tahimik lang si Chollo buong oras hanggang sa makatulog na 'to. Pasado alas-dose na rin ngunit hanggang ngayon ay wala pa ang mga magulang ko na anak ata ni Dora sa sobrang gala.
"Oh, baka mamaya sisihin mo pa ako kung bakit panay ka pantal d'yan."
Inabot ko sa kanya ang isang pakete ng lotion. Oo, lotion. Aba, sino bang mag a-akala na sasamahan n'ya akong mag hantay sa magulang kong nag e-explore. Isa pa, kahit anong pilit ko rito ay ayaw talaga n'yang umalis.
"Thanks, pero ang cheap mo naman."
Halos ibato ko na sa kanya ang mainit na kapeng ini-inom ko dahil sa sinabi nito. "Ay wow, 'yang cheap na 'yan ang bubuhay pa sayo. Pasalamat ka nga at binigyan kita n'yan, baka mamaya dengue pa abutin mo, ako pa sisihin mo pag nilibing ka."
Pinanood ko lang s'ya sa ginagawa n'ya hanggang sa harapin ako nito. Nakaka ilang dahil sa paraan ng mga titig n'ya ay para akong matutunaw.
"You know what. Ang cute mo."
Mabilis ko naman s'yang tinalikuran nang sabihin n'ya 'to. "Teka lang sir, bakit ang bilis naman ata? Parang ilang araw lang ay nag i-init ang dugo mo sa'kin matapos kong harasin ang empleyado mo sa front-desk tapos ngayon pinopormahan mo na ako?" Pabebe kong saad at marahang hinawi ang buhok ko sa tenga.
Malakas naman itong natawa dahil sa sinabi ko.
"No, no, no-- what I mean is, ang cute mo kapag tahimik ka."
Nanlaki naman ang mga mata ko at hinarap s'ya kahit feeling ko ay namumula pa rin ang mga pisnge ko. Hindi dahil sa kilig. Dahil na sa galit.
"Mas siguro na manahimik kana lang bago ko pa ipasak sa baga mo 'tong tasa na hawak ko."
Tawa lang ito ng tawa hanggang sa tuluyan nang bumukas ang pinto. Parehas pa kaming nagulat dahil sa lakas.
"Elma! Kaninong kutse yung nasa labas?!"
Napatingin ako sa nanay kong namumutla na at pawisin. Napatayo naman ako dahil sa itsura nito.
"Kay sir Jacob nay, bakit? At saka bakit ganyan ang itsura mo?" Kabado kong saad nang tuluyan ko na itong malapitan.
Ramdam ko pa ang panginginig nito at panlalamig, marahil sa sitwasyon.
"Teka nasaan si papa?" Tinignan ko pa ang likuran nito ngunit kahit anino o isang hibla ng buhok ng tatay ko ay wala.
Nabaling muli ang atenyon ko sa nanay ko na kulang na lang ay higupin na ang hangin sa buong bahay dahil sa pag singhap nito. "Ayon! Hinabol ng tatay mo yung kutseng nakaparada sa harapan. Na-carnap kasi. Kanino ba 'yon? Baka mamaya ay satin pa mabunton ng may-ari 'yon! Iniwanan pa naman ng mga loko yung motor nila pati yung pinang basag sa salamin ng kutse"
Kulang na lang lumuwa na ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Nilingon ko naman ang boss ko na ngayon ay nag mamadaling sinisinop ang gamit sa lamesa at dali-daling tumakbo papalabas.
"Patay..."
To be continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro