Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sweet Fourth Chapter

             Sweet Fourth Chapter

Miracle

Nag kamustahan pa ang dalawa sa harapan ko.

Humalikipkip ako habang pinapanood silang nag tatawanan at pinag tuturo pako habang tinutukso.

Inirapan ko sila saka na pumasok. Walang ano ano ay agad na akong umakyat at nag tungo saaking kwarto.

Kahit nasa kwarto ako ay dinig ko ang ingay nang dalawang yon na nakakarinding nag tatawanan sa baba.

How did i get so unlucky!!

Sisimulan ko na sana ang pag gawa nang kung ano anong mga portfolio na pinapagawa nila. Kaso naalala ko basa pa pala ang uniform ko at susuot pa ito pati narin ang jacket ni Miles.

Kaya bago ko gawin ang mga proyekto ay humarap muna ako sa salamin saka na nag palit.

Agad kong hinubad and pang itaas ko. (Except sa bra)

"Hoyy pangetttt!" biglang bumukas ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko. BOSET TONG LALAKENG TO! WALA AKONG DAMET.

Agad akong tumakbo sa pinaka malapit na kortina saka tinakpan ang aking katawan.

"Ahh!! Manyak! Manyak! Alis!!!!" sigaw ko.

Nakita ko ang pamumula nang pisngi niya saka ito lumabas at binagsak ang pag sara sa pinto.

"P-panget dalian mo diyan! G-gawa tayo--" naudlot ang sabi nya.

GAGAWA NANG ANO!?

My heart beats faster than that of a running horse.

"N-nang portfolio!" dagdag niya.

Napabuntong hininga ako. Hays shet! Akala ko ang gagawin. Pero teka! Ayoko ko siyang kasama! Ang ingay kaya niya! Nakakapag taka kasi sa klase naman lagi siyang seryoso. So weird.

"Gawa kang mag isa mo! Alis ka na nga!" pag tataboy ko sakanya saka na dali daling nag T-shirt nang over size para komportable.

Ilang saglit pa at wala akong narinig nang kung ano mula sakanya kaya napangiti ako. Salamat naman, payapa na ang buhay ko.

Binuksan ko ang pinto para tignan kung nasa labas pa ba siya.

Pagka bukas na pagkabukas ko palang sa pinto ay agad siyang bumungad saakin at agad naring pumasok sa kwarto at humiga sa kama ko.

"Hoyyyy!!! Alisss!! Ginugulo mo kama koooo!! Hayyyyy!! Chupii!!" pag tataboy ko sakanya habang hinahawakan ang braso niya at hinihila paalis.

Kaso sadyang malakas lang talaga siya. Ni hindi ko man lang magalaw ang katawan niya.

"Ihh alisss naaa!!" patuloy kong pagtataboy sa nakahilatang si Miles.

"Hmpk! Ayaw!" nag pout nanaman siya habang pinapadyak padyak ang paa. Arghhh ang kapal nang labi niya at ang pula pula pa!

"Ano ba kailangan mo ha!?" naiirita kong sabi saka ko siya binitawan.

"Gawa nga tayo nang portfolio!" aniya saka nag indian sit sa kama ko.

"Bat di ka gumawa sainyo!?" sigaw ko.

"Uhmp. Tinataboy mo na ba ako?" he pouted and gave me a sad facial expression.

"OO! ALIS!" Sigaw ko sakanya.

Lalong bumagsak ang ekspresyon nang mukha niya. Mistulang nalaglag ang labi nito at yumuko habang palabas nang kwarto.

Ihhh ano ba yannn!! Bat bigla akong naawa sakanya!? Nangagayuma ba siya!?

Bago pa siya makaalis ay tumakbo ako at hinarangan ang dadaanan niya.

"Ok fine. But in one condition." sabi ko habang naka pameywang.

Bigla nalamang umaliwalas ang mukha niya at nagkaroon nang malawak na ngisi saka tumango tango kaya ipinag patuloy ko na ang sasabihin ko.

"Wag masyadong maingay." i smiled.

Nag thumbs up siya at lalong ngumiti. "Okie!" at agad na siyang pumasok sa kwarto ko. Nauna pa sakin ang mokong.

Ilang minuto din kaming gumagawa nang proyekta nang tahimik.

Nabasag ang katahimikan nang nag tanong siya nang mahina lang naman.

"Hmm, you like pink pala no?" aniya with his husky voice.

I smiled. "Ahm yes hihi, favorite ko kasi yun e, ikaw?" tanong ko.

Hindi narin naman siguro masama kung kakaibiganin ko siya. Besides he's my kuya's friend and he looks like a nice guy.

"Blue?" maiksi niyang sagot habang patuloy sa pag kulay nang kanyang portfolio. Nakadapa siya ngayon saking kama habang ang paa niya ay kanyang winawagayway sa ere.

Halata naman siguro dahil sa mga gamit niya at sa ginagawa niyang proyekto ngayon. Mula sa mukhang mamahalin niyang bag na Herschel Supply Co. Heritage Classic Bag Pack na navy blue at sa ginagawa niyang English portfolio na ang design ay galaxy that consist of mostly blue color.

Bigla nalamang niyang itinaas ang ulo niya habang nakangisi at ipinakita saakin ang finish product nang kanyang portfolio. "Done!" maligaya niyang sabi.

Napakaganda nang portfolio niya. Hand made pero yung combination nang colors ay kakaiba. Pang expert ang datingan. Artistic naman pala siya eh.

"Uy wow!! Pwede kang artist!" pag pupuri ko sakanya.

Nag pout nanaman ito atsaka naman nag indian sit sa harap ko.

Lagi siyang nag papout! Pwera lang maganda ang labi niya! Tss.

"Patingin nang iyo!" aniya at agad hinablot ang kanina pang tapos na portfolio ko.

Nakakahiyaaa!

"Oh bat baboy?" nakakunot na noo niyang sabmit.

"Wala lang, pink e." sabi ko at nag kibit balikat.

Tumango tango siya.

"It looks cute." aniya.

-----

"3pm sharp! You know the drill. Pag iniwan kita, pahatid ka nalang kay Miles." sabi nanaman ni kuya.

Tss! Why can't he wait!!? At kay Miles pa talaga ha!? Tss! Anyways, komportable narin naman akong kasama si Miles.

Sa isang linggo na nakalipas kasi, siya lagi ang nakakasama ko.

Inirapan ko siya at sinumulan nang hatakin ang pag akyat sa hagdan. Bakit ba kasi napadpad ako sa 4th floor huhu!

Nang makarating na ako sa taas ay nagsimula narin akong mag lakad sa kahabaan nang corridor. Nasa dulo pa yung class room. Arghh!!

Sa kasagsagan nang pag lalakad ko ay may bigla nalamang umakbay sakin.

Kumunot ang noo ko nang tignan ang mabangong nilalang na ito na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa dinadaanan. Naka bulsa pa ang kanyang isang kamay.

Kasabay nang pag tingin ko sakanya ay siya ring pag pansin ko sa mga babaeng naka kalat sa daan.

They we're all staring heavily at me! Siguro dahil yun kay Miles.

Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin. "Don't be too clingy! Baka lalo pa kong mabully sayo!"

Tumingin siya saakin at ngayon ay dalawang kamay na niya ang nakapamulsa. Nakangisi siya pero parang naka pout parin. Ewan perooo super nacu-cutean ako sa mga labi niya. Atsaka sakanya narin.

"Hmp." aniya.

Napatawa nalamang ako sakanya at ganun din siya. Sakto nakarating na kami sa room.

Pagkapasok palang namin ay nasaamin na ang tingin nang lahat. Never in my life na pinag titignan ako. Gosh!!

Yumuko ako at agad nang umupo sa pwesto ko. Ganun din si Miles.

Ilang saglit dumating narin ang teacher namin. May tatlong maganda, matangkad, maputi at mukhang mayayaman na babae pa itong kasama na naka school uniform. Hays, kaiinggit! Sana all ganyan kagaganda. College palang kami pero mukha nakong gurang huhu.

"Okay class, good morning!" bati nang mabait naming guro.

"Goodmorning mam!" bati rin namin.

"So class, may mga bago tayong kaklase. Please introduce yourselves." ani ni mam atsaka umatras para pumunta sa harap ang tatlong babae.

"Hi! My name is Quinn Del Mundo."

"Good Morning! I am Chel Garcia."

"And i am Kim Carter."

                             *******

------

Author's Note

So ayunnnnn! Sa mga nakabasa na nang Unwanted Wish, for sure kilala niyo na sila ehe. Skl.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro