Sweet Fifth Chapter
Sweet Fifth Chapter
Miracle
Halos lahat kami ay literal na napanganga sa ganda ng tatlo. Yung isa sakanila mukhang amerikana, yung isa naman gandang filipina samantalang yung isa ay parang korean pa ang ganda.
Pansin kong ang mga kaklase ko ay nakanganga lang ding nakatitig sa tatlo. Pwera lang pala kay Miles na nag dadrawing lang.
"Okay, you may now sit." ani ng guro.
Tumango tango ang tatlo at nagsimula nang maglakad. Sakto ay may tatlong bakanteng upuan sa likuran ko.
Habang nag lalakad sila papunta sa likod ay hindi ko maiwasang mapatitig sakanila. Napakaganda nila! Yung Quinn naman, napatingin pa saakin at nginitian ako. Mukha silang mababait.
Yung mga kaklase ko pang nakaupo sa harapan ay otimatikong pumalipit ang ulo sa kakatitig sa tatlo.
Napayuko nalamang ako.
Ano kaya yung pakiramdam na tinititigan ka hindi dahil sa may kasama kang gwapo?
Yung tinititigan ka dahil sa ganda mo, at halos lahat ay tutulo na ang laway kakatitig sayo.
Hays! Yan ang every day struggles nang pagiging pangit. Oh well! We have to be greatful sa buhay. Masaya ako kung ano at sino ako ngayon. Period.
Natigil nalamang ang pagmumunimuni ko nang bigla nalang pinag pipindot ni Miles ang pisngi ko.
"Uyy pangit." aniya pa.
Tinitigan ko siya nang matalim. "Ano bata?" i asked.
Ngumisi siya at ipinakita ang papel na kanina pa niya dinadrawingan.
Napanganga nalamang ako. Isang napaka gandang obra!
Drinawing niya ako sa iisang lapis lang, at sobrang bilis pa niyang mag drawing!! Pwede talagang artist to.
"Wowww!! Kaano ano mo si Leonardo Da Vinci?"
"Wala noh! Diko yun kamukha! Pangit yun! gwapo ako." taas noo niyang sabmit.
Tumango tango nalang ako na kunwari ay naniwala sa sinabi niya saka ko hinablot yung papel.
"I'll keep this! Hehe." i smiled.
----
"Hoy panget! Sabay kana sakin mamaya ah? Hatid kita pauwi! May practice lang kami!" ani ni Miles habang bitbit bitbit ang kaniyang bag sa isang balikat.
Loko din tong si Miles eh, mukhang walang talent pero talented pala ang mokong. Biruin mo yun? Marunong siyang mag drawing, matalino, magaling sumayaw at mahusay pang mag kanta. Kaso attitude wise, nganga. Biruin mo ba naman? Yung babaeng nag confess sakanya at binigyan siya nang roses nung isang araw, ehh, ayun. Tinapon niya yung roses sa basurahan, sa harap pa mismo nung babae. Nakakaawa tuloy yung babae. Umiyak saka kumaripas nang takbo.
Tumango tango ako sakanya atsaka siya nag karipas nang takbo palabas.
Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko hanggang sa naramdaman ko ang pag 'argrhrgrrh' ng tiyan ko.
Argh! Recess na pala, gutom na ako pero nakakatakot mag recess ng hindi kasama si Miles. Walang mag tatanggol saakin sa mga bullies.
Napabuntong hininga nalamang ako at nag salukbaba habang naka busangot nang pumunta ang tatlong magagandang babae sa harap ko at pinalibutan ako.
"Uy hello! Ako nga pala si Quinn, eto si Kim at eto naman si Chel." pag papakilala nila atsaka pa ako inabutan nang kamay para makipag shake hands.
Nag alinlangan pa akong kamayan sila dahil, alam niyo na. Baka mavirus sila at mahawa nang kapangitan ko. Pero ayun, kinamayan ko sila.
Ngumisi sila. "Tara recess tayo, wag kang mag isa okii?" aya saakin nang babaeng mukhang Amerikana. Si Kim.
Nag aalinlangan pa ako dahil baka isa lang sila sa mga nag kukunwaring mabait tapos ibubully lang din pala ako. Pero ayun, sumama narin ako dahil gutom na gutom na gutom na ako.
Habang nag lalakad kami sa kahabaan nang corridor ay andami nilang ikinukwento saakin. Mukha ngang sincere talaga sila sa pag aya sakin kaya gumaan na ang loob ko sakanila.
Habang nag lalakad, kapansin pansin na pinag titignan kami nang mga taong nasa paligid. Well, i mean, sila lang pala.
"Uyy? You okay?" tanong ni Chel.
"Ah? Ahmm, oo naman! Hehe." i lied.
I'm not okay, sa totoo lang ay naiinsecure ako sakanila. Sila kasi magaganda. Samantalang ako, ugh! never mind.
"Uhmm, dika marunong mag sinungaling no?" ani ni Quinn. "Halata sa mata mo na hindi ka okay." dag dag pa niya atsaka kami natigil sa pag lalakad.
Yumuko nalang ako at pinilit na ngumiti.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglapit nang tatlo saakin. They hugged me.
Sobrang gumaan ang loob ko sa yakap nila. Sobrang saya nang naramdaman ko. Pakiramdam ko ngayon, hindi na ako nag iisa. Pakiramdam ko ngayon, may kaibigan na ako.
Napangisi ako sakanila saka kami nag tawanan. Napaiyak pa ako nang bahagya, siguro tears of joy?
Nang makapunta na kami sa room sa tabi nang hagdan ay may narinig kaming parang nag aaway.
Nanlaki ang mga mata ko dahil isang lalake vs isang babae ang mainit na nag aaway.
"You jerk!!! You Killed Me!!" sigaw ng babae habang tinuturoturo ang lalaki.
Ang lalaki naman parang hindi makapaniwala at mistulang natatawa nalamang.
Nagkatinginan pa kami nila Quinn habang naka kunot ang noo dahil sa sinabi nang sumigaw na babae.
Nag adyang sasabunutan na nang babae ang lalaki ngunit pinigilan ito nung iba pang mga nandoon kaya ang babae ay tumakbo nalamang palabas. Bago tuluyang maka labas ay lumingon siyang muli sa lalake.
"YOU JERK! ANG PANGIT PANGIT MO MUKHA KANG UNGGOY!" sigaw ng babae habang humahagulgol sa iyak atsaka na ito tuluyang bumababa sa hagdan.
"Tara sundan natin, she needs us." ani ni Quinn kaya dali dali kaming tumakbo at sinundan ang babae.
Nadatnan nalamang namin siyang umiiyak habang naka sandal sa isang puno sa tabi nang malawak na field.
Agad namin siyang nilapitan.
"Uhm, hello-" naudlot na sabi ni Kim sa babae.
"What!!!?" naiiritang sigaw nang babae habang pinupunasan ang kanyang luha.
"W-we just wanted to help." ani Chel.
"I don't need it! Mind your own business!" giit nang babae saka kami inirapan.
Nilapitan naman siya ni Quinn. Ako naman nakatayo lang dito habang kinakagat ang kuko.
"Come on, what's the problem? We're here to help you." malumanay na sabmit ni Quinn.
Ewan pero sa mga salita niya eh mistulan kang mapapa sunod sakanya.
Kaya ayun, yung babae. Niyakap niya si Quinn habang humahagulgol sa pag iyak.
"HUHUHU! HE KILLED ME!" sumisigaw na iyak nang babae.
Si Kim at Chel naman ay lumapit na rin at niyakap narin ang babae. Naka group hug sila ngayon.
Habang ako ay nakatayo parin dito at pumapalakpak.
"Uyy halika rito!" kunot noong sabi ni Kim atsaka siya tumawa.
Tumango tango ako atsaka narin nakipag group hug.
Ilang segundo lang din ang yakap nang kumalas kami.
"What's your name?" nakangiting tanong ni Quinn.
Pinunasan nang babae ang natira niyang luha bago mag salita.
"Nikee Beatrice Cortez."
----
Author's Note
Nikee Beatrice cortez from the story 'He Killed Me' ehe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro