Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I.

"They say pain is inevitable, but sometimes people trick themselves to escape pain."


She's always called a fashionista whenever she flaunts her new designer dresses.

As her expensive high heels clicked as it hit the floor, everyone tilts their heads towards her; stares at her with awe when she smiles, admiring her godly beauty.

But they will always question her—why did you choose this kind of work?

"NAKO, manang! Ang lala na po ng mga pasa n'yo, kung hindi po kami dumating ay baka tinuluyan na kayo ng mister n'yo, " sabi ng isang babaeng may suot na spaghetti strap at shorts sa umiiyak na ginang.

Makikitang puno ng dugo at pasa ang mukha ng biktima habang sila ay nasa isang police station.

"Andie, pakikuha nga ang first aid kit sa isa kong handbag, gagamutin ko lang si manang," tawag niya sa kan'yang assistant.

Agad na inabot sakan'ya ng assistant ang bag at mabilis niya itong binuksan.

Sa suot ng babae, aakalain ng karamihan na isa itong modelo, ngunit ang totoo, ito ay isang social worker lamang na tutok na tutok sa mga kasong ukol sa karahasan.

"Huwag po kayong masiyadong gumalaw manang, ah? Para malinisan natin ang sugat n'yo. " malumanay na aniya sa ginang habang nilalagyan ng alcohol ang bulak at nililinis ang sugat nito.

Puno ng panlulumo ang kaniyang mukha habang tinitingnan ang kawawang ginang. Last month pa simula noong may nagsumbong sa kanilang tanggapan. Mayroon daw biktima ng pambubugbog sa Barangay Malaya. Ilang beses na rin niyang kinakausap ang ginang upang tuluyan nang kasuhan ang asawa at isama na lang ang dalawang anak nito sa bahay pag-asa ng kanilang tanggapan, ngunit palagi itong umaayaw.

"Pakawalan na natin ang asawa ko, Miss. Pakiusap, mahal ko siya! Kailangan ng tatay ng mga anak ko." pakiusap ng ginang at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay.

Tiningnan niya ang ginang sa mga mata habang nililinis ang sugat nito. "Manang, mahal n'yo po siya, oo. Pero siya? Hindi po tunay na pagmamahal ang pananakit, dahil ang pag-ibig ay hindi sapat sa salita pero sa gawa. Hahayaan n'yo po bang lumaki ang mga anak n'yong nakikita ang karahasan? O dumating sa puntong hindi na lang kayo ang sasaktan niya pero pati mga anak n'yo na rin? " sa bawat salita na sinasambit niya, ramdam niya ang paghapdi ng kaniyang mga mata.

Ipinahid niya ang braso sa kanyang mga mata at ngumiti sa umiiyak na ginang. "Habang hindi pa po huli ang lahat, palayain n'yo na po ang sarili n'yo," aniya habang ipinapasok ang bulak at alcohol sa kaniyang bag sabay tiningnan ang ginang.

"Kaya n'yo pa pong bumangon, kakayanin n'yo pong bumangon.", huling tugod niya bago niyakap ang humihikbing biktima.

At sa puntong iyon, alam niyang nakabuo na ito ng desisyon . . . desisyong hindi nito pagsisihan.

I'm bringin' sexy back (yeah)
Them other boys don't know how to act (yeah)
I think it's special, what's behind your back (yeah)
So turn around and I'll pick up the slack (yeah)
Dirty babe
You see these shackles, baby
I'm your slave
I'll let you whip me if I misbehave
It's just that no one makes me feel this way
Come here, girl (go 'head, be gone with it)
Come to the back (go 'head, be gone with it)

Umaalingawngaw ang tunog ng kanta sa buong bar. Ang mga tao'y makikitang umiindayog sa musika kasabay ng mga nagsasayawang neon lights. Sa isang sulok ng silid, mapapansin mong may dalawang pigurang mainit na naghahalikan sa kanilang table, tila walang pakialam sa paligid.

"Hmmm..ano ba.. Clyde!" mahinang itinulak nito ang nobyo at humagikhik.

Himas-himas pa rin nito ang maputi niyang binti; dahan-dahang umaakyat ang mga kamay sa ilalim ng pulang dress.

"Pagod ako, andami kong natulungan kanina eh, time freeze muna." aniya sa kaniyang nobyo na biglang sumama ang mukha sa narinig.

"Sabi ko naman sa'yo, stop what you're doing! Wala kang makukuhang matino sa tulong-tulong na iyan! You should just accept those modelling offers." mataas na boses na sagot ng nobyo habang sumimsim ng champagne mula sa baso sa table at nakadekwatro.

"Wala ka nang masyadong oras sa akin dahil sa p*tanginang trabaho mong 'yan! " muling singhal nito at malakas na inilapag ang baso sa mesa.

Kumunot ang magandang mukha ng babae sa kaniyang narinig.

"Clyde naman! Napag-usapan na natin ito! Alam mo naman kung bakit ko 'to ginagawa. Can you just be happy for me? Please?"

Niyakap niya ang nobyo, pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.

Isang malamig na tugon ang natanggap ng dalaga sa gitna ng yakap.

"You're just wasting your life, your money and your effort, Zia.”

Tinulak niya ang nobyo dahil sa narinig.
Kinuha ang kanyang pulang handbag, at tumayo.

"I think, I had enough tonight. Kung hindi mo pa rin ako maiintindihan, iwan mo na lang ako kagaya nang ginawa nila.”

Umalis siya. Hindi lumingon pabalik. Hindi na napigilan ang mga luha.

"You'll regret this, Zia. I helped you. I deciphered your pain and saved you. "

Narinig niya pang sabi ng kaniyang nobyo bago siya umalis sa harap nito.

'Hinding-hindi mo ako maiintindihan, Clyde. Dahil ang kwento ng mga tinutulungan ko ay naging kwento ko rin.'

Ilang taon na ba ang nakalipas? Matagal-tagal na siyang nakalaya sa tanikala ng hirap mula sa kaniyang nakaraan. Subalit, hindi pa rin siya nakakalaya sa mga mapapait na memorya, bumabalik pa rin ang mga ito; ang tanging nagpapasaya sa kaniya ay ang pagtulong sa mga gaya niya.

Isang linggo na niyang hindi nakikita ang liwanag, marahil ay hindi niya maibuka ang kaniyang mga mata o sadyang madilim ang kaniyang piitan. Wala na siyang lakas upang igalaw ang kaniyang mga kamay at paa; isang araw na kasi siyang hindi nakakain. Sobrang sakit na rin ng kaniyang mga sugat, puno parin ito ng dugo; ang mga maghihilom na sana'y lumalaki pa. Pagod na pagod na siya, gusto na lamang niyang mamatay ngunit kahit ang Diyos ay tila iniwan na rin siya.

Simula noong mamatay ang kaniyang ina at naiwan sa lasengo niyang ama at adik na kapatid; nagkanda-letse letse na ang kaniyang buhay. Walang araw na hindi siya ginugutom ng mga ito, walang araw na hindi siya nakakaranas ng pang aalipusta...

"Huwag! Tama na! Ang sakit na po papa!"

Hindi niya napigilang isigaw 'yon nang paulit-ulit at umiyak kahit na inaalala na lamang niya ang mga pangyayari.

Sa bawat hagupit ng latigo at bigat ng bugbog, sa bawat sugat na bubukas at dugong aagos; ramdam na ramdam niya ang lahat.

"Aahh! Ahhh!"

Pilit niya mang hindi alalahanin ay naaalala niya; sinabunutan niya ang kaniyang anit hanggang sa ito'y dumugo.

Sigaw siya nang sigaw ng, "Tulong! Tulong!" ngunit walang nakakarinig. Tanging tawa lang nilang nangingibabaw at ang napipiyok niyang tinig.

Nang nakarinig ng yabag ng mga paa na palapit sa kanyang piitan, nanginig siya sa takot at muli na namang nagsisigaw.

"Hoy! Ano ba! Ang ingay mong puta ka!" boses iyon ng kanyang kapatid na lalaki.

Hindi niya mapigilang humikbi. Gusto niya nang makatakas sa mala-impyernong piitan.

Kapag naririto ang kaniyang kapatid, isa lang ang ibig sabihin nito. Gagawin na naman nito ang palagi nitong ginagawa.

"Bakit ba ang ingay mo? Miss mo nang ma-good job, dep*ta ka 'no? Halika rito."

Hinawakan nito nang mahigpit ang kaniyang buhok at hinila, pinipilit niyang makawala ngunit wala na siyang lakas. Tanging sigaw at pagmamakaawa lang ang kaya niyang gawin.

"Kuya, huwag po! Huwag po! " aniya, ngunit hindi siya nito pinakinggan.

Patuloy nitong ginagawa ang pambababoy sa kaniya.

Pagod na pagod na siya. Gusto na niyang mamatay.

Nawawalan na siya ng pag-asa hanggang sa . . . isang araw, nagising na lang siyang karga-karga ng isang lalaki at namalayang wala na siya sa bahay nila.

Si Clyde.

"Tinuruan mo ako, Clyde. Tinuruan mo ako na kailangang iligtas ang mga taong kagaya ko; pero bakit galit ka sa tuwing tumutulong ako?" bulong niya sa hangin habang patuloy na pumapatak ang kaniyang luha.

"Andie, asan ang cake at ang cater na inorder natin? Malapit nang mag-alas dose gutom na sila," tawag niya sa kaniyang assistant habang inaayos niya ang mga mumunting supot ng regalo sa may pahabang mesa. Siya rin ang nag-asikaso at nag-ayos ng mga dekorasyon sa may dining room sa tulong na rin ng kaniyang mga benepisyaryo.

Anniversary ngayon ng kaniyang bahay pag-asa kaya naman ay naghanda siya ng mumunting salo-salo para sa kaniyang mga tinulungan. Masaya na siyang nakikita silang masaya; sa paraan na iyon ay nalilimutan niya ang bangungot ng kan'yang nakaraan.

'Pero sana ganoon ka rin, Clyde.'

"Opo, Ma'am nasa dining room na raw po ang mga pagkain at naroroon na ang mga benepisyaryo n'yo, Ma'am. Kayo na lang po ang hinihintay," ani Andie at tumango siya rito.

Kinuha niya ang kaniyang hand bag. "Magre-retouch muna ako, Andie. Nakakahiya naman kung haggard akong magpapakita sa kanila. Mauna ka na muna, susunod na lang ako, " nakangiting tugon niya at nagtungo papuntang cr.

Malaki ang Bahay Pag-asa. Swerte lamang na nabili niya ito sa murang presyo dahil lumang bahay naman ito noon at pagmamay-ari na ng gobyerno.

Nang makarating siya sa CR ay agad siyang pumasok sa cubicle. Sa totoo, naiihi na rin siya at kanina niya pa ito tinitiis dahil ayaw niyang itigil muna ang ginagawa niyang paghahanda para sa mumunting salo-salo.

"Siguradong sasaya sila nito, " aniya habang pakanta-kanta pa habang umuupo sa inidoro.

Bigla siyang natigilan ang kaniyang pagmuni-muni nang makarinig ng kalabog sa labas. Agad siyang napatayo at mabilis na itinaas ang kaniyang pambabang damit. Nanginginig man ang mga kamay, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng cubicle.

Agad na bumungad sa kaniya ang salamin na puno ng dugo. Napaatras siya sa gulat nang makita kung ano ang nakasulat dito. "Maraming mamamatay, kung hindi ka titigil!"

Dali-dali niyang kinuha ang bag niya na nakapatong sa lababo at mabilis na pinihit ang door knob ngunit laking gulat niya na lamang nang makita ang nobyong si Clyde na may hila-hilang mga patay. Tila napunta siya sa ibang lugar. Ang kanina'y maayos na bahay pag asa ay napuno ng mga dugo dulot ng mga patay na tao. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata kung paano hinihila ni Clyde ang mga ito papunta sa basement.

"Clyde! Jusko anong ginagawa mo?!" sigaw niya rito dahilan para makuha niya ang atensyon ng lalaki. Tumingin ito sa kaniya at ngumisi.

Binitiwan ng binata ang isang batang hawak-hawak niya at tumayo nang matuwid. Nabitiwan na lang ni Zia ang bag niya dahil sa labis na panginginig at takot. Tila ba bumabalik na naman ang mga masasamang alaala ng kaniyang nakaraan. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya, parang gusto niya na lang ulit pumikit at baka sakaling nakatulog lang siyang saglit sa cubicle, umaasang pagbukas ng mga mata niya'y ayos na ulit ang lahat. Ginawa ito ng dalaga ngunit walang nagbago, walang nangyari.

"Hi Zia, nabasa mo ba iyong sinulat ko sa salamin?" nang-aasar nitong tanong sabay lakad ng dahan-dahan patungo sa kaniya.

"Gago! Siraulo! Wala kang puso! Bakit mo ginagawa 'to?" galit na galit na sabi ni Zia ngunit tanging ngisi lang ang natanggap niya sa nobyo.

"Sinabihan na kita 'di ba? Makulit ka at ayaw mong makinig kaya ito ang nangyari! Hindi tayo aabot dito kung sumunod ka lang sa akin! Kaya huwag mo akong sisisihin dahil kasalanan mo rin ito," sigaw nito nang isang metro na lang ang layo nila sa isa't isa.

"T*ngina. Bakit ba nagkakaganiyan ka? Ikaw ang nagligtas sa akin sa ganitong sitwasyon! Ni minsan hindi ko naisip na gagawin mo rin ito!" napaluha na lang si Zia at napaluhod.

Tinakip niya sa mukha niya ang dalawang palad upang pigilan ang paghikbi. "Hindi mo pa kasi ako kilala Zia, pasensiya," bulong ni Clyde.

Naramdaman niya na lang ang paghawak nito sa buhok niya nang mahigpit at bigla siya nitong kinaladkad. Nagpupumiglas si Zia ngunit wala siyang nagawa. Dahil may mga bubog sa sahig, gawa ng mga basag na salamin; nagkasugat-sugat siya. Sinubukan niyang humawak sa mga bangkay upang hindi rin siya makuha ng binata ngunit wala pa rin siyang nagawa. Patuloy ito sa pagkaladkad sa kaniya hanggang sa makarating sila sa basement.

Malakas nitong tinulak siya sa loob. Napadapa na lang siya habang umiiyak. Humihiling sa nasa taas na gisingin na siya sa panaginip na ito. Nang iangat niya ang kaniyang ulo ay nakita niya ang maraming mga patay. Dahil doon ay mabilis siyang napabangon. Ngunit isang bagay ang kumuha ng atensyon niya, ang higaan kung saan siya natutulog noon. Muling bumalik ang mga alaala niya. Nakatitig lang siya sa isang maliit na kama kung saan siyang sinasaktan at ginagahasa ng kaniyang ama't kapatid. Muli niya na namang nasilayan ang mga bagay ng mapait niyang nakaraan. Napayuko na lang siya dahil sa labis na sakit na nararamdaman.

"Bakit m-mo ginagawa sa akin ito . . ." nanghihina niyang sabi kay Clyde habang nakayuko at lumuluha pa rin.

"Dahil gusto kong malaman mo na hindi ang bagay na mahal mo sa'yo na hanggang dulo. Kung hindi ko ba sila pinatay magkakaroon ka ba ng oras para sa'kin? Hindi 'di ba? Putang ina! Kung hindi ko ba sila pinatay magpapabulag ka pa rin sa katotohanan? Tangina hindi! Ginagawa ko 'to para sa'yo rin. Para magising ka na sa kahibangan mo, tangina!" sigaw ng binata sabay balibag ng isang bangkay papunta sa kama dahilan para mapatakip si Zia sa kaniyang tainga.

"Tama na . . . tama na please. H-hindi mo 'ko n-naiintindihan." Iyon na lang ang nasabi ng dalaga habang umiiyak. Hindi niya matanggap na mas masahol pa pala ang nobyo niya kaysa sa sarili niyang pamilya.

Tumawa nang parang hibang si Clyde. "Hinding-hindi talaga kita maiintindihan, pero napansin mo ba ang itsura nitong basement? May naalala ka ba? " sa sinabi ng nobyo ay agad napagtanto ng dalaga ang hitsura ng basement, ang basement kung saan siya kinulong noon.

Hindi mapigilang humikbi nang humikbi ng dilag habang nililibot ang tingin sa basement at habang nakikita niya ang karumal-dumal na nangyari sa mga bangkay ay isa-isang bumalik sa isip niya ang hitsura ng kaniyang ama at ng kaniyang kuya na katulad na katulad sa lagay ng mga biktima.

Ang kaniyang ama na wakwak ang sikmura at dukot ang dalawang mga mata at ang kaniyang kuya na puno ng saksak at yuping-yupi ang ulo.

Lumaki ang kaniyang mata at napatingin sa ngumingising nobyo. "Oo, Zia. Pinatay ko rin sila para iligtas ka, dapat magpasalamat ka sa akin, 'di ba gusto mong makalaya? Eto ako! Tumupad sa kahilingan mo, bakit hindi ka pa rin nakokontento sa akin? Simula noon ikaw at ako lang si Zia, at hanggang ngayon nararapat na tayo lang! Walang hadlang! " lumapit palapit ang nobyo sa direksyon ni Zia habang may hawak-hawak itong madugong patalim.

Yumukod ito at masuyong hinaplos ang pisngi ng dalaga at mapusok na hinalikan ang labi. "Ikaw at ako lang, Zia. "

Nanginginig na tinulak ni Zia palayo ang nobyo.

"P-Palayain mo na ako, Clyde! Hindi mo ako mahal! Hindi nagagawa ng pag-ibig ang kasamaan! " sinubukang tumayo ng dalaga ngunit agad na nahila ni Clyde ang kaniyang paa kaya bumagsak siya sa sahig.

"Palayain, Zia? Hinding-hindi ka magiging malaya! " Itinutok ng nobyo ang kutsilyong hawak nito sa dalaga at agad na umatras ang dalaga hanggang sa maramdaman ni Zia na tumama ang kaniyang likod sa isang salamin.

"H-Huwag Clyde! Please! Itigil na natin ito!" pagmamakaawa ng dalaga ngunit isang malamig na ngiti lamang ang ibinigay ng nobyo.

"Isang paraan lang ang mayroon para tumigil na ito, Zia. Kung walang makakakuha sa iyo, nararapat na maging akin ka hanggang sa kamatayan! " pagkatapos nitong bitiwan ang mga kataga ay umamba ito para saksakin ang dalaga.

Nahawakan naman ng dalaga ang dulo ng kutsilyo upang pigilan ang saksak ng nobyo. Nagdurugo na ang kaniyang mga kamay. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapipigil ang nakaambang saksak na ngayo'y malapit na sa kaniyang leeg. Malakas si Clyde, hindi niya alam kung makakalaban pa siya.

Malakas siyang itinulak ng nobyo hanggang sa tumama ang ulo niya sa sahig at napahiga, nakadagan ang nobyo niya sa kaniya habang pigil niya pa rin ang saksak nito. Nakaharap sila sa salamin at hindi matapos-tapos ang iyak ni Zia.

"C-Clyde, hindi ikaw ito. Please, tama na," hinang-hina niyang wika.

Tiningnan ng nobyo ang salamin at tumawa ito. "Ako ito, Zia. Pero ikaw, nakakasiguro ka bang ikaw ay ikaw?" Sa sinabi ng nobyo ay napatingin siya sa sarili sa salamin.

Suot-suot ang kaniyang pulang bestida at pulang lipstick, puno ng sugat at dugo ang kaniyang mukha at tila mas pinapula ng dugo ang kaniyang suot. Puno rin ng mga gasgas ang kaniyang laman at mga kalmot. Sa nakita ay nanlaki ang kaniyang mata at naramdaman niya ang pagsakit ng kaniyang ulo at ang kagustuhang sumuka.

Hubad-hubad at nanginginig siya habang tiis-tiis ang sakit at pag-agos ng dugo sa kaniyang mga luma at bagong sugat. Habang siya ay nahihirapan ay nakangisi naman ang kaniyang kuya na walang pang-itaas na saplot at ngayo'y isinusuot ang pantalon. Ang kaniyang ama nama'y umiinom sa may sulok at mukha'y waging-wagi habang ikinikwenta ang natanggap na pera sa nanood na mga kano sa kababuyang ginawa sa kaniya ng kaniyang kuya.

Halos sasabog na sa galit si Zia. Hinding-hindi na niya masikmura ang mga ginagawa nito sa kaniya. Bukod sa pagod at sakit, tanging galit at hinanakit na lamang ang alam na emosyon ng kaniyang katawan. Hindi niya napigilang malakas na sumigaw habang nanginginig ang kaniyang katawan.

"Hoy bakit ang ingay mo? Kulang pa ba? " natatawang wika ng kaniyang kuya.

Hindi maipaliwanag ni Zia kung paano siya binigyan ng lakas upang tumayo. Hindi niya alam ang kaniyang ginagawa. Hindi niya makontrol ang sarili, kinuha ang tungkod ng ama at ginamit itong panaksak dito. Sinubukan ng mga ito na pigilan siya, nasaksak siya ng kaniyang kuya noon. Ngunit nagamit niya ang kutsilyo upang ilang ulit na saksakin ito, at walang tigil na hinampas ang ulo sa semento hanggang sa lumabas ang utak nito.

Hindi pa siya nakontento na patay na ang mga ito at nagawa niya pang dukutin ang mata ng ama at wakwakin ang sikmura nito. Ang lamang-loob at mata ng ama ay isinuksok niya sa bibig ng kaniyang kuya.

"Hinding-hindi niyo na masasaktan si Zia. "

"H-Hindi! Hindi ko sila pinatay! Ikaw ang pumatay sa kanila, Clyde! D-Diba sabi mo na ikaw ang pumatay! " hindi makapaniwalang sabi ni Zia at ngumisi lang ang nobyo.

Hinakawan ng nobyo ang pisngi ni Zia at pinahid ang luha nito. "H-Hindi! H-Hindi! "

"Hindi ako ang pumatay, Zia. Tumingin ka sa salamin, ikaw! Ikaw ang gumawa! " Tumawa nang malakas ang nobyo at nanginginig na napatingin si Zia sa salamin.

Nakita niya ang sarili na pigil ang kutsilyo mag-isa. Walang Clyde sa salamin at tanging siya lamang ang naroon. "H-Hindi! Asan ka, Clyde? Clyde? " tawag niya sa kaniyang nobyo at luminga-linga sa paligid at tanging nakita niya lang ay ang mga bangkay na nakatitig sa kaniya.

Unti-unting bumalik sa kaniyang isipan ang lahat ang nangyari... Kung paano niya ihampas sa salamin ng cubicle si Andie hanggang sa dumugo at mabasag ang salamin, kung paano siyang tuwang-tuwa habang isinusulat ang mga salita sa salamin. Kung paano niya saksakin at paghahampasin ang mga ulo ng mga taong naroon at kung paano niya mag-isang kinaladkad ang sarili.

Hindi makapaniwala si Zia at umiling-iling. "H-Hindi! H-Hindi!" nabitawan niya ang hawak na kutsilyo at napasabunot sa sariling ulo.

"Totoo ang lahat, Zia. Ako at ikaw ay iisa. Ako ay naging ako dahil sa kagustuhan ng puso mo at iyon ay... pumatay. " rinig niyang bulong ng boses ni Clyde sa kaniyang tainga, naroon na ito ngayon sa kaniyang likuran habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg ni Zia.

"H-Hindi! Hindi! Hindi ko magagawa iyon! " sumigaw nang sumigaw si Zia at hindi napigilang matawa. "Nanaginip lang ako, nanaginip lang ako, " humalakhak na ang dilag at umiling-iling.

"Isa lang ang paraan upang lumaya ka, Zia, " wika ng boses sa kaniyang isipan at nakita niya ang sariling nakangisi sa salamin habang nakatutok ang kutsilyo sa sariling leeg.

"Matagal mo nang gustong lumaya, hindi 'ba?" bulong muli ng kaniyang isipan. Madiin lamang na napatingin si Zia sa kaniyang repleksiyon.

Ngumiti siya ng matamis at dahan-dahang ginilitan ang sariling leeg. Sumirit ang saganang dugo sa kaniyang leeg at hindi mapigilang humahalakhak habang nakikita sa salamin ang pagkawala ng sariling dugo at maramdaman ang sakit.

Tumawa siya nang tumawa hanggang sa makita niya ang sariling unti-unting nalalagutan ng hininga.

ᴡ ᴀ ᴋ ᴀ s

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro