Chapter 9
SINUNDO sila ng pinsan ni Text sa airport. She was not familiar with the place pero nabasa niyang nasa Dumaguete City na sila. Sabi ni Text kanina mula Dumaguete babyahe sila ng mahigit dalawang oras para makarating sa Gihulngan City.
Sa ngayon sakay sila ng isang lumang mini-jeep at nai-stress ang bangs ni Danah sa makalumang andar ng sinasakyan nila. Para bang lagi na lang may humps ang daan na ewan. Ang bilis pa nitong magmaneho..
Panay na ang simangot niya.
Nasa likod sila ni Text at panay pa ang hawak niya sa buhok dahil nililipad ng bongga ang buhok niya ng hangin
Mukhang napansin naman 'yon ni Text dahil pasimple niya itong nakikitang ngumingiti na parang natutuwa pa sa kamiserablehan niya.
"Pinsan, hinay-hinay naman at baka makunan 'tong asawa ko." Basag ni Text bigla.
Marahas na tinignan niya ito. Text just shrugged and laughed.
"Ay mao ba? Sorry wala man gud ka nag-ingon 'coz!" Salita ng pinsan nito sa bisaya na hindi niya maintindihan. May hinila pa siyang pinagkakatuwaan pa siya ng pinsan ni Text. "Beliba nako nimo coz oy naka liwat man dayon kang boanga ka!"
"Saba diha oy! Pag-drive na diha."
Natawa lang ang pinsan nito.
"Alam mo, kung may balak kang siraan ako sa harap ng pinsan mo pwede mo namang sabihin in tagalog para naman ma appreciate ko ng bongga." Inis na sabi niya.
"'Di kita sinisiraan. Nag-joke lang ako, 'to naman 'di na mabiro."
"Coz, mukhang selosa pala 'yang bebs mo eh. Hindi ko din siya masisi coz. Tunay na pinagpala ka naman talaga ng langit. Sa sobrang swerte mo hindi mo namana ang mukha ni Tiyang Maling." Humalakhak ito.
"Grabeh siya oh." Natatawang tugon ni Text. "Kapag narinig ka ni Mama ewan ko na lang. At saka 'coz 'di selosa si Danah. Hormonal reaction niya lang 'tong pagsusungit niya saken." Sinubukan siyang akbayan ni Text pero asar siya kaya paulit-ulit na dinutdot niya ang dibdib ni Text sa inis. Tawa naman ito nang tawa habang hinuhuli ang kamay niya.
"Asar ka talaga eh!" she hissed.
Hinuli nito ang dalawang kamay niya saka siya tinignan sa mga mata. "Oh tama na, huwag ng masungit. Papangit ka sige ka, baka 'di na ako magkagusto sayo niyan."
"Okay lang, at least alam ko na ganda ko lang pala habol mo."
"Wala kang prove," he smirked.
"Kakasabi mo lang."
"Really? Pinsan, narinig mo bang sinabi kong gusto ko siya dahil maganda siya?"
"Hay naku pinsan! Wala jud! Hindi ko narinig. May sinabi ka ba?"
"See?" mayabang na binitiwan nito ang kamay niya at hinubad ang suot nitong cap. Nagulat siya nang isuot ni Text 'yon sa ulo niya. "'Yan na muna. Saka na natin suklayin 'yan sa bahay."
Kumunot ang noo ni Danah.
"Natin?" ulit niya.
"Natin, bakit ayaw mo bang tulungan kitang suklayin ang buhok mo?"
"Parang ang weird –"
"It's not weird," bigla nitong ibinaba ng husto ang viser ng cap. "Matulog ka muna. Mahaba pa ang byahe. Huwag kang mag-alala 'di ka titilapon sa pagmamaneno nitong si Mateo."
"Paano ka naman nakakasiguro aber?" Eh wala ngang seatbelt! Kahit lubid naman lang.
Nagulat naman siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at itaas ang magkahugpong nilang kamay sa harap nilang dalawa.
"Hindi kita bibitiwan."
Napansin niya naman ang nanunuksong tingin at ngiti ng pinsan ni Text mula sa rearview mirror.
Sa mukha ng Mateo na 'to halatang chickboy 'tong lalaking 'to. Ngayon lang din siya nakakita ng tall, dark and chinito in person na mukhang model kahit sa simpleng ripped maong pants at puting kamisa de chino na damit. Inferness naman at bumagay ang kulay nito sa mukha nito. Mukhang pinagpala din talaga ang pamilya ni Text.
"Ayiee," basag ng pinsan ni Text.
"Ewan ko sayo."
Gamit ang isang kamay mas binaba pa niya ang visor ng cap para matakpan na ang kalahati ng mukha niya. Kahit asar hindi niya parin mapigilan ang mapangiti. Langya talaga ang 'sang 'to. Dakilang hokage na pa inosente.
TANGHALI na nang makarating sila sa mismong bayan ni Text. Nagulat pa siya nang marami ang sumalubong sa kanila sa labasan. Typical na rural ang mismong lugar. Kapansin-pansin ang simpleng pamumuhay ng mga tao. Nanibago siya ng husto. Expected niya naman na ganito ang maabutan niya pero hindi niya inakalang maninibago siya ng husto. Halos tango na nga lang ang naibibigay niya sa mga tao.
Pero belib din siya kay Text. Hindi talaga nito binibitiwan ang kamay niya. Kahit papaano nawawala ang pagka-ilang niya. Habang naglalakad patungo sa bahay nila Text ay may kasabay silang mga kakilala na ni Text. Inatake rin siya ng hiya kanina. Narinig niya kasing nag-uusap ang dalawang matanda na kasama rin nila ngayon patungkol doon sa pagpa-pari ni Text.
Hindi man niya lubos na naintindihan ang sinasabi nila sapat na sa kanya na pinag-uusapan ng dalawa ang paglabas ni Text sa seminaryo at sa hindi pagtuloy nito sa pagpapari. Hindi niya naman maiwasang makaramdam ng matinding guilt. Kung tutuosin pwede niya naman talagang pilitin si Text na kalimutan na lang ang lahat. Pakiramdam niya kasi ngayon para siyang kontribida. Para bang sinira niya ang dapat buhay ni Text.
"Undong, maayo og nakauli ka na dinhe."
"Naa ra koy asikasuhon dinhe Manang. Dala na pud bakasyon."
"Tinuod ba nga dili na jud ka mag-pari, undong?" tanong ng matanda nung kanina. Hindi maiwasang maiyuko ni Danah ang noo. "Kasayang naman lang adto, undong oy. Hapit naman unta ka mahuman."
"Ok lang po 'yon, Nay Delma. Lahat po ng mga nangyayari sa atin ay kagustuhan ng Diyos. Marahil minsan hindi natin maintindihan ang mga desisyon Niya pero dapat matuto tayong tanggapin ang mga 'yon."
"Pero sayang talaga 'yon, undong. Ikaw na sana ang unang pari dito sa atin."
"Huwag na po natin 'yong alalahanin Nay. Saka 'di naman ako mawawala sa simbahan at sa Panginoon. Pwede ko naman Siyang pagsilbihan sa maraming bagay. Kahit tayo, gumawa lang ho tayo ng mabubuting bagay at pagsumikapan na matulugan ang mga nangangailangan, ipagdasal sila at isipin ang nakabubuti para sa lahat ay malaking bagay na ho 'yon sa Panginoon."
Lalo lang tuloy na guilty si Danah sa mga naririnig niya kay Text. Para talaga siyang pari kung magsalita. Nakakakonsensiya!
"Sige ho, magpapahinga na muna kami ng asawa ko." Naingat ni Danah ang mukha kay Text. Nagulat siya sa sinabi nito. Pasimpleng kinindatan siya nito. "Pakisabi na lang ho kay Father Semon na dadaanan ko siya mamaya."
"Sige, undong."
Inakbayan siya ni Text at pinihit papasok sa loob ng lumang gate na sa tingin niya bahay nila Text.
"Asawa?" basag niya.
"Hayaan mo na 'yon. Huwag ka ng mag-reklamo. Kapag sinabi ko na girlfriend kita baka ilayo ka pa nila saken." Ngumiti ito.
"Huh?"
"Alam mo, mababait naman ang mga kabaryo ko. Kaya lang minsan, alam mo na. Basta, huwag mo ng isipin. Basta, sa lugar na 'to asawa mo ko at asawa kita. 'Yong sing-sing mamaya ibibigay ko."
"Baliw ka ba? Para namang 'di nila 'yon malalaman. Isa sa kanila tatawag sa nanay mo at tatanongin kung kasal na ba tayo o hindi."
"Well, let's just say na..."
"Na ano?!"
"Right," inalis nito ang braso sa balikat niya. Hinarap siya nito. Sa expression ng mukha ni Text parang may itinatago itong kasalanan sa kanya. Pasimpleng nakamot nito ang batok. "Sinabi ko kay Mama na nagpakasal tayo sa huwes."
"What?!" sigaw ko.
Nak ng cookies naman oh!
MARAHAS na sinalansan ni Danah ang mga damit sa cabinet, totally ignoring Text's presence. Nakaupo ito sa kama niya at kapag nababalik siya sa mga maleta niya na inilapag niya sa kama ay sinisilip nito ang mukha niya.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" patuloy parin siya sa ginagawa. "Alam ko naman na mali ang ginawa ko."
"Mali talaga!" Itinigil niya ang ginagawa at pinameywangan niya ito. "Kailan ka pa natutong magsinungaling, ha?"
"Nagsisinungaling naman ako minsan." Parang batang nakamot nito ang noo.
Napabuntong-hininga siya. "Alam mo ba ang pwedeng kapalit niyan?"
"Alam ko naman na kasalanan 'yon sa langit. Mamaya, ikukumpisal ko 'yon kay Father Semon."
"Text!"
"Sorry na," inabot nito ang kamay niya. "Hindi ko sasabihin na 'di ko sinasadya pero sinadya ko talaga 'yon. Kapag sinabi ko kay Mama ang totoo alam ko na pipilitin niya akong bumalik sa seminaryo."
"Diba 'yon naman talaga ang gusto mo noon pa?"
"Babalik na naman ba tayo sa dati Danah?" tumayo ito at pinihit siya paharap rito. Kapagkuan ay hinuli nito ang mga mata niya."Diba sinabi ko na sayo na susuyuin kita, na hindi kita susukuan?"
"Pero Text, kung ang dahilan mo ay 'yong nangyari sa atin –"
"Oo 'yon ang dahilan, noong una."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ganoon ba talaga kababa ang tingin mo saken? Na kaya kita gustong pakakasalan dahil may nangyari sa atin at isa 'yong pananagutan? Na kaya kita pakakasalan dahil sa mga paniniwala ko bilang isang seminarian? Yes, I admit they are part of my decisions pero naisip mo ba kung ano pa 'yong ibang dahilan o kung ano ba talaga ang nararamdaman ko?"
Matamang nakatingin lang siya sa seryosong mukha ni Text. She was totally out of words. Sa totoo lang wala siyang idea sa kung ano mang nararamdaman ni Text ngayon sa kanya.
"Tatapatin na kita Danah," lumakas ang tibok ng puso niya nang lumapit ito ng husto sa kanya. "Gusto kita." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Don't ask me why."
"B-Bakit?"
"Sabing don't ask me why?"
"Oo nga, pero bakit nga 'di ko pwedeng itanong sayo kung bakit?"
"Ipa-explain muna saken lahat ng subject topics huwag lang ang nararamdan ko sayo."
"Bakit nga?"
"Mahirap."
"Bakit mahirap?"
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Bakit nga? Pwede mo namang sabihing gusto kita dahil maganda ka? Dahil mabait ka?"
"That's infatuation, miss." Tinaasan siya nito ng kilay. "They don't last."
"Eh, ano? Ano bang tawag sa feelings mo saken."
"The kind of feeling that will last."
Napakurap-kurap siya.
Seryoso na ba 'tong si Text?
GABI na pero hindi parin makatulog si Danah. Paulit-ulit parin na nagpi-play sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Text. Hindi naman siguro joke lang 'yon ni Text, diba? Wala naman sa ugali nun ang magbiro ng ganoon. Matagal-tagal na rin niya naman itong nakasama at napansin niya palabiro talaga ito at madaldal pero ni minsan hindi pa ito bumanat ng ganoon sa kanya.
Well, occasionally nagbibiro ito patungkol sa kasal at kung ano pang kapuchuhan at ngayon nalaman pa niyang nagsinungaling ito ng bongga sa nanay nito na hindi pa niya nakikilala hanggang ngayon at hindi lang 'yon pati pa sa buong taga baryo nito. Maliban na lang doon sa pinsan nitong si Mateo. Para tuloy siyang demonyo na nagtulak kay Text na magkasala.
Hindi niya talaga alam ang mararamdaman ngayon. OO, minsan kinikilig siya sa mga linya nitong pasimple at kakornihan nito. Naku-kyutan siya sa pagiging unconscious kabaitan at ka sweetan nito sa kanya. It seems like Text is a breath of fresh air. Iba ito sa mga lalaking nakilala na niya at nakausap. He was just too good to be true. Para siyang santo na nagkatawang tao para mangunsensiya ng tao or he was just brought up like that by his religious mother. Nakadagdag pa sa formation nito ang pagpasok nito sa seminaryo.
Para kasing ang hirap i-absorb sa utak na ang isang dedicated seminarian ay mainlove sa isang estrangherang babae kagaya niya. Hello? Hindi 'to teleserye sa primetime!
Tinawagan niya si Font dahil 'di talaga siya mapakali.
"Font here! Kung tumawag ka dahil nami-miss mo ako sasagutin kita pero kung tumawag ka dahil gusto mo lang may katsikahan, sorry pero wala akong pakialam."
"FONT!"
"Okay, may pakialam ako. Oy, ate, napatawag ka?" tumawa ito sa kabilang linya.
"Anong gagawin ko? Ano kasi... Hmm... kasi... Sinabi saken ni Text na gusto niya ako." Nakagat niya ang ibabang labi.
"'Di sabihin mo thank you, huwag ka ngang oa. Gusto lang naman 'di niya sinabi nabuntis mo siya. Mangamba ka kung oo dahil tiyak ikaw ang ina haha."
"Baliw! 'Di ka naman nakikinig saken."
"Nakikinig ako, sinagot nga kita, diba? And, sis, huminahon ka nga. Diba sinabi mo na bibigyan mo siya ng pagkakataon para mapatunayan ang sarili niya sayo. Oh, 'yan na nga! Masyado lang siyang honest kaya nagtapat agad. May lakad yata." Tumawa ito sa kabilang linya. She rolled her eyes at Font's joke. Mukhang maling tao yata ang tinawagan niya. "Anyway, dapat pa nga magbunyi ka dahil gusto ka na pala niya. 'Di hayaan mo na rin ang sariling ma fall sa kanya."
"Alam ko naman 'yon pero ayoko namang maging rason 'yon para pilitin ko ang sarili kong mahalin siya."
"Di huwag mong pilitin. Hayaan mo siya. Hayaan mo lang ang sarili mo pero don't ever hesistate sa mga bagay na gusto mong gawin para sa kanya. Hayaan mong ang sarili mo ang makadiskubre sa kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman mo para kay kuya Text. Aish, grabeh siya oh! Ako pa talagang walang love life ang hinihingan mo ng advice."
Natawa na siya. "Gago! Wala ka ngang love life pero ang lawak ng tingin mo sa pag-ibig. Bakit 'di ka mag-writer? Mukhang madami kang mapapaasang readers."
"Try ko nga sa Precious Hearts,"
"Dinibdib mo naman agad."
"Hindi ko dinidibdib, flast chested ako."
"Baliw ka talaga! Sige na, matulog ka na. Gabi na. Salamat."
"Okay dokie!"
"Ikamusta mo na lang ako kina Mama at Papa diyan."
"Makakaasa ka!"
End Call.
Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Mabilis na binuksan ni Danah ang pinto. Alam niyang si Text ang kumatok pero napakunot-noo parin siya. Nilakihan niya ang bukas ng pinto.
"Ahm, akala ko tulog ka na."
"Akala mo lang 'yon. Bakit?" Napansin niya naman agad ang itinatago nito sa likod na rosary. "Bakit mo pa 'yan itinatago?" Kinuha niya rito ang rosary.
"Well, since nakita mo na rin lang itatanong ko lang kung gusto mo akong samahan mag-rosaryo. Joyful mystery ngayon kaya masaya pero kung hindi ok lang." Kinuha nito ang rosary sa kamay niya. "Masaya parin naman ang mag-rosary kahit mag-isa. Sanay naman na akong mag-isa."
Hindi niya mapigilan ang matawa sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Text is acting weird.
"Hoy Text, ok lang ba?"
Natutop nito ang noo. "Good Grace, mukhang nababaliw na ako." Mahina nitong bulong sa sarili pero narinig parin niya. "Umayos ka Text."
"Oh sige na, mag-rosary na tayong dalawa. Samahan na kita."
Naingat nito ang tangin sa kanya. "Talaga?"
Tumango siya. "Oo na! Tara na."
After 100 years nakapag-UD ulit ako at dahil wala pa akong manahanap na work push ko muna 'to. Haha, ang weird lang. Sa tuwing nagsisimba ako, pumupunta sa simbahan o sa seminaryo doon lang ako nakakapag-isip ng susunod na update ko kay Text haha. Naalala ko siya sa simbahan.
Pero sana magustuhan nyo parin ang update ko today! Mwaah! Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro