Chapter 8
"Walang alam sa social media, I bet he doesn't watch tv at all. Or maybe, he preferred religious movies or shows? He doesn't even buy expensive things, though it's not really an essential need, but he could at least buy himself a good quality phone which is not so expensive, right? I mean, I don't understand him? Hindi naman masakit na maging maluho minsan kung deserved mo naman, diba Font?" patuloy na litanya ni Danah sa kapatid na si Font habang naglalakad at nagtitingin-tingin sa mga naka display sa loob ng mall. "He's okay. He's perfectly harmless. Masyado nga lang siyang mabait. Pero may feeling talaga ako na parang mali... na mali 'tong binibigyan ko siya ng pagkakataon na makilala ako? I-I don't know, 'di ko alam kung bakit uneasy parin ako. Fo –"
Napakurap-kurap si Danah nang mapansing 'di na niya pala kasama ang kapatid. Ang walangya! Kanina pa siya nagsasalita pero ang kausap niya nilayasan siya? Saan na naman kaya ang lalaking 'yon?!
"Sakit ka talaga sa bangs Font!"
Hinanap niya ang kapatid. No choice! Alangan namang iwan niya ang mokong. Kung bakit kasi 'di nang-o-orient na may titignan. Pero mukhang 'di niya naman kailangang lumayo dahil mabilis niyang nakita ang kapatid. Nakatayo ito sa harap ng mga naka-display na cartoon T-shirts.
Danah rolled her eyes.
Mabilis na nilapitan niya si Font at binatokan sa ulo.
"Pack juice naman ate!" Font cursed at her sabay himas ng nasaktang ulo. "Kailangan mo pa talagang gawin 'yon?"
"Oo, dahil paasa ka eh! Akala ko may kausap ako, 'yon pala wala."
"Hindi ako paasa, nang-iiwan lang." He chuckled. She rolled her eyes at him. Talaga naman! "Nga pala, Ate, tignan mo?" pinakita nito sa kanya ang isang Mickey Mouse cartoon shirt. Huhulaan niya, puppy eyes na kasunod niyan. "Ganda, diba?"
Nagpa-cute ang kapatid niya. Sabi na eh!
"Oo na! Oo na! Huwag mo na akong daanin sa pa-cute mong pabebe Font dahil alam ko na ang agenda mo. Dalawahin mo na dahil mukhang malagkit rin ang tingin mo sa isang Mickey Mouse na damit."
Natawa ito sabay yakap sa kanya. "The best ka talagang ate! Kaya nga ikaw ang favorite ate ko sa buong mundo."
"Mukha mo!" natatawang inalis niya ang mga kamay ni Font sa kanya. "Ako lang naman ang ate mong baliw ka."
"Kaya nga!" he suddenly kissed her cheeks. "Ate, tatlohin ko na para wala ng sukli."
"Gago! Baka gusto mong bilhin na lang natin ang buong Disneyland?" inabot niya rito ang credit card.
"Huwag na, aksaya sa yaman."
Kinuha na nito ang tatlong magkakaibang design na Mickey Mouse shirt at patakbong pumunta sa cashier. Hay naku, pagdating talaga sa Mickey Mouse lahat na lang bibilhin ng mokong. Kahit noong bata pa mahilig talaga si Font kay Mickey Mouse kaya lahat ng mga bagay na may tatak ng mukha ni Mickey ay binibili nito.
Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa isang coffee shop.
"Alam mo ate," basag ni Font. "Wala namang masama sa pagbibigay mo ng chance kay kuya Text. As a matter of fact, mas maganda pa nga 'yon. Give him a chance. Huwag kang praning." She glared at her brother. Font shrugged and winked at her in returned.
"Pero sa tingin ko parin mali 'tong ginagawa namin... pinapaasa ko lang siya –"
"Paano mo naman nasabi na pinapaasa mo lang siya? Dahil wala ka pang nararamdaman sa kanya?"
Kumunot ang noo ni Danah. Parang may mali sa sinabi ng kapatid. Huwag mong sabihing? Marahas na napatingin siya sa kapatid.
"Paano mo nalaman?!"
"Sinabi ni Dad." He shrugged.
"Si Dad?!" halos pa sigaw na niyang sabi. "Argh! Bakit niya sinabi sayo? Sa aming dalawa lang 'yon."
"Baliw! Kahit 'di 'yon sinabi ni Dad saken nadulas kana kanina pa. Reklamo ka nang reklamo kay kuya Text kulang na lang ipa-exile mo ang tao sa bukidnon. Kahit sinong bobo magi-gets ang totoo n'yong estado."
Napangiwi si Danah. "Argh! My mouth."
"Huwag kang mag-alala, 'di naman namin sasabihin kay Mom. Lalong-lalo na ang katotohanang," he trailed off before leaning forward to her. "Hindi n'yo talaga kilala ang isa't isa at nag one night stand pa kayo."
Binato niya ng tissue si Font. Natawa lang ang huli.
"Ingatan mo talaga 'yang bibig mo kung 'di tatahiiin ko 'yan."
"Chill, huwag tong mga labi ko. Masarap 'tong humalik."
"Ew! Kadiri ka! Manyak ka talaga eh minsan, noh?"
Natawa lang si Font. "Ano ka ba ate, joke lang 'yon. Marami akong naging girlfriends pero 'di naman ako adik sa kamunduhan. I value sex more than anything else. Sabihin mo ng nagsisinungaling ako but I will never have sex with any random girl I'm with." He snapped his fingers. "Itaga mo 'yan sa bato."
"Mukha mo Font, mapipigilan mo kaya?"
"Oo naman! Mahirap pero kakayanin."
"Teka nga, maiba ako, ikaw ba may girlfriend ka ngayon? Sa pananalita mo kasi para kang loyal boyfriend."
Natawa ito. "Wala akong girlfriend ngayon. Choosy ako."
"Baliw! Huwag mong sabihing 'di ka pa naka move on doon sa ex mong si Viewnna?"
"Ate, past is past. Puppy love ko lang si Viewnna."
"So sila Maileen, Page, Literra and Editha were just your puppy love?"
"Uh-huh," he nodded.
"Puppy Love pero kung lumandi kang lalaki ka para kang pusa. Naku! Naku! Tigilan mo ko Font. Mahilig kang mag-simba at sumali sa mga peace and worship pero masyado kang palakero."
"Oh no, ate, hindi ako palakero." He shook one finger in front of her. "You don't call a man a womanizer just because he had a lot of girlfriends. Take note, hindi ko sila pinagsabay. They have their own time. Madali lang talaga akong maka move on."
"Grabeh siya,"
Natawa lang si Font. "Well, enough of me sister. Mabalik tayo sa inyo ni kuya Text. Don't you think na kayo talaga ang para sa isa't isa? Malay mo? Hindi talaga para sa simbahan si kuya Text. Malay natin, para sayo talaga siya. Oh diba, teleserye sa primetime?"
"Bakit ba kapag ikaw ang nag-salita ang hirap paniwalaan?" tinaasan niya ng isang kilay ang kapatid.
"Grabeh siya, oy 'di naman. Bilang isang lalaki naman, mahirap na humanap ng isang ganoong klaseng lalaki. As a matter of fact, ang katulad namin ni kuya Text ay mabibilang na lamang sa kamay. Maswerte ka ate dahil may nagkamaling makasiping ka – 'ray!" binato niya ulit ito ng tissue. "Brutal mo naman oy. Grabeh ka."
"Pero hindi nga,"
"Wala ngang hindi nga. You know what, stop thinking of a lot of things. Paano mo naman masasabi na hindi mo nga siya kayang mahalin. Hoy, mag-isip ka nga? Hindi mo talaga siya matutunang mahalin dahil 'di mo siya binibigyan ng pagkakataon. Puro ka what if. 'Yang what if mo mabibigyan ka ba ng love life?"
Natahimik si Danah. Alam niyang tama ang kapatid. Masyado talaga siyang OA. O baka naman...
"Alam ko na!"
Naibaling niya ang tingin sa kapatid.
"Si Blank," kumunot ang noo niya. "Tama ako, 'noh?"
Naalala niya si Blank. Kababata niya si Blank. Half brother ito ni Tito Alt sa ama. High school silang pareho nang makilala nila ang isa't isa. Laking Thailand si Blank dahil nandoon naka base ang negosyo ng ama nito at Thai ang ina nito. Kabaliktaran ng ugali nito si Tito Alt. They became so close... hayun nga, hanggang sa nahulog na nang tuluyan ang puso niya rito.
Pero hindi naman maganda ang kwento nilang dalawa. Oo nga't mahal nila ang isa't isa pero iniwan parin siya ni Blank. Lahat ng pangako nito sa kanya kinalimutan nito nang tuluyan. Pero kahit nasaktan siya nito nang sobra ay hindi parin niya maiwasang mangungulila rito. Minahal niya nang sobra si Blank.
At siguro 'yon din ang pumipigil sa kanya na papasukin si Text sa buhay niya.
"Alam mo Ate, matagal nang wala si Blank. Kahit nga nandiyan si Tito Alt 'di ka nga niya kinakamusta o pinapadalhan man lang ng mensahe. Kung mahalaga ka sa kanya babalikan ka nun. Kaso 'di naman. Ilang taon na ba ang lumipas?"
"8 years,"
"Naks, sumagot ka talaga?"
She glared at his brother. "Nagtanong ka, diba? 'Di sinagot ko lang."
Natatawang itinaas nito ang kamay. "Chill ka lang, ate, ito naman."
"Kumain ka na nga lang."
Iniwas niya ang tingin sa kapatid at inabala ang tingin sa labas. Naisip niya ulit si Blank. Kumusta na kaya ito ngayon?
"Alam mo ate, may ipinagdadasal talaga ako lagi."
"Ano naman?"
"Na sana mabuntis ka para masaya."
"Baliw!"
"Haha,"
Pinauna na ni Danah si Font na umuwi. Ayaw pa niyang umuwi at wala ding kwentang kausap ang mokong. Ang bibig nun namana sa ama nila. Mukha lang seryoso pero ang bibig nun. Ay ewan ko na lang talaga.
Habang naglalakad may napansin siyang pamilyar na pigura na nakita. Hindi sa pagiging-praning pero parang si Blank ang nakita niya. Kumabog naman nang mabilis ang puso niya lalo na nang bahagya nitong iginawi sa kaliwa ang mukha nito. Nabitiwan niya ang dalang paper bag. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Blank nga 'yon.
Bigla na lang itong umalis sa kinatatayuan nito. Hindi na siya nag-abalang pulutin ang dala at sinundan niya ito. Mabilis ang mga hakbang niya habang sinusubukang makadaan sa gitna ng mga tao.
"Blank!" sigaw niya. "Blank!"
Pero tili hindi siya nito naririnig. Patuloy lang siya sa paghahabol rito. "Blank! Blank!"
Gusto na niyang maiyak dahil nahihirapan siyang mahabol ito. Masyado itong mabilis maglakad at madaming tao kaya nahihirapan siyang makadaan. Naiiyak siya sa inis. Bakit ba kasi hindi siya marinig ni Blank?
Huminto siya.
Tili ba nawalan ng tunog ang lahat. Naramdaman na lang niya ang pagyugyog ng mga balikat niya. Hindi niya na napigilan ang maiyak. Bakit ba ang sakit parin? Bakit 'di ko parin makalimutan si Blank?
Sa totoo lang, masyado siyang nasaktan nang iwan siya nito. Umasa siyang babalikan siya ni Blank gaya ng pangako nito sa kanya pero simula nang iwan siya nito wala na siyang narinig mula rito. Kahit anong pilit niya kay Tito Alt hindi din nito sinasabi sa kanya kung na saan na si Blank o kung ano na ang nangyari rito?
Akala niya okay na siya pero hindi pa pala.
Mahal pa nga siguro niya ito.
Kaya siguro hindi niya kayang mahalin si Text.
Tuluyan na nga siyang napahikbi sa gitna ng daan.
"Gusto mo?"
Walang buhay na binalingan ni Danah si Text. Inabot nito sa kanya ang isang tangkay ng red roses. Sinundo siya nito sa opisina kanina.
"Bakit tinatanong mo pa ako?"
"Malay ko ba kung hindi mo gusto."
Tinanggap niya parin ang bulaklak. "Salamat,"
"Ito pa oh," inabutan pa siya nito ng isa. "At ito pa," ng isa pa.
Kumunot ang noo niya. "'Yong totoo?"
Napakamot ito sa noo sabay tawa. Binalingan muna siya nito bago itinuon ang atensyon sa daan. "Pasensiya na, nahihiya akong ibigay sayo 'yan kanina."
Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti. "Baliw,"
"Bukod sa altar at sa nanay ko wala na akong pinagbibigyan ng mga bulaklak." He glanced at her with a smile. "Hindi ako sanay magbigay kaya nahihiya ako."
Ngiti lang ang ibinigay niya rito.
"Napansin ko kasing malungkot ka nitong nakaraang araw. Lalo na ngayon. Naalala ko 'yong drama na pinapanood ni Mama noong isang gabi. Malungkot 'yong bidang babae tapos binigyan ng bidang lalaki ng bulaklak ang babae."
"At talagang ginaya mo pa talaga?"
Natawa ito. "Mukha kasing effective. Kasi kapag si Mama ang binibigyan ko natutuwa siya. Wala namang reaksyon ang mga Santo sa altar kapag pinapalitan ko ng bagong bulaklak ang vase."
"Malamang, mangamba ka kung ngumiti ang mga Santo. Iba na 'yon."
"Sabagay," he glanced at Danah and smiled. "Sana napasaya kita. Ayokong nakikita kang malungkot."
"Malaking bagay ba talaga sayo na makita akong masaya?"
"Malaking bagay saken ang reaksyon mo Danah. Mahirap kang basahin kaya minsan hindi ko alam kung anong klaseng approach ang dapat kong gawin. Alam ko naman 'di mo ako gusto –"
"Oy, 'di sa ganun –"
"Alam ko, chill ka lang." He chuckled. "Alam kong hindi madali sayo ang sitwasyon natin. Magkaiba ang mundo natin. Paminsan-minsan ay hindi tayo nagkakasundo. Makulit ka."
"Oy di kaya!"
"Ops, 'di pa ako tapos." He winked at her.
Hindi alam ni Danah kung bakit bigla siyang natigilan sa kindat nito. Hello! Kindat lang 'yon. Pero ang unfair! Masyado itong gwapo para sa isang kindat lang.
"Pangalawa, masungit ako, seryoso. Walang alam sa social media. 'Di marunong mag-selfie. Walang social life."
"Pero inferness naman sayo Text may spiritual life ka." Natawa lang si Text. Natahimik ako. Napangiti habang tinitigan ang tatlong rosas sa kamay. "Salamat."
"Nasabi mo na 'yan kanina."
Nagkasabay silang naibaling ang tingin sa isa't isa.
"I mean it this time,"
"So hindi 'yon seryoso kanina?"
"Oy seryoso din 'yon. Mas seryoso lang din ako ngayon."
"Hoy Dan-Dan masamang magsinungaling. Nakikita ka ni Lord."
"O.M.G! Ano 'yong tinawag mo saken?"
"Dan-Dan? Ayaw mo?"
"Ano ako dalandan? Sapakin kaya kita?" Inumang niya ang kamao kay Text.
"Oh, oh, kalma ka lang, 'to naman napaka sensitive." Tinawanan lang siya ng hudyo. Napasimangot siya. "Para ka talagang bata. Ang cute mo." Napasinghap siya nang pisilin nito ang isang pisngi niya.
"Hoy!" mabilis na pinalis niya ang kamay ni Text. Saka pinagpapalo. "Asar ka!"
"Hey! Hey! Huwag kang malikot mababangga tayo." Tawang-tawa naman ito sa kanya. "Danah! Ay ang kulit naman. Dan-Dan!"
"Huwag mo kong tawaging Dan-Dan!"
"Cute naman ah,"
"Di siya cute."
"Cute,"
"Hindi nga eh! Ay ang kulit."
"Stong arguing Danah."
"Ayoko po Sir," binilatan niya si Text.
Pero sa halip na mainis ay natawa lang ito sa kanya.
"Anyway, Ms. D'cruze, gusto ko lang din sabihin sayo na mawawala ako ng ilang araw dahil may aasikasuhin ako sa probinsiya namin sa Negros."
"Iiwan mo ako?!"
"Oyy, mami-miss ako ni Miss D'cruze."
"Di ah!" humalakipkip ako sa kinauupuan. "Asa ka pa."
"'Yon naman pala,"
"Pero, summer na."
"Oh, ano naman?"
"Akala ko ba liligawan mo ko?"
"Nililigawan naman na kita ah."
"Hala! Nanliligaw ka na? Bakit 'di ko feel."
"Wow! Ang bato mo. Sinusundo kita. Dinadalhan ng pagkain. Bumibisita ako sa bahay at sa opisina n'yo."
"Oy! Kulang 'yang mga panliligaw mo."
"Anong gusto mo i-post ko pa sa fb o sa instagram?"
"Oy! 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin."
"Kasi 'di pwedeng malaman ng lahat na may nanliligaw sayo na isang ordinaryong tao."
"Hindi, baliw! Alam mo, maganda 'yong once in awhile sini-share mo 'yong relationship mo online pero minsan parang 'di tama. Kasi may ibang sweet online, 'yong tipong may forever sila pero in reality 'di naman sila masaya."
"Ah, kasi 'di ka naman masaya kapag i-pinost natin."
"Textford!"
"What?"
"Bakit ang nega mo? Makinig ka nga. Hindi importante saken ang tingin ng tao. O kung masaya o bitter sila sa kaligayahan ko. Active ako online, but when it comes to special things and special moments I want it to be ours only."
"Bakit kinikilig ako?"
"Baliw! Assume ka naman diyan."
"Masama?"
"Alam mo, masyado kang ano para sa isang ex-seminarian."
"Bakit porket ex-seminarian 'di na pwedeng kiligin? Discrimination 'yan oy."
"Whatever,"
"Anyway, wanna come?"
"Saan?"
"Sa simbahan, pakakasalan kita."
"Textford!"
"Joke lang! 'To naman," he chuckled. "Naisip ko lang naman, baka gusto mong magbakasyon muna sa probinsya namin. Naalala ko, nabanggit ni Tito Crosoft na magbabakasyon ka daw muna sa trabaho mo."
"Bakit ang close n'yo ni Daddy?"
"Type niya ako eh," she glared at Text. "Type niya akong manugang, so gusto mo sumama?"
"Anong gagawin natin doon?"
"Magtutubo,"
"Ano 'yon?"
"Sugar cane, 'yong tubo. Pero joke lang 'yon. Ikaw, magsight-seeing?"
"Di ko gets," hinilamos nito sa mukha niya ang isang kamay nito. "Text!"
"Basta 'yon na 'yon. Ano sama ka?"
"Hmm, sige, basta ba may Go Pro tayo, may cell phone ka na, may DSLR tayo at polaroid camera."
"Uunahin mo pa 'yan kaysa sa damit at pera?"
"Oo naman, importante 'yon."
"Magbabakasyon lang tayo hindi magpo-photoshoot."
"Eh gusto ko eh!"
"Oo na, dagdagan mo na rin ng wifi baka kailanganin mo."
"Naku, huwag na, hindi ko naman i-upload ang mga pictures agad-agad."
"I get it,"
"Oy, baka isipin mo namang kinakahiya kita."
"Hindi," he glanced at her and smiled. "Sabi mo nga, it's OURS only."
"Ganyan ka din ba kay Lord?"
"Ang ano?"
"Mahilig mo siyang kulitin at biruin."
"Kinakausap ko lang siya pero 'di ako nagbibiro at baka seryosohin NIYA."
"Baliw!"
Tama, mas mabuti na rin sa akin na lumayo muna. Mas hindi ko naiisip si Blank. Pinalo niya si Text sa braso.
"Grabeh ka! Inaano ba kita?"
"Wala," tinawanan niya ito. "Bagay sayo ang uniform mo sir."
"Thanks, bigyan kita ng 90 sa card mo."
"Haha,"
And so ngayon lang po ako nakapag-update. Medyo kinakalawang po ang puso ko ngayon. Chos! Sana magustuhan nyo ang short update ko sa story nila Danah at Text. Biased ko talaga si Font eh. Kaugali niya kasi si Crosoft haha. But anyway, Text is another hero that I like. I don't know, may feeling ako na masarap talaga siyang magmahal. Na feel n'yo? Anyway, hope to read all your comments later. I'll update soon. Mwaaah!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro