Chapter 7
DANAH
NAKATUNGA-NGA lang si Danah sa harap ng laptop niya nang may kumatok. Sumilip sa nakaawang na pinto ang mukha ni Pepsy. Tinaasan niya ito ng kilay. Bungis-ngis naman ang ibinalik nito sa kanya. Ano na naman kayang pasabog ng 'sang 'to ngayon?
"Ahem," Pepsy cleared her throat, suppressing a smile.
"What is it?"
"Andito na ang santo papa mo."
Kumunot ang noo niya. "Umayos ka kung 'di ibabato ko 'tong heels ko sayo."
Tumawa ito. "Jowk lang! Napadaan ang gwapo mong anghel. Papasukin ko, ha?"
"Sino?"
On cue namang bumukas ng malaki ang pinto at bumulaga sa kanya ang nakangiting mukha ni Text. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Hindi niya maiwasang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bakit kahit 'di nagsusuklay ang lalaking 'to ang gwapo parin. Really, gwapo ang papa niya pero ang kagwapohan ni Text ibang-iba. Ang bait ng kagwapohan. Parang keruben. Isama pang medyo kulot ang buhok nito. Arggh!!
She discreetly shook her head as if it could shift her attention to other things than to glorify Text's almost perfect physical appearance. Habang tumatagal lalong gumagwapo ito. Darn that simple black jeans with his navy blue hooded sweatshirt. Isama pang naka backpack ito at sneakers. 'Yong totoo? Seminarista ka ba dati o na amnesiang model? 'Di ako na orient!
"Hoy laway mo!" Pepsy snapped.
Natauhan naman siya bigla. Mabilis na inayos niya ang pagkakaupo sa swivel chair. Pasimpleng hinawi ang bangs. Kalachuche naman oh! Sa lahat ng sasabihin mo Pepsy 'yon pang mapapahiya ako!
Pasimple niyang pinaningkitan ng mata ang kaibigan.
Pepsy giggled. "Anyway, maiwan ko muna kayo lovebirds. May trabaho pa ako. Bah-bye!" Isinirado nito ang pinto.
Binaling niya naman ang tingin kay Text.
"Hi," may ngiting bati nito sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Napadaan lang ako..." tinaasan niya ito ng kilay. Natawa ito bigla. "Fine, sinadya kong dumaan."
"At bakit?"
"Dapat ba laging may dahilan kung bakit pinuntahan kita? Hindi ba pwedeng gusto ko lang."
"Whatever, you can sit anywhere you want." Itinuon niya ang atensyon sa screen ng laptop niya pero kahit ganun ay hindi niya maiwasang pasimple itong sundan ng tingin. Kung bakit ba kasi masyado siyang pabebe.
Naupo ito sa visitors lounge niya sa office. Panay ang tingin nito sa paligid habang nata-type siya ng ABCD sa MS Word dahil pa-DIVA siya.
"You have a unique office," komento nito.
"Thanks,"
Simple lang ang design ng opisina niya. White and Baby Blue ang kabuoan na kulay ng mga pader at kisame. Hindi rin masyadong crowded ang interior design – minimal lang. Mostly about weddings and best prenup pictures from her clients. Mas simple pa nga ang kwarto niya sa bahay. All white with a touch of pink. Binawi lang ng mga gamit niya na in different colors.
"Ahm, you said I can sit anywhere, right?"
"Yeah," pabaliktad naman na ABCD ang pinatulan niya.
"Can I request?"
"What?"
"Can you sit beside me," natigilan siya sa pagta-type. Naingat niya ang mukha rito. "Gusto ko sanang maupo sa tabi mo diyan kaso 'di naman tayo kasya kaya ikaw na lang lumipat dito." Ibinaba nito ang hood ng sweatshirt nito. "Ang pangit naman kung mag-uusap tayo na magkalayo. Pwede ba?"
"Ah, eh..." I'm totally speechless. "S-Sige,"
Lumipat siya ng upo sa tabi nito. Syempre may space, mga one foot lang naman.
"Ahm, nagkausap kayo ni Daddy?" simula niya.
"Ah Oo, doon sa recollection nila Font."
"Nagalit ba siya?"
"Hmm, he was a bit disappointed, but don't worry. I explained it clearly to him my intention in wanting to marry you."
"Text," seryosong baling niya rito. "Diba sinabi ko naman sayo na hindi mo ako kailangang pakasalan. It wasn't your fault. It was an accident. Hindi mo kailangang talikuran ang dati mong buhay para lang sa akin."
"That's not the point Danah, maybe its God's sign for me that priesthood isn't for me. Everything happens for a reason."
"It's still a choice."
"Then this is my choice. I want to know you."
She was silent for a moment. Masyadong sincere ang pagkakasabi ni Text sa kanya nun. 'Yong tipong randam na randam mo ang senseridad at kagustuhan nito sa mga sinabi nito sa kanya. Darn! Ano bang dapat niyang gawin sa isang 'to? Ano ba kasing nakita nito sa kanya at hindi na siya gustong lubayan. Or maybe because that night happened?
"'Yong totoo," tumagilid siya ng upo paharap rito. "Gusto mo lang ba akong i-pursue dahil sa nangyari sa atin?"
"Well, that's one thing."
Kumunot ang noo niya. "So meron pa?"
"Of course! Anong akala mo saken? Marami pa akong rason kung bakit gusto kitang makilala."
"Tulad ng ano?"
"Tulad ng..." mapaglarong nginitian siya nito.
"Tulad ng ano nga?"
"Saka na! Malalaman mo rin 'yon –" nagulat siya nang hawakan niya ito sa magkabilang braso. "Oh?!"
"Sabihin mo na saken!"
"Relax, ito naman masyadong demanding. May tamang panahon para diyan."
"Ang ALDUB lang ang may tamang panahon. Tayo wala, kaya sabihin mo na!"
Lalo lang natawa ito sa kanya. Nainis naman siya nang sobra. Marahas na binitiwan niya ito at hinablot ang bag nito sa tabi.
"Hoy! Anong kukunin mo diyan?"
"Si Doraemon, gusto mo si Dora?" pabalang niyang sagot.
Natawa lang ito lalo sa kanya. Baliw din ang 'sang 'to eh tawa nang tawa. Nag-joke ba ako, kuya? Kabanas 'to? Lalo lang yata siyang na weirduhan kay Text dahil sa laki ng bag nito ay notebook lang ang laman.
Itinaas niya ang notebook. "Ito ang dala mo?"
Inagaw nito mula sa kanya ang notebook. "Huwag 'yan oy!"
"Ano ba 'yan?"
"My bucket list," may pagmamalaki nitong sagot.
"Ang OA mo, ha? Nagba-bucket list ka?"
"Oy 'di ah. It's actually a good thing to list the things you wanted to do. Hindi naman kailangang greatest dream mo ang isulat mo every year. You can start at simple things you wanted to do this year."
"So ibig mong sabihin, every year kang nagba-bucket list?"
He nodded. "I actually am."
"Patingin!" kinuha niya rito ang notebook at tinignan ang laman nun. "Ang dami na! Kailan ka pa nagsimula?" Namangha siya sa dami na nang nagawa nitong bucketlist. "Ang galing mo!"
"Four years ago. Anyway, those are just simple things. Anyone can accomplish that with passion and perseverance."
"Pero kahit na, noh. Iba ka rin."
Napunta siya sa huling page na may sulat. Nagtaka siya dahil may scratch na ang ibang nakalista doon.
Year 2015 – 2016
Be a priest A deeper understanding of life Live a simple life More patience Spread the words of God Help less fortunate people Self-Examination Be an ambassador of God's words Influence humble living to the youth Be an inspiration
At ngayon, 'yong number one na gusto nito ay tinanggal na ni Font. She suddenly felt like she's stealing something from him.
"Don't mind the first one. I can still do good things even if I don't become a priest." Kinuha na nito mula sa kanya ang notebook.
"Nakokonsensiya ako," she sighed.
"Bakit naman?"
"Para kasing, ako ang dahilan kung bakit 'di mo na matutupad ang pinakagusto mo sa buhay. I don't like the feeling."
"Don't think about it,"
She rolled her eyes at him. "As if I'm that bad. Hindi lang ako madalas magsimba pero may konsensiya parin ako noh."
"Did I said something? Danah, hindi mo kailangang magsimba araw-araw para lang masabi ng tao na mabait ka. Nasa gawa 'yan. Nasa puso. Always remember that. Pero maganda parin na bigyan natin ng isang araw ang Panginoon. But don't think it is a job. Magsimba ka dahil 'yon ang gusto mo at hindi 'yong napipilitan ka lang."
"Bakit feeling ko kinakausap ako ng pari?"
Natawa ito. "Silly," he playfully messed her hair. "I'm just saying."
"But anyway," pinalis niya ang kamay nito. "Napansin ko lang."
"Ano?"
"Ang mga bucket list mo parang road to Sainthood. Ayaw mong gumawa ng masama?"
"I did and I messed up big time. Not going to that anymore."
"What's the thrill? Dapat may mga bucket list ka na sa tingin mo 'di mo kaya. Hindi naman 'yong kademonyohan na talaga like manilip ng baklang mukhang Barney or ibaon ang kalaban mo ng buhay sa Bulkang Mayon."
"Naalala ko, sinulat ko noon na gusto kong magsinungaling doon sa kapitbahay naming babae na may crush saken. Sinabi ko sa kanya na crush ko siya. Pumasok ako sa seminaryo tapos after one year nalaman kong binasted niya lahat ng manliligaw niya dahil hinihintay niya ako."
"Loko ka!"
"I know, 'yon ang unang beses na nasampal ako ng babae. Nagtapat ba naman ako ng totoo sa kanya na joke lang 'yon. I shouldn't have done that. Naawa talaga ako sa kanya dahil napaiyak ko siya."
"Baliw ka! Alam mo? Pinaasa mo siya."
"Kaya nga! My mind sometimes thinks the other way around. It's kind a scary."
"Ano pang ginawa mo? Other bucket list? I mean."
"I wanted to cheat. I wonder how it feels to cheat." He chuckled. "Crazy, right? Ako kasi kahit 'di ko alam ang sagot as much as possible 'di ako nagchi-cheat. Masyado kasing strict doon sa seminaryo kaya mahirap. Hayun, tin-ry ko."
"Tapos anong nangyari?" nai-excite niyang tanong.
"I failed the class."
"Kasi nahuli kang nag-cheat?"
"Hindi," natatawa nitong sagot. "Sinadya ko talagang 'di pag-aralan ang topic para magkarason akong mag-cheat it turned out 'di ko pala kaya hayun bumagsak ako."
"Kaloka! Naloloka ako sa kabaitan mong baliw ka!" tawang-tawa siya.
"I swear, I'm not going to do that again. Muntik na akong mapatay ng nanay ko."
"You're crazy,"
"You think so?"
Natigilan siya. Sobrang lapit na pala nilang dalawa sa isa't isa. Hindi pala, konting galaw at dadampi na ang mga labi nila. Napakurap-kurap siya sa uri ng pagkakatitig ni Text sa kanya. Sheet! Ang awkward nito! Mabilis na lumayo siya kay Text.
"Wait! May suggestion ako." Pag-iiba niya.
"Ano?"
"Make another bucketlist." Kumunot ang noo ni Text sa kanya. "I mean, make another one na 'di mo pa nagagawa. But not those bad examples you have. Kunwari, gusto mong umakyat ng building at mag-skydiving. Mga ganun ba."
"You know what, let's just do a couple bucket list." Pinunit nito ang bucket list nito bigla. Pero nag-panting ang tainga niya sa term nitong couple bucket list. Ano daw? Umisod ito ng upo palapit sa kanya at kinuha ang ballpen sa bag nito. "Here, you write the first one. We'll have ten bucket list. Five for me, five for you."
"Hoy! Anong couple's bucket list?!"
"You want thrill, right? Ang boring naman kung ako lang magti-thrill. Ano 'yon, solo flight? Let's do it together. Let's have a summer bucket list. I'm on my vacation."
"Excuse me, I don't do vacations."
"Well, ito na ang tamang panahon para magbakasyon ka."
"I don't think it's a good idea."
"I think that is the most brilliant idea I have in mind."
"No!"
"Yes!"
"You can't make me."
"Try me,"
NAGULAT bigla si Danah nang biglang pumasok si Font sa kwarto niya at inabot sa kanya ang isang folder. Nagtataka man ay tinanggap niya ang ibinigay ng kapatid bago inangat ang mukha niya rito.
"Ano 'to?" sinilip niya ang laman ng folder.
"Resume ko,"
"Para saan?"
"Summer job as photographer."
"Huh?" inabot naman nito ang isang clear book sa kanya. "Ano naman 'to?"
"Sample pictures I've taken from my Iphone6 camera."
"Kailangan talagang i-mention ang Iphone6 mo?" She scanned some pictures. "Puro lang naman 'to painting mo ah."
"Painting ko na kinuhaan ko ng picture gamit ng high quality camera ng Iphone6 ko."
"These are just for insta, Font. Bumalik ka na lang sa lungga mo at mgpa-ampon sa sining." Ibinalik niya rito ang folder at clear book.
"Ate! Ate!" pumasok naman bigla ang kambal na sila Print at Paper.
"Ate, kailangan mo ba ng model?" excited na tanong ni Paper sa kanya.
"Eh ng wardrobe assistant?" dagdag naman ni Print.
"Teka! Teka! Teka nga! Ano bang kaguluhan ito at lahat kayo nag-a-apply sa akin?"
"Pinaalam samen ni Pepsy na magbabakasyon ka daw." Sagot ng Daddy niya. Lumapit ito sa kanila at naupo sa tabi niya. Sumunod namang pumasok ang Mommy niya.
"At kasama mo si Text," dagdag ng Mommy niya.
"Huh? Bakit 'di ako na orient diyan?"
"Pa orient ka minsan, anak." Sagot ng Daddy niya.
"Danah, hindi naman sa pangingialam. Alam kong mas kilala mo si Text kaysa sa amin. Mukha namang mabait ang batang 'yon pero sana alam mo ang ginagawa mo."
"Ano ka ba naman Mahal," si Daddy. "Mabait talaga 'yang si Text. Sauludo niya ang misteryo ng rosaryo."
"Anong connect, Dad?" kunot-noong tanong ni Font.
"Huwag kang ano diyan Font. Anak ka ng sining."
"Pero mahal ko rin po si Lord."
"Pagpalain ka,"
Natawa ang kambal. Mga baliw talaga ang dalawang 'to! Kaya ang saya ng family meeting kahit seryoso ang topic.
"Kahit na," simula ng Mommy niya. "Silang dalawa lang ang magkasama."
"Eh bakit, noon din kaya doon ka natutulog sa condo ko. Tayong dalawa lang doon."
"Eh bakla ka naman kasi kaya okay lang!"
"Aysus! Ang sabihin mo umaasa kang mamanyakan kita noon kaya go ka ng go sa tuwing niyaya kitang mag-overnight."
"Crosoft!!"
"Hay naku mga anak! 'Yang Mommy n'yo kunwari lang 'yan conservative pero deep inside manyak din 'yan. Kita mo nga oh, naging apat kayo – aray!! Cam!" Natawa silang lahat nang kurutin ni Mommy si Daddy at pinaghahampas pa ng unan. "Ano ba naman Cam! Hanggang ngayon ba loving is hurting parin ang motto mo? Ray ko naman!"
"Huwag kayong maniwala sa Daddy n'yo! Siya ang naunang humalik sa aming dalawa!"
"Eww!! Daddy ikaw naman pala ang may malisya kay Mommy eh!" si Paper.
"Tompak! Iniyakan nga niyan si Mommy." Dagdag pa ni Font.
"Ba't wala akong alam?" ni Print.
"Pa orient ka din minsan."
"Pack juice naman oh! Sige pagtulungan n'yo ko! Awat na nga." Umayos ng upo ang Daddy nila. "Basta, ito lang sasabihin ko sa inyo. Mahalaga ang bawat oras at pagkakataon. Huwag n'yong takbohan ang isang bagay na hindi pa kayo sigurado. There are times that doubts and fears kills all the good opportunities we all deserved to have. Give yourself a time to weigh both things before making a decision. Open yourself for changes. Although sometimes, it may bring you happiness and pain but never forget the lessons you've gained from that experience."
Silence.
"Okay, sige, mag-nobena na tayo."
"Dad!!"
"Haha, ang mga batang 'to! Huwag puro reklamo. Si Text nga saulado ang lahat ng misteryo ng rosaryo."
"Dad anong connect?"
"Itanong mo sa teacher mo."
"Haha,"
Inakbayan siya ng Daddy niya at palihim na binulungan. "Give the guy the chance. Hindi lahat ng tinawag NIYA ay ibinibigay niya ng ganoon na lamang. Text is a special child."
Bakit iba ang dating ng special child sa akin?
"I mean, he's special."
Hayun naman pala!
"'Yang mga bulungan n'yong ganyan Crosoft ha!"
"Ito namang mahal ko selos agad. Hayaan mo mamayang gabi higit pa sa bulungan ang gagawin natin."
"Ewww Dad!" sabay nilang sigaw.
"Mga batang 'to! Wala kayong allowance kapag 'di n'yo sauludo ang Padre Nuestro!"
"Ano 'yon Dad?"
"Hay naku! Spanish ng Our Father! Hala, simulan n'yo ng magdasal in Spanish. Switch language na tayo simula ngayon! Me entiendes?!"
"Que horror!"
"Haha!"
"SO what's our first bucket list?"
Nag-isip si Danah. Oh well, naisip niyang tama ang Daddy niya. She should give Text a chance. Wala namang mawawala, diba? Sa ngayon. Pero mamaya niya na 'yon iisipin.
"Do you have facebook?" umiling ito. "Instagram?" umiling ulit ito. "Twitter? Snapchat?" Umiling ulit ito. She sighed. "Are you even human?"
"In all God's grace he made me human."
"Wala ka man lang social media? How do you even communicate with people?"
"Grabeh ka naman, kung magsalita ka diyan para akong alien."
"I mean, seriously? Bakit?"
"I just don't like. Aside from that, in social media you are susceptible to a lot of temptations. Hindi sa paranoid ako, ha?"
"Inferness hindi halata,"
He chuckled. "Seriously, wala din naman talaga akong time para gumawa or mag-update so why make an account, diba? I only have gmail account. Hindi rin ako makagamit since in seminary naka-block lahat ng social media aside from google and other educational sources."
"Alam mo ang tingin ko sayo ngayon?"
"Ano?"
"Ang boring ng life mo! Akin na nga 'yang notebook. Isusulat ko ang unang bucket list ko for you." Kumunot ang noo nito.
"Ano?"
"Be human!"
"Tao naman ako ah!"
Text and Danah's Bucket List
Join one social media you can update (Be Human Text!) . . . . . . . . .
"Oh c'mon! Ang pangit naman ng unang inilista mo."
"Maganda 'yan oy! Ano bang hilig mo? I'll create an account for you. Facebook? Twitter? Instagram? Snapchat?"
"Fine! Pick anything. Wala naman akong alam diyan."
Natawa siya sa reaction ni Text. Mukhang stress na stress sa unang bucket list.
"Alam mo ang OA mo. Para social media lang. Oo sige, gagawan muna kita ng instagram. Ikaw na bahala kung anong picture ang gusto mong i-post. Pahiram ng phone mo." Inilahad niya rito ang kamay. Napakamot ito sa noo. "Oh bakit?"
Hindi siya nito pinansin.
Text slid his hand on his jean's pocket. At ganoon na lang talaga ang panlalaki ng mga mata niya nang iabot nito sa kanya ang simpleng cell phone nito.
"Ano 'to?!"
"Grabeh ka naman, cell phone 'yan 'noh. Maliit nga lang at walang camera."
"Paano kita gagawan ng instagram sa ganito?"
"Eh kaya nga, simple life, diba? Alangan namang abutan kita ng Iphone?"
Natutop niya ang noo.
This guy is too good to be true!
"Alam mo?"
"Na ano? 'Di na naman ako tao?"
"Tao ka. Taong gubat."
"Grabeh ka,"
My Merry Christmas Update! Hope you enjoy! Bigla akong nabuhayan sa kwento nila Danah at Text! Woo! Thanks for waiting! Hope to read all your comments for this update! Anyway, this is Text's new instagram account. #testdesilva
Ps: Ang gwapo niya talaga eh!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro