Chapter 5
Danah puffed her cheeks. Matamang nakatitig lang sa kanya si Text. Nasa isang coffee shop sila. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip nito. Ni wala wala man lang siyang mabasa sa mukha nito. Nakakainis talaga. Angelic face na blank face.
Hindi parin siya umaamin na 'di talaga siya buntis simula pa noong nasa principal's office pa sila dahil sa kalokohan niya. Buti na lang nagkalinawan agad kung 'di sa kalye na lang magtuturo si Text. 'De loaded na naman ng combo ang konsensiya niya.
"Are you really pregnant?" mayamaya ay basag nito.
Matapang na tinignan niya sa mata si Text.
"Hindi." Diretsa niyang sagot.
Wala paring nagbago sa expression nito. Pero kahit ganun paman. Alam niyang may pagbabago sa nararamdaman ni Text sa loob-loob nito. Magaling lang talaga itong magtago ng emosyon. Ganun ba talaga ang mga soon to be priest? Mahaba ang pasensiya at sobrang lalim ng balon ng pagtitimpi. Wow, ha.
Kung sa iba niya 'yon ginawa baka sinipa na siya sa kabilang planeta o kung hindi ay minura na nang sagad sa dibdib at likod 'yong tipong bubutas talaga ng wagas sa katawan at sisira sa sistema ng degistive system. De wow! Ano 'yon?
"Bakit ginawa mo 'yon?"
"Eh kasi... wala lang. Trip ko lang."
"Alam mo bang hindi maganda ang ginawa mong 'yon?"
"It's not like I mean all of those. I was just kidding. And it's not like sobrang bobo nila para malaman na 'di naman talaga ako estudyante doon."
"It's still not a good thing." This time may tuno na nang disappointment ang boses ni Text.
Nag-panting ang tainga niya. Sino ba kamo ito para pagalitan siya. Hindi porket may nangyari sa kanila makakaya na nitong tratohin siya na parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala. Umayos siya ng upo.
"Bakit ba?" mataray niyang sagot. "Sino ka ba para pagsabihan ako? Hindi mo ako estudyante. Hindi mo ako girlfriend, asawa, anak, at higit sa lahat wala ka pang naiambag sa buhay ko."
"Kailangan ko bang maging SINO para lang mapag-sabihan ka? Yes, we are completely strangers, but that doesn't mean na hahayan lang kita sa mga ginagawa mo lalo na't alam kong mali 'yon. Sino ang magtatama sa'yo?"
"Dinala mo lang ba ako dito para pagalitan?"
"You act like a kid."
"Eh ano naman sayo? Ngayong alam mo na na ganito ang ugali ko might as well na tigilan mo na lang ako. Bumalik ka nalang ng seminaryo at kalimutan ang lahat nang nangyari dahil lahat ng 'yon ay aksidente lang. Walang may gusto nun."
"That's why you're acting like a spoiled brat? You're giving me that bad impression to push me away. Ganun ba 'yon, Danah?"
"Alam mo, kung wala din naman tayong pag-uusapan na maganda mabuti pang-umuwi na lang ako. Kasi mai-i-stress lang ako sayo. Magkaka-uban ako ng neon pink sayo." Tumayo na siya at walang pasabing nag-walk out. Bahala siya sa buhay niya!
....
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Danah.
"Hoy!" nagulantang siya nang pabagsak na naupo si Pepsy sa tabi niya. Sa inis ay inirapan niya ang kaibigan. Natawa lang ito. "Ay ang taray. Kay aga-aga nag-iigib ka sa malalim na balon ni Sadaku. 'Te, 'yan na ba ang resulta sa kalokohan mo sa gwapong teacher doon sa ICA?"
"Huwag mo kong kausapin."
"Sabi ni Colt saken mukhang mabait naman daw ang teacher na 'yon dahil pinagtakpan ka pa. Ay ang bongga. Sayang lang at 'di ko nakita in person. Sobrang gwapo ba talaga? May abs? Ilan?"
Danah gave Pepsy a deadly glare. "'Te ang tsismosa mo. Huwag mo nga akong asarin. Wala ako sa mood."
"Ay ang hard. Ewan ko sayo."
Umalis sa tabi niya si Pepsy. Napabuntong-hininga si Danah. Tatlong araw na ang lumipas simula nang mangyari 'yon. Nainis na yata si Text sa kanya at 'di man lang ito nagparamdam sa kanya. Pero ito siya umaaktong big deal sa kanya ang pandi-deadma sa kanya ni Text. Dapat nga maging masaya siya, diba? Kasi tinigilan na siya ng lalaki.
"Aish!" napapiksi siya sa inis. "Ano bang pakialam ko sa kanya?!" maktol niya sa kawalan.
Pinalubog niya ang sarili sa sa sofa. Aaminin niya medyo na konsensiya din naman talaga siya. Naisip niya na mali naman talaga ang ginawa niya. Mabuti na lang at 'di siya nakilala ng mga taong nandoon kung hindi headline na siya sa mga dyaryo ngayon. Mapapatay siya lalo ng Daddy niya.
Hindi niya pa naman gusto ang nada-dyaryo lalo na't tsismis lang ang laman. Kaya nga hindi siya naging artista katulad ng Daddy niya. Makapal lang ang mukha niya pero hindi niya feel ang maging celebrity. Magulo ang buhay sa showbiz. Mas gusto n'ya ang simple.
Hindi naman sumikat ang My4ever dahil sa anak siya ng isang Crosoft D'cruze. Nagawa niya 'yong paunlarin sa tulong ng mga kaibigan at sa sariling sikap. Kaya malakas ang loob niya na ipagmayabang ang My4ever na sa kanya. Ibinuhos niya ang oras sa kung ano na ngayon ang My4ever.
Kaya minsan, nasasaktan siya kapag sinasabihan siyang spoiled brat. Sa mata ng tao halos nakukuha niya ang lahat pero kung alam nila kung gaano niya pinaghirapang makuha kung ano man ang meron siya ngayon. Sadyang suportado lang talaga siya ng mga magulang niya. At close siya sa daddy niya. Pero sa daddy lang naman siya umaaktong spoiled. Kaya nainis rin siya kay Text nang sabihin nitong umaakto siyang bata.
Nainis lang naman siyang makita na nakikipaglandian ito sa ibang babae. Oo, malaki ang tutol niya sa kagustuhan ni Text na pakasalan siya. Syempre, hindi niya naman kilala ang lalaki. Kahit na sabihin na may nangyari na sa kanila ay hindi naman 'yon sapat para pumayag siyang magpakasal rito.
Marriage is very important to her. Hindi lang 'yon isang simpleng bagay na madaling oo-han at hindian. Na kapag nasubo muna pwede mo lang isuka. It's a commitment that would last forever. Hindi 'yon dapat minamadali. Hindi lang isang pucho-pucho ang pagpapakasal. Aside sa nakaka-stress ang annulment aksaya pa 'yon sa oras at yaman.
"Ahem," naputol ang pag-iisip niya nang may tumikmik.
Nakasilip ang ulo ni Pepsy sa glass door. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang kakaibang ngiti nito sa mukha. Para bang nagpipigil ng tili.
"What?!" taas kilay niyang tanong.
"May bisita ka,"
"Sino?"
"Ang teacher mo," naitakip nito ang dalang clipboard sa bibig nito habang humahagikhik. "Labas ka na diyan hija, masamang paghintayin ang guro." Kinindatan pa siya nito bago isinara ulit ang pinto.
Ang teacher ko? Sino? Tumayo na siya at lumabas ng lounge. Pababa na siya sa swirl styled stairs nang mapansin niya ang nakatalikod na lalaki sa ibaba. Nasa baba na siya ng hagdan nang humarap ito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Text.
Napalunok siya. Seryoso parin ang mukha nito. Okay, babalik na lang ulit siya sa taas. Mabilis na tinalikuran niya ito nang mahawakan agad ni Text ang isang braso niya. Napangiwi siya nang pihitin siya nito paharap.
"I'm not letting you go this time," napalunok ulit siya habang titig na titig sila sa isa't isa. Inilapit pa lalo ni Text ang mukha sa kanya. "Stop running away Danah."
"S-Sino bang may sabi sayong... s-sayong tinatakbuhan kita! Bitiwan mo nga ako!" inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa isang braso niya. Pero ang hudyo lalo lang diniinan ang pagkakahawak sa kanya at walang pasabing hinila na lang siya bigla palabas ng pinto. "H-Hoy! S-Saan mo ko dadalhin!"
"Sa tahimik na lugar."
"Saan 'yon?! Hoy loko ka! Ayoko ng tahimik!"
"Gusto ko ng tahimik!"
"Ayoko nga eh! Pepsy! Pepsy! Langya ka Pepsy magpakita kang bruha ka!" tili niya.
....
Literal na napanga-nga at napakurap-kurap si Danah.
Seriously? Ganoon na ba talaga ako ka makasalanan sa mata ng lalaking 'to? Ibinaling niya ang tingin kay Text.
"Anong ginagawa natin sa simbahan?"
He tilted his head. "Mangungumpisal ka." Lumipat ito sa likod niya at nagsimulang itulak siya papasok ng simbahan. "Sa tingin ko kailangan mo na 'yon."
"Hoy! Baliw ka! Hindi naman ako ganoon ka makasalanan."
"Oh bakit? Sinabi ko bang makasalanan ka? Hindi mo naman kailangang maging makasalanan para lang mangumpisal."
"Kahit na!"
"I wont take no for an answer." Tumigil sila. Pinihit siya ni Text paharap rito. Niyuko siya nito. This time may naglalarong ngiti sa gwapo nitong mukha. Darn that innocent angelic face of yours! Na saan ang hustisya! "We'll talk after."
"P-Pero –"
"I already said it Danah, no buts. Now go, naghihintay na sayo si Father."
Danah made a face. "Sasabihin ko to sayo. Gagawin ko 'to 'di para sayo kung hindi para kay Lord. Kaya huwag kang assuming. At saka... kakakumpisal ko lang..."
"At kailan naman 'yon?"
"L-Last year,"
Natawa ito bigla. "Now I think, you badly need salvation."Napamaang siya sa sinabi nito. Talaga naman! He suddenly messed up her hair. "Go, I'll wait for you here, baby."
Baby?! Did he just called her Baby? Bakit parang feel na feel niya naman masyado? Nah, hindi! Hindi! Hindi! Nababaliw lang ako. Wala 'yon. Danah focus! Right, tama. Napangiwi siya sa isip. Parang tin-ranslate niya lang.
"Hmp! Wala akong paki. Kahit maghintay ka pa ng 1 million years."
"I wont mind," he shrugged, not tearing a smirk on his face. "I can wait forever."
"Walang forever!"
"Meron, huwag kang bitter." Pinihit ulit siya nito papasok ng simbahan. "Hala, magbagong buhay ka na." Natatawang sabi nito.
"Ewan ko sayo!" mahina niyang sigaw.
....
Pinatay ni Text ang makina ng sasakyan pagkatapos mai-park ang sasakyan nito sa parking lot ng Jollibee. Tinaasan niya naman ito ng kilay. Hindi naman siya na informed na maka-Jollibee ang anghel na 'to. Malamang Danah, hindi pa kayo close.
"I'll treat to lunch," nagulat siya nang dumukwang ito para tanggalin ang seatbelt niya at habang ginagawa nito 'yon ay inangat nito ang mukha sa kanya. Napalunok siya. Nawiwili na talaga siya inosenteng mga mata ni Text. Wala na talaga siyang makapang hustisya sa mundo. "Okay lang ba sa Jollibee?"
"Alangan lumipat pa tayo," mataray niyang sagot. Kahit na iba na ang naidudulot ng tingin nito sa buong sistema niya. "Okay na rin, libre mo naman."
Lumayo ito at natawa. "You're really cute."
"Kuya, alam ko na 'yan. Since birth." Iningusan niya ito bago lumabas ng sasakyan. Nauna siyang naglakad papasok sa Jollibee pero madali naman siyang nakaagapay sa kanya si Text at bigla nalang siyang akbayan. Nagulat siya kaya naingat niya ang mukha rito. "Ang kamay mo po." Taas kilay niyang sita. Pero ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya. Aish! Ewan.
"Alam mo minsan Danah, bawasan mo 'yang ka tarayan mo. Hindi 'yan makakatulog sa pagtangkad mo."
"Mukha mo! Hindi na ako tatangkad."
Text chuckled. "Tatangkad ka, trust me."
"Bakit ang positibo mo sa buhay, ha? Hindi na ako tatangkad. Lagpas na ako sa 18 kaya wala na akong pag-asa."
"'Yan ka, napaka-nega mo sa buhay."
"That's reality,"
"Nope," sinilip nito ang mukha niya. "It's pessimistic, baby."
"De wow!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro