Chapter 4
Pepsi san ka na bruha ka? - Danah
Send to Text's number.
Para namang baliw na napangiti si Danah sa kawalan. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Text kung saan siya nakatira. Hula niya ay baka nakita nito ang mga ads ng My4ever Wedding sa mga magazines. Kung hindi naman doon ay baka sa recent family cover issue ng pamilya nila sa Style Philippines. De wow! May alam pala ako. Tangeks!
Basta naiinis siya dahil 'di man lang ito nagpaparamdam sa kanya simula nang pumunta ito sa bahay nila. Bigla na lang nag-disappear ang mabait na alien. 'Ni hindi man lang nadalaw sa office ng My4ever. Tinignan niya ang screen ng phone niya. Lalo lang siyang nabanas. Hindi man lang nag-reply ng wrong send ka at who u?
"'De huwag kang mag-reply!" singhal niya sa pobreng cell phone na hawak.
"Hoy bruha!" naingat ni Danah ang tingin sa kaibigang si Pepsy. May hawak itong dalawang orange clearbooks. Mahilig ito sa kulay orange. Hardcore orange lover. "Nababaliw ka na ba?"
"Hindi pa," nakasimangot na sagot niya.
Matalik na kaibigan niya si Pepsy since high school. Pagkatapos nilang mag-college ay naisipan nilang magtayo ng business na 'di naman masyadong related sa kursong kinuha nila sa University of St. Benedict (USB). Nakatapos siya ng Communication in Multimedia Arts samantalang Education naman ang tinapos ni Pepsy. Medyo nagamit rin naman niya ang natutunan niya sa multimedia.
Kung ang mommy niya magaling sa pagsusulat ng mga horror movies. Siya namang kinabaliktaran niya. Mas nahilig siya sa mga cheesy at romantic na kwento. She's not good in writing cheesy love stories pero nakakagawa naman siya ng mga unique at unforgettable wedding concepts.
At since hopelessly romantic din ang bestfriend niyang si Pepsy ay ginawa naman nitong part time ang pagtuturo at mas naging hands on sa pagiging wedding event organizer ng My4ever. Siya naman, mas naging hands on sa mga pre-wedding photographs. Personal na siya ang hahawak sa camera at kukuha sa mga shots. Sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang nabaliw sa photography. Si Font sa paintbrush. Si Print sa sewing machine. Si Paper sa mga pogay na mga kaklase.
Minsan iniisip niya na bakla si Print. Pambabae kasi lahat ng mga drawing nitong designs. Pero ang loko nang tapatin niya sinuntok siya sa panga. Nabanas siya sa kapatid kaya itinali niya sa gate ng bahay. Busit din ang 'sang 'yon eh. Masamang magtanong?
Ang kapatid niya namang si Paper 'di niya alam kung talento ang pagkabaliw nun. Hina-hunting ba naman lahat ng Pogay sa buong mundo. Gusto daw kasi makapag-asawa ng kagaya ng daddy niya. Well, goodluck nalang sa kanya at nag-iisa lang 'yang Daddy nila.
"Kabanas!" sabay na napatingin sila ni Pepsy kay Colt. May nakapatong na tuwalya sa ulo nito. Ang tuwalya ni Colt laging nasa ulo nito 'yon. Hindi nito 'yon tinatanggal. Ewan anong konek nun sa utak nito. "Ang sakit na nang mata ko!" Kinusot-kusot nito ang mga mata.
Colt is another friend of ours. Nakilala nila ito noong nagsisimula palang sila ni Pepsy. He's the My4ever official wedding cinematographer. Meaning, siya ang taga-edit at kumukuha ng mga pre-wedding videos for trailers at sa mismong event na talaga. Wala gaano itong ikuno-kwento sa kanila tungkol sa buhay nito. Okay lang naman, wala din naman silang pakialam. Mabait naman ito. Weird nga lang. Saka ang importante tatlo silang yumayaman. Three years na ang My4ever at sa tatlong taon na 'yon ay marami na silang naging kliyente. 'De wow! Lumalaban.
"Hoy Colt 'yong wedding trailer nila Bebe at Jun-Jun na saan na?!" duro ni Pepsy.
"Langya ang sakit sa mata ng mukha ni Jun-Jun. Ang hirap tapusin." Umupo ito sa tabi ni Danah. Nasa private lounge silang tatlo ng My4ever. Exclusively ay sa kanilang tatlo lang 'yon. "Para akong nanonood ng horror."
"Mukha mo Colt!"
"Oy Colt," salita niya. "Huwag kang ano diyan. Ang importante ay nagmamahalan sila."
Isa sa mga requirement nila sa My4ever bago nila tanggapin ang event ng client ay makita nilang nagmamahalan ang magpapakasal. Kasi nga My4ever ang mga taong totoong nagmamahalan. So far, wala pa namang naghihiwalay sa mga naging clients nila.
"Oo na po," itinaas ni Colt ang dalawang kamay. "Tataposin ko na 'yon mamaya. Patulugin n'yo muna ako. Okay, goodnight."
"Aish, kahit kailan napakabatugan mo." Si Pepsy.
Naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya. Mabilis na umayos siya ng upo at sinilip ang screen ng cell phone niya. Number ni Text ang naka-register. Pasimpleng ini-swipe niya ang screen para mabasa ang message nito.
Dear friends, let us love one another, for love comes from God. Everyone who loves has been born of God and knows God. 1 John 4:7 - Text
Muntik na siyang mahulog sa sofa na kinauupuan niya. Literal na napanga-nga siya sa naging reply ni Text sa kanya. Seriously? 'Yong totoo?
"Hoy Verdanah na baliw ka na naman diyan!" basag ni Pepsy.
"Mababaliw ako sa 'sang 'to." Usal niya.
"Sino ba 'yan?!"
Inililigpit na ni Text ang gamit dahil 5 minutes na lang at dismissal na ng mga estudyanteng tinuturuan niya. Christian Living teacher siya sa isang sectarian private school na 'yon. Ang Immaculate Conception Academy.
"Any question?" tanong niya habang nagliligpit.
"Sir!"
Inangat niya ang tingin sa babaeng estudyante na nagtaas ng kamay. Umayos siya ng tayo at ngumiti.
"Yes, ano 'yon Jen?"
"Sir bakit ang gwapo n'yo?"
Natawa naman siya sa tanong ng estudyante. Nagsimula naman ang tawanan at tuksuhan ng ibang mga kaklase nito.
"Bukod doon,"
"Sir!" may isang estudyanteng nagtaas ng kamay nito. "Sir may tanong ako."
"Ano 'yon Des?"
"Sir out of topic 'to pero gusto ko lang naman malaman ang side n'yo." Tumango siya. Napagtuloy ito. "Ganito po, paano kung may maka-imbento ng isang potion na 'di ka na maiinlove sa taong gusto mo. Tapos maraming may gusto nun kasi nga para 'di na sila masaktan pa. At nag-agree ang government dahil mas magiging focus ang mga kabataan sa studies nila at maiiwasan ang depression which could lead to suicide. Anong say n'yo?"
Napaisip si Text saglit. Lumipat siya sa harap ng teacher's table.
"Well, para sa akin. Ang pagmamahal parte na 'yan ng pagkatao natin. Normal na kapag nagmahal tayo nasasaktan talaga tayo. Dahil 'yon ang pagmamahal. May nasasaktan at may taong dahilan kung bakit sila nasasaktan. Minsan kailangan nating masaktan para magising sa tayo sa katotohanan. Minsan kailangan nating masaktan para sa kaligayahan ng iba. Because in love, we don't always have this happiness we all dreamed about. It's always the other side of it. 'Yong side na tama sa lahat."
"But sir, what about those people who couldn't bounce back from heart aches?"
"Iniisip lang nila na hindi, pero kaya nila. They just have to let go."
"Mahirap pong mag-let go Sir. Lalo na kapag love mo."
"Dear, everything is not easy. Kailangan mo lang na mahalin ulit ang sarili mo. Paano? Seek God for guidance. Okay, tama na. Nagiging-hyper talaga kayo kapag love-love ang topic."
Nagtawanan ang lahat.
"Sir last," ni Des.
"Okay, last na. It's almost time."
"Sir para sayo, okay po ba kayo sa potion na 'yon?"
"No, feeling pain is part of being human. Without those pain we couldn't learn anything in life. Kapag nasasaktan tayo doon lang tayo nagigising sa mga kamalian natin. And love, para 'yang utak. Kapag namatay ang utak mawawala lahat ng kakayanan ng katawan mong gawin ang kung ano mang gusto nito. Same in love, hindi mo masasabing ang kakayanin lang ng puso mong mahalin ang opposite sex ang mawawala. Dahil ang pagmamahal ay parang utak. Kapag pinatay mo ang kakayanang magmahal ng isang tao. Para mo na ring inalis ang kakayanan nilang mahalin ang pamilya, kaibigan, at kung ano mang bagay na mamahalin nila. 'Cause falling in love with someone is only a part of what we called love."
Tumunog naman ang dismissal bell.
"Class dismissed."
"Colt bagay ba saken ang uniform ng ICA?" umikot si Danah sa harap ni Colt. "Alam mo ba akala nila high school pa ako nang lumabas ako sa CR kanina."
"Feeling mo naman masyado." Marahas na inabot ni Colt sa kanya ang dslr camera. She glared at him. Kahit kailan napaka-ampf nito. Walang feelings! Bato! "Mag-trabaho ka nga." Saka siya nito iniwan.
"Hoy Colt para kang kanta ni Charice na Pyramid."
"Wala akong paki!" kinawayan lang siya nito patalikod.
"Stones! Ang English sa bato is STONES!" kanta niya. "Ang bato mo tamaan ka sana ng mga bato! Gumawa ka ng sariling pyramid!" Nai-stress talaga siya ng bongga sa lalaking 'yon.
Ganito talaga siya kapag schedule ng pre-wedding shoot. Nakikisabay siya sa theme ng ikakasal. Mas nafi-feel niya ang love kapag ganun. Tama, ganun siya ka weird. Inis na inayos niya ang bangs pagkatapos ay ikinuwentas na niya ang dslr camera.
"Makapag-trabaho na nga!" nag-martsa na siya palapit sa couple na naghahanda sa di-kalayuan. "Tama Danah, ang importante mahal tayo ni Lord. Go!" Tamakbo siya. "Let's start!"
Uwian na nang mga estudyante nang matapos ang prenuap shoot. Napagod siya ng bongga pero nag-enjoy rin naman siya sa pagkuha sa throwback love story ng couple-client nila. Para na rin niyang nasaksihan ang real love story ng dalawa. Kinilig naman siya. Rare lang kasi ang isang high school sweethearts na magkataluyan talaga. Kaya lalo lang niyang na appreciate ang love story ng clients niya.
Wait! May naalala siya. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng skirt niya. Napasimangot naman siya. Wala na namang text ang lalaking 'yon. Natigilan siya. Bakit ba big deal sa akin ang text niya? Eh sa totoo naman wala naman itong halaga sa buhay niya. Hindi niya naman ito boyfriend. He was just a stranger. Na sa kamalasmalasan ang nakakuha ng tanging yaman niya.
"May pa try me, try me, pa 'yong gagong 'yon! Eh na saan na ba 'yong willing akong pakasalan?!"
"Ano ba 'yan," napatingin siya sa nag-salita. Sa tingin niya ay magulang ito ng isa sa mga estudyante sa ICA. Nakataas ang kilay ng ginang sa kanya. "Kabata-bata gusto ng magpakasal. Landi."
Napamaang naman talaga siya. De wow! Babatuhin niya sana ng camera ang ginang pero naisip niyang bad 'yon kaya binelatan niya na lang. Ate 23 na ako! Pwede na akong magpakasal! Umayos siya ng tayo. Nangati tuloy ang ulo niya.
At lalo lang nangati ang ulo niya nang makita niya sa pathway si Textfor Jacob Silva na may kasamang babae. At sa uri ng ngiti ni Text sa babae ay parang nag-i-enjoy pa ito sa kung anong pinag-uusapan nila.
So kaya pala hindi ka nagti-text kasi may ka talking ka? So ganun? Kakalimutan mo na ang pananagutan mo sa akin? Puwes! Humanda ka.
Inayos niya muna ang buhok at uniform.
Patay ka saken ngayon!
Inis na nag-martsa siya palapit sa dalawa. Nagulat at natigilan pa ang dalawa nang humarang siya sa harap. Inangat niya ang tingin kay Text na mukhang nagulat pa. Okay chill ka lang diyan Kuya. Nag-change siya ng expression. Paawa effect. Buti na lang namana niya ang pagiging-OA ng daddy niya.
"Sir,"
Hindi niya alam kung teacher si Text sa eskwelahan na 'yon at wala siyang paki dahil naiinis siya. Mukha din namang teacher din ang kasama nitong babae dahil magkasing-kulay sila ng uniform.
At kung bakit dito sila nagkatagpo? Ay problema na 'yon ni Destiny.
"Sino ka?" masuyong tanong ng kasama nito. "Hindi ka pamilyar saken? Bago ka ba?"
Hindi niya pinansin ang babae.
"Danah?"
"You know her Text?"
"Sir," ulit niya. "Buntis ako. Panagutan mo ako!"
Thanks for reading Sweet Accident! Comments?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro