Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


Nabitin ang paghikab ni Verdanah nang maabutan niyang nakadungaw ang pamilya niya sa bintana sa sala. Kumunot naman ang noo niya. Ano namang ginagawa ng mga ito? Lumapit siya at nakisilip rin. Minsan talaga united 'tong pamilya nila pagdating sa pagka-usisiro.

"Sabi ko naman sayo Papel na magbalik loob ka na sa Panginoon." Natatawang siko ni Print sa kambal nitong si Paper. "Sungay mo oh halata na."

"Mutant ako, 'di ako demonyita." Inismiran ni Paper si Print.

"Matagal na akong nagbalik loob kay God." Singit naman ng daddy niya.

"Mukha mo Crosoft," na binara ng mommy niya. "Sino ba 'yang lalaking kanina pa nakatingin sa bahay natin? Baka naman stalker mo 'yan Crosoft." Tinaasan ng kilay ng mommy niya ang daddy niya.

"Hoy Cam! Nagbagong buhay na ako, huwag kang baliw diyan. Kinikilig ako kapag nag-seselos ka -" biglang niyakap ng daddy niya si mommy. "Ayiee, ayaw pa umamin kinikilig ka rin diyan."

Iniumang ng mommy niya ang hawak na tinidor sa daddy niya. "Maglaba ka dahil wala kang trabaho ngayon!"

Imbes na matawa ay lalo lang kumunot ang noo niya. Napaisip siya bigla. Ano ba ang tinitignan nila sa labas at napunta sila sa issue ng pagbabalik loob sa Panginoon? She stood on her toes so she could see a better look at what they are looking. Sinubukan niyang i-zoom in ang mga mata ng bongga.

May lalaking naka-itim sa labas ng bahay. Kitang-kita 'yon mula sa puwesto niya dahil elevated ang bahay nila. Kumunot naman ang noo niya. Ano namang ginagawa ng isang pari sa labas ng bahay nila?

Medyo pamilyar sa kanya ang mukha at tindig nito. Bigla namang pumasok sa isipin niya ang hubad na katawan ng lalaking nakilala niya sa bar. Huwag mong sabihing... Nanlalaki ang mga matang ibinalik niya ang tingin sa lalaki. Pinakititigan niya ito ng mabuti. Mula ulo hanggang paa.

Napasinghap siya sa gulat.

That handsome tempting innocent face! Napatingin naman ang lahat sa kanya. Naloka na! Anong ginagawa ng lalaking 'yan sa bahay namin?

"Danah," seryosong tawag sa kanya ng daddy niya.

Napalunok siya.

"Dad?"

"Do you know him?"

"Ah - eh ... parang?" napangiwi siya sa isip. Shokoy naman oh! "Dad, let me explain."

"It's okay Danah," kumunot ang noo niya. "Paminsan-minsan kailangan mo ring magbalik loob sa Panginoon."

"Eh?"




Mabilis na lumabas siya ng bahay. Panaka-nakang napapatingin siya sa bahay dahil alam niyang pinapanood siya ng magaling at supportive niyang pamilya. Hindi niya alam kung ikakatuwa niya ang isipang iniisip ng pamilya niyang demonyo siya at heto magbabalik loob na siya. 'De naloka pa siya!

She took a deep breath before opening the gate. Okay Danah, relaks ka lang. Okay, go! Binuksan niya na ang gate.

"Oh -" nagulat ito sa kanya. "H-Hi,"

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong niya. May ngiti pa 'yon na sobrang fake naman talaga. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa bahay. "Umalis ka na."

"Why are you whispering?" kunot-noong tanong nito.

Binalingan niya ang lalaki. "Whispering? Naku, 'di ako napkin." Umalis ka na kasi. Mapapahamak ako sayo nito eh. Wait! Ano 'yong sabi niya? "May sinabi ba ako?"

"Sabi mo hindi ka napkin."

"Right, wrong send."

"Ahm, about -"

"Naku! Kalimutan na natin 'yon. Move on be happy. Happy Birthday! Goodbye." Akmang tatalikuran na niya ito nang mahawakan nito ang isang braso niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapatingin rito. Bakit ba ayaw mong umalis?! "W-What?"

He let go of her arm. Sinundan niya ng tingin ang kilos nito. May kung ano itong kinuha sa sa bulsa ng pants nito. At sa gulat niya na hindi niya naman talaga napaghandaan ay bigla itong lumuhod sa harap niya. Nanlaki naman talaga ang mga mata niya. Mabilis na napatingin siya likod. Bukas na ang buong bintana ng bahay. Ang daddy niya mukhang tatalon pa yata sa bintana buti na lang at nahawakan ito ng mommy niya.

Napangiwi na siya sa isip. Muli niyang ibinaling ang tingin sa lalaki.

"I know, 'di natin kilala ang isa't isa. But I don't want to end that night with us forgetting each other." Hinuli nito ang tingin niya. "So... will you marry me Verdanah Dela Cruz?"

"It's D'cruze," pagtatama niya na may kasama pang-ngiwi. "And -"

"I'm sorry, uulitin ko na lang. Ah -"

"Tayo ka na diyan!" hinila niya ito patayo. "My gosh! Tumayo ka diyan parang awa mo na. Mapapatay ako ng daddy ko." Naiiyak na talaga siya. "Naman eh! Maloloka ako sayo ng maaga. Bakit ba biglang gusto mo na akong pakasalan?"

"So I can protect you."

Natigilan siya.

Matamang nakatitig lamang siya sa mga mata nito. Punong-puno 'yon ng sinsiredad at tumagos talaga 'yon sa kanyang puso. Mabilis na pinalis niya ang idea na 'yon.

"Tayo! Tayo ka diyan!"

"Verdanah Sophia D'cruze ipasok mo 'yan dito!" sigaw ng Daddy niya.

Now I'm dead!





Hindi maiwasang dumikit ni Verdanah ng konti sa binata. Katakot-takot naman talaga ang ibinibigay na tingin ng daddy niya. Hindi niya maiwasang mailang. Seryoso din naman ang tingin ng mommy niya. Pero kumpara naman sa tingin ng daddy niya mas may pag-unawa ito.

"Anong pangalan mo?" basag ng daddy niya.

"I'm Textford Jacob Silva."

"Ilang taon ka na?"

"I'm 25,"

"Alam mo hijo, wala naman akong problema sayo. Kaya lang..." Her daddy trailed off. "Malaki din ang takot namin sa Diyos. Pari ka at masyado yatang pang-teleserye ang kwento n'yo. Medyo makasalanan 'tong baby namin - "

"Daddy!" maktol niya.

"Hindi pa po ako pari, sir." Sagot ni Text. "Ex-Seminarian po ako."

Pinasadahan ng tingin ng daddy niya ang kabuuang anyo ni Text. "Ngayon ka lang naging ex sa bahay ni Bro?" suot-suot pa kasi ni Text ang seminarian uniform nito.

"Noong isang araw pa po. I didn't have the chance to change. Galing pa po kasi ako sa seminary dahil nakiusap ang superior ko na kung pwedeng sumama ako sa special choir ngayon."

"Ah," tumango-tango ang daddy niya. "Singer ka pala?"

Text nodded. "Opo sir,"

"Pwedeng pa sample?"

"Crosoft!" sita ng Mommy niya. Natawa naman ang tatlong kapatid niya. "Magtigil ka nga diyan."

"Ano ka ba naman Cam, masama bang humingi ng sample sa future son-in-law natin? Mga alagad tayo ng sining."

"Daddy anong connect?" bara ni Font.

"Shst, Font! Tumahimik ka. Alagad ka rin ng sining." Palm face!

"'De wow!" sagot ni Font.

"Danah," napatuwid siya ng upo. This time ang mommy niya naman ang seryoso. "Bakit ngayon mo lang pinakilala si Text?"

"Ah - eh," eh kasi naman 'di ko naman talaga kilala ang 'sang 'to.

"Ang totoo po niyan ma'am," marahas na napatingin siya kay Text. "Ngayon lang -"

"Ngayon!" sigaw niya. Napatingin lahat sa kanya. Hinawakan niya ang isang braso ni Text. "Mom, Dad, and siblings, pasensiya na at ngayon ko lang pinakilala si Text."

"Verdanah -" mariing hinawakan niya ang braso nito. May ngiting hinuli niya ang tingin nito. Tumahimik ka diyan at isasalba ko 'tong mag-isa. Makisama ka kung ayaw mong ibalik kita sa simbahan.

"Ganito kasi 'yon," simula niya. "May balak naman ho akong sabihin sa inyo ang tungkol samen ni Text pero nagdadalawang-isip ako kasi nga may balak siyang mag-pari. Syempre, ayoko namang makipag-kompitinsiya kay Lord kaya iniiwasan ko siya. Kaya lang ang kulit niya eh." Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Text. "Hindi pa naman talaga kami officially mag-on. Ewan ko ba sa kanya at heto gusto ng pakasalan ako."

"Ang haba ng hair ni ate," hagikhik ni Paper.

"Iba na talaga ang baby face!" segunda naman ni Print.

"Shst, tumahik nga kayo." Saway ni Font. "Masamang makisali sa usapan ng mga baby face."

"De wow!" Sabay na nag-thumbs down ang kambal.

"So hindi pa kayo talaga?" ulit ng Mommy niya.

Tumango siya. "P-Parang ganun na nga?"

"Danah umayos ka."

"Promise!" itinaas pa niya ang isang kamay.

"Fine," nakahinga na siya ng maluwag. "Hijo, kumain ka na ba?" pag-iiba nito.

"Hindi pa po,"

"Dito ka na mananghalian."





Pagkatapos mananghalian ay hinatid na ni Danah si Text sa labas ng gate. Medyo awkward nga lang at 'di naman talaga sila ganoong close nito. Imagined that?

"Why did you lie to them?" basag nito.

"Kapag sinabi ko ang totoo sa kanila tiyak ipapakasal agad ako sayo ni Daddy. At saka, ayokong maloka ng maaga."

"Tama lang naman na pakasalanan kita."

"Kuya naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?!"

"I know what I'm talking. Kasalanan ko kung bakit napunta tayo sa sitwasyon na'to. Kaya dapat lang na panindigan kita. Alam kong hindi pa natin ganoong kilala ang isa't isa pero willing naman akong mag-adjust para sa ating dalawa."

"'De wow! Pero ayoko parin." Tinalikuran niya ito.

"But I was your first." Natigilan siya. "At alam kong mahalaga din sayo 'yon. I know it's weird at gustohin ko man o hindi nangyari na ang lahat. Kung alam ko lang na may kung anong kabaliwang iniisip ang dalawang kaibigan ko I could have done something to stop them. For now, hayaan mo akong protektahan ka."

Hinarap niya ito. "Text wala na tayo sa panahon ni Maria Clara. Hindi na malaking issue kung mawala man 'yon. Kaya kung ako sayo mag-move on ka na lang."

"Para sayo madali lang 'yon pero sa akin hindi."

"Look," lumapit siya rito. "Alam kong hindi mo din naman ito gusto. Hayan na oh, binibigyan na kita ng pagkakataong bumalik sa dating buhay mo. Trust me, you'll thank me for this."

"Alam ko ang ginagawa ko. I'm still going to marry you."

"Well, alam ko rin ang ginagawa ko. I'm still not going to marry you."

"Makinig ka saken dahil mas matanda ako sayo."

"Kuya dalawang taon lang ang tanda mo saken."

Nagulat ito. Ano na namang issue ng isang ito?

"23 ka na?" 'di makapaniwalang tanong nito.

"Anong problema mo sa edad ko?!"

Napailing ito. "You look like an 18 year old girl."

"Kuya huwag kang ano at baby face lang ako!" Dahil mas matangkad si Text sa kanya ay kailangan pa niyang patalon na batukan ito. Hindi naman talaga siya kaliitan. Hanggang balikat lang kasi siya ng binata. At saka naiinis siya kapag napagkakamalan siyang bata.

Nagulat naman siya ng tumawa ito. Literal na napatunga-nga siya. Pati ba naman pag-tawa mukha parin itong anghel. Talaga bang may mga taong pinanganak na mukhang 'di kailanman makakagawa ng kasalanan. Para siyang nanununo. Ang sarap lang nitong titigan.

"You're amazingly cute and charming," nakangiting komento nito sa kanya. Bago pa siya makahuma ay niyakap siya nito. "Can I hug you like this?"

"Kuya nakayakap ka na," pambabara niya.

Hindi niya alam kung bakit kumabog ng mabilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba iba talaga ang epekto nito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi niya naman kilala ito pero magaan ang pakiramdam niya kay Text. Umiling siya. Hindi! Nababaliw lang ako.

"Hindi ko alam kung bakit gusto kitang yakapin."

"You're really good at flirting, alam mo ba?"

He chuckled. "I know that word, pero 'di ko pa nasusubukan 'yan."

"Kung hindi mo pa sinabi na ex-seminarian ka iisipin kong manyak ka." Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Nagkatitigan sila. "'Di nga, huwag mong sabihing ako ang dahilan kung bakit umalis ka?!"

"Well,"

"Textford Jacob Silva!"

"Verdanah Sophia D'cruze tumahimik ka na. Babalik na lang ulit ako."

"Ayoko! Maglalayas ako."

"Sige lumayas ka at 'dito na ako uuwi sa inyo."

"Hindi mo magagawa 'yon!" paghahamon niya.

"Try me," he smirked. Darn ang gwapo talaga! Kaasar. Unfair! "Anyway, pahinge ng number mo."

"0933 ikaw na ang mag-isip ng kasunod." Saka niya ito tuluyan na nilayasan. Mabilis na pumasok siya sa gate at isinara 'yon. Naisandal niya ang likod sa gate. Ewan ba niya at hindi niya mapigilan ang mapangiti. Naloloka na talaga siya.

"09322065591!" sigaw nito. "Call me! Bye."

Mabilis na kinuha niya ang cell phone sa bulsa para i-save ang number nito para lang matigilan. Wait, bakit parang ako pa 'tong excited? Idi-delete niya na sana ang number nito pero nagbago rin ang isip niya. Malay mo naman ma wrong send ako minsan.

Nakangiti parin siya nang makapasok sa bahay.

"Hoy!"

Nagulantang siya kaya napasigaw siya ng bongga.

"Daddy!" natutop niya ang dibdib.

"Gwapo nun," komento nito.

"Daddy ha,"

Inakbayan siya ng Daddy niya. "Total ex-seminarian siya wala ba siyang balak sumali sa SAF?"

"Sa SAF? Bakit naman?"

"Wala lang," he shrugged.

"Hay naku Dad," dumaan naman sa harap nila si Font. May dala-dalang isang gallon ng ice cream. "Maniwala ka diyan ate. Ayaw lang niyan ni Dad na makasal ka kaagad kaya didispatsahin niya na ang manliligaw mo."

"Shsts!" sita ng Daddy niya sa kapatid. "Bayaran mo 'yang ice cream."

"Dad alagad ako ng sining dapat pinapahalagaan ang bawat salita ko."

"'De wow! Pumasok ka na nga sa lungga mo. Magpakadalubhasa ka."

Akmang lalayasan na sila ni Font nang mag-salita ulit ito. "Dad, pahingeng allowance."

"Sure, punta ka sa Banko Sentral ng Pilipinas."

Kumunot-noo nito. "Anong gagawin ko doon?"

"Banko 'yon ng mga alagad ng sining. Doon ka magpakayaman."

"De wow!"

Palm face!


Any comments? Haha :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro