Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25 (Repost)

"HAY naku! Tama na nga 'yan Undong." Sita ng nanay ni Text. "Pahuway sad oy! Magpahinga ka dahil buong linggo kang may pasok at pati Sabado at Linggo pinapatulan mo na rin. Kumain ka na. May snacks akong hinanda. Makakahintay 'yang pader."

Natawa lang si Text sa ina. Kakauwi niya lang mula sa simbahan. Maaga siyang nagsimba para matapos niya na ang pagpipintura ng silid ng baby nila ni Danah. Napinturahan na niya halos kalahati ng silid ng pink. Balita kasi ni Tito Crosoft ay babae daw ang magiging anak nila. He couldn't hide his excitement. Sabik na sabik na siyang makita ang baby nila at si Danah.

This house is his surprise to her. Hindi pa nakakapunta si Danah sa bahay nila sa Maynila. Pinaayos niya lang ng kaonti para lalong gumanda. Babalik na kasi ang nanay niya sa Negros at doon and she will be staying their for good kasama na si Lola. Hindi raw para rito ang Maynila. At kahit na pilitin niya ang ina na manatili ay ayaw na talaga nito.

Tumatanda daw ito nang husto sa polusyon.

Bumaba siya ng step ladder. "Oo na po! Kakain na." Lumapit siya sa ina at iniyakap ang isang braso rito. Sabay nilang tinignan ang kabuoan ng silid. Napangiti siya. "Ganda 'di ba Ma?"

"Maganda nga! Ba't 'di mo ligawan?"

Malutong na natawa siya. "Ikaw talaga, Ma."

"Ikaw na bata ka, malapit nang matapos ang renovation ng bahay pero 'di mo parin nakakausap ang ititira mo dito. Aba'y para kang pagong sa kupad!" Pinalo siya nito sa balikat. Napaigik at natawa lang siya sa ina. "Kung hindi nadadala sa dasal aba'y paspasan na't baka makuha pa ng ibang kulot ang mag-ina mo. Ang apo ko! Aba'y ipapa-rebond ko talaga 'yang kulot mo Text kapag 'di ka pa kumilos."

"Ma, ako lang ang kulot sa buhay ni Danah."

"Siguro ngayon, pero sa kupad mo huwag ka nang magtaka kung may ibang kulot na sa buhay niya."

Nagulantang sila nang marinig ang malakas na pagkabog sa pinto sa ibaba. Nagkatinginan sila Text at ng ina niya.

"Gago! Buksan mo 'tong pinto n'yo kung ayaw mong pasabugin ko 'tong bahay mo Text!" Nanlaki ang mga mata ni Text nang marinig pagsigaw ni Danah. "TEXTFORD JACOB SILVA HUWAG MO AKONG TAGUAN AT PANAGUTAN MO AKO!"

"DANAH?"





NAHIRAPAN si Danah sa pagtunton sa bahay ni Text. Langya kasi at sobrang hirap hanapin ng village at isama pang nag-TAXI lang siya. Inaway pa niya ang gagong driver dahil inikot-ikot lang siya para tumaas ang metro ng bayarin niya. Banas na siya ng bongga!

"TEXTFOR –" natigilan at napaatras siya nang pagbuksan siya ng nanay ni Text. "M-Ma?" natabingi ang ngiti niya. Napangiwi siya sa isip. Hindi siya takot kay Text. Mas takot siya sa nanay nito.

"Sa susunod Danah. Kung pasasabugin mo ang bahay 'yong wala ako. Para 'yong anak ko lang ang mapaig – ang matusta." Nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya. It's a miracle! "Akyatin mo sa taas. Kinain na 'yon ng pintura." Tumabi ito at nilakihan ang bukas ng pinto.

"Salamat po Ma." Medyo 'di pa din talaga siya sanay na tawagin itong Mama pero masasanay din siya. For now, kailangan niya munang kausapin ang walangya niyang estranged husband to be. "Sige po." Nagmano muna siya bago tuluyang pumasok.

Dumeretso na siya sa hagdanan at inakyat si Text. Hindi nga lang niya gusto ang matapang na amoy ng pintura at sobrang gulo ng buong palapag. Kumunot ang noo niya sa mga di-plastic na mga gamit ng baby. May crib at kung ano pa na nakakalat.

"Danah huwag ka dito!" nagulat siya sa biglang paglabas ni Text mula sa nakabukas na pinto na may pader na kulay pink. Mabilis na tinakpan nito ang ilong niya at iginiya siya sa isa pang silid na lalong kinagulat niya. Mabilis na pinalis niya ang kamay nito. "Danah?!"

"Ano 'to?" manghang iginala niya ang buong tingin sa silid.

Hindi 'yon pang-isahang silid. It was actually spacious for a single person and with that queen size bed. The room was elegant and classy. 'Yong mga tipo niyang interior design para sa isang kwarto. Pero kung may nakaagaw nang sobra sa atensyon niya ay 'yong naka design sa isang gilid.

"Omg!" natutop niya ang bibig at mabilis na nilapitan ang pader sa gilid. "Text, p-paanong?"

Sa pader na 'yon, their photos where neatly hanged on the red strings. Each photos has its own caption. May mga sticky notes ding nakasabit with their own word of the day written on it. Mga punchline na binabato nila sa isa't isa. Hindi niya inasahang maalala pa 'yon ni Text. Oa na kung oa pero naluluha siya sa saya. Nagmukha nang timeline ng mga moments nilang dalawa ang bahagi ng pader na 'yon.

"T-Text?" naluluhang nilingon niya ito.

Ngumiti ito sa kanya. "Ginaya ko lang ang feed mo sa instagram. Gumawa ako ng sarili nating wall at isa-isang sinabit doon ang mga pictures na kuha natin. Para, lagi nating maalala kung saan at paano tayo unang nagkakilala at sana mapuno natin ang buong pader na 'to hanggang sa pagtanda natin."

Tuluyan na siyang naiyak. Grabeh siya oh!

"Nakakainis ka talaga eh! Bakit ka ba kasi ganyan? Nakakainis ka na Textford!"

Natawa lang ito sa kanya. "Mahal lang kasi kita."

"Naiinis ako kasi mas maganda ka pa saken!" natawa siya. Mukha na siyang tanga. "Idagdag natin 'yong selfie n'yo nila Daddy at Font. Tadan!" itinaas niya ang picture na nakuha niya sa Daddy niya.

"Argh!" he grunted. "Danah!"

Tinalikuran niya ito para sana isabit ang picture na 'yon nang maramdaman niya ang pagyakap nito sa likod niya. Hindi niya tuloy nagawang isabit 'yon.

"Text hokage ka na naman."

He slightly chuckled. Humigpit ang pagyakap nito sa kanya. Hindi naman ganoon kahigpit para masaktan ang baby nila. "I missed you."

"Parang pamilyar saken ang eksena na 'to?"

"Alam kong ang Daddy mo ang nagpa-uso nito kaya babaguhin ko ng konti."

Napasinghap siya sa gulat nang pihitin siya nito paharap rito at mahinang isinandal sa pader nasundan ng mga mata niya ang pagbaba ng kamay nito sa isang kamay niya. Mabilis at marahan na hinila siya nito payakap sa mga bisig nito.

"Ang dami mong ek-ek sa yakapan din pala tayo patungo."

"Sa simbahan. Sa simbahan tayo patungo." Inangat niya ang mukha rito. Nakangiting yinuko siya nito. "Mahal na mahal kita Danah. Paniwalaan mo sana 'yon."

Nagulat ito nang itulak niya ito bigla. "Explain!"

"Huh?"

"Wala akong pakialam kung paano mo i-explain 'yon. Basta magpaliwanag ka na bago ako pumayag sa wedding goals mo."

Nakangiting buntong-hininga ito. "Gusto mo mag-power point ako?"

"Ayoko, mag oral presentation ka. Gamitin mo 'yang bibig mo kung ayaw mong ibagsak na kita nang tuluyan sa puso ko. Start!"

"Oo na," nakangiting bumuga muna ito ng hangin. "Inaamin ko, ginamit kita para saktan at maghiganti kay Lyra. Pero hindi ko sinasadya 'yong nangyari sa atin noon. I have no idea with that at 'di rin sinasadya nila Pete at Jan ang nangyari. Pero sa tuwing nakikita kita 'di ko alam kung bakit nawawala lahat sa isip ko ang planong 'yon. It seems like, one look at you, every pain and anger vanishes away. Makulit ka. Maldita. Pero kahit na minsan nakakabanas ang ugali mo." Tumaas naman talaga ang isang kilay niya rito. Natawa lang ito. "At napapagalitan kita dahil mali naman talaga."

"Wow! Nangongorek ka ng mga kamalian ko pero 'di mo ma correct sarili mong kasamaan?"

"I'm sorry. I know, it's ironic pero 'yon talaga ang totoo Danah. Whenever I'm with you, you're uncounsioulsy bringing back the old Text – the real me. It's weird pero 'yon ang totoo Danah. You have this power on me na 'di ko maipaliwanag. Hanggang sa sumuko na ako, pinatawad ko si Lyra at ang sarili ko. Gusto kong magsimula ulit tayo dahil ayokong maging unfair sayo. Lalo na't inamin ko na sa sarili ko na mahal na kita."

"Kaya lang nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sayo ang totoo lalo na nang malaman ko na magkaka-baby na tayo. Alam ko kung gaano kabigat ang kasalanan ko sa'yo. Natakot ako na tuluyan na kayong mawala ng anak natin kapag nalaman mo ang totoo." He sighed. "Malaki din ang kasalanan ko kay Lyra dahil sa paglalaro ko sa damdamin niya. Nagalit din ako dahil pinangunahan niya ako pero alam ko na deserved ko din 'yon dahil pareho ko kayong pinaglaruan."

"Tungkol doon sa list, oo, akin 'yon. I made that for Lyra 3 years ago na 'di ko na tapos. Minahal ko si Lyra pero sinayang ko din 'yon at hindi ko siya masyadong pinahalagahan. Maybe ours wasn't really meant to be but we both gained a lesson in life. 'Yon ay ang pahalagahan ang bawat taong magmamahal sa atin nang lubos at mamahalin din natin. I'm not perfect Danah but I'm not proud of it. Mistakes and bad decisions may lead us to despair and anger but if you look at the other side of it, there is actually a reason in every bad decisions we had."

Tignan mo 'tong lalaking 'to. Mag-i-explain na nga lang akala mo sermon ng pari. Di ko tuloy maisip kung rumarason lang 'to o nagko-confess lang.

"Just don't repeat the same mistake again 'cause it's already stupidity." He grimaced for a second before his expression changed. May ngiti na sa mukha nito. "Kaya, sana, mapatawad mo ako Danah. Mahal na mahal kita. Takot na takot ako nang malaman kung nagbalik na si Blank. Pinapatay ako ng selos ko nang sundan namin kayo. Muntik na akong atakihin sa puso nang kausapin ko ang Daddy mo. God, I've went through that hell because I wanted to be with you. I wanted you to be my wife. I wanted to be the kind of father our little girl could be proud of when she grows up."

"Nagkamali ako. Nasaktan kita. Pero hayaan mong bumawi ako Danah. Hayaan mong mahalin ulit kita." Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at niyakap ito. Naramdaman niya ang pagkagulat nito. "Danah?" isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.

"Gago ka!" I sobbed. "Mahal na mahal kita! Sa tingin mo ba makakahanap ako agad ng kagaya mo? Hindi ka nga yata nag-i-exist eh."

"Grabeh siya oh!"

Natawa siya. "Totoo naman kasi eh! Nag-iisa ka lang Text. At 'di ko alam kung makakakita pa ba ako ng isang katulad mo kung pakakawalan pa kita. I just love you that bad na nasaktan ako nang malaman kong ginamit mo lang ako. Nasaktan ako kasi akala ko 'di mo naman talaga ako mahal. Nasaktan ako kasi natatakot din ako na baka... na baka... isang araw ma realized mo na si Lyra parin ang mahal mo at naaawa ka lang samen ng anak mo. Pack juice! Ang hirap magmahal!"

"Shsh, don't cry. I'm not going anywhere. You're my home Danah. Ikaw ang sagot ng dasal ko sa Dios."

"B-Bakit? Noong nagdadasal ka ba sa seminaryo hiniling mo ba na bigyan ka NIYA ng isang Verdanah D'Cruze?"

He chuckled. "I told GOD to give me the right answer." Inangat niya ang mukha rito. "Tinanong ko sa kanya kung ano ba talaga ang gusto NIYA para saken. Then, you happened."

"Parang Ariel lang, noh?"

Text squinted his eyes. "Hindi mo ba talaga ako seseryosohin Verdanah?"

"Sineseryoso kita, 'di lang halata." Bumungis-ngis siya. Pero nabaliw na siya dahil sobrang miss na miss niya ang inosenteng mukha ni Text. Hindi niya napigilang kurutin ang mga pisngi nito. "Ang cute! Cute! Cute mo talaga! Akin ka lang, ha?"

Text groaned. "Argh, Danah naman eh. Oo na! Oo na! Sayo lang naman ako."

"Haha!"

Itinulak niya si Text pahiga sa kama. Napaigik ito nang upuan niya ang tiyan nito. "Argh – D-Danah."

She smirk in returned. "Paganti lang kahit slight lang."

"Oh dear,"

Natawa lang siya. "But anyway, I just want to clarify something. Doon sa recordings mo. May mga alien words akong narinig. Ano ba meaning ng mga nun?"

"Na unlock mo?!"

"Hmm, 'di ko alam. Bukas na 'yon nang ibigay saken ni Font."

He let out a soft chuckle. "Nakakahiya."

"Wow! Ngayon ka pa nahiya kung maka dan-dan-dalandan ka doon."

"Haha, okay, okay," he paused for awhile. "Nunc scio quid sit amor, it means, now I know what love is. Thank you Danah, for reminding me that true love is not selfish but selfless. Te valde amo ac semper amabo. It means, I love you very much, and will always be forever. Danah, gihigugma ko ikaw pag-ayo. I love you very much. Kanunay ug matinud-anon. Always and with all honesty."

"Pahinge napkin dumudugo ilong ko." Pagbibiro niya kahit na naluluha siya sa mga sinabi nito. Now, hindi dahil wala siyang ma gets kung hindi damang-dama niya sa puso niya ang bawat salitang binitiwan na 'yon ni Text para sa kanya. "'No ba naman 'yan. Akala ko naman kung ano na."

Umalis siya sa pagkakaupo sa tiyan nito at naupo sa gilid ng kama. Text pulled himself up beside him. Para silang tanga dahil natawa sila sa isa't isa nang magtama ang mga mata nila. Pack juice! Nakakabaliw magmahal.

"Boang jud ka!" aniya.

Gulat na natawa si Text sa sinabi niya. "So you're speaking bisaya now? Wow!"

Tawa-iyak lang nagawa niya. "Gago ka! Kapag nagmahal ka dapat umi-effort ka din."

"Kaya nga," umisod ito palapit sa kanya. Masuyo nitong pinunasan ang mga luha niya sa mga mata gamit ng mga kamay nito. He cupped her face after. "I missed you so much Hon. So much..."

"Lalo na ako... kami ni baby..."

Sumilay ang matamis na ngiti sa mukha nito. "Thank God," saka siya nito hinalikan sa mga labi. Kusang naipikit niya ang mga mata at dinama ang bawat paggalaw ng labi nito sa kanya. God, she missed his kisses. His warm touch. The feeling of being with his arms again.

Bigla-bigla ay may naisip siyang pilyang ideya. She can't help but smile between kisses. Bumaba ang kamay niya sa laylayan ng damit nito. Akmang itataas niya 'yon nang mabilis na mahawakan agad nito ang kamay niya.

"K-Kasal," usal nito bago kumalas.

Natawa siya. "H-Huh?"

"Sabi ko," he playfully pinched her nose. "Ikakasal ka muna saken bago natin gawin ulit 'yon." Natawa ulit siya. Talaga naman. Ang cute talaga ng husband to be niya. Hinalikan siya sa noo ni Text. "Simbahan muna bago kwarto."

"Ay grabeh siya oh!"

"Haha, kulit mo." Bumaba ang isang kamay nito sa umbok na niyang tiyan. "Diba tama naman ang Papa mo, baby?" Inilapit nito ang mukha sa tiyan niya. "Behave ka lang diyan baby, ha. Saka ka na maglikot kapag nakalabas ka na."

"Sana mamana din niya ang kulot mo Text."

"Pinag-iinitan mo talaga ang buhok ko, eh, 'noh?"

"Ang cute kasi eh." Hinawakan niya ang buhok ni Text. "Ang cute paglaruan!" Saka niya ito sinabunutan.

"Faex! Faex! Eish, Danah!" daing nito. "Ang brutal mo talaga saken."

"Hoy, ano 'yong faex na lagi mong binabanggit, ha?"

"It's the Latin word for shit. I use that instead with the s word 'cause it isn't that vulgar and it do sound cool. Ayos ba?"

"Mukha mo!"

"Haha," malakas na tumawa ito. "Yes! Tuloy na tuloy na ang wedding goals nating dalawa?"

"Pananagutan mo nga ako, diba?"

"Sabi ko nga," he snapped his fingers. "Tamang-tama, malapit nang matapos ang renovation ng simbahan doon sa amin. Okay ba sayo, next month?"

"Nope! Gusto kong magpakasal tayo kapag nakapanganak na ako."

Kumunot ang noo niya. "Huh? Pero ilang buwan pa 'yon. You're still in your 4 months."

"So ayaw mong maghintay?"

Umayos ito nang upo. "Maghihintay ako! Sakto rin at matatapos ko na din ang silid ng baby natin"

"Ikaw lang nag-ayos nitong lahat? Saka nitong bahay?"

"Well yeah, para effort na effort. With love."

"Baliw!" She's so touched. Pero natawa parin siya sa pagpapa-cute nito sa kanya. "Thank you! Kaya tama na ang pagpapa-cute kulot! Saka tama lang naman 'yon. Para makapaghanda tayo. Gusto ko 'yong simple lang saka tayo-tayo lang. Matatagalan lang dahil kailangan mo pang makipag-usap sa Daddy ko. Kunin mo muna kamay niya."

"Hmm, wala naman 'yong problema. Boto saken ang Daddy mo."

"Nah, don't believed whatever he shows to you. Marami na akong manliligaw na sinukuan ako dahil sa Daddy kong paranoid." She chuckled. "But don't worry, I got your back." Kinindatan niya ito.

Napakamot ito sa noo. "Mukhang, kailangan ko na namang mag-ipon ng maraming lakas ng loob."

"Ok lang 'yan. Kaya mo naman 'yan. Ikaw pa!"

"Malakas talaga belib mo saken, noh?"

"Oo naman, malakas ka kay Lord eh."

"Right, I'll start with the joyful mystery tonight."

"Try mo kaya ang hopeful mystery."

"Wala namang ganoon,"

"Haha, sabi ko nga. Pero, sayang din tong kama. Bagong-bago pa..."

"Don't me Danah. Don't me."

"Joke lang! Niloloko lang kita. Pero inferness sayo, ha? May Don't Me, Don't Me ka na, ha? Nagiging tao ka na Honey ko."

"Hmm, 'yan, may sagot na ang Honey ko. Kinikilig ako."

"Baliw!"

"Hashtag Feeling Blessed."

"Tumigil ka na Textford."

"Eksdee."






IT was one heck of a journey for them and Text. It started with that sweet accident to Text's first ever shocking proposal. Although, some reasons behind it have brought pain and regrets. Pero kung mahal na mahal n'yo naman ang isa't isa, there will always be a way for you to fixed it.

At saka, lakas maka forever ni Lord. Truly, God is the best author of our story. We just have to patiently wait for it at kung nandiyan na... mag-effort ka at huwag kang papeteks-peteks lang! Walang manggang mahuhulog kung 'di mo susungkitin o kung walang malakas na hangin. Walang happy ending na matutupad sa pagtunga-nga lang. God may be the author of our story pero binigyan NIYA tayo ng pagkakataon para tayo mismo ang gumawa ng sarili nating Happy Ending.

It's a gift that we should not waste.

"Dad," pasimple niyang siniko ang Daddy niya. "Diba sabi mo walang iyakan bakit emote na emote ka diyan?" Nakangiti parin siya habang hinahatid siya ng Mommy at Daddy niya sa altar.

"Hayaan mo na 'yang Daddy mo, anak. OA lang talaga 'yan."

"Masisi n'yo ba ako? Ikakasal na ang panganay ko. Iba na ang mag-aalaga sayo. Hindi na siya sa atin uuwi. Anak, uwi na lang tayo."

"Crosoft!"

"Joke lang, hayaan n'yo na lang ako sa moments ko. Hindi naman 'to live nationwide kaya magda-drama ako."

"Kahit kailan Crosoft." Natawa na lang ang Mommy niya.

Natuon naman ang atensyon niya kay Text na nakangiting hinihintay siya sa harap ng altar. Karga-karga nito ang limang buwan pa lang nilang anak na si Wordea Corsiva na kamukhang-kamukha naman talaga ni Text. Mukhang cherubin ang anak nila lalo na sa curly hair nito. Bakit ba sobrang blessed niya? 'Di naman siya ganoon kabait? The best ka talaga Lord!

Nagsimulang mamasa ang mga mata niya.

Noon ay um-attend siya ng kasal dahil sa trabaho at clients ng My4Ever. Ibang kasal ang inaasikaso niya. Ibang memories ang tini-treasure niya. This time, it was hers. Her own. Text and Danah's Wedding.

Naalala niya lahat nang mga pinagdaanan nila ni Text. Kung kailan at paano sila nagkakilala. Ang mga away at pagsusungit niya rito. Ang pagiging inosenteng hokage ni Text. Mga kabaliwan nilang dalawa. Hindi niya inasahan ang pagdating ng isang TEXTFORD JACOB SILVA sa buhay niya. Ang lalaking binigay ng DIOS sa kanya na mamahalin niya nang sobra at magmamahal din sa kanya. Ang magiging asawa niya at ang magiging ama ng mga anak nila.

Truly, God works in mysterious ways.

Lalo pang dumagdag sa emosyon niya ang pagkanta ng kapatid na sila Font at Paper ng theme song nilang At The Beginning. Tama, sa kanilang apat sila Font at Paper lang ang nakamana sa magandang boses ng Mommy nila. Masakit pero, keree na rin. Maganda naman siya.

No one told me I was going to find you
Unexpected, what you did to my heart
When I lost hope, you were there to remind me
This is the start

And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever, wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you

And that song will always be special for the both of them.

Nakalapit na sila kay Text nang mapansin niyang umiiyak ito. Natawa siya. Ang gwapo-gwapo pa naman ng kulot na 'to ngayon. Kinuha ng Mommy niya si baby Wordee. Hinawakan ng Daddy niya ang isang kamay niya at kamay ni Text.

"Hindi ko basta-basta pinamimigay ang mga anak ko pero dahil alam kong mahal na mahal mo ang anak ko at tapat ka sa pagmamahal mo sa kanya. Makakahinga ako nang maluwag dahil alam kong sa tamang lalaki ko ibinigay ang anak ko." Pinaghawak ng Daddy niya ang mga kamay nila. "Alagaan mo ang anak ko Textford kung ayaw mong kalbohin kita. Seryoso ako."

Natawa si Text. "Opo, Papa."

Niyakap niya ang Daddy niya. "Salamat Dad!" bulong niya. "You will always be the best guy for me. The best Dad!"

"I love you too, baby." Kumalas siya sa pagkakayakap sa ama. Ginawaran naman siya nito ng halik sa noo. "You are blessed with each other."

"Thank you,"

Sabay na silang humarap sa pari. Nagsisikohan pa sila. Hindi na talaga maalis sa kanila ang magkulitan kahit saan. Ewan ba niya. Wala namang nakakatawa pero kapag nagtatama ang tingin nila natatawa silang pareho. Mukha lang tanga.

"Umayos ka," sita niya rito na nakangiti.

He softly chuckled. "Finally, natupad na rin natin ang wedding goals nating dalawa."

"Saya mo, eh, noh? Naiiyak ka pa."

"Naman, mahal ko kaya ang pakakasalan ko." Nakangiti lang si Father Semon sa kanila. Halatang naaliw sa kanila. Kumunot naman ang noo niya nang pumikit ito at mukhang taimtim na nagdadasal.

Nang matapos ito ay nakangiti siya nitong tinignan.

"Anong dinasal mo?"

"Sabi ko, Lord, this is my wife, Verdanah Sophia D'Cruze Silva. Pangako ko, aalagaan at mamahalin ko siya nang sobra at ang mga anak namin."

"Kerneee mo ah," pero ang totoo niyan kinikilig siya.

"Te semper amabo."

"Huh?"

"I will love you forever."

Napangiti siya. "Yabag jud ka! Akong gugma nimo ga uros-uros ayaw kog Latina." It means, baliw ka talaga Text, ang pagmamahal ko sayo nag-uumapaw kaya huwag mo akong gamitan ng Latin. Oh, diba? Kinakarer ang bisaya.

Natawa lang ito. "Cute mo talaga."

"Mas cute ka."





May mga tao talaga na kusa na lang dumadating sa buhay natin. Hindi man lahat ay nanatili ay may iilan naman na habang buhay mong makakasama. In our case, nagsimula man kami sa pinaka-weirdong pagtatagpo at kung anek-anek na turn of events ay pareho naman naming natagpuan ang isa't isa.

We are all humans, hindi tayo perpekto , pero hindi 'yon hadlang para paulit-ulit nating gawin ang isang pagkakamali. We just have to learn how move on and continue living without the guilt. Nandiyan naman ang Dios para tayo ay gabayan.

Minsan man kaming nabigo noon, binigyan naman kami ng isa pang pagkakataon na mahanap ang tunay na kaligayahan. Hindi mo naman kailangang magmadali... sa tamang panahon, oras at lugar makikilala mo rin siya.

At tandaan, hindi palaging masaya kapag nagmahal ka. Kaakibat nun ang sakit dahil may pagkakataon na susubukin kayo ng panahon. Pero hayaan mong gabayan ka ng pagmamahal n'yo sa isa't isa at huwag kalimutang magdasal.

Hashtag feeling blessed.





"Hon, lumalaki na si Wordea."

"Alangan namang 'di siya lumaki?"

Natawa si Text. "Kahit kailan talaga. My point is, ayaw mo bang sundan na natin siya?"

Dinuro niya si Text. "Ikaw ha, noon, masyado kang conservative ngayon halos araw-araw ka ng nangangalabit. Ang sipag mo ah."

Natawa ulit ito saka siya inakbayan. Sabay nilang tinignan ang dalawang taon nilang anak na naglalaro kasama ang Tito Font at Print at ang Tita Paper nito sa garden ng bahay nila. Sunday, kaya may mini family day sila sa bahay kasama ang mga magulang niya at ang mama ni Text.

"May basbas na eh."

"Grabeh siya oh." Ginulo nito ang buhok niya. "Aish! Ang kulit."

Natawa lang ulit ito. "Gawa na tayo ng bagong bucket list?"

"'Yan ka na naman diyan sa mga bucket list mo."

"Huwag kang mag-alala Hon. Isa lang naman ang nasa listahan ko ngayon."

"Ano?"

"Ang mahalin ka habang buhay."

"Kerneeee talaga! Haha!"

"Kulit mo! Mamaya 'di kita papatutulugin."

"Mukha mo!"

"Ikaw ang mag lead ng rosary mamaya."

"Ako na naman?"

"Nagri-reklamo ka?"

"Hindi ah! Mahal ko kaya si Lord at si Mama Mary."

"Very Good!"

"Text,"

"Hmm?"

"Kulot!"

Natawa ito. "Bully mo masyado. Mahal mo naman 'tong kulot na 'to."

"Sabi ko nga. Love you!"

"Dan-dan-dalandan!"

"Baliw!"

"Love you, Hon."



THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro