Chapter 24 (Repost)
"TANG na juice ka Font! Sa dami ng sapatos na makukuha mo 'yon pang botas pampalengke. Mukha tayong tanga sa summer dress na 'to ta's plastic boots? Aish! Kung 'di lang sa malaking sunglasses ko at blonde na wig mag-wo-walk-out na ako." Reklamo ni Crosoft sa anak. "Babawasan ko allowance mo ngayong buwan na bata ka. Mahirap magtrabaho."
Hindi komportable si Text sa suot pero sanay na siyang magsuot ng mga ganito dahil lagi siya ang bidang babae kapag may theater play sa seminaryo. Suki siya doon. Bukod sa pag-arte ay mukha daw talaga siyang babae na pati mga tagalabas na audience ay inaakalang babae talaga siya.
He's not familiar with the movie Mean Girls. Pero kung ganito magsuot ang mga mean girls na tinutukoy nila Tito Crosoft at Font parang gusto niya na lang mawala sa sobrang kahihiyan. Mukha silang tanga. They wore a flower patterned summer dress with spaghetti strapped. At hindi lang simpleng flower patterned dahil iba-iba ang kulay ng suot nila. He wore the green one. Pink ang suot ni Tito at blue ang kay Font.
Pamapalubag-loob na lang ang sunglasses nilang tatlo, wig at wide brim summer hats. Mukha silang takas sa beach na naka botas rin na naayon sa kulay ng dress na suot. Tito Crosoft did the make up kaya 'di na talaga sila makikilala. Nakakawala ng respeto pero para kay Danah titiisin niya lahat kahit magmukha pa siyang malanding bakla.
"Dad naman puro reklamo. 'Yan lang ang nakuha ko sa storage ni Print. Alam mo namang ayaw nung pinapakialaman ang mga tahi niya. Hello, mahirap din kayang magnakaw. Tsk."
"Pack juice! Mukha tayong power puff girls."
Natawa si Font. "Hayaan mo na Dad. Wala namang nakakapansin sa atin."
He would like to disagree with that. Halos lahat nga mga tao sa mall na sa kanilang tatlo ang tingin. They were really the scene of attraction.
"Let's just act na 'di tayo Pinoy para 'di masyadong nakakahiya."
May nakasalubong silang dalawang babae na titig na titig sa kanila.
"Arasoyo!" kumunot ang noo niya nang magsalita si Font sa pinababaeng boses. "Tashi hanbon malssumaejushigessoyo? Neh! Ah nee yo!"
Nakalagpas na ang mga babae nang sagutin ito ni Tito. "Tigilan mo ko Font 'di kita naiintindihan. Sus maryosip! Don't Korean me. I'm not Kimchi."
Pareho silang natawa ni Font. "Manood ka kasi ng drama. Dad. Puro ka na lang basa sa mga sulat ni Mommy. Hiramin mo mga copy ni Paper. Adik ang 'sang 'yon sa Kpop."
"Number zero fan ako ng Mommy mo kaya susupurtahan ko siya kahit gawan pa niya ng storya ang itlot at tatlong... kahit na magkanaanak pa 'yon at pangalanan niyang tortang talong. Huwag kang panira ng trip. It's an act of true love."
Font chuckled. "Oo na! Oo na! Hashtag – ang wagas magmahal ni dyosang ama."
"I know right." Tito Crosoft chuckled. "Teka nga, saan ba magkikita ang ate Danah mo at si Blank?" pag-iiba nito. "Puntahan na natin at namamasa na ang kili-kili ko sa hina ng aircon dito."
"Nasa taas, 'yong bagong open na resto."
"Oh sige na, puntahan na natin at nang makarampa na 'tong bebe Text natin."
"R-Rampa po?"
Inakbayan siya ni Tito Crosoft. "Don't mind the wetness of my kili-kili. Sign of aging lang 'yan." Tumawa ito. "Huwag kang mag-alala. 'Di tayo rarampa doon. Kami bahala sayo. 'Di ka pababayan ng Dyosang daddy-in-law mo."
"Kami bahala sayo brother-in-law." Font flipped his red hair and pose like a model in a magazine. "Sa ganda ko ngayon kahit ang Blank na 'yon mai-inlove saken."
"Nakakadiri ka anak."
"I know right – ah!" Hinalikan ni Font ang index finger nito saka 'yon inilapat sa braso ng daddy nito. He pouted his mouth and says. "Shshshs. Gorabells!" hinila na siya ng dalawa.
Kinakabahan siya sa plano ng mag-ama pero para kay Danah.
Bahala na nga!
"MALAKI ang naging away nila Papa kina kuya Alt noon. Wala akong magawa kung 'di ang mapilitang umalis sa Pilipinas at bumalik sa Thailand." Bumuntong-hininga si Blank. "Pareho pa tayong mga bata noon. We haven't finished college yet... naisip ko, kapag sinuway ko ang kagustuhan ng mga magulang ko at ni kuya Alt ay baka maghirap lang tayo. I was scared. Nakita ko kung gaano ka inalagaan nila Tito at Tita at alam ko sa mga panahon na 'yon hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa."
Tahimik lang na nakamasid si Danah kay Blank. Although he had changed a lot, he was still the same Blank she had known. She had loved. She had spent her childhood years with. Mas naging mature na ito kumpara sa spoiled na Blank noon. There was no trace of that happy-go-lucky guy he had once loved.
Pero kahit ganoon, wala na siyang makapa sa sariling damdamin. Sa sariling puso. Tila nawala na lahat ng galit sa puso niya sa pag-iwan sa kanya ni Blank noon. Gumaan lang ang kalooban niya dahil nalaman na niya ang totoong dahilan nito.
"For kuya Alt and kuya Skip I was a burden. Binabagsak ko ang mga subjects ko. I spent most of my nights in bars ... Gusto ko lang naman na pansinin nila ako. Not knowing, kuya Alt's real intention. Ikaw lang ang nakikinig saken. Ikaw lang 'yong nagpapa-unawa saken na mahal ako ni kuya Alt. You're the only person na masasabi kong nakakakita ng halaga ko... ng mga kakayanan ko."
Ngumiti si Danah. "Dahil 'yon naman ang totoo. You're a great comic artist Blank. Kaya nagtaka ako kung bakit business administration ang kinuha mo. You aren't happy with your course. That's one of the reasons why you always failed because you never put your heart into it."
"I missed that," sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Ah, she remembered. 'Yon ang lagi niyang sinasabi kay Blank noon. She can't help but chuckle. "Lagi mo 'yang sinasabi saken noon na nasaulo ko na lang."
"It's good to see you again Blank."
"Me too," hinuli nito ang tingin niya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagsumikap ako sa Thailand. Nagalit sila Mama at Papa nang mag-shift ako ng degree program pagbalik ko sa Thailand. Alam ni kuya Alt ang gusto ko. Kaya sinabihan niya ako na sundan ang pangarap ko. Pinakiusapan ko din si kuya Alt na ilihim sayo lahat ng 'yon. Dahil gusto ko, pagbalik ko, buo at kaya ko na. . 'Di naman ako nagsisi... actually, ang totoo niyan, kakatanggap ko lang sa Pixar. Kaya lang - "
She gasped. "Wow!" she can't help her excitement for Blank. "Omg! Really? Sabi ko sayo eh. Magaling ka kasi. Ang gaganda kaya ng mga cartoon designs mo at saka 'yong mga manga mo. You're so great in animation Blank. Gah, I'm just so happy for you."
Mapait na ngumiti si Blank. "I may have everything right now, pero 'di ko naman na pwedeng mahalin ang isang Verdanah Sophia D'Cruze."
Bigla ay nanlumo si Danah. "Blank?" halos pabulong na niyang tawag rito.
Pinasigla nito ang mukha. "It's okay, Danah. I understand. There are really things that you cannot have in this lifetime."
"S-Sorry –"
Natigilan naman si Danah nang pumasok ang tatlong mga babae sa restaurant. Or shall I say, tatlong beke. Kumunot ang noo niya sa mga ito. Seriously?! Saan ba takas ang tatlong 'to?
"S-Sino tinitignan mo?" naibaling din ni Blank ang tingin sa tatlo. "Oh! Wow!"
Lalo lang kumunot ang noo niya nang itaas ng naka pink na summer dress ang selfie stick nito at nag-selfie pa ang tatlo sa harap ng entrance. Wow! Pero bakit feeling niya kilala niya ang tatlo? Napailing siya. Imposible naman na kilala niya ang tatlong 'yon. Naibalik niya ang tingin sa tatlo sakto namang sa kanya nakatingin 'yong naka green na dress. Nagtaka siya nang bigla itong nagtago sa likod ng naka pink dress.
"Ang weird nila," sabi niya na lang at ibinalik niya na ang tingin kay Blank.
Natawa ito. "Natawa ako sa plastic boots nila."
"Oo nga eh, parang nasa palengke lang. Tsk."
Naupo ang tatlo sa likod ni Danah. They where situated in a special couch type table kaya 'di niya napapansin ang tatlo. Kaya lang naririnig niya ang tsismisan nila.
"Danah," basag ni Blank. "I hope we can start anew."
Ngumiti siya. "Of course, hindi naman ako mawawala sayo Blank."
Kumunot ang noo niya nang marinig niya na naman ang pagtsi-tsimisan ng tatlo sa likod niya. Nadi-distract siya ng bongga.
"Tignan mo bes, kamukha mo 'yong date ni girl."
"Ay talaga ba Bes, patingin nga. Ay oo nga, noh? Kamukha nga ni Ex kung iniwan ako ng ganern lang. Pagkatapos niya akong tikman at tinikman ko rin siya iniwan niya lang ako. Huhubells! Amma gonna cry now Bes." Kinalibutan siya sa iyak nito. "Nami-miss ko ang tikiman namin Bes."
"Kadiri ka Bes. Ew, ha? But, anyway, huwag ka ng sad Bes, nakulangan ka lang siguro sa budbod ng asin at magic ginisa kaya ka niya iniwan. Tikim ka na lang ng iba. Saka try mo ajinomoto next time."
"I'm so dry right now, Bes."
"Diligan kita mamaya Bes."
Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? Nakaka-iskandalo. Pero pamilyar talaga sa kanya ang mga boses nito. Medyo hawig sa boses ng Daddy niya at ni Font.
"Excuse me for awhile Danah, restroom lang ako."
"Sure, take your time."
Inihilig pa niya lalo ang likod at ulo sa upuan.
"Girl, magsalita ka naman." Sabi nung kaboses ni Font kaya lang girl version. "Sayang ang buhok mong kinulot ni Ricky Reyes. Shine like a diamond!" Pero hindi parin nagsalita ang kinakausap nito. "Wow, thanks. Na appreciate ko ang sinabi mo saken. I got super teary eyed."
"Sabi ko naman sayo Bes, peace and worship ang need ni Girl. Ngayon niya kailangan ang guidance ni Lord."
Tahimik na natawa siya. Hindi niya alam kung bakit naalala niya si Text doon. Sakto namang nakabalik na si Blank.
"Tumatawa ka diyan?" nakangiting puna nito sa kanya.
"Wala, may naalala lang akong nakakatawa."
"Let's go for a walk."
"Sure,"
Kumunot naman noo niya nang marinig ang sinabi ng nasa likod niya.
"Tang na juice! 'Di pa nga tumutuyo kili-kili ko aalis na naman."
"Psst,"
That's weird.
PINAPATAY na sa selos si Text. Narinig niya ang pag-uusap nila Danah at Blank kanina. Mukhang nagkakamabutihan na ulit ang dalawa. Alam niya namang hindi siya agad papalitan ni Danah. Galit lang ito sa kanya pero naniniwala siyang mabibigyan ulit sila ng second chance kapag nagka-usap sila.
Pero nagseselos talaga siya sa tuwing hahawakan nito sa braso si Danah, sa kamay at kung makaakbay ang lalaki sa kanya parang casual lang 'yon para rito. He took a deep breath and calmed himself. No, Text. Hindi solusyon ang pagseselos. Grant me wisdom. Grant me wisdom, Lord. Paulit-ulit na sabi niya sa utak .
Marahas na napabuntong-hininga siya. Naman, ang hirap magtimpi.
Nasa rooftop park sila ng mall na 'yon. Palihim na sinusundan ang dalawa. Gabi na pero bakit 'di parin umuuwi ang dalawa? Hindi ba nila alam na masayamang mapagod ang buntis. Nakaupo sila sa isa sa mga cemented flower box sa park na 'yon. Kitang-kita sa pwesto nila sila Danah at Blank na mukhang masayang nagku-kwentuhan. Habang siya, kinakain na ng selos.
'Di nga niya makain ang siopao na inilibre sa kanila ni Tito Crosoft at crushers.
"Oy meron pa," binalingan siya ni Font. "Ayaw mo na? Akin na lang – Ray!" napaigik naman ito nang batukan ni Tito Crosoft.
"Huwag mong kunin 'yang pagkain ni Text. Bumili ka ng sayo. Umakto kang mayaman. 'Di tayo poor."
"Dad naman eh," asar na sumimangot ito. "Hindi niya naman kinakain eh. Masayang magsayang ng pagkain. Isipin mo na lang ang mga bata sa lansangan na walang makain."
"But 'di mo sila paka-inin may big concern ka naman pala?"
"Ay grabeh siya oh."
Napabuntong-hininga si Text. "Ngayon ko lang ulit nakita si Danah na ganoon ka saya. Siguro nga, si Blank lang ang nagpapasaya sa kanya."
"Huwag ka ngang nega, Text." Kontra sa kanya ni Font. "Matagal maka move on 'yang ate ko. Just give her time. Basta, ang mission natin ay bantayan 'yang si Blank na huwag maka pogi points kay ate."
Nanlulumong ibinaling niya ang tingin kina Danah at Blank na nagtatawanan. "Ang sakit pala na ganito ka lang. Nasa malayo. Habang tinitignan ang mahal mong masaya sa piling ng iba."
"Trust me, anak." Sabay silang napatingin kay Tito Crosoft. "Been there, than that."
"Parang ayoko na yatang magmahal." Dagdag ni Font. "Ang OA masyado."
"Pag ikaw na inlove na bata ka ipapa-newspaper ko talaga."
Sa huli ay napangiti na rin siya. Kahit papaano, nakakagaan sa loob na hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang Daddy at kapatid ni Danah. At least may dalawa siyang supporters from Danah's side. Kinagatan na niya ang siopao. Masarap pala 'yon.
"Dad napakabarat mo these days. Akala ko ba mayaman tayo bakit siopao lang ang kinaya ng budget mo ngayon?"
"Ini-imagine ko lang din ang mga bata sa lansangan anak. Nakakahiyang kumain ng masasarap habang wala silang makain. Let's live humbly starting now."
"Ewan ko sayo Dad!" natawa lang ito sa ama. "But speaking of batang lansangan, Text may alam ka bang orphanage?"
"Hmm, why?"
"Let's just say I did a deal with God."
Napangiti siya. "Oo, I'll give you the contact number. Samahan na rin kita."
"Good! Good!"
"Naks, may calling ang anak ko. Ano, sun or globe?" Umaktong naiiyak si Tito Crosoft. "I'm a proud father."
Nagkwentuhan at nag-asaran pa silang tatlo. Natigilan lang si Text nang mapansing nag-iisa na lang si Danah. Nakangiting naka tanaw ito sa langit. He wondered if she was thinking about their moments together in Negros. Noong minsang pinagkatuwaan nilang mag star gazing habang pinapapak ang isang pack ng captain seeds.
I missed you much Danah.
I missed you and our baby.
Biglang nawala ang ngiti niya nang mapansin ang dalawang bata na tumatakbo ng patalikod. Mukhang 'di pa napapansin nito na mababangga ng dalawa ang isang babae. Napatayo siya dahil kapag nangyari 'yon baka masubsob sa damuhan si Danah.
"Oh Text? Saan ka pupunta?"
"Si Danah!"
"Oh shuks!"
Text immediately ran to her as fast as he can. "Danah!" sigaw niya. Matatamaan na ito ng mga bata but he was just on time. Mabilis na pinihit niya ito payakap at itinabi. Napabuga siya ng hangin pagkatapos. Naipikit niya ang mga mata. Oh God!
He can feel his fast hearbeat. Pati na rin ang kay Danah. Parehong habol nila ang tibok ng mga puso nila.
"T-Thanks,"
Mabilis na kumalas siya ng pagkakayakap sa kanya. Pero kinabahan siya nang titigan siya ni Danah. Kunot na kunot ang noo nito. Patay, mukhang namumukhaan s'ya ni Danah. Nahaplos niya ng wala sa oras ang fake niyang buhok.
"T-Text?"
Natigilan siya. Ilang segundo muna ang dumaan bago siya naka react. He flipped his fake hair and pose with a smile in front of her. As much as possible he tried his best to have that pabebe cuteness he often act on their theater play. "Girl, I'm Trexie. Masyado akong cute para maging Text. "
Litong-lito ito na napapa-iling.
"Ang weird. Kamukha mo siya."
"Trexie!" Font locked his one arm around his. "Nagpapaka-superwoman ka na naman girl. Sabagay kulot naman si Darna kagaya mo." Kumunot din ang noo ni Danah kay Font. "Bongga ka girl!"
"Font?"
"Ahm, es-ku-yoz me. I'm not Font. I'm Fiona Shrekens. Nice to meet yah girl." Hinila na siya ni Font. "Bah-bye girl. Ingat ka. Marami pa namang trolls sa mundo. Halika na Trexie! Magma-mcdo pa tayo dahil broken hearted ka."
Hindi niya naman namalayan na nakasunod na din pala sa kanila si Tito Crosoft.
"Dad?!"
"Dad? No, baby, I'm Crosofina Dimasantol! Bah-bye!"
Pinagtulungan siyang hilahin ng dalawa palayo kay Danah.
"Shet! Nakilala tayo!"
"Hindi, malayo ang Dimasantol sa D'Cruze. Kere lang 'yan!" Sagot ni Tito Crosoft. "Umuwi na nga lang tayo. Mukhang uuwi na din naman ang dalawang 'yon. Sure ako doon. Tinawagan ko kanina si Blank pinapauwi ko na."
"Dad naman, sana kanina mo pa 'yon ginawa."
"Sorry, ha? Masamang i-feel ko muna ang moment? Mamatay ka?"
"Aish! Umuwi na nga tayo. Drive thru tayo nagugutom ako."
NAPAATRAS si Danah nang makita ang pagkarami-raming groceries sa dining area. Nalula siya sa dami at may mga prutas pa.
"Mom? Dad?!" tawag niya. "Magugunaw na ba ang mundo at binili n'yo na ang buong supermarket?!"
"Hindi galing samen 'yan. Galing 'yan kay Text." Sagot ng Mommy niya.
"Para sayo at sa baby n'yo." Dagdag ng Daddy niya bago inakbayan ang Mommy niya. "Tinanggap na namin. Since, we promote humble living na."
"Ewan ko sayo Dad." She glanced at her wrist watch. "Anyway, I have to go. May meeting ako sa isang client ko sa office."
"Akala ko ba on leave ka?"
"Saka na ako magli-leave kapag malaki na ang tiyan ko. Don't worry, I'm not personally handling the weddings. I'm just checking things. Si Pepsy at Colt ang nakatuka nun ngayon." Hinalikan niya sa mga pisngi ang mga magulang. "Don't worry, sasabay ako kay Font papunta sa office at sabay na din kaming uuwi mamaya."
"May magagawa pa ba kami? Oh sige na, mag-ingat kayo."
"Thanks, bye Mom, Dad!"
"WALA ka ba talagang balak na kausapin muna si Text? 'Yang space-space mo friend baka matuluyan na. Pero inferness naman, sis. Hindi ka kinakalimutan." Natuon ang atensyon ni Pepsy sa mga bouquet of flowers sa ibaba ng table niya. "'Yan nga pinapaliguan ka ng mga bulaklak ng irog mo. Swerte mo 'te!"
Na appreciate niya ang effort ni Text. Ibinigay nito ang hiling niyang space. Hindi man ito nagpapakita pero pinaparamdam naman nito sa kanya ang existence nito sa mga padala nitong pagkain at bulaklak. Para pa ding nandiyan lang ito para sa kanilang dalawa ni baby.
Sa totoo lang, naging unfair din siya kay Text dahil 'di niya ito binigyan ng pagkakataon na i-explain ang side nito. Mag-iisang buwan na niyang hindi nakikita ito o nakakausap man lang. Just recently, na nahuli niya ang Dad at kapatid niya na sinusundan siya kasama si Text. Mga loko-loko akala talaga siguro ng tatlong 'yon mauuto nila ako. And she saw their costumes in Print's room. But kahit ganoon paman, masyado na yatang delayed ang explanation ni Text.
Should she talked to him now?
"Ewan ko sa inyong mga babae." Sabay silang napatingin ni Pepsy kay Colt na naka upo sa couch. Natutulog 'yong loko kanina. Mukhang nagising yata sa kaingayan ni Pepsy. "Masyado n'yo kaming pinapahirapan."
"Kung maka-react si kuya, wagas! Affected much Colt?" asar ni Pepsy. "May pinagdadaanan lang, ganern?"
"My point here, just because we became jerks it doesn't mean we are heartless. It does not define our whole personality nor how we love. Guys can be sensitive as well. You just don't know that 'cause you always care about yourself and your feelings. For once, try to listen."
"Sige nga Colt, educate us. Baka kapag natututo ako mahanap ko na ang forever ko." Tumawa si Pepsy. Sandaling kinilig na ewan bago umayos nang upo. "Saka paki-advise-an mo na rin 'tong boss natin at masyadong pabebe."
Pinukol niya ng masamang tingin si Pepsy. 'Tong gagang 'to! Humalukipkip muna si Colt bago ulit nagsalita.
"Sabihin ko sa inyong dalawa, kapag kaming mga lalaki na inlove mas nagiging-vulnerable kami. Some of us couldn't even control that kaya kapag kami nagmahal talaga matagal pa bago namin 'yon makakalimutan. Magmo-move on kayo't lahat depress parin kami. 'Di lang halata. At kapag kami nasaktan, magugulo talaga ang mundo. We'll even think of the lamest reasons and ways just to see our girl. Second, kapag kami nagmahal, tang'na kahit 'yang pisteng pride namin ibaba namin para sa mahal namin. Dahil ang lalaking naglalaro lang 'di 'yan mag-i-exert ng effort. Not unless, he has something on his sleeve. So let's skip the generalization thing."
"Third, kapag ang isang lalaki seryoso, he would be the most annoying suitor you'll ever have – can be the corniest man alive. And we don't effin care about that anymore. Fourth, kapag kami nagmahal at ginawa namin lahat ng mga 'di naman namin ginagawa noon, kabahan ka na dahil seryoso kami sayo. Deal with that! Ang mga ego naming lalaki as mas matayog pa sa Mount Everest kaya kapag sinira namin 'yon para sa isang babae we meant it so bad – love you so bad that we are willing to be the right guy you want us to be."
"Lastly, kapag kami nagmahal, we can sacrificed our own happiness just to give you your own. Even if that f-ckin hurts inside."
PAULIT-ULIT parin na nagpi-play sa utak ni Danah ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Colt. Kahit ano kasing pilit ng utak niya na isipin na lahat ng mga ginagawa ni Text sa kanya at pinaparamdam sa kanya noon were all just lies ay 'di niya magawa. Kasi ramdam niya kasi. Iba 'yong hatid ng mga ginagawa nito sa kanya. Ramdam niyang hindi 'yon pagkukunwari o pilit. Maybe in the first weeks that they've spent together medyo asiwa pero nang tumagal... nang makilala nila ang isa't isa... mas naging magaan ang lahat.
She sighed.
Kung bakit kasi 'di mo na lang kausapin si Text, Danah? Itanong mo lahat sa kanya kung nag-echosan lang ba talaga kayo the whole time at nang matigil ka sa problem solving mo na 'yon. Accept the fact, that you cannot answer all of those missing pieces not unless you talk to him.
Naputol lang ang pagsi-sermon niya sa utak nang may kumatok sa pinto.
"Bukas 'yan." Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kapatid niyang bagong ligo at bagong kulay na naman ang buhok. "'Di ka ba nasisita diyan sa paiba-ibang kulay ng buhok mo." Naupo ito sa paanan ng kama niya.
Ngumisi lang ang loko. "Ate, it's an expression of art."
"Ewan ko sayo! Anong ginagawa mo dito?"
"Isusuli ko lang 'tong cell phone mo." Without a warning, he tossed the phone towards her direction. Buti na lang at nasalo niya. She can't help but glared at his brother. Sapakin niya kaya 'to. "Ang dami n'yong scandal ng irog mo ate. Kadiri."
Kumunot ang noo n'ya. "Anong scandal?" mabilis na kinutinting niya ang cell phone niya. "Saan dito?"
"Why don't you come here and f-ckin kiss me!" gaya pa nito. Napakurap-kurap siya, naingat niya ang mukha sa kapatid. "Kadiri! Arggh. It's going to get me nightmares."
"Hoy! Sino may sabing pakialaman mo ang recording files dito?!" Binato niya ng unan ang kapatid. "Gago ka talaga!"
Ngumisi ulit ang kapatid. "Ang weird n'yong maglambingan, ha? Miss mo na siya, noh?"
"Shut up!"
"Ses! Kunwari ka pa. Mag-move on ka na nga kay Blank. Magpakasal ka na rin. Susunod ako."
"Tapusin mo 'yang pag-aaral mo bago ka lumandi."
Malakas na tumawa si Font. "Sis, you know I'm conservative."
"Hindi ko feel."
"Imaginen mo na lang para masaya." He chuckled. "Anyway, iiwan na kita at may tatapusin pa akong painting sa taas. Salamat sa free text. Saka na kita babayaran kapag nasuklian na niya ang pagmamahal ko sa kanya."
Natawa siya. "Gago! Humugot ka pa."
"Haha!" patalikod na kinawayan siya ng kapatid bago tuluyang umalis ng silid niya.
You missed him, don't you? She sighed. Fine, miss ko na si kulot. Nasaktan siya pero bakit ganoon? 'Di ko maalis ang pagmamahal ko sa kanya. Nandoon lang talaga. At walangya talaga! Mas maganda pa siya saken. Nakakainis! Naiiyak siya.
Sa sobrang panggigil niya hindi niya namalayan na napindot niya ang play button ng recordings.
Why don't you come here and f-ckin kiss me?!
I want you Danah. I want you so bad.
Darn, your lips taste heaven.
Lahat ng mga badass lines na pina-record niya kay Text ay sunod-suno na nag-play. She couldn't help herself ... napapangiti at natatawa talaga siya. Natigilan lang siya nang biglang may naiba bigla. Ilang seconds din na hinintay niyang magsalita ulit si Text.
Kakainis! Pinaglalaruan talaga ako ni Danah. Aish! Ang kati-kati tuloy ng mukha ko sa pinaggagawa niya saken. VERDANAH UMAKYAT KA DITO AT ALISIN MO 'TONG MAKE UP KO! Oh shoot! Na record! Faex! Faex! Paano 'to?! Delete! Arggh. Oh how I hate phones!
Hmm... Danah... Danah... haha!
Dan...Dan...Dan... Dalandan haha! Faex! Natatawa ako.
Hindi mo man lang ako tinirhan ng mangga. Nahulog pa ako pero ni isang mangga wala man lang akong nakain. Ikaw talaga. Okay lang, kasi my baby na tayo. Thank you Danah. You made me very happy today.
Mukha ka ng tanga Text! Ginawa mo na 'tong kausap ang cell phone ni Danah. Hayan oh, mukha ka ng ewan sa kakatitig sa kanya. Ano kaya iisipin ni Danah kapag malaman niyang tinititigan ko siya kapag natutulog siya? Aish. Tama na nga! Mukha ka na namang tanga Text!
Nunc scio quid sit amor.
Thank you Danah. Te valde amo ac semper amabo.
Danah, gihigugma ko ikaw pag-ayo. Kanunay ug matinud-anon.
Nagsimulang maglandas ang mga luha niya sa mata. Na touch siya. Dagdag pang miss na miss niya na rin si Text. Pero nakakaiyak talaga. 'Di niya maintindihan ang ibang sinabi nito. Ano 'yon?
Dan-Dan! I have a song for you! 'Di ko alam kung kailan mo maririnig 'tong mga recording ko sayo. In-hide ko din naman kasi. Nag-google paano saka tutorial for android phones haha! 'Yon nga, narinig ko 'to isang araw. Naalala kita sa kantang 'yon... naalala ko tayo... kaya sana magustuhan mo.
Narinig na lang niya ang pagsabay ng melody na nilikha gamit ng gitara. Then he started singing. He has the most angelic voice she had ever heard. Alam niyang kumakanta ito dahil nabanggit nito na member ito ng choir nito sa seminary... pero ngayon lang talaga niya narinig na kumanta ito.
At naiiyak siya, dahil tumatagos sa puso niya ang kantang alay nito sa kanya.
We were strangers, starting out on a journey
Never dreaming, what we'd have to go through
Now here we are, I'm suddenly standing
At the beginning with you
Text?
No one told me I was going to find you
Unexpected, what you did to my heart
When I lost hope, you were there to remind me
This is the start
And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever, wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you
Nakakasar! Bakit ganun? Iyak lang siya nang iyak. Habang tumatagal lalo lang niyang na miss si Text. Hinaplos niya ang tiyan niya. Mahal na mahal ko talaga ang Papa mo baby. Gago talaga 'yon eh!
Knew there was somebody, somewhere
A new love in the dark
Now I know my dream will live on
I've been waiting so long
Nothing's gonna tear us apart
In the end I want to be standing
At the beginning with you...
Let's find your Dad, baby.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro