Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23 (Repost)

"AKALA namin 'di ka na magpapakita samen Text." Siko ni Pete kay Text. "Baka nga kinalimutan mo na kami dahil doon sa ginawa namin."

Natawa si Text. Bumisita siya sa Seminaryo Mayor. Na miss niya din ang lugar kung saan binuhos niya ang halos kalahati ng buhay niya. Gusto niya ring makitang muli ang mga Formator Prof niya at mga kaibigan.

"Ang sakit naman masyadong kabayaran samen ang pagkalimot mo samen. Nakakasakit sa heart." Umakto pang naninikip ang dibdib ni Jan. Text playfully punched Jan's arm. "Haha."

Natawa silang tatlo.

"Mga baliw. Matitiis ko ba kayo? At saka, kung 'di naman sa inyo 'di ko makikilala ang Danah ko."

"Naks, naka move na kay Lyra."

"'Di ka na galit sa mundo, bro?"

"Nakakapagod magalit. Ang sakit sa puso. Tinigilan ko na." Text chuckled. "And I've learned my lesson. I will never do it again."

"Grabeh siya oh!"

"Pero 'di nga, Bro. Sorry nga pala doon sa ginawa namin. Ilang buwan din akong humingi ng patawad sa Dios dahil doon. Sinisi ko sarili ko dahil lumabas ka ng seminaryo. Pumayat nga ako, oh." Text burst out laughing as Pete tries to hold his breath just to look thinner kahit 'di naman talaga nito kaya. "Woah!" hingal-hingal itong natawa sa sarili. "Okay, more jogging pa."

"Huwag ka na nga kasing umasa na papayat ka pa Pete." Asar ni Jan. "Maawa ka sa fats mo. 'Yan na lang meron sayo. Mahalin mo na lang 'yan."

"Ah, talaga ba?"

"Tama na nga 'yan." Hindi parin maalis sa mukha ni Text ang pagkaaliw sa dalawang kaibigan. Ito yong na miss niya. "Magiging-Deacon na kayo pero ganyan pa din ang mga ugali niya."

"Ako magiging-Deacon. Si Pete magiging Bacon." Mapang-asar na tumawa si Jan. "Peter Bacon."

"Kapag ako naging pari na talaga isasama kita sa sermon ko lagi Jan."

"Basta ako, ipagdadasal ko kayong dalawa."

"Gusto namin 'yan. Mas dinidinig mga panalangin mo Text kaysa samen."

"Punta ka sa ordination namin, ha? Aaasahan ka namin doon."

Tumango siya. "Syempre, palalagpasin ko bang makita kayo sa ordination n'yo. Gusto ko din makita kung paano kayo magliliyab habang ini-ordinahan."

"Ay grabeh siya oh."

"Haha," nagtawanan silang tatlo.

Mayamaya ay napabuntong-hininga si Pete. "Akala talaga namin mas mauuna ka sameng mao-ordinahan Text. Sa bait at talino mo pa naman. Kumbaga, ikaw na 'yong PRIEST STARTER PACK. Na sayo ang lahat ng katangian para sa isang pari."

"Hindi para saken ang pagpapa-pari. At saka, bago paman ang ordinasyon may balak na akong umalis." Nagulat ang dalawa sa sinabi niya. "Kaya huwag na kayong makonsensiya. Desisyon ko nang umalis bago paman mangyari 'yon."

"At kailan ka pa natotong magsinungaling samen?"

"I'm not a saint, Pete." Text chuckled. "Hindi lang talaga halata."

"Pero bakit?"

"Huwag n'yo ng tanongin."

"Sabagay, pero may iko-confess din kami sayo Text."

May pagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang kaibigan. "Ano 'yon?"

"Ang totoo niyan, hindi naman talaga namin alam kung ano nga 'yong hinalo namin sa inumin n'yo ni Danah." Amin ni Pete. "Sabi kasi ng pansin ko, pampagana daw 'yon sa tiyan. Eh malay ko bang may pill na pala para maging agrressive ang tao for you know na."

"Gusto ka lang naming tulungan na maka move on. Hindi sa binubugaw ka namin doon kay miss ganda, ha? Hindi ka na kasi kumakain simula nang hiwalayan ka ni Lyra." Dagdag ni Jan.

"Kaya nang ibigay 'yon saken ni Judazz ay naniniwala naman akong pampagana talaga 'yon sa tiyan. Kaya nagkasundo kami ni Jan na ihalo 'yon sa inumin n'yo para magutom kayong dalawa at mag-fiesta sa kung saang restaurant. Ang lame, noh?"

Napakurap-kurap lang si Text sa mga narinig. Hindi nga? Nang ma-realized ang lahat natawa lang siya. Pinagkakatuwaan siya ng langit. It was just a sweet accident. He couldn't stop laughing. Napahawak na siya sa tiyan niya.

"Haha!"

"Kinakabahan kami sa tawa mo Text."

"Tatawag na ba ako ng exorcist?"

"Saka na, hintayin muna natin na umikot ang ulo niya, magsalita ng Latin, ikumpisal ang mga kasalanan natin at sumuka ng slime."

"Nice plan,"




HALOS dalawang linggo ang hinintay ni Text bago siya tinawagan ng Daddy ni Danah. Sa tuwing nagte-text siya dito ay lagi nitong sinasabing busy ito sa pagpapayaman at ito na lang daw mismo ang tatawag kung kailan ito libre. He tried calling Font as well, kaso pati ito sinasabing busy ito sa pagiging alagad ng sining at ito na lang din ang tatawag sa kanya kung kailan ito libre.

Wala siyang magawa. Siya naman ang may kailangan. Kailangan niyang magtiis. Hindi niya rin ma-contact si Danah. Sa tingin niya nagpalit ito ng number dahil 'di na 'yon nagri-ring. Kaya gumawa na lang siya ng private account sa IG, Twitter, FB at sa SNAPCHAT para lang mai-stalk si Danah. But to his dismay, hindi active si Danah these past few weeks.

But there is one post that made him smile.

VerdanahD'Cruze @danahsophia April

I hate and love your innocent face. Argh! Kulot! Kulot!

Knowing Danah, he must have pushed her to her limits kaya 'di ito nakatiis na i-post 'yong feelings nito. The post was clearly purely out of hate but he like it... so much. At sa mga nabasa niya sa twitter account nito, Danah was not a random talker. All her post are inspirational wedding stories, vows and her own photographs. 'Yong tweet lang na 'yon ang sumira sa wall nito.

Even her instagram are neatly feed with wedding photographs. Each photos had worth reading stories. May pagkakataon na may naipo-post ito tungkol sa sarili pero effort na effort din naman na 'di mukhang ramdom pic lang. She has wacky and beautiful photos of her family and siblings. Madami itong photos with Font and her Dad. Still, each photos had beautiful stories worth telling.

Natatawa na lang siya sarili. Para siyang tanga nang hawakan niya ang bagong bili niyang android phone. Masakit sa kalooban niya ang presyo pero para kay Danah gagawin niya ang lahat para lang malaman kung kumusta na ito at ang baby nila. Nag-aalala parin siya, she almost had a miscarriage. ALMOST. Kung hindi sa pamilya nito, they could have lost the baby. Taimtim siyang nagdasal ng pasasalamat sa Dios dahil doon.

Ngayon nga, hinihintay niya ang daddy ni Danah. It was his first time here, ang alam niya ay pag-aari ito ng pamilya nila Danah. It was actually a cozy coffee shop na 'di na lalayo sa mga big coffee shops. Kaso, dinala siya ng isang crew sa isa sa mga VIP rooms sa second floor na sa tingin niya sinadyang ilagay doon for business and group meetings.

Ayaw niyang manliit sa sarili, pero talagang mayaman talaga ang pamilya nito. But despite that fact, ay kapansin-pansin sa mga kilos ng mga ito ang pagiging simple. Mareklamo si Danah pero may ibubuga sa gawaing bahay at sa simpleng pamumuhay. Malalaman mo talagang maayos itong napalaki ng mga magulang nito.

Humugot siya ng malalim na hininga.

Actually, kinakabahan talaga siya. Goodness grace! Nanlalamig na nga ang mga kamay niya. Ilang linggo niyang kinakausap ang sarili sa salamin. Nagmumukha na nga siyang tanga. Para siyang susuong sa gyera. 'Yong bang feeling na, lumalakas ang tunog ng lahat ng bagay... kahit ang simpleng paggalaw ng kamay ng orasan sa relo niya.

It was actually hell! Nakaka-paranoid. His heart couldn't stop from beating fast by the second. It was torturing him. Seriously, killing him. Dios ko, para akong haharap sa kamatayan. Bigyan mo sana ako ng lakas. Pero kailangan niyang gawin 'yon. Kailangan niyang harapin ang Daddy ni Danah. Kailangan niyang kumbisihin ito na mahal niya ang anak nito at seryoso siya.

Napaigtad si Text sa gulat nang bumukas ang pinto ng VIP room. Seryoso ang mukha ni Tito Crosoft. Lalo lang siyang kinabahan. Mabilis na tumayo siya para batiin ito.

"Magandang araw po Tito."

"Hindi maganda ang araw." Walang kangiti-ngiting dumeretso ito nang upo sa kaharap niyang upuan. "Umuulan. Maupo ka."

"Salamat po," humugot siya ng malalim na hininga. Kaya ko 'to!

Naupo siya. Pumasok ang isang crew. Inilapag nito isa-isa ang dala nitong pagkain at cold drinks.

"Thank you, Kopeko." Nakangiting baling nito sa batang crew. "May asukal at gatas ba 'to?"

"Yes po, boss Crosoft." Nakangiting tango nito.

"Good, dadagdagan ko bonus mo sa pasko."

Bahagyang natawa ang binata rito. "Ikaw talaga boss, salamat." Binalingan siya ng binata, ngumiti at bahagyang yumukod sa kanya bago tuluyang lumabas.

Kung kanina medyo nakahinga siya ngayon parang pasan na naman niya ang buong mundo sa katahimikan at bigat ng pakiramdam sa silid na 'yon.

"I'm not going to beat around the bush, Text." Seryosong hinuli nito ang tingin niya na buong tapang niyang sinalubong. "Hindi ko nagustuhan ang paggamit mo sa anak ko. Inalagaan ko si Danah nang sobra. Pati lamok sinasapak ko ng kulambo at katol. Konting sugat lang dinadala ko na sa ospital. Hindi ko alintana ang sapak saken ng asawa ko sa sobrang ka-oa-han ko."

"Alam mo ba kung bakit, Text? Dahil mahal na mahal ko ang mga anak ko. Sila ang buhay ko. Sila ang nagpapasaya samen ni Cam. Sila ang kayamanan namin. Kami ang unang-una na masasaktan kapag may nanakit sa kanila. Kami ang unang-una na makakaramdam nun kasi kami ang nagpalaki sa kanila. Nasaksihan namin ang paglaki nila. Lahat ng mga masasaya at malulungkot na karanasan nila nakita namin. Kaya pasensiya na kung hindi mo maiaalis saken – samen na makadama ng hinanakit sa ginawa mo sa anak namin."

"Patawad po. Alam ko po na malaki ang naging kasalanan ko kay Danah. Gusto ko pong pagsisihan 'yon kaso sa tuwing iniisip ko na kung 'di ko ginawa 'yon wala hong Danah sa buhay ko ngayon –"

"Masasapak kita, alam mo ba?"

"I know, it's weird, but I do believe everything happens for a reason. Mali nga po ang rason kung bakit nagawa ko 'yon pero dinala naman ako ng pagkakamaling 'yon sa babaeng mamahalin ko nang sobra. Dinala ako ng pagkakamaling 'yon sa mga taong magpapamulat saken ng mga maling desisyon ko. Dinala ako ng pagkakamaling 'yon sa kapatawaran at totoong pagmamahal... sa totoong kaligayahan na kahit pera at paghihiganti ay hindi matutumbasan."

Tahimik lang na nakamasid sa kanya ito.

"Mahal ko ho ang anak n'yo. Kung may isang bagay man akong pinagsisihan ay 'yon ay hindi ko agad sinabi sa kanya ang katotohanan. Nagpadala ako sa takot ko. Naging makasarili ako. Inisip ko lang ang sarili ko. Kinalimutan kong masasaktan ko si Danah. Patawad po. Sanay ay maintindihan n'yo rin ako."

Bumuntong-hininga ang ama ni Danah.

"Pero nangyari na ang nangyari. Nasaktan mo na ang anak ko. Kaya patawarin mo din sana ako sa hihilingin ko sayo."

Bigla-bigla ay kinabahan siya. Sa ekspresyon ng mukha nito mukhang hindi niya magugustuhan ang hihilingin nito sa kanya.

"A-Ano po 'yon?" lakas loob na tanong niya.

"Layuan mo na ang anak ko. Kalimutan mo na siya. Kaya naman naming alagaan ang anak n'yo. Kaya sana, gawin mo 'yon para sa kanya."

Natigilan siya.

Pero hindi siya nagpatinag.

Hindi niya magagawa 'yon.

"Patawad po Mr. D'Cruze pero hindi ko ho magagawa ang gusto n'yo. Hilingin n'yo na ang lahat huwag lang ang layuan ko ang mag-ina ko. Noon, naging mahina ako at hindi ko naipaglaban ang pagmamahal ko sa isang tao. Ngayon... hindi ko na uulitin ang pagkakamaling 'yon. Magalit man kayo saken pero hindi ko iiwan si Danah. Hindi ko susukuan ang mag-ina ko. Ikaw na nga ho ang may sabi na gagawin n'yo ang lahat para sa anak n'yo dahil mahal na mahal mo sila. Ganoon din po ako, gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ni Danah at matanggap n'yo ako sa pamilya... gagawin ko 'yon ng buong puso dahil ganoon ko kamahal ang anak n'yo, sir."

Ilang segundong nagsubukan sila ng tingin ng ama ni Danah. Pero nagulat siya nang biglang itong natawa. Kumunot ang noo niya.

"Teka lang," tawa nito, sabay kuha ng kung ano sa likod ng upuan nito. Tawa parin ito nang tawa. "Sorry Text nakalimutan ko 'yong susunod na linya haha." Kung hindi siya nagkakamali script ang hawak nito.

Lalo lang kumunot ang noo niya. "B-Bakit ho kayo may script?"

"Nagpa-practice ako ng linya." Hindi maalis ang amusement at ngiti nito sa mukha. "Medyo naaliw ako sa ugali ng tatay. Script ko to sa MMK shooting ko sa weekend."

"Ho? K-Kung ganoon lahat ng sinabi n'yo sak –"

"Totoo 'yong sinabi ko. Maliban doon sa layuan mo si Danah. Asar ako sayong bata ka. Gusto kitang ipabala sa canyon kung 'di ka lang mahal ng anak ko at ama ng apo ko ay sinipa na kita sa Scarborough Shoal at nang magtanda ka."

"Sorry po,"

"Pero sino ba naman akong perpektong tao, Text? Ipokreto ako kung sasabihin kong wala kang kwentang tao dahil sa ginawa mo sa anak ko. It's a big slap on my beautiful face." Bahagya itong natawa. Hindi parin siya makapaniwala. God! "Kung may mas nakakaunawa sayo, ako 'yon. Pack juice! Ilang beses kong ginago si Cam. Mas malala nga lang siguro 'yong akin dahil mas masakit ang naging kapalit nang mga pagsisinungaling ko kay Cam. By the way, have you seen our movie?"

"Opo,"

"Maganda, noh? Nakkakilig?"

"Opo, kakaiba." He can't help but smile.

"See? Kaya naiintindihan kita. Asar lang talaga ako dahil anak ko 'yong sinaktan mo eh. Prinsesa ko 'yon, gago ka! Sarap mong tirisin. Hindi mo alam kung gaano ako na trauma nang muntik ng makunan ang anak ko. Tsk. Hindi na yata ako masasanay sa mga ganoon. Nakakaloka minsan!"

"Sorry po talaga."

"Hay naku! Ayaw na ayaw ko pa naman ang ma-i-stress pero sakit ka sa balat Text. Magkaka-pimples ako sayo. Sinabihan na kita noong una. Boto pa naman ako sayo kasi nga sauludo mo ang misteryo ng rosaryo. Pack juice, nasobraan ka naman yata at naging sorrowful mystery ka. Proud pa naman ako nang i-tsika kita kay Alt at Hanzel na may manunugangin akong nagbabasa ng bibliya at alagad ni Lord." Ngumiti si Tito Crosoft sa kanya. "Huwag mo nang uulitin 'yon at pepektusan talaga kitang lalaki ka!"

"Opo," 'di na niya mapigilan ang ngiti. Para siyang nabunutan ng tinik. Hindi niya inasahan ang magiging reaksyon ng Daddy ni Danah sa kanya. Thank God! "Salamat po. Maraming-maraming salamat po."

"Thank you for fighting your love to my daughter. It means a lot to me."

"I will do everything for your daughter. Gagawin ko lahat mapatawad niya lang ako."

Nagulat naman sila nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Font na may dala-dalang malaking box. Ibinagsak nito ang box sa harap nila.

"Huwag mo na kayong magpakasaya. May emergency tayo."

"Akala ko ba alagad ka ng sining, anak? Bakit umaala alagad ka na rin ng medisina. Anong emergency?"

"Magkikita sila ate at Blank ngayon."

"Si Blank?" sabay nilang sigaw ni Tito Crosoft.

Kumunot ang noo niya. Nakabalik na pala si Blank?

"Tsk, mukhang, nauuso na naman ang kantang Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig. Delikado ang bias natin Font. Kailangan ng back-up plan. Ilabas ang lechon! 'yong apple."

"Dad, alagad tayo ng sining. Hindi alagad ng mental."

"Grabeh siya oh. Sige, paki-explain ng plano mo at mukhang prepared ka. May power point presentation ka bang inihanda diyan? Projector gusto mo? Ipapahanda ko. Mayaman tayo. May printer din tayo. Sabihin mo lang anak."

"We need to disguised."

"Ay bongga! As James Bond or Avengers? Pero bet ko 'yong Mean Girls. Fav namin 'yon ng Mommy mo. Pero okay din naman ang action movie... tulad ng 2012 saka Hunger Games. Pwede ding The Purge - "

"Dad, pwede ba? Hindi tayo pwedeng mahalata. Alam ko kung saan sila magkikita. Kaya go na tayo sa Mean Girls."

"Seryoso anak? Naku, alam mo namang bagong buhay na ang Daddy mo. Kayo na lang."

"Dad, kailangan ni Text ng support natin."

"Sige, basta ako 'yong leader, ha?"

"Oo na! Oo na! Kulit mo Dad."

Napangiti siya. Aaminin niyang nag-aalala siya. Pero sa pinapakitang suporta ng Daddy at kapatid ni Danah ay napanatag rin ang puso niya.

Pero, ano 'yong Mean Girls?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro