Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

"BAKIT nagawa mo saken 'to Text? Bakit?! Bakit?!"

Hinayaan lang ni Text na bayuhin ni Danah ang dibdib niya. He held her; hug her as tight as he can. Natatakot siyang tuluyan nang mawala si Danah kapag pinakawalan niya ito.

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit niyang sabi. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you like this."

"Pero ginawa mo na, Text!" Humigpit ang pagkakahawak ni Danah sa damit niya. Crying her heart out. Damn it, he doesn't want to see her like this - so broken and hurt. God, what have I done? "Ginawa mo na! Sinaktan mo na ako." Hinigpitan niya lalo ang yakap kay Danah nang mawalan ito ng lakas. "Ang sakit. Ang sakit Text. A-Akala ko... Akala ko iba ka... S-Sabi mo m-mahal... m-mo ko. P-Pero bakit?" She sobbed. "B-Bakit?"

"Danah, please, pakinggan mo muna ako. I'm sorry. Please -" Itinulak siya nito. "Please, pakinggan mo ako. Let me explain."

"Tama na Text. Sorry, pero 'di ko alam kung paano ko tatanggapin ang mga sasabihin mo." Niyakap ni Danah ang sarili bago siya nito tinalikuran. "Iwan mo muna ako."

"Danah -"

"Please, Text. Gusto kong mapag-isa. Please, kahit 'yon lang."

Humugot siya nang malalim na hininga bago napabuntong-hininga. Marahas na naisuklay niya ang kamay sa buhok. Damn it Text! Damn it!

Tahimik na lumabas ng silid si Text.


I'm sorry Text. Sana mapatawad mo ako pero hindi ko na alam kung kaya pa kitang hintayin. Sa bawat araw iniisip ko kung tutuparin mo ang pangako mo saken. Ilang taon na ang lumipas pero 'di mo parin ako mabigyan ng sagot kung kailan natin sasabihin sa Mama mo ang relasyon natin o kung kailan mo maipaglalaban ang pagmamahal mo saken. Hindi ko tuloy alam kung totoong mahal mo ako. O baka nga, hindi 'yon ganoon kabigat tulad ng nararamdaman ko sayo. Masakit pero, napapagod din ang puso Text. Siguro tama nga ang Mama mo. Siguro, hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.

Kung sakaling magkita ulit tayo, magkunwari ka na lang na 'di mo ako minahal.

Paalam Text.

-Lyra

HINDI iisang beses na binasa ulit 'yon ni Text. Isang buwan na ang nakalilipas nang sulatan siya ni Lyra. Pero sa tuwing binabasa niya 'yon ay nasasaktan siya nang labis. Hindi niya matanggap sa puso niya na sumuko na ito sa kanya. Akala niya ay nauunawaan siya nito? Humigpit ang pagkakahawak niya sa papel.

Bakit ka sumuko Lyra? Hindi mo na ba ako mahal?

Hindi na namalayan ni Text ang pagtulo ng kanyang mga luha. He cried in silence. All his life, si Lyra lang ang minahal niya. Alam 'yon ng Dios. Araw-araw niyang pinagdadasal at hinihingi ang gabay nito sa kung ano ba talaga ang gusto NITO para sa kanya. Kung siya ba ay para sa simbahan o para kay Lyra. Mabigat din sa loob niya ang iwan ang pagpapari. Isa din 'yon sa gusto niyang matupad kaya pinag-isipan niya 'yon nang mabuti.

Hindi niya pinapaasa si Lyra. Talagang aalis na siya. Tinatapos niya lang ang semester na ito at hindi na siya babalik para sa ordinasyon. Simula nang ibigay niya rito ang bucket list na gagawin niya para rito ay buo na ang desisyon niya na lumabas sa seminaryo bago ang ordinasyon. Tatapusin niya lang ang huling taon niya saka niya kakausapin ang Mama niya.

Tinignan niya ang listahan na 'yon na kasamang ibinigay ni Lyra sa kanya.

Ngayon, hindi niya na alam kung ano ba talagang gusto ng DIOS para sa kanya. He's completely lost. Wala na si Lyra sa buhay niya. Punong-puno ng galit ang puso niya. Sobra siyang nasaktan ni Lyra. Ni hindi man lang siya nito kinausap ng harapan o subukang tawagan siya. Basta na lang itong nagdesisyon para sa kanilang dalawa.

She was being unfair to him.

WALANG nagawa si Text kung 'di ang sumama kina Pete at Jan. Pinilit siya ng mga kaibigan na lumabas total outing day naman nila 'yon kaya pwede silang lumabas ng seminaryo mayor. Pero hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng dalawang loko. Sabi sa isang resto bar, bakit iba namang establishment ang nakikita niya.

Dinig na dinig na niya ang ingay kahit nasa parking lot sila.

Inakbayan siya ni Pete. "Kalimutan mo muna 'yang Lyra na 'yan Text. Isang buwan na ring 'di 'yon nagpaparamdam sayo. Ipahinga mo muna isip at utak mo."

"Paano ko maipapahinga ang utak at puso ko kung ganito kaingay ang pupuntahan natin. 'Di sana doon na lang ako sa meditation garden sa seminaryo. Doon may world peace!" nilakasan niya ang boses dahil palakas na ng palakas ang tunog. Kumunot lang ang noo niya sa mga maskuladong lalaki na nakabantay sa resto bar kuno na 'yon.

"Ano ka ba, mag-i-emo ka lang doon." Dagdag ni Jan. "At saka masaya dito. May libreng kain kasi birthday ng pinsan ni Pete. Pwede tayong magsaya ng libre."

"Mukha mo Jan, puro ka libre. Kung libre lang naman gusto n'yo 'di sana sumama tayo sa feeding program ni Father Josef. Makakatulong na tayo, makakalibre pa tayo ng lugaw."

"Naman, Text!" Ginulo ni Jan ang buhok niya. "Birthday naman pinunta natin dito. Saka alisin mo na nga 'yang salamin mo." Inalis bigla ni Jan ang salamin sa mata ni Text. Akmang aagawin niya 'yon nang mabilis na naipasok nito ang salamin niya sa mata sa bulsa. Tsk. Masisira 'yon!

Ngayon niya gustong pagsisihan ang pagsama sa dalawa. Ang akala niya naman na birthday party ay 'yong may balloons at simple lang 'di niya naman inasahan na dadalhin siya ng dalawa sa kweba ng ewan.

"Pasok na tayo, kanina pa tayo hinihintay ng pinsan ko."

"May lechon pa ba?" singit ni Jan.

"Loko, sa tingin mo may lechon ang lugar na 'to?"

"Tsk, sana pala nag-drive thru tayo ng Jollibee kanina." Hinimas-himas nito ang tiyan. "Mukhang puro tubig magiging laman nito."

"Lumaklak ka na lang sana ng holy water para matauhan ka."

"Haha!"

Hindi maintindihan ni Text kung bakit ang saya-saya ng mga tao sa loob. Hindi na nga nagkakarinigan pero enjoy na enjoy parin ang tao sa pagsayaw at sa pag-inom. Now, he's regretting everything. Ganito na ba mag-birthday ang mga kabataan ngayon? Alak lang. Tsk. Ano bang masaya doon?

Alam kaya ng mga magulang nila kung anong ginagawa nila ngayon? He's not enjoying the scene. Gusto na niyang umalis kanina pa. Pero 'di niya magawa dahil na rin sa dalawang kaibigan. Nakakahiya din sa pinsan ni Pete. Lumayo na siya dahil panay ang lingkis ng kamay nung kasama ng pinsan ni Pete sa kanya. Hindi niya gusto ang uri ng tingin at hawak nito sa kanya. For him, it was truly improper for a woman to act maliciously towards a stranger - lalo na kung lalaking 'di mo naman kilala. Kanina pa siya kating-kating ibalabal ang apron ng waiter sa katawan nito.

Talaga bang uso sa mga babae ang magsuot ng halos kita na ang kaluluwa nila? That's absurd. Sumasakit ang ulo niya sa kaiisip.

Out of nowhere, hindi niya alam kung bakit natuon ang atensyon niya sa isang blonde na babae na sobrang kapal ang eyeliner. Kumunot ang noo niya sa suot nito sa leeg na parang electrical tape. Uso din ba 'yon? Maikli at hakab na hakab ang suot nitong dress. Pero 'di niya talaga maalis ang tingin sa babae habang sinusubukan nitong makadaan sa mga nagsasayawang tao. Mukha itong asar sa mundo.

"Bro!" sigaw ni Pete nang makalapit. "Sino 'yon, ha?!" Tukso nito sabay turo sa babaeng tinitignan niya kanina na nakaupo na sa isa sa mga stool sa bar counter. "Ganda ah!"

"Tigilan mo nga ako Pete. Umalis na nga lang tayo." Akmang tatayo na siya nang mahawakan ng dalawa ang mga braso niya. Pinagtulungan siya ng dalawa na dalhin patungo sa babae. "H-Hoy! Anong gagawin n'yo saken?!"

"Chill ka lang, Bro!" ni Jan. "Makikipagkilala lang naman tayo - este ikaw."

"I'm not interested!"

"Friends lang naman. Hindi naman bagong love life."

"Kahit na!" Sinubukan niyang makawala sa dalawa pero nahihila talaga siya ng mga ito. Darn, kapag talaga umulan, bubuhos talaga. He's in big trouble. Really, really big trouble. "Pete! Jan!"

Bumukas ang gulat sa babae nang itulak siya ng dalawa sa katabing stool nito. Kunot na kunot ang noo nito at natigilan sa iniinom na alak sa baso.

"Ano ka ba naman Text, pare. Relax lang, okay? Hindi ka naman mai-impyerno sa konting saya." Pasimple siyang pinasadahan ng tingin ng babae. Nailang siya.

Hindi niya alam kung bakit iba ang reaksyon niya sa tingin nito sa kanya kaysa sa babaeng kasama ng pinsan ni Pete. It was kind of weird. At hindi niya talaga mapigilan ang tignan ito. Mabilis na pinalis niya ang idea na 'yon sa utak. No, Text, keep yourself together.

"Uuwi na ako -" akmang tatayo na siya nang mahawakan agad ng dalawa ang mga balikat niya. "Guys, uuwi na talaga ako." Hindi na talaga niya gusto doon.

"Brad, isang drink nga."

"Oh c'mon Text," palatak ni Pete. "Loosen up a bit, okay. Hindi ka naman namin ipapahamak."

"Oo nga naman," segunda ni Jan. "Minsan lang 'to. At minsan lang tayo makalabas ng ganito. Kaya dapat i-enjoy natin 'to."

"Pero... hindi talaga ako -"

"Shut up Text," nakangising itinulak ni Pete ang baso sa kanya. "Here, have some drink. Trust us, masisiyahan ka dito." Hindi 'yon ang unang beses na uminom siya ng alak but as much as possible he avoided it. Mahina ang alcohol tolerance niya at kung ano-ano na lang ang ginagawa niyang kalokohan kapag nalalasing.

Napangiwi siya sa lasa ng alak. "Let's give the lady a drink." Bulong sa kanya ni Jan.

"A drink for the beautiful lady," inilapag ni Jan ang drink sa harap ng babae. The woman gave his friend the weirdest look na para bang sinasabi nito sa lalaki na 'close ba tayo?' Napangiti siya doon. It was weird though. Bakit siya napapangiti? "Bigay ng kaibigan ko." Turo nito sa kanya na kinagulat niya. Napatitig sa kanya ang babae.

"T-Thanks," may ngiting sabi nito pero alam niyang pinilit lang nitong maging friendly.

Konting alak lang 'yon pero nahihilo na siya. Wala ba talaga siyang balak tigilan ng mga kaibigan niya. Hiling niya ay sana iwan na siya ng mga ito nang makalayas na siya. Hindi niya naman talaga mapigilan na sulyapan ang babae. Mukha talaga itong aburido at may hinahanap dahil panay ang linga sa paligid. Napangiwi ito nang tignan nito ang cell phone nito.

Hilong-hilo na talaga siya. Hindi niya alam kung anong meron ang iniinom niya pero ang bigat-bigat ng nararamdaman niya. He's feeling hot inside. But he didn't paid much attention to it.

Aish! Kailangan niya lang namang sumama sa babae para lubayan na siya ng dalawa. At gagawin niya 'yon para makalayas lang.

"Pepsy!" sigaw nito bigla. Akmang aalis ito nang mabilis na nahawakan niya ang kamay nito. Kunot noong tinignan siya nito.

"Aalis ka na?" tanong niya.

"Oo," inalis nito ang kamay niya. "Bye." Hinawakan ulit niya ang kamay nito. Asar na binalingan ulit siya nito. "What?!"

"Please don't leave me."

"Huh?"

"Take me with you."

She held a sigh. "Look, I'm not what you think I -"

"Nagmamakaawa ako sayo. Please."

Isama mo na ako bago pa ako mabaliw at lalong magkasala.

"Fine! Let's go!"


"NAKAUSAP mo ba si Lyra, Mat?" tanong niya sa pinsan mula sa cell phone.

Bumuntong-hininga ito. "Naku pinsan, hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko."

"Just say it Mat. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa ni Lyra."

"Hindi ko siya nakausap, umiiwas siya saken, noong minsan nakita ko siyang kasama 'yong anak nung mayaman sa kabilang baryo. Usap-usapan ngang nililigawan na daw 'yon si Lyra. Sorry, coz. Siguro oras na kalimutan mo na nga si Lyra."

Galit siya. Pero hindi niya parin maiwasang masaktan. Ganoon lang ba kadali para kay Lyra na kalimutan ang lahat sa kanila? Ganoon lang ba siya rito?

"Sige, salamat."

Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Napapatitig sa kisami. Puno parin ng galit ang puso niya. Galit dahil nagawa siyang talikuran nang ganoon na lamang ni Lyra. Galit dahil hindi siya nito inintindi. Galit dahil napaka-unfair nito sa kanya.

Itinakip niya ang isang kamay sa mukha at napapikit.

He was hurting inside - dying to be exact. Limang taon! Limang taon pero itinapon nito lahat dahil hindi nito makita sa kanya na pinaglalaban niya ito sa Mama niya. Itinapon nitong lahat dahil 'di nito kayang paniwalaan ang mga pangako niya. God, it's killing him inside. Gusto niya na lang maglaho.

The pain was unbearable.

It's tearing all his sanity.

How was he going to live again?

He's so lost.


"LALABAS ako ng seminaryo Ma."

"Nababaliw ka na bang bata ka, ha? Malapit na hinuon ang ordinasyon mo ngayon ka pa magbinuang, ha? Hindi! Hindi ako papayag! Babalik ka na bukas!"

"Ma, hindi na ho ako pwedeng bumalik doon."

"At ngano man? Bakit?"

"Nagkasala po ako."

"Ikumpisal mo na lang."

"Hindi po pwede, kailangan ko ho siyang panagutan."

"Panagutan?! H-Hindi ko maintindihan. Deretsahin mo na nga ako Text."

"Nakipag-one night stand po ako."Madaling sinalo ni Text ang ina nang umakto itong nahimatay. "Ma! Ma! Okay ka lang?"

"Dios ko! Dios ko!" iyak nito. "Sino bang demonyo ang pumasok sa'yo at naging ganyan ka."

"Buo na ho ang desisyon ko. Pakakasalan ko ho ang babaeng 'yon."

"Dios ko! Dios ko!"

But he will do it not because it was the right thing to do but to avenge Lyra. Ipapakita niya rito kung paano nito sinaktan ang isang Textford Jacob Silva. He'll get even, kill her with kindness hanggang sa ito na mismo ang bumalik sa kanya. Hanggang sa pagsisihan nito ang ginawa nito.

Bumalik sa isipan niya ang mukha ng babaeng nakilala sa bar. Hindi niya alam kung binibigyan siya ng tadhana ng rason para maghiganti. Alam niyang 'di siya mapapatawad ng langit sa gagawin niya pero wala 'yon sa isipan niya ngayon. Gusto niya lang makita na magsisi ito.


"PATAWARIN mo ako Text." Lyra sobbed. "Kasalanan ko. Hindi ako naging matapang. Naging mahina ako. Hindi ko pinaniwalaan ang pagmamahal mo saken. Patawarin mo ako."

"Nangyari na Lyra." Pero 'di man lang naibsan ang sakit na naidulot nito sa kanya. Para 'yong palaso na itinusok nang pilit sa puso niya. Mas masakit palang marinig 'yon mismo sa bibig nito. "I'm sorry. But I love my wife." Pagsisinungaling niya.

"A-Asawa mo na ba talaga siya?" Pinanatili niya ang seryosong mukha. "Kilala kita. Hindi ka basta-basta magpapakasal ng ganoon na lamang. Sabihin mo saken Text, tama ako, diba?"

"Paniwalaan mo kung anong gusto mo."

"W-Wala na ba talaga? Wala ka na bang nararamdaman saken? Tignan mo ako Text. Wala na ba?"

Matapang na sinalubong niya ang mga tingin nito. "Tama bang itanong mo saken 'yan Lyra? May boyfriend ka na, diba?"

"H-Hindi ko pa boyfriend si Kevin."

"Ituon mo ang atensyon sa kanya. Pinili mong iwan ako Lyra. Panindigan mo 'yan."

"T-Text?"

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, but we are over Lyra. Sana huwag mong kalimutan 'yon. Lagi mo sanang isipin na ikaw ang unang bumitaw sa ating dalawa at hindi ako. Maging masaya ka sana sa kaligayahan ko."

Umiyak na lumabas ng simbahan si Lyra. Nagulat siya nang makita si Danah sa labas ng simbahan. May pagtataka sa mukha nito nang makita si Lyra. Kung kanina ay puot na puot siya pero nang makita ito ay bigla na lang nawala ang lahat ng 'yon.

Sa tuwing nakikita niya si Danah nawawala lahat ng galit niya.


"HINDI ka naman dating ganyan Text. Bakit mo hinahayaang kainin ka ng galit mo?" Mahinahong sermon ni Father Semon sa kanya. Kinausap niya ito dahil hindi na niya kayang dalhin sa puso niya ang kasinungalingan niya kay Danah. Lalo nang malaman niya ang nangyari kay Danah at sa unang lalaking minahal nito. Hindi na siya nagiging masaya. "Alam mo ba kung saan ka dadalhin niyang galit at paghihiganti mo?"

"Bakit po ganun, Father? Kahit anong gawin ko hindi ko parin maramdaman ang saya sa ginagawa ko kay Lyra? Sa huli ay ako lang din ang nasasaktan. Kahit na nakikita ko siyang nasasaktan at nagsisi."

"Anak, kailanman ay hindi nagbibigay ng totoong saya ang paghihiganti. Iniisip lang natin na oo dahil 'yon ang gusto nating paniwalaan. Nasaktan tayo. Gusto din nating gumanti. It's selfish idea. Iniisip lang natin ang sarili. Paano ang mga taong masasaktan natin? Nakuha mo nga ang gusto mo pero madami ka namang nasaktan. Isa na si Danah."

Natigilan siya. Si Danah. Dios ko. Hinayaan niyang lamunin ang puso niya ng galit at paghihiganti. Dahil doon nakalimutan niyang may puso din si Danah - na masasaktan niya rin ito. Pero anong gagawin niya? Natatakot siyang sabihin dito ang totoo.

Lalo na't nahuhulog na ang puso niya rito.

"Bitiwan mo na Text. Bitiwan mo na ang dinadala mong galit at paghihiganti sa puso mo. Hindi ka ganyan. Kalimutan mo na ang galit at magpatawad ka na. Gawin mo 'yon, kapag nagawa mo 'yon mas gagaan ang loob mo. Mas magiging malaya ka. Patawarin mo rin ang sarili mo. Humingi ka ng patawad sa Dios. Humingi ka ng patawad sa mga taong nasaktan mo."

"K-Kaya ko pa kaya 'yon, Father?"

May ngiting tinapik nito ang balikat niya. "Magdasal ka. Tutulungan ka NIYA. Dapat alam mo 'yon. Alam mo kung gaano kabait at kamaawain ang Dios, Text."

"Pero kinalimutan ko SIYA. Nakapaka-ironic nga at sumasalungat ang mga sinasabi ko sa ibang tao sa totoong ginawa ko ngayon. I feel bad for myself, Father."

"Minsan talaga dumadaan tayo sa mga pagsubok, anak. Tao tayo, nagkakamali pero hindi ibig sabihin nun ay wala na tayong karapatang magbago at magsisi. Maawain ang Dios. Alam NIYA ang bawat pitik ng puso mo. Ang rason ng bawat galaw mo. Ang sakit at saya ng bawat sinasabi mo. Alam NIYA ang totoong nasa puso mo. Tutulungan ka niya. Manalig ka lang sa KANYA."

"Natatakot ako, Father." Malungkot na tinignan niya sa mata si Father Semon. "Natatakot ho akong mawala si Danah saken kapag nalaman niya ang totoo."

Bumuntong-hininga ito. "May mga bagay na dapat harapin ng buong tapang. Gaano man 'yon kasakit o hindi. Walang sekretong 'di nabubunyag Text. Sabihin mo na 'yon ngayon hanggat maaga pa. Hanggat hindi pa malalim ang sugat. At ihanda mo ang sarili mo sa pwedeng mangyari."

"Ano ba 'tong nagawa ko Father?"


NAKAPAGDESISYON si Text na kakalimutan na niya ang paghihiganti kay Lyra. Hindi 'yon ang gusto niya. Oo, nasaktan siya pero mali ang ginawa niya. Marami siyang nasaktan pero hindi siya naging masaya. Sasabihin niya kay Danah ang lahat. Alam niyang magagalit ito pero gagawin niya ang lahat para makabawi rito. Magsisimula ulit sila. This time, buo na siya. Buong-buo na ang pagmamahal niya rito.

Kinausap niya si Lyra. Sinabi niya lahat rito ang lahat. Ang paghihiganti niya rito. At ang totoong nararamdaman niya. At ang katotohanan na hindi sila totoong kasal ni Danah. Bakas ang sakit sa mukha nito pero kailangan niyang gawin ang tama. Para sa ikatatahimik nila.

"Patawad Lyra. Alam kong mali ang ginawa ko. Sana ay mapatawad mo ako."

"W-Wala na ba talaga Text? H-Hindi na ba natin maibabalik 'yong dati?"

"Pinalaya ko na ang sarili ko Lyra. Sana gawin mo rin 'yon para sa sarili mo. Mahal ko si Danah. At ayoko siyang saktan. Oo inaamin ko na noong una ginamit ko lang siya pero hindi ko inasahan na mamahalin ko siya nang sobra. Sana ay maintindihan mo 'yon. Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sayo."

Lumong-lumong tumango-tango si Lyra. Nasasaktan siya para rito. Pero hindi gaya ng dati. Kaibigan na lang ang turing niya rito. At gusto niyang tanggapin na rin nito ang katotohanan na hindi na niya kayang ibalik ang dating pagmamahal niya rito.

"May hihilingin sana ako sayo Lyra."

"Ano 'yon?"

"Nakikiusap akong itago mo lahat ng sinabi ko. Pakiusap. Huwag mo sanang sabihin sa ibang tao. Hayaan mong ako mismo ang magsabi sa kanila. Maari ba 'yon?"

Pilit na ngumiti ito. "Sige. Sige gagawin ko 'yon."

"Salamat." Inabot niya rito ang list na ibinalik nito sa kanya. Naingat nito ang mukha sa kanya. "Take this. Itapon mo o sunugin mo. Patawad kong hindi ko na magagawa ang mga ipinangako ko sayo. Pasensiya na."

"T-Text?"

ARAW-ARAW pinagdadasal niya sa DIOS na bigyan SIYA nito nang lakas ng loob para tapatin si Danah pero hindi niya magawa. Nauunahan siya nang takot niya. Natatakot siyang mawala ito. Mahal na mahal na niya si Danah. Habang tumatagal lalo lang lumalalim ang pagmamahal niya rito. Mababaliw siya kapag nawala ito. Kaya kahit alam niyang mali, lagi niyang kinakalimutan ang sabihin dito ang totoo.

Seeing her now; fell asleep, with tears on her eyes, just broke his heart. Wala siyang magawa para alisin ang sakit ng nararamdaman nito. Hindi iisang beses na nasaktan ito. Pinangako niya na hindi niya ito sasaktan gaya nang ginawa ni Blank rito pero heto siya... sinasaktan itong muli.

Dasal niya sa Dios na sana panaginip ang lahat. Na magigising siya isang umaga, nakangiti sa kanya si Danah at kinukulit siyang maging tao. Ngiti at iyak ang tanging nagawa niya habang inaalala'yon sa isip. Hindi niya napigilan ang sarili. Gustong-gusto na niyang hawakan at yakapin si Danah. Tila bang huling beses na niya 'yong magagawa.

Tumabi siya rito sa kama at niyakap ito mula sa likod. Text buried his face on her neck. Niyakap niya si Danah nang sobrang mahigpit.

Umungol ito.

"Shsh, it's alright, Honey. Nandito lang ako."

"Hmmm..."

"I'm sorry. I'm sorry Danah."

Sana mapatawad mo ako.

He cried all night while holding her in his arms.


NANG umaga ding 'yon nagising siya na wala na si Danah sa tabi niya. Naramdaman niya ulit ang pamilyar na sakit na 'yon nang mabasa ang iniwang sulat ni Danah sa kanya. Tila 'yong bomba na itinapon sa kanya.

Sa sobrang sakit nun 'di niya napigilan ang maiyak. Mas masakit pa 'yon kaysa sa nang iwan siya ni Lyra. Hindi niya alam kung paano maiibsan ang sakit na 'yon.

Huwag ka munang magpapakita saken Text, please lang. I need time. Please give me the distance and time to think and heal. Masakit kasi Text. Sobra. Masakit kasi sobra kitang minahal. Nandoon na kasi ako sa point ng buhay ko na ikaw na... na magiging masaya tayong pamilya kasama si Baby. But you ruined everything. Sinira mo ang tiwala ko. Sa isang iglap nasira lahat ng binuo kong masayang pamilya para sa ating dalawa. Hanapin mo muna ang sarili mo at hahanapin ko rin ang sarili ko. Kapag handa na ako, saka kita kakausapin ulit.

-Danah

Then he broke down.

I know, I deserved it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro