Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Ilang minuto na yatang nagtitigan sila Text at Verdanah. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng appeal ng binata sa kanya. Oo na, the guy was so damn hot. Pero ang aura at mukha talaga nito ang sobrang nagustuhan niya sa lalaki. Parang ang hirap magkasala sa harap nito. He has this angelic face na sobrang inosente talaga kung tititigan ng maagi.

He was tall and has a body to die for. Para sa kanya lang naman. Hindi kasi 'yon 'yong klase ng katawan na maraming muscle at 'yong buff na talaga. Tama lang at masarap sa mata. Napakurap-kurap siya ng ilang beses. Pero bakit gusto kong magkasala?

Muntik na niyang kutusan ang sarili sa naisip. At kailan pa siya lumandi ng bongga? Siya sa Verdanah D'cruze na hopeless romantic pero never had a boyfriend since birth at ngayon pinagnanasaan ang lalaking ngayon lang niya nakilala at mukhang malaki pa ang fear kay Lord. De wow! Anong nangyayari saken?

Pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili na tignan ang kabuuan nito. Parang may kung anong kamanyakan forces na nagko-control sa kanya. Kanina pa 'yong pagnanasa na nararamdaman niya. Wala naman 'yon kanina. May nakain ba siyang eklabo at lumalandi siya ng ganito? Hindi niya talaga maintindihan ang sarili. Kapag nabasa ng Daddy niya ang isip niya baka tirisin nito lahat ng brain cells niya sa utak. Swear! Nahihindik ako sa pinag-iisip ko. Tulad ngayon gusto ko bigla hawakan at haplosin ang matipuno nitong dibdib.

Napatili siya sa isip. Ang yuck ko!

"H-Hey," Text tried to get closer to her pero pinigilan niya ito. "A-Are you okay?"

"Hindi ako okay! Nababaliw ako. Nakikita mo ba? Pansin mo, diba?" sunod-sunod na sagot niya. Halata namang nababaliw na talaga siya. "I can't understand myself. Para akong nasasaniban ng espiritu ni Megan Fox. Gusto kong magpa-sexy." Naiiyak ako sa pinagsasabi ko. Naloloka na talaga siya.

Kumunot naman ang noo nito.

"H-Hey relax," sinubukan ulit nitong lapitan siya pero tumili ulit siya. Napangiwi ito at napaatras ulit. "Relax. Take a deep breath."

"Paano ko gagawin 'yon?" hysterical na siya. Nagulo niya ang buhok. "Hindi mabuksan ang pinto at hindi ko alam kung bakit? Kung bakit ba naman kasi sa cheap na hotel pa 'to si Pepsy naisipang pumunta? At ikaw!" dinuro niya ito ng isang daliri. "Bakit naligo ka? May balak ka 'no?"

He was taken aback.

"No," hinuli nito ang tingin niya.

Hindi niya alam kung bakit lumakas bigla ang tibok ng puso niya. Nababaliw na yata siya dahil may pagnanasa siyang nakikita sa mga mata nito. Minamanyak ng hotel na 'to ang inosente niyang isip.

"Hindi ko alam," iniwas nito ang tingin. "Naiinitan ako. I don't know... there is something weird I'm feeling -"

"Aalis na ako!"

"Wait!"

Akmang tatalikuran na niya ito nang bigla nitong hawakan ang isang kamay niya. Napasinghap siya nang bigla itong madulas at nasama siya nito. Dahil nga cheap lang ang hotel na 'yon kaya no carpeted ang sahig 'yan tuloy at nabasa ang tiles na sahig dahil sa tumutulong buhok nito.

Napapikit siya nang maramdaman niya ang impact ng pagbagsak nila. Narinig niyang umungol si Text. Madaling naimulat niya ang mga mata. Bad move dahil lalo lang nanlaki ang mga mata niya nang mapansin kung saan nag-landing ang mga kamay niya. On his freaken perfect chest! Yakap siya nito habang nasa itaas siya nito.

Naibalik niya ang tingin sa mukha nito. Sakto namang naimulat na nito ang mga mata kaya imbes na lumayo siya ay napatili lang siya. Pero mas nagulat siya sa sunod na ginawa ni Text. Bigla siya nitong hinalikan sa mga labi. Lalayo sana siya nang pailaliman nito ang halik. Hindi niya alam kung bakit 'di na niya itinuloy ang balak. Sa halip ay gumanti siya ng halik.

It was her first kiss pero 'di niya alam kung bakit mukha siyang pro sa oras na 'yon. Tumaas ang mga kamay niya sa basa pang buhok nito. Darn him, for being a good kisser. Naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod. Caressing her back while giving her the chills. Sapo naman nito ang mukha niya. Pareho silang napaungol.

Nagkapalit sila ng puwesto at ngayo'y nasa itaas na siya nito. Naging mas mapusok pa ang halik nito sa kanya. Bumaba ang mga halik nito sa kanyang panga hanggang sa leeg. She moaned in pleasure. Kung kanina naiinitan lang siya ngayon nag-aapoy na yata ang buong katawan niya. Her mind is shutting down all her sanity. She couldn't think straight. Para siyang nababaliw sa binibigay ni Text sa kanya.

It's making her crazy.









Nilagpasan lang ni Danah ang kaibigan na si Pepsy.

"Hoy Danah," umagapay sa kanya si Pepsy. Hindi niya parin ito pinapansin. "Mahfriend, pansinin mo naman ako, oy. Tama na ang cold war, okay?"

"Wala akong kaibigan tulad mo."

"Ay ang hard! Mahfriend naman, bakit ba ang hard mo saken?"

Huminto siya at hinarap si Pepsy. Simula nang aksidenteng 'yon ay hindi na niya pinapansin si Pepsy. Kung hindi niya ito sinundan 'di sana 'di mangyayari ang lahat ng kamalasan na 'yon. Gusto niyang pumatay ng tao.

"Ikaw kasi, kung sino-sino ang ina-eyeball mo."

"Huwag mong sabihin 'yong ka wechat ko na naman 'yan, ha? Pwede ba, mag-move on ka na doon. Hindi nga kami chem nun eh."

"Anong chem?" kunot-noong tanong niya.

"Chem. Chemistry. Wala kaming chemistry. No spark at all. Hindi kami nag-click."

Napamaang naman talaga siya. "Pagkatapos n'yong mag -"

"Anong mag?" ito naman ang napakunot-noo. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon. Naalala na naman niya ang ginawang kagagahan ng gabing 'yon. Lihim siyang napangiwi. Kung bakit kasi - "Hoy, Mahfriend, mag-salita ka naman. Anong mag na sinasabi mo?"

Hinarap niya ito. "Wala kayong ginawa?" umiling ito. "'Di kayo pumunta sa kung saan?"

Nag-isip ito saglit. "Nag-hotel kami -"

"Oh 'di kitams, nag mag kayo!"

"Hoy! Hoy! Hoy Verdanah, ha." Pinanlakihan siya ng mata ni Pepsy. "Mali 'yang iniisip mo. Hindi ako ganun. Saka virgin pa ako. Sinamahan ko lang naman siya sa cheap na hotel na 'yon dahil nalasing ang kapatid ni Percy na babae at dinala sa hotel na 'yon. Umala mission impossible lang kami doon. Ikaw, ha? 'Yang utak mo nakaka-eskandalo."

Lalo lang siyang napangiwi sa isip.

Bakit ba ang malas - malas ko!

"Oo na! 'Di na kita di-deadmahin."

Ngumisi si Pepsy. "Yikes! So okay ka na doon sa humabol na client natin for their wedding prenuptial shoot?"

"No," diretsang sagot niya saka niya ito iniwan.

"Oh c'mon Danah," sinundan siya ni Pepsy. "Sayang din 'yon. Malaki naman daw ang ibabayad nila."

"Wala na akong time. Madami pa akong naka-sched na prenuptial shoot next week. Problema mo na 'yan. Tinanggap mo 'yan eh."

"Naiiyak ako,"

"Wala akong tissue."









Taimtim na nagdadasal si Text nang marinig niya ang ingay na nagmumula sa labas ng silid niya. He tried to ignore the noise and concentrate on his prayer. Pero kahit anong gawin niya nadi-distract siya sa ingay sa labas.

Napabuntong-hininga siya. Nag-sign of the cross siya bago tumayo sa pagkakaluhod sa gilid ng kama niya. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang bumukas 'yon. Napaatras siya ng wala sa oras.

"Naunsa na kang bataa ka?" sigaw ng Mama niya. Napabuntong-hininga siya. Bisaya ang Mama niya at hanggang ngayon napaghahalo parin nito ang bisaya at tagalog. Mabigat parin ang accent nito kahit matagal na sila sa Maynila. "Ano bang nangyayari sa iyo?! Bakit 'dili naman ikaw maging pari? Na-demonyo ka ba?!"

"Ma," mahinahon na tawag niya. "Huminahon ka lang."

"Paano ako kakalma kung na-buang ka na!"

He sighed again. "Ma, buo na ho ang desisyon ko. Hindi na ho ako tutuloy sa pagpa-pari."

"'Dili na mahimo! Hindi ako papayag. Papayat muna si Dambu bago mo 'yan magawa!"

"Ma -"

"Ah basta! Ma-i-stret lang 'yang utak mo. Plantsahin ko 'yan sa pagdadasal!"

"Ma -"

"Magpi-pray ako anak. Nabuang ka lang. Nateng bets a priyer."

Muli siyang napabuntong-hininga. Ano bang gagawin niya sa ina?









"Text!" Tawag sa kanya ni Jan. "Text wait up!"

Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa parking lot ng Seminary. Kinausap na niya ang rector nila na 'di na niya tataposin ang 1 year regency niya dahil hindi na siya babalik sa seminaryo. Buo na ang desisyon niya.

"Text, aalis ka na raw?" tanong ni Jan nang makaagapay ito sa kanya. "Bakit?"

"You should ask yourself why." Walang emosyong sagot niya.

"Is it about that night? Text naman, normal lang 'yon -"

Huminto siya at hinarap si Jan. Seryoso ang mukha niya.

"You called that normal? You don't make love anywhere or to someone you don't know. That is sacred. Pero anong ginawa n'yo saken? You trick me!" Hindi niya maiwasang pagtaasan ito ng boses.

He was so furious nang malaman niya ang ginawang pang-go-goodtime ng dalawang kaibigan niya sa kanya. May kung ano palang hinalo ang dalawa sa inumin niya at sa babaeng idinamay nito. The reason he was feeling a bit high that night. He was so disappointed with them.

Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.

"Text it's just for fun at saka -"

"No it's not Jan. Sabihin mo 'yan kay Pete. You don't make fun with these things. Sex isn't just about pleasure or romance it's sacred. It should be respected. Hindi 'yan isang laro o activity na pwede mong gawin kung kanino at kung saan."

"I'm sorry," napayuko si Jan.

Nanigas ang mga panga niya sa pagpipigil ng galit. "You know why I'm angry right now?" Humugot siya ng malalim na hininga. Marahas na napabuga siya. "Idinamay n'yo pa ang isang inosenteng babae sa mga kabaliwan n'yo sa buhay. For goodness sakes Jan, buong buhay natin nasa seminaryo tayo pero bakit umaakto kayo ni Pete na parang wala man lang kayong natutunan sa buhay. Do you even want to be a priest?"

"We thought it's okay to loosen up a bit."

"It's okay to loosen up, but not too much."

Iniwan niya na ito.

"Are you going to find the girl?!" sigaw nito.

Pero hindi na niya ito pinansin pa.

Yes, I'm going to find her.








Napatili ng bongga si Verdanah nang pagbukas pa lang niya sa pinto ng bahay ay bumungad na sa kanyang mukha ang malaking canvas ng isang half naked guy na walang ulo. Lalo lang siyang napatili dahil may naalala siya sa painting na 'yon.

"Ano ba ate!" reklamo ni Font.

Ibinaba ni Font ang malaking canvas hanggang sa baywang nito. Binatukan niya naman ang kapatid sa inis niya.

"Fudge!" he cursed. Akmang susuntukin siya nito sa noo pero hanggang pitik lang ang ginawa nito. Pero masakit parin. She glared at her brother. Pasalamat ito at matangkad ito sa kanya. "Go. To. Hell."

"Mauna ka!" benelatan niya ang kapatid.

Matangkad si Font despite him being 16. College na ito sa USB at architecture ang kinuha nitong degree program. Mahilig itong mag-pinta. Font is in fact a sucker for nude paintings. Hindi niya naman alam kung bakit 'yon ang kinabaliwan nitong muse. She knew it's an art but for her... medyo manyak ang tingin niya sa kapatid.

"Bakit ba kasi hawak-hawak mo 'yan?!"

"Masama? Ikamamatay mo?"

She rolled her eyes. "Gusto mong wakasan ko na 'yang buhay mo?! Umalis ka sa harap ko." Binangga niya pa ito bago nilagpasan. "I-timpla mo ako ng juice!"

"Hindi mo ako katulong!"

"Wala kang silbi!"

"Alagad ako ng sining."

Talaga naman! Dumiretso siya sala. Pasalampak na umupo siya sa couch. Sandaling natulala lang siya sa kawalan. Hanggang ngayon hindi niya parin makalimutan ang gabing 'yon. Arggh! Makakalimutan ba niya ang gabing isinuko niya ang kaban ng bayan sa isang lalaking hindi niya kilala? Ilang araw din siyang nag-emo. Syempre, mahalaga sa kanya ang bagay na 'yon. Kaya kamuntik na niyang kalbohin ang sarili sa sobrang inis sa sarili.

Kung bakit naman kasi biglang naging aggressive siya nang gabing 'yon. Wala talaga siyang idea kung bakit nagkaganoon siya. Para siyang nakainum ng kung anong potion at bigla siyang naging agresibo.

Naisandal niya ang likod sa couch.

Na saan na kaya ang lalaking 'yon? Nang magising siya kinaumagahan ay tahimik na umalis siya. Hindi niya kaya ang awkwardness kapag nagising ito. Nang makauwi siya nagsimula na siyang maloka dahil sa kagagahan niya. Umayos siya ng upo. Bakit ba niya hinahanap ang lalaking 'yon. Malay niya at artista 'yon. May hidden agenda 'yon. Busit talaga! Naiiyak na naman siya.

'Yong kaban ng bayan talaga. Ang sakit lang tanggapin na wala na.

"Juice mo," naingat niya ang tingin sa mukha ni Font. Sa harap niya inilahad nito ang isang baso ng four season flavored juice. "Tatanggapin mo ba o ibubuhos ko 'yan sayo?"

She rolled her eyes. "Bakit ang hard mo saken?"

"Hindi ako hard, malambot nga ako, 'yan pinagtimpla pa kita ng juice."

Naupo ito sa tabi niya. Sinundan niya lang ng tingin ang kapatid. Napansin niyang madumi ang suot nitong damit. May mga paints na dumikit. Itinuon niya ang tingin sa baso ng juice sa kamay niya.

"Na saan ang kambal?"

"Isinama ni Dad sa MS."

"Bakit hindi ka sumama?"

"Sumama ka ba?"

"Ewan ko sayo!" itong juice na lang ang kakausapin ko.

"You seem different?" mayamaya ay tanong ni Font sa kanya. Napatingin tuloy siya sa kapatid. "Anong pasabog mo?"

"Wala kang paki,"

Sa kanilang apat mas close siya kay Font kahit na puro bara lang ang nakukuha niya sa kapatid. Masyado pa kasing bata ang kambal na sila Print at Paper. Kahit parehong nasa high school ang kambal ay ang mukha at bukambibig ng dalawa ay kung gaano kagaling at kagwapo ang tatay nila. Which is totoo naman talaga.

Still, she love the twins.

Makulit lang naman ang kambal. Pero sweet pa din naman.

"Ate magpakasal ka na,"

"Mauna ka."

"Mauna ka, susunod ako."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bata ka pa!"

"'De wow!"

Natawa lang sila pareho. Baliw talaga 'tong kapatid niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro