Chapter 18
NATUTOP ni Danah ang bibig nang marinig ang malakas na heartbeat ng baby. Hindi niya mapigilan ang maluha. Ewan ba niya, sa mga palabas lang naman niya nakikita ang mga ganoong ka oa-han moments pero iba pala talaga kapag ikaw na mismo on the spot na makaramdam nun. Hindi niya maipaliwanag 'yong saya saka 'yong fulfillment bilang isang soon to be mother.
Naramdaman niya ang masuyong paghigpit ng hawak ng kamay ni Text sa kamay niya.
"'Y-Yan na po ba si baby, doc?" halos hindi makapag-salitang tanong ni Text sa doctora. "Okay lang ba siya? Bakit ang lakas masyado ng tibok ng puso ng anak namin?"
Natigilan siya. Namin? Bakit ang sarap nun pakinggan? Nag-e-echo 'yon sa puso niya. Natatawang tinapik niya ang braso ni Text.
"Ano ka ba Text, excited lang si baby."
Ngumiti ang doctora. "Don't worry, normal lang 'yan. At tama ang misis mo, mukhang na excite ang baby n'yo. Sa mga ganyang stage, naririnig na nila ang mga boses ng magulang nila kaya nakikilala na nila 'yon. Normally, nagiging-hyper sila at nagiging makulit kapag ganoon."
"Talaga?"
Tumango ito. "Yes, kaya I suggest na once in awhile ay kausapin n'yo si baby para naman 'di naman siya ma bore sa loob." Bahagya itong tumawa.
"Doc, ok lang po ba talaga si baby?" pag-iiba niya. Hindi niya maiwasang mag-alala. "Eh kasi, for the past 2 months wala kasi ako gaanong napansin na symptoms kaya kung ano-ano na rin lang talaga ang ginawa ko. Medyo makulit talaga ako eh. Saka kung ano-ano na lang kinakain ko. Na typical ko rin namang ginagawa." She sighed. "Buti na lang talaga at 'di ako pala inom ng gamot."
Paano na lang kung uminom siya ng gamot nang minsang sumama ang pakiramdam niya? Kawawa naman pala si baby. Ang manhid niya sa katawan 'di niya agad napansin si baby.
"Huwag kang mag-alala, hija. May mga ganoon talagang cases, rare nga lang. As long as wala ka naman palang ininum na mga gamot and extreme workout activities ay wala na tayong alalahanin pa." Bahagyang naglapat ang mga labi ni doc na para bang may inisip ito saglit saka sila tinignan uli. "Hmm, hindi naman siguro kayo laging nag-" she trailed off.
"Ang ano doc?" sabay nilang tanong.
"Alam n'yo na? Bilang mag-asawa may mga tawag sa gabi."
Kumunot ang noo niya. "Si Dad at si Font lang naman ang katawagan ko sa gabi."
"Wala akong load lagi." Text shrugged.
Natawa naman ang doctora sa kanila. "It's not what I meant, ang ibig kung sabihin ay ang status ng sex life n'yong mag-asawa."
"H-Ho?" nagkatinginan silang dalawa ni Text.
Mabilis niya namang iniwas ang tingin nang maramdaman ang pag-init ng mga pisngi niya. Naman! Nakakahiya. Sa lahat ng tanong 'yon pa talaga. Eh, 'di pa nga naitataas ang damit niyang si Text binabanggit na agad ang kasal. Kumbaga, kasal bago abs. Conservative ang lolo. Ayaw magpa-touch.
"Ahm," Text cleared his throat.
Nahuli pa niya ang pasimpleng pagpipigil nito ng tawa. Aish! Oo, tama tawanan mo ang pagiging-conservative mong lalaki ka. Deserved mo 'yan.
"Sorry Doc," simula nito. "Rest assured, hindi ho kami ganoon kalala. Katamtaman lang."
Ano daw?
"TEXT mukha kang tanga."
Nasa supermarket sila dahil kailangan nilang mag-grocery. Pero 'tong si Text akala mo 'di siya marunong maglakad dahil sa sobrang pag-aalalay nito sa kanya. Kahit nagtutulak ito ng trolley ay nakaakbay padin ito sa kanya. Dikit na dikit.
"Oh bakit?"
"Hindi naman ako mawawala. Hindi din ako madadapa. Eh kung makahawak ka saken parang takot na takot kang mahulog ako na para bang imbornal ang nilalakaran natin."
"Nag-iingat lang ako. Aba'y sa kulit mo ay baka kung ma paano ka pa."
"Hindi ako magkukulit. Aware na aware ako sa baby natin kaya mag-iingat ako."
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Something's telling me you just don't want people to see me getting cuddly with Verdanah Sophia D'Cruze?"
Napamaang siya. "Hoy, hindi. Praning ka masyado."
"Kaya tayo nag-disguised?"
Ang 'sang 'to OA. Siguro naisip nito 'yon since naka-disguised silang pareho. Hindi naman 'yong exag type. Kahit naman kasi hindi siya ganoon ka 'celebrity' ay kilala parin siya ng mga tao dahil sa paminsan-minsan niyang pag-guest sa mga talkshow at sa mga lifestyle magazine. Okay lang naman sa kanya na sabihin na si Text ang itinatago niyang boyfriend. Ang ayaw nilang ay ang magulo ang privacy ni Text.
"Bakit feeling ko naiinis ka?"
Diretso ang tingin nito. Inalis na rin nito ang isang braso sa pagkaakbay sa balikat niya. Ibinaba nito ang kamay sa handle ng trolley habang ang isang kamay ay busy sa pagpili ng kung ano-ano sa mga shelves na nadadaanan nila.
"Iniisip mo na baka mabasa ni Blank sa online news ang tungkol sa ating dalawa."
"Text, hindi. Kung ganoon iniisip ko dapat 'di na kita pinasama."
"Napilitan ka lang naman dahil nag-insist si Mama na samahan kita."
Nagsimulang manlaki ang butas ng ilong niya. Napasimangot siya. "Grabeh ka naman! Porket pinag-shades kita at pinag-bull cap iniisip mo ng kinahihiya kita. Nakakasakit ka naman ng damdamin."
"Okay lang naman saken 'yon Danah. A little honesty would be enough."
"Hindi nga sabi eh." Huminto siya sa paglalakad. Nilingon siya nito. Blanko parin ang ekpresyon ng mukha nito. Nakaasar na. Kanina ang saya-saya nila pareho. Pinuna niya lang ang pagiging-over protective nito sa kanya nagbago na timpla ng mood niya. Naiiyak siya... sa inis... sobra!
"Danah," tawag nito.
"Nakakainis ka."
Inalis niya ang tali sa naka-bun niyang buhok at pinalugay ang mahabang buhok. Isinunod niya ang black rimmed glasses na suot at binitiwan 'yon para tapakan. Hindi siya iiyak. Hindi siya papatalo sa talsik ng utak ng baliw niyang 'asawa' dahil nakakawala 'yon ng ganda. Looking stressed out is totally not on top of her bucketlist.
Itinaas niya ang tingin at masuyong nginitian si Text. Naglakad siya palapit rito hanggang sa pareho na nilang hawak ang push cart.
"Just so you know, hindi kita kinahihiya. Sa gwapo mong 'yan lugi pa ba ako?" Kumunot lang noo nito. She rolled her eyes. "Ano ba naman Text," inis at prolonged niyang sita kay Text. "Mas babae ka pa kung mag-selos. At pwede ba, huwag mong banggitin si Blank dahil wala 'yon sa Pilipinas. Matagal na 'yong nag-AWOL sa buhay ko. Ikaw na ang present ko. Hay naku! Buti 'di ka nagsiselos sa Diyos sa dami nating minamahal NIYA."
"God can endure pain and can still love us even if we decline." Seryoso nitong sagot. "Ako Danah, hindi. I cannot endure pain of losing someone I truly love." Nagtama ang kanilang mga mata nang iangat nito ang tingin sa kanya. "Alam kong 'di mo pa ako mahal... and I understand that. Pero I want to be honest with you. For all the days I've spent being with you I realized... hindi ko na pala kayang mawala ka sa buhay ko Danah."
Speechless.
"Text?"
Hindi na siya nakapag-salita nang alisin nito ang bull cap sa ulo at ipinasuot 'yon sa kanya. Naramdaman na lang niya ang pagbaba ng kamay nito sa kamay niya. He laced his fingers on hers dahilan para maiangat niya ang tingin rito.
Nagulat siya sa pagngiti nito sa kanya.
"Don't think too much about it."
MULA sa itaas ng bintana ng kwarto nila ay nakatingin si Danah kay Text na tahimik na naka-upo sa labas ng bahay. Sa lalim nang iniisip nito hindi niya maiwasang isipin baka 'yong mga sinabi ni Text sa kanya kanina ang bumabagabag rito ngayon.
Aaminin niya, mahalaga sa kanya si Text. Alam niyang mahal na niya ito pero hindi pa siya sure kung gaano ka lalim 'yon pero sobra niyang pinapahalagahan ito. Oo, nagsiselos siya kay Lyra. Oo, gusto niyang sa kanya lang ang buong atensyon nito. Gusto niyang makita itong masaya at nakangiti. Gusto niyang yakapin ito lagi. Pwede ring dahil lang din 'yon sa hormonal changes niya pero hindi naman siguro siya ganoon kababa para tsansingan 'to ng walang malisya.
Pamilyar siya sa galaw ng puso niya. Alam niyang papunta siya doon... alam niyang mahal na niya si Text kaso baliw kasi siya eh. Simula kasi nang maging wild siya sa pagmamahal niya kay Blank dinisiplina niya ang sarili na huwag na huwag na ulit magmamahal hanggat 100% sure na siya.
But seeing him now.
Gusto niya lang yakapin si Text at sabihing mahal niya din ito.
Napabuntong-hininga siya. Tumalikod siya at isinandal ang likod sa bintana. Nahaplos niya ang tiyan.
"Paano ko ba maiaalis ang lungkot sa Papa mo baby?"
Ilang segundo siyang naging tahimik.
Ah bahala na nga! Hindi din naman siya matatahimik kapag 'di parin nagsalita 'tong si Text. Lumabas siya ng silid at bumaba para puntahan sa labas si Text. Kaya lang napahinto siya nang nasa paanan na siya ng nakabukas na pintuan.
Huminga muna siya nang malalim bago nagkalakas loob na lumapit kay Text. Naupo siya sa tabi nito. Ngumiti siya nang mabaling ang atensyon nito sa kanya.
"Usap tayo," basag niya.
"Bakit lumabas ka pa? Malamig na. Baka mahamugan ka dito." Kahit sa blankong expression ng mukha nito ay naramdaman naman niya ang concern sa boses nito.
"Gusto ko ngang makipag-usap sayo." Napasimangot siya. "Kanina ka pa kasi tahimik. 'Di ako mapakali. Hindi ako sanay."
"I already told you not to think about it."
"Huwag mo kong englisin na baliw ka. Hindi ko magagawa 'yon. Ikaw talaga, bakit ba sobrang baba ng tingin mo saken? May pinaghuhugutan ka bang bad experience dati kaya ka ganyan?"
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtuwid ng upo nito bigla pero hindi niya gaanong pinansin 'yon.
"Text, mag-aminan na tayo total nandito naman na tayo. Heto nga, magkakaanak na tayo." Bumuntong-hininga muna siya. "Aaminin ko sayo. Mahirap saken ang magmahal ulit. Na lahat ng ito wala sa plano ko. Naasar ako sa tuwing nasisira ang mga 'yon... oo aminin ko, naasar ako sa biglang pagdating mo pero nagbago 'yon nang makasama kita ng matagal at nang makilala kita ng lubusan."
"Hindi naman kita minamadali Danah –"
"Hindi madaliin na natin."
Nagulat ito at biglang napatingin sa kanya. "Huh?"
Umisod siya palapit rito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at hinuli ang tingin nito. "May sinabi ang daddy ko saken noon. Kung gusto mong malaman ang tunay na nararamdaman ng isang tao ganito lang gawin mo." Walang pasabing kinabig niya ito para halikan sa mga labi.
Ramdam niya ang pagkagulat nito pero hindi siya nagpatinag. Ipinikit niya ang mga mata nang magsimulang gumalaw ang mga labi niya sa labi nito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya nang hindi parin nito tinutugon ang bawat halik niya. It feels like there is something stuck in her throat and chest. Isang mabigat na bagay na pumipigil sa paghinga niya.
Naramdaman niya ang kusang pagsuko ng mga labi at kamay. Akmang lalayo siya nang magulat siya sa biglang paghapit ni Text sa katawan niya. Sinapo nito ang isang pisngi niya habang nakaalay ang isang kamay nito sa likod niya. He hungrily kiss her and devour her lips. Napahawak siya sa mga balikat nito sa sobrang alab ng halik nito sa kanya.
She couldn't help but to kiss him back with the same passion. Pinagsawa nila ang mga labi sa isa't isa. Napaungol siya nang kagatin nito ang ibabang labi niya. She open her mouth for him. Gah! She hasn't been kissed like that whole her life. Para siyang mababaliw sa sensasyong pinaparamdam ni Text sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang emosyon nito sa kanya. Ang pagtitimpi nito hanggang sa kakaibang damdamin nito sa kanya.
At alam niya sa sarili niya. Hindi man niya masabi ng diretso kay Text pero alam niyang mahal na nga niya ito.
Parehong habol ang hininga na kumalas sila sa isa't isa. Niyakap siya nang mahigpit ni Text na para bang ayaw nitong mawala siya sa buhay nito dahil sa sobrang higpit ng pagyakap nito sa kanya.
"Text," mahinang bulong niya.
"Alam ko na ngayon kung bakit natutukso ang mga lalaki na gawin ang 'sang bagay na 'yon." Simula nito. "Lalo na kung ang taong 'yon ay sobrang mahal na mahal mo."
"Text?"
"God, Danah, you're making me f-cking crazy."
"Hoy!" pinalo niya ito sa balikat. "Unang-una 'di ako God. Pangalawa, nagmumura ka pala kapag inlove?"
Nakangiti na ito nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Halika nga," ginulo nito ang bangs niya saka siya hinila para akbayan.
Natawa lang siya. "Parang gusto kong marinig na maging bad boy ka minsan. Masyado kang mabait eh. Pati pagmumura once in a blue moon mo lang patulan."
"So you're into bad boys?"
Hinilig niya ang ulo sa balikat nito. "Not that much, but I want to see you pretend to be one."
"Ba't ba ang wi-weird ng mga request mo? Una, gusto mong uminom ako kasi gusto mo ang amoy ng alak. Ngayon you want me to be that bad boy you're fantasizing in your dreams." She giggled. "Baka naman sa susunod gusto mo na rin akong magtayo ng mafia o 'di kaya maging gangster?"
Natawa siya. "Hindi ah." Kaila niya though she really wanted to see that side of him na malabo nitong ipakita kapag normal na araw. "Naalala mo, 'di ba? Kailangan mong gawin ang mga bagay na 'di mo nagagawa pa? Oh 'yan, isa narin 'yan."
"Gusto mo lang yata dagdagan ang mga kasalanan ko?"
"Hala, ha? 'Di ka naman papatay ng tao."
"Wow! Pero gusto mo akong mag-mura?"
"Hindi naman laging nagmumura ang mga bad boy at possessive guys. They're just maangas at full with confidence."
"Bakit ba feeling ko hinihila mo ako sa kadiliman?"
"Ay grabeh siya –" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng yakapin ulit siya nito. "Huwag na nga lang." Nakangiting pagsuko niya.
"You're mine Danah." Seryosong sabi nito bigla. "Tandaan mo 'yan. Akin ka lang."
Bumalinghit siya ng tawa at pumalakpak. "Ay gusto ko 'yan. Gusto ko 'yan. Feeling ko ang ganda-ganda ko. Isa pa nga."
"Aish, pinagloloko mo talaga ako."
"Hindi nga, isa na lang."
"Fine," ilang segundo itong natahimik. "Damn it Danah! Why don't you just come here and f-ckin kiss me."
Napamaang siya. Teka wait lang, bakit ang cool ng pagkakasabi ni Text nun? Oh my! Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Text at inalog-alog ito.
"Text ulitin mo ire-record ko. Pang-ringtone!"
Text made a face na para bang ayaw na nitong magkasala pang muli. Natawa lang siya lalo. Pero 'di nga ang cool kasi pakinggan nun. Weird masyado pero ang cool parin. Nababaliw na yata siya.
"Aish, Danah, tama na 'yon. Ipapaulit mo pa. Kota na ako ngayon. Feeling ko ang laki na ng sungay ko." Kinapa-kapa nito ang ulo. Hinawakan niya naman ang mga kamay nito.
"Text, i-record mo ko ng marami niyan, ha? Gamitin mo 'yong phone ko."
"You're not going to give up, aren't you?"
"Yup, hindi kita susukuan."
"I'll remember that Danah. Huwag na huwag mo akong susukuan."
"Ay! Bakit iba na meaning nun?"
"They're all the same." He chuckled. "I'm just seriously in love with you."
"Huh?" anong konek?
KINABUKASAN ay tinawagan ni Danah si Font.
"T-Teka nga ate, wait lang. Medyo nag-loading ako. Ano sabi mo?"
"I'm pregnant."
"Huh?"
"Tang na juice naman Font sabi ko buntis ako."
"Sheet! Dininig ng Dios ang aking dasal. Praise the Lord! Praise the Lord! Allelujiah!"
She rolled her eyes in annoyance. Nai-imagine na niya ang mukha ng baliw na kapatid niyang 'yon. Ewan ba niya at gustong-gusto nun na mabuntis siya ni Text?
"Font," sita niya rito. "Pwede ba huwag mo akong asarin."
"Ate 'di kita inaasar. Natutuwa lang ako." Tumawa ito sa kabilang linya. "Patay ka kina Daddy at Mommy. Mukhang kailangan mo na ng red carpet for Dad. Although, mukhang may feeling na 'yon si Dad dahil napaganipan ka nga raw niya na nanganak ng marami."
"Ginawa pa akong inahin, tsk."
"Haha, but seriously sis, I'm happy for you. Isa kang tunay na demonyo para mapa-ibig mo ang isang agad ng kabutihan. Insert shing shing sailor moon na bag sound effects haha."
"Baliw! Sapakin kita diyan eh." Hindi niya napigilan ang matawa. Baliw talaga 'tong si Font. "Pero 'di nga, gusto kong itago mo muna 'to, ha? Pag-uusapan pa namin ni Text ang tungkol doon. Eh, alam mo naman na nagsinungaling rin kami sa nanay at lola niya na kasal na kami." Napabuntong-hininga siya. "Iso-solve muna namin 'yong problema namin sa lola at mama niya bago kami umuwi diyan. Basta i-ready mo na lang sila."
"Ano, i-order na ba kita ng red carpet?"
"Pinturahan mo na lang 'yang carpet natin. Aksaya pa 'yon sa pera."
"Got it!"
"Thanks!"
"Oh ate, ingat ka, ha? Ingatan mo sarili mo. Pati na rin ang pamangkin ko."
Napangiti naman siya. Sweet! "Oo na! Uuwi ako diyan na buong-buo."
"At inlove! Uyy!"
"Tama na nga 'yan. Ikaw talaga, tsk. Oh, bye na. Ikamusta mo na lang ako sa kambal at kina Mom at Dad."
"Sure thing, bye sis!"
Nakangiti parin siya nang ibaba niya ang cell phone niya. Papasok na sana siya nang makita niya si Lyra. Nagulat siya.
Narinig ba niya ako? Huwag naman sana.
"L-Lyra?"
Ngumiti ito sa kanya. Pero bakit naramdaman niyang may kakaiba sa ngiti nito sa kabila ng inosenteng mukha nito.
"Danah,"
"Kanina ka pa ba diyan?"
"Naku hindi, kakarating ko nga lang. Doon ako dumaan sa likod." Lumapit ito sa kanya. Pero kahit na mukhang wala naman itong narinig ay kinabahan parin siya. "Nga pala, Danah. Pasensiya na nga pala sa ginawa ko noong isang araw. Nabigla lang ako." Mapait itong ngumiti. "Sana mapatawad mo ako."
Napangiti naman siya. Baka naman napa-paranoid lang siya. Hindi siguro magsisinungaling si Lyra. Sa nakikita niya mukhang sincere naman ito. Inabot niya ang mga kamay nito.
"Naku, okay lang. Naiintindihan ko. Wala na saken 'yon."
"Talaga?" lumiwanag ang mukha nito. "Salamat naman. Makakahinga na ako ng maluwag dahil gumaan na ang loob ko."
"Ako rin,"
"Sana maging magkaibigan tayo Danah."
"Sana nga,"
Note: Yay! So sorry it took me years to update SA. Hays! Nagugulo ang puso at utak ko. Nabaliw ako. Kinailangan ko munang hanapin si Text sa simbahan at i-seek ang guidance ni Lord. At syempre hanap-hanap din ng work. At saka kapag nagsisimba lang talaga ako nakakapag-isip ng UD. Kaloka! Pero sana 'di pa kayo asar saken. Thanks for reading. Yan na muna. Maikli lang pero sige try ko habaan sa susunod. Mwah! Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro