Chapter 17
MALAPIT nang maubos ni Danah ang isang pitsel niyang iced tea. Aliw na aliw na rin siyang panoorin ang namumungay na mga mata ni Text. Napansin niyang palangiti pala ito kapag naka inom. She's not sure if lasing na ba ito o malapit na... hinihintay niyang sumayaw ito para masabi niyang lasing na talaga si Text.
Nakasalampak sila sa sahig. Nakapagitan ang isang pitsel niyang iced tea samantalang 'yong pitsel ni Text ay may lamang tuba. Para daw 'yong lambanog kaso medyo reddish ang kulay nun. Amoy suka na 'di niya maipaliwanag. 'Yon lang daw kasi ang nakita nitong nakaimbak sa bahay nila. 'Yon daw ang iniiunom ng mga tagarito. 'Yong tuba.
Well, okay na rin sa kanya. Kahit na medyo matapang ang amoy pero mukhang nakakalasing naman. Hindi niya naman mapigilan ang matawa. Pulang-pula na ang buong mukha ni Text. Ang cute nito lalo.
"Lasing ka na ba?" tanong niya.
Ngumiti si Text. "'Di pa."
"Sure ka?"
"Yup, 'di ka pa naman dalawa sa paningin ko." Nagsalin ulit ito sa baso nito. "Pero malapit na rin." Natawa ito bigla.
"Alam mo naaaliw ako sayo. Napaka-seryoso mong tao pero kung naka inom ka tinalo mo pa ang model sa toothpaste."
"I get that a lot. Sinabi ko naman sayo na ayokong malasing. Kapag lasing ako I do things which I don't rarely do. I smile. I flirt. I dance."
"Parang gusto kong makita 'yong I DANCE mo."
"Nice try, but honey, you can't make me." He smirked.
Lalo lang siyang naaliw dahil kahit sa simpleng smirk nito ang gwapo lang nito lalo. Iba si Text. Tama nga ito, he flirts, unconsciously. Hindi nito napapansin pero hindi ito 'yong simpleng baliw na lasing na tawa lang nang tawa. He has this aura na sobrang angas pero 'di nakakasakit sa utak. Parang split personality.
Naalala niya tuloy noong una silang nagkita.
"Teka nga, maiba ako."
"Naiiba ka naman talaga." Kumunot ang noo niya rito. "Ibang-iba." Dagdag nito na may ilang ulit na tango.
Natawa siya. "Baliw! Pero 'di nga, noon bang nakiusap ka saken doon sa bar na isama ka lasing ka ba nun?"
"Hindi, pero nakainom ako ng konti. Hindi naman ako mukhang lasing ng mga oras na 'yon, diba?"
"Hmm, sabagay. Ang weird mo lang."
"Kinailangan ko lang umalis para tigilan na ako nila Peter. Alam ko naman kung anong gusto nilang mangyari. They want me to loosen up and do that thing..." he squinted his eyes na para bang may naalalang 'di nito gusto. Na gets niya naman ang ibig nitong sabihin.
"Sex," dugtong niya.
"Yeah, mga wala talagang magawa sa buhay. Iwan ko ba't napasok 'yon sa seminaryo."
"So meaning may iba sa inyo na barako?"
"Well, 'di naman 'yon maiiwasan. We are still man. We also have those wild imaginations, but we are tought to modify and control it inside the seminary. It's just a matter of discipline... just that mga gago lang talaga ang dalawang 'yon." He shrugged. "Alam kong mali 'yong ginawa nila, I didn't condem them for that. Kaibigan ko din naman sila. Nadismaya lang ako nang sobra. Ipinagdadasal ko na lang na 'di na nila 'yon uulitin."
"Sabagay, naalala ko din, diba sinabi mo saken may nilagay 'yong mga kasamahan mo sa inumin nating dalawa? 'Yon ba ang dahilan kung bakit nag-init 'yong mga katawan natin?"
"I guess, wala na din naman akong maisip na dahilan para gawin 'yon. Kung hindi ako lasing baka naka drugs ako. I value the sanctity of marriage kaya wala talaga sa plano ko ang i-engaged ang sarili ko para sa isang pre-marital sex."
Nanlaki ang mga mata niya. "So meaning, ako ang una mo?"
Bakit feeling niya ang ganda-ganda niya sa mga oras na 'yon. Aba'y bihira na lang ang lalaking virgin sa mga panahong 'to. Baka 'yong iba nasa Mars na.
Nagulo nito ang buhok na para bang nahihiya ito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti. And his now tousled curly hair was so cute. 'Tong kulot na 'to ang gwapo. Sana mamana ng baby nila ang kulot na buhok ni Text. Ang cute talaga eh, parang kerubin.
Naisandal niya ang isang siko sa itaas ng hita niya since naka indian position naman siyang naka upo para saluhin ang kalahati ng mukha niya.
"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan Danah."
"Bakit ba? Ang cute mo kasi. Kaya nga minsan iniisip ko kung tao ka ba talaga o anghel na nagkatawang lupa."
"Hindi ako perpekto, tao din ako. May mga nagagawa rin akong mali." Sinaid nito ang laman ng baso nito. Kapagkuwan ay napaismid dahil sa lasa ng iniinum nito. "Tsk, kaya 'di ako umiinom eh." Marahas na ibinaba nito ang baso.
"Kahit ba once 'di ka na temp?"
"Hmm? Ang alin? 'Yong makipagtalik?" Tumango siya. "I admit, na-attract naman talaga ako sa mga babae pero not to the extent na gugustuhin kong dumating kami sa kama. Alam mo kasi Danah, kung may natutunan man ako sa Mama at Lola ko 'yon ay ang hindi pag-iisip na basehan ng pagmamahal ang maikama ang isang babae. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
Isinubo muna nito ang mani bago nagsalita.
"Kung mahal mo 'yong isang tao hindi mo kukunin 'yong isang bagay na alam mong importante sa kanila. Bilang isang lalaki, respeto ang pinaka-importante. Kahit naman kasi pareho n'yong gusto 'yon dapat bilang isang lalaki alam mo ang pwedeng kahahantungan nun. For men, wala namang mawawala sa amin. Pero ang sa inyo marami at isa doon ang hindi na muling maibabalik pa. At bilang isang lalaki, ikaw na ang umiwas. Kasi 'di naman talaga maiiwasan na bumigay ang mga babae. They are fragile as glass and if you, as a man in love who really loves her, then you will do everything just to protect that precious glass from falling apart... even if it includes yourself."
Napatitig lang siya kay Text.
"But I'm not saying na walang pagmamahal ang mga taong gumagawa nun. Ang punto ko lang, bilang isang lalaki. Kung hindi mo kayang pangatawanan ang lahat huwag mo na lang gawin. Huwag ka ng gago."
Sa sobrang panghanga niya ay hindi niya alam ang sasabihin. Grabeh talaga ang paniniwala nito. Kung sana lahat ng mga lalaki sa mundo ganoon din ang pag-iisip. Alam niya na meron paring mga lalaki na ganoon, isa na nga doon si Text, and hearing him now lalo lang siyang humanga rito.
Napaayos siya ng upo.
"Grabeh ka," tanging nasabi lang niya.
Natawa naman ito. "Oh baka isipin mo na naman na 'di ako tao."
"Nasasanay na ako." She chuckled. Napaisip naman siya bigla. "Kung ganoon, kaya mo siguro ako hinanap para panagutan 'yong nangyari sa atin? Wait, baka naman dahil nalaman mong anak ako ng artista!" pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Hindi, bigay ka talaga saken ng Dios."
"Hay naku Textford iniiba mo ang usapan."
"Hindi ko iniiba, 'yon ang totoo. Bakit ba kapag sinasabi ko 'yong mga paniniwala ko sa ibang bagay pinapaniwalaan mo pero kapag ini-explain ko sayo ang nararamdaman ko para sayo inaakusahan mo akong echosero." Marahas na binuksan nito ang supot ng chicharon. "Nakakasakit ka na rin minsan eh, ano?"
Medyo na guilty siya doon. Totoo naman talaga. Siya naman talaga 'yong laging may defense mechanism sa kanilang dalawa ni Text. Lagi siyang conscious sa mga galaw nito at sa mga sinasabi nito sa kanya. Para bang takot siya lagi na madismaya. Parang may pader sa pagitan nilang dalawa na siya mismo ang gumawa.
Nagsalin siya ng juice sa baso at ininum 'yon.
"Sorry," aniya mayamaya.
"Magkakaanak na tayo, sana naman buksan mo na nang malaki ang pinto ng puso mo para saken." May himig na pagtatampong sabi nito sa kanya. Hindi ito nag-angat ng tingin dahil busy ito sa pagkukuting-ting doon sa chicharon na 'di pa nito kinakain. "Kawawa naman si Pepa Pig."
Kumunot naman ang noo niya. Paanong nasali si Pepa pig sa usapan nila? Teka nga muna, 'to bang si Text nasa katinuan pa o wala na?
"Hoy Textford!" Inosenteng inangat nito ang tingin sa kanya. "Lasing ka na ba o hindi pa?"
Ngumiti ito. "Parang oo, parang hindi." Pagkatapos ay napakamot ito sa noo. "Minsan talaga nawawala ako sa control."
Natawa siya. "Baliw ka, 'di ko nahahalatang lasing ka. Paiba-iba bugso ng mood at ugali mo."
"I get that a lot. Kaya nga ayokong malasing." Bahagya itong natawa sa sarili. "Nababaliw na yata ako."
"Ano, kaya mo pa bang magkwento?"
"Wala akong allergy," diretsong kwento nito at nagsimulang magbilang sa mga kamay ng mga katangian nito. "Simpleng tao, malaki ang paniniwala sa Dios, nagkakamali, may damdamin at marunong masaktan."
"At naihugot mo pa talaga 'yan."
"Hayaan mo na minsan lang naman." Natatawag inaangat nito ang tingin sa kanya. "Ikaw, mag-kwento ka naman. Lagi na lang ako."
"Hmm, sige, ano namang gusto mong malaman saken."
"Itatanong ko sana kung kailan ko maibibigay ang pangalan ko sayo."
"'Yan tayo eh, noh? Text. Saka na 'yan."
"Fine, so why Weddings?"
"Kasi I like love stories." Nakangiti niyang sagot. "I like memories and I like treasuring things. Para sa akin importante ang mga memories kahit na gaano pa 'yon kasakit. Kasi parte 'yon ng mga desisyon at pagkatao mo. Ako kasi, naniniwala ako sa true love." Natawa siya nang bahagya. "Nakakatawa mang isipin at medyo cliché pero hopeless romantic talaga ako. I couldn't blame myself for that, araw-araw 'yon ang nakikita ko sa mga magulang ko. Alam mo 'yong, they never get tired with each other? Na kahit may pagkakataon na nagkakasamaan sila ng loob ay nawawala rin dahil sa pagmamahal nila sa isa't isa."
"And you wanted to witnessed a lot of those things?"
"Yes, at gusto kong nandoon ako para ipakita sa kanila kung gaano sila kaswerte sa isa't isa."
"Wow! Para ka pa lang fairy godmother?"
"Hmm, siguro." Danah shrugged. "Parang ganoon na nga."
Natahimik naman ito bigla at parang may malalim na iniisip. Hindi niya naman maiwasang mapansin ang lungkot na lumarawan sa mukha ni Text. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang sumagi sa isip niya si Lyra.
"Alam mo Text, pwede mo namang sabihin saken ang totoo n'yong relasyon ni Lyra." Bigla ay naingat nito ang tingin sa kanya. Iwan ba niya, hindi niya napigilan. Sa tuwing naalala niya ang galit at inis sa mukha ni Lyra sa kanya ay 'di niya magawang hindi isipin na hanggang sa magkaibigan lang talaga ang mga ito. "Baka gumaan ang loob mo kapag kinumpisal mo lahat saken."
Natawa naman ito sa kanya. "Wala kaming relasyon ni Lyra."
"Weh 'di nga? Maniwala ako."
"Wala nga, magkaibigan lang kami."
"Eh bakit na tahimik ka bigla kanina?"
"Iniisip ko kung sino nanay ni Hua Ze Lei." At nagpa-cute pa talaga ang loko.
"Hay naku! Lokohin mo ko Text. Maniniwala lang ako kapag inubos mo 'yang tuba mo."
"Oo, sige, uubusin ko 'to."
"Oh akala ko ba ayaw mong malasing?"
"Lasing na ako, sagarin ko na rin lang para sayo. Naks!"
Hindi niya naman mapigilan ang matawa. Pinagkrus niya ang dalawang braso sa itaas ng dibdib niya at may paghahamon na tinignan sa mga mata si Text.
"Sige nga, tignan natin ang lakas mo."
"Game!"
BIGLA na lang humundusay ng higa sa sahig si Text pagkatapos tunggain ang huling baso. Hayon, tinutoo talaga ng loko na uubusin talaga nito ang iniinum. Lumapit siya rito at hinila ito paupo sa tabi niya. Natawa lang siya nang ihiga nito ang ulo sa kandungan niya.
Nakangiti ito sa kanya.
"Lashing na yata ako," natatawang wika nito. "Ang dami mo na eh."
"Baliw," nilaro-laro niya sa mga daliri ang buhok nito. "Okay lang saken kung madami kami basta ba pareho lang kami ng mukha."
He chuckled. "Nag-iisha ka lang," itinaas nito ang mga kamay na parang may hawak itong camera. "Pose ka nga." Tinignan niya lang ito ng masama. Bahagya naman itong natawa. "Shige na, kukunan kita ng picture sa isip ko."
"Saan mo naman 'yan isi-save, aber?"
Ibinaba nito ang mga kamay saka nito itinuro ang puso nito. "Dito, sa puso ko."
"Sa mga kagaganyan mo Textford mai-inlove na talaga ako sayo."
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. "'Yan nga hinihintay ko eh."
Napangiti naman si Danah. Hay naku! Wala na talaga. Si Text na talaga ang pinaka-cute kapag nalalasing. Ang sarap nitong ibalot at iregalo sa sarili niya ngayong pasko.
Itinulak niya bigla ang ulo ni Text. Napangiwi ito nang mauntog ang ulo nito sa sahig. "Aw!" daing nito. "Why you gotta be sho rude!" pakantang reklamo nito. "Don't sho know am human sho!"
Tumayo siya saka niya ito niyuko para tignan. Baliw talaga!
Nasa itaas siya ng ulo nito. "Tumayo ka na diyan. Hindi mo pa naayos ang higaan mo."
"Dito na lang ako, malamig naman dito... kasing lamig ng pagmamahal mo shaken."
Natawa naman siya. Nakuha pa talaga nitong humugot sa estado nito. Text is a messed right now. Ni hindi na nga nito maingat man lang ang ulo nito. Nakapikit na rin ang mga mata nito.
"Bumangon ka diyan."
"Tsk," nagkamot lang ito ng braso bago tumagilid ng higa.
"Babangon ka ba diyan o aalis ako?"
"'Di ka na makakaalish, nakakandado ka na sa pusho kow. Goodnight Hon." Itinaas pa nito ang isang kamay para kawayan siya.
Imbes na mainis ay natatawa lang talaga siya. Tumingkayad siya ng upo at niyakap ang mga binti niya. Nakatilikod ito sa kanya. She started poking Text's back. "Hoy! Gumising ka na diyan."
"Hmm," umungol lang ito.
"Gising ka na, doon ka na lang sa kama. Tabi na lang tayo. Baka malamigan ka pa diyan sa sahig. Kawawa ka naman."
Nagulat naman siya nang bigla itong tumayo at pasuray-suray na lumipat sa kama. Natawa siya nang tumama ang binti nito sa paanan ng kama. Hay naku! 'Di na talaga niya ito lalasingin. Bababa sana siya sa kusina para palitan ang ngayon ay malamig na tubig sa maliit na palanggana. Pupunasan niya na lang si Text para maayos itong makatulog. Kasalanan din naman niyang nalasing ito. Pero sa nakikita niya ngayon naisip niyang mamaya na lang at aayosin niya muna ang pagkakahiga nito sa kama at nakalawit pa 'yong mga paa nito sa ibaba ng kama nila. Pinalo niya ang braso nito.
"Text umayos ka ng higa!"
"Hmm?"
Hay naku! Kasalan mo 'to Danah eh! 'Yan nilasing-lasing mo kasi. Paano mo naman 'yan iaayos ng higa. 'Yan si Text, nakadapa ng higa at mukhang wala na yatang balak bumangon. Natampal niya ang noo. Ano pa bang magagawa niya kundi ang mag-force labor sa 'sang 'to.
Lumuhod siya sa gilid ng kama para maiayos si Text ng higa nang bigla na lang siya nitong yakapin kaya napahiga siya sa tabi nito. Tumigil yata ang puso niya sa ginawa nito. Nabaling ang tingin niya rito at sa isang braso nito na nakayakap sa kanya.
"H-Hoy Text!" sinubukan niyang alisin ang braso nito. "Huwag mo 'kong daganan. Maawa ka naman saken."
Naimulat nito ang mga mata at nagkatitigan silang dalawa. Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang talaga ito sa kanya. Nagulat siya nang ngumiti ito. Bigla-bigla ay nag-init ang mga pisngi niya kasabay nun ang malakas na tibok ng puso niya. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok nun. Parang tambol sa tainga niya. Text!
"Are you trying to seduce me Danah?" inosenteng tanong nito.
Namilog ang mga mata niya. "Hindi ah!"
"Naalala ko tuloy ang ginawang temptasyon ng demonyo sa Dios."
Napamaang naman siya. So anong tingin nito sa kanya?
"Baliw! Anong tingin mo saken demonyo, ganon? Sapatosin kita diyan eh."
"Hindi," nakangiting umiling ito. "Ikaw ang Danah ko."
"Pa cute ka na naman diyan," akusa niya kahit kinikilig na siya nang sobra.
Tumawa lang ito pagkatapos ay pinakawalan na siya nito. Akmang babangon siya nang bigla na lang siya nitong hinila. Nagulat siya nang magtama ang mga labi nila. Lalo pang lumakas ang tibok ng puso niya sa sunod na ginawa nito. Naramdaman niya ang masuyong paggalaw ng mga labi nito sa mga labi niya. Umakyat ang isang kamay nito sa panga niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan kusa na lang pumikit ang mga mata niya.
She found herself responding to his kiss.
Naramdaman niya ang paglipat nito sa itaas niya. Naiyakap niya naman ang mga braso sa leeg nito para hapitin ito palapit sa katawan niya. Pareho silang napaungol nang pailaliman nito ang halik. She opened her mouth for him. She could taste the bitter taste in Text's lips but it didn't mattered to her. Sa halip ay naging matamis pa 'yon para sa kanya.
Bumaba ang mga kamay niya sa laylayan ng damit nito pero bago pa man niya 'yon maitaas ay bigla na lang itong tumigil sa paghalik sa kanya. Natawa siya nang bumagsak ang ulo nito sa gilid ng mukha niya.
"K-Kashal..." bulong nito. "Kasal muna. Tama."
Hindi na mawala ang ngiti niya. Grabeh 'tong taong 'to. Lasing na nga pero 'di parin nakakalimutan ang prinsipyo nito sa buhay. Ikaw na Text! Ikaw na talaga.
Bumangon na siya at inayos si Text sa pagkakahiga sa kama saka niya ito iniwan.
Pagbalik niya ay inilapag niya ang dala sa itaas ng bedside table at naupo sa tabi ni Text. Sinimulan niyang punasan ang isang braso nito na walang benda. Tulog na tulog talaga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti.
Text is Text.
Napabuntong-hininga siya kapagkuwan ay nahaplos ang umbok na niyang tiyan. Hindi niya alam kung nagkataon lang ang lahat at natuon lang talagang nandoon siya sa bar na 'yon kaya siya ang napagtripan ng tadhana na makilala ng isang Textford Jacob Silva. Aaminin niya, 'di naman talaga sa hindi niya gusto si Text may mga bagay lang talaga na pumigil sa kanya noon.
And now, alam niya sa puso niya na tuluyan na niyang nakalimutan si Blank kaya malaya na ang puso niya para magmahal ulit... Tumaas ang isang kamay niya para haplosin ang mukha nito.
"Hindi ko alam kung bored lang talaga ang Dios at pinagtripan NIYA tayong magkita at magkakilala. Pero kung may magandang naidulot ang panti-trip NIYA sa ating dalawa 'yon ay naging masaya ako sa panahon na magkasama tayo. At syempre, sino ba naman ako para umayaw sa biyaya ng Dios?"
"Hmm, Danah..." ungol nito sabay tagilid sa harap niya. "Aw, tsk..." Napangiwi ito nang medyo tumama sa katawan niya ang may benda nitong braso.
"Matulog ka na," aniya.
"H-Huwag mo kong... i-iwan... h-ha?" mahinang wika nito sa kanya.
"Oo, dito lang ako."
"H-Huwag mo kong iwan... dito ka lang."
"Dito lang ako, 'di ka rin makulit eh." Hinawakan niya ang kamay nito at masuyong tinapik-tapik 'yon. "Hindi kita iiwan."
At isa na rin ang pangako ko sayong 'di na kita pipigilang mahalin ako.
Hay sa wakas ay nakapag-UD na rin! I will dedicate this chapter to my online friend-reader-daughter Des! Happy Birthday anak! Hayaan mo't masisimulan ko rin ang kwento ng mahal na mahal mong si Font! Tiwala lang haha! And nga po pala, salamat sa patuloy na pagsuporta sa kwento nila Danah and Text. Hope yah enjoy this chapter! Inform ko na lang din na hanggang 25 chapters lang ang kwento nila Text at Danah haha. Opo, short lang! Naks! Thankie! Magbasa tayo hanggang sa kataposan!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro