Chapter 15
NAGPUNAS at nagpalit na lang muna ng damit si Danah.
Hindi din naman siya makakatulog dahil nanlalagkit din siya. Naabutan niya namang nakaupo sa gilid ng kama si Text na mukhang aliw na aliw pa sa ukulele nito. Nalimutan yata nitong pinaghintay niya ito ng matagal.
"Hoy!" tawag niya rito.
Mabilis na nilingon siya nito. Lumapit siya rito habang sobrang kunot ang noo nito.
"T-shirt ko ba 'yan?" turo nito sa suot niyang damit.
Tumango siya. "Oo, 'di ko pa pala nalalabhan ang mga pantulog ko. Nalimutan ko ring isama doon sa labahin. Ayos ba?"
Umikot siya at nag-pose pa sa harap nito. Maluwang ang T-shirt, hanggang tuhod niya na pinarisan pa niya ng pajama. Oh, diba? 'Di halatang balot na balot.
"Inferness, I like the print design. Kahit 'di ko maintindihan." Naupo siya sa tabi nito sa kama. Nakangiti lang ito sa kanya. "Anong meaning ng agape?"
"Hmm?"
"Sabi ko anong meaning ng agape? Makinig ka huwag puro titig sa mukha ko. Alam kong maganda ako."
He chuckled. "Silly,"
"Silly meaning nun?"
"Hindi,"
"Eh, ano nga? Ang tagal mo namang sabihin –"
"Love,"
"Huh?"
"The highest type of love in the bible, it's selfless and unconditional. The kind of love that would never ask anything in return. Agape is a kind of love that is selfless, sacrificial and unconditional."
Hindi niya naman alam na may types of love pala. Na curious tuloy siya bigla.
"Parang 'yong love ko sayo."
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Wow, ha? Kailangan mo talagang isampal sa maganda kong mukha na marami kang isinakripisyo dahil saken?"
"'To naman, sa lahat ng ibinigay ko na definition 'yong sacrifice lang talaga natandaan mo. Hindi ba pwedeng unconditional? Grabeh siya oh."
"Ayosin mo buhay mo, ha?"
"Taray mo talaga." Pinisil nito bigla ang ilong niya. "Cute!"
Pumiksi siya. "Alam ko, noh! Oh, sige na, diba, meron pang ibang types of love?"
"Well, there are 3 left, the eros, philia and storge. Eros, is the physical and sensual kind of love between married couple. It could be between a man and woman in a relationship. It's more on the intimate and sexual side. Sabihin na lang nating 'yong klase ng pagmamahal nating dalawa." Napamaang siya nang kindatan siya nito.
"Hoy grabeh ka!" nayakap niya ang sarili. "Huwag kang ano diyan."
Natawa lang ito sa kanya. "Puro ka malisya. Anway, the other type is philia, it is a kind of love na hanggang kaibigan lang. Commonly, brotherly and sisterly love. Parang friendzone na rin. Parang ikaw,"
"Anong parang ako?"
"Friendzone ako sayo."
"Hoy!" dinuro niya ito.
"Ikaw, ha? Nasasanay ka na sa pagtawag saken ng hoy." Ibinaba nito ang kamay niya. "React ka ng react diyan. Sige ka, iisipin kong totoo."
"Eh ikaw kasi," nakasimangot na sabi niya. "Magi-explain ka na nga lang huhugot ka pa."
"Oo na, 'di na. Lastly, the storge, 'yon 'yong klase ng pagmamahal na ibinibigay mo sa pamilya mo. Parang ikaw –"
"Oh, ano na naman, ha?"
"Kita mo 'to magri-react na naman. Wala pa nga akong sinasabi. Sasabihin ko pa nga na parang ikaw. 'Yong klase ng pagmamahal mo sa mga magulang at kapatid mo."
"Ah, 'yon lang naman pala."
"Oo, 'yon lang talaga." He chuckled. "Ang kulit mo talaga."
Humagikhik siya. "Akala ko naman huhugot ka na naman."
"Hindi na, and above them all, Agape is the highest type of love dahil 'yon ang klase ng pagmamahal na ibinigay ng Dios sa atin."
"Grabeh naman! Feeling ko tuloy may super powers ako dahil suot ko 'to."
Natawa lang sa kanya si Text. "Puro ka talaga kalokohan."
"I feel so blessed," pinagdaop pa niya ang mga kamay.
Lalo lang lumakas ang tawa ni Text sa kanya. Natawa na rin siya pagkatapos. Tayog talaga ng mga kalokohan niya sa buhay kaya siguro hindi siya naambunan ng grasya nitong mga nakaraang buwan dahil pinagkakatuwaan niya 'tong si Text.
"Ano kakantahan na ba kita?" tanong nito mayamaya.
"Teka lang, mamaya na. May mga bagay lang akong itatanong sayo."
Naalala niya naman 'yong eksena kanina. First time siyang nainis kay Lyra. Oo na, siya na may alam ng lahat kay Text. Ipalamon ko 'yong slumbook sa bunganga ni Text kapag nainis talaga ako.
Hindi niya mapigilan ang mapasimangot.
"Oo, nanghahaba na naman 'yang nguso mo. Ano ba 'yong itatanong mo?"
"Sinong nanay ni Hua Ze Lei?"
"Huh?" kumunot lang noo ni Text.
Natawa naman siya. "Joke! Pero seryoso, may itatanong talaga ako sayo. Alam ko nai-google mo ako minsan –" akmang magsasalita ito nang pigilan niya. "Teks lang, huwag ka ng rumason dahil nakita ko sa history ng web browser ng laptop mo ang pangalan ko. Kaya lang, 'di naman kita pwedeng i-google dahil alam kong wala akong mahihitang impormasyon tungkol sayo dahil ang timeline mo nasa panahon pa ni Magellan."
Natawa si Text. "Grabeh siya oh,"
"Pero seryoso talaga. Kanina habang nagtatanghalian tayo na realized ko na wala pala talaga akong alam sayo. Maliban sa mga kwento mo saken. Hindi ko nga alam favorite color mo, favorite food, motto in life, what's is love? define love, who is your crush? Sino favorite actress? Hobby mo? Dedication –"
"Slumbook ka ba?" putol niya bigla sa kanya.
"Huh? Bakit?"
"Hindi ako huhugot tinatanong ko lang. Kulit nito, kung makatanong ka saken parang sinauludo mo lahat ng nakalagay sa slumbook." Text couldn't help himself but to smile. "I like that side of you."
Natigilan naman siya. 'Yong klase ng tingin nito sa kanya naiiba eh. Parang 'di na agape. Parang iba na eh. She point a finger at him. "Hoy Textford, umayos ka, ha? 'Yong tingin mo Eros look na."
Natawa lang ito. "Bilis matututo, ah?"
"Inaakit mo ko, huwag ganyan. Isusumbong kita kay God."
"Silly, puro ka biro. Sige na, sasagutin ko na lahat ng tanong mo. Magsimula tayo sa –"
"Sino nanay ni Hua Ze Lei?"
"Kulet mo! Huwag nga 'yan Danah. Puro ka kalokohan." Hindi parin mapuknat ang ngiti nito. "Ako na nga. Hmm, favorite food? Hindi naman ako pihikan sa pagkain pero kung may isa mang pagkain na gustong-gusto ko 'yon ay spaghetti."
"Spaghetti ni Jollibee o ni Mcdonald?"
"Spagetti ni Danah."
"Baliw!" natawa s'ya. "Sige, ipagluluto kita one of these days. Marunong kaya akong magluto. Hindi mo naitatanong marami akong talent. Tulad na lang ng pagsusunog ng sinaing at paghahalo ng balat ng itlog sa scrambled egg."
"Sa sinabi mong 'yan parang nakakatakot na tuloy kumain."
"Basta, ako bahala sayo, so ano pa? Napapansin ko kasi mahilig ka sa puti. Ba't di ka nag-nurse?"
"Hindi ako mahilig sa puti. 'Yon lang talaga lagi kong suot. Kaya nakasanayan ko na ang puti at gray na kulay."
"So ano nga favorite color mo?"
"Yellow,"
Literal na nanlaki talaga ang mga mata niya. "Yellow?!"
"Kung maka-react naman 'to parang mortal sin ang pagkakagusto sa kulay na 'yon."
"Hindi naman, nagulat ako eh. Kasi si Daddy, 'di siya straight pero blue ang gusto niya. Ikaw straight pero yellow gusto mo." Hindi niya mapigilan ang matawa. Naalala niya ang kapatid na si Print. "Naku! 'Di ko na pala talaga dapat pagduduhan ang kapatid kong si Print dahil like na like niya ang pink at orange. Ikaw nga yellow eh, haha."
"Walang masama sa yellow. Ikaw talaga."
"Oo na! So sino na nga nanay ni Hua Ze Lei?"
"Isang beses pa na itanong mo 'yan hahalikan talaga kita."
"So sino nga nanay ni – oh so ano pa?" nakangising tanong niya.
"There is nothing much about me. Nagdadasal ako araw-araw. Hindi rin ako ganoon kabait. Marunog akong tumugtog ng piano, gitara at 'tong ukulele. I sing. I don't dance. Don't wanna get drunk in public. Nakwento ko na 'yon dati. Mahilig akong magbasa nga mga inspirational and motivational books. I have Bo Sanchez and Paulo Coelho collections, that includes my Greek Mythology collections. I'm not a fan of any celebrity dahil malimit lang akong manood ng palabas sa TV."
"Nahiya naman ako bigla. Eh ako nga hanggang pocketbook lang. Tamad kasi akong magbasa kaya doon na lang ako sa hindi makakapal. Hinihiram ko na lang 'yong mga libro ni Mommy."
"That's one," anito.
"Anong that's one? Kasunod ba 'yan ni that's two?"
Natawa lang ito. "Baliw, hindi, I mean, hindi ko alam ang part na 'yan sayo."
"Hmm, wala din naman gaanong big thing about me. Workaholic ako kaya marami akong nakaimbak na kayamanan na 'di ko pa nagagalaw. May balak akong mag-leave sa trabaho ng 3 buwan sana ngayong taon dahil magta-travel ako. Kaya lang may change of plans kaya saka na muna 'yon. Photography is my life. I treasure moments and value time. Naniniwala ako sa salitang effort at pagmamahal. I believe in forever. Cliché pero kahit na minsan masaklap ako sa departamentong 'yon naniniwala parin ako na may taong nakalaan saken. 'Yong katulad ng Daddy ko."
"'Yong kagaya niya talaga?"
"Baliw! Hindi, rare si Daddy ko. What I mean is, 'yong lalaki na mamahalin ako ng buong-buo."
"Ako yata 'yon,"
"Hoy!"
"Isa pang hoy saken at –"
"Hay!" sigaw niya sabay bungis-ngis.
"Bakit ba ang kulit mo?" natawa lang ito sa kanya. "You're going to be the death of me."
"Welcome," pang-iinis pa niya rito.
Pareho silang natahimik bigla.
Naihilig niya ang ulo sa balikat nito. Nasamyo niya ang pamilyar na bango nito na gustong-gusto niya. "Ang bango-bango mo talaga."
"Napapansin ko ngang gustong-gusto mo ang bango ko. Dapat na ba akong kiligin?"
"Ikaw bahala, feelings mo naman 'yan." Natatawang sagot niya.
"Ano, kantahan na ba kita?"
"Sige, inaantok na rin ako eh."
"Itatabi ko na lang 'tong ukee. Nagbago na isip ko eh. Iba na lang ang kakantahin ko."
Ibinaba nito ang ukulele saka tumabi ulit sa kanya sa kama. Nakasandal ang likod nito sa headboard ng kama habang nakaunan siya sa mga balikat nito.
"Ano ba dapat kakantahin mo?"
"Wala, 'yong isa na lang."
"Baka naman kanta sa patay ang kakantahin mo dapat, ha?"
"Kanta ng patay na naka ukulele? Ang saya ko pa yatang kumanta ng kanta sa patay."
"Wala, naisip ko lang naman."
"Hindi," niyuko siya nito. "Iba 'to,"
"Sige nga, pakinggan natin."
He started humming a tune na hindi siya pamilyar before he started singing.
"The moment that we met, I didn't know yet that I was looking at a face I'll never forget... 'cause I... I can't get you off my mind." Hindi niya naman maintindihan kung bakit bigla niyang naalala 'yong unang pagkikita nila Text doon sa bar. Para 'yong palabas sa utak niya na sumasabay sa kanta nito. "I can't get you off my mind."
Give me the chance to love you
I'll tell you the only reason why
Cause you are on my mind
I want to know you feel it
What do you see when you close your eyes
Cause you are on my mind
PAGTINGIN ni Text kay Danah nakatulog na pala ito. Hindi niya naman maiwasang mapangiti. Sa kakulitan nito ewan niya na lang talaga. Danah will always be Danah. Ang mataray niyang Danah na sweet naman talaga.
Maingat na inilipat niya ang ulo nito sa unan dahil nakaunan ito sa balikat niya kanina. Habang ginagawa 'yon hindi niya naman maiwasang pakatitigan ang maamo nitong mukha. Sino bang mag-aakala na sa kabila ng mataray nitong mukha nakatago ang isang makulit at sweet na babae.
Itataas na sana niya kumot sa dibdib nito nang yakapin siya nito bigla. Nawalan yata siya ng hininga nang maglapit ang mga mukha nila. Konting galaw na lang at maglalapat na ang mga labi nila. Imbes na mambroblema ay natawa lang siya.
Tulog naman na si Danah hindi na siguro nito mapapansin ang gagawin niya.
Ibinaba niyang lalo ang mukha sa mukha nito. Just as he was about to kiss her when he remembered something. Bumaba siya ng kama at hinanap ang cell phone nito. Gaganti lang siya ng pa sweet.
Nang makita ang cell phone nito ay bumalik siya sa tabi nito. Itinaas niya ang isang kamay pagkatapos ma i-set sa video mode ang cell phone.
Ibinaba niya ang mukha niya sa mukha nito bago tuluyang hinalikan si Danah sa mga labi pero hindi niya inasahan ang pagtugon nito sa mga halik niya kaya imbes na tumigil ay lumalim lang ang paghalik niya rito.
For heaven's sake!
Tigilan kamo siya ng anghel niya kung hindi baka saan pa siya dalhin ng kalokohan niyang 'to.
"Hmm..." ungol nito.
Babanat pa sana siya ng dalawang segundo pero tumigil na siya. Mabilis na tumayo siya sa kama at lumabas ng kwarto. Nak ng mga anghel! Kailangan ko yatang maligo ulit.
"NAY Dolores!" excited na tawag ni Danah sa ginang.
Naabutan niyang nagkakatuwaan sila Boge at Mateo sa likod bahay habang kumakain ng manga. Lumapit siya sa mga ito.
"Oh, inday, manga gusto mo?" alok nito sa kanya.
"Mamaya na ho, may ipapakita ho muna ako sa inyo." Nakangising tinignan niya sila Mateo at Boge bago bumalik ang tingin niya kay Nay Dolores. "Naalala n'yo Nay 'yong nilagyan ko ng make-up si Text? Naalala ko may video pala ako nun."
"Bakit 'di ko alam 'yan?" ni Mateo.
"Lagi ka kasing wala," sagot ni Nay Dolores. "Para kang kabute."
Natawa lang si Mateo. "Pasensiya naman, patingin nga kami."
With excitement, she tapped the video folder at sa gulat niya imbes na 'yong mukha ni Text na may make-up ang nag-play ibang video ang nakita nila. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang mukha niya.
Holy Sheet!
Paanong napunta doon ang mukha niya? At... at anong ginagawa nilang dalawa ni Text sa video? Inilapit niya ang mukha sa cellphone para lang mapatili pagkatapos maunawaan kung ano ngang nangyayari sa video.
"Oh my God!" mabilis na pinatay niya ang cell phone.
"Woah! Danah, 'di mo naman sinabi na may scandal kayo ng pinsan ko." Panunukso ni Mateo. Hindi niya naman maiwasang pamulahan ng pisngi. Langya! Kailan 'to? "Oyyy! Panginge copy niyan."
"Hoy! Tsk, Mateo, tumahimik ka." Natatawang sita ni nanay Dolores.
"Nay nagkasala yata ako," ani ni Boge.
"Naku Nay, Mateo, Boge, hindi ako 'yon. Oh my God!" Ngayon niya hihilingan na bumuka ang lupa at kainin na siya ngayon na mismo. Naiiyak na siya sa sobrang pagkapahiya. "Sige Bye!" mabilis na umalis siya at pumasok ulit sa bahay.
Naman eh! Peste ka talaga Textford! Hokage ka talaga!
NAABUTAN ni Text na nagtatawanan sila Nanay Dolores, Mateo at Boge sa likod bahay nang madaan siya. Nagtaka naman siya kaya lumapit na rin siya.
"Oh, mukhang masaya yata kayo?" nakangiting tanong niya sa mga ito.
"Pinsan, hindi ko alam na may scandal pala kayo ni Danah mo." Nakangising sabi ni Mateo.
Kumunot naman ang noo niya. "Anong scandal?"
"Eh kasi nga, undong, kanina ipapakita sana ni Danah 'yong video mo noong may make up ka pero iba ang na play niyang video." Hindi naman mapigilan ng ginang na mapangiti. "Hay naku! Nakakatuwang bata. Kayo naman kasi. Maghahalikan na nga lang magvi-video pa."
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Nakita n'yo?!"
"Kitang-kita!"
"Haha!"
"Shit!"
"Oh, diba napamura ka pa pinsan. Bless you."
"Kalimutan n'yo na 'yon. Edited 'yon." Saka niya nilayasan ang tatlo. Napangiwi naman siya at natutop ang noo. "Sa lahat ng video, talaga, Danah?"
Nang makapasok sa bahay ay mabilis na umakyat siya ng kwarto. Ang bilis ng karma niya. Hihingi siya ng kapatawaran sa Dios.
Bakit ba tawang-tawa ako nang isulat ko 'to? Comment! Hope yah enjoy this chap!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro