Chapter 14
SA tingin pa lang ng lola at nanay ni Text kay Danah alam na niyang hindi magiging madali para sa kanya ang mga araw na ilalagi niya sa pamamahay ng mga Silva. Pero hindi niya 'yon pinahalata. Isa siyang D'cruze. At ang mga D'cruze hindi sumusuko sa laban. Maliban na lang kung wala na talagang pag-asa.
Pero hindi nga at kinakabahan talaga siya.
Ang taray kasi tignan ng nanay at lola ni Text. Lalo na 'yong nanay. Iba ang tingin sa kanya. Para siyang kakatayin sa tingin. Pero hindi sa pagja-judge pero hindi naman kagandahan ang nanay ni Text. Mas level up ni Nanay Dionisia. I mean, maganda naman si Mommy D pero mas level up talaga ang nanay ni Text.
Yong lola naman nakasakay sa wheelchair nito pero sa itsura nito mukhang kaya pa siya nitong sermonan ng bongga. Donya na donya ang dating daming dyamante eh. Kakasilaw. Parang gusto na niyang isipin na ampon lang 'tong si Text dahil ang layo-layo ng lola at nanay nito rito.
"La, Ma," basag ni Text. "Ito po si Danah, asawa ko."
"Magandang araw po," sabay mano sa dalawa.
Hindi naman nakaligtas sa kanya ang mapanuring tingin sa kanya. Gayunpaman ay hindi siya nagpa-apekto at ngumiti lang siya pagkatapos.
"Si Lyra?" tanong ng lola nito kay Nay Dolores.
Kumunot naman ang noo ni Nay Dolores kaya sinagot ito ng nanay ni Text. "Pinatawag ko si Lyra dahil gusto siyang makita ni Mama. Ipakuha mo siya kay Boge at sabay-sabay na tayong kumain pagkarating niya."
"Ah, o-opo madam,"
Hindi naman maiwasan ni Danah na makaramdam ng kaonting dismaya dahil hindi man lang siya kinausap ng nanay at lola ni Text sa halip ay hinanap pa nito si Lyra. Hindi niya alam kung nagkataon lang 'yon o sinadya talaga nilang papuntahin si Lyra doon.
Hay naku! Akala pa naman niya sa mga teleserye lang ng Mama niya nakikita ang mga gan'tong eksena. Pati din pala sa totoong buhay. At kung gaano nasasaktan ang bida ay siya ring mukha at feeling niya ngayon. Ang sarap mag-walk out kung hindi lang talaga kay Text.
SA buong tanghalian mas ramdam niya ang pagiging OP niya sa mga ito. Hindi siya makasabay dahil wala naman siyang alam sa buhay gaano ni Text o noong mga most unforgettable moments ng mga kabataan nito. Naiinis na siya sa takbo ng usapan. Alam naman niyang estranghera siya sa buhay ni Text kaya pinapamukha nila 'yon sa kanya ngayon. Oo, nagsi-selos siya kasi napapatawa ni Lyra si Text at ang lola at nanay nito. Naiinggit siya. She has never been treated like that with her own family o kahit may mga bisita pa sila ni minsan hindi sila naging ganoon. It was just too cruel for them to treat her like that. Kung hindi siya gusto ng mga ito pwede naman nilang sabihin 'yon ng harapan.
She felt so hopeless, wala siyang magawa. Alangan naman din inisin niya rin 'yong dalawa. Kung tutuosin pwede niya 'yong gawin kaso baka isumpa pa siya ng mga ito.
"Anyway, enough of me." Nagulat naman siya nang biglang hawakan ni Text ang kamay niya. "Nanahimik 'tong asawa ko." Nakangiting binalingan siya nito. "Baka natatakot lang 'din 'tong ma hot seat."
"Text," mahinang saway niya.
"Ma, La, magaling na photographer 'tong si Danah. She owns My4ever wedding events. Kasama niya doon ang dalawang kaibigan niya na sila Pepsy at Colt. Familiar ka nun, diba, Ma? I saw you scanning some pictures on their website before."
Nagulat siya sinabi ni Text. Hindi nga?
"Noon 'yon," walang ganang sagot ng Ginang.
Pero malaking bagay na din 'yon sa kanya. Kilala na siguro siya nito kahit noon pa dahil madalas ito sa website ng My4ever. Nandoon kaya ang all about me niya doon.
"Alam mo kasi, Honey. Mahilig talaga 'tong si Mama sa mga ganoong bagay, so it kind kind a explain why she love weddings."
"Ah," nakangiting tango niya.
"Hija, narinig kong anak ka ng isang sikat na artista at director?" tanong ng lola nito.
"Ah, opo Lola."
"Bakit 'di ka nag-artista o naging kagaya nila?" dagdag na tanong nito.
"Hinahayaan lang po kami ng mga magulang namin sa gusto naming gawin. Kaya po nakakapili kami sa kung anong gusto naming –"
"Kaya naman pala nagpakasal ka agad sa estranghero." Putol ng nanay ni Text. Natigilan siya. "May mga magulang talaga na walang pakialam sa mga anak." Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kubyertos.
Nasaktan siya.
"Siguro ganoon ka pinalaki ng mga magulang mo o baka naman hindi naman talaga sila naging magulang sa inyo at puro publicity lang ang mga 'yon para isipin ng mga tao na kayang gumawa ng magandang pamilya ang isang baklang nag-asawa ng babae."
"Ma," seryosong tawag ni Text.
Kaya niyang magtimpi kung sa kanya lang pero ang idamay ang pamilya niya hindi na 'yon ay sobra-sobra na.
Tumayo siya.
"Hindi siya magri-react kung hindi totoo."
"I don't wanna be rude pero sana naman ho huwag n'yo ng idamay ang mga magulang ko sa galit n'yo saken dahil wala naman kaya doon sa panahon na naghihirap sila. Madaling sabihin na for publicity ang lahat dahil may karapatan naman kayong ihayag ang sariling opinion. Ang sa akin lang naman po ay konting respeto lang naman. Anak ho nila ako at alam na alam ko ho ang lahat ng mga pinagdaanan nila kaya masakit ho sa akin na sabihin niyo na baka hindi sila naging magulang samen. Huwag n'yo sana kaming husgahan agad lalo na't 'di n'yo naman alam ang totoong kwento."
Huminga siya ng malalim bago tuluyang umalis.
Hindi niya naman mapigilan ang mga luhang kusa na lang bumagsak.
Naman Danah! Eh sa masakit.
"HINDI n'yo ho dapat sinabi 'yon Ma."
Hindi naiwasang pagtaasan ng boses ni Text ang ina. Hindi niya nagustuhan ang inasal ng nanay niya kanina. Nakonsensiya siya dahil alam niya sa sarili niya na siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Siya ang pasimuno ng mga kasingulingan. Walang alam ang mga magulang ni Danah sa ano mang mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Danah.
Kung tutuosin ay pwede naman nitong sabihin na hindi naman talaga sila totoong kasal pero hindi nito ginawa. Hindi niya maiwasang makadama ng kaonting saya. It would only mean na binibigyan na talaga siya nito ng pagkakataon na makapasok sa buhay nito.
"Hindi ka naman dating ganyan na bata ka?! Dahil ba 'yon sa inggrantang babaeng 'yon?!"
"Ma, ano ba?" nahilot niya ang sentido. "Pwede ba, huwag na huwag n'yong pagsasalitaan ng masama si Danah o ang pamilya niya. Asawa ko na ho siya. Kung hindi n'yo kayang maging masaya sa desisyon ko at least respeto man lang saken at sa kanya."
"Nadi-demonyo na talaga ng babaeng 'yon ang utak mo!"
"Mamaya na tayo mag-usap."
Kapagkuwan ay iniwan na niya ang ina. Kanina pa niya hinahanap si Danah pero hindi ito mahanap sa buong kabahayan. Hula niya ay baka umalis ito ng bahay. Hindi pa naman nito kabisado ang buong lagar at baka kung ma paano pa 'yon.
"Text," tawag ng kung sino.
Natigilan siya at nilingon ang nagsalita.
"Lyra?" kumunot ang noo niya.
Lumapit ito sa kanya. "Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sorry Lyra, pero kailangan ko munang hanapin si Danah. Pasensiya na."
Tinalikuran niya na si Lyra nang magsalita ulit ito.
"Nasasaktan ako," natigilan siya. "Huwag ka namang ganyan Text. Wala na ba talaga akong halaga sayo? Ha, Text?"
"I'm sorry," tanging nasabi niya saka tuluyang umalis.
"ANO ba Danah. Hindi ka na iyakin." Sermon niya sa sarili. Panay ang punas niya ng mga luha. "Sabi ko naman sayo, dapat malakas ka. Dapat matapang ka. Kapag nakita ka ng Daddy mo ano na lang sasabihin niya sayo? Hayaan mo na sila."
She buried her face on her knees.
"G-gusto... ko... ng... umuwi." Hikbi niya. "Mommy... Daddy..."
Yumugyog ang balikat niya sa pag-iyak. Kanina pa siya doon. Kanina habang naglalakad natagpuan na lang niya ang sarili sa isang dalampasigan. Unang kita pa lang niya sa asul na asul na dagat at langit ay kusa na lang bumagsak lahat ng mga kinikimkim niyang sama ng loob. Bigla-bigla ay naihiling niya na sana nandoon ang Mommy at Daddy niya.
Ilang oras din siyang ganoon.
"Nandito ka lang pala," Gulat na naiangat niya ang mukha at napatingin sa katabi niya. "Naikot ko na ang buong Negros nandito ka lang pala." Malayo ang tingin nito.
"Tsk, para namang naikot mo talaga." Pinunasan niya ang mga luha. "At anong ginagawa mo dito? Baka lalo lang akong pag-initan ng nanay mo dahil nag-aksaya ka na naman ng oras para hanapin ako."
"Kailan pa naging aksaya ng oras ang paghahanap sa asawa ko?"
"Hindi mo naman talaga ako totoong asawa." Humigpit ang pagkakayakap niya asa mga tuhod. "Kaya, okay lang na hintayin mo ko sa bahay. Kaya ko namang hanapin ang daan pabalik."
"Kaya lang ayokong umuwi ang asawa ko na mag-isa." Nagkatinginan silang dalawa. Malungkot na ngumiti ito sa kanya. "I'm sorry."
"P-Para saan?"
"I'm sorry, una dahil nasaktan ka ng Mama ko. I'm sorry, dahil napag-salitaan ng masama ng Mama ko ang mga magulang mo. I'm sorry... dahil wala man lang akong nagawa." Yumuko ito para kumuha ng isang bato kapagkuwan ay binato 'yon sa dagat. "So ironic, ako na nga 'tong pumipilit sayo na pakasalan ako pero sarili ko rin palang pamilya ang magtutulak sayo palayo."
"Pwede ko pa bang hilingin sayo na pakawalan ako?"
"Kung 'yon ang gusto –"
"Alam mo ba," putol niya rito. "Pagdating sa mga magulang ko nagiging-sensitive talaga ako. Nakita mo naman na ang movie, diba? Kung tutuosin kulang ang isa't kalahating oras para ikuwento ang buhay nila Mommy at Daddy. Saksi ako nun, nandoon ako eh. Saka alam ko kung paano sila nagmahalan at kung gaano sila nasaktan pareho. Hindi kami perpekto, nagkakamali rin kami. Pero 'yong mga desisyon naming magkakapatid, pangit man o maganda ang kakalabasan hindi nangunguluhugan na hindi kami maayos na pinalaki ng mga magulang namin."
"Alam ko, kaya nga ako humihingi ng paumanhin sayo. Mali din talaga ang ginawa ni Mama sayo. Lalo pa't alam ko sa sarili ko na ako naman talaga ang dahilan kung bakit nandito ka. Dahil sa kasinungalingan ko pati ang mga magulang mo nadamay. Sorry, hindi lang para kay Mama kung 'di pati sayo at mga magulang mo."
"Okay na 'yon. Wala naman na tayong magagawa pa. Nandoon na tayo."
Pero nanatili namang tahimik si Text.
Pinasigla niya ang mukha at nakangiting ginulo ang buhok ni Text dahil masyadong malalim ang iniisip nito.
"Hoy!" Nagulat ito sa ginawa niya.
"D-Danah?"
Natawa siya. "'Yong totoo, natakot kang iwan kita, noh?"
"Huh?" lutang parin ang expression ng mukha nito.
"Hindi kita iiwan."
"Danah,"
"Pangako ko 'yan sayo."
"Totoo ba talaga 'yan? Baka niloloko mo na naman ako."
"Hindi nga, totoo 'to. Saka nangako ako sa sarili ko na bibigyan kita ng pagkakataon. Tutuparin ko 'yon. Saka malaki-laki na ang effort ko sayo. 'Yong kanina, masama lang loob ko. Pero hindi naman ako ganoon kababaw para lang iwan ka ng ganoon na la –" nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. "Hoy! 'Yan ka! Nanyayakap ka na naman."
"Salamat," humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Napangiti naman siya. Malakas na pinalo niya ang likod ni Text. Lumakas ang tawa niya nang mahiga ito sa puting buhangin. Napaungol ito sa sakit.
"Naman, Danah, ano ba 'yang kamay mo bakal? Ang sakit ah."
"Hindi ah, mahina nga lang 'yon."
"Mahina pa 'yon? Wow, ha? Gumaganti ka yata eh."
Natawa siya. Umayos naman ulit ito ng upo habang kinakapa ang likod. "Alam mo Text naisip ko, since 'di ko naman pwedeng patulan ang nanay at lola mo."
"Ano?"
"Ikaw na lang patulan ko."
"Sige, patulan mo na ako." Hinawakan nito ang kamay niya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita niya sa mga mata nito na ibang 'patulan' ang iniisip nito. Itinulak niya ang balikat nito ng malakas. Napadaing ulit ito. "Nakakarami ka na, ha? Patulan din kaya kita."
"Sige patulan mo!" malakas ang loob na paghahamon niya rito.
Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.
"Sinabi mo 'yan ah."
Nagulat siya nang hawakan nito bigla ang batok niya at walang kahirap-hirap na hinalikan siya sa mga labi. Mabilis na itinulak niya ito pero madali din nitong nailapit ang mukha nito sa kanya. Para yata siyang tatakasan ng kaluluwa niya ng mga oras na 'yon. Titig na titig ito sa kanya. Siya naman kabadong-kabado sa loob.
"Hindi ako santo, Danah." Nang-aakit na pahayag nito bigla.
Pack juice! Akmang hahalikan na naman siya ulit nito nang malakas na tumili siya.
"Text!" Malakas lang na tumawa ito. Naikuyom niya ang mga kamay sa inis. "Bakit mo ko hinalikan?"
"Sabi mo patulan kita. 'Di pinatulan nga kita."
"Ang daya mo!" pinaningkitan niya ito ng mata.
Nakangiting hinila siya nito payakap. This time, hinigpitan na nito para 'di siya makapalag. Talaga naman! Paraparaan din ang 'sang 'to eh.
"Huwag kang mag-alala, papanagutan naman kita."
"Gagawin mo talaga ang lahat mai-altar ako, noh?"
Ibinaba nito ang tingin sa kanya. "Mai-altar?" kunot noong tanong nito.
"Mai-altar," ulit niya. "Eh sa lahat ng mga lalaking nakilala ko ikaw ang natatanging hindi nangangarap na mai-kama ako. Ang trip mo sa buhay mai-altar ako." Natawa ito bigla. Napa-isip naman siya bigla. "Sabagay, dapat altar muna bago kama. Maganda 'yan. Maganda. Gawin natin 'yang relationship goals. Ay!" pumiksi siya nang may maalala. "Ano ka ba?!"
"Oh bakit?"
"Na ano mo na ako eh."
"Anong na ano?" patay malisyang balik tanong nito.
Sapakin n'yo to starfish eh.
"Text, ha?! Alam ko, alam mo ang ibig sabihin nun."
"Ano ka ba," inakbayan na lang siya nito. "Kaya nga tinatama natin."
"Sige, ilagay mo mamaya sa bucket list number 10 ang 'Mai-Altar si Verdanah Sophia D'Cruze'."
"So does that mean, pumapayag ka na talaga."
"Hindi pa! Pero ilagay mo na rin lang. Malayo pa naman tayo sa number 10."
"Binabalaan kita, lahat ng naisusulat sa bucketlist kailangang gawin at sundin."
"Ilapis mo na lang muna. Kapag sure na ako, sige ako mismo ang magsusulat gamit ng permanent pen para sure na."
"Puro ka talaga kalokohan,"
"Hindi ah, seryoso ako."
"So seryoso ka nga saken."
"Oo seryoso ako sayo – este seryoso nga ako doon sa suggestion ko."
"Wala na! Na huli na kita. Seryoso ka saken."
"Nagtataguan ba tayo?" inis na tanong niya.
"Aba'y ewan ko sayo," he shrugged. "Baka ikaw diyan, tinatago mo lang."
"Wala akong itinatago."
Hay naku! Pero seryoso nga? Gusto ko na ba si Text? Ah ewan. Binalingan niya si Text.
"Nga pala, Text."
"Hmm?"
"Huwag mong sagutin ang nanay mo dahil lang saken, ha?" sumeryoso ang expression ng mukha nito. Ngumiti siya. "Bad 'yon. Kahit na ganoon, naiintindihan ko naman sila. May pangarap sila sayo. Kaya minsan nasasaktan sila kapag nasira ang mga bagay na 'yon o 'yong mga pangarap na alam nilang gustong-gusto mo. Hindi ko din sila masisi. Kaya, kahit na hindi naman talaga tayo ang totally inlove with each other na hahamakin ang lahat gusto ko paring makuha ang loob nila. Syempre, sa paraan ko."
May ngiti na tumango ito.
"Okay ba?" nag-thumbs up siya rito.
"Maganda."
"Huh?"
"Maganda ka."
"Che!"
HUMUGOT ng malalim na hininga si Danah. Aaminin niya at kinakabahan talaga siya ngayon. Pero kailangan niyang gawin ang tama. Alam niyang mali 'yong ginawa niya kaya dapat matuto siyang humingi ng dispensa.
Inaangat niya ang mukha at puno ng sinseridad na tinigan niya sa mga mata ang mama at lola ni Text.
"Alam ko po na nagkamali ako kanina nang sagutin ko ho kayo." Simula niya. "Hindi ko ho ipagkakaila na nasaktan ako sa mga sinabi n'yo. Gayunpaman, mali parin ang ginawa ko kanina." Yumuko siya. "Patawad po, sana po mapatawad ninyo ako."
MAAGANG humilata sa kama si Danah.
Hindi niya alam kung bakit feeling niya pagod na pagod siya. Umiyak lang naman siya buong araw at nag-sorry. Alas otso pa naman ng gabi. Katatapos lang nilang maghaponan. Tumulong siya sa pagliligpit bago siya pumanhik sa itaas. Hindi naman siya nagtayo ng building pero ang bigat ng katawan niya.
Napabuga siya ng hangin.
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Text na bagong ligo at nakabihis pantulog na. Napasimangot siya dahil wala na din siyang gana magpalit at maligo gaya ng lagi niyang ginagawa.
"Matutulog na lang ako," aniya.
"Hindi ka na magpapalit? Makatulog ka kaya?" naupo ito sa gilid ng kama habang tinutuyo ang buhok gamit ng tuwalya.
"Tinatamad ako, gusto ko lang matulog na."
"Ikaw bahala," akmang tatayo na ito nang hawakan niya ang kamay nito. "Oh bakit? Ihahanda ko pa ang tulugan ko."
Sa sahig kasi ito natutulog.
"Patulugin mo muna ako." Parang bata na pakiusap niya.
Wala na talaga siyang maintindihan sa sarili niya. Parang bigla-bigla ay gusto niya lang magpaalaga kay Text. Gustong-gusto niya ang bango nito. Pati 'yong mukha nagpagti-tripan niya ng titigan. Nakakadiring isipin pero madalas sa panaginip niya si Text.
"Huh?"
Umayos siya ng higa at isinandal ang likod sa headboard ng kama. "Kantahan mo ko kahit ano. Gusto ko marinig boses mo. Sabi ni Nanay Dolores maganda daw boses mo."
"Nagpapaniwala ka doon," natatawang sagot nito.
"Sige na, isang kanta lang."
"Ano bang na kain mo't nagpapalambing ka saken ngayon?"
"Wala, sige na, kahit ngayon lang."
"Oh siya sige, papatulugin ko na ang Danah ko."
Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti. Parang ang sarap pakinggan ng ANG DANAH KO.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro