Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12


"BATA pa lang ako lagi na akong dinadala ng Mama ko sa simbahan. Kasama ng lola ko, araw-araw kaming nagsisimba tuwing umaga." Kwento ni Text. "Noong grade 5 saka naman ako pumasok bilang sakristan hanggang sa nag-kolehiyo na ako seminaryo. Pero dahil nga limitado lang naman ang bakasyon ko dahil kung saan-saan kami na a-assign na simbahan tuwing bakasyon ay kapag nadalaw na lang kami dito ako nakakapag-serve sa simbahan."

"Wala ba talagang pumilit sayo na pumasok sa seminaryo or baka naman nasanay ka na lang?"

"Hindi naman, gusto ko naman ang ginagawa ko. Sarili ko namang kagustuhan na pagsilbihan ang Diyos."

Tumango-tango siya. "Alam mo, belib din talaga ako sa inyo. Kasi, diba? May act of poverty kayo, obedience, chastity and all. Sa panahon pa naman ngayon mahirap i-give up ang mga bagay na nakasanayan natin."

"I agree, my first 3 months in the seminary was pure turtore. Maliit ang higaan at matigas pa. Nagsi-share kayo sa mga ceiling fan sa iisang kwarto. Limitado ang pagkain at hindi ganoon karami kagaya sa nakasanayan ko sa bahay. At aaminin ko sayo Danah, reklamador talaga ako dati. Kaya imaginen mo na lang ako sa loob ng seminaryo."

Natawa siya. "Oy 'di ko alam na reklamador ka pero alam ko na asar ka sa ugali kong isip bata."

"Hindi naman ako perpektong tao Danah, nagkakamali rin naman ako, maraming beses pero ang natutunan ko sa loob ng seminaryo dapat hindi mo ipagwalang bahala lamang ang mga nagawang kasalanan kasi kapag binaliwala mo lang 'yon mas lalo lang bibigat. For example, kapag may inililihim ka diba ang bigat sa loob?"

Tumango siya.

"Gayun din naman sa mga kasalanan. Dapat din tayong humingi ng patawad at sikapin na huwag na ulit magkasala pang muli."

"Alam ko na kung 'di pumasa si Font sa seminaryo." Namilog ang mga mata ni Text. Hindi niya naman mapigilan ang matawa. "Naku, wala talaga sa mukha ng lalaking 'yon ang pagkarelihiyoso. Naalala ko pa, umiyak 'yon isang araw. Tinanong nila Mommy kung bakit, hindi raw siya nakapasa sa seminaryo at 'yong isang linggo itong nawala ay dahil nag-stay raw siya ng isang linggo sa loob."

Tumawa si Text. "Alam mo ba, para sa amin isang misteryo ang makapasa sa loob. Marami kasi ang nagsasabi na kung sino pa daw ang desidido at naghahanda para sa exam ay siya namang hindi nakakapasa. Samantalang nakakapasok naman ang mga pumupunta para lang man-trip at chill lang."

"Ay ganun?"

He nodded. "Ako kasi, hindi naman ako naghanda masyado. Sabi ko sa sarili ko, kung makakapasa 'di para saken pero kung hindi 'di hindi para saken."

"Pero paano 'yan? Nakapasa ka nga, pero lumabas ka naman." At dahil pa 'yon sa akin.

"Hindi naman sigurado ang buhay mo sa seminaryo Danah. Sa treynta na nakapasok, lima or sampu lang ang nagiging pari. Kung ano man ang dahilan ng iba, ay ang Diyos lang at sila lang ang nakakaalam." Ipinatong nito ang kamay sa ulo niya saka naman ginulo ang buhok niya. "Kaya huwag mo na namang isipin na ikaw na naman ang dahilan kung bakit hindi ako natuloy."

"Alam ko naman 'yon," hindi niya maiwasang mapasimangot. "Saka sabi mo nga desisyon mo na 'yon. May magagawa pa ba ako?"

Huminto sila sa paglalakad at pinihit siya nito paharap rito. Naingat niya ang mukha kay Text nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Ibinaba nito ang mukha sa kanya saka ngumiti.

"Hindi naman masasayang ang siyam na taon ko sa seminaryo. Hindi porket hindi ako natuloy sa pagpapari mawawalan na 'yon ng saysay."

"Oo na,"

"Nga pala naalala ko," inakbayan siya nito at nagpatuloy ulit sila sa paglalakad. "May couple's bucket list pa tayong hindi natutupad."

"Hala!" she snapped her fingers. "Muntik ko ng makalimutan."

"At since, ikaw ang unang nag-isip nung una, ako naman ngayon."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano naman?"

"Simple lang naman, magsimba lang naman tayo sa Linggo."

Natawa naman siya. "Akala ko naman paaakyatin mo ako ng bundok dahil gusto mo akong gantihan sa pinaggawa ko sayo noon."

"Masama ang gumanti saka 'di naman ganoon kabigat ang pinaggawa mo saken."

"Bakit ba ang bait mo?"

"Umuwi na tayo baka sabihin mo na naman na santo ako."



"NAKU inday Danah, hayaan mo na kami dito sa kusina. Kaya na namin 'to." Awat sa kanya ni Nay Dolores pero hindi siya nagpatinag at patuloy lang siya sa paghihiwa ng mga sahog. "Baka mapagod ka lang inday."

"Nay naman, sanay ho ako dito." Pagmamalaki niya. "Lagi ho akong tumutulong kay Daddy na magluto kaya sisiw lang 'to. Saka ho Nay, hindi ho ako sanay na walang ginagawa. Namamatay ako."

"Dios ko naman inday, huwag ka namang magsalita ng kamatayan." Nag-sign of the cross ito na siyang kinatawa niya.

"Nay naman, joke lang 'yon. Sige na ho, ituloy n'yo na ho ang pagluluto." Itinaas niya ang isang kamay na may hawak ng kutsilyo. "Promise, ito lang talaga ang gagawin ko. Saka 'yong paghuhugas ng plato mamaya." Ininguso niya ang mga huhugasan sa lababo.

"Naku Inday, hindi mo na 'yon kailangang gawin. Nandiyan naman si Boge para hugasan ang mga 'yan."

"Nanay Dolores, hayaan n'yo na ako."

"Oh siya sige, pero ngayon lang. Sa susunod hindi na kita papayagan na maghugas ng mga plato."

Nginitian niya ang matanda saka tumango.

"Nay?" Sabay na napalingon sila sa nagsalita. Si Text. Itinaas nito ang manggas ng white long sleeve shirt nito hanggang sa siko habang papalapit sa kanila. Kumunot naman ang noo nito sa kanya. "Oh Danah, anong ginagawa mo?"

"Ay 'tong Inday mo Text ay 'di ko maawat. Pati hugasin gusto ring akuin."

Namilog ang mga mata ni Text, nakita niya ang amusement sa mga mata nito. "Talaga? Baka naman sa susunod ay pati paglilinis ng bahay at banyo ay akuin rin ng Inday ko." Panunukso pa nito.

Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito.

"Oh sige na Nay, ipagpatuloy n'yo na ang ginagawa. Ako na ang bahala sa asawa ko."

"Oh siya sige, maiwan ko muna kayo at may kakatayin pa kaming manok ni Boge sa labas."

"Sige ho,"

Nang makaalis si Nay Dolores ay lumipat naman sa likod niya si Text. Akala niya ay hihilahin siya nito patayo pero hindi pala. Nagulat siya nang hawakan nito ang nakalugay niyang buhok at sinimulang pagkuin 'yon.

"Dapat itinatali mo 'tong buhok mo kapag nagluluto ka. Mainit dito sa kusina. Kita mo't pinapawisan ka na. Kapag nakita ka ng Papa at Mama mo baga isipin nila na inaalila ko ang panganay na prinsesa nila."

Hindi agad siya nakapagsalita. Never in her life na nagawan siya ng ganoon ng isang lalaki. Kahit na kay Blank hindi 'yon nagawa sa kanya. OA na kung OA pero kung may kilala man siyang lalaki na gumagawa ng mga ganoong simpleng bagay ay ang Daddy lang niya.

I don't know. Pero bakit ang sarap sa pakiramdam? Bakit ang sarap isipin na may isang taong kayang gawin ang pinaka simpleng bagay para sayo? Hindi ko in-expect 'yon kay Text.

"S-Salamat," tanging nasabi lang niya.

Tinapik nito ang kaliwang balikat niya. "Welcome,"

Tumabi ito sa kanya. Siya naman parang tanga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Para bang naiilang siya na parang katabi niya crush niya. Napansin niya naman ang konting panginginig habang naghihiwa ng carrots.

Mula sa gilid ng mga mata niya napansin niya ang pagkuha ni Text sa dalawang carrots na hindi pa niya nahihiwa.

"Kumakain ka ng carrots, Danah?" mayamaya ay tanong nito.

"Hindi, ayaw ko ng lasa."

"Masarap naman 'to ah. Saka healthy pa. Dapat kumakain ka nito."

"Eh 'di ako sanay. Saka huwag mo ng ipilit –" bigla niya namang iniumang rito ang kutsilyo ng hindi sinasadya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nito at nailayo agad nito ang mukha. "Naku sorry! Sorry! Ikaw kasi eh."

"Oh chill ka lang, nanisi ka pa saken."

Ibinaba niya ang kutsilyo. Tumagilid siya para maharap ito. "So mag-aaway tayo dahil lang sa carrots?"

"Hindi tayo mag-aaway, nakakapagod 'yon." Kinuha nito ang kutsilyo at sinimulang ukitan ng mukha ang mga carrots. "Isa sa mga bagay na ayaw ko ay ang mag-away."

"Normal lang naman ang mag-away. Paminsan-minsan kailangan din natin 'yon."

"Basta, oh ito," inabot nito ang may ukit ng carrot. "Ikaw 'yan." Kumunot naman ang noo niya. "Ako naman 'to." Naibaling niya ang tingin sa carrot na kakatapos lang din nitong ukitan. Pinagdikit nito ang dalawang carrots. "'Yan tayo kapag nagkapamilya tayo."

"Talagang siguradong-sigurado kang i-rampa ako sa altar ah."

Natawa ito. "Ikaw talaga, 'to may kwento ako. 'Yan si Dodong Carrot at si Inday Carrot, sariwa pang mag-asawa."

"Baliw!" hindi naman mapigilang matawa.

"Makinig ka nga kasi, ang kulit." Umisod ito palapit sa kanya. "Si Dodong at si Inday nagkapamilya na." In-sliced nito ang dalawang carrots gamit nung kutsilyo kanina. "'Yan ang mga anak nila." Tapos in-sliced na naman nito ang dalawa.

"Anak na naman nila? Sipag ah."

"Hindi, 'yan ang mga bagay na ibinibigay nila sa mga anak nila." Hiniwa pa niya ang mga ito hanggang sa mukha na lang ang natira sa dalawang carrots. Bigla naman siyang nalungkot sa itsura ng dalawang carrots. "Lahat gagawin ng mga magulang para lang sa mga anak. Kahit ano kaya nilang isakripisyo kahit ang sarili... hanggang sa wala ng matira sa kanila."

"Ano ba Text, nango-ngonsensiya ka na naman eh."

Naiiyak siya. Hindi naman siya ganoon ka emosyonal. Hindi rin siya madaling paiyakin pero hindi niya alam kung bakit masyado siyang emosyonal nitong mga nakaraang araw. Isa pa't naalala niya ang Mommy at Daddy niya.

Tinawanan lang siya ng loko.

Pinalo niya ito sa balikat. "Ano ba?!"

"Ano ka ba, wala pa naman akong sinasabi."

"Anong wala? Ang dami na kaya. Hayan nga at naghihingalo na ang dalawang carrots. Naalala ko tuloy sila Mommy at Daddy. Hindi kaya biro ang pinagdaanan nilang dalawa para samen. Bakit ba kasi tayo napunta sa usaping pamilya?"

"Wala lang," he shrugged. "Na i-share ko lang."

"Hala ha! Alam mo, napapansin ko talaga na masyado kang madaldal. Kung ano-ano na lang ikinukwento mo saken."

"Hindi ko mapigilan."

"Puwes pigilan mo. Nakakaloka ka!"



DUMATING ang linggo at natuloy nga ang pagsimba nilang dalawa ni Text. Okay na sana kung hindi lang sana sila pinagtitinginang dalawa. Pati 'yong mga matatanda na nasa harap pa naman ay kahit hindi niya lapitan alam niyang pinagtsi-tsismisan na naman siya. Nasa loob pa naman ng simbahan di parin magawang bumait ng dalawang 'yon.

Mamaya talaga makikipagkilala ako para naman maisali ko ang mga pangalan nila sa dasal kong world peace.

Alam ni Danah na kailangan niyang mag-concentrate at iwasang ma distract habang nagsisimba pero hindi niya talaga mapigilan na tignan si Lyra. Lalong-lalo na nang ito mismo ang kumanta sa responsorial song. Pagtingin niya kay Text kakaiba naman ang pagka-seryoso ng mukha nito.

Napaisip siya. Baka naman praning lang talaga siya at ginagawan niya na lang ng kung anong malisya sila Lyra at Text. Eh, lagi naman talagang seryoso si Text pagdating sa Panginoon. Aish! Tumahimik ka na Danah. Nakikita at naririnig ka ng Diyos. Huwag puro pansin.

"The peace of the Lord be with you always."

"And also with you,"

"Let us offer the sign of peace,"

"Peace, peace," aniya hanggang sa nagkaharap sila ni Text. Para na naman siyang tanga na nakatitig lang rito. Ano ba gagawin niya? I-ha-hug ito o iki-kiss? Pero bago paman siya makapag-decide ay hinalikan na siya nito sa noo.

"Peace," bulong nito sa kanya.

Hindi na siya naka-reply dahil walang load ang utak niya para maka-react agad.

God! A kissed on the forehead. Pero bakit nagsilabasan lahat ng daga niya sa tiyan? Jus ko! Kiss sa noo lang 'yon pero iba talaga hatid nun sa kanya.

Para na talaga siyang tanga na nakatitig lang sa altar.

Lord, ha? 'Yong alaga mo, hokage talaga. Inosenteng hokage!




PAGKATAPOS na pagkatapos ng misa ay hindi na muna sila umuwi. Hindi niya alam pero nakasanayan na siguro talaga na maghintayan sa labas ng mga magkakilala para mag-usap. Okay lang naman sa kanya 'yon. Kaso lang, bumabalik na naman 'yong pantri-trip ng pasama-sama niyang pakiramdam.

Hinihintay lang nila si Nanay Dolores dahil sasama sila ritong mamalengke.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Text sa kanya. "Namumutla ka."

Naisandal niya ang ulo sa dibdib nito. "Okay lang ako, gutom lang 'to. Di kasi ako nakapag-almusal kanina dahil mali-late na tayo." Naramdaman niya ang masuyong pagyakap nito sa kanya.

"Umuwi na lang tayo. Ipagluluto kita para makakain ka na."

"Paano si Nay Dolores?"

"Magpaalam na lang tayo."

Sakto namang lumapit na sa kanila si Nanay Dolores nang umayos siya ng tayo. Natigilan siya nang makitang kasama nito si Lyra. Maganda nga ang babae. Animo'y isang anghel.

"Sasama nga pala si Lyra sa atin. Pinasama ko na total papunta din naman siya doon." Masayang anunsyo nito sa kanila. "Ay teka muna, sa tingin ko hindi pa nagkakakilala sila Lyra at Danah."

Inilahad naman ni Lyra ang kamay nito sa kanya. Natigilan siya noong una pero ang sama naman kung hindi n'ya 'yon tanggapin. Nakipagkamay siya rito.

"Ako nga pala si Lyra, kababata ni Text." Nakangiting pakilala nito sa kanya.

"Verdanah, Danah na lang."

"Nay, mauna na lang kami ni Danah sa bahay. Masama kasi pakiramdam niya."

Hindi naman nakatakas sa kanya ang pagseryoso ng mukha bigla ni Lyra. Hindi niya alam kung bakit pero para kasing may kakaiba sa pag-iba ng expression nito bigla.

"Ah ganoon ba?" nag-aalalang tinitigan siya ni Nay Dolores. "Namumutla ka Danah."

"Gutom lang ho, Nay. Chill."

"Ikaw talagang bata ka. Hay naku! Mabuti pa Text at mauna na kayo. Baka ano pang mangyari kay Danah. Kami na lang ni Lyra ang mamalengke."

"Sige ho,"

Nakaalalay sa kanya si Text habang naglalakad sila pabalik sa mini-jeep.

"Text?"

"Bakit?"

"Ba't 'di kayo nag-usap ni Lyra?"

"Ikaw talaga, masama na nga pakiramdam mo nagawa mo pang makitsismis."

"Nagtatanong lang tsismis agad? Grabeh siya oh!"



"AY ang kulet talaga nito!" reklamo ni Text bago nito inagaw mula sa kanya ang cell phone. "Ikaw, ha? Baka pinagkakatuwaan mo na naman ako diyan sa pangvi-video at pangsto-stolen mo saken. Huwag mong isipin na hindi ko nakita 'yong memes na ginawa mo saken."

Natawa siya. "Akalain mong alam mo 'yong memes."

"'Yan ka, ginawa mo na naman akong taong bundok."

"Ay wait," inagaw niya mula rito ang cell phone at umisod siya palapit kay Text. "May bagong mask ang snapchat ko ngayon. Try mo."

Hapon na at wala silang magawa. Tinamad din kasi siyang mamasyal at mukhang gusto rin munang magpahinga ni Text kaya tumambay na lang sila sa kwarto nito. Simple lang din ang kwarto nito. Wala gaanong gamit.

"Pagsi-selfiehin mo na naman ako."

"Hay naku! KJ mo talaga. 'Di naman natin 'yan ipo-post wala namang wifi. Gusto ko lang i-try mo kasi bagay sayo."

Pinahawak niya rito ang cellphone at in-switch to front cam. She tapped his face on the screen at lumabas sa ibaba ang mga mask. Pinili niya 'yong devil turned into angel na mask. Tawang-tawa naman siya sa mukha nitong demonyo pero ilang segundo lang naman 'yon dahil nag-switch na din 'tong maging anghel.

"Oh kitamz! Bagay sayo." Pagmamalaki pa niya sabay capture ng mukha nito.

"Hay naku, puro ka talaga kalokohan." Natatawang ginulo nito ang buhok niya. "Pero maiba ako, nasa pangatlong bucket list na tayo. It's your turn." Tumayo ito sa kama at kinuha mula sa cabinet nito ang notebook nito. Inabot nito sa kanya ang notebook at ball pen bago naupo ulit sa tabi niya. "Do the honor," he winked.

"Ay sus! Problema ba 'yon. Hmm," nag-isip muna siya. "Gusto ko," tinignan niya ito sa mga mata. "Gawin mo 'yong isang bagay na gusto mong gawin ngayon."

"Hmm, gawin ang isang bagay na gusto ko ngayon?" ulit nito. "Eh paano ba 'yan, isa lang naman talaga ang gusto kong gawin."

"Ano?!"

"Ang pakasalan ka."

"Talaga? Oh sige, tara na!" akmang tatayo na siya nang hilahin siya nito paupo ulit.

"Sure?" naniniguradong tanong nito sa kanya.

Tumawa siya. "Baliw! Joke lang. Feeling mo masyado."

"Paasa ka talaga," binitiwan nito ang kamay niya.

"Hoy! Huwag ka ngang ano diyan. Para ka namang bata. Sa ngayon, gusto ko maging super close muna tayo. Okay ba?"

Text smiled. "Ano pa bang magagawa ko. Sabi nga nila huwag mong ipilit ang isang bagay at baka dumugo lang."

"Hoy! Anong dudugo. Ikaw talaga! Kung ano-ano na naman 'yang iniisip mo. Saan mo naman 'yan narinig?"

"Wala sa tabi-tabi," he chuckled.

"Isa ka ring tsismoso eh!"

"Haha,"

Tawa lang kami ng tawa nang biglang may kumatok sa pinto.

"Bukas 'yan," ani ni Text.

Sumilip naman ang nakangiting mukha ni Nay Dolores bago ito tuluyang pumasok. Sa expression ng mukha nito parang may maganda itong balita na dala. Baka nakapasok na si Nay Dolores sa PBB? Oy why not, diba?

"Oh Nay, masaya ho kayo?"

"Naku, undong! Tumawag ang lola mo."

"Si Lola ho?"

"Oo, dadating daw siya bukas. Gusto niya makilala ang asawa mo. Naku! Naku! Matagal-tagal na ring hindi nadadalaw rito ang lola mo. At sabi din, baka sumunod daw ang Mama mo. Naku! Excited na ako."

Ano daw? Bigla naman siyang kinabahan. Jus ko naman! Kumusta naman ako? Gusto niyang maglayas. Napahawak siya sa braso ni Text.

"Oh siya, maiwan ko muna kayo. Marami pa akong ihahanda para bukas."

Iniwan na sila ni Nanay Dolores.

"Oy anong gagawin natin?"

"Teka lang, isa-isa muna," nginitian siya nito bago ginulo ang buhok niya. "Una, ililipat natin ang mga gamit mo sa kwarto ko kapag nakaalis na si Nay Dolores. 'Yong pangalawa, saka ko na pag-iisipan basta umakto lang tayo na mag-asawa."

"Kainis ka! Paano ka nagiging chill sa mga ganitong bagay?"

"Malamang, ako ang pasimuno nitong lahat." Natatawang sagot nito.

"'Yan ka! Dinamay mo pa ako."

"Gusto kong mandamay eh."

"Ngayon ikaw naman ang bully!"

"Haha,"

Mukhang kailangan ko na ring habaan ang dasal ko. Jus ko naman! Nanay at Lola? Hindi pa nga dumadating ang mga 'yon masama na ang pakiramdam niya. Tulad na lang ngayon, gusto niyang kumain.

Kaiyak!

"Nga pala," nagulat naman siya nang bigla siya nitong yakapin. "Wala akong maisip. Gusto lang kitang yakapin."

"Halata nga,"

Tumawa ito. "Alam mo bang nai-stress ako sa kakaisip kung paano ko ipapakita sayo ang mga bagay na gusto kung gawin kaso baka magalit ka at sipain mo pa ako."

"Nai-stress ka pa sa lagay mo na 'yan. Ang hilig mong mang-akbay tapos nanyayakap ka pa bigla."

"'Yon lang kasi ang feeling ko 'di ka magagalit. Baka isipin mong ang presko ko."

"Yakap lang muna saka akbay. Okay lang ako doon."

"Hmm... okay."

Napangiti siya. Habang tumatagal nagiging-komportable na siyang kasama si Text. May ilangan lang siguro dahil maraming bago sa turingan nilang dalawa pero alam niyang masasanay din siya. Nilaro-laro niya sa kamay ang cute na kulot na buhok nito. Nakayakap parin ito sa kanya. Gamahan 'din 'to sa yakap wala na yatang planong pakawalan siya.

Oyy kinilig! Naku 'di ah. Huwag kang ano diyan.

"Kulayan kaya natin 'tong buhok mo Text?"

Kumunot naman ang noo niya nang 'di man lang ito sumagot. Nagtaka siya saka naman niya napansin na hindi na pala nakayakap ang mga braso nito sa kanya. Hindi kaya nakatulog na 'to?

"Text? Text?"

Tinapik-tapik niya ang balikat nito pero ungol lang ang naririnig niya dito.

Hay naku! Tinulugan ako ng hudyo.

Pero sa halip na mainis ay may naisip siyang kalokohan. Patay talaga sa kanya ang lalaking 'to. Paggising nito may surprise siya rito.




Ang sipag ko po haha! Baka matapos ko agad 'to! Ang cute talaga ni baby Text! Share ko pic nya oh! He's so freakin cute!! 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro