Chapter 11
"SABI nung bata kanina diretso lang daw sa daan na 'to pero kanina pa ako palakad-lakad wala parin akong nakikitang simbahan." Napanguso si Danah habang naglalakad. Panay ang tingin niya sa paligid. "Shortcut ba 'to? Kambing at manok lang naman nadadaanan ko."
Bigla naman siyang nakarinig ng mga yabag na papalapit sa kanya, nag-uusap pa nga. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang grupo ng mga babae na naglalakad sa direksyon niya. Para pa ngang nagdi-diskusyon ang mga ito dahil hindi siya napapansin ng mga 'to. At sa itsura ng mga 'to mukhang galing pa sila sa simbahan.
Inayos niya naman ang buhok para matakpan ang gilid ng mukha niya. Wala din kasi siyang balak magpakita dahil kasama doon ang dalawang matanda noong nakaraang araw na ayaw sa kanya. Tumigil ang mga 'to nang makalagpas sa kanya. Binagalan niya naman ang paglalakad.
"Hay naku!" ani nung matanda. "Di jud ko ganahan atong bayhana!"
"Ano ba naman 'yan Aling Sita, i-tagalog mo naman. 'Di ko maintindihan eh. Isali n'yo naman ako." Reklamo naman nung dalaga nitong kasama. "Kanina pa kayo nag-uusap diyan 'di ko naman kayo maintindihan."
"Labad ba nimo Mira oy. Ang tagal mo na dinhe sa ato pero 'di ka parin natutotong mag-bisaya. Sabi ko, 'di ko talaga gusto 'yong asawa ni Dodong Text. Kita mo naman, mukhang maarte at walang alam sa gawaing bahay. Hay naku!"
"Mao gyud! Tama jud talaga si Nang Sita, Mira. Kung nalaman lang natin na 'di matutuloy sa pagpapari si Undong, si Lyra na lang sana 'yong nakatuluyan niya."
"Agree ako diyan, aba'y napakaganda ng ating Lyra!"
Sino si Lyra?
"Mabait, magalang, palasimba, magaling sa gawaing bahay, at maasahan pa! Naalala ko pa nga noong mga bata pa ang dalawang 'yon magkasundong-magkasundo sila Text at Lyra. Tiyak kung hindi nagdesisyon si Text na magpari si Lyra lang ang gusto ni Manang Maling para kay Undong."
"Niya kay kasal naman gud nas Undong Text. Wala na tayong magagawa kung hindi ipagdasal sa Diyos na maging masaya si Text sa piling ng bruhang 'yon."
"Sakto jud! Sakto!"
"Hay naku! Ka malas naman lang jud sa atong Text." Sakto namang paglingon ni Danah nag-sign of the cross ang matanda. Hindi niya naman maiwasang pagtaasan ito ng kilay. At nakuha pa nitong magdasal sa pangit ng ugali nito. "Kaawaan n'yo po ang undong namin."
Sumunod naman ang lahat.
"Tara na nga, magsasaing pa ako."
"Naku patay! Wa pako ka luto."
"Mao na! Mao na! Seg tsika."
Pero hindi nga, sino ang tinutukoy nilang Lyra?
Danah shook her head. Ah ewan! Wala din naman siyang pakialam. Uso naman talaga 'yon sa mga drama sa TV. Hindi mako-kompleto ang casting kung walang third wheel.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita na nga rin niya ang simbahan. Maliit lang 'yon. Para nga lang chapel pero 'yong mas malaki. Mapaghahalataan talaga na luma na 'yon at mukhang kasulukuyan pang inaayos. Nakasara ang main entrance nito kaya 'di niya rin masilip kung may tao sa loob kahit na hindi na 'yon 'yong closed type church.
May mga kabataan na naglilinis sa paligid kaso hindi niya naman makita si Text. Lumapit siya doon sa lalaking nagwawalis.
"Ahm, pwede ho bang magtanong?"
"Ah, ano ho 'yon, ate?" sagot ng lalaki sa matigas na Tagalog pero nakangiti.
"Nandito ba si Text?"
"Si kuya Text ho? Ahm, nasa loob po siya. Hinihintay si Father. Doon na lang kayo dumaan ate." Itinuro nito ang daanan sa gilid ng simbahan. "Doon na lang ho kasi ang bukas."
Ngumiti siya rito. "Sige, salamat."
Dumiretso siya sa itinuro nito. Panay rin ang tingin niya sa loob. May nakita siyang isang pares na naka upo sa harap. Likod palang ng lalaki alam na niyang kay Text 'yon. Lumapit pa siya pero sinuguro niyang hindi siya mapapansin ng dalawa.
Nakapagtataka na hindi nag-uusap ang dalawa. Ano 'yon? Napag-tripan lang na magkatabi. Bigla naman siyang napa-isip. Hindi kaya ito ang tinutukoy ng mga matatanda na si Lyra?
Nagulat siya nang biglang tumayo ang babae. Bakas sa mukha nito ang lungkot at para bang iiyak na ito ano mang oras.
"Lyra," tawag ni Text rito.
Pero hindi nakinig ang babae sa halip ay tinalikuran nito si Text. Magtatago sana siya pero huli na ang lahat at malapit na sa kanya ang babae. Sa hindi sinasadya ay nagkatinginan silang dalawa bago siya nito tuluyang nalagpasan. Hindi niya mapigilan na mapansin ang galit at pagkadismaya sa mga mata nito.
"Danah!"
Nabaling ang tingin niya kay Text. Nakalapit na pala ito sa kanya. Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang seryosong expression ng mukha nito.
"Kanina ka pa ba diyan?" seryosong tanong nito.
"Sino 'yon?" panay parin ang tingin niya sa babae habang papalayo ito. "Siya ba si Lyra?" pagbaling niya kay Text napansin niya agad ang pagkabigla nito. "Hoy!" pukaw niya rito dahil saglit itong natahimik.
"Ah, oo, si Lyra. Teka nga, paano mo naman nakilala si Lyra?"
"Narinig ko lang,"
"Narinig mo kanino?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya habang nakahalukipkip ito. "Danah?"
"Sa mga puno! Sa mga hangin! Basta narinig ko."
Ngumiti naman si Text sa kanya sabay gulo ng buhok niya. "Ikaw talaga, teka nga muna, ano bang ginagawa mo dito? Diba sinabi ko na doon ka lang sa bahay, ha? Paano kung naligaw ka?"
"Hindi na ako bata, kaya kong magtanong. At saka, nag-away ba kayo nun ni Lyra? Para kasing naiiyak 'yon. Ang weird lang kasi..."
"Ang ano?"
"Na malungkot siya, diba close kayo? Magkababata pa nga kayo. Anyare?"
"Kailan ka pa natutong makinig sa mga tsismis ng mga tao?"
"Sanay na ako sa tsismis. Lagi kaming laman sa tabloid noong kabataan ni Daddy. Don't me!" She shook a finger infront of him. Natatawang ibinaba naman ni Text ang kamay niya. "Aish, ano ba? Sagutin mo na lang kasi 'yong tanong ko."
"Wala 'yon, ikaw, kung ano-ano ang naiisip mo."
"Naku!" nabaling naman ang atensyon nila sa matandang pari na papalapit sa direksyon nila. "Naku! Pasensiya na talaga Text, hijo. Nadugay kong balik kay wala me nagkasinabot sa katong trabahante." Nagpalinga-linga ito sa likod nila. "Nilakaw na si Lyra?"
"Ah, opo, umalis na po si Lyra, Father."
"Ah mao ba," saka naman siya napansin ng pari. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Text. "Ito na ba si Verdanah, Text?" Lumapad ang ngiti nito.
Madali naman siyang nag-mano kay father. "Mano po,"
"Kaawaan ka ng Diyos, hija."
"Ah, oho, father Semon. Si Danah po," binalingan siya ni Text. "Danah, si Father Semon."
"Aba'y maganda ka nga. Narinig ko ay anak ka raw ng isang artista."
"Ah, opo, Father, pero hindi ho ako spoiled brat, ha? Slight lang naman pero mabait ho ako." Napangiwi naman siya sa mga pinagsasabi niya. "Ah, sorry po Father, kalimutan n'yo na ho 'yong mga sinabi ko."
Natawa ito sa kanya. "Nakakatuwang bata,"
Mukha namang mabait si Father Semon. Para ngang hindi marunong magalit.
"Father Semon," basag ni Text. "Mauna na ho kami. Saka na lang ho 'yong hinihingi ko. Mukhang busy kayo."
"Ah, ganoon ba? Oh siya sige, balikan mo na lang."
"Sige ho salamat."
"Salamat din po,"
"Mag-ingat kayo sa pag-uwi. Gabayan kayo ng Diyos."
INISIP ni Danah kung ilang buwan na ba silang magkakilala ni Text. Kung hindi siya nagkakamali magda-dalawang buwan pa naman. At sa ilang buwan na 'yon naisip niyang marami pa siyang hindi nalalaman kay Text. Hindi niya naman masisi ang sarili. Pabebe siya eh. 'Yong tao na nga ang lumalapit siya naman 'tong lumalayo.
Pero hindi eh, binabagabag parin siya doon sa eksena ni Text at nung Lyra na 'yon sa simbahan. Hindi naman aalis ng ganoon na lamang si Lyra kung walang dahilan, diba? Ano 'yon drama lang? Tinawag ng nanay dahil 'di pa nakasaing?
Napangiwi naman siya nang atakihin na naman siya ng pangangasim ng tiyan. Ewan niya ba naman at bigla-bigla nalang nakakaramdam siya ng pangangasim sa gabi. Noong isang buwan pa 'yon nagsimula. Akala nga niya dadatnan siya pero false alarm naman pala. Sanay naman siyang hindi laging nadadatnan dahil irregular ang period niya.
Nahiga siya sa kama at napatitig sa kisame.
Baka malapit na siyang datnan ngayong buwan. Napahawak siya sa kanyang puson. Medyo nahihiyang yata siya nitong nakaraang araw at tumataba siya. Kung noon ay flat na flat ang tiyan niya ngayon naman mukhang nagkakabil-bil na siya.
Napasimangot siya.
Ayaw na ayaw pa naman niya ang mag-exercise. Healthy eating lang talaga siya, konting galaw-galaw at palakad-lakad. Hindi din naman siya tabain kaya okay lang. Pinalis niya sa isipan ang salitang diet dahil wala siyang kahilig-hilig sa pagmantain ng kagandahan. Hindi niya 'yon ikayayaman.
Ilang minuto siyang tahimik at nakatitig lang sa kisame.
Naalala niya si Blank. Pero bago paman niya maalala ang lahat-lahat sa kanilang dalawa ni Blank ay narinig niya ang mahinang pagkatok ng kung sino sa pinto.
"Danah?" boses ni Text.
Umayos siya ng upo sa itaas ng kama. "Pasok ka, bukas 'yan."
Isinandal ni Text ang ulo sa hamba ng pinto. "Gusto mong mag-midnight snack?" nakangiting-tanong nito sa kanya.
Her mouth twitched and thought about it for a second before agreeing. "Sige, nagugutom na rin ako eh."
"Good, then, tara sa labas."
PINAGSAWA ni Danah ang mga mata sa pagtingin sa mga bituin sa kalangitan. Nasa labas sila ng bahay. Nasa mataas na bahagi ang bahay nila Text kaya tanaw na tanaw mula sa puwesto nila ang ibaba at ang malawak na langit.
Nakasalampak silang dalawa sa maliit na papag na sinadya yatang ilagay doon ni Text dahil nang makababa siya may nalapag ng banig, kumot at mga unan doon. Tiyak siyang hindi naman sila doon matutulog dahil 'di naman sila kakasya doon dahil mataas sila para sa papag.
Tahimik na pinapak niya ang sunflower seeds na ibinigay ni Text sa kanya. Nakalagay 'yon sa isang dilaw na plastic na nabibili raw sa mga tindihan nila doon. Infernes na sarapan talaga siya ng bongga at mukhang mauubos na niya ang buong pack ng captain seeds.
"Hoy, hinay-hinay lang diyan baka 'di ka tunawan." Natatawang sita sa kanya ni Text na panay rin ang kain doon sa junkfoods na kinakain nito. "Inubos mo na 'yan."
"Sarap eh, saka, bago tayo umuwi Text bilhan mo ko ng madami nito, ha?"
"Oh sige, isang sako." Tawa parin ito nang tawa sa kanya. "Pero alam mo, akala ko talaga noong una spoiled brat ka."
"Spoiled ako, pero marunog akong rumispeto. Hindi porket lumaki ako sa marangyang pamumuhay ay wala na akong alam sa buhay. Pinalaki ako ng mga magulang ko na dapat pagsumikapan ko lahat ng mga bagay na gusto ko."
"Hmm, kaya naman pala. Mataray ka lang talaga." He chuckled.
"Baliw at mataray." Pagtatama niya. "Madalas akong baliw. Mataray ako sa mga taong tanga at ayaw ko, madalas kapag stress sa trabaho. Actually, sweet naman talaga ako. Pero habang lumalaki ako parang naging defence mechanism ko na ang maging masungit."
"Alam mo sabi nila, may dahilan daw kung bakit nagbabago ang isang tao?"
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Sino may sabi?"
"Hindi na importante kung sino basta may dahilan kung bakit nagbabago tayo. Nandiyan 'yong mga influences natin sa ibang tao. Maraming sources ng mga pagbabago ng isang tao. Depende sa environment at kung paano nga niya nakuha ang mga 'yon."
"Wow!"
"Sociology,"
"Alam mo imagination mo lang 'yon."
"Hindi nga, 'yong totoo? Na inlove ka na ba noon?"
"Grabeh siya oh!" binato niya rito ang walang laman na supot ng captain seeds. "Ikaw ba si Ma'am Charo?"
Natawa ito. "Affected mo masyado, so totoo nga?"
"Eh ikaw, siguro may nakaraan kayo nung Lyra na 'yon, noh? Gusto nga siya ng Nanay mo eh. Kung hindi ka nag-pari baka kayo ang fated to each other."
"Pst, tama na 'yan." Hinawakan nito ang isang kamay niya para pigilan siya sa paggagalaw niya. "Ikaw, tsk, akala ko ba 'di ka nakakaintindi ng bisaya?"
"Bakit kasalanan ko ba kung Tinagalog nila 'yon?" pabalang na tanong niya.
"Ikaw talaga," he chuckled. "Nagtataray ka na naman."
"Eh ikaw kasi, ayaw mo sabihin 'yong totoo sa inyo nung Lyra na 'yon."
"Bakit big deal sayo 'yon?"
"Malamang, nanliligaw ka saken. Dapat hindi ka naglilihim saken."
"You have a point. Kaya dapat 'di karin naglilihim saken."
Napamaang siya. "Not fair!"
"Fair 'yon. Sasabihin ko sayo ang tungkol samen ni Lyra and at ikaw naman sabihin mo saken 'yong sayo."
"Walang akin,"
"Meron 'yan." Pinaningkitan niya ito ng mata. "Ano payag ka?"
"Oo na! Sige na! Ikaw na mauna. Sino si Lyra?"
Nakangiting napapailing ito sa kanya bago nagsalita. "Lyra, just what you told me ay kababata ko lang. Totoong, close kami dahil sabay kaming lumaki. Choir siya sa simbahan at sakristan naman ako. Mabait, matulungin, maganda at youth leader dito samen."
"Girlfriend mo?" Kumunot ang noo ni Text. "Oh natameme ka diyan? Secret girlfriend mo siya, noh?"
"Hindi, ikaw talaga kung anong iniisip mo. Close lang kami. Matalik na magkaibigan. At saka 'yong kanina," ibinaling nito ang tingin sa kawalan. "May hindi pagkakaunawaan lang. Hindi naman ganoon kabigat."
"Sinasabi ko sayo Text, mabigat ang magsinungaling."
Binalingan siya nito. "Kita mo 'to, inaakusahan pa ako. Oh, ikaw naman, sabihin mo na saken 'yong sayo."
"Ay ang pangit! Wala naman akong nahita sayo."
Hayan tuloy napasubo!
"Be fair, sinabi ko na sayo ang tungkol samen ni Lyra. Ikaw naman."
"Oo na! Sige na nga, basta... hindi maganda 'yong iku-kwento ko." Ayaw na ayaw pa naman niyang pinag-uusapan si Blank. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "May kaibigan ako, basta lalaki, matalik na magkaibigan kami noong high school hanggang sa mag-college kami." Naalala niya na naman ulit 'yong mga masasakit na bagay na 'yon. "Close din siya sa pamilya namin dahil step-brother siya ni Tito Alt na matalik rin na kaibigan ng mga magulang ko. Tapos, hayon nga, na inlove ako sa kanya... tapos... " hindi niya mapigilan na maiyak. "Kaasar naman eh! Huwag na nga!" Pinunasan niya ang mga luha.
Lumapit naman sa kanya si Text at masuyo nitong hinagod ang likod niya.
"Sige huwag na," alo nito.
"Hindi! Nasabi ko na eh." Inayos niya ang sarili. "Nasimulan ko na kaya tatapusin ko. Ikaw kasi!"
"Binabawi ko na nga,"
"Tatapusin ko na nga para fair." She paused for awhile. "Basta, alam namin sa sarili namin na mahal na mahal namin ang isa't isa."
"Naging kayo ba?"
Mapait na ngumiti siya. "Hindi, pero ang weird, diba? Hindi naman naging kami pero bakit sobrang affected ako?"
"Kasi mahal mo, kapag mahal mo ang 'sang tao masasaktan ka talaga. Sino bang tao ang hindi nasaktan nang magmahal? Kahit ang Diyos nasaktan nang minahal niya tayong lahat."
"Siguro tama ka, nasaktan ako dahil sabi niya mahal niya ako pero hindi niya naman mapangatawanan 'yon. Ako naman, okay lang ako na hanggang ganoon lang kami. Kasi nga bawal pa... para saken noon, makita ko lang siya na nandiyan sa tabi ko masaya na ako. Kaso, bigla na lang siyang nawala. Nawala na parang bola. At hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya."
"Kaya 'di mo ako magawang papasukin sa buhay mo dahil mahal mo parin siya?"
"Sa tingin mo?" malungkot na tanong niya kay Text.
"Hindi ko alam," he shrugged. "Wala naman akong kakayahang basahin ang nasa puso ng isang tao."
"Pero ayoko na eh. Matagal na rin naman 'yon. Magpi-pitong taon na rin naman. Sapat na yata ang pitong taon na 'yon para kalimutan ko na siya nang tuluyan. Saka 'di naman talaga naging kami. At kung mahal niya talaga ako sana noon pa nagpakita ulit siya saken."
Inakbayan siya ni Text sabay tapik sa isang balikat niya. "Baka may dahilan siya."
"Kung ano man ang dahilan niya saka ko na 'yon iisipin. Baka kasi," nanikip ang dibdib niya bigla. Tila bumalik lahat ng hinanakit ng pag-iwan ni Blank sa kanya. "B-Baka 'di ko kayanin."
Bumigay na yata ang kinikimkim niyang sakit kaya kusa na lang nalaglag ang mga pinipigilan niyang mga luha. The next thing she knew, she was alreading crying her heart out. Naramdaman naman niya ang pagyakap ni Text sa kanya.
"Ang unfair," she sobbed on his chest. "Ang daya niya!"
"Shsh, don't cry."
"B-Bakit... s'ya ganoon? B-Bakit Text?"
"In HIS own time, Hon. In HIS own time. Tahan na."
Patuloy parin siya pag-iyak. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng gaan ng loob nang mailabas niya ang mga hinanakit kay Text. Pero alam niyang nandoon parin ang sakit. Tama nga si Font, kailangan niyang matutunang pakawalan ang mga hinanakit niya kay Blank para mabigyan niya ng pagkakataon ang sarili na mahalin si Text.
"Tahan na, magiging maayos rin ang lahat."
Sana nga Text.
Sana nga.
NAGISING si Danah na parang bumaliktad ang sikmura. Mabilis na lumabas siya ng silid dahil nasa labas ng kwarto niya ang banyo. Napasalampak siya sa sahig ng banyo habang inilalabas ang 'di yata natunay na nakain kagabi sa inidoro.
"Danah!" narinig niyang tawag sa kanya ni Text.
Mabilis na dinaluhan siya nito sa loob ng banyo at hinagod ang likod niya.
"Okay ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong nito.
Pinunasan niya ang bibig gamit ang likod ng kamay. "Okay lang, hindi lang yata ako natunawan kagabi. Ang dami ko kasing kinain na captain seeds." Nagawa pa niyang tumawa.
Para namang nakahinga ng maluwag si Text. Inalalayan siya nitong makatayo. "Ang mabuti pa ay ipaghahanda kita ng mainit na tubig para mainom mo." Inihatid siya nito pabalik sa kwarto niya. "Dadalhan na rin kita ng gamut."
"Naku Text huwag na. Hindi ako sanay uminum ng gamut. Kapag ganito, pinapahinga ko lang."
"Ganoon ba?"
"Oo, huwag ka ng mag-alala. Ganito talaga ako kapag 'di natunawan. Salamat."
"Oh sige," inihiga siya nito sa kama. "Magpahinga ka na muna. Babalik agad ako."
"Sige,"
Napapadalas update ah! Haha, guided by the Holy Spirit! Sa lahat po ng readers ng SA ay maraming salamat po. Medyo sinisipag po haha. Mwaah! Thanks sa mga votes at comments!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro