Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10


NAABUTAN ni Danah si Text sa kusina. Sa itsura at ayos nito mukhang kakarating lang nito. Inilapag nito ang dalawang bayong ng mga pinamiling gulay at prutas. Hindi niya naman maiwasang punahin ang suot nito habang sinusuklay ang basang buhok. Nakakuha siya ng magandang puwesto sa hamba ng pinto ng kusina.

She can't help but tilted her head.

Bakit ba anong isuot ng kumang na 'to bagay na bagay rito? He was just wearing a plain white shirt for pete's sake pero bakit bagay na bagay 'yon rito? With that faded blue jeans and ... slippers? Seriously? Hindi niya maiwasang taasan ng kilay ang tsinelas ni Text. Hindi lang 'yon simpleng tsanelas dahil pink ang kulay nun.

Jus ko! Pink!

"Undong!"

Nagulat si Danah sa pagsigaw ng kung sino. Pagtingin niya ay nakalagpas na pala sa kanya ang isang matandang babae na sa tantiya niya na nasa 60 na yata. Mabilis na dinaluhan nito si Text at tinignan ang laman ng mga bayong.

Napansin naman siya ni Text pero nang akmang tatawagin siya nito ay nagsalita ulit ang matanda. Sinenyasan lang siya nito na maghintay muna bago ibinaling ulit ang pansin sa matanda.

"Ikaw jung bataa ka, mag-una-una jud ka permi. Pwede raman gud na suguon na tos Boge na mo adto sa merkado. Na hasol na hinuon ka."

"Ok raman gud Nay, mura man sad kag wala maanad nako." Nakangiting nag-mano muna si Text bago inakbayan nito ang matanda. "Maaga ho akong nagising at maaga pa naman kaya namalengke na rin ako. Hindi ho abala saken ang pamamalengke. Na miss ko nga rin 'to eh... lalo na po ikaw."

Natatawang tinapik ng matanda ang balikat ni Text. "Ikaw talagang bata ka! Kahit kailan."

"Oo nga pala Nay may ipapakilala ako." Sinenyasan siya ni Text na lumapit. "Wala ho kasi kayo kahapon. Sabi ni Boge pumunta ho raw kayo sa ibang bayan."

"Ah oo, kinasal kasi 'yong pamangkin ko. Eh, bilang regalo na rin ay ako na mismong ang nagluto sa kanila."

Natigil naman ang matanda nang makalapit siya kay Text. Mabilis na inakbayan naman siya ni Text. Titig na titig ang matanda sa kanya. Hindi niya naman maiwasang mailang sa tingin nito. Ang weird nga eh, sanay naman siyang humarap sa mga tao. Pero bakit naiilang siyang harapin ang mga taga baryo ni Text?

Kasi feeling mo iniisip nila na ikaw ang demonyo sa buhay ni Text. Sagot ng isip niya. Eh sino ba namang matinong tao ang hindi iisipin 'yon, aber? Kung hindi nangyari ang gabing 'yon 'di sana pinagpapatuloy pa nito ang pagpapari.

Nagulat siya nang bigla siyang ngitian ng matanda. "Aba'y ito na ba ang inday mo?"

"Opo, Nay, si Danah po. Ang inday ng buhay ko." Ba't ba ang korny ng sang 'to? Grabeh siya oh! "Danah, si Nay Dolores."

"Magandang umaga po Nay Dolores," nakangiting bati niya sa matanda sabay mano.

"Matagal na si Nanay dito. Bata pa lang ako siya na ang kasa-kasama namin dito sa bahay. Hindi siya stay in sa bahay total malapit lang naman ang bahay nila dito. Siya 'yong sinabi ko sayo na lola ni Boge."

"Ikinagagalak kitang makilala, hija." Inabot nito ang dalawang kamay niya at masuyo 'yong pinisil. "Aba'y maganda naman pala 'tong asawa mo Undong. 'Yon talagang nanay mo kung ano-ano na lang sinasabi nun." Puno ng amusement ang mga mata nito.

"Ho?" kunot-noong tanong niya.

Pero nang tignan niya si Text ay nagkibitbalikat lang ito. Naibalik niya ang atensyon kay Nay Dolores nang magsalita ulit ito.

"At siya nga pala hija, huwag mo na ring alalahanin ang mga tao dito. May mga tao lang talagang tumanda na't kung ano 'di parin natatahi ang mga bibig. Hayaan mo na lang sila. Ang alalahanin mo ang pagbabakasyon n'yong mag-asawa rito." Pasimple pa siya nitong kinindatan sabay siko kay Text. Natawa lang ang huli. "Aba'y hindi na kami bumabata. Nakaka-miss din ang mag-alaga ng bata."

Literal na nanlaki talaga ang mga mata niya. Lumakas naman ang tawa ni Text.

"HINDI ka ba nabibigatan diyan sa dala-dala mong camera?" basag ni Text.

"Hindi naman," maikling sagot niya.



KANINA pa sila lakad nang lakad pero dahil maganda naman ang natatanaw niya ay panay lang ang pagkuha niya ng mga larawan. The place was to die for. Kaya nga gustong-gusto niyang mag-travel kaso nga lang inuubos ng trabaho niya ang oras niya.

Sa 'di kalayuan natatanaw na niya ang isang batis.

"Hindi ka ba magtatanong tungkol sa akin?"

"Oh speaking of that, matanong ko lang, ano nga pala ang aasikasuhin mo dito?"

"Sa simbahan, tinitignan ko lang kung anong maitutulong ko. Maliit lang ang simbahan namin dito. Nadaanin natin 'yon kahapon, ewan ko lang kung napansin mo."

"Hindi yata," she shrugged.

"Actually isa ang St. Joseph Church sa napansila ng grabe nang malakas na lindol noong isang taon. Kaya lang hindi naman 'yon basta-basta na maisasaayos ng ganoon na lang. Noon ko pa gustong bisitahin ang simbahan kaya lang 'di naman ako nakakalabas ng matagal sa seminaryo."

"Hmm.."

"Mahal ko ang simbahan na 'yon." Nang tingnan ni Danah ang mukha ni Text 'di niya maiwasang mapansin ang pait sa ngiti nito. "Doon ko halos binuhos ang buong kabataan ko." Natawa ito. "Sabihin na nating tambay ako doon."

"Malaki ba talaga ang kailangan? Baka pwede kong kausapin si Daddy para naman makatulong kami."

"Naku, nakakahiya naman kay Tito."

"Anong nakakahiya? Naku! Kung alam mo lang kung gaano ka praning 'yon tumulong."

"Talaga?"

Napangiti siya nang maalala ang Daddy niya. "Oo naman! Simula kasi nang mabigyan ng maraming chances 'yon ni Mommy ay nagbalik-loob na 'yon sa Panginoon." Natawa naman siya. "Sakto pang mahilig din si Font sa mga peace and worship at retreat kaya naisasama niya si Dad minsan. Alam mo na, bonding moments nilang dalawa. Naalala ko pa nga, laging sinasabi ni Font samen na dapat daw gawing sentro ng buhay ang Diyos para daw happy lang walang ending. Pero alam mo, 'yong kapatid kong 'yon mahirap paniwalaan. Ang daming babae ng hudyo!"

"Ang cool naman nila. Parang ang saya."

"Alin doon? Ang maraming babae?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi, ano ka ba. I mean, 'yong paniniwala ni Font."

"Ahh, pero kahit ganoon mabait naman 'yong kapatid ko. Hindi lang halata." Danah chuckled. "Pero may tanong pa ako. Kung okay lang?"

"Sige ano 'yon?"

"Na saan na pala ang Papa mo? 'Di mo kasi nababanggit saken ang Papa mo."

"Naku, matagal ko ng hindi nakikita ang Papa ko. Bata pa lang ako iniwan niya na kami ng nanay ko. Bumalik ng Australia, pagkatapos nun wala na kaming balita sa kanya. Limang taon ako nang huli ko siyang makita."

So that explains his unique features.

"Sorry,"

"Ano ka ba, okay lang. Saka hindi ka naman iba saken. Manliligaw mo nga ako, diba?" Inakbayan siya nito. "Alam mo, marami pa akong gustong i-kwento sayo pero kung hindi mo gusto okay lang."

"Baliw! Sinabi ko bang hindi ako makikinig?"

Natawa si Text. "Good, at least makakahinga na ako ng maluwag."

"May tanong ako ulit, talaga bang virgin ka pa –"

"Hindi,"

"Huh? So hindi ako ang una sa buhay mo –"

"'To naman, ano ba namang klaseng tanong 'yan. Ikaw ang una sa buhay ko. Hindi naman ako lagalag na lalaki. Doon lang ako sa seminaryo. Noong pumunta kami sa bar na 'yon napilit lang ako ng dalawang 'yon dahil sabi nila kakain lang kami sa isang restaurant dahil nga birthday daw ng kapatid ni Pete. 'Yon 'yong unang beses na nakatapak ako ng bar."

"Seriously?" natatawang react niya.

"Oh, sige tawanan mo ako. Oo, ako na ang walang social life. Oo ako na ang boring ang buhay."

"Naku, 'di kita dyina-judge ha. 'Yon ang gusto mo eh. Ako din naman eh. Hindi ako mahilig mag-bar. Kapag gusto kong uminom sa condo lang kami nila Pepsy, Colt at Font. At least, kapag nalasing kaming lahat diretso na lang sa sahig."

"Alam mo minsan, hon, kami din sa seminaryo kapag outing namin ay pinapayagan din kaming uminom pero tinigilan ko rin nang tumagal." Natatawang kwento nito. Pero may napansin siyang kakaiba sa sinabi nito. "Noong unang nalasing ako nang sobra kinanta ko daw lahat ng kanta sa songbook. Noong ikalawa naman ay sumayaw raw ako ng careless whisper. May video pa nga ako nun. I swear, buong linggo akong nagdasal ng kapatawaran sa Panginoon dahil doon."

Tawang-tawa naman si Danah. Hindi niya ma-imagine na magsayaw ng Careless Whisper si Text. Pero hindi nga't may itinawag talaga si Text sa kanya. 'Yon 'yong kakaibang napansin niya.

"Teka lang, ano 'yong tinawag mo saken?"

"Huh? Danah?"

"Hindi, hindi, may iba ka pang tinawag saken."

"Alin doon?"

"Tinawag mo 'kong Hon,"

"Hon ba?"

"Oo, oy, ikaw, ha!"

"Wala akong sinabi na ganoon. Nagku-kwento lang ako. Hon? Hindi ah."

"Hindi sinabi mo talaga. Sabi mo, Alam mo minsan, hon."

"Sinabi ko ba 'yon?" napakamot ito sa noo. "Hindi ko napansin."

"Aish," Inabot niya kay Text ang camera. "Pakihawak, may kukunin lang ako." Hinubad niya ang suot na bag pack at kinuha mula doon ang polaroid. "Wala pa tayong picture together. Dapat kahapon sana tayo nagpa-picture kaso nakalimutan ko. Ngayon na lang." Isinara niya ang zipper ng bag at sinuot ulit 'yon.

"Lahat ba ng camera dito sa mundo iba't iba ang mission sa buhay?" natawa naman siya sa expression ng mukha ni Text. Hindi mo alam kung matutuwa o maiiyak. Natawa lang siya.

"Hindi, kaya marami akong camera na dala dahil may instant, may digital copy, at may pang wallpaper lang. Eh ako kasi, mahilig akong i-document lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Lalo na kapag hindi related sa trabaho kaya gusto ko instant photo." Itinaas niya rito ang polaroid camera niya. "This is a polaroid camera. Isang capture lang at lalabas na agad ang picture. May film na akong pinasok sa loob kaya diretso na."

"Grabeh siya oh,"

"Oh bakit?"

"Kung i-explain mo saken 'yan parang galing akong bundok. I know a polaroid camera. Ikaw talaga," natutuwang ginulo nito ang bangs niya. "Sige, i-bully mo pa ako."

"Oy 'di kita binubully, mag-picture na nga lang tayo." Itinaas niya na ang camera. "Bent ka nga 'di tayo magkasya ang taas mo." Utos niya na mabilis na ginawa ni Text. Kinapa niya sa likod ang ulo at mukha ni Font kung magkapantay na ba sila. "Yan tama na, smile!"

Pinindot niya ang camera.

"Sana gwapo ako diyan."

"Hayan na lumalabas na ang picture." Mabilis na kinuha niya ang film at pinaypay 'yon. "Maganda ang kuha mo kung inayos mo pose mo."

Natatawang tinaasan siya nito ng isang kilay. "Paano kung hindi?"

"Bakit, ano ba 'yong pose mo?"

Pero bago paman masagot ni Text ang tanong niya ay naging malinaw na ang kuha nila sa film. Ganoon na lang talaga ang tawa niya nang makitang nag wacky pala ang loko. 'Yong nakakatawa pa talagang wacky. Duling ang mga mata nito at naka Cheshire smile.

"Baliw ka!"

"Matagal na," natatawa nitong sang-ayon. "Ang cute noh?"

"Teka lang, lagyan natin ng caption." Mula sa bulsa ng shorts niya kinuha niya ang ink pen niyang dala. "Ilagay natin, first time he called me Hon XD, plus date."

"Talagang i-push mo 'yong Hon?"

"Oo naman! Highlight 'yon. So, saan tayo?"

"Magkasama,"

"Huh? Anong magkasama?"

"Diba, tinanong mo saan tayo?"

"Oh, magkasama. Saan 'yong tayo? Nandito tayo, magkasama."

"Grabeh siya oh."

"Haha! Ayos ba?"

"Korny mo, 'yan ba natutunan mo sa seminario?"

"Grabeh siya oh!"



NAPATILI si Danah nang maabutan niya si Text na nasa kalagitnaan ng paghuhubad ng damit. Hindi niya alam kung aalis na lang ba siya o hindi. Sa huli ay tumalikod na lang siya. Pero ang masama pa, gusto niyang sumilip. Jus ko naman! Maghunusdili ka nga Danah. Hindi ka manyak!

Bumuga siya ng hangin sabay kalma sa sarili.

"Naman Text!" inis na sigaw niya habang nasa labas ng silid nito. "Pwede bang magsara ka naman ng pinto."

"S-Sorry," nahihirapan nitong sabi. "Ah, Danah, tulong naman oh."

"Bakit?"

"Hindi ko kasi mahubad 'tong damit ko. It got stuck. Ang liit pala talaga nito."

Marahas na hinarap niya si Text at pumasok. Hindi niya alam kung maaawa ba siya sa ayos nito o matatawa sa kamiserablehan nito. She crossed her arms over her chest habang tinataasan niya ito ng isang kilay.

"Ano na naman bang naisip mo at sinuot mo 'yan, ha?" hindi niya maiwasang sipatin ang damit na bumakat na lalo sa mga braso at dibdib nito. "Naisip mo bang kapag sinuot at nirampa mo 'to sa labas magmumukha kang tanga?"

"Sinukat ko lang naman. Sayang din kasi. Binigay saken 'to ni Manang Selda kanina. Nakakahiya naman kung 'di ko masusuot."

"Pero ipipilit mo parin? Umupo ka sa kama," tumalima naman agad ito. "Itaas mo ang dalawang braso mo." Utos niya.

"Parang ako?"

"Huh?"

"Parang ako, pinagpapalitan ko ang sarili ko sayo."

Habang tinataas niya ang damit ni Text nasilip niya naman ang mukha nito. Wala siyang mabasa sa expression ng mukha nito. Hindi din naman ito nakatingin sa kanya.

"Alam mo napapansin ko na talaga 'yang mga hugot mo. Isipa at sisipain na kita." Natawa ito bigla. Baliw talaga! "Alam mo, may mga bagay na kahit feeling mo pinagpipilitan mo ang sarili mo worth it parin naman. Take for example, kapag finals na tapos nabagsak mo 'yong midterms at prelims mo 'diba gagawin mo lahat para lang makapasa kahit na feeling mo imposible."

"Kahit tres lang,"

"Tama, lahat ng bagay nakukuha sa sipag at tiyaga."

"Salamat,"

Natigilan si Danah nang magtama ang mga mata nila Text. Natanggal na niya ang damit nito pero mukhang 'di niya naman matanggal ang sarili sa harap nito. Damn, iba talaga ang epekto sa kanya ni Text.

"H-Huh? Para saan?"

"For giving me a chance."

"Grabeh siya oh," sa totoo lang wala talaga siyang masabi rito kaya kunwari na lang hindi siya affected. Pero sa totoo lang kinakabahan talaga siya. Hindi niya alam kung bakit. Parang ewan na ipinatong niya na lang ang damit sa ulo ni Text. "Magbihis ka na."

"Nak, Undong, nandiyan ka ba?!"

Nagulat silang dalawa ni Text kaya imbes na lumayo sa isa't isa ay natulak na tuloy ni Danah pahiga sa kama si Text habang nasa itaas siya nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na gahibla nalang ang distansya ng mga labi nila. Konting galaw at maglalapat na mga labi nila.

"Jus ko! Sorry!"

Mabilis na umalis siya sa itaas ni Text. Tinalikuran niya ito dahil alam na alam niyang pulang-pula na ang mga pisngi niya. Inayos niya ang sarili.

"Nay?" tawag ni Text.

Pumasok ulit si Nay Dolores. Agad niya namang napansin ang kakaibang ngiti nito sa kanila. Naku Nay! Huwag n'yo pong lagyang ng malisya 'yon. Jus ko! Nakakahiya. Ako pa talaga ang nasa itaas ni Text.

"Naku pasensiya na talaga." Hinging paumanhin nito. "Naistorbo ko pa kayo. Kayong mga bata talaga oh, dapat nagsasara kayo ng pinto." Hindi talaga nito mapigilan ang mapangiti.

"Naku, Nay, mali ho 'yong iniis –" aniya.

"Ano ka ba, hija. Normal lang naman 'yan sa mga mag-asawa. Oh siya, nandito lang naman ako para magpaalam. Kung magutom kayo, alam n'yo na pagkatapos, may itinabi akong mga pagkain sa ref."

"Sige Nay, salamat ho." Ni Text. "Saka pasensiya na rin."

"Oh nga pala, bago ko makalimutan umalis si Matyo may pupuntahan daw. Huwag n'yo na raw hintayin at gagabihin daw siya ng sobra. Oh sige na, aalis na ako. Basta 'yon na may pagkain sa ref. Kayo na bahala doon." 'Yon lang at nagmadali nang umalis si Nay Dolores.

Pagkaalis na pagkaalis nito ay binalingan niya agad si Text pero sa halip na mainis at sermonan ito ay natawa lang siya sa ayos nito. Paano ba naman kasi, ibinalabal nito ang kumot hanggang sa ulo nito. Hindi halatang conservative ang loko.

"Magbihis ka na nga! Mukha kang tanga diyan." Tawa parin siya ng tawa.

"Mukhang dalawang misteryo ang idadasal ko ngayon." He chuckled. "Phew! That was awkward."

"Sinabi mo pa! SMILE!" mabilis na kinunan niya ng picture ang ayos ni Text sa cell phone niya. Nagulat pa ito nang lingonin siya nito.

"Hoy!" mabilis na lumapit ito sa kanya pero natumba ito bago paman makalapit sa kanya. Tanga! Natapakan ang kumot. "Damn this thing!" He cursed. "Shit! Nagmura ako."

Lumakas lang ang tawa niya. Kinunan pa niya ito ng maraming larawan habang vini-video ito na nakadapa sa sahig.

"Nagmura ako," hindi parin makapaniwalang ulit nito.

Tumingkayad siya sa harap nito habang vini-videohan parin ito. "'Di magmahal ka."

Inangat nito ang mukha sa kanya. "Pwede kayang ikaw ang mahalin ko?"

"Grabeh siya oh!"

"Haha, bully mo talaga!"

"Ang cute mo!"

"Bagay tayo."



Sa totoo lang inlove na inlove na ako kay Text! Sana totoo na lang siya! Anyway, nakita nyo na ba sila Text and Danah! Hope yah enjoyed this chapter. Love! Love! At saka, na miss ko kayong lahat. Na miss nyo ba ako? Nag-AWOL ako ng slight haha! Ang gwapo ni Text talaga!!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro