Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Kasabay ng malakas na tunog ng music sa loob ng bar na 'yon ang bonggang kaba naman ni Verdanah. It was her first time to enter a club. Kapag nalaman 'to ng parents niya tiyak ipapatapon siya ng mga magulang niya sa Jupiter. Napapangiwi na siya ngayon pa lang. Hindi siya sanay lumabas sa mga ganitong lugar. Mahigpit na pinagbabawalan siya ng daddy niya na gumala sa mga ganitong lugar.

Pero 'di naman siya nandoon para magwala. Nandoon siya for a mission. Kailangan niyang protektahan ang bestfriend niyang si Pepsy laban sa gwapong manyak nitong ka eyeball. Naku, kung hindi lang talaga sa biggest concern niya sa kaibigan ay nunca pupunta siya sa bar na 'yon. Ikakain niya na lang ng gummy bears ang in-entrance niya.

Kapag na headline ako bukas patay talaga ako kay Daddy nito. Napangiwi ulit siya sa isip. Ilang years na kayang walang issue ang Daddy niya. Baka ibitin siya nito patiwarik kapag lumabas sa dyaryo na umala-Lindsay Lohan ang magandang anak ni Crosoft D'cruze. Baka 'di na siya sikatan ng araw forever.

Inayos niya ang slight wavy niyang buhok. Ibinaba niya na rin ang medyo maikli pero hapit na hapit niyang dress. Litseng heels at ang sakit na nang binti niya. Buti na lang naisip niyang mag-wig kaya nagmukha siyang foreigner. Well Danah half ka naman talaga. Half siopao, half burger. Kinapalan niya na rin ang eyeliner niya. All in all. Mukha siyang Kpop... Sa balete drive.

Pinilit niyang makadaan sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao sa bar na 'yon. May aircon naman pero 'di na yata kinaya sa dami ng tao. Nabibingi siya sa ingay ng upbeat music at sigaw ng mga tao. Hindi siya makahinga. Panay ang excuse niya sa mga tao.

Na saan na ba kasi si Pepsy? Maktol niya sa isip. Kung bakit 'di pa mahagilap ng mga mata niya ang tangang kaibigan. Tanga talaga! Sumama ba naman agad-agad sa lalaking nakilala lang nito sa wechat. 'De wow! Siya ang naloka.

Pagdating niya sa bar counter ay para siyang nalanta. Wala na talaga siyang energy para hanapin ang langyang kaibigan niya. Nanunuyo ang lalamunan niya. Ang pait ng panlasa niya. Medyo masama din talaga ang pakiramdam niya.

"Isang gatas nga -" natigilan siya.

Napansin niyang napatingin ang babaeng katabi niya sa kanya. Nakataas pa ang kilay. Napalunok siya. Umayos siya ng upo. Syempre with poise. Inangat niyang muli ang tingin sa bartender.

"Gin and tonic please," ano 'yon?

Ewan wala siyang alam. Nabasa niya rin sa kung saan 'yon. Hiling niya na sana hindi siya malasing sa drink na in-order niya dahil mapapatay na talaga siya ng mga magulang niya. Kahit na 23 na siya ay takot parin talaga siya sa dalawang 'yon. Lalo na sa Mommy niya. Okay lang sa Daddy niya at kakampi niya 'yon ... minsan. Napangiwi naman siya. Depende sa situation.

"Ano ka ba naman Text, pare -" natigil siya sa pagsimsim ng iniinum nang inakupa ng isang lalaki ang bakanteng stool sa tabi niya. Actually pilit na pinaupo ng dalawang kasama nito ito. "Relax lang, okay. Hindi ka naman mai-impyerno sa konting saya." Pagpapatuloy ng kasama nitong - inferness gwapo.

Hindi niya naman maiwasang tignan ang lalaking medyo 'di mapakali sa tabi niya. Inferness naman sa white polo nito at slacks. Parang hinatak pa yata ito ng dalawang kasamahan nito sa bible study nito. Pati buhok parang pilit na pina-messy look lang. Other than that, the guy was cute and hot.

"Uuwi na ako -" akmang aalis ito nang mahawakan agad ng dalawang kasama nito ang mga balikat nito. "Guys, uuwi na talaga ako." The guy's hands were shaking. Hindi din mapakali ang mga mata nito.

"Brad, isang drink nga."

"Oh c'mon Text," palatak ng isa nitong kasama. "Loosen up a bit, okay. Hindi ka naman namin ipapahamak."

"Oo nga naman," segunda ng isa. "Minsan lang 'to. At minsan lang tayo makalabas ng ganito. Kaya dapat i-enjoy natin 'to."

"Pero... hindi talaga ako -"

"Shut up Text," nakangising itinulak ng isang kasama nito ang baso sa lalaking tinatawag nilang Text. "Here, have some drink. Trust us, masisiyahan ka dito."

Walang nagawa ang lalaki kung 'di ang inumin ang laman ng baso. Itinigil na rin niya ang pakikinig sa tatlo. She made a face sabay ngiwi pa. Eh itong iniinum niya 'di naman masarap. Masakit sa lalamunan.

Mula sa purse ay kinuha niya ang phone niya. Nanlumo naman siya nang makita ang oras. Alas onse na nang gabi. Alam niyang bampira 'tong mga tao sa bar kaya nagsinungaling siya sa mga magulang niya. Sinabi niyang mag-o-overnight siya sa condo ni Pepsy kasi may important event silang pag-uusapan. Which is totoo naman talaga. Bukas marami pa siyang gagawin pero heto siya nagpupuyat.

Nagtaka naman siya nang ilapag ng bartender ang isa pang drink sa harap niya. Iaangat niya sana ang tingin rito nang may mag-salita.

"A drink for the beautiful lady," sabi nang kasama ni Text. Naks! Close kayo Danah? Nakangiti ang binata sa kanya. "Bigay ng kaibigan ko." Turo nito kay Text.

Nang tignan niya 'yong Text ay mukhang wala naman itong alam sa drink. Mukha pa ngang nagulat nang tignan niya ito.

"T-Thanks," sabi niya na lang na may ngiti.

Ang weird ng mga lalaking 'to. Pero at least 'di alcoholic drink ang ibinigay sa kanya. Itinabi niya na ang in-order kanina.

Malalim na ang gabi. Feeling niya lang naman. Namimigat na rin ang talukap ng mga mata niya. Ewan niya kung bakit pero inaantok siya. 'Yong antok niya medyo weird. May kung ano sa loob niya na parang uhaw sa kung ano. Hindi niya alam kung ano 'yon.

Napabuntong-hininga siya. Naubos na pala ang bigay nung katabi niya. Pero wala paring Pepsy na lumalabas. Saang lupalop ka ba inilagay ngayon ni Bro, Pepsy?!

Sakto namang namataan niya si Pepsy na may kasamang lalaki. Biglang nabuhay ang dugo niya. Napatayo siya.

"Pepsy!" sigaw niya.

Akmang aalis na sana siya nang may kung sinong humawak ng kamay niya. Para siyang na kuryente sa hawak nito. Hindi niya alam kung bakit. Nilingon niya ang humawak sa kanya. It was the guy named Text.

"Aalis ka na?" tanong nito.

"Oo," inalis niya ang kamay nito. "Bye." Pero hindi pa nga siya nakakakilos ay nahawakan ulit nito ang kamay niya. This time na inis na siya. Makakalayo na si Pepsy. Nilingon niya ulit ito. "What?!"

"Please don't leave me."

"Huh?"

"Take me with you."

Ganito na ba ang modern flirting? Kaloka!

She can't help but held a sigh. "Look, I'm not what you think I -"

"Nagmamakaawa ako sayo. Please."

His looks were kind of cute... and yeah, somehow hot. Darn it Danah! Hindi ka lumalandi ng ganito. Pero ang cute niya kasi. He looks so innocent. Muli siyang napabuntong-hininga.

"Fine, tara na." Hinila niya na ito.

Hila in a way na brutal talaga.

Magtiis siya at nagmamadali ako.

Kanina pa naiinis si Verdanah sa kasama niya. Habang hindi siya mapakali sa hotel room na 'yon ay panay naman ang sunod ng lalaki sa kanya. Wala kasi siyang dalang kotse at nag-taxi lang siya nang pumunta siya sa bar. Sakto namang may dalang kotse si guy named Text kaya inutusan niya itong sundan ang sasakyan nila Pepsy. Total may utang ito sa kanya. 'Yong kanina.

Panay ang dikit niya sa wall kung saan feeling niya malapit sa silid ng inakupa ni Pepsy na room sa hotel na 'yon. Wala talaga siyang naririnig. Idinikit din ng lalaki ang tainga sa wall na 'yon. Now, face to face na silang dalawa. Medyo awkward 'yon, promise.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito.

"Shshs," itinaas niya ang isang daliri sa bibig. "Tahimik ka muna. You can leave now."

"I can't,"

"Bakit?"

"Ngayon ko lang naalala na wala pala saken ang lisensiya ko. I can't drive again. Baka mahuli ako sa daan."

"Kuya, madaling araw na. Wala ng pulis."

"It's still not right -"

"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo."

Lumipat siya ng puwesto. Hindi niya na pinansin ang lalaki. Wala na siyang pakialam rito. Pero lalo lang siya nainis nang wala talaga siyang marinig.

Sumalampak siya sa malambot na kama at sinubukang i-dial ang number ni Pepsy. Pero naka ilang tawag na siya pero hindi siya sinasagot nito.

Hindi niya naman maintindihan kung bakit naiinitan siya kahit todo na ang aircon. Ang init-init talaga ng pakiramdam niya. Gusto niyang maligo ng yelo. Natigilan siya. Biglang tumahimik tapos biglang narinig na lang niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.

Naliligo ba ang 'sang 'yon?

Naiinitan na talaga siya. Namimigat na din ang mga mata niya. Hinubad niya ang peke niyang buhok. Pinaypayan niya rin ang sarili. Bakit ba ang init ng pakiramdam niya? Iba talaga ang init.

Namatay ang buhos ng tubig.

Bigla naman siyang kinabahan bigla. Wait! Naligo siya. Ayaw niyang umalis. Patay! Nanlaki ang mga mata niya. Nayakap niya rin ang sarili. Oh no! Dali-daling bumaba siya ng kama at patakbong tinungo ang pinto.

"Oh my gosh!" ilang beses na niyang pinihit ang seradura ng pinto pero ayaw mabuksan. Parang may taong humahawak din ng knob sa labas. Syet! I'm trap.

Lalo pang lumakas ang tibok ng puso niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. Napalunok siya. Walangya! Mukha lang siyang inosente pero rapist pala. Makakapatay ako nito.

Handa na sana siyang harapin ito nang biglang namatay ang kuryente. Napatili siya. Takot talaga siya sa dilim.

"Where are you?" Nag-aalalang sigaw nito sa kung saan.

"Wala ba silang generator dito? Knaa!"

Lalo lang siyang napatili ng mga kung sinong yumakap sa kanya. Gumapang na naman ang pamilyar na kuryente sa buong katawan niya. Bigla naman niyang naramdaman ang kung anong something sa may puson niya. Napatili ulit siya.

"Hey! Hey! Okay ka lang?"

"Bitiwan mo ako! Bitiw! Bitiw!"

He let go of her.

OMG! That thing... that... that thing... OMG! Para na yata siyang maloloka. Paano ba siya napunta sa sitwasyon na 'yon? Bumalik ulit ang kuryente. Bad timing, lalo lang siyang naloka sa nakita niya. Literal na napanga-nga siya. OMG!

Nakalantad sa harap niya ang matipuno nitong katawan. Basang-basa pa ito at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Naramdaman niya ang pagtaas ng dugo niya sa mga pisngi. Hindi niya naman mapigilan ang sariling mapatingin sa ibabang bahagi nito. Napasinghap siya. 'Langya! This is too much.

Naipikit niya ang mga mata.

Mapapatay ako ng Daddy ko! Mapapatay ako ng Daddy ko! Paulit-ulit na sabi niya sa isip. Gusto na niyang umuwi.

"Kuya virgin pa ako!" sigaw niya.

Paused.

"A-Ako rin."

Naimulat niya ang mga mata. Literal na napatingin talaga siya rito. Napakurap-kurap pa siya. Itong lalaking 'to virgin? Wee, 'di nga?!

"Sure ka?"

"Oo,"

"Bakit?"

"Magagalit si Lord."Ano daw?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro