Saved
Zilong's P.O.V
Tanghali na akong gumising tulad ng nakagawian ko dahil pm yung shift ko sa shop.
Nakapikit kong kinapa sa higaan para hanapin yung cellphone ko syempre para i chat yung girlfriend kong si Vexana. LDR kami pero alam naman nating Nothing is impossible di magtatagal at magkikita na din kami at in a few days na yun siyempre haha.
So ayun nga't tumayo na ako't nag asikaso sa sarili kahit nakakatamad man, du duty parin ako.
Daming customer pagkabukas na pagkabukas ko pa lang nagdagsaan na yung nagpapa print.
Araw araw ko na atang gawain to ii parang routine ko lang haha. Print dito print doon. Xerox nito, xerox nyan. Edit pa more haha. Gamit na gamit talaga kagwapuhan este katauhan ko dito ii haha. After shift naman kahit pagod at toxic yung araw ko, naisisingit ko parin ang maglaro. Wala eh routine ko na rin yun adik din sa online games ii.
Mapa MOBA, DOTA2, ROS etc. Kahit ano pa yan basta online games lalaruin ko talaga yan. Pati nga minecraft nga ih pinatos ko.
End na ng shift ko dadating na si big boss. Big kasi malaki siya at boss ko nga siya haahahah. Siya na yung magbibilang ng kinita ko buong maghapon habang sinasarado ko yung shop.
Iba nga naman talaga nagagawa pag masyado nang adik sa online games, kasi after kong maisara magkikita kami ng mga tropa ko para maglaro ng kahit anong online games. Dun kami sa isa pang computer shop na 24/7 open hahahaha. Kaso ngayon, ako lang yung pupuntang mag isa dun.
Nagpaalam ako sa gf ko na maglalaro ako wala naman siya magagawa kahit umayaw siya kasi nasa malayo pa siya.
Kahit pinagsabihan niya ako na wag pumunta dun tumuloy pa rin ako kasi gusto ko at nangangati din yung daliri kong maglaro haha.
Napasarap ata yung laro ko kasi inumaga na ako sa paglalaro kaya naman tinapik ko na yung kalaro ko para sabihing uuwi na ako.
Habang papauwi, napansin kong may nakasunod sakin. Iniisip ko kung may nakatambay ba dito nung dumaan ako kasi alam ko kasi na wala pero ayun nga di ko nalang yun pinansin.
Tuloy tuloy parin ako sa paglalakad. Nang biglang napansin ako nung kasama nila. Nakita ko na lang sa peripheral vision kong may binulong yung isa nilang kasamahan sa isa pa. Huli ko nalang nalaman na pinagbabato na nila ako.
Ayun napatigil ako sa paglalakad at sinasalag ko na yung suntok nila't mga sipa. Siyempre ayaw ko silang patulan. Kahit na sinisigawan nila akong lumaban isang suntok lang ata yung nagawa ko. Gusto din nilang kunin yung phone ko. Ayaw ko man pero naagaw na talaga nila sakin yun.
Napansin ko nalang na may tumutulo nang dugo sa may noo ko.
Kumaripas na sila ng takbo tangay na phone ko. Kahit masakit yung katawan ko, paika ika akong naglakad pauwi. May nakakapansin sakin. Isa sa mga tanod sa outpost. Imbes na tulungan ako, ako pa pinagsabihan. Ako na nga ang nabugbog ako pa may kasalanan. Tama lang talaga desisyon kong wag magsabi sa kinauukulan kasi di rin naman maaagapan yung nangyari na ih.
Sinabi ko agad sa girlfriend ko yung nangyari di pa nga siya naniwala nung una at inaway ako. Hanggang sa pinakita ko nalang sa kanya yung mga pasa at sugat ko. Pinagsabihan niya ako na hindi daw ako nakikinig sa kanya.
Baka nga deserve ko to kasi di ako nakikinig sa kanya. Yung April fools ko napaaga ata at malas pa hahaha.
End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro