Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SSA 1: New School

VEN

"We're here."

Maagap akong sumilip sa labas ng bintana ng kotse ni papa ng makarating kami sa lugar na siyang sinasabi niya.

It took us hours on travel bago kami makarating sa lugar na ito. Pero sa pagkadismaya ko, imbis na school building ang makikita ko, ay isang malaking gate lamang ang bumulaga sa akin.

Super Star Academy. Iyan ang nabasa ko sa labas ng napakalaki at magarbong gate na kulay ginto. Matataas na pader ang pumapalibot dito. Tinignan ko ang mahabang daan sa likod ng gintong bakal ngunit wala naman akong nakikitang building or what. Ano 'to? Lokohan?

"Pa, wala namang school building dito, eh!" Naiinip na sabi ko habang tinitignan ng maigi si Papa.

"Patience, iha. Makikita mo din maya-maya lamang." 'Yun lang ang sabi niya saka pinaandar muli ang sasakyan ng bumukas ang gate.

Cool! Namamanghang sambit ko nang awtomatikong magbukas ang gate.

Ayon kay Papa, isang prestihiyosong paaralan ang Super Star Academy. Dito daw kasi nag-aaral ang mga anak ng mayayaman. Isn't it weird? I mean, the school's name? And the school's place. Magubat na itong lugar na ito, so bakit dito itinayo?

To be honest, hindi ko alam na may nag-e-exist pala na ganitong school. I never heard about this.

Nagkibit-balikat na lang ako sa isipin. Baka matagal naman nang naitayo ang paaralang ito at hindi lang talaga siya sikat since nasa gitna siya nang gubat.

Ilang minuto pa kaming naglakbay sa napakahabang daan at sa wakas ay narating din namin ang paaralang sinasabi ni Papa. Muntik nang mahulog ang panga ko ng makita kung gaano ka ganda ang bago kong papasukan.

Yes. You read it right. Isa akong transferee sa paaralang ito, at sa gitna pa ng school year. Hindi ko alam kung bakit, basta ang naaalala ko lang ay pina-impake ako ni Papa habang sinasabihan akong delikado na ang buhay ko.

Weird, right? Maski ako ay nawi-weird-uhan din sa ama ko. We're living peacefully at sa isang iglap ay ililipat niya na lang ako ng mapapasukan pati ng tirahan.

Mabilis na pumanaog sa sasakyan si Papa ng makahinto ang kotse sa harap mismo ng napakalaking pintuan. Kulay gold ito katulad 'nung sa school gate at napapalibutan ng mga disenyo, more like signs or elements? There is also the school's crest at the center.

Woah! This door is awesome! Sa isip-isip ko habang namamangha pa din sa disenyo ng pintuan. Parang palasyo kasi ang building.

Napaatras ako ng biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon ang isang nakangiting babae. Nasa mid-40's pa lamang ito at ka-edad lang siya ni Papa.

"Maligayang pagdating sa Super Star Academy, Ares." Bati niya habang suot pa din ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Maraming salamat, Headmistress." Nakayukong sabi ni Papa.

"Wait, magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ko habang pinapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Yes, iha. We're classmates back then." Sagot ni Papa ng bumaling sa akin.

"Let's continue that to my office. Ares, sundan n'yo ako." She said at nagpatiuna na sa paglalakad.

Habang nasa hallway ay namamangha pa din ako. Those designs are like of a gothic palace. At hindi ko inaasahan na sobrang laki pala talaga ng school na ito. This is so much bigger compared to my old school.

Nakarating kami sa isang pintuan. Heto na yata 'yung principal's office nila? Ang laki naman nito, 'yung office nga ng principal namin sa dati kong school, kasing liit lang ng kwarto ko, itong office na 'to parang buong living room na ng bahay namin, eh.

Iginiya kami ng Headmistress sa sofa ng office. Naupo kami ni Papa habang siya ay may kinuha sa table niya. Maya-maya lamang ay nasa harap na siya namin ulit.

"I'm glad na dito mo paaaralin ang anak mo, Ares. Look at her now, she is as pretty and lovely as her mother." Magiliw niya akong tinignan habang may namumuong luha sa kanyang mga mata. "Cassiopeia is my best bestfriend. Sabay kaming pumasok at nag-aral dito with your father. Alam mo bang hindi kami mapaghiwalay na dalawa?" Tumawa siya sa sarili niyang kwento. Napangiti naman si Papa.

"We shared everything even our darkest secrets, wala kaming itinago sa isa't-isa ng mother mo, iha. We're sisters and being her bestfriend is the most memorable thing I will always remember. Mabait ang Mama mo, but then, sobrang nalungkot ako n'ong mabalitaan kong pumanaw na siya." And right then, a single tear rolled down to her cheek. Mabilis na pinahid niya ito saka ngumiting muli. "I'm sorry. I just can't accept the fact that Cassie is gone. It's too early for her." Hinging paumanhin niya saka pinalitan ng masayang aura ang kaninang malungkot niyang expression.

I, myself too, longing for a mother. Simula n'ong mamatay si Mama 14 years ago, si Papa na ang gumanap sa tungkulin niya. Ni hindi na nga nito naiisip ang sarili, eh.

Hindi nagkulang si Papa sa akin, sa pag-aalaga, sa pagpaparamdam na kahit wala na si Mama ay nandiyan pa din siya, na magiging masaya pa din kami kahit kaming dalawa na lang.

"Ano nga pala ang rason at bakit mo ipinalipat ang anak mo dito, Ares? As far as I know ay ayaw mong pag-aralin siya dito?" Nagtataka man ay nakinig na lang ako sa usapan nilang dalawa. Sabi ni Mama, huwag daw akong sasabat sa usapan ng mga matatanda. "Nagulat nga ako ng may natanggap akong mensahe mula sa'yo."

"I know. I know. Pero kailangan ko ngayon ng tulong mo, Serena. I can't keep my daughter safe with me. And I know na ikaw lamang ang makakatulong sa akin." Napakunot ang noo ko sa sinasabi ni Papa.

"They are all after her. At hindi sila titigil hangga't hindi nila siya nakukuha. I can't let that happen, Ren. I need to keep my promise to Cassie." Worried na sabi ni Papa habang hinahawakan ang mga kamay ko. Headmistress pats her hand to my father's shoulder.

"Don't worry, Ares, I will help you. I will keep my eyes on her. Just relax, ok?" Sabi nito. "Ako nang bahala sa anak mo. She's Cassie's daughter kaya anak na rin ang turing ko sa kanya. Ipanatag mo lang ang loob mo." Dugtong pa nito habang nakangiting nakatingin sa akin. I gave her a smile kahit nalilito pa din ako sa pinag-uusapan nila.

"Aasahan ko yan, Ren. By the way, I need to go." Tumayo si Papa saka nakipagkamay kay Headmistress.

"Pa?" Untag ko na nagpabaling sa kanya sa akin. He's leaving me?

"Iha, dito ka muna, ok? You will continue your studies here. They will help you." Sabi niya habang nakahawak sa magkabila kong balikat. He smiled at me.

"Pero Pa. Wala po akong maintindihan. Ano po bang pinagsasabi n'yo?" Tanong ko habang nagsisimula nang tumulo ang aking mga luha. I can't bear living without my father.

"Iha, this is all for your sake. In the right time, malalaman mo din ang lahat. I can't tell you that for now. Sundin mo na lang muna si Papa, ok?" Kahit nalilito ay mahina akong tumango sa kanya. "Here, take this." May ibinigay siya sa akin. It's a necklace field with small signs at sa gitna nito ay isang malaking sign na letter U. "Wear this everytime. Huwag mo itong iwawala sa leeg mo. It will protect you." Isinara nito ang aking kamay habang nasa loob niyon ang kwintas na ibinigay niya.

"Mag-iingat ka dito, ok?" Napatango na naman ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. I hate dramas but I can't help it.

"Good." He smiled at me pagkatapos niyang makawala sa yakap ko. "Kailangan ko ng umalis." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. He gave me a peck on my forehead saka tuluyang lumabas na sa silid nang Headmistress.

Pinahid ko ang mga luha ko saka huminga ng malalim. I am still staring at the door kung saan lumabas si Papa. I'm all by myself now.

"Iha, let's go. Ihahatid na kita sa dorm mo." Napatingin ako sa Headmistress nang magsalita siya. Tumayo na lang din ako saka binitbit ang dala kong maleta.

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro