Kabanata 7
Kabanata 7
"Sa wakas, magtatapos na tayo ng junior high. Senior high na tayo next school year," excited na sabi ni Jean, kaklase namin.
Nagpipictorial kami ngayon para sa Moving Up namin. Next week na ang exam namin at hindi namin alam kung papasa ba lahat pero halos lahat ay narito. Pagkatapos namin mag exam ay Prom night namin. Grade 10 at senior high lang ang maaaring makapasok sa venue. Sinali lang kaming mga G10 dahil baka ang iba sa amin ay lilipat na. Gusto kasi nila kaming makipag interact sa ibang estudyante at maalala man lang namin ito.
Excited na ako. Sabay kasi iyon ng kaarawan ko pero kinabukasan pa ito ipagdiriwang at gusto nila mama ng bonggang party pero tinanggihan ko. Balak kasi nilang imbitahin lahat ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa alam ng mga kaklase ko na ganito ang estado ko. Na may kaya nga ang pamilya ko. Maaari rin naman nila akong husgahan kung malaman nilang anak ako sa labas. Nagdiskusyon pa kami tungkol dito pero napapayag niya rin naman ako.
Iisipin ko pa kung paano ko sasabihin o iimbitahin ko ba sila o iyong mga kaibigan ko lang talaga.
Naging busy na rin sila Kuya at halos ginagabi na siya kapag umuuwi. Hindi na rin pumupunta si Greg dito, exam na kasi nila. Naging tutok sila ni Kuya sa pag aaral nila.
"Blayr, may sakit ka ba?" tanong ni Keila.
"Wala. Pero medyo sumasakit lang ang katawan ko. Kaninang umaga parang ang hapdi ng tiyan ko pero nawala rin naman. Bakit?"
"Namumutla ka kasi. Hindi ka naman nagblablush on." Pag alala niya at nilagay pa sa noo ko ang kamay para itsek kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Ok lang ako. Mainit lang siguro kasi nga nakamake up tayo tapos ang dami pang tao," pangungumbinsi ko sa kanya. Wala naman talaga akong sakit.
"Sure ka ha?"
"Oo naman. Hindi naman ako sakitin!"
Nasa cafeteria na kami ngayon at katatapos lang namin sa pictorial. Nakakagutom maghintay dahil madaming tao ang naroon at excited silang magpapicture.
"Iyan lang ba ang kakainin mo?" Pansin ni Keila sa pinggan ko at saka tumingin naman sa mukha ko.
"Wala akong gana. Nagugutom ako pero wala kasi akong gana. Halos parang lahat kasi ng ulam nila pang may sakit."
"Nagdadiet ka ba?" pagtataray niya. Nakataas pa siya ng kilay at kailangan sabihin mo ang totoo.
Saka diet? Alam niyang payat ako tapos magdadiet pa ako. Kakaiba lang kasi ang pakiramdam ko ngayon. Hindi naman ako nilalagnat kaya alam kong wala akong sakit.
"Hindi. Ano ka ba Keila, ang payatot ko tapos magdadiet pa ako?"
"Aba malay ko. Ang Blayr na alam ko ay parang baboy kumain. Naiinggit nga ako sa'yo. Sa tuwing kumakain tayo kailangan kaunti lang ang kakainin ko kasi tumataba ako agad. Saka baka hindi ikaw 'yan... Baka nga hindi ikaw 'yan... baka may ibang elemento yata ang sumanib sa'yo," pang aasar niya saka siya lumayo sa akin. Bumalik din naman siya agad at niyuyugyog pa ako at tila hinahanap ako sa katawan ko.
"Meron nga yata. Hanapin mo nga at sabihan mo na umalis na siya. Hindi ko makita ehh!" Sakay ko sa biro niya.
"Saglit, may nagsasalita... baka nasa ulo... patingin nga." Hinawakan niya ang ulo ko at pinaharap sa mukha niya at ginulo niya ang buhok ko. Ginulo ko rin ang sa kanya.
Para na kaming mga tanga dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tumatawa lang kami at hindi na namin sila pinapansin.
"Keila." Pagtatawag ng isang lalaki pero may kasama ito.
Hindi pinansin ni Keila o 'di kaya'y hindi niya lang ito narinig kaya kinalabit ko na lang siya.
Nginuso ko pa ang dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng mesa namin. Tumigil naman siya at inentertain niya ito.
Pinalo ko siya sa tuhod niya para bantaan siya sa mga lalaking hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan. Mga mukha kasi silang manyak at tila babaero.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti lamang ito ng nakakaloka.
"So how are you Keila?" tanong ng lalaki.
Hindi familiar ang mukha nila. Ngayon ko lang sila nakita. Mga bago lang yata.
"I'm fine, Alex. How's being a senior high stud?"
"Fine. Ok lang pala rito sa school niyo. They are friendly."
So transferee siguro sila. Kaya pala hindi familiar. Hindi naman ako nagmememorize ng mukha pero naaalala ko kasi ang mga nakakasalamuha ko.
"Of course, they are." Walang interes na pakikipag usap ni Keila. "What do you want? It's all on me."
"What? No. I won't let a girl pay for our meal."
"Bago pa kayo rito. May ibibigay kasi silang discount sa akin kapag bibili ako sa kanila."
"Samahan na lang kita." Pamimilit nitong Alex na tumayo pa at pursigidong mapansin siguro ni Keila.
"It's okay. Kaya ko naman."
"Okay then."
Umalis na si Keila para mag order at kunin ang pagkain ng mga lalaki. Nag uusap naman ang dalawang lalaki.
"Bakit hindi mo na lang pansinin ang kaibigan ni Keila. I think you can get her easily. She's like those girls who wants relationship with you because of money and you're also handsome, bro," bulong nitong Alex pero naririnig ko naman.
Kumukulo ang dugo ko sa narinig. Easy girl? Seriously? I am not like that. Kung pagbabasehan ang physical appearance, mas mukha pa silang bayaran na lalaki. Kung habol ko pera sa lalaki, aba'y hahanap naman ako na mas gwapo talaga at mayaman. Feeling mayaman naman itong mga 'to. Porke mukha akong mahirap at hindi nag aayos, gano'n agad. Pambihira naman pala ang buhay kung ganoon!
"I don't like. She's not my type."
"I know right." Hagikhik pa nila.
"But I kinda like the idea of getting her. We'll do the you-know then dump her!" Pagmamayabang niyang sabi.
Okay, let's try then!
Bumalik si Keila dala dala ang mga pagkain. Nag unahan pa silang dalawa para tulungan siya. Muntik pang mahulog ang mga pagkain dahil sa pag aagawan kung hindi ko lang ito nahawakan. Mga tanga lang?
We started eating then suddenly they want to impress Keila through telling her what they have achieved arrogantly. Marami pa silang pinagkukwentuhan and I am irritated to them. Keila knows me that I want to eat peacefully, so she's looking at me right now.
I rolled my eyes on her. She's the reason why these boys are bugging us. She shouldn't have entertained them in the first place.
Tumayo ako at kinuha ang baso na may tubig. Sinadya kong itapon sa kanila ang tubig sa pamamagitan ng bigla akong napatid sa upuan ko.
Napatayo rin sila at nag unahan silang kumuha ng tissue.
"Halla, I am sorry. Hindi ko sinasadya," pagsisi effect ko pa.
"Blayr, basa ka rin. May extra akong damit. Magpalit ka na, baka magkasakit ka pa," sabi ni Keila na may paconcern effect sa akin at tumingin sa mga lalaki na malungkot. "Pasensya na boys, baka magkasakit 'tong kaibigan ko. Magpalit lang siya."
"No problem, Keila." Ngiti nila kay Keila pero iritado naman pagkatingin nila sa akin.
Nakalayo na kami roon at tumambay sa may bench sa ilalim ng puno.
Dito ako madalas magtambay sa tuwing umuuwi si Keila. Halos lahat din naman ng mga kaibigan namin ay umuuwi kaya wala akong kasama.
"Hay, bakit mo naman ginawa 'yon? Nakakahiya tuloy sa kanila," pagtatrantums ni Keila. Sinipa sipa niya pa ang mga bato.
"Sa tingin mo mapagkakatiwalaan iyong mga 'yon? Saka nilibre mo pa talaga. Mayayaman naman pala sila, 'di sila na ang bahala kung walang discount," iritado kong sabi sa kanya.
Sa kanya ko talaga ibubunton 'tong nararamdaman ko. Feeling ko talaga lalagnatin ako pero hindi naman ako mainit.
"Sayang naman."
"Siningil mo man lang sana girl kung gusto mo may discount gano'n."
"Tapos naman na. Ba't ka ba nagagalit diyan?"
"Wala," sabi ko at tumingin na lang sa paligid.
It's peaceful like what I want my world to be. Students are sitting on the bench under the tree. Some are chitchatting with their friends and others are sleeping. Ang iba naman ay nagsisilabasan sa gym dahil doon ginanap ang pictorial.
"Paano mo ba 'yon nakilala?" tanong ko.
"Noong nagbakasyon kami kanila mama. Kaibigan ng pinsan ko kaya nagpapapansin 'yan. Binilin naman kasi nila Kuya kaya kinakausap ko lang."
"Akala mo gwapo 'yong dalawang 'yon. Ang papangit naman. Mayaman ba sila?" inis kong tanong.
"Oo, mayaman silang dalawa. Sikat nga raw silang dalawa sa school. Crush ng bayan kuno. Ewan ko kung bakit dito nag aral."
"Mga feeling... pero may tanong ako?" Tumingin ako sa kanya at naghihintay naman siya sa sasabihin ko. "Pangit ba ako? Magsabi ka ng totoo. Bibigwasin kita kung magsisinungaling ka."
"Honestly, pretty ka naman sis. Maputi ka pa nga e, mas maputi pa sa akin. Ang problema lang sa'yo... hindi ka nag aayos ng sarili mo. Ang kinis kinis ng mukha mo pero hindi mo man lang pahidan ng kaunti, kahit kaunti lang na blush on, para magmukhang maaliwalas naman ang mukha mo," pag aalinlangan niyang sabi.
"Hindi kasi ako sanay. Feeling ko mangangati ako sa mga ganyan."
"Try mo kasi. Iniisip mo kasi na ganyan kahit hindi mo pa naman nasusubukan."
"Hindi ako marunong maglagay," nahihiya kong sabi. Ngumuso pa ako at tumingin sa ibang tao. Tumawa naman siya at inaasar ako.
"Sabi ko kasi sa'yo turuan kita. O kung hindi, kay Ate Faye ka magpaturo. Hindi ka rin naman kasi willing magpaturo sis. Senior high na tayo, gurang gurang ka pa rin?"
Tinignan ko siya ng masama pero nakangisi lang ito. Inaamin ko naman na magaling talaga siya mag ayos ng sarili niya. She's into make up and fashion. She wants to be a model someday.
"Fine. Pumunta ka sa bahay sa weekend."
"Gusto ko 'yan, maraming pagkain sa inyo. Saka ikaw, tuturuan talaga kita ng bonggang bongga. Sayang naman 'yang ganda ng mukha mo. Iyang intsik mong mata pero cute naman, matangos mong ilong at 'yang pinkish mong lips, parang ang sarap halikan gano'n."
"Tomboy ka ba? Hindi tayo talo uy."
"Kapal ng mukha mo. Maganda ka lang pero mas sexy ako sa'yo no!" Nagpose pa siya na parang model. Para siyang baliw.
"Mas maganda ka, huwag magpapatalo!" Ngiti kong sabi sa kanya.
She's prettier than me, honestly. The boys are the evidence why I think she's pretty. Hindi naman siya papansinin kung hindi siya maganda 'di ba? Hindi naman ganoon karami ang manliligaw niya kung hindi siya maganda hindi ba? Hindi ako naiinggit.
The world today evolves to this standard. The standard of society. A standard which categorized us on how we were born. Kung mahirap ka, hindi ka maganda. Kung maitim ka, hindi ka maganda. Kung hindi ka susunod sa uso, hindi ka maganda. We too have adopted the standard to define what beauty is to us, na hindi natin alam nadidiscriminate na pala natin ang ibang tao.
Some people define us then tell us that's all we are. This is how you live your life. But throughout the ages, no written literature has ever declared that beauty is based on our physical attributes. Nakadepende ito sa sarili mo. Nakadepende kung paano ka maging confident at sabihin mo sa sarili mo na maganda ka. That should define beauty.
Mabilis ang naging araw at weekend na. Naeexcite akong dumating si Keila. Isa pa, hindi na ako mabobored. Magpapaalam na lang ako kanila ate na hindi ako sasama sa gagawin nila ngayon.
I don't know why I'm happy today. Even though, we will just doing some make ups. Hindi ko alam kung bakit masaya ako na matutunan ko nang mag ayos.
Naligo na ako agad at bumaba sa dining area para kumain ng agahan. Naroon pa sila mama kaya mas lalo akong naging masaya na may kasama ako sa hapag kainan.
"Good morning, Blayrie," ngiting bati niya sa akin. Sinalubong niya pa ako ng yakap.
"Good morning, ma," masayang bati ko sa kanya.
"Your prom will be next week right? I'll call our designer for your gown," hagikhik niyang sabi. Mas excited pa siya sa akin. Ayaw ko namang sirain ang saya niya kaya ngumiti na lang ako.
"Ok ma, just make it simple. Ayaw ko naman pong maging elegante. I just want a simple gown."
"Of course, as always."
Sakto namang patapos na kaming kumain ay pagkababa ni Ate. Nakaayos na siya at handa na siya sa activity na gagawin nila. Umupo siya sa tabi ni mama at tumingin naman siya sa akin patungo sa damit ko.
"Hindi po ako sasama ate. May gagawin po kasi kami ni Keila. Bibisita po siya rito." Tumango lang siya at kumuha ng tinapay para kainin.
Sabay sabay na umalis sila mama kasabay si Ate. Hindi naman ako naghintay ng matagal, dumating din naman si Keila.
"Are you ready? Pero bago 'yan, kain muna ako. Nagugutom ako."
As if namang gutom. Sinadya lang na hindi kumain para rito na mag agahan e!
"Bahala ka riyan, aayusin ko lang kwarto ko para doon na tayo."
"Sige sige." Pagtataboy niya habang may nakasubo ng pancake sa bunganga niya.
Umiling na lang ako at umakyat sa kwarto. Inayos ko lahat ng gamit ko. Mga upuan at mesa na paglalagyan ng mga make up at salamin.
"Ang ganda talaga ng bahay niyo, Blayr. Mansion na mansion. Ang yaman naman nila Papa mo... oh, hindi MO ha, papa mo ang sabi ko!" Inirapan ko siya. Alam niya talagang ayaw kong naririnig na mayaman ako.
It's not my wealth, it is my papa's.
"Loko ka talaga. Mag uumpisa na ba tayo agad o magpahinga ka muna?"
"Pahinga lang saglit. Baka hindi bumaba ang mga kinain ko. Baka tataba ako, hindi kakasya ang gown ko," sabi niya at pumuntang balcony. "Ikaw pala, may gown ka na? Next week na 'yon!"
"Si mama na raw ang bahala. Kahit ano naman, susuotin ko," kibit balikat kong sinabi.
Nakatayo siya roon at nagpapahangin. Kada umaga gano'n din ang ginagawa ko. Ang ganda kasi sa balat.
"May kadate ka na?" tanong niya at lumapit sa akin.
Sinundan ko ng tingin ang pag upo niya sa stool na uupuan namin mamaya. Kahit wala naman yatang date, okay lang. Saka sino namang idedate ko kung gano'n.
"Kailangan ba? Wala!"
Umupo rin ako sa stool na uupuan ko. Humarap naman ako sa kanya at nakanguso ang mga labi niya.
"As in wala? Narinig ko kasing pinag uusapan nila na kailangan may kadate raw. Sa kaklase raw natin tayo pipili."
Kumunot ang noo ko. Kung papipiliin kami o mga lalaki ang pipili, kawawa naman ang mga walang kapares. Kulang ng limang lalaki ang mangyayari kung sakali.
"Paano iyong walang partner?"
"Wala pa bang nag aaya sa'yo? Inaya kasi ako ni Justin. Umoo na lang ako. Siya naman unang nagtext sa akin kaya siya na lang partner ko."
"Wala pa naman. Hanggang kailan ba raw mamimili ng partner?"
"Ang alam ko hanggang sabado, e sabado na ngayon. Ichat mo na lang ang mga kaklase natin kung sino pa ang walang kapares."
"Kailan mo ba narinig iyon?"
"No'ng tuesday, kahapon ko lang naalala. Sasabihin ko sana sa'yo kagabi kaso hindi ka na online."
"Iconfirm ko na lang sa mga kaklase natin atsaka magtatanong na lang din ako," sabi ko.
"Sige. Sorry ngayon ko lang nasabi."
"Okay lang. Pero paano kung walang partner? Mas okay ako ro'n."
"Hindi ko lang alam. Magtanong na lang tayo kay Ms. Balthazar sa monday."
Huminga ako ng malalim saka tumango sa kanya. Nag umpisa na rin kami sa make up na ginagawa.
Noong una, hindi ko pa maintindihan ang ginagawa niya. She had to do it again then tell me what is the name of the product and what is the purpose of those to my face.
We decided that I will try it to her face and she'll rate it if it's okay but if not, I'll do it again until it fit to her.
Halos isang oras niya ako inayusan. Dinetalye niya lahat ang mga basic at pinakagagawin kapag pumapasok ka sa school at mag aayos ka. Saka niya lang ito tinapalan ng mga make up na ginagamit ng mga modelo o mga artista.
"Hayan! Hindi ka lang nagmukhang tao, ang ganda ganda mo pa!" Manghang sinabi ni Keila.
Hindi pa ako naniniwala at baka pakeme niya lang iyon. Siyempre kaibigan mo, magsisinungaling! Joke!
Hinarap niya ako sa salamin at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang pangit ng gawa niya! Char! Tao na ba ako? Ba't ang ganda ko?
I will not deny that she's good, expert rather. How can she make me pretty in her magical hands? I think it's okay if bago kami pumasok, magpapaayos muna ako sa kanya.
"Starstruck ka naman sa sarili mo. Gandang ganda ahh! Baka maging crush din kita niyan." Tawa niya pero ngumiti rin naman siya nang tinignan ko siya sa salamin.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na maganda ka. Mag ayos ka lang. Tignan mo, mas maganda ka na kaysa sa akin. Mukha ka tuloy intsik na barbie." Parehas kaming natawa sa sinabi niya pero umiling lang ako.
"May tatalo ba sa'yo? Mas maganda ka pa rin." Sinseridad kong sinabi.
"Baka mamaya niyan, madami nang manliligaw sa'yo. Dahan dahan ahh!"
"Akala mo naman tutulad ako sa'yo. Hindi ko sila papansin 'no," sabi ko at flinip pa ang buhok.
Inikot niya ang mga mata niya at tumawa ito.
Nagpasya na rin kaming gawin iyon sa mukha niya. Sinubukan ko siyang ayusin at halos dalawang oras kami nagtagal dahil hindi ko alam minsan ang gagawin ko. Nakakalimutan ko rin kung anong gagamitin kaya iniisip ko pa kung ano 'yong mga nilalagay niya sa mukha ko. Pinapaulit niya rin kasi sa akin kung may mali man ako o kung hindi niya gusto ang make up. Ang inggrata! Kainis!
Halos pawisan na ako pagkatapos ko siyang make upan. Naging haggard na ako at fresh naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin at nakuha niya agad ang ibig kong sabihin.
Who would like that by the way? Iyong maganda ka na, pero naging gurang ka pa pagkatapos!
"Ayusin natin."
Pinunasan niya kaunti ang mukha ko at nilagyan ulit ng kaunting make up.
Natigil lang kami nang may marinig kami na ugong ng sasakyan. Sumilip naman ako sa bintana at nakita sila kuya at mga kaibigan niya.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Ilang linggo na rin kasi ang nakakalipas simula no'ng nakita ko ang mga kaibigan ni Kuya. Ngayon pa lamang ulit.
"Sino ang mga 'yan? Mga kaibigan ni Kuya mo?"
I nodded at her. No words came out of my mouth. Why I am speechless?
"Bababa ba tayo? Nakakahiya naman kung pupunta tayo roon," dagdag niya.
"Magpapadala na lang ako kanila manang ng makakain natin. Dito na lang muna tayo."
Umoo na lang si Keila at inon ang TV. Nagsabi naman ako kay manang na dalhin na lang ang pagkain namin. Hindi naman na ako bumaba dahil nakita ko siya sa hallway at inutusan na siya na ang kukuha ng pagkain sa baba.
We are watching Tv while waiting to our food. Tinanong ko rin siya kung tatanggalin ko ba ang make up pero sinabi niyang huwag na muna dahil magpipicture pa kami sa baba. Sa garden daw kami pupunta dahil maganda raw itong background.
We ate the foods as soon as it came to us. Inisip kong ibaba na lang ang pinagkainan namin mamaya kaysa hintayin pa si manang. Gusto ko rin malaman kung anong ginagawa nila kuya.
Kaya naman pagkatapos namin kumain, nagpasya na akong ibaba 'to. Sinabi ko kay Keila na saglit lang ako at ilalagay ko lang ang mga iyon sa baba.
I didn't saw them when I went to kitchen. Wala sila sa sala at wala rin sila sa dining. Nasa swimming pool o garden siguro.
Inayos ko na ang plato sa lababo at hinugasan ko na lang din ito agad para wala ng gagawin sila manang. Muntik ko pang nahulog ang platito kung hindi lang nasalo ni... Greg. Paano ba naman kasi, bigla na lang itong sumulpot sa tabi ko.
Lumapit pa siya sa akin at kumunot ang mukha. His face darkened and I don't know why. He's looking at me like I did something wrong. I am nervous. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko at hindi ko alam kung paano ibubuka ang bibig ko. I parted my lips a bit to breath some air. Napatingin naman siya roon at umigting ang panga niya. Sinarado ko na lang ulit iyon sa kaba.
Naging akward pa dahil halos walang nagsasalita sa amin. Tumingin na lang ako sa huhugasin ko at tinapos iyon. Nang matapos ko iyon, umalis ako sa harap niya para ayusin sa lalagyanan ang mga nahugasan ko.
"Why are you wearing make up?" He asked menacingly.
"S-sinusubukan ko lang naman. Masama ba?" Utal utal ko pang sabi pero naglakas loob akong tignan siya sa mata kahit feeling ko matutumba na ako.
Naiinis lang ang nakikita ko sa mukha niya at umalis na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro