Kabanata 5
Kabanata 5
"What do you want?" tanong ni Greg.
Nasa isang restaurant kami ngayon pagkatapos naming ihatid si Keila. She's supposed to be here but Greg suddenly asked her address. Kuripot at madamot.
Ililibre niya raw ako dahil ang payat ko at mas healthy pa tignan ang kaibigan ko. Hindi naman talaga ako tatanggi kapag libre kung hindi lang sana sa pangmayaman. Nagtalo pa kami dahil dito.
I'm not the type of person who would reject an offer then suddenly accept it. Ayaw kong masabihan na nagpapabebe lang ako. Hindi ko lang kasi type sa mga sosyalin. Mas gusto ko sa mga street foods.
Isa pa, kaming dalawa lang! Mamaya may makakita sa amin ta's anu ano na namang ipagkakalat na isyu na hindi naman totoo.
"May alam akong kainan, mas masarap doon," pangungulit ko sa kanya dahil miss ko nang kumain doon.
Umiling lang ito at patuloy na tinatawag ang waiter.
"Tell me what you want. I'll order it."
"Wala akong gusto. Ang mahal din ng pagkain dito."
"It's all on me. Don't worry about it, Blayr."
"Pero mas masarap kasi roon sa kilalang kong kainan. Sulit na nga, masarap at madami ka pang makakain!"
"If that's a street food you're telling me, then no. It's not healthy that's why you look skinny."
Grabe ka naman! Unhealthy agad? Marumi agad? Kailangan kaya natin ng bacteria sa katawan!
"Minsan, kailangan din nating kumain ng may bacteria. Saka may guarantee bang malinis ang kakainin natin ngayon?"
Ngumiwi ito. "Your opinions and excuses. At least it safe here."
"Whatevah, magtutubig na lang ako," sabi ko dahil naiirita ako sa sinasabi niya.
"Fine, we'll go there. At least eat some good foods," pambawi niya siguro. Iritado pa dahil halos magdikit na ang makapal niyang mga kilay.
"Hindi na. Marumi roon, remember?"
"Blayr, I just want you to be safe if you're with me. Ayoko namang kumakain ka lang kung saan saan. Baka mapagalitan ako kay tito kung malaman niyang kumakain ka ng street foods. Baka mapagalitan ka rin."
"Sanay naman na akong kumain ng ganoon. Besides, I missed eating those dirty foods you are talking about."
"Calm down, pumapangit ka e! Pupunta na tayo roon. Huwag ka nang mag alala. Just limit eating those foods."
"Ok. Hindi ka kakain?" taas kilay kong tanong.
Ako lang ang kakain? Ang arte talaga nito. Mga ibang mayayaman talaga minsan ayaw sa mga may kaunting germs.
"I'm not. Sasamahan lang kita."
"Arte," bulong ko.
Hindi niya na tinuloy ang pag oorder pero nag iwan na lang ng tip para sa waiter na naghintay sa order namin.
Umalis din naman kami agad at tinuro ko sa kanya ang pupuntahan namin. Parati ako noon doon. Paborito ko kasing kumain doon. Mura at masarap. Naging close ko rin ang nagtitinda roon kaya binibigyan niya ako ng sobra.
Nang makita ko na ang pwesto ni Auntie Letty ay tinuro ko na ito kay Greg.
"Hayan, diyan sa tabi lang. Sa may nagtitinda."
"Are you serious, Blayr? It's not safe. Their foods-" tumigil siya.
Naiirita na naman ako sa kanya. He's overreacting. Hindi sanay sa pagkaing mahirap. Isa pa, hindi ako namatay sa pagkaing iyan.
Tinabi niya rin naman ang sasakyan at hindi na nagsalita. Dahil kung magsasalita siya, baka sasabog na talaga ako sa kanya.
Nauna na akong bumaba pero mabilis siyang lumapit sa akin para alalayan ako patungo kay Auntie Letty.
"Hello po, Auntie! Kumusta na kayo?" bati ko sa kanya at ngumiti na rin.
"Ok lang naman, Blayr. Ikaw dalagang dalaga na ah. Kailan lang na hindi ka marunong mag ayos sa sarili, ngayon mukhang kutis mayaman na! Ang gwapo rin ng kasintahan mo, Blayr."
Ngumuso ako sa sinabi ni Auntie. Hiyang hiya pa ako dahil sa kasama ko. Totoong hindi ako nag aayos noon. Tinuturuan lang ako ni ate at pinagsasabihan din ako ni Keila na mag ayos naman minsan. Isa pa, napagkamalan kaming magkasintahan.
"Hindi naman po, Auntie. Medyo natuto lang po saka hindi ko po boyfriend ang kasama ko," sabi ko na nahihiya at tumingin na lang sa cute na baby sa tabi niya. "Ito na po ba ang baby niyo? Ang cute naman po."
Lumapit pa ako dahil ang cute kasi. Ang sarap pisilin ng pisngi! Huling kita ko kasi kay Auntie ay apat na buwan na itong buntis. Ngayon, may cute na siyang baby.
"Oo, tatlong buwan na si baby. Kababalik lang din namin sa pwesto dahil medyo gipit ang asawa ko. Sayang naman din itong kaunting pangkabuhayan."
Ilang sandali nag abot si Greg ng pera kay Auntie. "Here, take it," sabi ni Greg.
Napalingon ako sa ginawa ni Greg. Nagulat kasi ako sa pag abot niya ng pera. Hindi ko naman alam na nakikinig pala siya sa usapan namin. Gagawin ko rin sana ito mamaya pero patago, kaso naunahan na ako ng kasama ko.
"Hindi na sir. Hindi naman ako nagpapaawa kay Blayr para bigyan niya ako ng pera. Kinukwento ko lang sa kanya ang nangyari. Parang pamangkin ko na rin ito e," nahihiya ring sabi ni Auntie Letty.
"No, I insist. Hindi ko naman ibibigay ito dahil naaawa ako sa inyo. Para sa baby mo. Panggatas niya."
"Nakakahiya naman sir. Kuha na lang kayo ni Blayr diyan. Huwag niyo nang bayaran dahil sobra sobra po itong binigay niyo."
Inunahan ko nang kumuha dahil alam ko namang hindi kakain itong kasama ko. Miss ko na rin kasing kumain ng kwek kwek at fishball. Susugurin ko rin mamaya ang isaw nila Auntie dahil miss ko na ito. Baka matagal na naman kasi bago ako makakain. Saka sayang naman, libre.
"Auntie, malakas pa rin ba ang bentahan niyo?"
"Oo naman. Maya mayang alas kwatro, magsisilabasan na ang mga estudyante diyan sa kabilang eskwelahan at dito sila bumibili sa akin. Maaga pa naman, alas dos pa lang kasi kaya medyo paunti unti pa lamang ang bumibili."
Nagkibit balikat na lang ako at tumusok ng kwek kwek. Nilagyan ko ito ng sauce na maanghang. Nang makain ko na ay sobrang refreshing. Sarap!
Kumuha na rin ako ng fishball at nilagay ito sa cup ko. Feel na feel ko pang kumain. I can't believe na nakakain na naman ako nito. Ayaw kasi nila papa.
"Hindi po kayo kakain, Sir?" tanong ni Auntie at tumingin din siya sa akin.
"Hindi po 'yan kumakain ng ganiyan, maarte 'yan eh! Hindi naman nakamamatay," sabi ko at tumusok pa ulit ng fishball.
"Hindi ako maarte. No offend po, pero sure ba iyan na malinis?"
Inirapan ko ito at kumuha ng isaw at pinaihaw ito.
"Blayr, stop it. Nakakarami ka na. Baka mamaya sumakit tiyan mo riyan."
"Don't worry Kuya, alam ko ang ginagawa ko. Kung magkasakit man ako, ako na bahala ro'n."
Tumingin ako sa kanya at madilim ang mukha nito. Magsasalita sana ako pero tumunog ang cellphone niya at sinagot ito.
Nagiguilty rin ako dahil naalala kong hindi pa ito kumakain at mas pinili niya pa akong pagbigyan sa gusto kong kumain dito.
Nahihirapan naman akong kausapin siya dahil may katawag na ito. Maaaring si kuya o baka kakilala niya. Kung iooffer ko naman sa kanya ang kinakain ko baka mas lalong mainis lang siya sa akin. Ayaw niya, tapos oofferan ko pa!
Sinubukan ko na lang din kainin ang ibang tinda ni Auntie habang niluluto niya ang isaw.
"Try mo kayang tikman ito, masarap!" Sabi ko nang makitang binaba na niya ang cellphone.
"Hindi ka pa kumakain, baka gutom ka na," dagdag ko.
"It's okay. Sa bahay niyo na lang ako kakain," sabi niya at madilim pa rin ang mukha. Sungit naman!
"Masarap talaga 'to, pramis! Hindi ka magsisisi. Hindi naman ako mag ooffer kung hindi maganda ang lasa no!"
"Just eat what you want."
Kanina halos ayaw akong payagan. Ngayon namang binibigyan, ok lang!
"Try mo, pramis masarap 'to!" Pamimilit ko pa habang tinututok sa kanya ang kwek kwek.
Iniiwas niya pa ang bunganga niya pero sa huli sinubo niya rin ito. Muntik pang mahulog dahil sa arte nang pagkakakagat sa pagkain.
Halos parehas kami ni Auntie na naghihintay sa reaksyon niya at abang na abang talaga.
"So, how is it?" I asked him.
Hindi pa siya kumibo. He make face and the way he wrinkles his forehead is just amusing. He's cute. Tila ignoranteng bata na kumakain ng pagkain na ngayon lang nakatikim.
I want to take a picture of him but it would be embarrassing and he would think that I like him. Pwede ko rin naman siyang kunan ng patago pero nakakahiya at baka mahuli niya pa ako.
He gets another piece of kwek kwek and I know that he likes it. Speechless na siya at sarap na sarap na siguro. Saan na ang dirty riyan? Hindi pala safe ah!
"Sarap na sarap ahh! Dirty 'yan remember?" I teased him and he just rolled his eyes.
"Last mo na 'yan, hindi 'yan safe!" Dagdag ko at tumawa pa ng palihim.
Ngumuso lang ito at tinuro pa ang kwek kwek. Tumawa si Auntie at tumawa rin ako.
"Dirty dirty ka pa riyan, hihirit ka pa pala. Baka mamaya niyan, hindi ka na umalis dito at maubos mo na ang paninda ni Auntie."
"I thought it's not good but... it taste delicious."
Tumingin pa ako kay Auntie at ngumiti lamang ito.
"What you called that?" turo niya sa isaw.
"Isaw 'yan. Masarap itong balat at paa."
"Can I taste it? Is it really good?"
"Of course. Hindi ka pilipino kung hindi ka kakain ng ganiyan."
Kinuha ko ang naluto ng isaw at naghati kami sa pagkain ko. Ang mayabang, sarap na sarap.
Busog na busog na ako pati ang kasama ko. Kung bibilangin ang kinain namin, mas marami pa ang sa kanya. Akala mo naman talaga.
Nauna na akong sumakay sa kanya sa kotse pagkatapos kong magpaalam kay Auntie. Kinausap pa kasi ito ni Greg.
Palapit si Greg ay may dala na itong softdrinks.
"Wala silang tubig, softdrinks lang."
"Ok lang."
Pinaandar na niya ang sasakyan at bumusina muna kanila Auntie saka pinaharurot ang sasakyan.
Madali lang kami nakarating sa bahay dahil hindi naman masyadong traffic. Inalalayan niya ulit ako sa pagbaba kahit kaya ko naman na.
"Ako na. Lumpo ako? Lumpo?"
"Baka mabigla, sasakit uli."
"Hindi 'yan," sabi ko at nagpatiuna na sa pintuan.
Wala pa sila papa at mama. Gano'n din si kuya at ate kaya naman, pagkatapos kong magpasalamat kay Greg ay umakyat na ako sa kwarto.
Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising dahil sa pagpupuyat ko kagabi. Pagkaakyat ko kasi, nanuod pa ako ng Kdrama.
Weekend ngayon kaya wala akong gagawin. Kadalasan, nagkukulong ako sa kwarto at nag K-kdrama marathon o nagbabasa ng libro. Kung hindi naman, sumasama ako kanila ate sa recreational activities nila, naglalaro ng badminton o tennis table.
Dahil wala na sila ate at baka iniwan na nila ako, ipagpapatuloy ko na lang ang panunuod ko. Though I want to do something. I'm hoping that Keila would call me and tell me that she's bored and I am willing to take her anywhere.
Gusto ko rin namang bumisita kanila tita pero kapag ganitong weekend, pumupunta sila kanila lola, magulang ng asawa ni tita. Sinasama nila ako noon kaya parang apo na rin ako ni lola.
Tumunog ang phone ko kaya naman tuwang tuwa ako. Nakita ko pang si Keila ito kaya mas lalo akong ginanahan na kausapin siya. Feeling ko talaga mag aaya 'to.
"Sissy, may gagawin ka?"
"Wala. Bored na nga ako dito sa bahay."
"Biglaang aya ng mga kaklase natin. Swimming daw tayo. Alam mo na, malapit na ang bakasyon at baka maghihiwa-hiwalay tayo na alam ko namang oo." May hinanakit sa boses ni Keila.
"Sige, game ako!"
"Dalian mo. Ihahatid ako nila mommy at pahatid ka na lang papunta sa amin para sabay tayong pumunta roon."
"Sige. Saan daw ba?"
"Sa Angelis Resort."
"Ok. Hintayin mo ako ha? Paalam lang ako kanila papa at mag ayos lang din ng damit."
"Ok. Saka congrats pala."
"Bakit? Para saan?"
"Nanalo kayo sa All Dance Craze."
Nakalimutan ko palang itanong kay Greg kung sino ang nanalo. Nawala sa isipan ko.
"Gano'n? Salamat. Paalam lang din ako kay manang."
Nagpaalam ako kanila manang dahil wala pa sila papa at pinayagan din naman ako agad. Alam kasi nilang mabobored ako kaya umoo na lang sila.
Nagcommute ako papunta kanila Keila dahil wala si manong. Hindi pa nakakauwi at kasama nila papa sa Batangas.
Madali lang naman makarating kanila Keila. Mas okay na rin na hindi ako hinatid at baka pag usapan ako kung may makakakita.
Pagkababa ko sa jeep na sinasakyan ko ay naroon na pala si Keila kasama ang papa at mama niya kaya umalis na rin kami agad roon para ihatid kami sa resort.
"Kamusta naman, Blayr?"
"Ok lang po tito," ngiti ko sa kanya.
"Parating nag eemote itong si Keila dahil hindi ka na raw niya makakasama sa school at mag isa lang siya sa FEU na papasok. Saan ka ba mag aaral?"
Tumingin ako sa katabi ko at inirapan niya lang ako. Inasar ko pa siya sa pamamagitan ng pagngiti ng nakakaloka bago sinagot si tito.
"Doon po sa De la Salle University. Doon po kasi nag aaral sila kuya kaya umoo po ako kay papa. Saka para hindi po mahirapan si manong na sumundo sa akin."
"Masyado bang strikto ang papa mo?"
"Hindi naman po. Gusto niya lang po kasing ibigay iyong mga bagay na hindi niya naibigay sa akin no'ng mga panahong hindi ko siya nakasama."
"You're a lucky girl. Mabait ang tita at tito mo dahil kinupkop ka ng mga ito nang mamatay ang mama mo. Mabuti rin at nahanap ka ng tatay mo. But despite of the situation na anak ka nga sa labas, sorry for the word, tinanggap ka pa rin ng asawa ng papa mo. Rare na lang kasi ngayon ang gano'n kaya you're a lucky, indeed."
"It's okay po tito. Kaya nga po sobrang thankful ako kasi hindi niya ako tinuring na anak sa labas." Ngumiti lang ito nang tinignan ko siya sa rear mirror.
Nakahanda na ang mga kaklase namin nang pababa na kami sa sasakyan nila Keila. Handang handa na ang mga ito para lumangoy sa mga swimming pool samantalang magpapalit pa kami.
"Ingat girls. Sunduin namin kayo mamaya ok? Pakabait kayo." Pinaalalahanan pa kami ni tita bago umalis para pumasok sa trabaho.
Nagmadali kaming gumalaw ni Keila dahil excited na kaming magswimming. Nakasuot ako ng rash guard samantalang siya, naka short short at sports bra. Hindi ako marunong magsuot ng katulad nang sa kanya at wala rin namang makakapitan dahil wala naman akong ganoon samantalang sa kaniya, meron na!
Nag order na rin pala ang mga kaklase namin para sa pagkain kaya hindi na rin kami nag abala ni Keila na mag order ng kakainin. Magdidivide nga lang sa babayaran para sa pagkain.
Bago kami naligo, marami munang kuhaan ng mga pictures. Selfie, by partner o groufie. Remembrance kasi para naman hindi raw makalimutan.
Matapos ang kuhaan ng mga pictures ay kahit ano na lang ang nilaro namin sa tubig. Chicken fight, tayaan, paunahan makarating sa dulo ng swimming pool at madami pa. Sobrang saya dahil kahit papaano, nakapag bonding kami ng mga kaklase ko bago kami maghihiwa hiwalay.
Katatapos nga lang namin kumain at nakaisip na naman sila ng laro. Spin the bottle. Sumali kaming lahat dahil alam naming masaya 'to lalo na't nasa open area kami at madaming tao.
"Saglit guys, naiihi kasi ako, ihi lang muna ako," sabi ni Keila saka tumingin sa akin. Magpapasama na naman.
Tumayo na ako at at sinamahan siya. Habang hinihintay siya ay nakangiti akong tumitingin sa mga tao.
There are so many things to thank about in this world. I am so happy to meet a classmates like them. Those 4 years moments we've share will always be in my heart. It's sad that we will part ways but the joy, excitement, stress, and foolishness that we felt will always be a lesson for us. It's not only the knowledge we gained, but also the friendship that we built.
Bumuntong hininga ako. I shouldn't be sad right now because it's our bonding. Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko.
Tatawagin ko na sana si Keila dahil sa tagal niya pero may nakita akong pamilyar na tao. Nang lumingon ito ay saka ko nakumpirma na si Greg iyon na may kasamang babae habang hawak hawak nito ang beywang niya.
Sabi ko na nga ba na magugustuhan ng mga lalaki ang magaganda, sexy, iyong katawan na coca cola body, may boobs at matambok ang pwet.
She wears two piece and it really suit on her. She's so hot!
Tumingin pa ako sa baba ko pero wala akong nakikita. Flat, as in Flat!
Siguro girlfriend niya 'yon. Baka kasama niya si kuya!
Lumingon pa ako pero wala si kuya na kasama nila. May dalawa siyang lalaki na kinakausap at isang babae naman ang kinakausap ng girlfriend ni Greg.
"Hindi ba si Greg 'yon? Ba't di mo lapitan?" Nagulat pa ako nang magsalita si Keila.
"Gaga! Hindi naman kami close no'n. Isa pa, baka mga barkada niya ang mga iyon. Nakakahiya!"
Nagkibit balikat lang siya at naglakad na pabalik sa cottage. Nag isang lingon pa ako pero patuloy pa rin sila sa pag uusap.
Nagsimula na nga ang game namin at tumawa lang ang ginawa namin. Kung hindi kasi nakakatawa ang ipapagawa sa dare, iyong seryoso at kainosentahan naman ang itatanong sa truth. Hindi pa ako natuturo ng bote kaya tuwang tuwa ako kapag humihinto na ang bote sa mga kaklase ko.
Sa kamalasan nga lang, naituro sa akin ang bote. Kinakabahan ako sa itatanong nila o ipapagawa.
"Truth or Dare?" Tanong ng kaklase ko na katapat ko.
"Dare." Masaya rin kasing magdare.
"Nakikita mo si Greg at babae roon," tinuro niya sila Greg na ngayon ay dalawa na lang sila ng babae na maganda. Sobrang sweet at mapagkakamalan mo talaga na magkasintahan sila na pakiramdam ko ay ganon nga. "Tanong mo kung magjowa sila. Dahil kung oo, sasabunutan ko 'yong babae sa pang aagaw kay Greg, myloves."
"Wala bang ibang dare diyan? Nakakahiya uy! Baka magjowa talaga sila. Saka ang sweet nila o, baka mapagalitan ako kapag inistorbo ko sila."
"KJ mo naman, Blayr. Ginawa nga ng ibang kaklase natin ang dare nila e. Saka usap usapan na kilala mo raw si Greg." Iyong kaklase ko na bida bida.
"Oo nga, Blayr. Saka kilala niya talaga iyong lalaki." Sumama pa si Keila.
"Sige. Basta 'pag nagalit, kayo bahala!"
Nag alinlangan pa ako no'ng una pero dumiretso rin naman. Naririnig ko pa ang cheer ng mga kaklase ko kaya naiirita ako. Nakayuko akong lumapit sa kanila dahil nakakahiya ang gagawin ko.
Nang nakalapit na ay nagtaas ako ng ulo. Nakita kong nakatingin silang dalawa sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko. Nakataas na ang kilay ng babae at mariin naman ang titig ni Greg. Pinagpapawisan na ako kahit medyo malamig naman ang hangin. Hindi ko alam ang sasabihin ko!
"Ahm... Uhm... k-kayo pong dalawa... uhm... m-magboyfriend... girlfriend po?" Utal utal ko pang tanong.
"What is it bata?" Iritadong tanong ng babae. Baka kasi naabala ko sila sa lampungan nila.
"K-kayo pong dalawa, magboyfriend g-girlfriend po?"
"Tsk! Isn't it obvious?"
"Hindi po. Mukha kasi kayong magkaibigan na naglalandian lang," pagtataray ko dahil hindi ko gusto ang ugali ng babaeng ito.
She's just rolled her eyes and back at Greg again. I looked at Greg and he's looking at me intently. Inirapan ko na rin siya at umalis na roon dahil sa kahihiyan at kainisan sa babaeng iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro