Kabanata 34
Kabanata 34
Silence.
I'm in silence since this morning. I don't want to make it feel like it would be the end of my life... like my whole life depended on him. I just can't seem to understand what was happening. I am reaching him out but he's not answering my calls and messages. What am I supposed to do? Kaming dalawa ang dapat mag usap pero bakit tila umiiwas siya?
I'm in my room now. Staring at the ceiling and can't help to overthink the situation. Alam mo 'yong tipo na sa dami ko nang iniisip, parang hindi na nagfafunction ang utak ko. Iyong iniisip ko iyon pero hindi pumapasok. Hindi ko maintindihan. At hindi ko kayang iwasan. Hindi ko matakasan... iyong sakit... at ang isipin na mawawala na siya sa yakap at hawak ko ilang saglit, parang punyal na sumasaksak sa aking dibdib.
Mamang messaged me about the taking down of the articles and some allegedly rumour na kumakalat sa internet. I've had read all of them. Hindi naman ako bulag para hindi ko iyon mabasa. Hindi rin naman ako tanga, para pumunta sa mga social media at saktan ang sarili. There are so many people messaging me about it. I have seen also interviews with Liezle.
I'm still laying down on my bed when my phone beeped. I took it hoping it'd be Greg but my forehead creased when I saw the name of Liezle. She greeted me on her first message but I can't read the second one. I don't want to open it because I don't want to waste my time reading some text that would make me envious but I was curious so I opened it to look the full message. But says here, she wanna see me. She wants to discuss something. Of course, I know that. She wants to discuss Greg and the baby.
Ayaw ko sana pero kung patuloy akong tatakas at magmumukmok lang dito, hindi mareresolba at malilinawan ang isip ko. Kung patuloy akong maghihintay lang kay Greg, walang mangyayari dito.
Pumayag ako. Nagsabi na siya ng pagkikitaan namin kaya umoo na lang ako. Sa isang restaurant iyon na unang pinuntahan namin ni Greg.
Alas dose ang oras na sinabi niya. Alas diyes pa lang, nakagayak na ako at inayos ang sarili ko. Hindi naman pwedeng magpapakita ako roon na tila sawi at sobrang nasasaktan. Dahil kung maaari rin naman, huwag ipapakita sa kanya. Depende na lang kung maganda ba ang intensyon niya.
I just wore my plain white shirt and jeans with my sneakers. I put a mask so I could still protect myself in some people who want to hurt me. Just in case.
Saktong alas onse y trenta, nasa restaurant na ako. Walang masiyadong tao rito, hindi kagaya noon na kapag ganitong oras, marami na.
"Ma'am, what's your order?" tanong ng waiter. Hindi ko namalayan ang paglapit niya kaya nagulat pa ako.
"Ahm, can I order later? May hinihintay pa akong kasama," I said smilingly so he nodded and excused himself.
I wait until exactly noon. She's here. She walked elegantly with her sparkling dress in the front door, escorted by her bodyguard. Animo'y may masamang mangyayari sa kanya rito. I wouldn't even dare to hurt her and make a scene here. I won't stoop that low just to satisfy my feelings.
"Hi," paunang bati niya.
"Let's get straight here. What do you want to talk?" I said emotionless, looking at her eyes directly.
"Why you mad at me? Nakakatakot ka naman, Blayr. Para kang mangangain," saad nito. Wala siyang ginagawa pero naiirita ako.
Kung dating nakaeyeglass siya, ngayon looking beautiful in her contact lens. Kung dati rin gusto kong makipagkaibigan sa kanya, ngayon, tingin niya pa lamang naiirita na ako.
"I don't want to waste time. Marami pa akong kailangang tapusin."
"Kagaya nang pagtapos mo sa relasyon niyo ni Greg?" nakangiti nitong tanong.
Kung hindi lang ako makapagpigil, baka nasapak ko na siya. I have a very bad temper since then. I just learn how to control it, hindi ko lang sure ngayon.
"Alright, I don't want to waste my time too," seryosong saad nito at umayos ng upo. Seryoso na rin siyang nakatingin sa akin habang nakatiklop ang dalawang kamay na nakapatong sa mesa. "I am just doing it because I want to clear things between us. May pupuntahan pa akong lunch meeting... kasama ko si Greg at pag-uusapan namin ang kasal."
Did I ask?
Hindi naman ako kuryoso at hindi rin ako interesado. Kung ito lang naman pala ang pag uusapan namin, mas mabuti na umalis na lang ako.
Gustuhin ko man, ipinapakita ko lang na masyado akong apektado... na totoo naman. Apektadong apektado ako.
"Matagal na kaming pinapartner ng magulang niya-"
"You knew better na it was just a joke. Alam mong walang feelings sa iyo si Greg pero parang sineryoso mo naman."
"I have and I know that he likes me too."
Is she kidding me?
"You have? Do you like him? Saan na pala iyong jowa mong chemical engineer? Hindi ba, mas mahal na mahal mo iyon? Tapos sasabihin mo sa akin na may feelings ka kay Greg?" I said. I know, my irritation is now evident to my face.
"You know the world change? Nagbabago ang feelings, Blayr. Nagbago iyon katulad ng pagkagusto- oh crap that- pagmamahal ko kay Greg."
I am speechless. Tama nga naman siya. Nagbabago ang nararamdaman. Bakit ko nga ba hindi naisip iyon? Hindi ko dapat inihahalintulad ang nararamdaman niya sa akin. Magkaiba kami.
"But I am really in hurry," she said, irritated. Tila nag aayos na rin ito ng mga gamit niya.
Hindi nga lang natuloy ang sasabihin niya nang biglang sumingit ang isang waiter sa amin.
"Can't you see that we are talking? I am not ordering. Here, just get it," she said and she shooed the waiter after he gave the thick money paper to him.
What a bitch? She could tell that to the waiter in a nice way!
She even rolled her eyes before looking back at me. I never thought that she would be mean. Akala ko, magiging mabait siya hanggang pagtanda.
"So as I'm saying, I want you to stay away with Greg. Magkakaanak na kami at gusto ko sanang sabihin sa'yo na huwag ka nang manggulo sa amin. Respeto na lang sa magiging anak namin. Ayaw ko namang lumaki ang anak ko na walang ama. Kagaya sa iyo noon. Alam ko namang anak ka sa ibang babae ng tatay mo. So alam mo kung ano ang pakiramdam ng walang ama."
I was dumbfounded.
Iyong sabihin niya na lumayo kay Greg, rerespetuhin ko iyon. Iyong sabihin niya na para sa anak nila, rerespetuhin ko rin iyon. Alam ko ang pakiramdam ng walang ama. Mahirap, lalo na kung iniisip mo kung nasaan ba siya? Bakit wala siya sa tabi ko? Kung bakit hindi namin siya kasama? Pero iyong idadamay ang nanay ko sa wala namang kwentang usapan na ito, hindi ko iyon matatanggap.
I always admire my mother. She had been my partner in crime. She did her best para lang hindi ko maisip, hindi ko maramdaman na wala akong tatay. She did her very best to be an amazing mother in the whole wide world. Kaya wala siyang karapatan na sabihin iyon sa nanay ko.
I felt something wet seeping in my hand above my lap. I was caught off-guard seeing her happy, seems like she is being sarcastic. I also didn't notice that my both fist is gripping now, that my both hand become red.
"Mahal ako ni Greg. Mahal niya ako kaya nga kami magkakaanak na. Sana lamang ay bumalik ka na lang sa America," sabi nito at pinaikot ang mata.
I composed myself back. If that what she wants, then I let her take it all away. Kung diyan siya sasaya, ibibigay ko at ayaw ko ring masaktan ang anak niya. Bata na ang pinag uusapan dito at ayokong maranasan niya iyon.
Ako? Marami naman diyan. Huwag lang makasakit ng ibang tao.
"No need to tell me that. I can go back to America without you telling me. I respect your baby, but not you. I don't want to refuse to give the needs of the baby, even Greg. Hindi ako manggugulo. Hindi ako bata para magmaktol dahil naagawan ako ng candy. Sana lamang ay mapalaki mo siya nang mabuti at may tamang asal," mahabang litanya ko at tumayo na.
"Thank you for your time. Be a responsible mom and a wife to Greg," I said before bidding goodbye to her.
Dumiretso na ako sa sasakyan. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. Mabuti na lang at dinala ko si manong at kung hindi, baka mapahamak pa ako sa daan.
I was trying to wipe all my tears and telling myself to be okay, but it seems like they are unwilling to listen to me.
"Ma'am, ok ka lang ba?" si manong na may pag alalang nakatingin sa akin.
"Ok lang po ako. Napuwing po ako."
"Ma'am, alam ko po kung kailan kayo nagsisinungaling." Nakangiti pero alam kong may halong lungkot ang boses ni manong.
Hindi ako nakasagot agad. Parang hindi na kasi yata kaya ng bibig kong magsalita. Parang naubusan ng laway. Parang naputulan ng dila.
"Tungkol po ba ito kay Sir Greg?" dagdag na tanong ni manong. Hindi na sana ako magsasalita pero gumitla ang noo ko sa sumunod na sinabi niya. "Tumawag po siya kanina sa akin, ma'am. Itinatanong kung pwede bang makipagkita sa'yo."
What a jerk! Kay manong pa talaga tumawag! Walang lakas ng loob?! At ang bobo rin ng puso ko 'no? Ang lakas pa ng tibok gayong may iba na siyang mamahalin.
"Kanina pa siya tumatawag sa'yo, ma'am. Hindi ka raw sumasagot. Sinabi niya na baka galit ka sa kanya."
Malamang galit ako sa kanya! Pero sasagutin ko naman ang tawag niya. Kung hindi lang dahil sa walang kwentang usapan kay Liezle.
I opened my cellphone and saw the flooded messages of Greg. Nagtatanong siya kung pwede bang makipagkita. I replied. I want to end this. To where it all started. To our favorite place.
Alauna pa lang. Umuwi muna ako para makapagpahinga. Gusto ko na may lakas ako kapag magkausap na kami.
Nagising ako sa isang haplos sa pisngi ko. Minulat ko ang aking mga mata at nakitang si mama iyon. May lungkot sa kanyang mga mata na hindi mo maihahambing sa kung sinuman. Siguro ito iyong tinatawag nila na relasyong ng ina at anak.
"Are you alright, Blayrie?" she calmly asks while the back of her palm is gently stroking my hair.
"I'm alright, ma."
"Tumawag si Greg. Kanina pa siya sa pagkikitaan niyo. Pupunta ka pa ba?" mahinahon niyang sabi.
Shucks! Ano na bang oras? Tumingin ako sa orasan ko at alas kwatro y kinse na roon.
"Ako na pong bahala, ma. Pupunta po ako."
"Mag ingat ka, okay? Lapit ka lang sa akin kung kailangan mo ako. Kung gusto mong samahan kita sa pagtulog, sasamahan kita. Magsabi ka lang, alright?" I nodded and hugged her.
I am grateful that even God took my mother to me, He gave me a second mother. A mother who loves me the same way what my biological mother provided me when she was alive. I couldn't ask for more. My family isn't perfect but there are beyond valuable and worthy.
Kung ano na ang isinuot ko kanina, iyon na rin ang ginamit ko. Nag ayos lang ako saka bumaba sa sala para magpaalam kay mama.
Hindi ko na sinama si manong dahil gusto ko rin namang mapag-isa. Mas gusto kong kausapin si Greg nang masinsinan na walang iisipin pang tao na nanunuod sa amin.
Habang papunta roon, nag iisip na ako ng itatanong ko. Mga bagay na kailangan ko ng kasagutan. Mga bagay na gusto kong malaman. Mabagal din lang naman ang patakbo ko dahil ayaw kong may mangyaring masama sa akin papunta roon.
When I arrived, I saw him standing under the mango tree and he looks like he loses interest watching how the water stream in the river. While parking my car beside his car, his gaze immediately directed on me. I saw how the sadness on his eyes washed away when he saw me. I couldn't react. I don't know what to react.
Hindi pa muna ako bumaba at iniisip pa ang gagawin. Hindi ko nga rin alam kung tama ba itong desisyon ko. Dahil habang nakikita ang mga mata niyang malungkot, tila ito na ang sensyales na bibitaw na siya. Magpapaalam na siya sa akin. Yumuko ako saglit at huminga ng malalim. Kailangan ko nang tapusin at itama lahat.
Bumaba ako sa kotse at dumiretso sa kinaroroon niya. Tamang tama ang kulay ng kalangitan na tumatanglaw sa kanya. Gusto ko siyang yakapin pero may karapatan pa ba ako? Sabik na sabik na akong hagkan siya pero tila may pumipigil sa akin na hindi dapat ito gawin.
"Hi," he huskily greeted.
Hindi pa ako nakasalita dahil sa pagkasabik din sa boses niya. Hindi ako makahinga dahil pinipigilan kong 'di mamuo ang mga luha sa mga mata ko. Ayaw kong makita niya iyon. Hindi tama.
Bakit ba kasi ganito ang tadhana? Hindi ko naman siya inaway pero bakit tila ipinagdadamot niya ang pagmamahal na matagal ko nang hinahangad?
"K-kumusta... ka na?" tanong ko nang makahanap na ng hangin at boses para makapagsalita.
"I'm not fine... it's my fault why I'm not happy. Dahil ang tanga ko. Dahil sinasaktan ko ang babaeng mahal ko."
Napayuko ito. Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpigil sa nagbabadyang luhang gustong makawala sa mga mata ko. Alam kong ilang sandali na lang ay bubuhos na ito.
"I'm sorry. I want to explain my side but it won't change the fact that I did wrong," sabi nito at mahinang nagmumura habang nakapikit ang mga mata. "Ang tanga ko lang. Dapat hindi ko hinayaan ang sarili kong malasing nang gabing iyon. Hindi ko hinayaang isama ng mga barkada si Liezle noong gabing iyon..."
He looks stress. I can see that he's been thinking of this problem. I want to be mad at him but seeing him like this, I just wanna hug him until he won't feel worried and fear.
"Believe me, Blayrie... I love you. You've all I've been thinking when you leave me. That day, I didn't know what happened. I just found my body was naked with her the next day. Wala akong maalala. Hindi ko kayang gawin iyon sa'yo," nanginginig na sabi nito.
Pabalik balik din siya sa pwesto niya na tila nag iisip habang kagat-kagat ang hintuturo. Para itong takot na takot. Lumapit ako sa kanya para pahintuin siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tumingin sa kanyang mga mata.
"Hey, don't worry about it. Walang may kasalanan. A-aksidente ang nangyari. Hindi ako galit sa'yo, naiintindihan kita," mahinahong kong sabi kahit alam kong sa kalooban ko na nasasaktan ako.
"What about us? Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin, Blayrie. We've been through enough. Matagal kong hinintay na bumalik ka sa akin. At hindi ko hahayaang mawala ka pa sa akin," natatakot nitong sabi.
It's not about us. It's all about the baby. Even we escape and try to run away to the problem, it will haunt us every day. Life doesn't seem right these days. It keeps getting in our way. Na sa tuwing gumagawa tayo ng plano, nagbabago, pumapakaliwa. That when I get my hopes high, the destiny will come between. Na tila ayaw niya sa atin.
"You know that I never wanted to hurt you, right? That I love you... hmm?" his voice cracked. Na tila gusto nang umiyak at ngayon siya naman na ang humawak sa mukha ko. Yumuko ako para hindi ko makita ang mga mata niyang nasasaktan. Para hindi niya rin makita ang mga mata kong may bahid na ng luha.
He put his hand on my chin and made me look up at him. I saw the pain on his eyes and caring at the same time while looking at me. He wiped the tears that been trickling in my face. He looked hurt. I am in pain too.
"What about you trust me? Papanagutan ko ang bata. I will give everything the child needs. Hindi ko siya pababayaan. Just be with me," desididong saad nito. Umiling ako.
"Hindi iyon gano'n kadali, Greg. Alam kong kaya mong ibigay sa bata ang lahat ng pangangailangan niya. Kahit pa buong mundo ibigay mo, hindi iyon sapat... alam mo kung ano ang kailangan niya? Ama. B-buong pamilya. Hindi niya man alam iyon mula paglabas hanggang sa makalakad na siya, hahanapin niya iyon kapag nagsimula na siyang magsalita. Alam ko ang pakiramdam ng walang ama noon. M-mahirap... kaya huwag mo nang ipagkait... I... itigil na natin ito," buong puso kong sabi pero tila nawasak yata ang puso ko sa huling mga salita. Sunud-sunod na rin ang pagbuhos ng mga luha ko.
"Paano naman tayo? I'm trying to understand it. I don't want the baby to suffer and... you too. I want you to stay with me and don't let me go."
What am I supposed to do? When I know what's the best for both of us. We need to move on. Dahil hindi naman pwedeng habang buhay kaming maghihintay. Hindi rin namang pwedeng habang buhay akong maghihintay sa bagay na hindi na posible pang mabago. I need to go my own way. Baka sa ganitong paraan lang sinasabi ng tadhana na hindi ako para sa kanya. Para rin ako sa iba.
Pagod ang ekspresyon na pinapakita sa akin ni Greg. Na tila nawawalan na ng pagasa sa hindi ko pagsagot sa kanya. Iyon ang tama. Iyon ang magiging tama.
Another color of the sky turns to grey. The orange sunset slowly fading away. Kanina lang ay maganda ito pero ngayon, alam yatang may malungkot. Alam yatang may nasasaktan.
"Iyong tayo, parating nasa puso natin iyon. Hindi iyon mawawala. May malaking parte ka rito," turo ko sa dibdib ko. "Pero sa ngayon... magpapaubaya muna ako. Ibibigay kita sa kanya."
Bumuntonghininga ito. Tumatango-tango na animo'y naliliwanagan na at naiintindihan ang mga sinabi ko. Humawak ito sa magkabilang braso ko at yumuko. Pinunasan ang mga luha na kahit alam niyang nakita ko na. Ilang segundo, binalik niya rin ang tingin sa akin.
"Kung may pag-asa pa tayo, hihintayin mo ba ako? Alam kong lugi sa parte mo ito, pero maaari mo ba akong hintayin?"
Umiling ako. "Greg, alam mo-"
"Alam ko. Kaya tinatanong ko lang kung maaari ba?"
"Paano naman ako? Hindi naman pwedeng malulungkot lang ako?"
"Papasayahin kita."
"Greg, mahal kita pero hindi ko kayang makasira ng pamilya. Let's leave the memories here. But I will promise to you that I will never forget how I loved you."
It's hard to say goodbye. But for now, I have to go. I hope he understands why I am doing this. I am leaving. I am leaving it all behind us, to where it all started... and to where it will end.
"Mauuna na ako," ani ko at niyakap siya ng mahigpit. Gumanti rin ito nang mahigpit kaya hindi ako agad nakawala agad. Nang bumitaw, humarap ako agad sa kanya, "paalam, mag-iingat ka."
"Mag-iingat ka rin. Kapag aalis ka, huwag ka nang lilingon at hihinto. Baka tumakbo ako palapit sa'yo at hindi na kita bibitawan pa."
I nodded and turned my back, started walking away to him. When my tears began to fall on my face again, the rain started to pour. So I run inside of my car. I saw him in my peripheral view and my horror, he stands still on the same spot he was. I want to shout at him and tell me him to go inside of his car but I would break the wall that now built on between us. Gusto kong bumaba pero hindi ko magawa. Huminga ako ng malalim at nagdesisyong... umalis na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro