Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 31

Kabanata 31

"Ok na sa akin ang tagahugas ng pinggan. Kaya ko," sabi ko habang inaabot ang pinggan kay Greg. Siya kasi ang naglalagay sa lagayan.

"If you want to cook, I'll let you."

Nang tapos na, pumasok kami sa kwarto niya. Kasing laki rin iyon ng kwarto ko pero walang masyadong kagamitan na kahit ano kagaya sa akin.

Masyadong minimal at nahahangaan lang ako dahil sa mga libro sa shelf niya. Kung irerate ko naman ang sala at kusina, baka sobra. Pinagtuunan ng pansin.

"Why don't you take a shower? Nakabili na ako ng damit mo," saad nito at tinuro ang mga paper bag sa tabi ko sa sofa.

"Wanna take a shower with me?" I teased him. I made my face serious so he'll believe me.

I can see his adam's apple moving. He's swallowing. He's nervous!

"Ahm... a-are you serious?" he stuttered.

"Pfft! It's a prank!" natatawa kong sabi at mabilisang pumasok sa banyo dala ang mga damit.

I heard his knocks but I ignored it.

"Blayrie, I can brush your body. Hindi ka na maghihirap."

"Tumahimik ka!" natatawa ko pa ring sabi.

Mabilisan akong naligo at nagpalit ng pajama at tshirt pagkatapos. Pagkalabas sa banyo, nag aabang siya sa pintuan mismo. Naiiling ako sa ginagawa niya.

"What are you doing here? Nanuod ka na lang sana muna."

"I'm waiting for your call, hoping that you need my help."

I rolled my eyes on him and went to the bed. I'm drying my hair but he's still in the door. He's looking at me like he wants to invite me to take a bath with him.

"What?"

"Nothing," he said.

"Huh?"

He made face and went inside the bathroom. I heard the water dripping so I open the TV while waiting for him.

After a few minutes, I heard the door open. I glanced at him and he went outside with the only towel. I remember the day when I thought they went to bar hunting some girls. Then we exchanged some words at nauwi sa asaran na napunta sa paglangoy niya sa pool. That was the first time I saw his body. Since then, he has a good body structure but now, it's more define and you can tell that he's doing a workout.

"Eyes on me, Blayrie," he said, smirking on me.

I glared on him but he just looks at me with his teasing face.

"Sa iyo naman 'yan. Huwag lang masyadong pahalata na gustong gusto mo."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at inirapan ko na lang ito. Nilipat ko ang paningin sa pinapanuod kong movie. Akala mo kung sino'ng gwapo. Hindi porke may magandang katawan, ang yabang nagmalaki na!

"Hey!" ani nito at umupo sa tabi ko.

Nakawhite tshirt na siya at nakapajama rin. Bakit ang cute niya pa rin sa suot niya? Alam kong childish pero bakit sa kanya, mukhang normal lang?

"Naiinis ka ba?"

"Tinatanong pa ba 'yan?"

"Pwedeng hindi, pwedeng oo."

I rolled my eyes on him again. I focused on watching TV but he suddenly hugs me on the back and put his chin on my shoulder.

"Blayrie, I have something to tell you."

"Hmm."

"Did you know that 30 minutes deep kiss reduces 180 calories?"

"Oo, pero hindi ako magpapahalik sa'yo," patay malisya kong sagot.

Napatigil ito kaya natawa ako sa reaksyon niya. Pero kalaunan, inayos niya ang ulo sa leeg ko.

"You smells good," mababang sabi nito habang inaamoy ang leeg ko.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa kiliti na nararamdaman. Paano ba tanggalin ang kiliti roon? At nakakahiya dahil natatawa itong tumingin sa akin.

"Paano na lang kung hahalikan kita, parating kang matatawa?" nakakaloko nitong tanong at hinalikan ako roon.

Hindi ako agad nakareact dahil isa isang patak ng halik ang ginagawa niya pero nanunudyo iyon. Nakakaramdam ako ng init sa katawan at iba't ibang sensasyon na tila hinihila ako para suklian ang ginagawa ni Greg. At kung kanina, nakikiliti ako bakit ngayon? Napipigilan at gustong gusto ko? Pinaharap niya ako saka hinalikan sa labi ko. Naghahanap ang mga halik niya na animo'y ang tagal naming hindi nagkita.

The tingling sensation I've been feeling is adding the fuel to the fire that builds upon my body. This feeling is new to me. I cannot name it and I don't know how to reciprocate it.

"Hmm," I moaned.

Greg grunted and deepened the kiss. His kiss was soft at first but it went rough the next. Sunud sunod ang halinghing ko pero unti unting bumitaw sa halikan si Greg. Nabitin pa ako pero naghanap ako ng hangin dahil nawawalan ako ng hininga. He kissed my forehead and laid on the bed.

"Ba't ka tumigil?"

"Let's stop it," ani nito saka ako hinila pahiga sa katawan niya. "Baka iba na magawa ko na hindi mo magustuhan."

I smiled at his thoughtfulness. I know what he's talking about and I thank him for not taking advantage on me. I guess, my weakness is his kiss.

The silence between us made me hear his heart beating. I put my hand on his left chest to feel it. Abala ito sa pagdakop ng mga nakatabon na buhok sa mukha ko pero ako ito, masayang pinapakinggan ang tibok ng puso niya.

"Bakit pala tinatawag mo akong Miss Alcantara noong unang kita natin," basag ko sa katahimikan nang maalala ang tawag niya sa akin noon.

He chuckled and hugged me before answering my question.

"Para alam kong hindi ka na kasal. Na sa akin ka lang dapat. Apelyido ko lang ang maaaring ipares sa pangalan mo," mababang tonong sabi nito.

Ramdam ko ang init ng pisngi ko. Nararamdaman ko rin ang mga paru parong lumilipad sa tiyan ko.

"Natakot ako noong iniwan mo ako. Tumatak sa isip ko 'yong sinabi mong bata pa tayo, nagbabago ang nararamdaman natin," mahina nitong sabi. Ramdam ko ang sakit doon habang tinitignan ko siya sa mata na halu halong ekspresyon. "I thought we are not meant to be. That you'll eventually love Cedrix in time. You just have to work out your relationship and talk about it."

Wala akong masabi. Alam kong may kasalanan ako pero kung babalikan ang nakaraan, gano'n at gano'n pa rin ang gagawin ko. The timing in what we called love is not right. Hindi rin naman namin alam kung kami ba noon kung hindi lang ako nagpakasal.

Nilalagay niya ang mga buhok sa likod ng tenga ko kahit alam niyang nakaayos na ito. He's thumb is caressing my face and is looking at me intently.

"Did you know that I was mad at you? I know that there was something wrong on that day but you never told me. I just wondered and didn't know... hindi ko alam na nasa ibang bansa ka na pala... kasama siya."

"Greg..." I was speechless.

"Sabi mo mag iiba ang nararamdaman ko. Na infatuation lang iyon at mawawala rin. Why didn't I even forget you? It's more getting intense whenever I remember you. You keep lingering on my mind. Every part of you... I memorized it all."

Hindi ako makasalita dahil halos siya lang din naman ang naiisip ko sa tuwing walang akong ginagawa noon. Sa tuwing mag isa ako sa madilim na kwarto, para akong binabangungot sa ginawa ko. That I wished, I never do that. I should have talked to him first. I should have explained why I did that. But I know... I wouldn't have the courage to tell him.

I heard him sigh. "Don't worry about it. Chevin explained it to me. Hindi ko lang maiwasan na kabahan lalo na't hindi parating sinasagot ni Cedrix ang tawag ko noon."

I was nervous but the thought of frustrated Greg made me giggle and kissed him on his lip. He looked shocked on it and I can't help but to laughed out loud on his cute reaction.

"Ayaw mo naman siguro akong pahirapan, 'no?"

"Wala naman akong ginagawang masama ah!" inosente kong sabi.

"Tsk!"

He smiled sharply and kissed me on my forehead. Nilipat niya ako sa braso niya at niyakap ng mahigpit.

"Why you like calling me, Blayrie? Nakiki Blayrie ka sa pamilya ko ha!" natatawa kong sabi.

"Because you are my Blayrie... my baby. My one and only," seryoso nitong sabi na nagpatikom ng bibig ko. I felt my cheeks heated!

I felt the urge to say some words but I can't say it. I am nervous. It should be more sincere and having no second thoughts. I can sense that he's waiting on me to say something and I think we both know and want to say it.

"I... uhm... I-I love you," I said in a low and sincere tone.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko kaya tumingin ako sa kanya.

"What did you say, Blayrie? I can't hear you."

"I said, I love you. I love you, Greg," I stated innocently and he immediately kissed me on my lips.

"I love you too," sabi niya pagkabitaw sa halikan. "But can you please give me a warning if you'll say that? I think I'm gonna have a heart attack."

"Huh?" naiiling kong tanong.

"Why don't we sleep now? O gusto mong kantahan kita ng kanta para mahimbing ang tulog mo?"

It's been a while since I heard him singing so I would like to hear it. At sino ba ang tatanggi kung ang boyfriend mo na mismo ang nagsabi niyon? He has a good baritone voice that girls would love it. But of course, I won't make it happen again. Ako na lang dapat ang makakarinig niyon.

I gave him a nod and put my palm on his chest. He suppressed smile while looking at me. The gleam of excitement resonating all over of his face was evidence how his brown eyes, even in the dark, sparkles on me.

"Just close your eyes so you can feel it," he said and so I obliged.

He hugged me tight and I can smell his baby scent. I put my arms on his waist as he smelled my hair and started to sing.

~O kay sarap sa ilalim ng kalawakan

Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

Saksi ang buwan at bituin sa

pagmamahalan

Nating dalawa

Nating dalawa~

Slowly, my eyes are pulling my lids to close as I heard him continuing the last paragraph. I smiled.

"Sleep tight, my Blayrie," he said sweetly and kissed me on my hair. I didn't know what happens next but I just found myself sleeping peacefully on his arms.

Nagising ako sa sinag ng araw kaya naman paunti-unti ang pagmulat ko ng mga mata ko. Pinapakiramdaman ko ang katabi ko pero wala akong nakita roon. Tatayo na sana ako sa pagkakahiga, pero nahanap ko si Greg na prenteng nakaupo at nakadikwatro sa upuan at nakangiting nakatingin sa akin. Ang mga pagkain ay nakahanda na sa mesa.

"Good morning, my Blayrie," he said sweetly. His morning voice is so damn attractive.

"Ahm, good morning," I greeted back but conscious about my appearance. I don't know if I have a morning star and drool in my face.

"Let's eat. Hinanda ko na ang damit mo for the work."

Lumapit ako sa mesa. Pang tatluhan iyon na upuan at umupo ako sa katapat niya para hindi masyadong malapit sa kanya. Hindi ako lalapit sa kanya na mabaho pa ang hininga ko!

"Tabi tayo," parang bata niyang sabi.

Umiling lang ako at tinuro sa kanya ang mga pagkain na nakahain sa harap namin. Naglagay pa ako ng kanin at ulam na bacon sa kanyang pinggan para hindi na ako intindihin pero inaagaw niya ito sa akin.

"Ako na... dito ka sa tabi ko please... sige na," panlalambing nito pero patuloy pa rin ako sa pag iling.

Nakakunot na ang noo nito pero nginingitian ko na lang.

"May problema ba?" tanong niya. Tinakpan ko muna ang bibig ko saka sumagot ng 'wala'.

He looked at me sharply then seconds after, he chuckled like I did something funny. He stood up and went near me to hugged and kissed me on my forehead.

"You think, I'll still care about your breath? Even if you have bad breath, I'll still kiss you," he said and kissed me on my lips.

Kagat-labi akong tumingin sa kanya. Kahit sabihin o gawin niya iyon, nakakahiya pa rin! At ang unfair pa, ang bango niya.

"Don't think about it too much."

After eating, I washed the dishes while he take the bath first. Pagkatapos ko naman doon, ako naman ang naghanda. He's wearing his black tuxedo and trouser pairing with his white shirt on the inside. I used the clothes he bought, that I don't know if he wants me to be a conservative but I just shrugged it off. I wore the vintage brown turtleneck sweater, black suit and high waist slacks with white stilettos.

Pagkarating sa parking lot, Greg managed to open the door for me. He even slid his left finger on mine, not minding the people who see us.

Maraming mata ang tumitingin sa amin pero ramdam ko ang pagpigil nila sa pagkomento. Alam nila na anak ako ng may ari ng kompanyang ito, kaya walang nag-atubiling bumulong sa katabi. Kilala rin si Greg at aminado akong maraming namamanghang babae sa kanya.

Pagkarating naman sa palapag ng opisina ko, nakasalubong ko ang mga naging kaibigan ko na ngiting ngiti sa nakita. Nahiya pa ako pero sumenyas sila, iyong magkahawak ang kamay.

Pagkapasok sa loob, isasarado ko na sana ang pintuan gamit ang kamay na hawak niya pero hindi niya iyon binibitawan. Sinulyapan ko siya pero tila inip na inip na ito. Ginamit ko na lang ang isang kamay. Pagkasarado, hinila niya ako sa sofa at pinaupo sa hita niya.

Before I turn around on him, he put his chin on my shoulder.

"Are you uncomfortable on this?" tanong nito sabay hawak sa kamay ko.

Nalilito akong tumingin pero umiling ako at sumagot, "hindi. Bakit mo natanong?"

"Nothing," sagot niya at inayos ang ulo niya sa balikat ko. "Can we stay like this for a bit? Aalis kami mamaya ni Chevin at bibisitahin ang site. Pero babalik ako mamaya rito para makapaglunch tayo ng sabay."

"Ok," tanging nasagot ko.

Halos bente minutos kami na ganoon na walang nagsasalita. Nakayakap lang siya sa bewang ko at nakapikit ang mga mata nito.

May kumatok sa pintuan at tatayo na sana ako para pagbuksan iyon pero pinigilan ako ni Greg.

"Baka si Chevin na 'yan. Let him in. At may kamay naman siya para mabuksan ang pintuan," saad ng katabi ko na hindi nangangamba na makita kami ni kuya sa ganoong posisyon.

"Baka ano na naman ang isipin ni kuya. At baka mainip 'yon na ang tagal kong buksan."

"Hayaan mo siya."

Kinakabahan pa ako nang buksan na iyon ng kung sino man ang nasa labas, at baka si kuya nga iyon. Nang sumungaw ang ulo ni kuya galing labas, aayos na sana ako ng pwesto pero pinigilan muli ako ni Greg.

"Greg, tigilan niyo na 'yan. Tara na!" iskandalong sabi ni kuya lalo't malakas ang boses nito at malamang maririnig sa labas.

"Aray naman, babe!" react nitong si kuya habang hinahawakan ang ulo. Pinukpok pala ni Keila.

"Lumayas ka diyan. Panira ka, e!"

"Aalis na kami ni Greg... oo na, oo na!" rinig kong sabi ni kuya at sinasarado na ang pintuan. Natatawa pa ako na tumingin sa katabi ko.

"Wait for me, alright? Darating ako ng alauna. Sorry kung malalate."

"Ok lang, kaya ko naman maghintay."

"Alright, thanks, Blayrie," he said and kissed me on my forehead.

Hinatid ko pa siya hanggang pintuan at pagkaalis nila kuya, pumasok si Keila.

"Ano 'yon, Blayrie? Mas marunong ka na sa akin ha?"

Inirapan ko siya.

"Sabay ako kain sa'yo mamaya ha? Matagal kasi bumabalik si Chevin kapag bumibisita siya sa site."

Nag alinlangan pa akong sumagot. "Babalik daw si Greg, baka babalik din si kuya. Pero kung hindi niya kasama, sabay ka na sa amin."

"Nakakahiya. Kanila Russell na lang ako sasabay."

"Ikaw bahala," maang maangang kong sagot, pabiro.

"Gusto mo lang talaga masolo si Greg, e."

Umiling lang ako sa kanya.

Umalis na si Keila dahil marami pa raw itong gagawin. Inabala ko naman ang sarili ko sa mga gawain ko at mga kakailanganing dokumento.

Iniunat ko ang dalawang braso ko nang mag aalas dose na. May isang oras pa pagkarating ni Greg kaya pupunta muna ako kay Keila. Inayos ko muna ang mga gamit.

Nakasalubong ko sila Rusell sa labas na tila handa nang pumunta sa canteen.

"Kakain na ba kayo?" tanong ko.

"Oo, sasabay ka ba sa amin?"

"Hindi e, si Keila sasabay yata." Kasasabi ko pa lang, saktong lumabas na si Keila.

"Good luck sa lunch date niyo ng loverboy mo," pabiro niyang sabi at may pasundot pa sa tagiliran ko. "Kain lang kami, may ipapabili ka ba? Para habang naghihintay ka, may makain ka. Alas dose na rin."

"Ok lang, malapit naman na."

"Sige, mauna na kami."

Pumasok ako ulit sa opisina habang naghihintay. I even wipe the table to look shiny than the last one. I put my make up on my face to look presentable.

Malapit nang mag alauna at umayos na ako ng upo sa sofa. Nagkunwari pa akong nagcecellphone para hindi halatang naghihintay ako. Nag iiscroll lang ang ginawa ko nang magtext si Greg.

Greg:

Malalate ako ng 30 minutes. Sorry, wait for me pls.

Ako:

Alright. Ok lang.

Nagreply rin naman siya agad.

Greg:

Thank you. I love you.

Naghintay muli ako pero dumating na ang alas dos, wala pa rin siya. Tinextan ko naman, pero hindi sumasagot at baka busy sa ginagawa niya.

Kumakalam na ang sikmura ko pero ayaw ko namang kumain na wala pa siyang sinasabi. Baka bigla pala itong dumating na may dalang pagkain.

Isang oras ulit akong naghintay at wala pa rin siya. Kaya naman nagtext na lang ako na mauuna na akong kumain. Pagkalabas sa opisina, nagulat ako sa pamilyar na mukha na nakita ko. Simple lang ito sa suot niyang khaki pants at navy polo. Nagbibigay ito ng pagkain sa mga empleyado.

"Rovick?" may halong gulat ang boses ko.

"Blayr? Hey, nakabalik ka na pala?"

"Oo, last month pa." Hindi pa rin makapaniwala na nakita siya rito sa kompanya.

"You looked now a woman, huh? Though I know you are pretty since then but you looked mature now."

"Wow ha! Pati rin ikaw, grabe ang katawan, inaalagaan. May asawa na ba?"

"Asawa agad, wala pa ngang girlfriend."

"Ikaw mawawalan ng girlfriend? Sinasayang naman nila lahi mo. Hanap ka," natatawa kong sabi.

"Available ka ba?" seryoso ito sa pagkakatanong na natameme pa ako pero umiling din. Tumawa rin ito kalaunan.

"Parang ayaw mo ah... pero joke lang iyon. I have my priorities. Wala pa sa isip ko 'yan."

Pinagpatuloy namin ang usapan sa loob ng opisina. Mabuti na lang din at marami itong dalang pagkain. Kanina pa ako nagugutom at kung wala pa iyon, baka naglulupasay na ako sa sahig dulot ng kagutuman at kahinaan.

"Bakit ka pala nagdala ng pagkain?"

"Thanking your employees. Remember when I told you that I'll inherit the company, sila ang nagturo at tumulong sa akin. Kung sa kompanya kasi namin ako magtatrabaho, bibigyan lang nila ako ng special treatment, wala akong matutunan kaya nagrequest ako na rito na lang. Pumayag sila mama at tita kaya, nakatulong iyon."

"So ikaw na ngayon ang magmamanage."

"No. I tried to manage it but I can't find myself to be happy. Nagawa ko namang mapalago ng kaunti pero feeling ko hindi para sa akin iyon. So, ang pinsan ko na ang namumuno dahil pinagkakatiwalaan nila si kuya. Kaya ngayon, mag aaral ako ng medisina."

"Really? Oh my! Congrats!" napayakap pa ako sa sobrang tuwa.

Napapailing at natatawa na lang si Rovick. "Thank you. Mag aaral ako sa ibang bansa saka ako babalik dito sa Pinas."

"Good for you."

Nagkwentuhan kami roon tungkol sa nakaraan at mga ibang bagay. Sinabi niya pa sa akin ang tungkol sa inis niya kay Greg kaya natatawa na lang ako.

"Matagal na iyon. Isip bata pa ako. Paano naman kasi, inagaw niya noon ang girlfriend ko. Kaya sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya pero ako ang naknock out."

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa pero tuwang tuwa talaga ako sa kwento niya. Napalo ko pa siya sa sobrang tawa. Ganoon pa ang ayos namin, nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Napalaki ang mata ko sa gulat dahil akala ko hindi na darating ito at tinextan ko na siya. Si Greg iyon na humahangos. Tumingin ako sa mga bitbit niya, at mga pagkain iyon.

Binalik ko ang tingin sa kanya at madilim na ang mukha niya. Napatingin pa siya sa mga pagkain sa harapan namin. Seryoso itong pumunta sa mesa niya at nilapag ang mga pagkain doon. Kakausapin ko na sana siya pero lumabas ito ng opisina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro