Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school dahil may event. Yearly, may pa student week sa school. They giving students time to spend the remaining moments with their friends or at least to have fun. Two months and we will part ways. Some students might stay, but some would go.

Ang last part ng pagiging Junior High ang masakit. Apat na taon kayong magkakasama ngunit pagkatapos niyon magkakawatak watak dahil may pangarap kayong gustong abutin. Maaaring nasa malapit lang kukunin o nasa malayo.

Nang tumawag ako kanina kay Keila, ay kagigising niya pa lamang pala. Pinasabugan ko siya ng inis dahil siya ang nagplano na maaga kami ngayon pero siya pa itong malelate?

Excited kasi ako sa pasuprise guest nila. Taun taon din kasi silang nag iinvite ng mga banda or kaya'y mga artista. Last year, Parokya ni Edgar ang kinuha.

Excited rin akong makita ang mga booths dito. Nakakatuwa kasing panuorin ang mga kamag-aral mo na hihilain si crush papuntang wedding booth o sa jail booth na magpapahuli at sasabihing si crush ang hulihin para magkasama sila ng matagal doon. Mamaya rin may contest kami sa All Dance Craze na gaganapin sa may gym.

Dahil wala rin naman si Keila, nauna na ako sa gym dahil doon gaganapin ang pamini concert.

Kaunti pa lang ang naroon dahil masyado pa kasing maaga. Alas singko pa lang at siguro tamad na tamad pa ang mga estudyanteng bumangon sa kinahihigaan nila.

All girls are in their best outfits. I just wore a plain fitted white shirt tucked on my jeans with a belt and a white sneaker. Magpapalit din naman ako kaya gano'n na lang sinuot ko.

"Usap usapan na baka hindi raw artista ang pupunta. Baka iyong sikat na banda sa school nila ate. Nasa pangmayaman kasi na school si ate at scholar siya roon. Pinakita niya sa akin iyong grupo at ang gwagwapooooo!" tili ng isang babae na nasa kabilang seksyon dahil pamilyar ito.

"Seryoso? Nasa sa'yo ba ang mga pictures? Pakita naman!" sabi ng kaibigan niya siguro.

Pinakita niya iyon sa mga kasama niya saka nagsisigaw ang mga ito.

"Oh em Geeee! Ang gwagwapo nga nilaaaaaa! Sheeeeet pumunta na tayo sa harap para mas makita natin sila ng malapitan! Ahhhh!" Fanghorl sis?

Hindi naman pala artista, sayang gising ng maaga. Saka baka mamaya pa mag oopen ang mga booths, saan naman ako tatambay? No choice tuloy. Saka sayang naman kung hindi ako manunuod. Baka talagang magaling ang grupo dahil sikat daw. Hindi naman mag iinvite ang school kung pakeme lang naman 'yon.

Nagpaharap na lang ako at umupo sa may gitnang bleachers. Nasa harap ng stage iyong mga babaeng nakita ko. Mga naghahagikgikan na animo'y maglulupaypay na sa sahig dahil sa kilig. Mga OA lang te? Dapat kalma lang, huwag ipahalata na patay na patay.

Kung siguro EXO 'yan, kakalma lang ako. Nasa isang tabi, sasabay sa kanta at ngingiti lang. Pero joke talaga iyon. Baka magtatalon ako sa tuwa kapag nakita ko sila. Baka mas OA pa pala ako kapag nakita ko sila!

Ilang minuto ang lumipas at medyo dumami ang mga tao lalo na ang mga babae. Pinakalat siguro ng mga babae na iyon na gwapo ang pupunta. Bilis talagang gumalaw kapag kagwapuhan na ang pinag uusapan.

May umupo na sa tabi ko at padami na talaga nang padami.

Biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Oh?" si Keila ito kaya nabwibwisit ako.

"Sis naman. Galit pa rin? Sorry na, hindi kasi ako nagising ng maaga. Saka mas lalo kitang iinisin." Napakunot ang noo ko sa kanya. "Hindi ako makakapunta sa contest mo. May pupuntahan kasi kami nila mommy. Eh kailangan kong sumama kaya no choice ako. Ngayon din kasi ako mag eentrance exam sa school na papasukan ko kaya gano'n. Sorry!"

Bwisit tumatawa pa ha?

"May nakakatawa?"

"Wala naman. Sorry talaga," nagseryoso na siya.

"Sige ok lang. Basta habol ka mamayang hapon. Tingin tayo ng mga booth."

"Of course makakarating ako diyan. Asahan mo."

"Epal! Sige na ibaba ko na 'to."

Ibababa ko na sana kaso pinigilan niya pa ako.

"Saglit. Balita ko gwapo raw ang pupunta sa school. Totoo ba?"

"Kung pupunta ka rito malalaman mo."

"Seryoso kasi!"

Tumawa ako. Inis na sis?

"Hindi ko pa alam. Wala pa. Hindi pa nagsisimula. Balita ko sa'yo kapag!"

"Sige! Bye sissy! Enjoy mo 'yan!"

"Bye!" sabi ko at binabaan siya ng tawag.

Saktong pagbaba ko ay siyang paglabas ng sinasabing nilang grupo. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa nakikita ko.

Bakit nando'n si kuyang mayabang na daldalero at sabatero? Iyan na iyon? Sikat sila? Ba't yata parang may napasamang mukhang- alam mo na! Magyayabang lang naman gagawin niyan.

Mga gwapo naman sila. Pero mas gwapo 'yong drummer nila hehe! Alam kong drummer kasi may hawak ng drum stick. Let's see baka mapainlab mo ako kuyang drummer!

Luminya sila sa harap at magpapakilala yata.

"Hi, guys!" si yabang.

"Waaaaaaaaah!" tili naman ng mga babae.

"We have no particular name, but you can call us Archi band," sabi ni Kuya at kumindat sa mga nasa harap.

Natawa naman ako sa pangalan ng grupo nila. Archi band? Seryoso ba sila? Poteeek! Ang pangit!

Nang tumingin ako sa katabi, ang sama na agad ng tingin sa akin. Anong problema nito? Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan naman ako.

Wow! Aggressive fan ganurn? Ang pangit naman kasi talaga ng pangalan nila.

"I am Greg Huxley Suarez. The vocalist!" sabay pogi points. Baduy!

Tilian naman ang mga babae.

"I am Aldrein Almazan. The Lead Guitarist!"

"I am Erick Zachkery Constantino. The Bassist!"

"I am Neil Cedrix Cortez. The drummer!"

"Aaaah! Ang gwapo mo Cedrix. Akin ka na lang!" sigaw ko.

Sabay sabay naman ang tinginan ng mga babae sa harap ko. Akala mo naman may ginawa ako. Bawal ako magkagusto? Kayo lang dapat gano'n? Mga bwisit!

Tumingin na lang ako sa stage dahil sa mga fanghorling na mga babae na 'to. Sakto naman na nahagip ng tingin ko si Greg. Nandyan na naman ang mariin niyang titig. Anong tinitingin ng lalaking 'to?

Sa tuwing tumitingin talaga ito, akala mo ay may nagawa kang kabalastugan. Akala mo ay hindi dapat ganiyan ang ginagawa mo dahil mali ito. So ano? Tahimik lang dapat? O baka gusto niya, siya ang icheer ko? Feeling siya eh!

Pumunta na sila sa sari sarili nilang pwesto. Tinignan ko si Cedrix na seryoso lamang na naghahanda at inaadjust ang drum niya. Bakit ang pogi niya? Lord, baka pwedeng sa akin siya!

Tumingin din ako sa ibang miyembro. Handa na ang mga ito. Huli kong tinignan si Kuyang mayabang na nakatingin sa banda ko pero biglang tumingin din sa harap.

"You know girls, Greg and I dated last month," sabi ni Jaye na palaging nagpaparinig sa akin tuwing nagkikita kami at kapag kasama ko si Keila. Buti nga ngayon hindi nagbubunganga. Ayaw siguro maturn off iyang Greg na 'yan.

"Seriously? No offend girl, you're too young for him. Mabuti pinatulan ka. I mean, boys like him would like to date some matured girls," sabi ni Jasmine.

Gusto kong matawa sa sinabi niya. For sure, mag aaway 'tong dalawa mamaya. Saka nagpaplastikan lang naman sila. Naiinggit pa sa isa't isa.

"So what do you mean? Na hindi niya dapat ako pinatulan. Na bata pa ako? You know, if I compare my self to you, you lose girl. I have boobs and all, that's all matter."

I know Jaye for having a good body. Kaya nga pinag aagawan din ito dahil sa ganda niya. Hindi naman kataka taka kung pinatulan nga ito ni Greg. It's just that, she's too young. If she just has a crush on him, it's okay. Crush lang naman. Pero iyong pinatulan siya? Yucks! Parang walang ibang babae. Ok pa sana kung kataon niya.

Tumahimik na ang mga ito kaya naman nagconcentrate na lang ako sa panunuod sa harap.

Nagsimula na silang magstrum ng guitar at nagsimula na ring kumanta si Greg.

Here we are in the best years of our lives
With no way of knowing when the wheel'll stop spinning
'Cause we don't know where we're going

Sheet! One of my fave songs. At ang ganda rin ng boses niya ha! In fairness kay mayabang, may maipagmamalaki rin pala.

I used to know her brother but I never knew I loved her
'Til the day she laid her eyes on me
Now I'm jumping up and down, she's the only one around
And she means every little thing to me

I've got your picture in my wallet
And your phone number to call it
And I miss you more whenever I think about you

"Ang gwaaapo! Greg, anakan mo akoooo!"
"Aldreeeein, tayo na laaang!"
"Zaaach, putcha huwag naman masyadong galingan!"
"Neiiiiiil, huwag naman seryoso, mas lalo akong naiinlab!"

Sa huling boses lang ako napatingin. Anong Neil ka dyan ate? Akin lang siya!

Kahit nakatalikod si ate inirapan ko ito at sinamaan ng tingin. Nang aagaw pa. Sa iba ka na te!

Masyadong seryoso si Greg sa pagkakanta niya. May maipagmamayabang din pala itong lalaki. Damang dama niya talaga ang kanta na parang sa kanya ito. Kung titignan mo kasi siya, isa siyang tao na walang kwenta. Iyong tipo na papogi lamang alam. Party party kahit saan. Iyong walang kabuluhan ang ginagawa niya.

"You know girls," si Jasmine.

Hayan na naman si pa 'you know girls'. Plastikan talaga sis ha!

"I heard something about Greg na he's a topnotcher in their school. He's an Architect student and kahit 2nd yr college pa lang ay may gusto na raw'ng kumuha na school sa ibang bansa para gawin siyang scholar where he's rich. Tinanggihan niya lang daw ito kasi gusto niya rito mag aral."

Mga plastik na nga, chismosa pa ang mga ito. Saan naman kaya nila nakukuha ang mga impormasyong ganyan. May source ha! Sino kaya pwedeng maging source kay Cedrix? Si kuya, pero malamang aasarin lang ako nun at bibigyan ng pagkahaba habang advice na hindi muna ako magboboyfriend. Pwede naman si Greg, pero kailangan maging mabait ka sa kanya. Ok lang basta may makuhang impormasyon!

Nagpatuloy ang kanta nila. Sobrang ganda ng choice of music. Old songs. Old songs always gold. Hinding hindi ka magsasawang pakinggan, unlike sa mga kanta ngayon na puro kabastusan.

Though I listen to Kpop songs, I chose songs that will encourage me. Hindi lang basta kanta, mga kanta na nagpapawala ng stress mo sa tuwing dumadami ang gawain sa school.

"And for the last song,"

"Ahhh!"
"More song plsss!"
"Greg, madamiii pa pls!"

Nagsimula silang magprotesta dahil huli na nga ang kanta. Hindi man lang naman sila maawa sa kanila. Baka mamaya mapaos pa 'yang idol niyo. Saka masakit kaya magstrum ng gitara. Baka pagod na rin 'yong baby ko sa kakapalo sa drum.

"Don't you worry guys. You will see us later at your gymnasium. We are the judges in your dance contest."

Nagsitilian na naman ang mga babae at nagplanong manuod kahit balak nilang dumiretso na lang mamaya sa mga booth dahil boring daw manuod ng mga contest.

Pero shemay! Baka kabahan ako kapag tumingin sa akin si Cedrix. Baka bigla akong matapilok sa sobrang kilig. Pwedeng iba na lang? Taganuod na lang sila sa gilid para hindi masyadong distraksyon.

"So our last song for today is Fall for you." Si Greg at tumingin sa may banda ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti lamang ito.

"Oh my God! Did you see that? He's looking at me! Oh Em Gee! Is he still on me? Girls, let's go there later."

Oops! Si Jaye pala tinitignan. Ang assuming ko talaga. Akala ko kasi nagyayabang na naman. Malay mo natamaan talaga 'yong lalaking 'yon kay Jaye. Fall for you pa ang kanta ehh. Bagay naman sila, parehas pangit ugali nila. Baka naman pwede ang anak nila maging mabait.

But hold your breath
Because today will be the day
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

I sing along with him. Among my fave, this one is the best. If I got a boyfriend and he would sing a song for me, I'd like him to sing this. It's like you are very special to him and he likes you.

"Because today will be the day
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a boy like you is impossible to find
Today will be the day
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a boy like you is impossible to find
You're impossible to find"

Alam kong OA ako sa pagkanta dahil ginagalaw ko pa ang aking kamay na akala mo gumagawa ng spell at imamagic mo sa peste at nakakairitang mga babae.

Pero syempre kailangan mong damhin ang kanta. Pumapangit kasi ito kung 'di mo feel. Pinalitan ko rin ng today ang tonight gaya ng ginawa ni Greg saka ang girl ng boy.

"You are impossible... to find!"

Huling kanta ni Greg saka tumingin ulit dito. Syempre alam na! Sa malanding babae na nasa likod ko.

"Thank you guys, hope to see you again," sabi nila at sabay sabay nagbow sa harap.

"I loveeee you, Greg!"
"Balik po kayo ditooo!"
"Sa completion po namin, kayo kanta!"

Umalis na ako roon at tumungo sa canteen. Sobrang gutom na ako dahil tinapay lang naman ang kinain ko. Sa sobrang excited ko, ginutom na nga ako, napeke pa akong artista ang pupunta. Sayang talaga. Akala ko December Avenue pupunta.

Nag order na lang ako ng sopas dahil kailangan ko talagang kumain ng mainit. Sumasakit kasi ang tiyan ko kapag hindi ito nainitan.

Kasalukuyan akong kumakain nang makarinig na naman ako ng tilian. Haay! May iba pa bang tao ang titilian nila? Wala na. Gusto ko mang makita si Cedrix, ayaw ko namang kumain na maingay at magulo. Mamaya niyan, imbes na masarapan sila sa pagkain nila, mairita lang ang mga ito dahil maraming nanunuod sa kanila. Ang awkward kaya nun kapag may nakatingin sa iyong kumain.

Nagdagsaan nga ang mga babae nang pumasok ang grupo nila. OA talaga ang mga babae na ito. Hanggang dito talaga susundan.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko kaysa sa pansinin pa ang mga darating.

May huminto sa harap ko pero hindi ko na lang pinansin. Baka mamaya sa kabilang table pala sila uupo. Mamaya assuming na naman ako.

"Can we sit here, Blayr?"

Muntik pa akong masamid nang makita ko na sila Greg pala ang mga iyon. Nahiya naman ako dahil kasama niya pa ang mga kabanda niya at pinagtitinginan pa ako ng mga tao.

Pinangsingkitan ko siya ng mata para ipaalam sa kanya na roon na lang sila sa kabila umupo.

"There's no available sit there. Ito lang," sabi niya at ngumiti ngiti pa.

"Doon na kayo. Bibigyan naman siguro kayo ng mga babae kapag nagsabi kayo," mahina kong sabi sa kanya dahil ayaw ko namang maattack ng mga fan niya kuno.

"Bakit pa magsasabi kung pwede naman dito. Nakaupo na sila roon, nakakahiya naman kung paaalisin ko pa."

Inirapan ko siya dahil do'n.

Hindi pa ako umoo, ay umupo na ito sa tabi ko. Sumunod naman ang mga kabanda niya.

Binilisan ko na lang ang pagkain dahil tinitignan kami ng mga babae. Ramdam ko ito dahil sa talim na tingin na binibigay nila sa akin. Kung nakamamatay lamang ang pagtingin, baka patay na ako. Madaming saksak gano'n!

"Dahan dahan. Baka mapaso ka! Huwag kang kabahan sa amin. Kami lang 'to!"

Inirapan ko siya sa kayabangan niya. Kapal ng mukha!

"As if namang kakabahan ako sa inyo. Mga fans niyo kasi, akala mo papatay kung makatingin!"

"I will catch you if you fall. Dead or not."

"Ang baduy mo!"

"Kinilig ka 'no!" sabi niya at tumawa pa.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil pinagtitinginan kami ng kabanda niya. Nakakahiya tuloy! Pero hindi man lang tumingin dito si Cedrix, mukhang seryoso at may sariling mundo. Ba't ka ganiyan baby!

Nang matapos na ako, tumayo na ako at mabilis na nag ayos ng gamit. Feeling ko, papasabugin ako ng mga tanong o pwede ring pang mamaldita ng mga babaeng nandito. Sheeet!

"See you later, Blayrie!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro