Kabanata 29
Kabanata 29
"May nag utos sa babae na sirain ang heels mo. Hindi na napansin ng mga ibang artists na naroon dahil abala sila. Tinitignan na lang kung ano'ng pangalan ng babae para matanungan nila," ani Greg sa tawag.
Balik trabaho na ulit siya sa kompanya pero nagpatulong ako na hanapin kung sino ang gumawa sa akin niyon. I know that he is busy but he has the means to know who is behind this.
"Thank you. Take care too," I said and bid my goodbye.
"Alright, take care too, Blayrie. Bye."
Nang binaba ko ang tawag, sumunod agad na pumasok ang tawag ni Keila galing sa whatsapp. Sinagot agad ito at baka may kailangan ito.
"Blayrie, nakita mo na ba?" paunang tanong nito. Parang gulat na gulat pa siya at hinihingal na sabihin ang tsismis na nakalap niya.
Nagtaka man sa reaksyon niya, sinagot ko pa rin ito.
"Huwag mo lang sabihin na tsismis ito. Hindi ka pa rin nagbabago, tsismosa ka pa rin." Natatawa kong sabi.
"Of course not! It's about Jaye. Viral siya sa internet ngayon. Ano bang nangyari sa inyo kahapon?" I furrowed my eyebrow.
I immediately opened my Facebook account on my laptop. I checked Jaye's account first to be sure that she's okay. She's deactivated because I can't find her account so I'll just contact her. I called her but she's not answering my damn call.
I opened one of the videos that are currently viral and so many views. In the video, I saw how Jaye tripped at the end of the stage. The clip was taken yesterday. Ito ang nangyari kahapon at paano ito naleak agad sa social media? Alam ko naman na hindi ito maiiwasan pero halos malalaking tao ang dumalo. Would they stoop their level just to make fun in one certain person? Makikita mo agad na hindi ito kuha ng technical team dahil galing ito sa mismong upuan ng audience.
"What happened?" Si Keila na nasa kabilang linya pa rin.
"She tripped on my heels... I can't explain it to you right now. It's a long story."
"Did you call her yet?"
"I can't reach her. I called her but she's not answering my call. I'll just go to their house."
"Ok! Ingat ka."
Binaba niya ang tawag at tumingin ulit ako sa laptop. Nabasa ko ang mga comment doon na kung hindi naaawa, purong pangbabash.
'Aww, kawawa naman si ate girl.'
'Siya dati yung kaklase ko sa high school. Arte arte niyan, karma niya.'
'Sali sali pa sa model, hindi naman pala magaling. Pinahiya niya lang Sason company, malaking kompanya pa man din yan.'
What's with these people? Akala nila maganda ang sinasabi nila. Normal lang naman na magkamali. Hindi talaga maiiwasan ang madapa o matapilok. Hindi ba nila pinanuod ang buong performance niya? Nagskip na lang sila sa pagkakamali niya? She's good. Iyong iba kasi nakikibandwagon lang. Sumasabay sa uso at pangbabash.
And why would someone spend a lot of time leaving negative comments about someone they don't even know? Would they receive any benefits or rewards? And sometimes, they are trying to see if that person they don't like is affected.
Ieexit ko na sana iyon, kaso may nakakuha ng atensyon ko.
'Oh the Englisherist. Iyan 'yong nagmamagaling sa amin noong college kami. English english pa, wrong grammar naman. Buti nakasama pa siya dyan sa pagmomodel. Ahh! Katawan lang naman ang pwede niyang gamitin.'
I was taken aback to what she commented. That explains as to why Jaye doesn't speak English anymore. I know na maarte siya noong high school kami, pero ok naman ang pag eenglish niya. Kaya pala nagtatagalog na lang ito dahil may mga taong pilit binababa ang isang tao.
There is nothing wrong with speaking English. If you are comfortable on it, then speak on it. If you want to learn about it, then practice speaking on it. Ang mga utak kasi ng mga ibang tao, kung nagsasalita ka sa lenggwahe na ito, nagmamarunong ka. Minsan sasabihin sa'yo feeling matalino ka.
At ano rin ang koneksyon nito sa pagmomodelo niya? Jaye has a potential and she's better than those some famous models. Hindi lang siya kilala. Bago lang sa industriya.
I closed my laptop and called Jaye again. She's not answering it again, kaya napagdesisyonan ko na lang talaga na pumunta na sa bahay nila.
Halos isang oras ang naging biyahe ko. Malapit lang ang bahay nila tita dito pero uunahin ko muna si Jaye. Marami akong namukhaan na mga dating kaklase pero nagsabi na lang sa kanila na mamaya na. Nang makarating na sa tapat ng bahay nila Jaye, nakita ko roon ang mama niya sa labasan nila.
"Blayr, kumusta ka na? Ang ganda ganda mo na ahh!"
"Ok naman po ako tita."
"Iba talaga kutis ng mga mayayaman."
Umiling ako na natatawa. "Hindi naman po tita. Nasaan po si Jaye?"
Hindi ito umimik sandali pero bumuntong hininga ito at lumapit sa akin.
"Nagmumukmok sa kwarto niya. Hindi nagpapapasok. Kasama mo sa pagmomodel, 'di ba? Nakwento niya sa akin noong nakaraan. Ano ba talaga ang nangyari?"
"Mahabang kwento tita. Pwede ko po ba munang kausapin?"
"Sige. Samahan na kita at ituturo ko ang kwarto niya."
Sa tapat ng silid niya, may nakapaskil na 'Don't disturb'. Lumapit si tita Vergie at siya na ang kumatok dito. Ilang beses na niya itong ginagawa pero hindi pa rin binubuksan ni Jaye.
"Jaye anak, nandito si Blayr. Gusto ka niyang makausap... Jaye, huwag mong kimkimin nang mag-isa 'yan. Nandito naman ang kaibigan mo."
Naghintay kami pero hindi niya pa rin ito binubuksan.
"Jaye, pwede ba kitang makausap?" sabi ko habang kinakatok ang pintuan niya. Walang sumasagot sa loob kaya tinigil namin.
She wants to be alone. Nabasa niya siguro ang mga comment. At simula pa lang dapat, hindi na ako sumali sa ramp dahil alam kong maraming may ayaw sa akin... pero wala naman akong ginagawang masama?
Gusto man namin siyang kausapin, siguro bigyan muna namin siya nang oras.
"Hayaan mo na muna, Blayr. Pumunta ka muna sa baba para magmeryenda. Balik ka na lang maya kung gusto niya nang makipag usap sa'yo," saad ni tita kaya tumango na lang din ako.
We were about to go downstairs when the door in the room of Jaye opened. Mugto ang mga mata at pulang pula ang ilong nito nang tiningala niya ang nakayukong mukha.
Hindi ko alam ang sasabihin kaya nilapitan ko kaagad ito at niyakap. Lumapit din naman si tita pero hindi gumaya sa akin kundi, kinurot niya si Jaye at pinagsabihan.
"Ikaw'ng bata ka, kung may problema ka, huwag kang magmumukmok sa kwarto mo. Huwag mong kimkimin at sabihin mo sa amin. Ano ngayon kung natapilok ka sa pagmomodel? At least mas maganda at sexy ka. At least nakarampa ka sa sikat na kompanya," pagalit na sabi ni tita pero yumakap pa rin kay Jaye.
Gusto ko mang pigilang tumawa pero hindi ko natiis. Mukha kasing bata na kinuhaan ng candy si Jaye at nagsusumbong sa mama niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya tinigil ko na ito.
"Iwan ko na kayo rito, kausapin mo nang mabuti 'yang batang 'yan, Blayr."
I smiled. I went inside her room and I can say na she's good pa naman. Her room is clean and there is no trace of any thrown object.
"Huwag mong tignan ang kwarto ko na parang may ginawa akong masama," pasarkasmong sabi ni Jaye at inirapan ako. Umupo ito sa higaan niya at tumabi naman ako.
"Nag aalala lang ako. Hindi ka rin kasi sumasagot sa mga tawag ko."
"Nakasilent ang phone ko. Malolowbatt na rin 'yon."
Tinitimbang ko ang ekspresyon niya pero wala akong makita roon. Nasa magandang kalagayan naman siya at ang tanging iyak lang ang nagpapakita ng ebidensya na dinamdan niya rin ito.
Namutawi ang katahimikan sa kalagitnaan namin. Nagtititigan kami at hinihintay kung sino ang mauunang magsalita.
"I'm fine... medyo dinamdam lang nang kaunti ang mga sinasabi nila. Medyo below the belt kasi... Saka sanay naman na ako diyan. Mas maiging hindi na lang sila pansinin. Kilala ko naman ang sarili ko."
"You should have called me. Kasalanan ko naman iyon kaya sana tinawagan mo ako."
"Paulit ulit ka, Blayr ha! Inis na ako sa'yo. Choice ko iyon at ang kasalanan ko lang naman, hindi ako nakapag isip agad. Dapat hindi ko binigay ang heels ko sa'yo," she said, smirking.
"Pero kidding aside, I'm fine. Hindi naman ako naiinis doon sa nangyari. Naiinis ako doon sa kaklase ko na brinought up pa na hindi ako magaling sa english. Kala mo naman, wrong grammar naman tawag niya doon," dagdag niya at humalukipkip sa tabi ng headboard.
"But honestly speaking too, hope you are fine."
We talked about it and I comforted her until she's okay. She even ranted different commentators and laughed about them. If it would make her better, it's ok, as long as she wouldn't stoop their level at hindi na rin patulan ang mga iyon.
Ang sabi nga rin ni mama sa akin, 'Don't be bashers. Don't live your life with much negativity and surrounds yourself with people who only know how to uplift other people and who aim an optimistic life.
Pagkatapos kong makipag usap sa kanya, nagpaalam na ako. Tinawagan pa ako ni Keila at kinumusta. Sinabi ko namang ok na.
Sa sumunod na araw, naging busy ako para itake down ang mga video ni Jaye. Hindi ko kasing magawang matuwa habang pinapanuod iyon. Hindi rin mahanap kung sino ang may gawa dahil wala siya sa pinagtitirhan niya.
Nang dumating ang lunes, nagkita kami ni Cedrix sa isang mall at nag aya itong magbakasyon sa sabado dahil may balak itong gawin, kasama sila Kuya at Greg.
"Less stress na rin. Kasama mo naman si Keila. Isama mo na rin ang kaibigan mo na isa."
Sa biyernes ko na nasabi kay Jaye kaya nataranta ito. Wala raw itong bagong bikini at nakakahiya na mayaman ang mga kasama niya pero pumayag din naman. Nasabi na rin naman ni Keila sa akin kaya nakapaghanda na ako ng susuotin.
Kinaumagahan, alas singko, sa sala na ako naghintay. Si Keila na ang susundo kay Jaye pero dadaanan niya kami ni Kuya dahil si kuya ang magdadrive sa amin. Susunduin naman ni Greg ang ibang mga kaibigan nila.
Apat na oras ang magiging biyahe namin. Nakasunod naman sa amin ang sasakyan nila Greg at Cedrix. Nilalanggam na rin kaming dalawa ni Jaye dahil may asukal sa harap namin.
"Kailan ka magkakajowa, Jaye? Hindi ka ba naiinggit sa mga may boyfriend gano'n?" pagpaparinig ko. Hindi niya naman agad nakuha kaya nakataas pa ang kilay nito na tila nagtatanong. Sinesenyasan ko naman hanggang sa nakuha niya.
"Ahhh!" exaggerated niyang react. "Huwag muna, masyadong cheesy magkaroon ng boyfriend."
"Nagkaboyfriend ka na ba?"
"Tanong ba 'yan o sarcasm?"
"Malamang tanong!"
Bigla itong lumapit sa akin at pasimpleng sinabunutan ang buhok ko.
"Kinakaya mo na ako? Hindi porke kasama natin ang kuya mo, gumaganyan ka na. Parehas kayo ni Keila," pabulong nitong sabi at ngumingiti pa nang lumingon si Keila.
"Ano'ng binubulong niyo diyan?" Si Keila na sinasamaan pa kami ng tingin.
Nagkibit balikat lang kami.
"Ibaba mo na kaya si Blayrie, Chevin. Ilipat mo kay Greg."
"Ayy Chevin lang. Wala bang babe o baby diyan? Hina mo naman kuya," asar ko.
"Stop it, Blayrie! Itatapon kita kay Greg." Si kuya na tumingin pa sa rear mirror.
Tumahimik naman na ako at hinayaan na silang dalawa. Sinalpak ko na lang ang earphones ko at nakinig sa music dahil may dalawa oras pa kaming biyahe.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Katabi ko na ngayon si Greg sa sasakyan. Nakasandal ang kaliwang siko nito sa upuan at ang kamay sa ulo. Nakangiti pa ito na parang tanga.
At iniwan pa talaga ako nila Kuya!
"Ba't hindi mo ako ginising? Kanina pa ba tayo nakarating?"
"Nope, kararating lang. And you look peaceful in sleeping so I can't disturb you."
"Ginising mo pa rin sana ako."
"It's fine. Do you want to stay here more?"
"Baka hinahanap na tayo."
"They are busy with their girls. Nasa mabuting kamay din naman si Jaye so it's ok."
Isinandal ko ang ulo ko. Nilagay niya naman agad roon ang kamay niya kaya nagulat ako.
"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong niya bigla na hindi ko nakuha.
"You know the boyfriend-girlfriend thing," he added.
"Hindi pa ba kita boyfriend?" asar na tanong ko.
Hindi naman ito makapaniwala na nakatingin sa akin.
"I'm serious. I want the label like others."
"What answer do you want ba?"
"You know what I want."
"Then that's the answer."
Sinusubukan nitong magseryoso pero nakikita ko ang paunti unting ngisi sa labi niya. Iniiwas pa ang mukha pero malaking ngiti rin naman ang binalik sa akin.
"So, am I free to kiss you now?" I teased him.
He pretend like he didn't hear me and he gets off the car. Hinabol ko pa ito na natatawa pero niyakap ko rin siya. Hindi niya naman inalis ang kamay ko roon kaya hanggang makarating kami sa cabin namin, nakayakap pa rin ako.
"Get off your hands dude," banta ni kuya kay Greg.
He raised his two hands but I didn't remove my hug to his waist. Natawa ang mga barkada nila kuya, pati na rin kaming dalawa ni Greg. Kuya Chevin just rolled his eyes on Greg and looked at Keila.
Dalawang cabin lang kinuha nila dahil magsasama sama ang mga babae at lalaki. Sila Aldrein at Erick lang naman ang sumama dahil masyadong busy ang mga iba nilang kaibigan.
"Ok! Later at 6pm," paalala ni Cedrix na nakuha rin namin agad.
He will propose to Kate, that's the plan. But whenever we talked about Cedrix and Kate, I always think about ate Faye. Hindi ko naman maiwasan dahil siya pala ang tinutukoy niya na first love niya. Siguro kaya hindi na ito umuuwi ay dahil nagmumove na. O baka kaya'y busy sa kung ano man ang pinakaabalahan.
Alas dose nang magtanghalian kami. Bumalik kami sa cabin namin pagkatapos dahil maghahanda ang mga boys sa gagawin nila. Aabalahin naman namin si Kate.
"So how are you now? I was in the show and I can say na you're so good," ani Kate kay Jaye.
"I'm fine now. Not giving a shit to those scumbags."
Natawa naman kami sa sinabi ni Jaye.
Pagdating nang alas singko, pinagbihis na namin si Kate. Nalilito man, nakisama na lang siya. Cedrix wants her to use a white dress so we gave and dressed her up with it. Jaye's the one who made her make-up. Even she has light makeup, her beauty still is overflowing.
When boys cued us to lead Kate, we blindfolded her. Nasa tabing dagat sila pero secluded ang area na iyon. Cedrix wants it private so he planned it out surely.
"Where are we going ba? Don't joke at me ha?" tanong ni Kate.
"Don't worry, kami ang bahala sa iyo," sabi namin habang binabaybay ang daan.
The boys are now all set with their designated work. Pumwesto na rin sila Keila at Jaye doon. The petals in a heart shaped, na lumilipad ang iba dahil sa hangin, at mga kandila na nakapalibot din dito ay ayos na.
Cedrix was in the position now. He cued me to remove the handkerchief, so I obliged. When I took it off, Aldrein started to strum the guitar and Greg started to sing a song. Keila, Jaye, Erick and Kuya raised the board that has a question with 'WILL YOU MARRY ME?'
Kate started to cry so I can't help it too. Tumatawa naman sila kuya kaya nahiya rin ako. Hindi pa rin tumatayo si Cedrix dahil hindi pa sumasagot si Kate. Ilang segundo ang lumipas, lumevel ito kay Cedrix at pinagpapalo ito. Natatawa tuloy kami sa reaksyon niya.
"Are you gonna punch me or answer me?" Cedrix asked, smirking.
I can sense his nervousness but I am nervous too. Ganito pala ang pakiramdam. Tumingin ako kay Greg at nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin. Ramdam ko rin ang init ng pisngi ko.
"Y-yes," sabi ni Kate kaya napatingin na ako sa kanya.
"What did you say? I didn't hear it." saad naman ni Cedrix.
"I said yes. My answer is YES!"
Nanginginig na nilagay ni Cedrix ang singsing saka nito hinalikan si Kate. Para lang kaming nanunuod ng teleserye at kinikilig dito.
We took a picture and we celebrate the newly soon-to-be-wed. Nilibre lahat ni Cedrix kaya tuwang tuwa sila kuya.
Umiinom sila Greg at kami namang mga babae nagkwekwentuhan.
My phone has rung and it's ate Faye. I excused myself and went outside.
"Ate," paunang sabi ko habang inaayos ang camera.
"Hi, Blayr. I'm glad that you're still awake," mahinahon nitong sabi.
"Nasa La Union kami ate. Nagpropose si Cedrix kay Kate," mahinang sabi ko.
"I know. I saw Kate's IG po-"
"Mommy... hungry me," dinig kong boses ng isang bata.
A baby boy went beside of Ate Faye. He was calling ate Faye a mommy and I am confused.
"Ate, you have a... child?" lito kong tanong habang nakatingin sa bata. He looked familiar.
"I'm sorry. It's a long story," she stated and gave milk to her son.
May bigla namang pumasok na isang lalaki at baka iyon ang asawa ni ate. Pero...
"Hey babe," pabebe nitong sabi at hinalikan si ate sa noo. "Oh, hi! That's Blayr, right?" tanong nito na nagpagulo sa akin.
"Ate..."
"I'm Lucky, Faye's friend. I'm not Brix father ha! I'm gay."
Ate laughed at him and bid her goodnight. I still confused about what is happening to ate Faye.
"He's not the father if you will ask me about it. It's a long story but I think you have to know at least some of it," she explained and paused a bit. "Si Cedrix ang ama."
"Ate how come? And you know..."
"I know. I'm not saying this to you to pity me. I just think you deserve to know this. Alam ko rin na kadidivorce niyo noon kaya gumawa ako ng moves para makalapit sa kanya. I got the opportunity when I saw him drunk in the bar and something happened... nabuo si Brix..." she smiled.
I adore my ate for being strong but I can't help to pity her. She may be smiling now but I can see the sadness in her eyes. I can see that she is hurting. And despite not telling to Cedrix that he has a son, she is good for taking care of her baby alone.
"Ate..." hindi ko alam ang sasabihin ko at parang hindi pa nagsisink in sa utak ko ang mga pangyayari... na may anak nga si ate at kay Cedrix iyon!
"Huwag kang mag alala, hindi ko naman sasabihin kanila Cedrix. Mahal ko si Kate at hindi ko kayang masira ang magiging kasal niya. Mahal ko rin si Cedrix at hindi ko kayang sirain ang kaligayahan niya. In the first place, hindi niya naman ako gusto at gaya nga ng sabi niya, hindi niya ako magugustuhan. Kaya rin hindi ako umuuwi sa bahay, dahil ayaw kong malaman niya at akuin ang isang responsibilidan na una palang, ako ang may kasalanan."
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Nasasaktan ako para kay ate. Nasasaktan ako para sa anak niya. Sino na lang ang kikilalanin niyang ama?
"Ate, what if you tell Cedrix? It's his right to know about it."
"Blayrie, alam kong karapatan niya iyon. Ayaw ko lang na isang araw maguilty siya. Maghahanap naman ako ng lalaki na mamahalin ako at si Brix."
"Ate, ikaw, paano kung hindi mo mahal?"
"Susubukan kong mahalin. Para kay Brix... para din sa akin," ani ate at ngumiti sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro