Kabanata 28
Kabanata 28
Hinatid ako ni Greg sa bahay namin. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, bigla na lang itong nag aya sa akin na iuuwi niya na ako. Hindi naman na ako nakaangal dahil hindi ako kaagad nakapagsalita. Basta nahila niya na ako pasakay sa kotse at binaybay na namin ang daan patungo sa bahay.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Tinitingala ang kisame at iniisip ang mga nangyari sa amin ni Greg ngayong araw. Pagod ang buong katawan ko pero tila marami pang enerhiya ang utak ko.
I've been thinking about the words he said to me. Alam kong seryoso si Greg at minsan may pagkaloko, pero simula't sapol alam ko na kung paano siya magaling sa mga mabulaklak na salita. Alam kong sinsero siya pero hindi ko lang maisip kung saan at paano siya nakakaisip ng ganoon? Matagal ko na talagang iniisip kung saan nagmana si Greg. Kung paanong magaling siya sa matalinghaga na salita. Wala kasi sa personalidad niya iyon.
Isa pa, iyong halik niya. Hindi iyon ang unang beses na hinalikan niya ako pero iyon ang unang beses na makaramdam ako ng kakaiba. At sa tanang buhay ko, siya palang ang nakakahalik sa labi ko.
Dahil sa kakaisip niyon, tanghali na ako gumising kinaumagahan. At dahil bukas na rin naman ang runaway, magbubeauty rest na lang ako.
"Blayr, tumawag kanina ang boyfriend mo." Si manang Solly habang kumakain kaming dalawa.
Nagpasama akong kumain dahil ayaw ko namang mapag isa.
"Wala po yata akong boyfriend, manang," nalilito kong sabi. Wala akong maalala na boyfriend ko.
"Si sir Greg, Blayr. Pinapasabi niya na magpahinga ka na lang muna. Huwag ka na munang pumasok sa trabaho mo," kinikilig na sabi nito. "Saka dadaan daw siya rito at may ibibigay."
Bakit hindi pa siya nagtext sa akin? Nasa kanya naman na ang number ko, ah!
"Saka hindi ka raw sumasagot sa tawag niya kaya pinapasabi niya na sa akin," sagot ni manang na tila nabasa niya ang nasa isip ko.
"Maraming salamat, manang."
"Huwag kang mag alala, Blayr. Gusto ko rin si Greg para sa'yo simula bata palang kayo. Ngayon tignan mo, marunong na kayong magdesisyon sa sarili niyo at mahal niyo parehas ang trabaho niyo."
I smiled at manang Solly. She's been with me since then. Nagiging tanungan ko rin minsan sa mga bagay bagay.
I stayed in my room until the afternoon. I just watched any movies I saw in the recommendation. I am bored but I can't get myself to go outside.
Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bedside table. May text iyon na galing kay Greg. Nakita ko na rin ang mga missed calls niya at nabasa ko na rin ang mga messages niya.
Greg:
Nasa sala niyo na ako. Can you go downstairs?
Napalaki ang mata ko sa text niya. Hindi niya man lang ako winarningan na papunta na siya rito. Hindi pa ako nakapag ayos. Kung ano'ng ayos ko kaninang umaga, gano'n pa rin ako. Hindi na kasi ako nag abala dahil nandito lang naman ako sa bahay.
Ako:
Can you give me time?
Dali dali rin naman siyang nagreply.
Greg:
No need to look good. You're pretty in any way.
Kinilig man ako, pero saglit lang iyon. Aba! Kung uutuin mo ako, mag isip ka pa ng matinding banat para mapaniwala ako.
I washed my face. I didn't bother to put makeups but I used powder. Inayos ko rin ng kaunti ang buhok ko at nilagay ito sa kanang balikat ko.
Pagkababa, kita ko ang prenteng upo ni Greg sa pang isahang sofa. Nakalagay pa ang index finger sa labi na tila nag iisip ng kung ano.
"Seryoso tayo, Architect ah?"
Hindi ako pinansin pero nakasukbit ang ngiti niya sa labi.
"What took you so long?"
"Huh? Ang bilis ko kaya!" irap ko sa kanya.
Umupo ako sa malapit sa kanya. Pansin ang paperbag sa tabi niya at dahil sa tatak na brand rin nito.
"I wanna give you something."
"Ano 'yan, friendly gift?" biro ko.
"Huh?"
"Siyempre magkaibigan tayo kaya friendly gift. 'Tsaka hindi ko yata birthday ngayon. Wala nga ring mahalagang okasyon. Kaya friendly gift mo 'yan?" biro ko ulit pero iniisip kung para saan ang regalo niya.
"I am courting you... since then. Hindi naman ako huminto... ikaw lang ang umalis."
"Ba't parang sinisisi mo ako?"
"I'm not blaming you. And it's not a friendly gift or because I am courting you. I am giving you this gift because I think of you, Blayrie... when I saw this," he said huskily and smoothly move onto my side.
I don't know but I can't seem to used to not get surprised by him calling my name.
He put the paper bag on my lap and asked me to open it. I obliged and saw a small red velvet metallic jewelry box. I thought of something but I won't conclude anything yet. I am imagining so many things.
I opened it and I picked up the necklace. A necklace designed of sunset. It was made of silver but you can identify easily that it is a sunset.
"You should always wear them. So you will never forget to look up at the sky when it's nearly dusk."
"Hindi ko naman nakakalimutan, ah!"
"I remember when I called you that day..."
"Huh?"
"Nothing. Just in case."
Ngumiti ako sa kanya na binalik niya rin naman. Inalukan niya akong isuot ang kwintas kaya binigay ko sa kanya.
"Don't remove it on your neck, alright?" malambing nitong sabi habang nilalagay ang kwintas sa leeg ko.
Nakikiliti pa ako dahil sa lapit ng bibig niya sa tenga ko pero tumango rin naman ako. Hindi ko alam pero parating na lang akong sumasang ayon sa sinasabi niya. Para kasing may hipnotismo ang lambing ng boses nito.
"Alis na rin ako. I have something to do. Susunduin din kita bukas," pinal nitong sabi saka ako hinalikan sa noo ko.
Mabilis man ang pagbisita niya, naiintindihan ko. Baka kailangan niyang magtrabaho dahil hindi siya papasok bukas.
"Alright. Ingat ka sa pagdrive."
"Alright. Bye, Blayrie."
Hinatid ko siya hanggang kotse niya. Pero bago nito binuksan ang pintuan, humarap muna siya sa akin. Tinaas ko ang dalawa kong kilay na nagtatanong.
He sighed. I arched more my eyebrow because I am confused. I'm about to open my mouth but he suddenly pulled my waist to his body. I stepped backwards but I immediately came back to its place because of his strong arm on me.
"I-Is there any problem?" I asked.
My hands were on his chest. I don't know but I can sense a tense in between us.
"Nothing. I didn't bid my goodbye to you yet," he smirked while he is looking at my hand and his arm stays still on my waist.
"Huh?"
"I said..." he didn't finish his sentence and he moved his head in front of me. Our lips are almost touching and I can't find myself to breathe.
"Take care of yourself for tomorrow." He then kissed me on my lips but it was only seconded.
I am disappointed! I am expecting for more.
I pouted and put my hands on his waist never wanting to free him on my hug. He chuckled and pinched my nose that it made me irritated to him.
"Saka na, kapag tayo na."
"Pero hinalikan mo rin naman ako--" he put his index finger on my lips.
"Shh! Baka may makakita sa atin." natatawa nitong sabi.
I glared at him. Of course, I won't believe him!
"What?"
"Kung bibitinin mo lang din naman ako, huwag ka nang hahalik," pasaring kong sabi pero tumatawa lang ito.
Hinawakan niya ang baba ko na parang inaasar niya ako. He even caressed my lips but he's still laughing. I put down my hands to declare defeat and was about to turn my back on him when he kissed me sweetly.
At first, I was shocked so my eyes were open and got to see him kissing me passionately. Habang tumatagal, nadadala na rin ako sa kanya and I opened my mouth to gave him more access. He immediately made his tongue on its way. After minutes of kissing, we pulled off and find a breath. We exchanged glances but he pinched my nose again.
"Tsk! Sa susunod hindi na kita pagbibigyan."
I smiled at him but he tilted his head. He waved his hand on me while he gets inside of his car.
Nangingiti pa akong pumasok sa bahay. Hindi makakauwi sila papa dahil may dinner meeting at si kuya, hindi na ako mag aabala sa kanya. Wala akong kasamang kumain at dahil busog na rin naman ako, kaunti lang ang nakain ko.
Pagkaakyat sa kwarto, dumiretso na ako sa banyo para magshower at maghanda sa pagtulog.
Kinabukasan, naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Alas sais na pero balak kong magwork out muna. Alas dose pa kami aalis kaya marami pa akong oras para maghanda.
Inorasan ko rin ang sarili ko para hindi ako masobrahan at para may oras din ako na makapag ayos. Nagwork out ako pero sa madadali at magagaan muna. Hindi ako pwedeng magpagod.
Nagpupunas ako ng pawis nang magring ang cellphone ko. Tumatawag si Greg doon.
"Hi."
"May ginagawa ka ba?"
"Katatapos ko lang magwork out. Ikaw?"
"I finished some of the papers. I am preparing now, ikaw?"
"Mag aayos na rin."
"Alright, susunduin kita mamaya."
Binaba niya na ang telepeno pagkatapos no'n.
Naghanda naman na ako. I did my morning routine. I know that many models would dress up with their brand clothes so I used my champagne-coloured Sherri hill dress. It is a sleeveless and a backless type. I paired it with my black stiletto because it is perfect for what I have to use later. I made my make up light because we will have a makeup artist there. After I finished it, I put some final touch before I went downstairs.
I stopped in the middle of the stairs. Nakatayo si Greg sa tabi ng piano na malapit sa pintuan. Nakahawak siya sa isang frame kaya dahan dahan akong pumunta roon.
Nang makalapit na, sinilip ko ang hawak niya. Napangiti ako roon at niyakap siya sa likod.
"Bakit hawak mo ang picture ko?" nakangisi kong tanong.
Humarap naman siya sa akin habang nakayakap pa rin ako.
"Why are you so cute when you were young but now, you looked..." he trailed off my body. I glared at him to give him a warning.
"Ano? Sige sabihin mo!"
"You looked... hot," he said sexily and kissed me on my forehead.
I felt my cheeks burned. I put my both hands in it so Greg wouldn't see it but he gripped my hand.
"Huwag kang mahiya, totoo naman." Sabi nito at lumapit sa sofa. Doon ko lang din nakita ang bouquet of roses.
"For you," inabot niya sa akin ang mga rosas.
"Thank you."
"Let's go?"
Tumango ako pero pinaiwan ang mga bulaklak at sumunod sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan saka lumipat naman siya sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Hanggang sa biyahe namin ay nakahawak pa rin ito kaya hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Pinipigilan ko lang kiligin dahil baka mapahiya ako.
Pagkarating doon, nasa lobby pa si Jaye kaya nagtaka ako. Akala ko may naging kaibigan na ito.
"Ano pang ginagawa mo rito? Ba't hindi ka pa pumasok sa loob? At bakit hindi ka sumabay sa mga kaibigan mo?" taas kilay kong tanong pero pabiro lang iyon.
Inirapan niya muna ako bago sumagot.
"Gusto lang nilang kumalap ng chika sa inyong dalawa. Aba, siyempre hindi ko pinagbigyan. Kaya ayon, hindi na ako pinansin."
"Iba pala talaga ang kabaitan mo."
"May bayad 'yon, ano ka!"
Inilingan ko na lang siya at pumasok na sa backstage. Hindi kami pwede sa harap dahil mamaya papasok na ang mga bisita.
Magkaiba ang room ng lalaki at babae. Pinaghiwalay nila ito para mapadali ang pagpapalit namin ng damit mamaya. Iba iba rin ang kinuha nilang make up artist para sa amin.
The whole room became noisy now. The models are busy preparing their clothes and makeups. Nakaupo naman na ako sa designated chair ko para maayusan ako. Katabi ko sa kanan si Jaye at sa kaliwa ko naman si Aimee.
"Hi," bati ni Aimee. Hindi ko lang sigurado kung ako ba ang kinakausap niya. Nakatingin kasi ito sa salamin.
"Are you talking to me?" I asked and pointed myself.
"Yes. And by the way, I like your dress. You're so sexy."
"Thank you," I answered even I know that she is a hypocrite.
She just smiled and continued her makeups.
Nagpatuloy rin naman ang make up artist ko. Naging close ko rin agad ito dahil mabait siya. Mas gusto ko sana ang make up artist ko pero ayaw ko naman pag usapan ako.
"Blayr, sabay na tayo magpalit para madali." Ani Jaye habang kinukuha na ang damit niya na susuotin.
"Ok," saad ko dahil patapos na ang pagmamake up sa akin.
I removed my stilleto and used the slipper I brought with me. We quickly changed and dressed up our clothes. I used the first clothes we need to model and it is the white blazer up to my above three inches knee and paired it with a black belt.
Inayos ko pa ang damit ko nang magpaalam si Jaye sa akin. Tumango naman na ako dahil aayusin ko pa saglit ang damit ko.
Pabalik sa pwesto ko, nakita kong nakayuko si Jaye sa upuan niya at hawak ang stilleto ko. Nang makita ako, binitawan niya ito at bumalik na sa pag aayos ng make up niya.
Hindi ko naman na ito pinansin at baka may kinuha lang sa baba.
"Dalian mo na magfinal touch. Pinapaayos na tayo sa pwesto natin at magsisimula na."
I nodded and put my under-the-knee black boots first. I put some make-ups for the final touch and went near to the other models.
I saw Greg among them at siya na ang lumapit sa akin. Tinititigan pa ako nito kahit nasa harapan ko na siya.
"Ano'ng tingin iyan?" natatawa kong tanong.
"No wonder some models are into you. You are so gorgeous and sexy. Malas lang nila, sa akin ka." He smirked and his hand crawled in my waist.
I rolled my eyes because I know na binobola niya lang ako. Pumwesto rin naman kami agad nang pinapaayos na kami.
Nang magsimula na, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Normal lang sa akin iyon pero hindi ko maiwasang kabahan. Nawawala naman iyon kapag nasa platform na ako pero ngayon na first time kong rumampa dito sa Pilipinas ay parang mas kinabahan ako.
"You looked nervous. Nandito naman ako kaya huwag kang mag alala."
Ngumiti lang ako sa sinabi ni Greg. Kapag kinakabahan ako, hindi na ako nagsasalita para mawala ang tensyon sa sarili ko. Mas lalo kasi akong kakabahan kapag kumausap pa ako sa ibang tao. Hinayaan na rin naman ako ni Greg at hinawakan na lang ang kamay ko.
When our turn came, we smoothly ramped on the stage. Greg ramped on the right stage and I am on the left side. Magkakasalubong kami sa gitna at doon namin gagawin ang act namin.
Pumapalakpak ang mga bisita at meron ding napapatayo at napapatango sa amin. Naglast pose kami ni Greg at masaya akong rumampa pabalik.
Nagline kaming lahat at pumasok ulit sa entablado para rumampa kaming lahat nang sabay sabay.
"Nice one, Blayr." Dahang dahan na sinabi ng organizer namin pagkapasok sa backstage.
I smiled at him and he tapped my shoulder. I nodded and excused myself to change clothes.
Sinuot ko na ang pangalawang damit ko. It is a black and white stripe blazer and white sleeveless top on the inside. The partner of it is a black leather pant. I will pair it with my stilleto.
Wala na halos natira sa loob na modelo at ang isang natira ay kaaalis lang. Hindi na ito pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. Hinanap ko agad ang stilleto ko pero isang pulang heels na lang ang naroon.
Kanino naman ito? At nasaan ang sa akin?
"Blayr, ano pang ginagawa mo? Mag uumpisa na." Tawag sa akin ng organizer kaya sinuot ko na lang iyong heels.
Sumunod ako sa kanya pero may nararamdaman akong kakaiba sa suot ko.
"What took you so long? Kanina pa kami nakaayos dito." Si Greg.
"May kumuha ng stilleto ko at pinalitan ito."
"Who would do that?"
"I don't know and-"
"Blayr, bakit mo 'yan suot?" nagtatakang tanong ni Jaye at nagtataka rin ako sa kanya. Kita ko pa ang suot niyang stilleto na pagmamay ari ko.
"Bakit mo rin suot ang sa akin?" taas kilay kong tanong.
"Someone ruined it. Hindi ko lang alam kung sino kaya pinalitan ko na lang ang heels mo sa akin." Sabi nito at pinakita ang sira niyon at anumang oras, mapuputol na iyon ng tuluyan.
May tumitingin sa amin na ibang model pero umiirap lang ito sa amin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? I have a boots there."
"Then get it. Ako na bahala sa heels mo."
"You?! You might tripped on the middle of the stage. What are you thinking?!"
"Sorry na. Hindi ako nakapag isip. Kunin mo na lang ang boots mo."
"Then what about you?!" ninenerbyos kong sabi dahil bakit hindi niya sinabi agad.
"What really happened, Jaye?" Greg asked but I immediately went to the room and took the boots.
Naghanap din ako ng ibang heels sa table ng ibang models pero wala akong mahanap. Puro damit na lang nila at mga make ups. Bakit walang extra heels ang kompanya? Bakit din walang extra heels ang ibang models?
I don't know what to do at ayaw ko rin naman na may mangyaring masama kay Jaye. She just helped me but what about me? How could I help her?
Pagbalik doon, wala na si Jaye sa tabi ni Greg at nasa pwesto na siya. Tinignan ko ang suot niyang heels at gamit niya pa rin iyon. What is she thinking?
"Where are you going, Blayr?" tanong ni Greg habang pinipigilan niya akong lumapit kay Jaye.
"I'll just give my boots. Hindi dapat siya ang nagsusuot niyon."
"She said, she will take care of it."
"We should ask the organizer."
"There's no time. Magsisimula na."
I put the boots but I can't focus. I am nervous for Jaye. What is she really thinking?
Nagsimula na ang ramp at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. I don't want to ruin Jaye's career.
Nang lumabas na sila ng partner niya, sobra ang pagdadasal ko na sana walang masamang mangyari. Na sana makisama ang heels sa gagawin nila.
Lumipas ang minuto, wala akong ibang marinig na tunog sa labas kundi palakpakan pa rin. Nakahinga ako ng maluwag nang papalabas na ang susunod na modelo. Pero ilang segundo pa lang silang lumabas, may narinig akong napahiyaw.
Papasok si John na buhat buhat si Jaye. Lumapit naman ako sa kanya pero pinabalik din ng organizer dahil malapit na kami. Natapilok daw ito kaya nasprain niya ang paa niya. Pinaupo nila ito sa upuan. Binalingan naman niya ako kaya hindi ko maiwasang maawa. Ngumiti lang siya sa akin pero hindi ko maibalik iyon.
Rumampa kami ni Greg na medyo lutang ang isip ko. Mabuti na lang at nakalakad ako pabalik ng maayos.
Iniisip ko talaga kung sino ang may gawa no'n. Who would stooped their level para lang masira ako? Hindi naman talaga ako nakikipag kompitensya pero pilit nilang sinisiksik sa isipan nila na malaki akong threat. Isinima pa nila si Jaye.
Pagkatapos ng event, maraming mga malalaking tao ang lumapit sa akin para batiin ako. Inanyayahan pa ako na maging model nila pero sinabi ko na lang na pag iisipan ko.
Marami ding lumapit kay Greg at halos mga kakilala niya iyon sa business nila.
Even mamang Pokz was there, greeted me and congratulated me.
"What if you stay here in the Philippines? Marami naman nang nakakakilala sa iyo. Even the biggest company offered you to become their model."
"Pag iisipan ko pa po mamang. I will rest for the next entire month."
"Ikaw bahala. But if you want, just inform me, alright?"
"Yes mamang."
Pagkatapos ng batian, hinanap ko si Jaye. Nagtanong tanong ako sa iba naming kasamahan at tinuro na nasa room ito.
Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ko lang siya. She's packing up her things. She looked at me and I bit my lips.
"I'm sorry for what happened to you. It was my fault."
She didn't answer and continued arranging her things. I went near her and she put down her things on the floor. She sighed and looked at me.
"Ano ka ba? Wala lang iyon. Ok lang naman ako. 'Tsaka gusto mo bang masira ang reputasyon mo? E, baguhan pa lang naman ako kaya ok lang iyon. Kaya don't blame yourself, ok?"
I sighed and hugged her.
"Thank you. Pero sana hindi mo na lang iyon ginawa. At sana sinabi mo sa akin kaagad."
"Hindi na ako nakapag isip. Nataranta ako."
"Tsk! I even suspected you. Akala ko may ginawa ka..."
"It's ok," natatawa nitong sabi sa akin.
I hugged her again. But because she is Jaye, she pulled my hair and rolled her eyes on me. I tilted my head on her but still smiled for what she has done for me.
It was a long and tiring day. Aalamin nila Greg kung sino ang gumawa no'n bukas. Hinatid din kami ni Greg sa bahay namin and I even thanked Jaye all over again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro