Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

Kabanata 26

Good weather woke me up. It's Friday and we don't have any practice today. I decided to go to our company and offer some help. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kaya kaysa sa tutunganga, tutulong na lang.

I took a bath and after that, I did my usual makeup. It was light make up because I don't want to look intimidating to our employees and I want to socialize with them. I dressed up with my white sleeveless top, cover with a pink suit and slack. I paired it with my cream strap high heels.

Kalaunan, bumaba na ako at nakita si kuya na naghahanda na. Naisip naman na sasabay na sa kanya at para hindi na rin makaabala pa kay manong Ernesto.

"Kuya, sabay ako sa'yo. Tutulong ako sa kompanya para naman may pagkaabalahan ako."

"Kay manong Ernesto ka na magpahatid. Susunduin ko si Keila dahil nasiraan siya ng sasakyan kahapon," ani nito at seryosong nag aayos ng sarili.

"Hindi ba mas maganda 'yon? Sasab--"

Hindi niya na ako pinatapos at nauna na siyang lumabas ng bahay. Umirap ako sa kawalan pero dumiretso pa rin ako sa garahe para maabutan siya pero iniistart niya na ang makina nito.

"Walanghiya! Hindi ko naman guguluhin ang moment nilang dalawa. Sayang naman ang gas."

Hinayaan na lang iyon at nagpahatid ako kay manong na nakasimangot. Sayang, libre sana manuod ng romantic movie.

"Ma'am, sabi ko naman sa iyo, bawal ang nakasimangot kapag nakasakay dito. Dapat nakangiti lang," awtomatiko akong napangiti sa sinabi ni manong.

"Paano po kung malungkot talaga ako? Ngingiti pa rin po ako kahit hindi masaya ang araw ko?"

"Ano naman ang problema mo, ma'am? Ang aga pa po ma'am, may problema ka na agad? Pero pwede niyo pong ikwento sa akin. Makikinig po ako."

I smiled, wider than the last one. "Wala po akong problema. Paano lang po kung gano'n?"

Napabuntong hininga naman si Manong na nagpatawa sa akin ng mahina.

"Akala ko naman ma'am may problema kayo. Lagot ako nito kay Sir."

"Huwag kayong mag alala kay papa at kuya, manong Ernesto. Protective lang sila. Saka normal lang naman magkaproblema."

"Oo naman, ma'am. Pero minsan, mas magandang ingiti mo na lang ang mga problema. Alam mo ba na tayo naman talaga ang may hawak sa kasiyahan at kalungkutan natin? Hindi naman tayo malulungkot kung iisipin natin ang mga masasayang bagay. Hindi tayo malulungkot kung pipiliin o gagawin natin ang mga bagay na talagang nagpapasaya sa atin. Minsan kasi, tayo ang nagdedesisyon sa mga bagay bagay."

"Kokontra po ako sa'yo manong," tumawa ako ng mahina at tinignan siya sa rear mirror para ipakita na rin ang respeto.

"Sa buhay po kasi, maraming dumadating na mga problema... Totoong tayo po ang magdedesisyon sa kung paano natin ito susulusyunan. At sabihin man ng ibang tao na ngumiti ka lang, magpasaya ka lang hanggang sa hindi na sumagi sa isip mo ang mga problema, ay parang niloloko na lang natin ang sarili natin..." huminto ako saglit para panuorin ang reaksyon ni manong.

"Dahil ang totoo po, hayaan mo ang sarili mong magpakalunod sa kalungkutan pero huwag mong hahayaan na hanggang doon na lang. Hindi po natin masasabi na puro saya lang ang mararanasan natin. Dahil sa buhay talaga, kakambal na ng kasiyahan ang kalungkutan. Hindi po natin masasabi na tama ang desisyon natin, dahil minsan, kung ano iyong alam nating mali, iyon pala ang tama at makakapagbigay ng saya at kapanatagan sa atin."

Natahimik si manong at nakangiti lang akong sinulyapan sa salamin. Ibang iba talaga ang pag eencourage sa akin ni Manong na minsan nagkakaroon ng tama ito sa akin. Nakakatulong din dahil kahit pagod sa trabaho, siya ang nagpapasaya sa akin.

"At bakit po tayo napunta sa usaping gano'n? Ang drama po ha!" Tawa kong sabi at tumawa rin si manong.

Hindi ko na nga minsan maisip kung mas matagal ko na bang kilala si manong Ernesto kaysa kay manong Bernardo. Hindi man na iyon nagtatrabaho sa amin dahil medyo matanda na siya at binigyan na lang siya ni papa ng negosyo, hindi ko pa rin makakalimutan ang kabutihan niya. Isa rin siya sa naging Uncle ko.

"Nandito na tayo, ma'am. Ngiti lang po. Mas lalo kayong gumaganda kapag nakangiti ka po."

"Maraming salamat manong. Ingat ka po."

"Ikaw rin, ma'am."

Nagpaalam na ako at pumasok na sa building.

Masaya akong binati ng mga empleyado. Ang iba pa ay nakakakwentuhan ko dahil kasabayan ko ito sa elevator.

Dumiretso ako sa opisina nila papa dahil doon ako nagtrabaho noong nakaraan. Kung matatapos naman ang mga gagawin ko roon ay tutulong ako sa mga empleyado.

I was about to open the door but someone made it inside. Akala ko si kuya pero ibang tao. May edad na ito pero nakapormal naman siya. Kilala ko na ang sekretarya nila mama pero hindi yata siya iyon.

"I'm sorry. Who are you? What are you doing here?"

"I'm the secretary of Mr. Suarez, ma'am."

Napakunot ang noo ko. Nilakihan niya ang siwang ng pintuan at may nakita akong nakaupo roon. Napalaki pa ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon.

"Hey, Miss Alcantara," sabi ni Greg at prenteng nakaupo sa swivel chair.

Ibang iba ang awra niya ngayon dahil sa damit niyang suot. I've seen him on his suit but today, he looked more professional. His appearance is intimidating and more on a strict businessman.

"If you'll excuse me, ma'am..."

Tumango na lang ako at umalis na ang sekretarya ni Greg. Nagdadalawang isip naman akong pumasok sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako roon o didiretso na lang sa ibang departamento para matulungan ang mga ibang empleyado.

Hawak hawak ngayon ang door knob at napagdesisyonang mamaya na lang siguro ako babalik dito.

"What are you doing, Miss Alcantara? Aren't you going in?" He asked as he raised his right eyebrow.

"Ahh, babalik na lang ako mamaya. Baka makaabala sa'yo."

"Tita left you some works. You need to finish it today and give it to me so I can review it," he said in a serious voice and continued his works.

I went inside so I cannot disturb him anymore. I don't know what paper he is working on but I don't want to cause any trouble.

Kinuha ko ang mga papel na tatrabahuin ko. Nasa mesa iyon kung nasaan si Greg kaya dahan dahan akong pumunta roon na hindi naririnig ang anumang pagtapak ng heels ko sa sahig. Napapahinto pa minsan kung may biglang ingay ang narinig. Tahimik ang buong paligid kaya ayaw kong makagawa ng kahit anong ingay. Nakakahiya.

"What are you doing?" Tanong nito sa kalagitnaan ng paglalakad ko.

Naiwan pa sa ere ang kanang paa ko dahilan kung bakit ito nakatingin doon. Kumunot pa ang noo nito bago tumingin sa akin.

"I d-don't want to cause any noise so..."

"It's not a problem so it's fine for me. Unless, you talk so loud and I won't hesitate to throw you outside," masungit nitong sabi.

Umirap naman ako sa kawalan at nagpapadyak na kinuha ang mga papeles sa mesa. Hindi na nag abala pa kung maingay ang tunog ng paghakbang ko. Pagkakuha doon, inirapan ko siya muli at nakataas naman ang kilay nitong nakatingin sa akin.

"Where are you going?"

"Magtatrabaho malamang."

"At saan? Maluwang ang mesa rito. Huwag mong sabihin doon ka sa labas?"

Tinaasan ko siya ng kilay bago ito sinagot. "Maluwang ang sofa roon kaya doon ako magtatrabaho. Nakakahiya naman sa iyo kung sisingit pa ako rito."

"Ok, if that's what you want." Kibit balikat nitong sabi.

Nagmake face ako at dumiretso na sa sofa. Doon na lang ako.

"What are you doing here, but the way? Sa pagkakaalam ko, hindi rito ang kompanya mo?" tanong ko nang maalala kung bakit nandito siya.

"Masama ba na narito ako?"

"Hindi naman, pero bakit ka nga nandito?"

"I have a collaboration project with Chevin. Para iyon sa isang business niyo at mas mapapadali kung dito ako magtatrabaho."

"Ok."

"Ikaw? Mabuti at naisipan mong magtrabaho sa kompanya niyo. Magagamit mo ang profession mo."

"Huh?" lito kong tanong.

"I mean... Chevin told me last time that you were studying business and you graduated with flying colors."

"Ahh y-yes. I planned to continue my study there. Education is always my priority. Hindi naman iyon napagdamot ni Cedrix," nasabi ko pero naramdaman kong tumigil siya sa ginagawa niya.

I looked at him and he looked irritated. Kinabahan naman ako dahil baka may nasabi akong mali. Tumayo ito at akala ko lalapitan niya ako, pero hindi. Walang pasabi itong lumabas at medyo padabog pa ang pagsarado ng pintuan.

Nagtaka ako sa reaksyon niya pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi ako humihinga. Napabuga naman ako ng hangin.

Kung kanina, feeling ko ang sikip nitong silid na ito pero ngayon, parang nakahinga ako ng maluwag. Parang biglang lumuwag ulit at ang komportable.

Tumingin na lang ako sa mga paper works at nagpokus na lang sa pagrereview doon.

Nang halos natapos ko na at wala pa si Greg ay nagdesisyon akong lumabas. Kung hindi ko kasi ito kakausapin at tatanungin kung may problema ba, ay baka mabadtrip siya sa akin. Kahapon pa siya e.

Saktong tatayo na ako sa sofa nang bumukas ang pinto. Lulan nito si Greg na diretso ang tungo sa mesa niya. Hindi niya ako pinansin kaya nilapitan ko na ito.

"May problema ka ba sa akin? May sinabi ba ako? Ganiyan ka na naman kahapon e," nakapameywang kong tanong.

He chuckled but when I looked at him, he stopped it. I don't get why he was laughing and I cannot see something to begin a joke too.

"May nakakatawa?" mataray kong tanong at sinandal na ang dalawang kamay sa mesa.

"Wala naman," patay malisya nitong sagot at tinuon na ang pansin sa ginagawa niya.

I looked at him in disbelief. I don't know his problem but if he wants to play a childish game with me then I am free.

Tinititigan ko lang ito hanggang sa tapunan niya rin ako ng tingin.

"What?" maang maangan niya na namang tanong pero natatawa.

"Nakakatawa?"

Tumawa ulit ito pero sinagot din ako. "You looked cute but at the same time, you looked like my mother. Try to put your hand in your waist then make your face angry."

Pinakita ko sa kanya ang mapang asar kong mukha.

"Ganito ba?" masungit kong tanong.

Tumawa lang ito at hindi na ako pinansin ng yabang na ito. Tinuon niya na lang ang pokus sa ginagawa niya. Padabog akong umalis doon.

Nang palabas na ako, nagtanong ang yabang.

"Where are you going?"

"Tutulong sa ibang empleyado. Bakit, sasama ka?"

"You double-check your works so I could review it easily."

"Tapos na."

"It is a big project so I don't want you to just look at it. I want you to focus on this. Tignan mo kung may mga kailangan bang iimprove or bawasan para alam ko at pag isipan din ito. I trust this to you, Miss Alcantara."

"Sige, pero mamaya na."

"Now, Miss Alcantara!"

"Oo na. Pwede namang ikaw na lang ang gumawa. Ikaw naman ang may alam diyan." Pabulong kong sabi habang nilalapag ang mga sandamakmak na dokumento at papeles sa hita ko. Nabasa ko naman na 'to noong nakaraan ah!

"What did you say?"

"May narinig ka bang sinabi ko?"

"I heard you murmuring."

"Narinig mo pala, itatanong mo pa."

I read the paperwork and the documents again and again. I checked every detail and listed down the information that needed to review. I also put my opinions on their project but it's up to Greg if he will consider it. I am no Architect but I just saw some things to be considered with.

"What do you want for lunch?" I jumped in shock when Greg asked me.

Malapit lang ito sa akin at nakaupo na siya sa sofa arm. Naaamoy ko rin ang pabango niya na hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Amoy baby.

Masyado na ba akong nagfocus sa pagbabasa at hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya sa akin?

"Ahh k-kahit ano. O kung ano sa'yo ganoon lang din sa akin," sabi ko dahil hindi naman ako mapili sa kinakain.

"Ok then. Rest for a while, I'll just make a call to deliver our foods," he said and I nodded.

Pinagpahinga ko ang ulo ko sa backrest ng sofa. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng leeg ko at baka nangawit ito. Nasobrahan yata ako.

"We'll just wait a few minutes at idedeliver din agad sa atin," malumanay nitong saad at umupo sa tabi ko.

Napaayos ako ng upo. Isinandal niya naman ang likod ng ulo nito sa backrest ng sofa. Animo'y pagod na pagod sa trabaho.

"Gusto mong sumama pagkatapos ng trabaho?" biglang tanong nito at tumingin sa akin. "Sa bahay. Para makita mo ulit ang christmas tree," nakangiti nitong sabi.

"P-pwede... doon sa tambayan ni lolo mo? Kung ok lang sa iyo... gusto ko lang mag unwind. Dami nang pumapasok na kung anu ano sa utak ko..."

"Sure. No problem."

"Thank you."

Naging tahimik na naman pagkatapos niyon. Nakapikit na muli ang kanyang mga mata at hindi ko man sinasadya, hindi ko mapigilang matuwa na malaya kong napapanuod ang kanyang mukha.

Kapag gising masungit itong tignan. Kahit ba naman sa pagtulog, masungit pa rin ito?

"I told you, if I have something in my face, you are free to remove it. If you want to do something in my face, then feel free to do it," saad nito pero nakapikit pa rin ang mga mata.

"What are you talking about?"

"You looked like you love to watch me asleep," nakangisi nitong tanong pero hanggang ngayon nakapikit pa rin.

"I'm sorry?" depensa ko.

Tumingin ito sa akin saka bumangon. "Nothing. I just go outside to see if our foods arrived."

I shrugged. I opened my twitter account to do something. I scrolled and saw nothing but when I was about to exit it, I saw an article about Greg and so I got curious and I tapped it.

I know that he is a famous one but I didn't know that someone would do something to invade his privacy. Akala mo artista na sinusundan kahit saan.

Ang article na ito ay may kabit daw si Greg. Ang sabi pa rito, ang babae raw ang dahilan kung bakit medyo depress ang fiancee ni Greg at si Liezle nga iyon. Nagsalita rin si Liezle na nagiging shaky ang relasyon nila. Hindi ko sana papansin pero ang picture na ginamit ay iyong kahapon na nakasakay ako sa kotse niya. Umaandar siguro ang sasakyan kaya medyo blurred ang larawan pero pwede na sinadyang iblurred iyon.

Mag iiscroll pa sana ako para magbasa ng comment nang dumating si Greg. Pinatay ko na ang phone ko at nilagay ito sa bag.

"May problema ba?"

"W-wala naman."

"Sorry, medyo natagalan ang nagdeliver."

"Ok lang."

Kumain kami na iniisip pa rin iyon. Paminsan minsan ang pagtatanong niya sa akin ng mga ginawa ko noon sa ibang bansa pero masyado akong occupied para sagutin siya ng matino.

Kung may relasyon naman pala sila ni Liezle, bakit pa nito dinedeny? Hindi naman ako magagalit. At kung totoo nga rin ito, dapat bawasan ko na ang pagsama kay Greg.

"May problema ka ba? Ang lalim yata ng inisiip mo?" tanong nito habang nililigpit namin ang pinagkainan namin.

"Hindi... sorry."

Kung totoo iyon, siguro huli na ang pagsama ko sa kanya mamaya. Nakakahiya rin naman kung biglang magbago ang isip ko. Ako na nga ang nagrequest sa kanyang pumunta roon ako pa ang magcacancel. At bilang respeto na rin sa relasyon nila, dapat hindi na ako dumidikit sa kanya.

"Tapos mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" nahihimigan ko ang malambing niyang boses. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang naririnig ko pero gano'n ang pumapasok sa tenga ko.

"Oo."

"Give it to me," sabi nito sabay lahad ng kamay. "If you want to go outside, you can do it. I'll call you if we need to go."

"Ok, thank you."

Lumabas ako ng opisina pero halata ko ang mga matang nakamasid sa akin. Hindi ko na ito pinagtuonan ng pansin at lumapit na sa mga naging kaibigan ko na empleyado.

Awkward naman silang napatingin sa akin kaya tinignan ko sila na nagtataka.

"Sorry agad, Blayr ha! Pinag usapan ka namin. Jowa mo ba si Sir Greg? Kanina pa kayo magkasama diyan. Binilhan ka pa yata ng lunch," straightforward na tanong ni Russell.

"Magkakilala na kami dati at walang malisya doon."

"Hindi kayo magjowa? Bagay pa man din kayo."

Sinagot ko na lang sila na hindi pero hindi sila naniniwala. Kahit tinutulungan ko na sila sa ginagawa nila, pinag uusapan pa rin nila kami. Pinagpustahan pa nga!

Hindi ko rin namalayan na mag aalas kwatro na pala dahil sa kakulitan ng mga kasama ko. Kung hindi ko lang nakita na nagsisitayuan na ang mga ibang empleyado, hindi ko pa malalaman.

Saktong pagkatayo ko, nasa likod ko na si Greg. Mag iistretch pa sana ako pero nakakahiya kung gagawin ko sa harap niya.

I can also feel that some employees are watching us. Ito pa ngang mga katabi ko, naghahagikgikan na. Paano pa kaya ang iba? Baka nagbubulungan na.

"Nakuha ko na ang bag mo para hindi ka na bumalik. Let's go," aya nito sa akin at binigay ang bag.

"Magpapaalam lang ako."

Tumingin ako sa mga kaibigan ko pero parang kinikilig ang mga ito. Kulang na lang magsisigaw para maexpress nila kung ano man ang nararamdaman.

"Alis na ako. Ingat kayo," sabi ko at halos ipagtulakan nila ako.

"Sige. Ingat kayo girl," ani Rose na tumili na. Umiling lang ako sa ginawa nila.

Pasakay sa elevator, naabutan ko sina Keila at kuya. Awkward ang dalawa kaya nangingiti akong tumingin kay Keila. Yumakap pa ako sa braso niya pero namumula ito. Huli ka!

"Saan punta niyo kuya?" asar ko.

"Ihahatid lang si Keila. Kayo, saan ang punta niyo?" taas kilay nitong tanong at sinulyapan ang katabi kong si Keila.

Kinikilig ako sa kanila pero hindi ko pinapahalata para hindi mahiya si Keila. Akala mo binudburan ng asin e!

"Sa tabi tabi lang," pang aasar ko.

Hindi naman na sumagot si kuya kaya si Keila naman ang pinagdiskitahan ko. Sinusundot ko siya sa tagiliran niya.

"Stop that, Blayr. You are making her uncomfortable," sita ni kuya.

Nagpout ako at tumingin kay Greg pero umiling lang ito. Tumingin ako kay Keila pero natatawa naman ito.

"Oo na, porke ano lang e!"

Pagkarating sa parking lot, nagpaalam ako kanila Keila at kuya. Inasar ko pa sila para tamang ganti lang.

Pinagbuksan ako ni Greg ng pintuan saka umayos naman siya sa kanya.

"Daanan lang natin ang pagkain na pinahanda ko."

"Ok."

Dinaanan namin ang pagkain na pinahanda niya. Nasa basket ito at kita kong marami iyon. Mauubos kaya iyon?

Isang oras halos ang biyahe namin at ang sakit ng pwet ko na nakaupo lang pero worth it naman dahil nakikita ko na agad ang sunset. Kulay kahel na hinaluan ng magandang kulay asul na kalangitan. Ito ang pinakagusto ko sa lahat ng kulay kapag papalubog ang araw. Nagbibigay ng kapayapaan, hindi lang sa lugar kundi sa isipan.

Greg arranged the blanket and I volunteered to help him. We organized the foods before we went near the river.

Seeing the reflection of the sunset in the river reminds me of what happened here 6 years ago. On how he brought me here... on how he confessed his feelings to me.

"How's your lolo?" I asked when I remember him."

"He's fine and he is too old to do anything. But we went here last year. He missed my grandma."

Nilingon ko siya at malungkot ko itong tiningnan.

"Don't be sad. If you want, we can visit him. He wants to see you."

"Talaga? Bukas, wala akong gagawin."

"Ok then. But I need to finish my works at the office first before I pick you up. Hintayin mo na lang ako sa bahay niyo.

"Ok." I smiled.

The silence grew in between us. We watched the sunset silently and no one dares to talk to. I closed my eyes indulging myself to feel the rays that brightly touching my face and it feels like the complicated things in my mind got vanished.

"I hope I can still prove myself to you," rinig kong sabi ng katabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro