Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

Kabanata 24

"I want a serious practice and I want you all to give your best. Ayaw ko ng lampa at pangit ang performance dito. Ayaw ko rin ng attitude lalo na't malaking event ito. Entendido?"

Naririnig ko na ang sermon ni Sason sa mga modelo. Tumakbo ako papunta sa room na 'to dahil late na ako sa nakatakdang oras ng practice. Hindi ko naman ineexpect na ala una na pala ng madaling araw noong nanunuod pa ako ng movie. Akala ko maaga pa.

I opened the door and all eyes on me. Nasa akin din ang masamang tingin ni Sason.

"Ayaw na ayaw ko rin ang nalalate sa practice. I won't tolerate it even if you are so good and a well-known model," pasarkasmo nitong sabi at inirapan ako.

Agad niya rin namang iniwas ang tingin at bumaling na sa mga modelo. Pumalakpak pa ang mga kamay na tila mag uumpisa na.

Hindi na siya pinansin at umayos na lang sa likod para makinig sa kung ano pang gagawin namin. Ngunit, hindi nakaligtas ang pagpaparinig ng mga kasamahan ko sa akin. As if I will give my attention to their shit.

The lessons I taught in modelling is never giving time to the people who know only to make your life miserably. Mga nagpapansin at naninira ng tao. Mga naiinggit at gahaman sa kung ano ang naabot mo. Mga taong gustong makilala sa pamamagitan ng pagbaba sa isang tao.

I experienced many incidents. I even fell on the stage, someone tripped me and someone even made a ploy because they didn't want me and they only want the position from me. But those moments didn't make me weak. Instead, it made me wiser on how to choose friends and on how to handle the situation. Also, choose an enemy that makes you gain wisdom, not those people who make you more stupid.

"You will be the last to enter the stage," Sason pointed me but looked immediately to the models. "You will model two branded clothes. Some of you may think that it's easy but I will pick three ladies to model my sister's designed gown. So, you better give your all."

Nararamdaman ko ang masamang tingin nila sa akin pero naghagikgikan din naman ang tatlong babae sa tabi ko. Sa pagkakaalam ko, marami ring mga kompanya ang kumukuha sa kanila. I saw them in one magazine na dinala ni mamang sa America. But somehow, they couldn't make it international. I didn't know why, but I won't pity them. They have time and the only matter is patience. They need to wait. They will shine at the right time.

"Ok, ok, get ready. Go to your position!"

I moved to my position so I could wait my turn. May isang lalaki naman ang tumabi sa akin at tila nahihiya ito dahil hindi makalapit sa akin. Siguro siya ang partner ko.

I approached him. "Are you the last one to ramp for male?"

"Y-yes. Ahh hello, my name is Dennis Serrano."

"Nice to meet you, I'm Blayr," I introduced.

"Do you have any idea or position in mind? I mean, a pose that we need to do on the center."

"Do you have?" I asked. I can say that he has something on his mind.

"If you don't mind, I'll teach you... I hope you won't get uncomfortable."

Tinuro niya sa akin ang naiisip niya. Noong una, umayaw ako. Paano ba naman kasi, uupo ako sa hita niya at mag aact kami na parang gustong gusto ang isa. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong runway at mas sanay ako sa simpleng rampa lang. Wala yata akong maalalang ganoon at sa mga magazines lang ako nakakakita dahil sa mga photoshoot. Hindi naman ako nakaangal dahil halos ang ibang magpapartner ay ganoon ang ginawa. Nailang tuloy ako sa partner ko.

Bago kami nagsimula sa pagrampa, umalis na si Sason at binilin niya kami sa organizer niya. Naging excited naman ang tatlo dahil kilala yata ang namamahala.

Pinarampa niya kami isa isa at napansin ko na ang isang babae sa tatlo na nasa harap namin ay walang kapartner. Hindi yata pwedeng walang kasama sa pagrampa.

Naalala ko naman si Greg at kanina ko pa napansin na wala siya rito. Inaamin ko sa sarili ko na siya ang unang hinanap ko pagkapasok pero nadismaya nang wala siya sa silid. Akala ko ay kasali siya rito pero alam kong masyadong siyang maraming ginagawa para lang sa isang bagay katulad nito. Kilala niya lang siguro si Sason dahil kay Kate na girlfriend ni Cedrix.

"Next please," announce ng organizer saka rumampa ang nasa harap ko. Nagpaharap kami ng kaunti para humanda na rin.

"Hope you'll not get uncomfortable." Tango lang ang naging sagot ko.

"Ok, next please!"

Rumampa naman kami agad pero napahinto ako dahil sa mga bagong dating. I saw Jaye, standing beside Greg. May kasama rin silang isang lalaki pero hindi ko kilala. What is she doing here? At kailan pa sila naging close? The last time I checked, pinabili lang ito ni Greg ng napkin.

"What are you doing, Miss? Bakit ka naman huminto sa kalagitnaan? You look unprofessional. Ganiyan ba ang mga modelo sa ibang bansa? O baka ikaw lang ang ganiyan?" Nangangalaiting sigaw ng organizer.

"Sorry po," hingi ko na lang paumanhin. Ayaw ko ng gulo.

"Bumalik kayong lahat doon at ulitin niyo mula umpisa."

Napapikit ako sa sinabi ng organizer. Baka ako na naman ang pagbuntungan ng galit ng mga kasamahan. Maiinis na naman sila sa akin.

Bakit ba kasi ako huminto? Nagulat lang naman ako dahil kasama ni Greg si Jaye.

Tumalikod na ako para bumalik sa dating pwesto. Naririnig na naman ang usapan sa mga kasama at kung paano silang naiinis sa akin. May pasimpleng irap pa pero hindi na sila pinansin.

Nag umpisa kaming muli at nang kami na ulit ang rarampa, ay nagpokus na ako. Hindi na tumitingin sa iba at diretso na lang ang tingin.

"Ayusin mo, Miss. Ikaw ang manguna rito dahil nakapagmodel ka na sa ibang bansa."

I did my usual ramp and when we reached the center, we did our stunt. Hindi na ako nahiya at binigyan na lang ng feelings ang gagawin namin. Mukhang professional din naman ang kasama ko at magaling siya dahil nabigyan niya ng buhay ang ginawa namin. Pagkatapos doon, nagpose kami ulit at nakita ko naman ang pagpalakpak ng assistant ng organizer. Blankong mukha naman ang sa organizer.

Bago ako tumalikod, nahagip ng mata ko ang banda nila Greg at tila galit ito. Hindi ito nakatingin sa akin kundi sa kasama ko. Hindi ko alam kung may sama ng loob ito sa partner ko pero halos galit naman siya sa tuwing nakikita ko siya. Ewan ko nga kung parating may red days.

"Ok, very good, Miss. I like your ramp but more feelings."

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. I remember what mamang Pokz said, "If someone bash and hate you because you can do something they cannot do, don't think that you're not good about it. Instead, do yourself a favor and that is to perform better. It will make them hate you more but one day, you will see them praising you and loving you for showing what you got."

If these people are hating me because I can do better than them or they just hate me because of who I am, then I will do my very best so I can piss them more. Instead of giving my precious attention, I will focus on gaining recognition.

The organizer talked to Greg. They are happily chatting and I couldn't help but be jealous of that organizer. Paanong nakakapag usap sila ng maayos at masaya pero sa akin, parang galit na animo'y malaki ang kasalanang nagawa.

Sumulyap si Greg sa gawi ko at mabilisan akong umiwas ng tingin. Kunwaring nakikipag usap sa partner ko pero hindi ko naman siya kaclose at iba talaga ang kaniyang kausap.

Iba iba ang kanilang usapan kaya hindi ako makasabay. Hindi ko na rin namalayan ang paglapit nila Greg at Jaye sa tabi ko. Lumipat ako sa ibang pwesto pero hinila ako ni Jaye. Tumingin ako sa kanya pero inirapan niya lang ako. Sinulyapan ko naman ang katabi niya pero nandoon pa rin ang galit na ekspresyon na.

Kanina sa partner ko may galit, ngayon naman, sa akin. Iyong totoo? Galit ba siya sa lahat ng tao? Pero masaya naman siyang nakipag usap sa organizer eh!

"Wala akong kakilala rito. First time ko rin sa mga malalaking kompanya kaya kinakabahan ako. Huwag mo akong iiwan, kundi, lagot ka sa akin," pabulong na banta ni Jaye.

Hindi ako natinag sa sinabi niya. Hindi naman iyon seryoso at alam kong kinakabahan lang siya. Ako rin naman, ganiyan na ganiyan ako noong una kong sabak sa pagmomodelo sa ibang bansa. Halos malalaking kompanya at branded kasi kaya natakot ako noong una.

"Just be yourself. Huwag kang magkunwari at mangopya ng rampa ng ibang modelo. Gawin mo ang sarili mong style para hindi ka magkamali at kabahan," pabalik kong bulong kay Jaye. Ngumiti at kinindatan ko siya nang irapan niya ako.

Pumwesto na kami nang pumalakpak ang organizer. Hudyat kasi iyon para umayos na kami.

"Ok, we have a new partner and they are Jaye Castillo and Aldrich Nicolas."

Binati namin sila pero kapansin pansin ang hagikgikan ng tatlong babae sa harapan namin. Iyong isa parang kilig na kilig. Baka kapartner niya kasi si Greg kaya ganiyan. Kasi siya lang naman ang walang partner. NapakaOA!

"And for Mr. Serrano, I'll change your position. You will be the second to the last to enter the stage together with Miss Torres," announce ng organizer. Napapakamot pa sa ulo na tumango si Dennis at dismayado naman ang mukha ni Aimee Torres.

Napakunot naman ang noo ko. Sino ang magiging partner ko? Si Greg? Bakit sila nagpalit ng partner? Iba ang nakalagay sa details na binasa ko sa email ko. Si Dennis talaga ang partner ko.

"Ahm, excuse me. Why the sudden change of partner? I don't think it's Mr. Suarez is my partner. Sa pagkakatanda ko, si Dennis ang partner ko."

"Mabuti nga at sa kanya napunta. Aarte pa!" Pabulong na usap usapan ng mga babae. Bubulong na nga, naririnig pa!

Hindi ko na sila tinignan at hinihintay na lang ang sasabihin ng organizer. Hindi naman sila sumagot at nakatingin lang kay Greg. Kaya sa kanya ako tumingin. Huminga naman siya ng malalim bago ako sinagot.

"I know you Miss Alcantara and I am comfortable with you. Hindi naman masama kung tayo ang magkapareha, hindi ba?" Nakataas kilay na tanong ni Greg at lumapit pa sa akin.

"In modelling, it's not about whom you get comfortable. Hindi porke kilala mo ako, sa akin ka na papareha. Unfair naman doon sa nakakuha ng posisyon mo. At sana sinunod mo na lang din ang details dahil nakagawa na kami ng partner ko ng mga gagawin namin."

"Then I will learn your stunts. Tutuladin ko na lang para magawa natin. Madali lang naman at kayang kaya ko iyon," mayabang na sabi ni Greg at tumingin sa mga organizer. "The problem is solved. Kaming dalawa ang magkapareha."

"Ahh o-ok. Go back to your position!"

Nagsinghapan naman ang mga babaeng nasa harap ko pero pumunta rin sa posisyon nila. Lingon naman nang lingon si Aimee sa amin kaya naiilang ako.

"Let's practice. Baka magkamali ako," bulong ni Greg na nagpasinghap sa akin. Nakahawak din kasi ito sa beywang ko kaya nagulat ako at lumayo sa pwesto niya. Binalik niya rin naman ako dahil nandoon pa rin ang kamay niya.

"A-akala ko ba y-yakang yaka na iyon sa'yo?"

"Why are you stuttering? And don't you want to practice with me? Kaunting scene lang naman, madali lang iyon."

"Ikaw na ang nagsabi na alam mo iyon. Kung hindi mo pala alam ang gagawin, ibalik mo na lang sa dati ang partner ko."

"I don't want to. At hindi na natin kailangan magpractice, kayang kaya ko na iyon. Sumabay ka lang sa akin."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at naghintay sa oras namin.

"Ok, last please!"

Rumampa kami at gaya nga ng ginagawa namin ng partner ko ay niyakap ko ang mga braso ko sa kanyang leeg. Uupo na sana ako sa hita niya pero hinawakan niya ang kaliwang legs ko. Masyado iyong intimate at sa ginagawa ni Greg, nakalapit pa ang mukha sa bandang leeg ko at kaunting distansya na lang ay mahahalikan niya na iyon. Hindi naman ako makapagbigay ng emosyon dahil kinakabahan ako. Kinakabahan na baka marinig niya ang pintig ng puso ko.

Binitawan niya ang legs ko at ngumisi lang ito. Nawala naman ako sa postura pero naibalik ko rin naman agad at nakapagrampa ng maayos pabalik. Muntik nga lang akong matumba nang palapit na ako sa backstage. Mabuti na lang at nasalo ako ni Greg. At sa dinami rami ng tao, siya pa ang sasalo.

"You better watch out your steps. Huwag ka ring kabahan, nandito naman ako."

Bakit naman ako kakabahan?

Umirap ako at umalis na sa pagkakahawak niya. I should not involve myself to him. Because the more I get near to him, the more the girls would love to throw nonsense words. And the more I approach him, the more my heart beats for him and only him.

I should always remind myself that he has someone he loves. That he moved on and they are going to marry each other in time. Hindi ko lang maiwasan na makalimutan iyon sa tuwing malapit siya. Na kagaya ng dati, siya iyong Greg na masayang pinapaalala ang mga bagay na sa akin nagpapasaya.

Lumapit ako kay Jaye pero naririnig ko ang yabag ng paa ni Greg na sumusunod sa akin. Hindi na siya sinulyapan at tumungo na lang kay Jaye.

"Are you comfortable here?" I asked her because she is sitting alone and distant to our co-models.

"Huwag mo nga akong iniingles. At ayaw nila sa akin dahil hindi naman daw ako maganda at mayaman katulad nila. Like duhh, I don't care! Nandiyan ka naman kaya ok lang ako. Maliban na lang kung gusto mong pumunta roon," pairap na sabi ni Jaye at humalukipkip sa upuan niya.

Napangiti naman ako sa kaniya. Naalala ko kung gaano siya katapang noong mga bata pa lang kami. Hindi naman sa nakakatuwa dahil may katapat na siya, but I am just happy because she can rely on me and I think she is considering me as her friend.

Jaye was not that bully. Puro parinig lang siya noon kaya hindi ko pinapansin. Minsan lang naging pisikal noong nakita kong sinasaktan siya ng nanay niya. I understand her and will always understand her and other people for what they have experienced and their pain.

"Huwag mo rin akong nginingitian diyan. Hindi porke boyfriend mo iyang si Greg ay nagmamaganda ka na."

"Hindi ko boyfriend si Greg," agap kong sabi.

Umirap ito sa akin. "Sus, dinedeny mo pa. Alam ko namang crush na crush mo siya noon."

"I'm not denying it. He has a fiancee and you should respect it."

"Ang sabi ko, huwag mo akong iniingles. Alam kong ikaw ang fiancee niya. Tanong mo pa diyan sa katabi mo."

Napalingon naman ako sa katabi ko pero tumingin ulit kay Jaye.

"Kung nagbabasa ka ng magazine or nanunuod ka ng mga interview, alam mong iba ang fiancee niya. At saan mo naman nakukuha ang mga balitang ganiyan."

"Alam kong sikat na itong si Greg at kilala na siya dahil magaling siya bilang arkitekto, pero wala yata akong narinig na mag aasawa na ito. Pero alam ko lang na ikaw ang girlfriend niya. Hindi naman siguro kayo nagbreak, hindi ba? Nagmodel ka lang sa ibang bansa kaya LDR kayo at fiancee ka na niya ngayon."

"Hindi ko siya boyfriend kaya walang naganap na LDR. Mayroon siyang fiancee kahit tanungin mo pa sa kaniya," sabi ko sa kanya pero narealize ko na para kaming mga bata sa pinaggagawa namin.

Narealize ko rin na parang wala ng feelings itong si Jaye kung makapagsalita kay Greg. Dati, akala mo kung sino na may relasyon sa kanya at kung paano itong malandi na lumalapit kay Greg. Ngayon, parang tropa tropa na lang.

Napatalon ako sa gulat nang hawakan ni Greg ang beywang ko. Nakangisi pa ito at kung hindi mo kilala ay aakalain mo na parang may masamang gagawin sa akin. May sasabihin sana ito pero natigil lang dahil tinawag na kami ng organizer para sa practice namin.

Nagpatuloy kami sa ensayo at patuloy pa rin ang pagtibok ng puso ko kapag malapit si Greg sa akin. Patuloy pa rin ang kaba ko sa tuwing ginagawa namin ang pose namin. At patuloy pa rin akong umaasa sa isang bagay na hindi ako sigurado kung totoo at tama ba.

Paulit ulit ang ginagawa namin at natigil lang iyon hanggang sa nasiyahan at kontento na ang organizer sa ginawa namin. Babalik kami bukas para sa huling practice dito at sa susunod naman ay doon sa paggaganapan ng event.

Inayos ko ang mga gamit ko at nagpahinga muna saglit sa isang upuan. Natatanaw ko naman ang kumpulan sa malapit sa akin at naririnig ko ang pag uusap ng mga babae kay Greg. Iba talaga ang karisma.

Tumabi si Jaye sa akin at nakita kong umiinom ito. Naramdaman ko naman ang tuyong lalamunan ko at nauuhaw tuloy ako. Wala akong baon at wala akong nakikitang water dispenser dito. Bababa na lang siguro ako para bumili at diretso na ang uwi.

Tumayo na ako at sumunod rin naman si Jaye. Tinitignan ko siya na nagtataka.

"Uuwi ka na ba? Sasabay ako pababa. Nakakahiyang bumaba mag isa," ani Jaye.

"Gusto mong sumabay sa akin pauwi sa inyo?"

"Hindi na, may pupuntahan pa ako. Pero pwedeng kunin ang number mo? Para matextan kita at may kasabay akong aakyat pataas bukas."

Tumango ako at binigay ko naman agad ang number ko. Siya lang naman at hindi naman siguro ipagkakalat ang numero ko. At sino naman ang kukuha, hindi ba?

Aalis na sana kami pero nakarinig kami ng bulungan sa mga babae. Didiretso na sana kami pero may pumigil sa braso ko... si Greg.

"Do you need water? Baka nauuhaw ka, may extra ako."

Hindi na ako nag inarte at kinuha iyon agad. Nauuhaw na ako at kung baka pa tumanggi, pag uusapan na naman. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat.

"Salamat! Kanina pa ako nauuhaw."

"Sana sinabi mo sa akin kanina pa."

"Nakakahiya," alinlangan kong sabi.

He only smiled at me. When he is about to start to talk again, someone's voice surmount the room. We looked at her and Liezle is smiling ear to ear.

"OMG! Blayr, I missed you. How are you?" Masayang bati nito at nakaakbay na ang mga kamay sa braso ni Greg.

Napatingin ako roon at tumingin din kay Greg na mariing nakatitig sa akin. He is licking his lip and trying to remove Liezle's hand.

"I'm fine and currently working here."

"Parehas pala kayo ni Greg. And but the way, I am sorry because we are in hurry. May pupuntahan kasi kami ni Greg. Mauuna na kami," paalam nito at hinihila na si Greg.

Tatango na sana ako pero mabilis na nahila ni Liezle si Greg. Animo'y may emergency dahil sa pagmamadali nito. Wala na rin naman kaming nagawa dahil nawala na sila sa paningin namin.

Mabilis ko ring naisip na totoo ang mga article. Na sila Greg at Liezle ay magfiancee.

------------------------------------------------------------

Hope you like the update. Don't forget to click the star and comment button. Thank you!❣

Also, try to read El_Alcaide's stories. I can assure you that this author has a good story and will teach you a life lesson and a satisfying plot twist.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro