Kabanata 23
Kabanata 23
After all those years, I didn't expect him to see in that manner. I practiced and memorized my lines when I'll see him, and not on that way but in a formal place. Hindi ko rin naman sukat akalain na hindi niya ako papansin. Akala ko ay magiging civil kami sa isa't isa.
"I wouldn't take the opportunity to this Sason Company if it weren't about your VS ramp. I wouldn't care about them but because you are my responsibility and I know that you love to be part of the VS ramp, I approached them," mamang said and irritation is evident to his face. "That Sason is full of himself."
Nakasakay kami ng elevator pero sa iba lumilipad ang utak ko. Iniisip ko pa rin kung bakit hindi niya ako matingnan na tila may sore eyes ako na mahahawaan siya.
"At ikaw naman, makiramdam ka. Gusto yata ng Sason na 'yon si Cedrix sa pamangkin niya kaya siya nagsusungit sa iyo. Alam niya siguro na wala na kayo ng Cedrix na iyon kaya siya nagkakaganiyan."
"Maayos naman po ang pagitan namin ni Cedrix, mamang. We part ways in a clear and good form. We are not holding any grudges with each other."
"I know, naiinis lang ako sa Sason na iyon."
Pagkalabas namin sa elevator ay nagpaalam na ako. May pupuntahan din naman sila mamang kaya nauna na sila sa parking area. Tinextan ko na rin naman agad si manong at naghihintay na ito sa labas ng kompanya.
Nakaplano na ang gagawin ko ngayong araw. At dahil tama ang timing na next week pa magsisimula ang practice ay makakapag gym pa ako. Dumiretso naman agad roon si manong pagkatapos kong sabihin na sa gym ang punta ko.
Masaya akong sinalubong ng may ari ng gym pagkapasok ko rito. Nakilala ko ito sa isa sa mga Fashion Show at naging kaibigan na rin. Nagsettle down lang dito sa Pilipinas dahil sa napangasawa na Pilipino.
"How are you, Abhram?"
"Well, I'm good and a twin is coming!"
"Wow, congrats! That's your prize for being a hardworking husband. Where is your wife then?"
"She's not here but she wants to drink tea with you. What's with your outfit by the way?"
"I'll message her and I'll keep up with her... and I went to some important meeting that's why I dressed up like this. I have spare clothes in my bag."
"Oh, okay! And thank you. My wife will probably happy to see you and I won't interfere on your date."
I shrugged on him and tapped his shoulder. I went to the locker room so I could change my clothes. Parati ring libre kapag naggym ako sa kanya noon sa ibang bansa. Offer niya sa mga nagiging kaibigan ng asawa niya. Well, sobrang bait nilang dalawa kaya naging takbuhan ko rin kapag may kailangan ako.
Lumabas na ako ro'n at may dumalong trainer sa akin. Inaassist ako sa gagawin ko. Nagwarm up muna ako. Umayos ako sa treadmill at inoperate ito.
Tatlumpung minuto ang lumipas, tinigil ko na. Lumipat ako sa kabilang banda para gawin ang karaniwang workout ko. Sometimes, I prefer battle rope because it's more beneficial and it activates my body and it's a fun and dynamic exercise.
Ginamit ko ang dalawang tali, nag ayos at nagsimula na.
"Good job, ma'am. Tama po iyan, but you should bend your knee a bit," ani nito na nakapwesto sa likod ko habang binebend ang tuhod ko.
Sinunod ko ang utos niya saka pinagpatuloy ang gagawin. Natigil lamang nang may dumaan na dalawang lalaki malapit sa banda ko. Kumaway si Cedrix pero dire diretso lang ang isa kaya hindi ako masyadong nakapagconcetrate. Hinawakan naman ng instructor ang kamay ko dahilan kaya napatingin ako rito. Akala niya siguro ay nagkamali ako kaya tinulungan niya ako.
"No, I'm alright. May kakilala lang kaya napatingin doon," naiilang kong sabi saka bumitaw sa pagkakahawak niya at medyo lumipat sa kabilang pwesto.
Nagtuloy tuloy ako habang nandoon pa rin ang gym instructor. Naiilang ako rito dahil sa paghawak hawak niya sa akin. Kakaiba lang ang pakiramdam ko dahil hindi naman ganoon ang mga instructor na nakasalamuha ko sa ibang bansa.
Sa sunud sunod na pag alog ko sa tali ay napapagod na ako. Ngunit gusto ko pa ring abutin ang oras na sinet ko. Malapit naman na ito kaya pinagpatuloy ko. Nasa likod ko naman ang instructor kaya naiilang ulit ako. Naramdam niya rin siguro ang pagod ko kaya hahawakan niya sana muli ang kamay ko pero may pumigil sa mga tali.
Napatingin ako roon at nagulat sa humawak. Hindi ko naramdam ang paglapit niya at kahit mga yabag ng mga paa ay hindi ko narinig. Nakatingin ito sa instructor pero masama ang binabaling nito.
"There's someone who needs your assistance there. This girl knows how to do this but if she'll make a mistake, I can help her," he said to the gym instructor with a scowl.
Umalis din naman ang instructor at lumapit sa babaeng bago pa yata rito sa gym.
"Gusto mo pa yata iyong lalaki na iyon ang mag assist sa iyo. Sa nakikita ko, kayang kaya mo naman ang ginagawa mo at hindi ka naman nahihirapan. At kung hindi mo napapansin, minamanyak ka na ng lalaki... O baka naman napapansin mo pero gusto mo lang kumuha ng atensyon? May tamang lugar diyan kung hindi mo rin alam," sabi nito at umupo sa malapit sa stool.
Hindi ito tumitingin sa akin kaya iniwas ko rin ang tingin sa kanya. Parang bumalik siya sa dati na hinuhusgahan ako na animo'y ginagawa ko iyon.
May galit ba siya sa akin? I know I did wrong. I didn't bid my proper goodbye to him knowing that he said his feelings to me. Hindi ko na rin naman iyon naisip dahil alam ko namang magbabago iyon. Alam ko rin naman na hindi pa iyon malalim, dahil unang una, atraksyon lang iyon na normal lang sa mga kabataan. At may iba naman na siya, hindi ba? Did he hold any grudges on me? Sobrang galit niya ba dahil pinagloloko ko siya? Pero kahit gano'n, tama pa rin bang sabihin sa akin ang mga ganoong salita?
"S-sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari noon. Hindi ko naman alam na gano'n... 'Tsaka, bata pa naman tayo noon... at nagbabago naman ang nararamdaman natin, hindi ba? P-pero kung may galit ka pa rin sa akin dahil naiisip mong niloko kita, ok lang... at humihingi rin ako ng tawad."
"What is the connection of that to what happened earlier? I didn't even think about that. And to make it clear for you Miss Alcantara, I don't have any grudges on you. Ano ako bata para magalit dahil lang sa hindi nagpaalam ang isang babae para magpakasal sa ibang lalaki? Spare your sorry because you did nothing on me," mariing sabi nito at aalis na sana pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ito. Agad rin naman napabitaw nang tiningnan niya ang mga kamay ko na nakahawak sa kanya.
"I-I'm sorry if I didn't bid my proper goodbye. I should have said it on that day I called you, but, I just thought it would be good if I won't say it."
"As I've said earlier Miss Alcantara, it's fine on me. Don't think about it too much. Matatanda na tayo at kaya naman na nating ihandle ang mga sitwasyon. Nagalit man ako sa'yo noon pero, hanggang doon na lang tayo. I moved on and I have someone I like."
Napahinga ako dahil parang nauubusan yata ako ng hininga. Kagat labi rin akong tumingin sa kanya pero binawi rin agad dahil mariin itong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero alam kong hindi abot iyon hanggang tenga.
Should I move on too? May gusto na siyang iba at kumpirma iyon na engaged na nga sila ni Liezle. I'm happy. I'm really happy with them. But I just can't be happy about myself. I'm jealous.
"Ahh... I'll just change my clothes. Tapos naman na ako at pawisan na rin kaya magpapalit lang doon," naiilang kong sabi dahil kinakabahan ako sa tinginan niya. Tila pinapanuod ang bawat ekspresyon ko at natatakot akong makita niya iyon.
"Ok then, Miss Alcantara."
"Ahh, you can call me Blayr. Masyado yatang pormal ang Miss Alcantara?"
Ngumiti lang ito at umalis na sa harapan ko. Hindi ko naman na hinabol dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi big deal sa kanya iyon, kaya dapat ganoon din sa akin. Kaso hindi lang ako sanay dahil masyado kong nagustuhan ang tawag niya sa akin na Blayrie noon.
Nagpalit ako ng damit dahil pinagpawisan ako at nagsuot na lang ng pants and tshirt. Pauwi na rin naman ako sa bahay kaya hindi na ako nag abala pang suotin ulit ang dress ko.
May kausap sila Cedrix nang lumabas ako. Hindi na sila pinansin dahil nakakahiya kung guguluhin ko pa sila at wala rin naman akong sasabihin.
"Hey, Blayr! Are you going home? Do you want to join us? Kakain kami sa labas. I'll treat you and formally introduce Kate to you. She wants to meet you and thank you because you helped us back then," aya ni Cedrix sa akin. I looked at Greg and he's making face like he doesn't want me to go with them.
"Ahh..."
"Huwag ka nang mahiya. We are friends, right? Huwag ka ring matakot kung may makakita sa atin. I'll explain it to them. Akong bahala sa iyo."
"Hindi ba pwedeng sa susunod na lang?" tanong ko.
If Greg would be there, I wouldn't know what to do. Parang napipilitan kasi ito na narito ako at hindi niya matagalan ang presensya ko. Kung mag aaya ako sa susunod, baka hindi na ito sasama.
"Kate will be busy and I am too. Magiging busy din kayo ni Greg dahil sa paghahanda niyo sa ramp ng tito ni Kate."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kasali si Greg doon? He's busy with their business and to his project. Why would he join a mere ramp? Or he is helping Sason because he would be a help to him and it would make Greg a talk of the town.
"Saan ba? May susundo kasi sa akin?"
"Boyfriend?" Tanong ni Cedrix.
"Hindi, hindi. Iyong driver namin. Siya sumusundo sa akin."
"Kita na lang tayo sa Italian Restaurant. Doon sa dati. Or tell your driver to follow us."
"Ok then."
I waited for my driver in the parking lot. He went to his son's school and he needs to pick them up. Pinayagan ko na ito dahil malapit lang naman.
Nakapalumbaba ako habang hinihintay si manong. Napansin naman ang isang pares ng sapatos sa tabi ko. Sinulyapan ko ito at si Greg iyon. Napaatras pa ako dahil sa gulat sa kaniya.
"Bakit hindi ka sumabay kay Cedrix?"
"I don't want to leave you alone here. Kargo de konsensya ko pa."
"H-hindi naman magiging delikado para sa akin dahil maraming tao ang dumadaan."
"Even so."
Tumahimik ako sa isang tabi at kinokontrol ang sarili. Sino'ng hindi kakabahan kung kasama ko ang taong nagpapatibok ng puso ko? Ngayong nandito siya sa tabi ko, baka maibulalas kong gustong gusto ko siya.
Magsasalita na sana ako pero sakto ang dating ni Manong.
"Ahh sir," parang gulat na gulat na sabi ni manong. Nagbow pa ito pero umayos din agad at humarap sa akin. "Ma'am, pasensya na ho, medyo natagalan ho ang paglabas ng anak ko sa paaralan kaya nalate po ako rito."
"Ok lang po manong. Pahatid po sa restaurant," saad ko kay manong at lumingon kay Greg. Hindi ko alam kung sasabay siya sa amin.
"Sasabay ka ba sa amin?" Tanong ko.
"Hindi mo ba ako isasabay?"
"Ahh sabay ka na sa amin. S-sorry."
Nandiyan na naman ang ngiti niya at pumasok na sa front seat, sa tabi ni manong.
"Ahh sir... ibig ko pong sabihin ma'am, ba't hindi po kayo magtabi?"
"Nakisakay lang po ako manong. Magpokus na lang po kayo sa pagdadrive niyo." Si Greg ang sumagot.
It went silent until we reach the restaurant. Walang nagsalita kaya hindi na rin ako nag abalang magbukas ng bibig. Naunang bumaba si Greg doon at hindi na ako nilingon.
"Pasensya na ma'am, akala ko kasintahan niyo," napapakamot na sabi ni manong.
"Ok lang po iyon," sabi ko lang at bumaba na sa sasakyan.
I walked inside the restaurant. Nandoon na si Cedrix at Kate na prenteng nakaupo. They chose the four-seater table and I can't help but be nervous. But on the other side, Greg was nowhere to be seen. Hindi lang sigurado kung saan ito pumunta.
"Hi Blayr!" Paunang bati ni Kate.
"Hello! It's nice to see you again."
"Thank you for accepting my request to join here."
"I don't have anything to do. Besides, it's not good to refuse a blessing."
Napatawa naman sila kaya tumawa rin ako.
"What do you want babe?" Cedrix asked.
"Anything," Kate said and looked at me. "Blayr, you, what do you want to eat?"
"One Pasta Carbonara and apple juice."
Tumango ito at tinawag nila ang waiter. Habang sinasabi nila ang order ay saktong dating ni Greg. Akala ko ay umalis na ito. Umupo naman siya sa tabi ko pero hindi ako nililingon. Nagsisimula na naman tuloy ang kabog ng puso ko.
"Sorry, sinagot lang ang tawag ni mommy."
Lumingon si Kate sa kanya. "Bakit hindi mo pala inaya si Liezle dito. Sayang din at napakilala mo sana kay Blayr."
I was taken aback to what she said. I didn't expect her to tell it and I didn't even know na close pala sila ni Liezle. At bakit ko naman hindi iyon maiisip? Siyempre magkaibigan si Greg at Cedrix. Siyempre ipapakilala nila ang girlfriend nila sa isa't isa.
"She's busy," tanging saad niya lang.
"Congratulations pala, dude. Ang galing mo talaga. Sa iyo ko ipapadesign ang bahay namin," ani Cedrix at nag apir sila ni Greg.
Para akong invisible dito, hindi napapansin. Hindi ko rin naman alam ang pinag uusapan nila kaya hindi ako makasabay. At hindi rin naman pwedeng sumabat sa usapan nila kung hindi ka kasali.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila at kung paano nila batiin si Greg sa kung gaano ito kagaling sa mga arkitektura niya. Noon pa man, alam ko nang makikilala siya. Pareho sila ni kuya na pinaglalaanan ang pag aaral nila. Marunong silang bumalanse sa mga oras nila.
"Ikaw Blayr, kumusta ka na pala? Iba talaga kapag kilala kang model. You're so pretty din," magiliw na sabi ni Kate at sa akin naman tinuon ang pansin. Lumipat din ang tingin ng dalawang lalaki.
"Ahh, h-hindi naman."
"Si Faye? Kumusta na siya? Hindi ako tinatawagan ng babaeng 'yon. Ang alam ko rin nasa ibang bansa siya at hindi pa umuuwi."
"Ahh oo... Hindi ko rin alam noon na nagstay pala siya roon. Ngayon ko lang nabalitaan nang umuwi ako."
"If ever na she messaged you, can you please tell her to at least message me. I missed her."
"Ok, I will tell her," I said and I unconsciously looked at Cedrix.
Nakatingin lang ito sa kinakain niya. Tila may malalim na iniisip.
"And of course, I invited you because I want to thank you. Dahil sa iyo, nagkakaroon kami ng pagkakataon ni Cedrix na magkita. At dahil din sa iyo, kami pa rin hanggang ngayon."
I smiled at her. "I'm glad to help. Alam ko namang mahal niyo ang isa't isa... I don't like Cedrix and I know the feeling of being far to someone you like. Mahirap iyon lalo na kung hindi mo nasabi ang nararamdaman mo."
"Baka kung nagkagusto ka kay Cedrix, mahihirapan kami. Pero hindi rin naman yata ako papayag kung ganoon lang. But fortunately, iba ang gusto mo."
"Mabait si Cedrix pero hanggang kuya lang ang maituturing ko sa kanya at alam ko rin na nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin. At huwag kang mag alala, may iba akong gusto," sabi ko at ngumiti sa kanya.
Napatingin kami sa tumayong si Greg. Nagulat ako sa ekspresyon niya dahil parang galit pa ito. Wala namang tumawag o nagmessage sa kanya dahil hindi ko naman nakitang hinawakan niya ulit ang cellphone niya. Nagugutom na ba siya? Hindi pa kasi naibibigay ang pagkain namin.
"I need to go. Susunduin ko pa pala si Liezle. May date pala kami," ani nito at tila nagmamadali nang umalis.
Napalunok ako sa sinabi niya. Parang pinapamukha naman sa akin na may iba na siya.
"Mauna na ako. Bye bro, kate... mauna na ako, Miss Alcantara."
----------------------------------------------------------
Waaaah! Ewan ko kung sobrang lame ng update ko ngayon pero sana magustuhan niyo po.❣
Thank you po janelandar ClaritaBeler entotEnte lyneunzi and theabulan Napapansin ko po parati ang pagvote niyo sa story. Maraming salamat po talaga!❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro