Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

Kabanata 22

"I will accept the offer," I said when I called Mamang Pokz.

Kagigising ko lang at iyon agad ang naisip ko kaya tinawagan ko agad si mamang. It would be a great chance para masubukan ko ang modelling dito. Ilang buwan lang naman ito at hindi naman makakaabala para mawalan ako ng oras sa pamilya. Makakatulong din iyon para makarampa sa Victoria Secret Fashion Show. Kung papalarin kasi na makasama, mas maraming opportunity ang darating... Mawawalan ng oras mag isip ng kung anu ano.

"It's good to hear that. Good decision, iha," masayang sambit ni mamang.

"Thank you, mamang."

"I will inform them now and I'll message you the details so you can be prepared and know what to do."

"Ok po."

"Ok bye. Send my regards to Beatrice."

"Ok, mamang."

Binaba ko ang tawag saka ginawa na ang morning routine ko. Pagkatapos doon, bumaba na ako sa dining area para kumain. Nandoon sila mama kaya sumabay na ako. Nasabi ko rin na tumawag si mamang.

"Are you going to rest all day or you going to do something?" Mama asked.

"I don't have a plan today mama but I want to do something. I'll check later."

"Do you want to visit our company? Your kuya and Keila would be probably happy to see you there."

"Do you think Keila and kuya are together, mama?" I giggled when I asked it.

Keila is so hardworking in terms of her crush. She makes effort to do something for him. The thought of her doing something to kuya for her to be noticed made me think that she's cute. But of course, she's not the type of person who would stoop her level just to make her crush like her.

"I think so, but I'm not sure. Though, I always caught Chevin smiling when he's calling Keila. Just ask him, Blayrie," she said but I smiled.

"Ma, is it fine to go there? Hindi kaya ako makakaabala roon?"

"It is okay, as long as it is you."

I am curious about the works of the company. I visited our company once and that was when my father introduced me as his daughter and one of the inheritors of the company. I wanted to work there and if I will finish my work in modelling, I will help kuya to manage it.

Kuya Chevin is the CEO now and he's working hard. He's known for being smart in giving and making a solution to the problem of the company. He's also good in manipulating that's why there are so many investors he fooled to invest in our company. Though, he's a good-hearted.

"We will visit there too, so it would be great if we go there together, Blayrie." I chuckled when I heard a bit of sadness in her voice.

"Ok ma. Mag aayos lang ako."

Naligo at nag ayos ako ng sarili ko. I used a white string top with a denim jacket and ripped high waisted jeans paired with heels. Naglagay ng kaunting make up at pagkatapos ay bumaba na.

Dinaluhan ako ni papa pasakay sa backseat and mama Bet is already in the front seat.

"Are you comfortable there, anak?" Ani papa habang tinatahak ang daan patungo sa opisina.

"Opo."

I am busy watching different buildings and some new places that I missed but the scenery in front of me is just so amusing. Papa is holding mama's left hand and he is kissing it. I want to watch it until they notice that I'm here but I want to have there owned moments. I looked outside and smiled. I will find a man like him soon.

Pagkarating doon ay kaagad na sinalubong si papa para siguro iayos ang pagpark sa sasakyan.

Madami na ring nagbago sa building at halos moderno na ang ayos nito. Marami ring bumati kanila papa habang papunta sa elevator kaya nahihiya tuloy ako na narito ako.

Pagkatunton sa tamang floor ay itinuro sa akin ni mama ang opisina ni kuya. Didiretso lang daw sila sa opisina nila para ayusin ang ibang papeles na makakatulong kay kuya.

Naglakad naman ako diretso sa kanan na tinuro sa akin ni mama. Makikita ko iyon agad dahil nag iisa lang ang pintuan doon. Karaniwan din ay may secretary na sasalubong sa'yo sa harap pero wala yata rito kay kuya. Baka nasa loob.

Hindi na ako nag abalang kumatok at binuksan ko na iyon agad. Nagulat pa sina kuya at Keila pagkabukas ko. May pinag uusapan din yata sila dahil parehas seryosong nakatingin sa laptop at dumapo sa akin ang tingin dahil dumating ako.

"You should knock first, Blayrie. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa ginagawa mo," sabi ni Keila at umakto pa ito na hawak ang puso.

"Akala ko walang secretary o kausap si kuya kaya pumasok na ako. Sorry naman," natatawa kong sabi.

"Kahit na. Hindi mo sigurado kaya dapat kumakatok ka muna."

"Bakit ka nagagalit sa akin, Keila? Sana nilock niyo na lang ang pinto para hindi kayo maistorbo sa ginagawa niyo."

"Wala kaming ginagawa," nahihiya niyang sabi at nakikita na ang namumula niyang mukha.

"I mean, uhm, it's about work. That's not a double meaning," nakanguso kong sabi.

"Stop that Blayr. What do you need?"

"I just want to visit you two. I'm bored in the house and if it's okay with you kuya, I want to borrow Keila for a while. Bonding lang kami kuya. Kulang ang oras kahapon."

"Marami kaming gagawin ngayon, Blayr. If you want, wait 'til noon. I will give her to you."

"Ok, I'll wait here."

Suminghap si kuya at sinamaan ako ng tingin. "Doon ka na kanila papa. Makakaistorbo ka lang."

Hindi na ako nagreklamo at dumiretso na sa opisina nila mama. Nakangisi pa akong umalis doon.

Tumulong ako kanila mama sa ibang mga gagawin. Medyo busy sila dahil may mga projects sila ni kuya na ipapatayo ngayon. Kapag nabobored pa, ay tumutulong sa mga ibang empleyado na napapansin ko na nahihirapan. Nahihiya pa sila pero hindi ko hinahayaan na tumanggi sila.

I should work here. It's great and happy to work with some people. It's also exciting and fulfilling to finish your work. I will suggest it to papa.

Sumabay akong kumain sa ibang empleyado dahil busy pa sila papa at kuya. Dinalhan ako ng pagkain pero kinuha ko iyon at dinala sa canteen dito sa opisina.

"Nakakahiya naman ma'am at sumabay ka sa amin."

"No, no, it's alright. Mas maganda nga iyon at wala rin kasi talaga akong kasabay."

Patapos na kami nang may pumasok na kasamahan din yata nila.

"Hays, nandiyan na naman ang assumerang babae. Aagawan pa yata ang kaibigan nating si Keila," ani ng bakla na umupo malapit sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya dahil narinig ko ang pangalan ni Keila. Nagulat yata sa akin dahil tinakpan ang bibig at humihingi ng tawad.

"What happened? What's about Keila?" I asked.

I think he's a bit intimidated but I'm smiling. Medyo matagal pa ang pagsagot kaya nagsalita na ako.

"It's fine. Tell me, hindi naman ako nangangain."

"Gusto po kasi namin si ma'am Keila kay sir Chevin. May paepal po kasi lagi kaya kami naiinis. She's a model and she's here again para lang ayain si Sir."

Ngumuso ako nang marinig ko ito. Siguro iyon 'yung sinasabi ni Keila.

"Keila is my friend. Don't worry about it. I'll surely make them a couple. I will not approve any girl except Keila," I said smilingly.

Nagpaalam na rin ako pagkatapos ko roon. Umakyat ako sa opisina ni kuya at nakita kong nasa labas si Keila. Ano'ng ginagawa niya diyan? Nagmukha siyang tanga.

"Ba't ka nasa labas?"

"Hinihintay ka... Tara na, magmomall tayo," sabi niya at hinila ako patungo sa elevator.

Ginamit namin ang sasakyan niya dahil wala naman talaga akong dalang sasakyan. Bad mood pa ito habang nagdadrive. Kung hindi lang mabagal ang patakbo ay baka nabungangaan ko na siya. Hindi ko rin siya nakakausap dahil seryoso lang ito. Ganda niya sana asarin kaso baka malala ang mahugot niya at saktan niya ako.

Nakabusangot pa rin ang mukha niya kahit nasa loob na kami ng elevator. Sinisiko ko pa ito para lang pansinin ako.

"Ano ba ang problema mo? Bakit ka kasi lumabas sa opisina ni kuya kung magseselos ka lang din naman?" Gagad ko at lumayo sa kanya ng kaunti sabay irap.

"Pupunta tayo ng mall kaya ako lumabas. At pwede ba Blayr, hindi ako nagseselos sa girlfriend ng kuya mo," ani nito na humalukipkip sa kabilang dako.

Ngumuso naman ako sa kanya at lumapit na rito. Sinukbit ko ang mga kamay ko sa braso niya.

"Simula talaga nang umuwi ako galing America, parati ka na lang seryoso. Bakit parang nagkapalitan yata tayo?"

"People change but it doesn't mean I am a new person. At hindi rin naman sa pagiging seryoso, I just learned how to deal with any situation. And please Blayr, seryoso, tigilan mo ako sa kuya mo."

"Sorry na. Bonding na lang tayo... Baka mawalan na naman ako ng oras kapag nagtrabaho na rito. Itatry ko ang modelling dito kahit medyo magkaiba ito sa ibang bansa. Malaking oportunidad na rin para makarampa ako sa VS," detalyadong kong sabi kahit hindi naman siya nagtatanong. Gusto ko lang kasi ibahagi sa kanya ang mga bagay na nagpapasaya sa akin.

"You should take care of yourself. Hindi basta basta ang industriya dito sa Pilipinas. Sikat ka man o hindi, kapag ayaw ka nila, mababash ka. Just don't do any stupid stunts. Though I know you are a smart girl but I'm kinda scared though. Signs of aging na yata."

I smiled at Keila's concern. She's always like that when she feels something wrong. Hindi naman ako magfufull time na modelling dito. I just want to be part of VS Fashion Show. Just a month... just a month of trying it and if I will make it right then my work is done.

Inaya niya ako sa spa dahil naiistress na raw ito sa trabaho. Marami raw pinapagawa si kuya at kahit weekends ay pinapatrabaho siya. Sinabihan ko naman na kakausapin ko si kuya.

We shopped on different brands na pareho naming gusto. Nagkakasundo rin minsan sa mga make ups na ginagamit namin. We even spend our time on arcade kagaya ng dati. Kahit pinagtitinginan kami dahil nakaoffice attire si Keila ay game na game pa rin ito.

We spend the whole afternoon at the mall. Hindi pa sana namin namalayan na maggagabi na, kung hindi lang tumawag sa akin si kuya at hinahanap si Keila. Nagbalak pang sunduin kami pero umapila agad si Keila. Walang nagawa si kuya dahil umalis din kami sa mall. Kumain kami sa restaurant at himala na nilibre ako ni Keila.

"You can tell me about your problem, Keila. Hindi kasi ikaw 'yan."

Napapansin ko kasi ang katahimikan niya. We can say that people change but the years we spent talking on the phone can tell me that my friend, Keila, will always be jolly. Hindi niya nature ang maging tahimik.

Bumuntong huminga ito bago sumagot. "I'll tell you soon. Not now please, sorry."

"It's okay. Just call me if you need my help. I wouldn't know what to do if anything happens to you."

"Thank you, Blayr. You're the first person I'll call when I'll need anything."

I break the monotony. "Haysss, drama mo talaga sis. Hindi pa rin nagbabago."

"Tss! Ikaw ang magdrive sa kotse at ihatid mo na lang ako sa condo ko. Ibalik mo na lang bukas.  Magpapahinga na ako. Lalaban na naman ako bukas. Mabuti na lang at nag aya kang magmall."

Hinatid ko siya sa condo niya sa Green Residences. Pagkatapos magpaalam, lumisan din ako sa lugar na iyon. Agad rin nagbihis pagkauwi sa bahay. Habang naghahanda sa pagtulog, nakareceive ako ng text galing kay mamang.

Mamang Pokz:

I talked to them and we will be having a contract signing tomorrow. You should be there at exactly 8 am. ASAP. They are strict on time. I sent you the details in your email.

I didn't reply and will call him tomorrow so I could be sure what I have to do. Hays, at 8 am. I should be peacefully sleeping at that time.

Because I have to wake up early, I sleep early too.

Alas singko pa lang ay bumangon na ako. I am usually late pero dahil mahalagang bagay ang pupuntahan ko, maaga ako. Gano'n kasi ang karaniwang nangyayari sa akin. Kapag may kailangang gawin, maaga.

Ipapabalik na lang din ang kotse ni Keila kay manong at ipapasundo ko na lang ito kay Kuya.

Pumunta muna ako sa gym sa mansion para magpapawis. May oras pa naman ako at kailangan kong magpakita ng magandang katawan.

Nang dumapo na ang kamay ng orasan sa alas sais, nagsimula na akong gumalaw para mag ayos ng sarili. I did my usual morning ritual pero marunong akong magmadali. Ginawa kong simple ang make up at binagsak na lang ang hanggang balikat na buhok. I used my color burgundy dress. An off-shoulder ruched bodycon dress and I paired it with my white stiletto.

Nang handa na ako, nagpahatid ako sa driver namin at tumawag kay mamang.

"I'm coming. Hintayin mo ako sa lobby nila kapag nauna ka na roon."

"Ok po. Ingat, mamang."

"You too."

Tumingin ako sa labas pagkababa ng tawag. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa Pilipinas. Wala naman talaga akong balak pang umuwi. Kung hindi nga lang ako tinawagan nila papa at hindi lang nila nakuha ang loob ko dahil sa mga tinig nila ay baka tumanggi na ako. Ang hirap kasi nilang suwayin at aaminin ko sa sarili ko na namimiss ko na sila.

"Ngiti ka lang ma'am. Maraming mga bagay pa ang dapat isipin. Huwag tumingin sa mga bagay na madilim, may mga bagay na maliwanag at bibigyan ka ng ningning."

Awtomatiko akong napangiti sa sinabi ni manong. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Maging positibo lang sa buhay. Huwag tumingin sa mga negatibong bagay... At hindi ko rin itatanggi na sa tuwing nakakarinig ako ng ningning... agad na pumapasok sa isip ang buwan at mga bituin... at si Greg... ang taong naaalala at bukod tangi.

Tumungo agad ako sa lobby pagkababa para hindi magalit si mamang sa akin. Striko siya pero may malambot na puso. Siya ang naging sandalan ko at naging katuwang sa pagbibigay ng mga kailangan sa pagmomodelo.

Agad rin naman siyang dumating kaya umakyat na kami sa conference room na pagmimeetingan yata namin. Binati namin ang CEO na bata pa pala pero medyo tagilid yata. Kami lang ang narito, wala nang iba. Pinaupo kami kalaunan at nagseryoso na.

"I trust you about this mamang Pokz. I've also seen her ramps and I can say that's she is good and is professional. But we can't say at all that she is good enough. Iba ang mga attitude sa ibang bansa." Paliwanag ng CEO na alam kong ako ang pinag uusapan. Naitikom ko na lang din ang bibig at nakapangalumbaba.

Hindi ako mayabang pero sa pagkakaalam ko, magkukumahog ang mga ito na kumuha ng mga modelo galing sa ibang bansa. Mas prefer kasi nila iyon. Pero sa asta ng CEO, may iba yata siyang gusto at may malaking expectation pa yata sa akin. It's not that I can't do it. Nakakakaba lang kasi.

"Victoria is good. She can work under pressure. At baka malay pa natin ay may dumating na malaking oportunidad sa iyo dahil nasisiguro kong kayang kaya niyang dalhin ang buong entablado." Napakagat labi ako sa sinabi ni mamang.

He's like that when he can sense that someone is downgrading his children. Madali kasi itong mainis sa tuwing ganito na ang usapan. Kaya malaki talaga ang respeto namin sa kanya dahil pinagtatanggol kami sa lahat ng bagay at mga tao.

"I can see that," tumango tangong sabi ng CEO. "Well, good luck."

Binigay niya ang kontrata at kinuha ko naman agad. Binasa ito at wala namang nakita na kahit anong butas, may benepisyo pa. Pumirma na roon at binigay kay mamang. Pumirma rin.

"I know that some of you doesn't go to practice, but I want a perfect runway so you should befriend with the other models. We have a schedule and that includes in the contract."

Hindi ko alam kung nagkita na ba kami ng baklang ito pero wala yata akong maalala na may ginawa ako sa kanya na masama. Kanina pa kasi siya nagsusungit sa akin at alam ko ring pasarkasmo na ang pananalita niya.

"I can cooperate. I'll do well," sabi ko at ngumiti sa kanya.

Tumayo siya para siguro makipagshake hands kaya tumayo na rin ako para magbigay respeto. We shook hands and I gave him my smile with sincerity. I believe in good karma.

Nakita ko ang pag irap niya kaya nginusuan ko siya. Galit ba siya sa mga magaganda?

"See you next week... Miss Alcantara," ani nito saktong bumukas ang pintuan.

Hindi pa ako lumingon pero kitang kita ko ang tuwa sa mukha ng bakla.

"She's not here," Mr. Sason said and started to walk to the door.

"Let's go." May tigas sa boses ni mamang kaya lumingon ako sa kanya. Umirap lang ito sa akin at dumiretso na sa hamba ng pintuan.

Doon lang din ako nahinto dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli rito. It's been three years and he looked more matured now. Mas lalong nadepina ang kanya muscle at panga. He's more handsome. Akala mo inlove.

"Cedrix," saad ko at ngumiti sa kanya. "Kumusta ka na?"

"I'm alright. Happy and contented."

"Para namang kinulong kita sa kalungkutan ko. Akala mo diyan ha!"

"I don't mean that. And of course, I am thankful to you. I'm just saying that I'm happy with Kate."

Hindi ko alam pero nalungkot ako kay ate. "Good luck. Looking forward to your wedding."

Aalis na sana ako pero may bagong pumasok. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako nakapaghanda sa gagawin ko. Nakakapanibago ang kanyang awra. Ang masungit niyang mukha dati ay mas lalong sumungit pa ngayon. Akala mo galit sa mundo.

Hindi niya ako nilingon at tumingin na sa CEO.

"What are we doing here?"

"We'll talk about it in my office."

"Ok," he said and just walked away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro