Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Kabanata 17

Bumalik kami sa inn namin pagkatapos naming manuod ng sunset. Inaya ko rin siya na manuod sa sine rito dahil may nakita akong Island Movie Theater. Hindi siya katulad sa mga sinehan sa mga mall, pero mararamdaman mo pa ring ganoon dahil may kasama ka sa sinehan at madilim sa loob. May nagtitinda rin ng mga popcorn at ibang mga pagkain.

Bumili kami ng pagkain namin at si Greg ang nagbayad niyon. Nagpresinta akong magbayad pero hindi niya pinansin ang perang binigay ko. Ako na lang daw ang magbabayad sa kakainin namin bukas kaya pumayag ako.

Isang romance movie ang pinapanuod namin. Napanuod ko na ito pero hindi pa rin ako nagsasawang panuorin ito. Gayunman, nakokornihan ang kasama ko. Wala yatang kilig sa katawan.

"Hey boy, do you want to join us later?" Dinig kong tanong ng isang babae. Hindi ko lang alam kung sino ang kausap nito dahil hindi ko pinapansin. Malapit lang kasi sila sa amin kaya kahit magbulungan sila ay maririnig namin.

"Hey, we are talking to you!" The girl said in a flirty tone. I looked at her and she's touching Greg's arms. Kay Greg pala ito may pagnanasa at may pahawak hawak pa siya. Grabe ba ang pagkamatipuno ni Greg at hindi nila mapigilan?

Tinititigan ko ang katabi ko pero hindi niya pinapansin ang mga babaeng kumakausap sa kanya. Iniwas lang nito ang kamay niya at nilagay niya naman ang kaliwang braso sa beywang ko. Pinatong niya pa ang baba niya sa kanang balikat ko kaya nagulantang ang mga babae. Tinignan ko sila isa isa at nahihiya ang mga ito kaya umalis na lang.

Apat na lang kaming natira dito at magsyota pa yata ang dalawa. Magkaholding hands kasi at ang sweet sweet pa nila.

I removed Greg's arm because the girls already left and so we don't have any problem now. It's also awkward because I am hoping so bad to have something... on us. That, he will not think of me as his younger sister but... a lover. That, I am different and he doesn't have to compare me to the other girls in terms of beauty or body.

"Wala na 'yong mga babae. Tuwang tuwa ka naman sa pagsandal sa balikat ko. Nagsasawa na sila sa'yo," biro ko sa kanya para may matopic dahil hindi naman yata nanunuod.

"Hindi sila magsasawa sa akin. Ba't sila magsasawa sa akin? 'Yong may ari nga nito hindi..."

Inirapan ko siya sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo pala pinaunlakan ang mga babae na 'yon? Sayang din, tiba tiba ka na sana... Tsaka iyong kanina na malapit sa inn, sayang din ang mga iyon. Ang sesexy at ang gaganda!"

Ngumisi lang ito at tumingin na sa harap na pinapanuod namin. Greg is known for being a notorious playboy. I have researched that on the internet at halos malula ako sa dami ng ex niya at mga babaeng naghahabol sa kanya. May mga babae pang nagsabunutan dahil mang aagaw raw ang isa habang sila pa ni Greg. At ang yabang, wala man lang aksyon na ginawa!

"I remember... you said that you have a girlfriend here right? Ba't hindi mo pa pinapakilala? Kaya ba sumama ka sa akin dahil kikitain mo?... At siguro naman hindi ka bibigyan ng Papa mo ng madaming trabaho para mastress ng ganyan. Stress ka lang siguro dahil LDR kayo ng girlfriend mo."

"Yes, LDR kami. I've been missing her that's why I want to go here in Siargao. She loves this place that's why I followed her here. One month is too long for us not to see each other and I've been longing to touch her even in just seconds." Nakatitig siya sa akin habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Whoever is the girl, she is lucky. She's lucky for having Greg dahil sinundan pa siya rito sa rasong gusto niya rito. Who would do that? A rare man who loves his girlfriend. Gagawin ang lahat para sa'yo, ang peg niya. At kung gano'n, bakit pa siya nandito sa tabi ko? Hindi ba dapat nagsasama na sila ng girlfriend niya? At ano na lamang ang sasabihin ng girlfriend niya kung nakita niya kami sa ganitong posisyon? Maunawain ba ang babae kaya kahit ganito hindi siya magagalit?

"Ayon naman pala, bakit nandito ka pa at hindi kayo magsama kung namiss niyo pala ang isa't isa."

"She's not my girlfriend yet. Bawal pa siyang magkaboyfriend. Though, I'm willing to wait 'til she's eighteen."

"Hindi ba kayo pwedeng magkita kahit sandali man lang? Hindi naman siguro kayo pag iisipan, hindi ba?"

"Nakasama ko na siya. Matagal," ani nito at tumango naman ako dahil naiintindihan ito.

Nakipagkita siguro siya kaninang tulog pa ako. It's enough time to meet and greet his girlfriend. It's also enough time to bond with her to fill those one month they've been away to each other. Marami siguro silang pinag usapan o baka nga may pangako pa sila sa isa't isa. At isa pa, ang sweet sweet din siguro nila kanina.

Natapos namin ang panuod na wala nang nagsasalita. Kaya pagbalik namin hanggang sa inn, wala pa ring nagsasalita. Ang awkward lang ng atmosphere namin.

May lalaking nag aabang sa harap ng pintuan namin kaya lumapit kami agad sa kanya.

"Sir, pasensya na po. Nakalimutan ko pong sabihin na sira pala ang isang kama. Hindi pa po napapalitan at bukas pa po ang dating ng isa. Sa isang kama naman siguro kayo hihiga ng girlfriend mo, 'di ba sir?" Napapakamot na tanong ng lalaki. Hinuha ko ay tauhan dito. Gusto ko sanang itama siya pero naunahan ako ni Greg.

"Ok lang po manong. Maraming salamat sa impormasyon."

"Walang anuman sir. Pasensya na rin po," sabi nito at umalis na.

Pumasok na kami sa loob. I am thinking about how to solve our problem. There is a sofa here but if I will tell him to sleep there, it's embarrassing because he's the one who is paying our stay. If I will the one to sleep there, would he sleep comfortably knowing a girl sleep in there? And If we will share a bed, I would rather sleep on the floor and not thinking if we will touch the skin in every move we make.

Imagine sleeping beside him? Imbes na matutulog ako, mapupuyat pa yata ako dahil macoconscious ako sa galaw ko. At paano kung magkakalapit ang mukha namin katulad roon sa napapanuod ko? Eh di nakakahiya 'yon. And what if I'll wake up and my face is facing him and my breath? What if... What if...

"Ako na sa sofa matutulog, doon ka na lang sa kama para hindi ka na mahirapan matulog," saad nito na tila naririnig ang iniisip ko. Nakahinga ako ng maluwag pero naguiguilty naman dahil iniisip kung magiging komportable kaya si Greg doon.

Nagsalubong din ang kilay niya na tila may mali sa galaw ko at ngumisi lang din ito kalaunan.

Nagpaalam siyang magshashower kaya habang wala siya ay inayos ko ang hihigaan ko at dinala na sa sofa at unan at kumot niya.

Nakapalit na siya pagkatapos nitong lumabas sa banyo. Nakaputing sando ito at naka jersey short siya. Magpapaalam sana ako na ako naman ang magshashower pero may kakaiba sa ngisi nito. Iyong tipo na iniinis ka niya.

"You're that eager huh?! Don't you want to share the bed with me?" he asked.

"Huh?" Naguluhan ako sa sinabi niya pero umiling din naman agad.

"I am joking. Magshower ka na," sabi nito at dumiretso sa sofa na hihigaan niya. Umupo siya roon at mataman niya akong tinitignan. Hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na sa banyo.

Humiga agad ako sa kama pagkatapos ko. Hindi naman na talaga ako naglalagay ng kung anu ano sa katawan tuwing gabi.

I am lying in bed and facing the ceiling that I've been staring for minutes now. Kanina pa nakapatay ang mga ilaw sa kwarto at ang tanging ilaw na lang sa labas ang nagbibigay tanglaw dito sa loob. I can't sleep. Hindi pa siguro nakapag adjust dahil ibang kwarto ang tinutulugan ko. One more thing, I am thinking if Greg is fine and if he's asleep now.

Dahan dahan akong bumangon at nagulat ako dahil gising pa pala si Greg dahil mataman niya akong tinitignan ngayon.

"Can't sleep?" Tanong niya.

"Uhh... yeah. Uhm... magtitimpla lang ako ng gatas."

"Did you bring your milk? I will buy if you haven't bought it."

"H-hindi na... Uhh... nagdala ako."

"Ok then. Gusto mo bang samahan kita?"

"H-hindi na rin. Kaya ko naman," sabi ko at tumango na lang ito.

Nagtimpla ako ng gatas. Gawain ko na ito sa tuwing hindi ako nakakatulog. Ininom ko rin ito agad at inayos ang baso sa lalagyanan. Pagkabalik ko sa kwarto ay hindi pa rin tulog si Greg. Iniisip ko pa na baka hinihintay ako... pero pwede ring hindi siya komportable sa higaan niya.

Mas lalo akong hindi makatulog ngayon dahil mas lalo yatang lumakas ang dugo ko. Nag iisip din ako ng magandang sasabihin kay Greg at inaalala kung mag ooffer ba ako.

Magsasalita na sana ako nang inunahan niya ako sa pagsasalita.

"Blayrie? Are you asleep now?" Natawa ako sa tanong niya. Paano kung hindi ako sasagot?

"Uhh... hindi pa! Hindi ako makatulog."

"Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?"

"Huh?"

"I will sing a song. If you want..."

"Uhh pwede ba? Ok lang sa'yo?"

"Hmm."

Umayos ako ng higa at tumagilid paharap sa kanya. Nakatitig siya sa akin ngayon.

"Hindi masabi ang nararamdaman
'Di makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo
Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin"

Malamig ang boses niya. Para ka nitong hinehele at hinihila ang mga talukap ng iyong mga mata pababa. Nakatulog ako na kumakanta pa ito. Hindi ko lang sigurado kung nakatulog ba ito agad.

Nagising ako sa amoy ng isang mabangong aroma. I can feel that it is delicious so I got up in bed. I got tensed when Greg is looking at me. He's beside my bed and the coffee table is on our side. I didn't know what to do that's why I immediately run to the bathroom -to brush my teeth, fix my hair- and didn't bother to say good morning to him. It's kinda embarrassing to say it when your breath is awful.

Bumalik ako kaagad dahil nakakahiya iyong ginawa ko.

"Morning," he greeted me.

"Morning," I greeted him back.

"I just want to remind you that we're going to the islands today and actually, we are late in the designated time we told to the boatman."

"Huh?! Ano na bang oras?"

"9."

"Seryoso? Shet! Sorry. Bilisan ko na lang ang kumain para makaligo rin ako agad," sabi ko at dumiretso na ako sa mesa para kumain. Hinuli ko na lang ang gatas na tinimpla niya para hindi ako masyadong mapaso. Natatapon pa minsan ang mga konting kanin dahil sa pagmamadali ko.

He's laughing when I looked at him. "Huwag mong masyadong bilisan. I talked to manong earlier that we will not make it to the time. Sinabi ko na malalate tayo."

Nakastuck pa sa bunganga ko ang kanin nang tinignan ko siya ng masama. Tumawa lang ito na parang may nakakatawa sa reaksyon ko.

"Eh ba't hindi mo sinabi kung gano'n. Nagmamadali pa akong kumain tapos gan-"

Letche! Nabilaukan pa ako!

Binigyan niya naman ako ng tubig kaya ininom ko kaagad.

"Ba't hindi mo sinabi agad?!" Paunang sabi ko pagkatapos kong uminom.

"I was about to tell you earlier but you panicked and all. I find you funny and... a little bit cute so I made fun of you," he said while chuckling. Mabilaukan ka rin sana sa kinakain mong yabang ka!

"So nakakatawa 'yon? Masaya ka na?"

"Pwede na rin. Medyo hindi ako masyadong naentertain sa stunt mo."

"Bwisit ka!"

"But I will remind you that we need to go there before 9:30. It's already 9 so you need to prepare now."

Tumango na lang ako sa kanya kahit naiinis pa ako. Ang yabang na 'yan, ang lakas ng trip!

Dumiretso kami agad sa pagsakyan ng bangka pagkatapos kong mag ayos at nandoon na nga si manong. Hindi pangkaraniwang bangka ang sinasakyan namin dahil mas malaki at maluwang ito na bangka. Sobrang komportable dahil may higaan pa sa gitna nito. Tinatawag daw itong Galatea.

Nilibot ko ang paningin ko sa bangka at may nakasulat sa railings nito.

'Heaven is an Ocean.'

I feel like heaven when I am in the ocean. Seeing the paradise and those beautiful creatures that I've been craving to see, to touch and to hear are so satisfying.

Umupo ako sa bench at nasisiyahan ako sa nakikita ko at pakiramdam ko nga, luluwa na ang mga mata ko sa dagat dahil sa pinaghalong asul at berde nitong kulay. Ibang iba ito sa larawan na nakikita ko. Mas maganda pa rin kung nakikita at nahahawakan ko. Isang paraiso na papahirapan ka yatang makaalis dito.

Una naming pinuntahan ay Guyam Island. Sikat ang islang ito dahil sa hugis niya na parang patak ng luha. Kakaunti ang mga tao rito dahil baka nasa kabilang isla raw sila. Wala kasing nakatira dito at tanging mga cottage lang ang nakatayo rito.

"Do you want me to take your pictures?"

"Huh?"

"Give me your phone," sabi niya at lahad sa kamay niya sa akin.

Umiling naman ako. "I didn't bring my phone... uhh... Can I use your phone instead? Uhm, ipasa mo na lang sa akin."

"Ok then," he said, smirking.

Pupwesto pa lang ako, ay kinuhanan na niya ako agad. Mabilis ko namang inaagaw ang cellphone niya at baka ang pangit ng mukha ko ro'n.

"Magsabi ka naman kung kukuhanan mo na ako."

Inismidan niya lang ako at patuloy na kinukuhanan ako ng litrato. Pinakita niya sa akin ang iba at maayos naman ito. Mas magaling nga lang ako sa kanya. Makapanlait noon mas ok pa pala ang kuha ko kaysa sa kanya.

Ilang minuto lang kami nagtagal doon dahil lumipat agad kami sa Dako Island. Isa itong malaking isla at may nakatira na. Mas maraming tao rito dahil may mga tindahan na pagbibilhan at mga taong taga Surigao.

The first thing we did was to ask the cook here. They offer different kinds of seafood and Greg asked them to give us all of it. Magbuboodle fight kami pero hindi ako sigurado kung mauubos ba namin iyon. Baka magsayang lang kami.

"Sir, ma'am, Can I ask a favor?" Lapit ng isang staff doon at may kasamang lalaki.

"Yes, what is it?" Si Greg.

"Can he join here, Sir? The cottages are full po and we have no more vacant sit. He's alone and if it's ok po if he can share a table with you?" Alinlangang tanong ng tauhan.

"Sure, sure, no problem. Dalawa lang naman kami kaya ok lang po," mabilisan kong sagot dahil ayaw yata ni Greg.

Puno na ang mga cottages dito at sobrang dami ng tao. Summer na kasi kaya panigurado talaga na maraming tao. Kung iisa niya lang naman ay ok lang.

"Thank you pala ha? Halos punuan na kasi at maraming tao. Hindi naman ako makareserve dahil mag isa ko lang."

"Ok lang 'yon. Kami lang naman dalawa kaya ok lang. Taga saan ka pala?" Tanong ko para hindi siya maawkward sa amin habang hinihintay namin ang pagkain namin.

"I'm from Cebu. Nagbakasyon lang dito para unwind na rin."

"Cebu? Gusto ko rin na puntahan 'yon. Ang ganda kasi saka maraming tourist spot."

"Oo. Kailangan mo ring bisitahin 'yon. Kung gusto mo, pwede mo akong maging tour guide. Ililibot kita sa magagandang lugar na hindi pa masyadong nakikita ng ibang turista."

"Totoo ba? Halla, salamat. I'll look forward to that."

"Nasa tourist information office lang kami kaya makikita mo na ako ro'n agad."

"No need for that. We can visit all the tourist spot without you informing us," iritadong ani ni Greg kaya napalingon kami sa kanya. Nakikinig pala siya sa amin kaya hindi namin namalayan na nandito siya.

Sinipat ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ah, oo nga naman. You can do activities without the tour guide," awkward na sabi ng lalaki.

"Pero may mga lugar naman kami na hindi alam kaya baka mangailangan kami ng tour guide... Tsaka ano pala ang pangalan mo?" Nakangiti kong tanong.

"Ahh, Alex Castillo."

"I'm Blayr Alcantara," pagpapakilala ko at naglahad na rin ng kamay.

Maglalahad rin sana siya ng kamay kaso binaba ni Greg ang kamay ko at siya na ang nakipag shake hands kay Alex.

"No need to shake her hands too," matigas nitong sabi.

Binaba kaagad ni Alex ang kanyang kamay.

Ilang minuto lang din ang nakalipas ay dumating na ang pagkain namin. Hindi maarte ang kasama ko dahil nagkakamay rin siya. Nagsheshare din naman ako ng pagkain sa kasama namin pero sa tuwing napapatingin ako kay Greg, sinasamaan niya ako ng tingin.

"Marami ring seafoods sa Cebu. May mga ibang seafoods doon na wala rito. Masasarap ang mga 'yon. Ipinagmamalaki talaga ang mga iyon sa Cebu."

"No need to inform her. She will see that the next time we travel there."

Tumango lang si Alex at halos itikom na ang bibig. Ayaw niya na yatang magsalita dahil sa pangbabara ng kasama ko.

We walked for a bit to digest what we ate. Alex joined us and we talked about some kinds of stuff and other things I need to know if I will visit Cebu someday.

"I am gay. Taga rito ang supposed boyfriend ko pero hindi na yata magpapakita sa akin. Ghinost niya na yata ako."

"Halla. Sa social media po ba kayo nagkakilala? Iyan po kasi ang hirap kapag nainlove ka sa isang tao na hindi mo pa talaga nakikita sa personal," pagbibigay ko ng simpatya kahit hindi ko pa talaga alam ang totoo. Tinitignan din si Greg na nasa di kalayuan.

"Iyon nga. Akala ko naman kasi totoo ang pinapakita niya sa akin. Akala ko mahal niya ako. Kaya nga naaawa ako sa sarili ko nang makita na wala akong kasama, na pagkakaitan din akong kumain kasi gutom na gutom na ako kanina. Mabuti na lang at umoo ka. Nagagalit yata ang boyfriend mo dahil iniisip niya yatang aagawin kita sa kanya. Huwag kang mag alala este mag alala ka pala, mas bet ko boyfriend mo no!" Ani nito na nagpatawa sa akin. Imbes kasi na mainis ako, natawa pa ako dahil nahalata na sa boses niya ang pagiging girl nito.

"Ok lang 'yon. Saka hindi ko siya boyfriend, pwede mo pang akitin," bungisngis kong sabi.

"Deny ka pa girl. Oh siya, sa'yo na siya, hindi ko na aagawin. Uuwi na rin naman ako mamaya... Tsaka narealize ko kanina na mahalin ko na lang muna ang sarili ko."

"Dabest po! You should love your self first. Because if you love it, you can love others without feeling a guiltiness. And If you know how to love your self, then you also know how to give importance and love to your loved ones and the people surround you."

"Ganiyan talaga siguro ang nagagawa ng pag ibig ano?"

"Huh?!"

"Wala girl. Papaalam na ako sa inyo. Baka aalis na ang bangkang pinagsakyan ko kanina. See you when I see you again."

"See you and it is nice to meet you."

Tumango lang ito saka umalis na. Hindi na nagpaalam kay Greg dahil natatakot pa yata sa kanya.

"You are always friendly even if you didn't know them. You don't know if they have any bad intentions to you. Why don't you mind your own business?" Sulpot ni yabang sa tabi ko.

"I'm minding their business because I want to help them. Hindi ko naman sila papakialaman kung alam kong hindi nila kailangan ng tulong ko."

"You don't know if they are true."

"Kung pinoproblema mo iyong kanina, nagkakamali ka? He needs help. What if I didn't offer the table? He probably in a place where he thinks and pities his self... Tsaka ano ba talagang problema mo? Kanina mo pa binabara ang tao."

"Because he was talking to you. Why don't you understand and see that I am jealous of that boy..."

My forehead wrinkled and my lips apart for a second. A silence grows in between us. I am speechless. What did he say? Why is he jealous? I looked at him and he's pouting now. Like he is shy and... afraid? Afraid of what? Afraid that I know that he is making fun of me? Of course, I know. Because why he feels jealous when he has someone and he's just teasing me for I don't know the reason it may be.

"Kung wala kang matinong gawin, huwag ako ang pinagloloko mo. Alam ko na ang style mo Greg, style mo bulok."

"What are you talking about?"

"What are you talking about ka pa riyan. Alam ko na ang kalokohan mo. Selos selos pa! Bisitahin mo na nga mamaya 'yong girlfriend mo nang hindi ako ang inaasar mo."

Kumunot naman ang noo niya at lumapit sa kinatatayuan ko.

"The girlfriend I am talking about is you. I told you, you are my only girl! I don't have any girl. If you don't understand it... I miss you," sabi nito at umalis na.

Natameme pa ako sa sinabi niya. Sinundan ko rin naman siya agad pero hindi niya pa ako pinapansin. Nagtuloy tuloy lang siya patungo sa bangka dahil lilipat na kami sa susunod na islang pupuntahan namin.

Inalalayan niya naman ako pasakay ng bangka pero masungit lang siyang tumingin sa akin at umiismid. Tahimik lang kami sa bangka at hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanya. Hindi pa nagsisink in sa isip ko iyon.

Tahimik naming nililibot ang Naked Island. Walang puno rito pero sobrang pino at puti ang buhangin dito. Kahit masungit siya sa akin, kinukuhanan niya pa rin naman ako ng larawan.

"Manong, maaari niyo po ba kaming kuhanan. Wala pa po kaming picture na magkasama eh," sabi ko sa bangkero namin at binigay ang cellphone ni Greg.

Hindi pa ito pumayag at sinabi niyang ako na lang ang kuhanan. Hinila hila ko pa siya at sobrang pabebe niya. Kaya naman noong napapayag ko siya, nilagay ko ang braso ko sa braso niya.

"Smile ka naman diyan. Sungit sungit!"

Inispread ko ang labi niya at kinuhanan kami ni manong. Hindi rin naman ako nahirapan sa katabi ko dahil nakikisama ito.

"Bagay na bagay kayo sir, ma'am." Ngiti ni Manong habang tinitignan ang picture sa cellphone ni Greg.

Tumawa na lang ako dahil nakikita ko ang ngiti ni Greg. Kasabay rin nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakikita siyang masaya.

Hindi rin kami nagtagal doon at bumalik na kami sa inn. Hindi na kami tumuloy sa Sugba Lagoon at baka gagabihin pa kami kung babalik kami sa inn.

Hindi na naman kami masyadong nag uusap noong kumakain kaya pagkatapos kong nagshower, natulog na agad ako. Bukas ko na kakausapin.

Unang ginawa ko pagkagising ay naligo at nagbihis ako. Tulog pa ang kasama ko kaya ako na ang magluluto sa kakainin namin. Kakausapin ko rin siya mamaya.

I prepare the breakfast in the coffee table. Inorganisa ko na rin ang sasabihin sa kanya. Kung ganiyan lang kasi ang pakikitungo niya sa akin hanggang mamaya, ay hindi yata ako marerelax.

Bumangon si Greg pagkagising na hindi ako pinapansin. Umismid pa nga ito sa akin na tila kaaway niya ako. Kaya naman pagkalabas na pagkalabas niya sa banyo ay kinausap ko na.

"Ano bang problema mo? Nagsorry naman na ako kagabi ahh. 'Tsaka hindi ko naman talaga kasalanan iyon kung talagang nagseselos ka!"

"Of course it's your fault. You should consider my feelings."

"Ehh 'di sorry na nga. Kasalanan ko na. Hindi na ako makikipag usap sa ibang lalaki. Ikaw na lang ang kakausapin ko. Ok na? Masaya ka na?"

Ngumiti ito at ngumisi sa akin.

"Mark your words. Kung mahuhuli kita, hahalikan kita."

"Ehh paano kung medyo tagilid kagaya roon sa islang pinuntahan natin kahapon?"

Naguluhan ito sa sinabi ko. "What did you say?"

"Sabi ko, paano kung medyo tagilid ang makakausap ko?"

"Fuck..." mahinang mura nito pero narinig ko. "It's exempted as long as I know him."

Matapos namin mag usap doon ay pinapansin niya na ako. Nagrelax relax lang kami sa duyan sa harap ng inn namin at paminsan minsan ang panunuod sa tanawin sa dagat.

Hinihila niya rin ako minsan kung may lalaking lumalapit sa akin kaya hindi ko na sila nakakausap o nalalapitan man lang.

Aalis kami mamayang alas tres at susunduin ako ni Kuya sa airport. Si Greg ay ang driver niya. Sabi ni Kuya, maghiwalay na lang daw na susunduin para hindi siya mahirapan at para diretso pahinga na rin ako.

"Pasukan niyo na next week. Good luck to your study," sabi ni Greg na nandito na kami sa airport sa NAIA.

"Third year na kayo sa pasukan nila kuya. Three years pa para makagraduate. Kaya good luck din sa'yo Architect. Aral ng mabuti."

"Will study hard... for the future." Nakangiti nitong sabi at naglakad na palabas ng airport.

Nakita rin namin agad sila Kuya at ang driver niya kaya hindi na kami nagtagal doon.

"See you this weekend? Bago ka pumasok?"

"S-sa bahay?"

"If you want we can go in a mall."

"Ok."

He nodded and escorted me in Kuya's car. Kaagad akong yumakap kay kuya nang makita ko siyang bumaba sa sasakyan niya.

"How's vacay?" He asked.

"Ok lang kuya. Ang ganda roon," sabi ko na namamangha pa rin sa nakita ko sa islang iyon.

"Thank you bro," sabi ni kuya at tumingin sa likod ko. "Better see her next month," nakangising sabi ni kuya.

"Sorry, we'll see each other this weekend," sabi nito at nagpaalam na sa akin. "Bye, Blayrie. See you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro