Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Kabanata 16

Months have been passed and the class will start soon. My brother didn't give me his gift yet. He and his friends are busy at school. Their upcoming finals are nearing and he is serious about reviewing his lessons.

Ayaw rin ni Kuya na pumunta akong mag isa sa ibang bansa. Hindi ko kayang mag isa kaya umoo ako sa desisyon niya. Busy rin kasi si ate sa ibang bagay kaya hindi niya ako masamahan. Kaya ang pinayagan lang ni kuya na pupuntahan ko ay ang Siargao. It should be last month but he can't afford to take one day to miss out of his lesson so we postponed it.

Sinabi ko sa kanya noon na ang anak na lang ni manang Plicia, ang mayordoma, ang sasama sa akin pero hindi niya ako pinayagan. Nakakaabala lang daw ako sa kanila. Kaya hindi pa talaga natutuloy ang bakasyon namin.

Paano kung si Greg na lang ang sasama sa akin para payagan ako ni Kuya? Ang balita ko kasi ay tinapos niya agad ang finals niya dahil may gagawin siya. Pinayagan nga raw ito ng Prof nila. Pero ang awkward naman iyon kung kaming dalawa lang. Tsaka sa huling kita ko pa sa kanya ay noong nakaraang buwan dahil hindi na sila masyadong nagkikita at busy rin naman si kuya.

Nagtetextan din naman kami pero pangangamusta lang iyon at namamatay na agad ang usapan. His last text to me is he is going abroad for their business. He wanted to help his father that's why he had to finish his class.

Gusto ko man na siya ang sumama sa akin, ayaw ko namang makaabala sa ibang tao lalo na at marami siyang ginagawa. Gusto rin mang magtampo kay kuya dahil sa hindi yata mabibigay ang regalo ko, ayaw ko naman na isipin niya na hindi siya tumutupad sa usapan. It's just that, I have wanted to go there. I want to see paradise.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag. Hindi ko na muna ito sinagot dahil tinatamad akong tumayo at nasa kama ko iyon, nasa sofa ako. Nag iisip.

Malakas muli ang tunog niya kaya naririndi na ako. Tumayo ako at kinuha iyon. Si kuya ang tumatawag pero wala kong gana itong sinagot.

"Hello," paunang bati ko kay kuya.

"Bakit parang malungkot? Is it because I can't give you yet your gift?" Marahan niyang tanong.

Gusto ko mang umoo, ayaw ko naman siyang madismaya dahil lang sa nararamdaman ko.

"Hindi kuya. May iniisip kasi ako kanina, ginulo mo e!" Pang iinis ko sa kanya.

"I'm sorry I didn't know... I have something to tell you."

"Nakakakaba naman 'yan kuya," pabiro kong sabi.

"Of course it is, matutuloy na ang bakasyon mo. But we will talk about the rules you need to obey when I'm home. I don't want to disappoint you that's why I'm doing my best to give it to you."

"Waaaah! Thank you kuya. The best ka talagang kuya in the whole world," masaya kong sabi pero narealize na ako lang ang pupunta? Papayagan niya akong mag isa o may ipapasama siya? "Ako lang mag isa kuya? Ok lang sa'yo?"

"Of course not! May kasama ka. Hindi ko hahayaan na mag isa ka. Even it's against my will, I want to know that you are safe when you are going there."

"So, who would accompany me then?" I asked curiously.

"It's Greg. I trust him and he is willing to accompany you. It's fine for me."

I was taken aback to what he said. Seryoso ba siya? I know my kuya for being protective and he also trusts Greg in everything. But is he that cool to give me to Greg, just us two? Because I am not. Baka hindi ko pa maenjoy ang mga aktibidad dahil sa kaba kapag nariyan siya. Oo, gusto ko noong una na kasama siya para matuloy ang bakasyon pero ngayong naiisip ko na kaming dalawa lang, ay mahihimatay yata ako. Sa kaba. Sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Hindi ba tumutulong siya sa business ng papa niya kuya? Baka busy siya. Nakakaabala pa ako."

"No. He needs a break. Gusto niyang magbakasyon para matanggal ang stress niya sa katawan. Kaya pumayag na rin naman ako. Bakit? Ayaw mo na bang matuloy ang bakasyon mo?"

"Siyempre hindi!" Maagap kong sabi sa kanya.

"Ok. I'll just talk to you later. See you," paalam ni kuya kaya nagpaalam na rin ako.

Tumalon talon ako sa tuwa sa binalita ni kuya. Masaya ako dahil makikita ko muli si Greg. Ang yabang na 'yon, hindi na bumalik sa bahay. Iyong huli kong kita sa kanya ay may kasama siyang ibang babae. Girlfriend pa yata. May pa 'pagbalik po namin mahal niya na rin ako' pa ako pero ang totoo, paasa lang siya. At umasa naman ako!

Dahil wala pa akong gagawin sa bahay ay magpepaint na muna ako. Ginawa ko na itong hobby since boring sa bahay at para mayroon na rin akong display sa kwarto ko. Tinextan ko muna si Greg sa sinabi ni Kuya at agad itong nagreply.

Greg:

Yes, I will. I need a break. Miss na rin kita.

My forehead twitched and my lips twisted because of resisting a big smile. I can feel the butterflies that overflowing in my stomach. Paano ba pakalmahin ang sarili? Paanong hindi matuwa? Kasi ako punong puno ang puso ko.

I want to be transparent about my feelings but I don't think it's good because I know that Greg will distant his self. Greg just sees me as a younger sister. Why would he like me right? I am too young.

Ako:

Miss you too. Hindi ka na bumibisita yabang ahh? May pinagkakaabalahan na babae?

I smirked when I replied it. Magugulat siguro iyon kapag nabasa niya ito.

Tinabi ko muna ang mga materials at umupo sa sofa para maghintay sa irereply ni Greg.

Greg:

I have some errands to do. Need to do it. And I don't have any girl to entertain to. Pinsan ko iyong nakita mo last month. Don't worry about the girls, ikaw lang naman ang babae ko.

Kagat labi akong nag iisip ng irereply ko. Paano ko irerebut ito?

Ako:

Sus, ang galing mo talagang mambola, ano? Tsaka paasa ka rin!

Nakahiga na ako sa sofa namin. Kinakagat ko na rin ang daliri ko dahil kinakabahan ako... kinikilig na rin!

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala nang reply ang dumating. Nagbilang pa ako ng ilang segundo pero wala na talagang dumating. Siguro may gagawin ng trabaho at busy siya para tulungan ang papa niya.

Ginawa ko na lang ang mga gagawin ko sa araw na iyon. I made myself busy para maging productive ang araw ko at naeexcite rin ako sa sasabihin ni kuya mamaya. So, I helped manang Plicia in cooking our lunch and merienda. I even helped our gardener for the betterment of our garden and I finished reading one book. It's tiring but I am very much happy for doing it. Nakakamiss magtrabaho sa bahay.

Pagkauwi ni Kuya, dumiretso siya agad sa akin. Nakaupo ako sa sofa sa sala kaya nilapitan niya agad ako.

"Are you that excited?" Nakakalokong ngiti ang ibinaling niya sa akin.

"Huh?"

"As I've said earlier, I have rules for you that need to obey." Tumango ako sa sinabi niya dahil alam kong kailangan ko ito. "Huwag kang lalayo kay Greg. Baka mawala ka pa ro'n. Get a hotel or inn but two rooms or if possible, go to a hostel. Better to socialize with other people. Always listen to what Greg will say... Stay safe... I don't want to see you home to have any injury or cut in your skin."

Tango ako nang tango sa mga sinabi ni kuya dahil tama nga naman siya. Kailangan kong makinig at mag ingat sa pupuntahan namin.

"Bukas na kayo aalis. Kailangan mo nang mag impake mamaya," dagdag niya.

"Bukas agad? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina kuya..." pagmamaktol ko. Aba sana natapos ko nang natupi at nakabili rin ako ng mga kakailanganin ko pagka nandoon na ako.

"I'm sorry. We just have decided earlier the dates, that's why I didn't tell you. You have your time. Maaga pa naman. Pero maaga rin kayong aalis bukas kaya maaga kang matulog mamaya... and I have one more favor... Don't use bikinis or anything, just rashguard please," ngisi niyang sabi.

"As if nagsusuot ako ng ganoon kuya."

"Just a reminder. And for him too."

"Huh?"

"Nothing. Maghanda ka na roon."

"Thank you kuya. Very very much," I said and hugged him.

Why I love my kuya very much? He was the one who acknowledged me first. Na kahit halos hindi ako nakakausap, siya ang unang lumapit sa akin at tinanggap ako na parang tunay na kapatid. He's always protective too and is pampering me with everything. Parehas sila ni papa.

Nag impake ako ng mga gamit ko. At kahit alas sais na, ay nagkukumahog akong bumili ng mga kakailanganin ko. Bibili ako ng rashguard dahil iyong dati ko pa na gamit ay matagal na. Nakakahiya naman kung 'yong luma ang gagamitin ko. Hindi kaaya aya sa kasama ko.

Before I went to bed, Greg messaged me that he will pick me up. Alas kwatro niya raw ako susunduin. Ang aga naman no'n!

Natulog ako na excited kaya naman kahit alas dos pa lang ng madaling araw ay bumangon na ako.

Naligo ako pero maligamgam na tubig para mabuhay pa naman ako. Baka kapag malamig, hindi ko na mabuhos sa katawan ko. Hindi na ako naglagay ng make up dahil mawawala rin naman iyon. Nagt-shirt ako pero magjajacket rin mamaya at nagpantaloon at nag sneakers lang ako para hindi hassle sa biyahe.

I prepared our food too if ever we would be hungry in our flight. Mabuti nang maging handa kaysa sa wala. Pagkatapos ko roon, nilagay ko na lahat ng gamit ko sa sala para doon na lang hintayin si Greg.

Nagising din si Kuya at titignan niya raw ang pag alis namin ni Greg.

Pagkaraan, may bumusina na kaya sinamahan na ako ni Kuya sa labas. Inayos din namin ang mga kagamitan sa sasakyan ni Greg at nag ayos na rin ako sa uupuan ko.

Kuya and Greg talk first. I think he will tell Greg his rules and policy. And of course, he will tell Greg that he should watch me all the time.

Lumisan na ang sasakyan namin at babiyahe kami patungong airport. May driver na maghahatid sa amin kaya hindi na poproblemahin ni Greg ang sasakyan niya. Sa sobrang excited ko rin ay gising ako buong biyahe namin patungong airport. Si Greg tulog. Puyat siguro kaya ganoon.

Nang nasa eroplano naman kami, ako naman ang tulog dahil sa antok at puyat ko. Dalawang oras naman ang biyahe kaya ok lang iyon.

Naalimpungatan ako sa tapik sa pisngi ko.

"Hey Blayrie, wake up!"

"Hmm..." nag unat unat ako ng katawan ko at napahinto lang nang makitang nakatitig si Greg sa akin. Tinakpan ko naman ang bibig ko at pasimpleng amoy. Baka ibang amoy na!

"Good morning," he greeted me huskily.

"Morning!" I smiled.

"Are you hungry? I brought the food you made. Baka nagugutom ka na."

"Ikaw? Hindi ka ba gutom?"

"I ate the sandwich earlier. I was hungry so I ate it," ani niya at kinakamot pa ang batok. Ang cute niya naman!

"Ok lang. Para sa ating dalawa naman 'yon."

"Kain ka muna. Malapit na yata tayo."

Pagkarating namin sa Del Carmen Airport ay nagrent si Greg ng van. Maaari namang makisama sa ibang turista para makamura siya pero sinabi niyang siya naman magbabayad. Nakalimutan kong mayaman pala siya. 'Tsaka siya pa yata ang maggagastos sa lahat!

Isang oras muli ang magiging biyahe namin para makarating sa inn na titirhan namin. I told him the hostel but he can't afford to share with other people. He can't trust them.

However, Greg suddenly put his head on my shoulder. I couldn't react immediately so I looked at him.

"I'm sleepy... Lend me your shoulder for a while please," he whispered. Nagpapaalam pa pero nakahiga na.

Bigla bigla niya rin akong niyakap kaya nagulat ako sa ginawa niya. Natulak ko pa siya kaya naalis ang pagkakasandal niya sa akin.

He wrinkled his forehead like he is asking me what's the problem. Hindi niya ba alam? Magkakaheart attack na ako rito.

Binalik niya ang pagkakahiga at pagkakayakap sa akin. Hindi ako makahinga ng mabuti dahil kinakabahan ako. Nakakatakot din na baka marinig niya ang tibok ng puso ko. At bakit napakaunfair ano? Samantalang siya komportable pero ako hindi. Ganoon talaga kapag walang nararamdaman sa'yo ang isang tao. Walang malisya na iisipin.

"Breathe Blayrie. Bakit mo pinipigilan ang paghinga mo? Kinakabahan ka ba sa akin?"

Unti unti akong huminga para hindi niya mahalata.

"Huh? B-bakit naman ako hindi hihinga?"

He chuckled and didn't say anything.

Nanuod na lang ako sa mga magagandang tanawin habang bumabiyahe kami. Surigao is known for being a tourist spot destination because of its amazing waves that surfers are very interested in. It is also instagrammable spot because of the coconut trees around the road.

"Hmm..."

Gumalaw si Greg at nakaharap na ang mukha niya sa leeg ko ngayon at nakaayos sa beywang ko ang mga kamay niya. Kagat labi kong pinipigalang huminga at bumibilis ang pintig ng puso ko. Wala naman kaming ginagawang masama pero bakit parang guilty ako habang iniisip sila kuya.

Mataas na ang araw nang makarating kami kanina sa airport. Alas otso i medya kami makakarating sa inn na titirhan namin.  Malapit na kami pero hindi ko muna ginising ang kasama ko. Baka inaantok pa siguro siya.

"Greg, gising... nandito na tayo!" Yugyog ko sa balikat niya dahil nakarating na kami sa inn. Hindi siya nagising at nag ayos lang siya ng pwesto niya.

"Greg... Uyy! Gising na! Nandito na tayo!"

"Ok... Am I heavy? Did I make you uncomfortable?" Ani niya at bumangon na ito at nakangiting nakatingin sa akin.

"Uhh... No. Ok lang naman ako."

"Let's go then," aya niya at inalalayan niya pa akong bumaba.

Kinuha niya lahat ng gamit namin at kinausap ang may ari ng inn. Sa La Luna Island Resort kami tumuloy.

Isa itong bahay kubo pero konkreto ang pagkakatayo. Malinis ang loob nito. Kumpleto ang mga gamit at perfect viewing pa sa mga tanawin. Mayroon din sa labas nito ang mga duyan na perfect tambayan o paghingaan.

"Do you want to rest first or eat our breakfast?"

"Magpahinga muna ako. Napagod ako sa biyahe."

"Ok then. We'll plan out our activities later," sabi nito at inayos ang mga gamit sa isang kabinet.

Umidlip muna ako sandali dahil pagod na pagod ako sa biyahe. Hindi na ako nag ayos basta humiga na lang ako na nakadapa sa kama. Hindi ko na rin natanong ang kasama ko dahil nakatulog na ako agad.

Naalimpungatan ako sa ingay sa labas. Magkakalapit lang ang inn dito kaya siguro mayroong nagkakakilala at nakikipagkaibigan sa ibang turista.

"No. I am with someone. I'm sorry," bigkas ng isang pamilyar na boses.

"Who's that? A friend?" Ani ng isang boses babae. Hindi na pamilyar.

I went outside and I saw a very nice view. Greg is with so many sexy and beautiful girls. They are foreign tourists and I admit that they have those big and round boobs and booty. Greg is handsome. You can't deny it. Isa rin siguro itong dahilan kaya nilalapitan siya ng mga turista.

"My girlfriend. I am sorry but she is jealous whenever I talk to another woman."

At sino iyon? Sa pagkakaalam ko dalawa lang kami. May hindi ba ako nakikita?

Lumingon sa banda ko ang isang babae kaya tumingin din si Greg dito. He smiled at me and he said something to the girls. Ngumiti rin ang mga ito sa akin at umalis na sila. Papalapit din siya sa akin.

"Kaya ka pala sumama sa akin, may kikitain ka palang girlfriend ha? Maganda ba?" tanong ko nang nakalapit na siya sa akin.

Ngumuso ito sa akin at dumiretso na lang ito sa loob ng inn. Inirapan ko naman ang likod niya.

"I prepared our breakfast and later, we'll talk about the activities," niya at inaayos ang pagkain namin.

Habang kumakain, pinag usapan na rin namin ang gagawin namin.

"Magdiving or snorkeling na lang tayo. Nakapagtanong ako kanina sa driver kung saan ang magandang diving spot dito," sabi ko.

"Do you know how to dive?"

"Siyempre ako pa!" Pagmamayabang ko.

"So, we're going to the three island tomorrow plus the lagoon. We are spending the whole day visiting it?"

"Yes!"

"What about the third day?"

"Chilling and relaxing."

Tumango lang ito sa desisyon ko.

After brunch, nagpahinga muna kami saglit. Ala una kami pumunta sa Palaka Siargao Dive Center at nakipag usap sa mga instructor para kumuha ng mga equipment at mga guidelines na rin para maging safe. Maganda ang araw at hindi masyadong mataas ang sikat ng araw. Saktong alas dos ay nag ayos na kami.

Second time ko itong pupunta kaya hindi ako masyadong kinakabahan. Noong una sobra.

Habang patungo kami sa spot, sobrang ganda ng tubig ang makikita mo. Asul na asul ang kulay nito at nakikita mo rin ang ibang isda na nakikipagsabayan sa takbo ng alon ng dagat.

"Aren't you nervous?" Greg asked while we are putting our safety equipment.

Umiling ako.

Tinignan niya lang ako ng mataman at seryoso na itong inaayos ang gamit niya.

Pagkababa namin sa tubig ay mapapamangha ka talaga. Una naming pinuntahan ay ang Bansicuyan Reefs. Maraming rock formation na pwedeng libutin at bukod sa iba't ibang uri ng isda ang makikita mo, may mga coral gardens din na talagang napangalagaan ng mga turista at mga mamamayan dito.

Tinanong pa ako ni Greg kung ok ba raw ako sa pamamagitan ng sign language at nagsign din ako ng ok.

Hindi ko namalayan na nauubos na ang gas ng tanke ko. Marunong naman akong lumangoy kaya hindi ako nababahala. Saka medyo malapit lang naman ang mga kasama ko.

I went to another coral garden I saw and it so beautiful. Wala talagang makakatulad sa ganda ng isla sa Pilipinas. Hindi ko rin namalayan na malayo na ang mga kasama ko. Hinabol ko sila kaya medyo napapalapit na ako. Umahon ako sa dagat at nakita kong pasakay na ang mga ibang kasabayan namin sa kani kanilang mga bangka. Lumangoy na lang ako roon pabalik.

"Manong, nakita niyo po ba 'yong kasama ko?" Tanong ko sa bangkero namin nang mapansin na wala pa si Greg doon.

"Ay ma'am, bumalik po siya roon sa dagat dahil nag aalala po siya sa inyo dahil ang tagal niyo pong nakabalik dito. Akala ko nga rin po, may nangyari ng masama sa inyo."

"Pwede po ba akong bumalik manong?" Nag aalala ko ring tanong.

"Huwag na ma'am. Mas maiging hintayin na lang natin si Sir dito. Baka magkasilisihan kayo. Ako na lang po ang titingin doon," ani manong pero saktong paakyat naman si Greg.

He went on me and hugged me tight. Nararamdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Na animo'y alalang alala sa pagkawala ko.

"What are you doing?" he asked smoothly but you can hear the thunder of his voice in every word he said.

"Huh?" Tanging nasabi ko dahil sa gulat kanina.

"I am worried. You should have followed me... Fuck! It's my fault!"

"S-sorry... n-nasiyahan kasi ako sa mga nakita ko. Hindi ko naman akalain na mahuhuli ako at naiwala ko ang paningin ko sa inyo... 'Tsaka marunong naman akong lumangoy. Hindi nga ako napahamak oh!" Sabi ko para maalu siya.

Nagsalubong lang ang kilay niya at mas lalong dumilim ang mga mata na parang may mali ako na nasabi.

Hindi niya ako pinansin sa buong magdamag naming paglayag pabalik sa aplaya. Ngunit mariin ang hawak niya sa beywang ko na tila anumang oras ay mawawala ulit ako sa tabi niya.

Kumain kami ng tahimik sa restaurant na pinuntahan namin. Hindi niya ako binabalingan at kahit isang sulyap hindi niya maibigay sa akin.

"Greg... sorry na! Hindi ko naman akalain na gano'n... 'Tsaka sinabi ko naman na magaling akong lumangoy hindi ba? 'Tsaka sabi ko naman sa'yo hin---"

I stopped when he looked up and glared at me. I start zipping my mouth now. Hindi niya muli ako pinansin kaya kinulit ko na.

"Fine! Magpapaalam lang ako sa'yo na pupunta ako roon sa Cloud 9 tower para manuod ng sunset. Kung ayaw mong sumama, ok lang basta payagan mo ako."

Tinignan niya ako ng masama bago nagsalita, "Sasama ako."

Sumama nga siya sa akin pero tahimik naman. Ang lakas talaga ng topak niya. Humingi naman na ako ng pasensiya ah! Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung nasiyahan ako roon. Though, kasalanan ko rin dahil pinag alala ko siya.

Nanuod na lang ako ng sunset dahil napakaganda nito. One of my favorite time is when the sun is setting. Binibigyan ka nito ng pag asa na sa kabila man ng kadiliman na darating sa buhay mo, magwawakas din ito at may liwanag na sasalubong sa iyo.

Paulit ulit nating mararanasan ang mga pighati at lungkot sa buhay. Pero sa bawat pighati't lungkot na iyon ay may kaagapay na maliliit na piraso na saya at isang malaking pag asa na lulukob sa iyong pag iisa at nadarama.

He slid his arm in my waist. He looked at me but no words came out in his mouth. He licked his lips and looked in front of the sea. I stared at him. Thinking the other meaning of sunsets.

Na sa bawat pagtatagpo ng langit at dagat ay iba't ibang kulay ang pinapakita nito. Na katulad sa pag ibig hindi maaaring parating masaya o lungkot ang mararanasan mo. Kailangan balanse. Na sa tuwing napapanuod natin ang repleksyon ng araw sa dagat ay tanda nito ang pag iisa at pagsakop nila sa isa't isa. Na kailangan, magkaintindihan at may komunikasyon kayo sa isa't isa. At ipakita na mahal na mahal mo siya.

"Alam mo ba? Paborito kong manuod ng sunset. Parati nga akong lumalabas sa bahay para makita lang ito... 'Tsaka mag stargazing. Sobrang saya manuod ng buwan at mga bituin sa langit. Nakakagaan lang sa loob," pagsasalita ko kahit hindi ko alam kung kakausapin niya ba ako o hindi.

"Then the next time you watch the stars and the moon in the sky, always think that I am watching too... with you."

Kagat labi akong tumango.

"Paano kung hindi ka pala nanuod? Eh di nascam ako?"

Ngumuso siya sa akin, "I'll send you an evidence then," he said.

I chuckled and he chuckled too. Hindi na rin siya ganoong masungit kaya nakakausap ko.

Sa unang panunuod ko nang paglubog ng araw na may kasama ay hindi ko inaasahan na si Greg ito. Iniisip ko noon na sa bawat masasayang araw ko na panunuod nito, hinihiling ko na makasama ang lalaking ninanais ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro